Chapter 29: A Series of Unfortunate Events (Cultural Committee Conundrum)
CONTENT AND TRIGGER WARNING: This chapter contains content that might be troubling to some readers, including, but not limited to, depictions of and references to death, self-harm and suicide, graphic violence, sexual assault, strong language and more.
Please be mindful of these sensitive themes and other possible triggers. Remember to practice self-care before, during and after reading.
LORELEI
"YOU'VE BROUGHT bad luck to your former school."
Loki's bored face was displayed on my phone screen, repeatedly yawning as if he had just woken up. After receiving the threat message from Vessy's unit, agad ko siyang tinawagan para i-consult tungkol sa code. That was right up his street.
"At sa 'yo pa talaga nanggaling 'yan?" I rolled my eyes after recalling Margarette's remarks that he was some sort of magnet of tragedies. Mula nang magkakilala kami, laging may nangyayari sa paligid ko. Nahawa na rin siguro ako sa sumpa niya, kung meron man.
"Let me see the code again," utos niya. Itinutok ko ang camera sa papel na puno ng mga shaded na bilog. He scratched his head as he inspected them eagerly with his hawk-like eyes. "I've got an idea on what type of code was used."
"Ano 'yon?" He never failed to deliver. With just a look, he knew the answer.
"Sorry, but I'm not yet in the mood to discuss it." Muli siyang humikab. "Jamie beat me in the online Game of the Generals. I'm taking my loss seriously."
"Bakit hindi mo pa sabihin sa 'kin para masimulan na namin ang pag-decode?" naaasar kong tugon. He could have revealed the code then hung up. But no! Mas gugustuhin niyang pasakitin muna ang ulo ko.
"I'll tell you when I'm ready. I need to pour myself a cup of coffee first."
Napabuntonghininga ako. Kapag talagang ayaw niya, ayaw niya. "Just tell me that this isn't binary code."
"A binary code uses a string of eight digits in either 0s or 1s. Your code only has six characters containing shaded and unshaded circles."
"How about Morse code?"
"You have to distinguish which between the shaded and unshaded circles represent the short and long signals. But your code has a constant of six units. In the Morse code alphabet, the number of signals vary per letter. Anyway, I'll call you back later."
"Okay. Just make sure—"
He hung up. Ito na ba ang ikalawang beses na binabaan niya ako ng tawag? Nasanay na akong makatanggap ng "K" replies mula sa kaniya kaya hindi na ito kagulat-gulat pa.
"It looks like he hasn't told you anything yet," nakangiting komento ni Alistair. Nakaupo siya sa couch habang pinag-aaralan ang code. May mga isinulat siyang letra sa tabi ng bawat item.
After solving the dormitory suicide case, we returned to the student council office to discuss the new problem at hand. Just when we thought that our troubles were already over, here came a new challenge.
"Kung totoo ngang threat ang nakalagay sa code, masasabi ba nating legit 'yan?" may pagdududang tanong ni Lionel. Mukhang napagod siya sa pagkontrol ng crowd sa campus plaza. "Baka nanggugulo lang ang nagpadala niyan at gustong makuha ang atensiyon namin?"
"We cannot underestimate the sender." Mabagal na umiling ang kababata ko bago seryosong binalingan ang student council president. "They put some effort in this coded message so they must be serious. Mas mabuti nang mapaghandaan natin kung anuman ang binabalak niya. An ounce of prevention is worth a pound of cure."
"Ugh!" Napaupo si Lionel at napahilamos ng mukha. "Bakit ba ngayong term ko nangyayari ang mga kamalasang 'to? We want this festival to be fun! Nag-outsource pa kami ng concessionaires para magkaroon ng maraming options ang attendees at maging mas lively ang event."
"Whoever sent this message has another definition of fun. They want to play with our minds." Muli kong tiningnan ang mga bilog. Naalala ko ang mga sinasagutan naming multiple choice exam kung saan kailangang i-shade ang tamang sagot. "I hope Loki will call us back soon."
I tried asking our dear old friend Google and searched for "code with shaded and unshaded circles." Kaso walang kahit anong search result na makapagtuturo sa tamang sagot. Our only hope was Loki or Alistair if he managed to figure it out.
Habang tahimik naming pinag-iisipan ang code, biglang bumukas ang pinto ng student council office. Pumasok ang isang lalaki na may mabibilis at mabibigat na yabag. Naririnig ko pa ang paghingal niya na parang ilang kilometro ang itinakbo sa labas.
"Mr. President!" sigaw niya kaya halos napatalon ito sa upuan. Parang nakakita siya ng multo sa putla ng mukha niya. "May emergency tayo!"
Napabuntonghininga ang student council president. May problema na namang kumakatok sa kaniya. "What is it this time?"
"Ang chairman ng organizing committee . . . natagpuang duguan at walang malay sa kanilang office!"
"Ano?!" Agad na tumayo si Lionel at nilapitan ang pumasok na estudyante. "Can this day get any better? Nasaan na siya ngayon?"
"Nandoon pa rin siya sa office. Hindi pa namin siya ginagalaw kasi baka lumala ang kondisyon niya. On the way na ang clinic nurse para i-check ang kaniyang lagay."
"Al? Lori? Will you come with us?" tanong niya sa amin, tila nagmamakaawa ang boses.
Nagtinginan kami ni Alistair. Dahil stuck kami sa misteryosong code at hinihintay namin ang tawag ni Loki, sabay na kaming tumayo at tumango sa student council president. Baka may mag-flash na idea sa mga isip namin habang chine-check kung ano ang nangyari.
"We've got nothing better to do at the moment."
"Thank you!" tugon ni Lionel bago lumingon sa officer. "Lead the way."
Lumabas kaming apat sa student council room at nagmadaling naglakad patungo sa dulo ng hallway. We hastened our pace. Lumiko kami sa kaliwa at dumeretso hanggang sa narating ang room na may signboard na CULTURAL FESTIVAL COMMITTEE.
Mabuti't suot-suot ko pa rin ang aking shades at naka-bun pa rin ang buhok ko kaya hindi ako basta-basta makikilala ng mga estudyante at teacher na nakasalubong namin. If it worked on Adelbert, it might also work on them. And it did.
Pagpasok sa loob, natagpuan naming nakahandusay sa sahig ang katawan ng isang lalaki. He was lying flat on his stomach. There was a fresh wound at the back of his head, just a little above his left ear. Nakatayo sa paligid niya ang iba pang member ng committee.
"Don't worry, he's still alive," sabi ng lalaking nakasalamin sa amin. "Meron pa siyang pulso at humihinga pa siya."
Iginala ko ang aking mga mata sa kanilang office. Isang parihabang mesa ang nakaposisyon sa gitna at may mga cabinet sa magkabilang side. Natagpuan sa bandang kaliwa ang walang malay na estudyante, sa paanan ng cabinet. Sa tabi niya, may isang silver trophy na nabahiran ng dugo ang base. It was standing upright on the floor.
Hindi nagtagal ay dumating ang school nurse at dalawang lalaki na may dala-dalang stretcher. Maingat nilang iniangat ang katawan at inilagay roon. His chest was contracting and expanding so he must truly be alive. As long as he was given proper medical care, he could make it. Sumama sa kanila palabas ng kuwarto ang officer na nag-inform sa amin tungkol sa nangyari.
"So who can tell me what happened here?" tanong ni Lionel sa tatlong natitirang member ng committee sa loob. "How did Brian end up with blood on his head?"
Itinaas ng lalaking may malaking pangangatawan at magulong buhok ang kamay nito. Nakasulat ang pangalang Andrew sa nameplate na naka-pin sa chest pocket niya. "Mr. President, this looks like an accident. Baka sinubukang abutin ni Brian ang trophy sa cabinet nang bigla niya 'yong nabitiwan kaya tumama sa ulo niya."
"Brian is sometimes clumsy kaya siguro nangyari 'to," dagdag ng babaeng abot-balikat ang buhok na naka-perm. The name Ruby was engraved in her nameplate. "We should have volunteered to get the trophy here instead of him."
"Teka, bakit nandito nga pala kayong tatlo?" Kumunot ang noo ni Lionel habang palipat-lipat ang tingin sa bawat officer. "You're supposed to be on the campus plaza, right?"
"Oo, kaso naisipan naming bumalik dito upang kunin ang materials para sa susunod na event." Napahawak sa suot na salamin ang isa pang lalaki gamit ang kaliwang kamay. The name Timothy was engraved on his nameplate. "Mahigit thirty minutes ding hindi bumalik sa aming puwesto si Brian. Hindi rin siya sumagot sa calls namin kaya pinuntahan na namin siya rito."
"Crucial ang role niya sa event na 'to kaya dapat naging maingat siya." Tinitigan ni Lionel ang pool ng dugo sa sahig. "I dealt with curious onlookers sa suicide sa dorm kanina. 'Tapos may sino-solve kaming threat letter ngayon mula sa isang anonymous sender. Now, this."
"By the way, who are these two?" Ngumuso sa amin si Ruby. Balot din ng pagtataka ang mga mukha nina Andrew at Timothy.
"Meet Alistair and Lorraine, detectives from Clark High's QED Club." Ikinumpas ni Lionel ang kamay niya sa amin. Kumaway at ngumiti kami sa kanila. Mabuti't nag-stick siya sa script ng kasama ko.
"D-Detectives?! May ipinapaimbestigahan ba kayo, Mr. President?"
Umiling si Lionel. "Nataon na bumisita sila rito nang nangyari ang mga sunod-sunod na kamalasan sa school natin."
Naglakad-lakad si Alistair habang patuloy na nag-uusap ang mga student officer. Malamang, pareho kami ng iniisip tungkol sa nangyari kay Brian. Duda akong aksidente ang nangyari. There was more to this case that what these students claimed.
"Can I ask a question?" Lumuhod siya sa tabi ng duguang trophy at hinarap ang mga member ng committee. Tumango sa kaniya ang tatlo. "You said that the chairman went here to get the trophies. While he was away, did you leave your post?"
Nagkatinginan muna sila bago sumagot.
"May mga oras na umalis ang tatlo sa amin," sagot ni Timothy sabay ayos sa salamin gamit ang kaliwang kamay. Tumango ang dalawa niyang kasama. "Meron kasi kaming mga papeles na nilalakad at ibang bagay na inaasikaso para sa solidarity night mamaya. Bakit?"
"Ang sabi n'yo, posibleng aksidente ang nangyari. But I don't think that's the case here."
"W-What?!"
Inobserbahan ko ang kanilang reaksiyon. They all got the same look in their faces. Mahirap basahin kung sino ang pinakanagulat sa kanilang tatlo. I was not an expert in reading microexpressions, so I could not make any sense from the movement of their eyes, the twitching of their lips, or the crinkling of their noses.
"A-Ano'ng ibig mong sabihin?" nauutal na tanong ni Ruby matapos mapatakip ng bibig. Pakurap-kurap ang mga mata niya at may namuong pawis sa kaniyang noo. "Are you telling us that someone hit Brian with that trophy?"
"There are some items in this scene that we have found strange." Tumabi ako sa aking kababata at itinuro ang silver cup. "Una, 'yong trophy na tumama sa chairperson n'yo. Kapag nahulog ang isang bagay, kadalasa'y nakatumba 'yon. Kung napansin n'yo ang trophy, nakatayo siya na parang maayos na inilagay sa sahig."
"Next, the injury of the victim." Napahawak si Alistair sa likod ng ulo niya. "He was struck in the left side on the back of his head. Kung nahulog sa kaniya ang trophy habang inaabot 'yon, mas mataas ang possibility na matamaan ang kaniyang bumbunan o mukha."
"Napasobra yata ang pagka-fanatic n'yo sa detective stories?" Umangat ang isang kilay ni Andrew. "Puwede n'yo nang gawan ng istorya ang theory n'yo!"
"Thanks to them being detective fanatics, they managed to solve the case in the dorm earlier," depensa ni Lionel sa amin. "Pakinggan muna natin ang deductions nila at makipag-cooperate kung meron silang tanong, okay?"
"Who among you left your place on the campus plaza?" Inilibot ni Alistair ang tingin niya sa tatlong nagtaas ng kamay.
"This is ridiculous, Mr. President!" reklamo ni Andrew, parang may lalabas na usok sa kaniyang ilong. "They're making a big deal of this simple accident! Oo, meron nga silang na-solve na case kanina, pero baka natsambahan nila 'yon!"
"I trust them completely." Tiningnan siya nang straight sa mata ni Lionel habang seryoso ang mukha. "Kapag sinabi nilang hindi 'to aksidente, posibleng hindi nga 'to aksidente."
"Pero—"
"Kung wala kayong itinatago, let them investigate. If you're innocent, lalabas at lalabas din 'yon."
Lumapit sa akin si Alistair, nakamatyag pa rin ang tingin sa tatlong suspek. "We can identify who the suspect is based on one fact."
"Yes, the victim's injury—"
"Don't let them hear you. Siguradong kinakabahan na siya ngayong alam na nating hindi ito basta-basta isang aksidente. Kailangan lamang natin i-confirm ang isang bagay."
"Kung alin talaga ang ginagamit niya, tama?"
I had been with Loki for months, so I began to become more observant with the people around me. Kaya nga pagkakita ko pa lang sa crime scene kanina, naramdaman kong may mali at kakaiba rito. My childhood friend must be thinking the same so we might be on the right track.
"Kailangan din natin ng proof para hindi siya makalusot," dagdag niya.
Tumango ako. "Let's start by asking who among these three wants to see Brian harmed, or worse, dead."
"Why don't you initiate the interrogation?"
"Are you sure? You will surely do it better than me."
"As long as you know what questions to ask, we will get what we need from them."
"But—"
"Don't worry. I will be right here to support you. Kaya mo 'yan!"
"Fine." Huminga muna ako nang malalim bago humarap sa tatlo. They were waiting for us to speak. "May we know kung sino sa inyo ang may motibo para atakihin ang chairperson? Meron ba sa inyong may galit o hinanakit sa kaniya?"
Natawa si Timothy, pailing-iling pa ang ulo. "Huwag ka ngang magmalinis diyan, Andrew. Kung motibo ang pag-uusapan, pasok ka sa banga. Hindi ba't nagrereklamo ka kapag inaangkin niya ang ideas mo?"
"Ano'ng sinabi mo, apat na mata?!"
"Totoo naman, 'di ba? Lagi niyang ninanakaw ang ideas mo kaya nire-resent mo siya."
"Hey, kalma kayong dalawa!" Namagitan si Ruby sa kanila bago pa 'yon mauwi sa sakitan. "Nakahihiyang nag-aaway kayo sa harap mismo ng student council president at ng mga bisita natin!"
"Huwag ka ring umasta na parang wala kang motibo, Ruby!" sunod siyang pinuntirya ni Andrew. "May gusto ka kay Brian, 'di ba? Nagpagamit ka sa kaniya dahil inakala mong magugustuhan ka rin niya kapag ginawa mo 'yon. Kaso nalaman mong wala talaga siyang gusto sa 'yo kaya malamang gumanti ka ngayon."
"Totoong may gusto ako sa kaniya, p-pero . . ."
Napabuga ako ng hangin. So the three of them had the motive to hurt the chairman. I wondered how they got along despite their differences and spite against their leader.
"Kung isa sa inyo ang nanghampas ng trophy sa kaniya, posibleng may ma-detect na fingerprints dito lalo na kung hindi siya naging maingat." Hinawakan ni Alistair ang trophy at maingat na ipinatong sa mesa. Gumamit siya ng panyo para hindi dumikit doon ang fingerprints niya. "We have friends in the police. Kung sasabihin naming may nagtangkang pumatay sa isang estudyante rito, they will cooperate with us."
"We hope that you will let them take your prints," dagdag ko. "Cooperation is a proof of your innocence. Puwede rin nating i-confirm kung hinawakan nga talaga 'yan ng chairperson n'yo para kunin."
Nanatiling kalmado sina Timothy at Ruby, habang tila nabahala si Andrew. Itinaas niya ang kaniyang kamay. "Uunahan ko na kayo. Siguradong may makukuha kayong fingerprints ko sa trophy. Ako ang bumili niyan at ako rin ang naglinis niyan kaninang umaga. Gumamit ako ng anti-tarnishing agent sa buong trophy para hindi siya agad mangalawang."
Beep! Beep! Beep!
'Yon na siguro ang tawag na hinihintay ko. I took out my phone after feeling a repeated vibration in my pocket. Loki's name flashed on the screen. Finally. Nasa mood na siguro siya para tulungan kami sa pag-crack ng code.
"Hello?" bati ko nang kumonekta na ang tawag.
"Good news. I've finished my cup of coffee."
"Good news, indeed. That will certainly save the world from destruction." I rolled my eyes and turned my back to everyone in the room. I let my friend take over the questioning.
"You sound less enthusiastic than earlier. Did the sender of the threat make their move prematurely?"
"We've encountered another case again. May isang estudyante rito na hinampas ng trophy sa ulo. We're trying to figure out who among the three suspects is the culprit."
"My, my. You've brought extreme bad luck to your school!"
"Perhaps you passed your curse to me." That was not a joke I wanted to make, but the words escaped my lips. "Teka, you said something about the sender attacking prematurely?"
"I've figured out the code. It's no doubt a threat message. Are you familiar with the Braille?"
"Braille? 'Yan ang ginagamit ng mga visually impaired para makapagbasa, tama?"
"Developed by Louis Braille, the said writing system uses dot patterns to represent the letters of the alphabet. These raised dots are arranged in two columns and three rows."
"You said two columns and three rows, but the six circles in the note are lined up in a single row."
"Same concept applies here. To read them, you have to rearrange the circles in the format of a Braille cell. The first and second circles remain in the first row. The third and fourth circles go in the second row, and the fifth and sixth circles in the third row."
I mentally took note of his instructions. "Got it. Thank you. You may now enjoy a second cup of coffee."
"Wait, I need to ask you something. Urgently."
My left eyebrow crept up. I thought that he would hang up before I could even finish the word 'thank you.' "What is it?"
"Are you free tomorrow? I'd like you to come with me."
Napakagat ako ng labi. Tomorrow was going to be my dad's advance birthday celebration. I had already promised Alistair that I would attend. "Sorry, but I also have a commitment this Sunday."
"Okay. I'll ask Jamie then. Good luck and goodbye."
Bakit kaya niya ako biglang natanong? Gusto niya ba akong yayain na makipag-date? Imposible. Even if he did, it was either a joke or it was for a case. The latter was probable.
Habang abala si Alistair na tanungin ang tatlong suspek kung nasaan sila noong oras na umalis ang chairman, I pulled out the paper containing the code. Sinearch ko sa Google ang Braille alphabet para gawing reference at sinimulan ang pag-decode sa paraang nabanggit ni Loki. It took me a while to translate the whole code into letters and words that I could comprehend. Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang buong decoded message.
AT SEVEN IN THE EVENING
THERE WILL BE SCREAMS
THERE WILL BE BLOOD
"What the—"
"Hey, Lori?" Sumulpot sa tabi ko si Alistair. Sinilip niya sa balikat ko ang aking hawak-hawak na papel. "My interrogation failed to yield anything conclusive. Lahat sila'y posibleng umatake sa kanilang chairperson."
"Meanwhile, I have decoded the threat message." Ipinakita ko sa kaniya ang note. "Something's going to happen this evening!"
"Meron pa tayong walong oras para alamin kung anong binabalak ng nagpadala nito." Nanlaki rin ang mga mata niya bago lumingon sa tatlong suspek. "But first, we have to solve this case. May alam na akong way para malaman natin kung sino sa kanila ang nanghampas ng trophy. If you noticed that person . . ."
"I saw it, too. But how are we going to prove it?"
"Salamat sa pagsali ko sa QED Club, may natutuhan ako kay Loki."
"What are you planning to do?"
Ngumiti lang siya sa akin bago lumapit sa tatlo. Ano kaya ang ambag ng club president namin sa kaniya?
"Alam na namin kung sino sa inyo ang pumunta rito para hatawin ng trophy ang inyong chairperson." Nakapamulsa siyang naglakad sa harapan ng mga suspek. "Here are the possible scenarios. Una, posibleng may nakaabang na rito sa office bago pa man pumasok ang biktima. Pangalawa, posibleng tahimik at maingat na pumasok ang isa sa inyo habang nasa loob siya."
Lumingon siya sa akin at nagtagpo ang tingin namin. Parang sinenyasan niya akong ipagpatuloy 'yon. "One thing is for certain—the trophy did not slip from Brian's grasp and hit him in the head. Someone struck him from behind, hence the injury on the back of his head near the left ear."
"And if you will observe his injuries, it's—" Biglang huminto si Alistair, natulala ang mga nanlaking mata sa likuran ng lalaking nakasalamin. "Something's behind you!"
Lumingon sa kaliwa si Timothy. "A-Ano 'yon?"
"Meron din sa likod mo!" Sunod na itinuro ng kababata ko ang espasyo sa likod ni Ruby.
"N-Nasaan?" tanong nito paglingon sa kaliwa, hinahanap kung anuman 'yon.
"And you as well!"
"Behind you as well!"
Sa kanan naman lumingon si Andrew, mukhang hindi natutuwa sa trip ng kababata ko. "What are you playing at?"
Ngumisi si Alistair habang pinagmamasdan ang pagkalito sa mukha ng tatlo. Naintindihan ko na kung bakit nabanggit niya si Loki kanina. Kung kasama namin ang lalaking 'yon, baka may gawin din siyang gano'ng stunt. "I apologize for making you three confused. That test has revealed to me who among you is most likely the culprit."
"Enlighten us," sabi ni Lionel sabay kamot ng ulo. "Kahit ako'y nalito kung para saan ang ginawa mo. Akala ko, may nakikita kang hindi namin nakikita."
"Huwag kang mag-alala, malapit na nating malaman kung sino sa kanila ang umatake kay Brian. Meron ba kayong pen at papel diyan?"
Naglabas ang tatlo ng kani-kanilang pen. Nagtataka pa rin sila kung para saan ang lahat ng pinagagawa ng kasama ko. Hindi man niya shinare sa akin ang kaniyang plano, may idea ako kung ano ang gusto niyang i-accomplish.
"Write your names on that piece of paper," utos niya.
Dalawa sa tatlong suspek ang sumunod sa kaniya. 'Yong isang hindi nagsulat ay hawak-hawak ang pen sa kaliwang kamay at nakatitig sa blangkong papel. May namuo nang pawis sa noo niya habang naka-steady pa rin ang kamay niyang may hawak na pen.
"Is something wrong?" tanong ni Lionel sabay lapit sa isa sa kanila. "Al asked you to write your name. Bakit hindi mo magawang magsulat?"
"He must have realized something," hirit ko nang nanatiling tahimik ang taong 'yon. "If he writes his name, it will only make us suspect him more. Isn't that right, Timothy?"
q.e.d.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top