Chapter 29: A Series of Unfortunate Events (Connecting Dots)
CONTENT AND TRIGGER WARNING: This chapter contains content that might be troubling to some readers, including, but not limited to, depictions of and references to death, self-harm and suicide, graphic violence, sexual assault, strong language and more.
Please be mindful of these sensitive themes and other possible triggers. Remember to practice self-care before, during and after reading.
LORELEI
"ADELBERT GUZMAN," I spat the name like poison. Kumuyom ang mga kamao ko pagbanggit doon.
That name was the trigger. That alone was the key that unlocked my mental vault where my haunting past had been sealed away. What happened that night was replayed in my mind. Unfortunately, I could remember every bit of it as if the tragedy just happened yesterday. The scar was opened again.
It all happened in one night of February 2017.
MANY WERE looking forward to the annual soiree. But me? I was not as enthusiastic as most students. Pumunta ako rito dahil mag-a-attend din ang kababata ko para siguruhing maayos ang takbo ng event. Member kasi siya ng organizing committee. 'Tapos meron ding incentives sa grade namin sa finals.
I was at the makeshift bar in our gymnasium, sitting alone while watching the flashes of different colors give life to the late night event. My outfit for tonight was a cyan midi dress. Most attendees were clad in coats and gowns, dancing on the floor as if it was the last day of their lives. Meron din ibang kagaya ko na nakaupo at painom-inom ng soda sa isang tabi.
"You don't seem to be enjoying the party." A girl with blonde curls wearing mermaid gown approached me. Pumuwesto siya sa barstool sa aking tabi. Naglagay siya ng dalawang wineglass sa countertop. "You're drinking soda? Seriously? Here, have a real drink."
Umangat ang isa kong kilay habang nakatitig sa mga baso. "What's this?"
Deretsong ininom ni Regina Victoria ang drink niya na parang uminom siya ng tubig. "Don't worry. That's just a white grape wine. Mas appropriate para sa ganitong event. That's way better than your bland soda."
"I don't drink alcohol." Inilayo ko ang baso mula sa akin. Ni minsa'y hindi pa ako nakatikim ng kahit anong klase ng alak. Just a drop would probably make me puke.
"That's non-alcoholic. Hindi ka malalasing niyan." Muli niyang inilapit ang baso sa harapan ko. "Consider this drink as my thank you gift to you. You've made me realize a lot kaya gusto kong magpasalamat. You've opened my eyes."
She must be referring to the fabricated financial reports of the peer support group which she was a part of. Matapos kong i-expose ang mga discrepancy sa kanilang report, noong una'y nagalit siya sa akin dahil sa pangingialam ko. Pero kinalauna'y kumalma siya at nagpasalamat pa sa akin.
Muli kong tinitigan ang inuman. Baka sinusubukan niya akong i-trick para uminom ng alcohol. Para makasiguro, tumikim ako nang kaunti. Hindi siya mapait. Lasang carbonated drink nga siya.
"See? Now go ahead and drink it straight!" Kumurba ang mga labi niya. "Hindi na masarap ang lasa niyan kapag natanggal na ang lamig."
Ininom ko nang deretso ang white grape wine 'tapos ay pinunasan ang aking bibig. Masarap pala ang lasa! Mukhang makaka-dalawang baso ako mamaya.
"Excuse me, Lorelei?"
Sumulyap ako sa aking tabi. Bumati sa akin ang nakangiting mukha ng lalaking may wavy na buhok. Nakasuot siya ng itim na coat na may pulang necktie. May hawak din siyang wineglass na ipinatong muna niya sa bar.
"Yes, Adel?" tugon ko. "What's up?"
"Would you like to dance with me?" Inalok ni Adelbert Guzman ang kamay niya sa akin. Hindi ako sanay na gano'n kalapit ang mukha ng isang lalaki sa akin kaya agad akong lumayo. Was he trying to hit on me?
"Sorry, but I'm not into dancing."
"Hindi mo mae-enjoy ang soirée na 'to kung hindi ka sasayaw kahit minsan."
Siniko ako ni Regina. "Sige na, Lori! Imagine, si Adel na mismo ang nagyayang sumayaw kayo? Others would have automatically said yes kapag niyaya niya. Ikaw pa lang yata ang nag-turn down sa kaniya."
"Hindi mo mae-enjoy ang prom na 'to kung hindi ka sasayaw kahit minsan," Adel insisted, offering me his hand.
Heartthrob man ang tingin ng karamihan kay Adelbert, never akong na-attract sa kaniya. Walang panghihinayang o pagsisisi sakaling hindi ko tanggapin ang offer niyang sumayaw.
Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako mula sa aking upuan. Gusto kong magreklamo pero walang boses na lumabas. Lumabo rin ang paningin ko at tila may nakabara sa aking mga tainga. Kakaiba ang pakiramdam ko.
Unti-unting bumigat ang talukap ng mga mata ko. Tumingala ako at pinanood ang iba't ibang kulay ng liwanag na sumasayaw sa kisame. Bukas-sara ang bibig ni Adelbert, pero hindi ko naintindihan ang mga sinabi niya. Doon na tuluyang umikot ang paningin ko.
What's . . . going . . . on . . . ?
Then I blacked out.
"Lorelei?"
My consciousness snapped back into the present as Alistair tapped my shoulder. Those images . . . Why did they keep on flashing in my mind? Masama bang ideya na bumalik dito sa school kung saan nangyari ang lahat?
"Okay ka lang ba?" tanong ng kababata ko. Batid ko ang pagkabahala sa kaniyang mukha at tono. "Baka gusto mong pumunta ng clinic at magpahinga muna roon?"
Mariin akong umiling at pumeke ng ngiti sa kaniya.
I shook my head. Thanks for the concern, by the way. "Don't worry about me. May naalala lang ako."
Dahil nandito na rin ako, now might be the right time to face my past. Hindi ko alam kung coincidence ang mga nangyari so far, but fate might be telling me to stop running away and confront the past that was haunting me from time to time.
We waited until Inspector Hermosa received message from his officers that Adelbert Guzman—the only person of interest in this case—had arrived at the building. Inayos ko ang pagkaka-bun ng aking buhok at muling isinuot ang aking sunglasses kahit walang nakasisilaw na liwanag sa kuwarto.
A guy with wavy hair appeared at the doorway. Namumugto pa ang mga mata niya na tila katatapos umiyak. Ibang-iba na ang itsura niya ngayon—sobra ang kaniyang ipinayat na parang napabayaan niya ang sarili.
"T-Totoo ba? Na patay na si Vessy?" agad niyang tanong pagpasok sa kuwarto.
Pumikit ang mga mata ng inspector at marahang umiling. "Nagbigti siya ngayong umaga . . . or so it seemed."
"Anong 'or so it seemed' na sinasabi n'yo?" Naningkit sa kaniya ang mga mata ni Adelbert. Masyado siyang focused sa kausap niyang pulis kaya hindi pa nagagawi sa amin ni Alistair ang kaniyang tingin. "Is it possible na hindi talaga suicide ang nangyari? Sinadya ba siyang patayin? Sino ang mga suspect?"
"Meron kaming isang person of interest. At ikaw 'yon. Ikaw ang huling naitalang bumisita sa biktima bago siya natagpuang walang buhay ng mga kaibigan niya."
"Kaibigan?" Lumingon na sa amin si Adelbert. Nanlaki ang mga mata nito nang nakita ang katabi ko. "A-Alistair! A-Ano'ng ginagawa mo rito?"
"Long time no see, Adel." Kumaway ang kasama ko sa kaniya. "Lionel invited us to the cultural festival kaya nagpunta kami rito."
Sunod na nabaling ang tingin niya sa akin, bahagyang naningkit ang mga mata. My face might seem familiar to him, but he failed to recognize me. All thanks to my hair bun and sunglasses.
"Teka, ako ba ang pinagsususpetyahan n'yo?" pagulat niyang tanong sa inspector. "Kaya ba pinatawag n'yo ako rito?"
"Kung isa 'tong murder, ikaw ang unang taong dapat naming tanungin. Baka ikaw mismo ang salarin o baka may napansing kang kakaiba sa biktima bago siya nagbigti."
Kumuyom ang mga kamao niya habang pailing-iling ang ulo. "I love Vessy kaya hindi ko siya magagawang patayin! Ni hindi ko nga siya magawang saktan, e!"
"But if this is indeed a murder, no matter what you claim here, you're the most likely suspect." Binasag ko na ang aking katahimikan. Nilaliman ko ang aking boses para hindi niya makilala. "If no one else came to the victim's room, you're the only one who could have murdered her."
"Sino ba ang feeling detective na 'to?" naasar niyang tanong sabay turo sa akin.
"She's Lorraine, my cousin from the States," pagpapakilala sa akin ni Alistair. He had to maintain my cover especially in front of this disgusting guy. "Mahilig din siyang mag-solve ng mga mystery. In fact, she's a detective in her high school."
"Whether she's a detective or a wannabe detective, hindi tamang paghinalaan niya ako nang walang ebidensiya!"
"So are you saying that someone who cannot be seen by the cameras and can walk through walls killed Vessy?" Bahagyang lumakas ang boses ko. Mabuti't tinapik ako sa balikat ng aking kasama kaya nakapagtimpi pa ako.
Kung siya nga ang pumatay sa dati naming classmate, sisiguruhin kong mananagot siya.
Inilabas ni Inspector Hermosa ang pen at notepad niya. "Puwede ba naming malaman kung ano'ng ginawa n'yo ng biktima kaninang alas-siyete hanggang sa umalis ka rito?"
"She's been busy the past few days preparing for the event. Doon na nga siya sa student council office natulog kahapon para maayos ang program. This morning, I brought her some candies and chocolates to cheer her up. I even brought breakfast for the two of us."
Sumulyap ako sa supot ng nalusaw na chocolate sa mesa. Siya pala ang nagdala ng mga 'yon.
"Kumain kami ng breakfast dito," dugtong niya. "Because she was exhausted, I gave her a massage. We talked until she said she wanted to sleep. Pagkatapos n'on, umalis na ako sa unit niya."
"Do you have any proof na gano'n nga ang ginawa n'yo habang magkasama kayo kanina?" tanong ko.
"Dapat ba nag-selfie ako o v-in-ideo-han ko ang ginawa namin para may ebidensiyang hindi ko siya ibinigti?" sagot niya.
Kumuyom ang mga kamao ko. Kapag hindi ako nakapagtimpi, masasampal ko ang lalaking ito.
"Huwag kang masyadong padala sa emosyon mo," bulong ni Alistair, pasimple akong pinakakalma. "You will not find clarity in this case if you let your emotions get the better of you. Alisin mo muna kung anong nararamdaman mo laban sa kaniya."
Sinusubukan ko, pero mayamaya'y biglang sumasagi sa isip ko ang ginawa niya sa akin noon. That memory had been unlocked from my mental vault since I returned to this school. Those flashbacks were making the situation worse.
"Napansin mo bang malungkot siya o may pinoproblema nitong mga nakaraang araw?" tanong ni Alistair. "Chineck namin ang mga resibo sa trash can niya at napansin naming bumili siya ng dalawang bote ng gin. Those were purchased two days ago."
"She didn't mention anything to me," sagot ni Adelbert. "Ni hindi ko rin alam na bumili siya ng alak. Hindi naman siya iinom dahil sa pressure na dala ng pag-o-organize ng isang event."
"Sa relasyon n'yong dalawa, hindi ba siya nanlamig sa 'yo?"
"Nanlamig? Hindi ko masasabing gano'n dahil talagang busy siya sa ginagawa niya sa school. Minsan, niyayaya ko siyang . . . gawin ang bagay na ginagawa ng mag-boyfriend at girlfriend . . . pero tumatanggi siya. She always said she was too tired from council works."
"Wala ba kayong naging away recently?"
"Hindi talaga away. Nagtampo siya kasi hindi ako nakasipot sa date namin sa isang mall. May ipinagawa kasi ang family ko sa 'kin kaya I didn't make it that day—"
"Inspector!" Sumaludo ang isang pulis bago pumasok ng kuwarto. May dala-dala siyang folder na iniabot niya sa inspector. "May mga nakita kaming content sa smartphone ng biktima. Baka makapagbigay-linaw ang mga 'yan sa nangyari sa kaniya."
Sabay na umangat ang magkabilang kilay ni Inspector Hermosa habang chine-check ang laman ng folder. Ipinakita niya sa amin ang kung ano ang nakakuha sa kaniyang atensiyon. "Mr. Guzman, hindi ko alam kung ano'ng kaugnayan nito sa kaso, pero maaari mo bang sabihin sa 'min kung ano 'to?"
May kasamang ibang babae si Adelbert sa retratong 'yon. Kapansin-pansin sa background ang mga kilalang establishment at ang dami ng mga tao. Mukhang stolen ang pagkakakuha roon.
"P-Paanong—" Nanlaki ang mga mata niya. "Galing 'yan sa phone ni Vessy?"
"That might explain why she bought alcoholic drinks and why she seemed cold to you," komento ni Alistair. "Baka inisip niyang nagchi-cheat ka sa kaniya."
"T-These photos were taken a week ago, no'ng araw na dapat kaming mag-date!" paliwanag ni Adelbert. Tingnan natin kung malulusutan niya ito. "My family asked me to escort my female cousin who returned to the Philippines. She's not a third party or something."
"Posibleng na-misinterpret ng biktima ang mga retratong kinuhanan niya." Ibinalik ni Inspector Hermosa ang mga retrato sa folder. "Kung iko-consider natin ang suicide angle, nagpakamatay ang biktima dahil akala niya'y niloloko mo siya."
Napaupo sa sahig ang lalaki. "Kung sanang sinabi niya sa 'kin ang kaniyang hinala, hindi sana nauwi sa ganito. Nakapagpaliwanag sana ako sa kaniya."
"Nakalulungkot kung 'yon nga ang rason ng kaniyang pagpapatiwakal."
"Pero nakalimutan n'yo na yata, sir? Imposibleng nagpakamatay si Vessy base sa height difference niya at ng lubid na ginamit na pambigti." Napaturo ako sa kisame kung saan nakatali pa rin ang lubid. "We may not know yet why Vessy killed herself or why she was killed by someone, but the circumstances of her suicide are suspicious."
"Anong height difference?" tanong ng suspek namin.
"Mr. Guzman, puwede ka bang tumuntong doon?" Itinuro ng inspector ang foldable chair.
Walang angal na sumunod si Adelbert sa pakiusap sa kaniya. When he stood on the chair, napansin kong hanggang balikat niya ang noose ng lubid. Doon ko na-imagine kung paano posibleng naisagawa ang krimen.
"Para saan ba 'to?" inosente niyang tanong. "Malalaman n'yo ba kung sino'ng salarin kapag pinatayo n'yo rito?"
"Here's my theory." I raised my finger as I walked around the chair that he was stepping on. "While standing there, you lifted Vessy's body and tied the noose around her neck. You've probably used the sleeping pills she bought to render her unconscious. You then let her body hang and left the room as if nothing happened."
"That's absurd!" Bumaba na siya mula sa upuan. "Masyadong komplikado 'yang trick na ipinaliwanag mo, miss!"
"Lori . . ." Lumapit sa akin si Alistair at may ibinulong. "Your theory makes sense, but some circumstances in the crime scene do not match."
"What?" Halos magsalubong ang mga kilay ko. But how? Every piece fit perfectly in this puzzle!
"We thought that this crime scene is murder disguised as suicide. But what if it's the other way around?"
"A suicide disguised as murder?" bulong ko. "You think our first instinct is wrong?"
"There's only one explanation that can put together all the puzzle pieces here." Binalingan ng tingin ng kasama ko ang ilang gamit sa kuwarto. "The receipts, the room's condition when we entered, and the apparent cold treatment of the victim toward Adel. Everything is connected."
"Ano? May bago ba kayong theory sa kaso?" Biglang pumagitna ang inspector sa amin. "Huwag n'yong solohin. I-share n'yo sa 'min!"
"On second thought, Inspector!" Humarap si Alistair sa kaniya. "This is suicide, but there's a darker shade to it. The victim tried to make her death look like murder and point to Adel as her killer. Let me point out the circumstances that support my theory."
Tumahimik kaming lahat at ibinigay ang buong atensiyon namin sa kaniya.
"Una, ang kondisyon ng unit na 'to nang natagpuan namin si Vessy," paliwanag niya. "Mas mainit sa loob kumpara sa labas. Bakit? Dahil naka-turn on ang room heater. Now, if you check some receipts, you can deduce that the victim was undergoing depression—sleeping pills, gin, and cutter. Pero may isang resibo na sa tingin ko'y dapat nating pagtuon ng pansin." Sunod niyang kinuha ang kapirasong papel at iniabot 'yon sa inspector.
"Resibo ng isang plastic ng ice cube?"
Tumango si Alistair bago lumapit sa refrigerator na nasa maliit na kusina. "That was purchased yesterday. Malamang gusto niyang bigyan ng yelo ang iniinom niyang gin. Ngunit sa tingin ko, may iba pa siyang dahilan. At kung tama ang hinala ko . . ." Binuksan niya ang ref na walang kalaman-laman maliban sa isa pang bote ng gin na hindi pa nabubuksan.
"What should we be looking for?"
"Kung bumili siya ng isang plastic ng ice cubes, saan na napunta ang mga 'yon?" Isinara na niya ang fridge. "Dapat meron pang tira kahit papaano. Imposibleng naubos niya sa isang gabi lamang."
Aha! Naintindihan ko na kung anong koneksiyon ng ice cubes, ng room heater, at ng pagkakabigti ni Vessy! "May iba pa siyang pinaggamitan sa yelo! She used the ice cubes to create a misdirection that baffled us."
"Hindi ko kayo maintindihan." Napakamot tuloy ng ulo ang inspector. "Kindly enlighten us."
"Sumagi sa amin na posibleng murder ang kasong ito dahil sa height gap ng biktima at ng lubid." Tumuntong si Alistair sa upuan at maingat na inabot ang noose. "Under that assumption, we thought the culprit is someone who's tall and who can lift the victim's body. But we're wrong."
"The victim hanged herself," dagdag ko. "But she had to put something on that chair and step on it to reach the noose. Something that will disappear after a certain period of time. A bunch of ice cubes."
"Teka, teka!" Napataas ang mga kamay ng inspector. "Agad bang matutunaw ang gano'ng karaming yelo sa loob ng isa or dalawang oras? Kung nagbigti siya noong umalis na si Mr. Guzman, dapat may mga yelo pang natira sa upuan."
"Dito papasok ang room heater." Bumaba na ang kaibigan ko mula sa foldable chair at nilapitan ang appliance na nasa sulok ng kuwarto. "Bago siya nagbigti, tinaasan niya ang temperature para mapabilis ang paglusaw ng yelo. Sapat na siguro ang isa o dalawang oras para matunaw 'yon at mag-evaporate ang liquid. Naka-timer din siguro ang heater para automatic na ma-turn off makalipas ang ilang oras."
"Aside from the unusual heat that we felt upon entering the room, the chocolates brought by her boyfriend supports the theory that the heater was used." Iniangat ko ang supot ng sweets sa mesa. "They melted in a way that they could not have under room temperature."
"At ang lahat nito ay ginawa ng biktima . . . dahil sa maling akala?" Napakagat si Inspector Hermosa sa tip ng pen niya. "Napaka-tragic ng kuwentong 'to kung gano'n."
"Seeing her boyfriend with someone else must have broken Vessy's heart." Napabuntonghininga nang malalim si Alistair at napailing din. "She probably thought of making him feel the same pain by framing him as a murderer."
Unfortunately, Vessy's attempt to make her suicide look like murder failed. Nanghihinayang ako dahil nasayang ang buhay niya dulot ng maling akala. Posibleng may iba pa siyang personal na pinagdaraanan na nakaragdag sa mabigat niyang nararamdaman. Pero hindi maikakailang malaking factor si Adelbert sa naging desisyon niya.
"Thank you, Alistair." Nakipagkamay si Adelbert sa kababata ko. Nangilid ang luha sa mga mata niya. Sa kabila ng nangyari, nakaramdam ako ng kaunting awa sa kaniya. "I thought na talagang ituturo n'yo na ako bilang killer."
Ang weird pagmasdan na tila nagkakasundo ang dalawang lalaki. Noong gabi ng soirée, si Alistair ang pumigil sa kaniya at sa mga kaibigan niya mula sa balak nilang gawin sa akin.
"Salamat din sa 'yo, Miss . . . ?" Nanliit ang mga mata niya sa akin. "Sorry, I didn't catch your name earlier."
"Lorraine," pagpapakilala ko sabay hawak sa bridge ng aking sunglasses. Hindi pa rin niya ako nakilala. Mukhang effective ang disguise ko.
"Good to meet you, Lorraine." Inalok niya ang kaniyang kamay, pero hindi ko 'yon pinansin. "I hope you're enjoying your stay here in the Philippines. Saan ka sa—"
"Kumusta ka na?" agad na tanong ni Alistair para maiba ang usapan. "Wala na akong balita sa inyo."
"As you probably know, we've been expelled from St. Bart's." Umiwas siya ng tingin sa amin. "I applied in other schools, but my application was always rejected. Pati 'yong ibang sangkot sa nangyari noon, gano'n din ang kanilang experience. We can't find any school that will accept us."
"Is it because of your record? But I thought—"
"They said na kagagawan ito ng dad ni . . . Lorelei." Tila nagdalawang-isip siyang banggitin ang pangalan ko. "I heard na maimpluwensiya siya kaya parang naka-blacklist kami sa lahat ng school na balak naming pasukan."
My dad was not the type of person who would give idle threats. He was a hurricane that would destroy everyone and everything in his path, particularly those who tried to besmirch our family name. That incident eventually dragged him into an unnecessary scandal. And that angered him.
"What happened in the soirée? I regret it. Deeply. We shouldn't have done it." Adelbert's voice was cracking. "But I wanna continue my studies. Kaso hindi ko alam kung paano makapagpapatuloy kung walang gustong tumanggap sa 'kin."
I had hated this guy since that night. I even tried my hardest to erase him and what they almost did to me from my memory. Kaya hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit nakaramdam ako ng kaunting awa sa kaniya. Dapat nga'y masaya ako sa kaniyang pinagdaraanan. He deserved it. They deserved it. Kulang pa nga 'yon.
"If you see Lorelei again, tell her I'm sorry." Pilit siyang ngumiti sa amin. "It's nice to see you again, Al. And it's also nice meeting you, Lorraine."
Kumaway siya sa amin bago siya sumakay sa elevator pababa sa ground floor. Nang nawala na siya sa paningin ko, parang gumaan ang aking pakiramdam.
"Are you willing to forgive him and the others?" tanong ni Alistair sabay sulyap sa akin. "I can tell that he meant every word when he expressed regret and said sorry."
"I don't know." Napakibit-balikat ako. "They left me scarred for life so they deserve to be punished. But . . . I'm not sure if the punishment that my dad imposed on them is way too extreme. Teaching them a lesson is one thing. Robbing them of their future is another."
"Alistair? Lorraine?"
Lumingon kami kay Inspector Hermosa na may hawak-hawak na transparent plastic bag. May laman 'yong papel sa loob.
"Yes, Inspector?"
"Chine-check namin ang mga gamit ng biktima kanina, 'tapos may napansin ang isa sa mga tauhan ko na akala niya'y konektado sa kaso. Baka raw suicide note ito ni Vessy. Kaso hindi namin maintindihan ang nakalagay rito maliban sa mga nakasulat sa English."
"Patingin, sir."
Kumunot ang mga noo namin habang binabasa ang note. Agad kong naintindihan ang unang part sa itaas dahil English alphabet ang gamit. Pero ang sumunod? Parang answer sheet sa isang multiple choice exam.
TO THE STUPID STUDENT COUNCIL,
I was hurt that I was not invited to the festival.
Nevertheless, I shall send my regards to the students.
Nagpalitan kami ng tingin ni Alistair. Ito yata ang letter na tinutukoy ni Lionel kanina—ang banta sa cultural festival!
q.e.d.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top