Chapter 27: The Spider's Scarlet Threads (The Detour)

CONTENT AND TRIGGER WARNING: This chapter may contain content that might be troubling to some readers, including, but not limited to, depictions of and references to death, self-harm and suicide, graphic violence, sexual assault, strong language and more.

Please be mindful of these sensitive themes and other possible triggers. Remember to practice self-care before, during and after reading.

LORELEI

"I'M NOT interested," our club president answered. Mas pipiliin pa niyang maglaro ng mobile game kaysa roon? "I'd rather look for missing bodies than missing lunch boxes. If you two wanna solve it, go ahead. I won't stop you. Just come back once Sir Morayta arrives. Come back as soon as possible."

Umirap ako sa kaniya bago bumaling kay Gaston na naghihintay sa desisyon namin.

"On behalf of the QED Club, we will take on your request," sagot ko sa kaniya. "Kailangan naming malaman ang iba pang detalye."

"Sige, ipapakilala ko kayo sa club members na nagreklamo sa 'kin kanina. Tara?"

Sumunod kami ni Alistair palabas ng execom office at bumuntot sa lalaking nasa harapan namin. We turned left in the hallway and stopped in front of Room 104. Pagkatok niya roon, pinagbuksan agad siya ng pinto.

"Yes?" tanong ng babaeng may abot-balikat na kulot na buhok.

"Naikuwento ko sa mga taga-QED Club 'yong pagnanakaw sa lunch boxes n'yo," tugon ni Gaston sabay turo sa amin. Ngumiti at kumaway kami sa kausap niya. "Baka puwede nila kayong matulungan sa misteryong 'to para hindi na maulit pa."

"Really?" Hinawakan ng babae ang kamay ko. "I've heard so many things about your club! Nabasa ko rin ang news article sa inyo ng Clarion! Ang galing-galing n'yo raw talaga!"

"T-Thank you," tugon ko.

"At ikaw naman si Loki!" Sunod niyang hinawakan ang kamay ng katabi ko. "Marami na rin akong nabasa at narinig tungkol sa achievements mo bilang high school detective! Ang pogi at tangkad mo pala sa personal, 'no?"

"Sorry, but I'm not Loki." Napakamot tuloy sa pisngi si Alistair. "My name's Alistair, the newest member of the club."

"Ay, pasensiya na! I'm not aware! Hindi ko kasi alam ang itsura ni Loki kaya in-assume ko na ikaw 'yon dahil kasama ka ngayon ni . . . Lorelei, tama? By the way, my name's Jackie."

"Busy kasi ngayon si Loki kaya kami ang ipinadala niya para imbestigahan ang nawawalang lunch boxes n'yo," palusot ko. "Don't worry! We're efficient and effective kahit wala siya."

"Can you tell us more details about the case?" Hindi na nagpaligoy-ligoy pa ang kasama ko. "Na-brief na kami ng Gaston, pero baka may dagdag kang detalye?"

"Tuloy kayo sa loob para makita n'yo."

Pinapasok kami ni Jackie sa kanilang clubroom. I forgot to ask kung ano ang pangalan ng kanilang club. Halos kasing-liit ito ng mini-detective agency namin. May mahabang mesa sa gitna at bookshelves sa bandang likuran. Medyo maalinsangan din kahit na umaandar ang ceiling fan. Mabuti't bukas ang mga bintana kaya may pumapasok na preskong hangin.

"Galing kami ng mga kaibigan ko sa cafeteria kanina para bumili ng pagkain. Dahil wala namang tumatambay na clubmates ko rito, dito namin naisipang kumain," kuwento ni Jackie. "Bago namin buksan ang mga binili namin, pumunta muna kami sa washroom para maghugas ng kamay. Siniguro naming walang makapapasok dito dahil sa mga bulung-bulungan na may nagnanakaw ng lunch."

Lumapit si Alistair sa mesa at kinatok 'yon nang dalawang beses. Nakatuon ang mga mata niya sa ibabaw nito na tila may hinahanap. Chineck ko naman ang doorknob at sinuri ang keyhole nito—walang kahit anong gasgas. Either magaling mag-lock pick ang nanloob o may ibang dinaanan ang magnanakaw.

"Pagbalik namin dito, wala na ang mga binili naming pagkain! Pinagtatanong namin sa mga estudyanteng nakatambay sa labas kung may napansin silang pumasok. Wala raw."

Sunod na nilapitan ng kasama ko ang bintana at pinanood mula roon ang mga dumaraang estudyante. If the culprit did not enter the clubroom through the door, they must have used other ways to get inside. Ang kaso . . . "A human won't fit in here unless they're a midget or they can walk through walls."

Tumingala ako sabay tingin sa pag-ikot ng ceiling fan. Wala ring kahit anong butas sa kisame na puwedeng pasukan. Gawa 'yon sa semento kaya imposibleng manggaling doon ang magnanakaw.

Lumapit ulit sa mesa si Alistair, seryosong nakatitig sa ibabaw nito. "Ano ang container ng pagkaing binili n'yo?"

"Naka-paper box siya 'tapos nakalagay sa puting plastic."

"Magaan lang ba?"

"Half rice lang ang binibili namin dahil nagda-diet kami kaya hindi gano'n kabigat."

Napahawak siya sa kaniyang baba, bahagyang naningkit ang mga mata. 'Tapos biglang nagliwanag ang mukha niya sabay baling sa kasama naming execom member. "Gaston? You mentioned na hindi lang sa club na 'to nangyari ang nakawan ng pagkain, tama?"

"Pati sa katabing club, ninakawan din no'ng isang araw."

"Any similarities?"

"Bumili rin ng lunch meal sa cafeteria ang mga taga-kabilang room. Sandali silang lumabas 'tapos nawala na 'yong pagkain. Ah, teka! 'Yong isa yata, nagdala ng sariling lunch box. Hindi 'yon tinangay ng magnanakaw."

Ako ang sunod na hinarap ni Alistair. "Tama ba ang assumption ko na kapag bumili ka ng lunch meal sa cafeteria, ilalagay nila 'yon sa box 'tapos isusupot sa plastic?"

Tumango ako. "Gano'n ang process sa cafeteria. May extra charge din kapag pinalagay mo sa box ang food."

Kumurba ang isang gilid ng mga labi niya. Wala pa kaming limang minuto rito, pero may nabuo na siyang theory. "Mukhang alam ko na kung paano natangay ang mga lunch box nang walang nakapapansin sa magnanakaw."

"T-Talaga?" pagulat na tanong ng mga kasama namin.

"Just stay right here," sabi niya sa dalawa bago lumingon sa akin. "Lori and I will try to track down the thief. Bantayan n'yo ang lugar na ito dahil baka dumaan siya rito."

"S-Sige!"

Iniwan namin ang clubroom at nilakad ang kahabaan ng hallway. Nakasunod ako sa kaniya, nagtataka kung paano niya nalaman nang gano'n kabilis ang identity ng magnanakaw.

"Saan tayo papunta?"

"Outside. We will follow the thief's footprints."

Lumabas kami ng school building at naglakad sa may damuhan sa gilid nito. Salamat sa shade na ibinigay ng gusali, hindi kami direktang natamaan ng nakapapasong sikat ng araw. Huminto kami sa tapat ng bintana ng Room 104 kung saan nandoon pa rin ang dalawang kasama namin.

"Sa tingin mo ba'y lumusot ang magnanakaw sa bintana at lumabas din siya riyan?" Tinantiya ko kung magkakasya ba ako sa space. Kahit anong pilit, hindi talaga. Kung hindi ako kasya, paano pa kaya ang ibang tao?

"The thief couldn't have gotten inside through the door." Sa damuhan naka-focus ang atensiyon ni Alistair, tila may hinahanap doon. "So the next sensible point of entry is through the windows."

"Ikaw mismo ang nagsabi na hindi magkakasya ang tao riyan, 'di ba?"

"Oo. Kahit maliit na bata'y hindi makalulusot sa bintana."

"Bakit iniisip mo pa rin na riyan dumaan ang magnanakaw?"

Lumingon siya sa akin, may nakapintang ngiti sa mga labi niya. "You will find out in a few."

Nagpatuloy kami sa paglalakad sa gilid ng school building. His eyes remained glued to the ground. Naghahanap yata siya ng footprints na makapagtuturo sa amin kung saan tumakbo ang salarin. Nakarating kami sa likod ng gusali kung saan walang tao. Dito nakalagay ang mga malalaking garbage bin kung saan itinatambak ng mga housekeeper ang mga basura.

Lumingon-lingon ako sa paligid, baka nandito na ang salaring hinahanap namin. Ni figure o anino ng tao, wala akong napansin. Nilapitan ni Alistair ang mga garbage bin sa sulok. Pareho kaming napatakip ng ilong dahil nakasusulasok ang amoy. Biglang siyang huminto nang tila nakita na niya ang aming hinahanap. He turned to me as his hand motioned to the side of a bin.

"Meet the thief that has been stealing lunch boxes."

Humakbang ako palapit sa kaniya para tuluyang makita ang itinuro niya. My mouth opened in surprise as I saw a fluffy ball of fur eating the rice meal in a box.

"A cat . . . ?"

Its fur was as white and pure as snow. Nag-pause muna siya sa pagkain para iangat ang tingin ng mga mata niyang magkaiba ang kulay—asul sa kaliwa habang berde sa kanan.

"Meow!" it cried softly.

Umupo ako sa harapan niya at maingat na inilapit ang aking kamay. I expected it to be a little hostile when coming in contact with a human, pero hinayaan niya akong hawakan siya at nagpatuloy sa pagkain. Without any resistance from the feline creature, I gently scratched its chin na mukhang nagustuhan niya. Iniangat niya ang kaniyang ulo at papikit-pikit pa ang mga mata.

I got a soft spot for cats. Kaya nga mahilig akong manood ng cat videos dahil naku-cute-an ako sa kanila. They were so adorable! If I could keep one at the apartment, I would pet a cat. Kaso may "no pets allowed" policy si Tita Martha.

"She's so cute!" I exclaimed after checking her genital area. "How are we going to tell them that the thief is a cat?"

"They need not to know." Umupo rin sa tabi ko si Alistair at hinamas ang ulo ng pusa. "Let's just remind them to never leave their clubroom's windows open para hindi na sila manakawan ng pagkain."

"How did you know na hindi tao ang magnanakaw?"

"Process of elimination. There are only two entryways in the clubroom—the door and the window. No one entered through the door, so that's out already. Now, we're left with the window. No human body can squeeze through it, so all human suspects have been crossed off the list. And then, there's this . . ." Inilabas niya mula sa kaniyang bulsa ang ilang puting balbon na halos isang inch ang haba. "Nakita ko ang mga ito sa windowsill at sa mesa. This backs my theory that a non-human being stole their lunch boxes."

Tumayo na ako't hinayaan ang pusang tapusin ang kaniyang tanghalian. Saktong pagtayo ko nang nag-vibrate ng aking phone sa bulsa. Chineck ko kung sino ang nag-text.

LOKI (12:24 PM): JM is here. Come at once.

"Nandoon na raw si Sir Morayta sa execom office," sabi ko sa aking kasama bago muling ibinulsa ang phone ko. "Let's go?"

Iniwan na namin ang pusa sa may garbage bins. Pagala-gala siguro siya rito sa campus, naghahanap ng pagkain mula sa mga leftover ng cafeteria. If I could only adopt it, I would have already. Habang naglalakad kami pabalik sa entrace ng school building, may naramdaman akong malambot at mabalahibo sa paanan ko. I looked down and saw the white cat rubbing its head against my leg.

"The cat likes you," nakangiting komento ni Al habang pinanonood ang pusa sa aking kaliwang paa.

"Meow!"

Muli akong umupo sa harapan ng pusa at hinimas-himas ang ulo nito. "I'd love to keep you, but I can't. Don't worry, dadalhan kita ng cat food bukas. Okay?"

"Meow! Meow!"

Ewan kung naintindihan niya ang pinagsasabi ko. Hindi ko rin kasi maintindihan kung ano ang gusto niyang sabihin sa akin. I patted the cat's head before leaving her behind. This time, hindi na siya sumunod sa akin.

Before entering the building, I looked back and watched the cat lick its paws on the grassy area. Ngumiti ako sa kaniya bago ko siya tuluyang iniwan.

Alistair told Gaston and Jackie about our seemingly fruitless search for the lunch box thief. He asked them to close the windows whenever they would leave their lunch boxes in the clubrooms. After receiving their thanks, we proceeded to our destination.

Pagpasok namin ng execom office, binati kami ni Sir Morayta na nakaupo sa tabi ni Margarette. Sa kaniyang kaliwa, nakapuwesto ang lalaking natatakpan ng bangs ang isang mata at seryosong nakamasid sa akin. Malinaw ko nang nakita ang mukha niya. He was the guy standing behind our math instructor when they rescued us last week—the same man who had been stalking me. The badge on his lapel was probably a sign that he was an ally.

Nasa same spot pa rin si Loki, nakakrus ang mga braso at naka-de-kuwatro ang mga paa. Maingat naming hinala ang mga upuan sa tabi niya at umupo. Ilang segundo ng katahimikan ang lumipas bago nagsimula ang pag-uusap namin.

"Sorry for coming in late," panimula ni Sir Morayta. Ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa mesa. Naging mas seryoso rin ang tono niya compared kapag nagdi-discuss siya sa klase. "I'm the adviser of the student council and the student executive committee. I'm also in charge of the school's internal investigation on the Moriarty case. Now, shall we talk about the criminal mastermind at large?"

q.e.d.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top