CONTENT AND TRIGGER WARNING: This chapter contains content that might be troubling to some readers, including, but not limited to, depictions of and references to death, self-harm and suicide, graphic violence, sexual assault, strong language and more.
Please be mindful of these sensitive themes and other possible triggers. Remember to practice self-care before, during and after reading.
LORELEI
WAS IT him all along?
"Don't move," bulong niya. Lumapit siya sa akin at itinutok ang hawak na kutsilyo sa leeg ko. Ramdam ko ang talim n'on. Napalunok ako ng laway, nakatitig sa nakangisi niyang mukha. "If you don't want me to slit your throat, follow my instructions. Let's not make a mess here, okay?"
Delikado kung sisigaw o tatakbo ako habang nakatutok ang patalim niya sa akin. I was at his mercy, and he was probably enjoying the sight of my pale face.
"Ilabas mo ang mga phone na itinatago mo," utos niya.
Dahil sa takot na bigla niyang gilitan ang aking leeg, sinunod ko ang gusto niya. I gave him Leigh's phone and mine. Lalong lumawak ang kaniyang ngiti nang nakitang naka-connect pa rin si Loki. Tinanggal niya ang mga battery n'on bago ibinulsa.
"Using a bait to lure me out? That's too predictable." Kumurba ang gilid ng mga labi niya. "Hindi na ako nagtataka kung bakit laging ahead si Moriarty sa inyo."
"A-Anong balak mong gawin sa 'kin?"
Itinuro niya ang police car. "Get inside. Dadalhin kita sa lugar na walang makaiistorbo sa atin."
Walang reklamo akong sumunod sa utos niya. Nakatutok pa rin ang patalim sa leeg ko. Pakiramdam ko'y nagalusan na ito sa sobrang dikit. Umupo ako sa shotgun seat habang siya nama'y sa driver's seat. Ini-lock niya ang pinto para siguruhing hindi ako makatatakas. Puwede kong agawin ang manibela mula sa kaniya at i-crash ang kotse sa puno o pader para magkaroon ako ng pagkakataong makawala. Pero masyadong risky 'yon
Ang natitirang pag-asa ko para makaalis sa sitwasyong ito ay sina Loki at Alistair. But how could they find me kung naka-off na ang phone na puwede sana nilang i-track?
Teka, may isa pang paraan! Nasa bulsa ko 'yon. Pero kailangan kong maghanap ng tamang timing.
Pinaandar na ni Officer Montreal ang police car at inilibot niya ako sa campus grounds. Sinabayan niya ang pagda-drive ng pagha-hum ng Twinkle, Twinkle, Little Star kaya lalo akong nangilabot. Nanigas ako sa aking kinauupuan. Kung puwedeng basagin ang bintana at tumalon mula rito, ginawa ko na.
Inspector Estrada told us this morning na walang na-monitor na kahina-hinala ang nagpa-patrol na police officers noong gabing pinatay si Jessy. If the man beside me was behind the murders and he was in-charge of patrolling the school grounds, that made it easier for him to commit a crime. Sino bang makakaisip na pulis ang nasa likod ng mga krimen?
"Ikaw ba ang pumatay kina Perry at Jessy?" lakas-loob kong tanong. I only looked at him through the rearview mirror. There was a glint of madness in his eyes. Nakapangingilabot pakinggan ang kaniyang pag-hum ng children's song na 'yon, kaya minabuti kong kausapin siya.
Sumulyap siya sa akin bago niya muling ibinaling sa daan ang tingin. "You don't have any recording device with you kaya walang problema kung aaminin ko sa 'yo. Anyway, you won't be able to tell anyone, so I might as well tell you the truth."
Dapat pala hiniram ko ang earrings na imbento ni Herschel na kayang palihim na mag-record ng video at audio. He was about to confess, and such confession could be used as evidence against him. Bakit ngayon ko lang naisip 'yon?
"Oo, ako nga ang pumatay sa kanilang dalawa."
"Bakit?" sunod kong tanong matapos mapalunok ng laway. "Meron ka bang galit sa kanila kaya iniisa-isa mo sila?"
"I have nothing against them." Naging seryoso ang kaniyang mukha pero napanatili ng mga mata niya ang nakapangingilabot na tingin. "But someone has sought our group's help, so we have to deliver. Your club isn't the only one accepting clients. Kung iisipin, pareho tayong may grupo, pero magkaiba ang purpose natin."
Someone told me before that Moriarty and his minions were criminals for hire. At ang unang taong sumagi sa isip ko na iha-hire sila para patayin sina Perry at Jessy ay si Jeffrey. That could explain why he was so delighted to hear about their deaths.
"But why?" Kumunot ang noo ko. "Why are you committing these crimes? Bakit tinutulungan ng gaya mong tagapagpatupad ng batas ang tulad ni Moriarty? Is it about the money? Malaki ba ang commission mo kaya ginagawa mo 'to?"
"Money?" Natawa siya at saka umiling. "Gano'n ba kababa ang tingin mo sa 'min? It's not about the money, Lorelei. It's about justice."
"Justice? Paano naging justice ang pagpatay sa dalawang babae? If anything, you're committing more injustice—"
"Alam mo na siguro kung ano'ng ginawa ng magkakaibigan sa isa nilang classmate, 'di ba? They made her take her own life while they get to enjoy their lives. Sabihin mo sa 'kin, nasa'n ang hustisya ro'n? We're only giving them what they deserve."
"And they deserve death? The four of them?"
"They deserve nothing less. Kapag ikaw ang nalagay sa posisyon ng mga inagrabyado at walang nagawa ang sistema para sa 'yo, malamang magpapasalamat ka dahil may kagaya namin na handang tuparin ang nais mo."
Inihinto ni Officer Montreal ang police car sa likod ng abandoned school building. Binuksan niya ang compartment at inilabas ang isang cassette tape player na tulad sa mga iniwan sa dalawang crime scene. Inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin at ngumisi na parang demonyo. "Ayaw kong sirain ang pattern, pero kailangan kong gawin 'to dahil humadlang ka sa misyon ko. Now, get out."
May namuong malamig na pawis sa aking noo na hinayaan kong tumulo. Sana'y mahanap agad ako nina Loki at Alistair. Sana'y mailigtas nila ako mula sa balak gawin ng lalaking ito.
Muli niyang itinutok ang patalim sa tagiliran ko bago ako pinaunang lumabas ng sasakyan. Nasa likod kami ng abandonadong gusali kaya walang taong dumaraan na puwede kong hingan ng tulong. Pagtapak sa damuhan, naisip kong puwede na akong tumakbo palayo sa kaniya. Pero sa sobrang takot, baka hindi kayanin ng mga binti kong makatakbo nang malayo.
Pumasok kami sa loob. Inilabas niya ang kaniyang flashlight para ilawan ang dinaraanan namin. Dumoble ang lamig na naramdaman ko. Dinala niya ako sa isang lumang classroom na may mga crack sa sahig at sira-sirang armchair na patong-patong sa isang tabi. Isinara niya ang pinto na lumikha ng nakangingilong kaluskos.
I looked around the dimly lit classroom para tingnan kung may tatakasan ako maliban sa pintuang pinasukan namin. Unfortunately for me, that was the only entrance and exit.
Inilabas ng officer ang phone niya at nagsimulang mag-tap sa screen nito. I heard the familiar tune of Mary Had a Little Lamb. Kahit wala siya rito, dama ko ang presensya ni Moriarty. Tumindig ang mga balahibo ko nang narinig ang tila boses-batang sumagot sa mga tanong ng aking kasama.
Napahawak ako sa aking palda at kinapa ang stun pen sa bulsa ko. I only needed to stab him with it and press the button to paralyze him. Pero kailangan kong maghanap ng tamang timing para magamit ito sa kaniya. Or else, my attempt might miserably fail and I would end up his third victim.
Lumapit siya sa akin at pinaglaruan ang dulo ng patalim sa leeg ko. Parang tinatantiya niya kung saan niya ito gigilitan. Malamig ang blade nito kaya tuwing tumatama sa aking balat, nangingilabot ako.
"Saan ako dapat magsimula? Sa leeg?" Dahan-dahan niyang ibinaba ang patalim, bahagyang nakadikit sa aking balat kaya parang ginuguhitan niya ako. Inihinto niya 'yon sa aking tiyan. "O baka puwedeng dito?"
Ipinikit ko ang aking mga mata at napalunok ng laway. Hindi ko na napigilan ang panginginig ng mga tuhod ko, tila gusto nang bumigay sa takot. Napakapit din ako sa hawak kong stun pen sa bulsa. Dapat maunahan ko siya bago niya ako masaksak.
"This is what happens when you get in Moriarty's way. Don't blame me fo—"
WEE! WOO! WEE! WOO! WEE! WOO!
Iminulat ko ang aking mga mata pagkarinig sa sirena ng mga pulis. Dahil sa hindi inaasahang tunog, lumingon-lingon si Officer Montreal sa paligid niya, tila hinahanap kung saan 'yon nanggaling.
Now's my chance! Mabilis kong tinakbo ang exit ng classroom at inabot ang doorknob. Officer Montreal was a hungry lion who leapt at me para pigilan akong makatakas. Bago ko pa maabot ang pinto, bigla 'yong bumukas at parang torong pumasok si Alistair. He kicked the officer in the gut, dahilan para matumba ito sa sahig.
"Al!" Halos naluha ako nang nakita ang aking kababata. Niyakap ko siya nang mahigpit habang hinaplos niya ang likod ko. Just a minute ago, I thought that I was already a goner. If it were not for him, I would be lying on the dirty floor, bathing in my own blood.
Sunod na pumasok sina Loki at Jamie. Galing sa phone ang tunog ng police siren. Ang akala ko'y dumating na ang mga pulis, ngayon pala'y ginamit niya 'yon bilang pang-distract sa officer.
"P-Paano n'yo nalamang n-nandito ako?" Nanginginig pa ang aking baba habang binibigkas ang bawat salita sa tanong ko.
"I called Herschel the moment we lost contact with you. I asked him to track down your phone and Leigh's," paliwanag ni Loki habang nagta-tap sa screen ng phone niya. "Because both of your phones were out of reach, he wasn't able to locate them."
"Mabuti't natandaan ko ang phone number ng tumawag kay Leigh kanina!" sumingit si Jamie. "I told them the number, and Loki dear's friend gave us the location."
"Dahil nagmadali kaming pumunta rito, hindi na namin na-contact ang mga pulis." Hinawakan ni Alistair ang aking chin para huminto na sa panginginig. "Pero naisipan naming gumamit ng police siren sound para mataranta ang taong nagbabanta sa buhay mo."
"Don't worry. I'll call Inspector Estrada right away and tell him that one of his subordinates is responsible for murd—"
SHING!
Tumarak ang kutsilyo sa phone ni Loki at biglang namatay. Lumingon kami sa police officer na tumayo't ipinagpag ang suot niyang itim na pants para maalis ang alikabok. "Sa tingin n'yo ba'y kaya n'yo akong patumbahin sa isang sipa lang?"
"My colleague here just did," tugon ni Loki. Hindi ito ang oras para magbiro!
The enraged police officer charged at us, but Alistair stepped forward and faced him head on. He threw some punches and kicks at him, but the officer only blocked them with his strong arms. Muling sumuntok ang kababata ko, pero nahuli ang kamay niya.
"What—"
Sinikmuraan ni Officer Bastien ang aking kababata kaya napabuga ito ng laway. The officer then hit him at the nape. Napatakip ako ng bibig nang bumagsak ang katawan ni Alistair sa maalikabok na sahig. Ngayon pa lang ako nakakita ng taong nakatalo sa kaniya.
"AL!"
Wala nang inaksaya pang sandali ang officer at lumusob sa direksiyon ko. I pulled out my stun pen and prepared to stab him with it, but he anticipated my move and grabbed me by the wrist. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko hanggang sa aking nabitiwan ang pen. Sinuntok niya rin ako sa tiyan.
"LORELEI!"
Ouch. Parang mawawalan na ako ng malay sa sobrang sakit. Napahawak ako sa parteng tinamaan niya bago bumagsak sa sahig. Sinubukan kong tumayo, pero hindi ko nagawang buhatin ang aking katawan. Iniangat ko ang aking ulo at napansing naglabas siya ng isang bagong patalim. Sunod na siyang naglakad sa direksiyon ni Jamie.
"Totoo nga ang sabi nila," sabi ni Officer Montreal habang iwinawasiwas ang kaniyang blade. "Kahawig mo nga ang babaeng 'yon."
Napahakbang paurong si Jamie at namagitan si Loki sa kanila. Hindi ko pa nakitang makipaglaban ang club president namin, pero mukhang malabong may ibubuga siya laban sa bihasang pulis. Ang tanging makapipigil sa lalaking 'yon ay ang stun pen na gumulong malapit sa paanan ni Loki. Nakahawak pa rin ako sa aking tiyan at maingat na gumalaw para hindi ko masyadong maramdaman ang sakit.
"Tumabi ka, Loki," seryosong sabi ni Officer Montreal. "Ayaw kitang saktan. Hindi rin kita puwedeng saktan. Kaya umalis ka riyan."
"What do you mean?"
"Moriarty has made it clear that no one can lay a finger on you except him. Kung sasaktan kita ngayon, malalagot ako sa kaniya. Kaya tumabi ka na muna."
"Then you have to go through me." Loki stretched his arms on both side like a goalkeeper in a soccer game. Niyakap siya ni Jamie mula sa likuran.
"Naalala mo ba si Rhiannon sa babaeng 'yan kaya ayaw mong maulit sa kaniya ang ginawa ko noon sa partner mo sa club?"
Ginawa niya? Biglang tumahimik. Ilang segundo ang lumipas bago nag-sink-in ang mga sinabi niya. He confessed right then and there that he murdered Rhea!
"So it was you." Lalong lumamig ang boses ni Loki. Malamang ay nanlilisik na ang mga mata niya. "I thought you were merely copying the way my friend was murdered to remind me of that tragic memory. The specific details of her death have never been made public. The only ones who could have replicated the crime scene must be someone from the police. And it turns out to be you."
"'Yon ang instruction ni Moriarty sa 'kin. He wanted to emotionally torture you by making the crime scenes resemble Rhiannon's."
"Why did he have her killed?" Loki asked, his voice cracking. "Why did she have to die?"
"She kicked over a rock that she shouldn't have," the officer answered. "Nang sinabihan ko si Moriarty tungkol doon, ipinag-utos niya agad na patahimikin siya. Ayaw ko mang gawin 'yon sa kaniya, pero 'yon ang utos sa 'kin."
Because of the darkness in the room, I could not catch a glimpse of Loki's reaction. Malamang ay kumukulo na ang kaniyang dugo sa galit, pero ginagawa niya ang kaniyang makakaya para magtimpi.
"Step aside, Loki. Ayaw kitang masaktan."
"I won't."
"I told you to step asid—"
Akala ko'y wala nang pag-asa, pero nagkaroon ng himala. May biglang pumasok na liwanag mula sa pintuan—ilaw mula sa iilang flashlight. Sinundan 'yon ng mga mabibigat na yabag ng sapatos.
"Officer Bastien Montreal, put down your weapon!"
I turned to my side to see who arrived just in time. Five men wearing the same blue police uniform held their guns firmly and pointed them at their colleague. Paglingon sa pintuan ni Officer Montreal, mabilis na yumuko si Loki, dinampot ang stun pen sa sahig, at itinusok 'yon sa leeg ng lalaking nasa harapan niya.
Bzzz!
The rogue officer dropped his knife and collapsed on the floor. His eyelids were half closed as he stared at the ceiling. All Loki needed was a distraction, thanks to the arrival of the other police officers. But how did they know that we were here? Hindi naman natuloy ang tawag ni Loki kay Inspector Estrada kanina.
"Are you okay, Lorelei?" Lumapit ang isang lalaking nakasalamin sa akin at tinulungan akong makaupo nang deretso. Napa-aray ako dahil masakit pa rin ang tiyan kong tinamaan kanina. Iniangat ko ang aking tingin. Bumati sa akin ang nag-aalalang mukha ni Sir Jim Morayta. May naaninag akong lalaki sa likuran niya at sinubukan kong kilalanin 'yon.
I gasped upon recognizing his face. The bangs that covered one of his eyes, the stick stuck between his teeth. That was the guy who followed me earlier!
"Teka! Ikaw 'yong—"
"You always put yourselves in dangerous situations." Sir Morayta silenced me when I tried to speak. "We have a lot to discuss. But not now. Kailangan n'yo munang magpatingin sa clinic at magpahinga."
Inalalayan ng dalawang police officer si Alistair na wala pa ring malay hanggang ngayon. Kinakausap naman ng isa sa kanila sina Loki at Jamie, tinatanong kung sila'y nasaktan o nasugatan.
Even if he was unconscious, Officer Montreal was handcuffed by his fellow policemen and escorted out of the abandoned building. Inilagay sa plastic bag ng mga pulis ang mga patalim na ginamit niya para pagbantaan kami. If he used either of the knives to kill Perry and Jessy, they might find traces of their DNA there. Once they did, he could be incarcerated for murder.
Ngayong wala nang panganib, ipinikit ko ang aking mga mata at huminga nang malalim. Hinayaan kong buhatin ako ng mga pulis sa stretcher. Masakit pa rin ang tiyan ko, pero ang importante'y buhay pa ako.
AGAD KAMING dinala sa clinic para ipa-check-up at pagpahingahin ng ilang oras. Walang problema kina Loki at Jamie habang wala pa ring malay si Alistair. Ako? Sumailalim ako sa physical examination kung saan nakita ang namuong pasa sa tiyan ko. Wala namang vital organ na napuruhan.
Pagpatak ng alas-nuwebe ng gabi, sinundo kami ng mga pulis at dinala sa campus police station. Dahil hindi pa nagigising ang kababata ko, kaming tatlo muna nina Loki, Jamie, at ako ang pumunta roon. They wanted us to testify against their own personnel who was involved in the recent murders.
Once in the station, the three of us were led to the observation room. Nandoon na si Inspector Estrada, nakakrus ang mga braso, may bahid ng pagkadismaya ang mukha habang nakatulala sa salamin. Through that one-way glass, we could see Officer Montreal whose hands were handcuffed to the table.
"Hindi ko inakalang magagawa ng tulad niyang makapatay ng tao," pailing-iling na sabi ng inspector. "Ang ayos niyang magtrabaho. Lagi siyang sumusunod sa mga utos ko. Kaya nga . . . isang malaking dagok sa amin kapag nalaman ng mga nakatataas na kabaro pala namin ang pumatay sa dalawang estudyante."
"Make it three." Tumayo si Loki sa tabi niya at pinagmasdan din ang salarin. "He confessed that he also murdered my late partner more than eight months ago."
"Pati kay Rhea?" Sumulyap ang inspector sa kasama namin, napalitan ng pagkabahala ang dismaya sa mukha niya. "Are you . . . okay? Do you want to—"
"I've got some questions for that guy. His answers may help us solve the Moriarty case."
"Hindi ko pinapayagan ang mga sibilyan na makausap ang suspek. It's against our protocol. But I'll make an exemption tonight. Lagi mo naman kaming tinutulungan sa mga kaso kaya pagbibigyan kita."
"Thank you," tugon ni Loki bago lumabas ng observation room. Iniwan niya kaming dalawa ni Jamie sa tabi ng inspector. Nakita namin ang kaniyang pagpasok sa interrogation room at ang pag-upo niya sa tapat ng officer. Sinamahan siya ng isa pang pulis.
"When I hugged him earlier, he was trembling not in fear, but in rage," kuwento ni Jamie habang nagtitigan ang dalawang lalaki sa kabilang kuwarto. "I was holding him back kanina kasi gusto niyang sugurin si officer. Grabe talaga ang impact ng pagkamatay ni Rhea sa kaniya, 'no?"
"Mabuti't nakontrol mo siya," may buntonghininga kong tugon. Hindi gaya noong confrontation niya at ni Stein, mabuti't nakapagtimpi na siya ngayon.
"I won't let anything bad happen to him. Lagi akong nandito para sa kaniya."
Matapos ang ilang buwan ng paghahanap ng hustisya, kaharap na niya ang taong pumatay sa kaniyang kaibigan. Hindi ko ma-imagine kung ano ang nararamdaman niya ngayon. Tuwa? Lungkot? Galit? Pero kahit arestado na ang murderer, hindi pa rin dito nagtatapos ang kaso.
"Tell us what you know about Moriarty," Loki started his interrogration of the rogue police officer. "Tell us everything you know about him."
"Why on earth would I tell you anything?" Officer Montreal began tapping his finger on the table. There were some quick taps and long taps. "If I give you what you want, it will cost me my life."
Sandaling tumahimik si Loki, tila hinintay na matapos ang pag-tap sa mesa ng officer. Nang huminto na ito, doon na siya tumuloy. "Is Stein Alberts the real Moriarty?"
Taaap. Tap. Taaap. Taaap.
Tap.
Tap. Tap. Tap.
"Stein who?" Kumunot ang noo ni Officer Montreal. "Hindi ko siya kilala. Sorry to disappoint you."
"Why did Moriarty order Rhea's death? Did it have anything to do with the case files from two years ago that she requested from the police?"
"Hindi ko na maalala ang nangyari noon. Sorry to disappoint you. Again." Inulit ng officer ang pattern sa pagta-tap na parang rhythm ng isang kanta. "You can ask Moriarty when you meet him face to face."
"He's obviously dodging the questions!" bulalas ng katabi ko. "Bakit 'di pa siya umamin? Nahuli na rin naman siya!"
Aside from the tapping, something was strange with Loki. He was not repeating the question or demanding a straight answer from his interviewee.
"How large is your group?" sunod niyang tanong. "How many agents does Moriarty have?"
"Pasensiya na. Wala akong ideya kung gaano kalaki ang organisasyon. But there are four of us whom he trusts very well. Kung halos lahat ng mga tauhan niya ay pawn, kaming apat ang tumatayong rook, bishop, at knight habang siya ang king. You can consider us as his generals."
"Four?" bulong ko.
Nagbato ng tinging may pagdududa si Officer Montreal sa kasama nilang pulis sa kuwarto. Sunod siyang tumingin sa direksiyon namin kahit dapat ay hindi niya kami nakikita. Lumapit siya sa kaniyang kaharap at hininaan ang boses. "I usually clean the mess kapag may pumalpak na tauhan si Moriarty. Kung may mahuli ang mga pulis, sinisiguro kong mapatatahimik ko siya bago siya kumanta. While I'm tasked to do the dirty work, the other three are assigned to, let's say, administrative and reconnaissance duties."
"You know who they are?"
"Hindi ko kilala ang dalawa, pero nakausap ko na 'yong isa. We had to keep in touch so I could relay intel to him. Information is currency to that person."
"You were reluctant to say anything earlier. Why spill the beans now?"
"For you to know kung anong panganib ang pinasok n'yo. Arresting me is barely scratching the surface."
"Give us the name of that person who can lead us to Moriarty's inner core." Lumapit din si Loki sa kaniya, iilang inch ang pagitan ng mga ulo nila. "You're already under police custody. No one can possibly hurt you now."
Biglang natawa ang kausap niya bago sumandal sa upuan. "I poisoned John Bautista when he was under the same custody. If I did it to him, any of Moriarty's agents can do it to me too. Pero hindi ako nag-aalala para sa sarili ko. Nag-aalala ako para sa mga taong malapit sa 'kin."
"What do you mean—"
"If Moriarty can't hurt you directly, he would hurt the people you hold dear. That's how he gained some of his agents' loyalty. He exploits people's weak spots. You're a good example, Loki. You shall never be harmed, he told us, but we can hurt anyone around you. Look at what he had asked me to do to your late friend."
"Give us a clue on one of his so-called generals. If we take down Moriarty's organization as soon as possible, they can't hurt the person or the people you care about."
"Medyo nauuhaw na ako sa pagtatanong ng lalaking 'to." Sumenyas si Officer Montreal sa kasama nilang pulis. "Puwede ba akong makahingi ng malamig na tubig na may yelo?"
Mabuti't nagkaroon ng short break ang kanilang pag-uusap. Huminga muna ako. Hinintay ng dalawa na bumalik ang pulis na may dala-dalang baso ng tubig. Deretso 'yong ininom ng nakaposas na officer, halatang uhaw na uhaw. Nang naubos na ang kaniyang iniinom, kinuha niya ang yelo at ipinakita 'yon sa kaniyang kaharap. "You want a hint? Here's your clue."
"An ice cube?" Naningkit ang mga mata ni Loki roon. "How's that supposed to help me uncover a general's identity?"
"Show me your hand."
Nagdalawang-isip muna ang kasama namin bago ibinigay ang palad niya. Ipinatong ng officer doon ang yelo at may iginuhit na simbolo.
Tumaas ang kaliwang kilay ni Loki. "An infinity sign?"
"To remind you that your pursuit of Moriarty will lead you nowhere. You will go in circles until you grow tired of the chase—"
Knock! Knock! Knock!
Naantala ang kanilang pag-uusap nang may paulit-ulit na kumatok sa pinto. Another policeman swung the door open and told the rogue officer that it was time for him to be escorted to the city's police department.
"Good luck on your quest, detective," Officer Montreal told Loki before leaving the interrogation room. Lumabas din si Inspector Estrada para samahan ang mag-e-escort sa kaniya.
"May nakuha bang useful info si Loki dear sa kaniya?" tanong ni Jamie nang naiwan kami sa observation room. "All I know is may apat na generals si Moriarty."
"And we've already got one of them. Three more to go," bulong ko. "Let's check on Loki kung kumusta na siya."
"Tara!"
Saktong lalabas na kami ng kuwarto nang may narinig kaming kaguluhan sa labas. May mga sigawan at mabibilis na yabag.
"EVERYONE, DON'T SHOOT!"
"OFFICER MONTREAL, PUT DOWN THAT GUN!"
"Forgive me, Elle."
Bang!
The sound of a gunshot rang across the station. Nakasalubong namin si Loki sa hallway, hinahanap ang pinagmulan ng putok. Tumakbo kami sa lobby ng police station kung saan nakapalibot ang mga pulis at si Inspector Estrada sa katawan ni Officer Montreal. He was holding a gun in his right hand. His brains scattered all over the floor along with a pool of blood.
I looked away while Jamie screamed at the sight of the horrific scene. Loki cussed in frustration as he stared at the corpse of the man who could have helped us close the Moriarty case.
"Hinablot niya ang baril ng isa sa police escorts niya," kuwento ni Inspector Estrada sa amin. "Mukhang ayaw niyang pahuli nang buhay kaya binaril niya ang kaniyang sarili."
Pinalabas muna kami ng station habang nililinis ng mga pulis ang suicide scene ni Officer Montreal. Umupo si Jamie sa may hagdanan, kinakagat ang kuko at nanginginig ang mga tuhod. Hinaplos ko ang likod niya para pakalmahin siya. Her retentive memory probably saved that gory image.
Palakad-lakad si Loki sa harapan namin habang magkadikit ang mga daliri niya. He was in deep thought. Maiintindihan ko ang kaniyang pagkadismaya. The scarlet thread that could lead us to Moriarty was severed tonight.
"Looks like we're back to square one again." I breathed a sigh, caressing Jamie's back.
"Nope," Loki said with conviction. "We're not back to square one. We've made some progress tonight."
"What do you mean?"
"Before Office Montreal severed the thread that connects him to Moriarty, he gave me a vital clue."
"About Moriarty's four generals? We heard it too."
"No. About one of the four."
"Really?" I tried recalling what the late officer told him in the interrogation room, but he did not utter a word about it. "Wala naman siyang sinabi. He only showed you an ice cube and drew an infinity symbol on your palm."
Loki paused from pacing the pavement, turning to me. "You see, but you don't observe. The ice cube and the infinity symbol are the clues to identify one of Moriarty's generals."
"But how? Anong clue ang meron sa kapirasong yelo?"
"As we all know, ice is spelled as I-C-E. If you rearrange those letters, you can form an acronym that may make some sense to you."
"How about the infinity symbol?"
"It's not an infinity symbol. It's the number eight! Think of anything related to that number!"
Naalala ko ang base eight na itinuro sa amin ni Sir Morayta at ang oxygen na may atomic number na 8. Sumagi rin sa isip ko ang bombang may eight-letter password. Masyadong maraming nangyari ngayong araw kaya hindi na ako makapag-isip nang matino.
"Spill it already." Sumuko na ako.
"The eighth month in the Gregorian calendar is August, named in honor of Augustus Caesar. Then we have I-C-E. If you put those two clues together . . ."
My eyes grew wide at him as I finally understood the clues that the late officer left for us. Tama nga ang theory na may tauhan ang mastermind sa mismong student publication namin. Nasagot na rin sa wakas ang mga naiwang tanong sa Petrarchan case at sa Casanova case: "Sino ang nag-inform sa abusadong boyfriend na nasa apartment niya kami?" at "Kanino galing ang mga pam-blackmail ni Adonis?"
"One of Moriarty'sgenerals is the EIC of the Clarion," Loki concluded. "Augustus Moran."
q.e.d.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top