Chapter 22: The Petrarchan Connection (Part 2)
CONTENT AND TRIGGER WARNING: This chapter may contain content that might be troubling to some readers, including, but not limited to, depictions of and references to death, self-harm and suicide, graphic violence, sexual assault, strong language and more.
Please be mindful of these sensitive themes and other possible triggers. Remember to practice self-care before, during and after reading.
LORELEI
"At long last! It's a great pleasure to meet you face to face, Lorelei. I'm an avid reader of your blog. My name's Augustus Moran. You can call me Gus."
"I-It's a pleasure to meet you too," I replied with an awkward smile as I shook his hand. Hindi talaga ako marunong mag-react sa mga ganitong sitwasyon.
"And you must be?" He darted a curious look at my companion. "Wait. You're not Loki, are you? I heard his hair is always unkempt. Yours is quite neat."
"I'm Alistair Ravena, an applicant of the QED Club," nakangiting pakilala ng kababata ko sa sarili bago nakipagkamay sa kaniya. "Pleased to meet you."
"Pleasure's mine!" Augustus gestured to the vacant chairs across from his desk. "Please have a seat."
Sabay kaming umupo ni Alistair. Kahit matagal ko na siyang kakilala, medyo nailang ako sa kaniya. Hindi kasi ako sanay na ibang tao ang kasama ko kapag nakikinig sa client. Laging si Loki ang nasa tabi ko noon.
"Nabanggit ni Agatha na may gusto kayong case na i-consult sa amin," panimula ko. Puwede ba naming malaman kung ano 'yon?"
"As you may know by now, we're busy preparing for the release of our literary folio." May inilabas na folder si Augustus mula sa drawer ng desk niya at iniabot 'yon sa akin. "Every meeting, everyone is present except for a female literary writer who we haven't seen in days."
"A case of abduction?" my friend muttered.
Augustus gave him a shrug. "I can't say kung mako-consider na dinukot talaga siya. But here's what is strange. Kahit na hindi siya nagpapakita sa amin, nagagawa niyang mag-submit ng mga tula para sa folio. Tinanong namin via email kung bakit hindi siya nag-a-attend ng meetings. Ang sabi niya, wala raw kaming dapat alalahanin."
"Baka may sakit siya?" tanong ko.
"We've considered that possibility. But we've found out recently that she wasn't attending her classes. Wala man siyang sinabihan sa mga classmate o teacher niya kung bakit siya absent. That worries us."
"Ang mas weird pa riyan ay ang mga sinubmit niyang tula," dugtong ni Agatha. Nanatili siyang nakatayo sa pintuan ng cubicle. "Meron kami kasing theme na sinusundan sa folio. Ang lahat ng s-in-end niya via email ay malayo sa category na s-in-et ko."
"Nasubukan n'yo na ba siyang tawagan?" tanong ng katabi ko. Mukhang sineseryoso niya ang qualifying exam na ito. "O puntahan sa bahay niya?"
"Nakailang tawag na ako sa kaniya, pero hindi niya sinasagot," kuwento ni Agatha. "Pumunta ako sa dorm na tinutuluyan niya. Ang sabi ng kaniyang mga kasama roon, hindi pa raw siya umuuwi ilang araw na ang nakalilipas. Wala na rin ang parents niya kaya wala siyang ibang posibleng puntahan."
The narrative reminded me of the Stein Alberts abduction case. Somehow, I was getting a bit of Moriarty vibes here. Pero imposibleng sangkot dito ang mastermind na 'yon dahil naka-comatose pa siya hanggang ngayon.
Binuksan ko ang ibinigay na folder. Bumungad sa akin ang dalawang piraso ng papel na may nakasulat na tula. I gave the editor-in-chief a questioning look that prompted him to explain.
"Those are the poems written by our literary writer. Agatha and I were thinking that our writer intentionally submitted those pieces to send us a message. What kind of message? That's the part we haven't figured out yet. We're hoping you can help us reveal it, if we're right."
Isa-isa kong binasa ang mga tula. Nang natapos ako sa isa, agad kong ipinasa kay Alistair para mabasa rin niya.
"They make perfect sense to me," I muttered after passing the second poem to my friend. Sunod na nabaling ang tingin ko sa dalawang editor. "Paano n'yo naisip na may kakaiba sa mga tulang sinubmit niya?"
"Ni minsan kasi, hindi pa sumulat ng romantic poem ang writer namin," paliwanag ni Agatha. "At isa pa, ang theme para sa dalawang 'yan ay patriotism at horror. Malabo namang nagkamali siya ng s-in-end sa amin. Wala siyang palya sa submissions niya dati. Imposibleng pumalya siya ngayon."
"I guess you're right."
Sabay-sabay kaming lumingon kay Alistair na katatapos lang basahin ang dalawang tula. The three of us made a what-do-you-mean face. Ano kaya'ng napansin niya roon?
"This is an SOS message from your writer," tugon niya sabay taas sa parehong papel. "And she needs saving desperately."
"Tama ang hinala namin?!" bulalas ni Agatha.
"Paano mo nasabing SOS message 'yan?" agad kong tanong. "Did the writer use a code or cipher?"
Lumapit siya sa desk at ipinatong sa ibabaw nito ang dalawang tula. "Sa unang tingin, mukhang ordinaryo ang mga tulang ito at posibleng nagkamali siya ng s-in-end sa inyo. Pero hindi siya nagkamali ng in-attach na documents sa email. Sinadya niya ito para magpahatid ng message."
"Kaya pala!"
Sunod niyang inilabas ang kaniyang pen mula sa chest pocket. "Familiar ba kayo sa types ng rhyme schemes? Kagaya ng Petrarchan sonnet?"
"Napag-aralan na namin 'yan sa English class namin," sagot ni Agatha. "Which reminds me, mahilig gumamit ng Petrarchan sonnet rhyming scheme ang writer na 'yan."
"Now that explains it." Napatango ang kababata ko. "She used a technique she's known for, hoping that you would understand her message."
"May sinusundang scheme ang Petrarchan sonnet na may fourteen lines: a-b-b-a-a-b-b-a-c-d-e-c-d-e," dugtong ng literary editor. "Kahit hindi sinundan ng writer ang strict format nito, ginaya niya ang rhyming scheme."
"Ang mga linyang magkaka-rhyme ay nile-label base sa letters ng alphabet." Itinuro ni Alistair ang unang linya ng Searching for A. "Base sa nasabing rhyming scheme, ang first, fourth, fifth, at eighth line ng tulang ito ay may parehong rhyme kaya ile-label natin sila bilang 'A.' Gano'n din ang gagawin natin sa ibang lines na may parehong rhyme."
He wrote a letter at the end of every line of the two poems.
"Ngayong alam na natin ang rhyming scheme, ang next clue ay ang title ng dalawang tula." Binilugan niya ang mga pamagat. "Searching for A. This is the most obvious hint left by the writer. Ang tinutukoy niyang 'A' ay ang mga linyang ni-label sa gano'ng letter. Kailangan natin silang pagsama-samahin. Ang next hint ay ang clincher—The First Word. Babasahin natin ang unang salita ng bawat linyang naka-label na 'A' para ma-decode ang nakatagong message."
Please don't waste your pity on me
Save your pity, there's nothing to see
Me and you? Everything is tragedy
From the shackles of your lust, set me free
My lips are wet yet they are sealed
Lover, has your wounded pride been healed?
His voice, his eyes—everything's on the field
House or castle? Do you know what to build?
"Please-Save-Me-From-My-Lover-His-House!" I exclaimed, shooting a wide-eyed stare at my friend.
"Do you know where her boyfriend's house is?" agad na tanong ni Alistair kay Agatha na mukhang natulala sa nalaman niya. "Did your writer tell you about his address?"
"Kung hindi ako nagkakamali . . . ilang kanto 'yon mula sa campus. Naitanong ko na rin sa boyfriend kung aware siyang nawawala ang kaniyang girlfriend. Sabi niya, mukhang wala namang problema kasi nakaka-text at nakakausap niya pa sa phone. Kailangan na ba nating tawagan ang mga pulis?"
"Mas mabuti kung iko-confirm muna natin kung nandoon pa ang writer n'yo. Kailan ba na-send ang mga tulang ito? Last night? If her boyfriend transferred her somewhere out of our reach, the police efforts would be in vain. If he were any smarter, he could have realized that these poems were actually an SOS message."
"Ano'ng dapat nating gawin?" Iginala ni Agatha ang tingin niya sa amin. "Dapat ba nating tawagan ang mga pulis?"
"Pupuntahan muna namin ang bahay ng boyfriend niya at iche-check kung nandoon pa siya," sagot ni Alistair. "Once we confirm it, call the police and tell them someone has been abducted in that address."
"Sounds like a good plan," patango-tangong komento ni Augustus, inayos ang pagkakalagay ng salamin niya. "We'll be on standby as we wait for your confirmation."
Kumuha ng sticky note si Agatha at isinulat ang address ng bahay ng sinasabing boyfriend doon. "Here it is. Ang alam ko, mag-isa siyang nakatira sa apartment kaya kung meron man siyang dinukot at dinala roon, wala kaagad makapapansin."
"Lori, do you want to come with me?" tanong ni Alistair paglingon sa akin. "Or do you want to stay behind with them?"
"Of course," sagot kong may mariing pagtango. "I should also be there as part of the QED Club."
"See you later. We will keep in touch," sabi niya sa mga editor bago lumabas ng cubicle. Pinauna niya akong lumabas at sumunod siya sa akin.
For a moment, I thought that Loki was with me dahil sa galing niyang i-crack ang code na 'yon. Pero ibang-iba ang aura ni Alistair sa kaniya. My missing-in-action companion would shuffle down the hallway with a mischievous smirk across his lips after knowing that someone was abducted. My childhood friend, on the other hand, got a worried look plastered on his face as he seemed genuinely concerned for the missing writer.
Imbes na dumeretso sa main gate ng campus, pumunta kami ni Alistair sa parking lot. Balak ko sanang magtawag ng tricycle para sakyan namin, pero may dala pala siyang kotse. Nilagpasan namin ang mga nakahilerang sasakyan bago nakarating sa gitna. Inilabas niya ang kaniyang car remote at itinutok 'yon sa kulay puting sedan na lumikha ng beeping noise.
"Get in." He opened the car door for me. Pumasok ako sa loob at umupo sabay lagay ng seatbelt. Pumasok na rin siya, ini-strap ang seatbelt, at ipinasok ang susi sa ignition. Nang ready na kami, pinaandar na niya ang kotse. Noong nasa St. Bartholomew High pa kami, wala pa siyang sasakyan kaya malamang ay baguhan pa siya sa driving. Yet somehow, I felt safe sa pagmamaneho niya.
It only took us a matter of minutes before we reached the apartment indicated in the address that Agatha had given us. Walang nagbabantay sa gate kaya hindi kataka-taka kung paano naipasok ng lalaki ang dinukot niyang writer dito. We went to the farthest among the five units and halted before the door.
"Classes are still ongoing so the boyfriend must still be in school," Alistair muttered as he peeked through the window. "It might take a while before he returns to this apartment. Tawagan na natin 'yong landlord at ipaliwanag sa kaniya ang sitwasyon para buksan niya ang pinto. Saan ba ang unit niya?"
Akmang palayo na siya sa pintuan nang bigla kong hinila ang braso niya, dahilan para lumingon siya sa akin. "There's no need to call the landlord. Kaya kong buksan ang pintong 'to. Magtiwala ka sa 'kin."
"Are you planning to pick the lock of the door?" His brows knitted as he shot me with a curious look. "Isn't that illegal? Baka may makahuli sa atin at akusahan tayo ng trespassing?"
"It's the most convenient solution here. Paano kung wala rin ang landlord sa mga oras na 'to? Will we wait for him hanggang sa dumating siya? What if the writer needs urgent medical attention?"
Surprised, he only stared at me and let me take out my lock picking kit. This was the first time I would put Loki's lesson into actual use. Ilang beses kong kinalikot ang loob ng doorknob, pasulyap-sulyap sa paligid dahil baka biglang dumating ang landlord o ang kapit-bahay ng suspek. Matapos ang ilang pagpatak ng pawis at paglipas ng segundo, bumukas na ang pinto at tinulak namin 'yon papasok.
"Where did you learn that technique?" nagtatakang tanong ng kababata ko.
"Loki taught me in case something like this happens," proud kong sagot. "I know that you don't like breaking the law, but this is an emergency. Just this once, make it an exemption."
Papasok na sana ako, pero pinangunahan niya ako. Mukhang gusto muna niyang i-check kung may trap na nakaabang sa loob. Maliit ang apartment na pinasok namin—may isang bedroom at isang bathroom. Nakakalat ang mga damit kung saan-saan at ang mga pinagkainan sa mesa at kusina. Kung hindi ako naging roommate ni Loki, baka ganito rin ang itsura ng unit niya. Maingat kaming naglakad sa loob, pinakikinggan kung may ungol ng paghingi ng tulong. Nagtungo kami sa tapat ng kuwarto at marahang binuksan ang pinto.
Halos maluha ako sa aking nakita. Nakahandusay sa sahig ang isang babaeng may mahabang buhok, punit-punit ang damit, at bahagyang nakadilat ang mga mata. Nakatakip ng masking tape ang kaniyang bibig. Meron din siyang blackeye sa kanang mata. Puno ng pasa at sugat ang mga braso at binti niya. Nakatali ang mga kamay niya sa bedframe at nakagapos ang kaniyang mga paa.
Nang nakita niya kami, sinubukan niyang gumalaw pero hirap siyang kumilos. She was beaten up by her boyfriend. We did not know each other personally, but seeing her in that state broke my heart.
Mabilis siyang nilapitan ni Alistair. Dahan-dahan niyang inalis ang tape sa bibig ng babae, pati ang gapos sa mga kamay at binti nito. Chineck niya ang pulso at paghinga ng biktima. "She needs to be brought to the hospital. Puwede natin siyang isakay sa kotse ko, pero mas mabuti kung isasakay siya sa ambulansya."
Inilabas ko ang aking phone at sinimulang i-dial ang number ng pinakamalapit na ospital dito. Nang may sumagot, ipinaliwanag ko sa kanila ang sitwasyon ng babae at sinabihan akong hintayin ang pagdating ng ambulansya. Sunod kong kinausap si Agatha para sabihing confirmed ngang nandito ang nawawalang writer.
"They're on their way," I told my friend as I slid my phone back into my skirt's pocket.
He breathed a sigh of relief. "That's good—"
Sabay kaming lumingon sa pintuan ng kuwarto nang may narinig kaming mga mabibilis na yabag. Limang minuto pa lang ang nakalipas noong tumawag ako. Ang bilis yatang rumesponde ng ambulansya? Pero nang nakita na namin ang figure ng isang lalaking hinihingal pa habang tumatagaktak ang pawis, napahakbang ako paurong. Hinabol niya muna ang kaniyang hininga bago inilabas ang isang Swiss knife mula sa bulsa.
"A-Anong ginagawa n'yo rito?" tanong niya sabay tutok ng patalim sa akin, 'tapos sa kasama ko. "P-Paano kayo nakapasok?"
"If I were you, I would surrender in peace." Napataas ang mga kamay ni Alistair. "Let's not resort to violence. Paparating na ang mga pulis at alam na nila ang ginawa mo sa babaeng nandito. There's no escaping now."
Humakbang siya papalapit sa akin habang nakatutok ang kaniyang patalim. "Heh! Sa tingin n'yo ba maniniwala ako sa bluff n'yong 'yan? Dahil nandito na rin kayo, bakit hindi ko kaya kayo isunod sa babaeng 'yan?"
He thrusted his knife forward. Before it could even reach me, Alistair caught his wrist. Sinubukang alisin ng lalaki ang mahigpit na pagkakahawak sa kaniyang kamay, pero nabalewala ang effort niya. Lalo pang hinigpitan ng kaibigan ko ang hawak sa wrist niya hanggang sa napaaray.
"You should never hurt a girl. You shouldn't even point such a dangerous weapon at anyone," pangaral ni Alistair. Lalo pang humigpit ang kaniyang hawak kaya unti-unting bumukas ang nakakuyom na kamay ng lalaki hanggang sa nabitiwan niya ang patalim. Sinundan niya ito ng isang suntok sa sikmura. Namilipit sa sakit ang salarin at napaluhod sa sahig.
In a one-on-one hand-to-hand combat, no one could probably match Alistair's skills. May blackbelt kaya siya sa taekwondo. Even if outnumbered, he could take down anyone with relative ease. Gaya ng nangyari noong gabing 'yon.
"I did not want to hurt you, but I needed to incapacitate you until the police arrives." Kinuha niya ang nakakalat na masking tape sa mesa at tinalian ang mga kamay ng lalaki.
Ten more minutes later, the ambulance arrived followed by the police. The abused girl was brought inside the white van while the guy was taken to the police car. Case closed.
But something had been bothering me since the suspect set foot in his own apartment: Did he know that we were in his unit? If yes, how? Meron ba siyang hidden camera dito kaya alam niyang may ibang tao? Kung wala, may nagsabi ba sa kaniya?
Well, that would be another mystery for another time.
AYAW KO noong una, pero mapilit talaga si Alistair. Matapos sumailalim sa police questioning para ipaliwanag kung paano namin nalamang nakakulong sa apartment ang nawawalang writer, he offered to drive me home. Hindi ko pa naikukuwento sa kaniya na sa iisang unit kami nakatira ni Loki. I wondered how he would take that news?
Pagka-park ng kotse niya sa tabi ng apartment, umakyat kami sa third floor at huminto sa tapat ng Room 302. Mabuti't walang naghihintay na lock picking challenge sa akin. Pagbukas ng pinto, bumungad sa amin ang naka-de-kuwatrong si Loki na nagbabasa pa rin ng Harry Potter and the Goblet of Fire.
"Oh, you're here already?" bati niya nang hindi man iniangat ang ulo o tumingin sa direksiyon ko.
Lumingon ako sa aking kababata. To my surprise, walang kahit anong bahid ng pagkagulat sa mukha niya. Oo nga pala! Nabasa niya ang aking blog kaya malamang ay may hint na siyang si Loki ang roommate ko. Kinabahan pa ako na baka pumasok sa isip niya ang ideyang nagli-live in kami.
Dala ng katahimikan, umangat ang tingin ni Loki sa akin bago sa kasama ko. Ibinaba pa niya ang binabasang libro. "Lorelei didn't tell me she's bringing home a guest. We've met before, haven't we? What's your name again? Altamont?"
"Alistair," I corrected him. This guy was hopeless when it came to remembering people's names.
"Ah, your childhood friend!" he exclaimed. He put his hands behind him, a finger stuck in the middle of the book. "So he has decided to transfer to our school and drive you home. What a surprising development."
"How did you know that we arrived here by ca—" Ah, never mind! He must have smelled the scent of the car's air freshener or heard the sound of the engine nearby.
"It's been a while, hasn't it?" My childhood friend held out his right hand to Loki as if they were meeting for the first time. Again. "I hope you don't mind if I join your detective club."
Loki, who was about to shake hands with him, stood frozen for a few beats. "Of course, you're welcome to join. But I'm currently suspended from school—and therefore, from my duties and responsibilities as club president—so the decision lies on the acting president which happens to be . . ."
Napunta ang tingin niya sa akin. Sabi ko na nga ba, ganito ang magiging scenario. Sa akin din pala niya ipapasa ang burden ng pagdedesisyon. Sunod na nabaling sa akin ang kababata ko, naghihintay ng sagot.
I took a deep breath before giving my verdict. "As acting president, I hereby accept Alistair's application to the club."
"Thank you, Lori." Ngumiti siya sa akin, 'tapos sa aking roommate. "Thank you, Loki. I look forward to working with you two."
"Me too."
At ngayon, apat na kami sa QED Club.
q.e.d.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top