1 - A Decade After
Sampung taon na ang nakalipas matapos ang mga sakunang naganap sa buhay ng mga miyembro ng QED Club. No one anticipated that joining this club would led to some inevitable events that would bring death to everyone that they would encounter-not to mention the cases that they had solved before.
Sampung taon kung saan ang bawat isa ay tuluyang nagbago. Hindi lang sa pisikal na pangangatawan kung 'di na rin ang status nila sa buhay. No one would stay in high school forever and leaving Clark High has come to an end a decade ago already. In fact, no one would easily recognize them now in their chosen profession, aside from those people who avidly followed one of their journeys.
And despite of everything that has happened, one thing is for sure will never change, they will never forget about it.
They will never forget about their struggles when they were still in the arms of the home they had made once before.
The one and only, QED Club that they built.
The memories of pressure, fright, tension, worry... it will never leave them. It will be forever etched inside their mind like a worm trying its best to reach the core of an apple. They were woken up by facing fear and knowing the truth.
The scars Moriarty had left behind is still inside of each and every one of them.
'They'll never forget.'
~~~
ALISTAIR
"Sir Ravena, may meeting po kayo mamayang ten o'clock ng gabi sa Highland Hotel with Mr. Hal," sabi ng isang babaeng hindi katangkarang sekretarya ni Alistair Ravena na halatang nag-ayos nang sarili para maipakita ang ganda niya sa kaniyang superior.
Base on her nameplate, her name is Eva, and she was one of the lucky women that Alistair has chosen to become his secretary. Hindi naman nagsisi si Alistair sapagkat nagagawa naman ni Eva ang lahat ng gusto niyang ipagawa rito.
And every morning, Eva's daily routine is to prepare her superior's daily schedule starting from the time that Alistair stepped on the building, up until Alistair would reach the exit to go back home.
Nakaupo sa isang swivel chair sa harapan ng isang desktop computer si Alistair habang nagbabasa ito ng mga balita sa internet gamit ang tablet niya nang abutan siya nito.
Bahagya niyang nilingon si Eva na nananatili pa ring nakatayo sa harapan niya habang yakap ang isang manipis na schedule book. She was given a tablet before but Eva decided to stick with the old school notebook.
Ngumiti si Alistair. Naging isa siyang successful businessman, stating the obvious. Nang dahil sa tatay niya, nasiguro niya na may maganda siyang kinabukasan na haharapin, isang bagay na kaniyang natitikman na sa mga oras na ito.
Isa na kasi siya sa mga CEO ng mga kumpanyang pagmamay-ari ng pamilya niya. At dahil sa propesyon na mayroon siya, naging busy at halos hindi na rin siya makatulog sa bawat meetings at scheduled conference na kinakailangan niyang siputin. It was tiring but business is business as what his father reminded him.
"Okay. Just let me rest for five more minutes. I'm a bit exhausted," bulong ni Alistair, bahagya niyang hinilot ang kaniyang kumikirot na sintido.
Tumingin siya sa labas ng bintana at nakita niya ang papalubog na araw. At sa bagay na iyon, may mga bagay siyang bigla niyang naalala.
May mga hindi talaga siya makalilimutang mga pangyayari na tumatak na sa kaniyang isipan.
Tumango si Eva at nagsimula itong maglakad palayo upang bigyan ng katahimikan at oras ng pahinga si Alistair. Batid nito na napapagod din ang lalaking itinuturing niya hindi lang bilang isang superior kung 'di bilang isa ring kaibigan na naghahanap ng kalinga ng isa pang kaibigan.
Nang tuluyan ng nag-iisa si Alistair, tumingin ulit siya sa hawak niyang tablet. Nakita niya sa mga listahan ng mga articles ang isang pangalan na lagi niyang hinahanap-hanap sa bawat araw sa isang internet news sharing website.
Walang iba kundi ang pangalan ng babaeng nagbigay sa kaniya ng motibasyon na hanapin kung sino ba siya, ang babaeng itinuro sa kaniya kung paano pumili at mag-prioritize ng mga bagay-bagay. Ang babaeng iyon ay walang iba kung hindi si Lorelei Rios...
Napangiti si Alistair, may bagong article na naman siyang babasahin mula sa babaeng nagpalawak ng mga aktibidad ng club nila noong highschool pa lang sila. He swore to himself that up until the last of his days, he would never be bored reading that woman's blogs.
Ang babaeng sumulat tungkol sa mga adventures, mishaps, at mga blogs para sa nag-iisang QED Club, ay tuluyan na ngang nagsusulat ng mga articles.
'She definitely had found her right place...'
~~~
LORELEI
Nakasubsob ang mukha ni Lorelei sa lamesa sa kaniyang harapan. Tambak ito ng iba't-ibang mga papeles na kailangan niyang basahin para makapili siya ng puwedeng i-feature sa article na kaniyang isusulat para sa column niya kinabukasan.
She never intended to slack with, but the amount of featured articles is pouring over her. Masyadong maraming deadlines para sa mga journalists na gaya niya.
Kasalukuyang nagtatrabaho si Lorelei bilang isang lisensiyadong journalist at nagsimula muna siya sa pagsusulat sa mga diyaryo. Nagsusulat siya ng mga balita tungkol sa mga latest conspiracy, latest controversy, at mga latest crime spree na kinahihiligan ng mga readers na gusto siya.
Don't take it badly, despite the fact that her readers are used of reading how Lorelei describe how many shades of blood there is in a crime scene and how brutal the homicide cases she gives light with, Lorelei does not share the same euphoria the criminal has felt while doing it.
Gayunpaman ay masaya siya sa trabaho niya sa kabila't kanang mga pagpatay na kaniya nang natunghayan mula noon pa. Noong ang mga isinusulat pa lang niya ay ang mga blogs tungkol sa mga nasosolusyunan nilang cases sa QED Club, napagtanto niya na agad na gusto niya ang pakiramdam na iyon. Ang maramdaman mo ang saya sa pagsusulat. Ang makabasa ng iba't ibang mga komento mula sa mga mambabasa. Lahat ay maganda sa kaniyang mga mata.
"Lori, uminom ka muna ng kape. Halatang pagod ka na," napabangon mula sa pagkakasubsob sa mesa si Lorelei matapos marinig ang tinig ng isa sa malapit niyang katrabaho.
Sa kaniyang tabihan, nakita niya si Portia na may hawak-hawak na dalawang paper cup.
"Salamat," inalok ni Portia ng isang paper cup na may lamang kape si Lori.
Malugod naman itong tinanggap ni Lorelei, ang pagkakape ang isa sa mga bagay na hindi niya maiiwanan sa trabaho niya na halos gabi-gabi siyang pinupuyat. Kape na lang talaga ang isa sa maaari niyang kapitan, it was a stranger drink for her before but she has learned to know more about it.
"Stressed ka na naman ba sa kung anong article ang ilalabas mo?" tanong ni Portia sa kaniya. Umupo ito sa isang monobloc chair malapit sa desk ni Lorelei, tahimik itong sumimsim ng kape habang nakatingin sa mga mata ni Lori.
Napatingin sa labas ng bintana si Lorelei, nakita niya ang papadilim ng kalangitan. Lumubog na pala ang araw, hindi man lang niya ito napansin dulot ng antok na kaniyang nararamdaman. Masyado pala siyang na-stress dahilan para mapasubsob na lang siya sa mesa niya habang nag-iisip. Ngunit sa kabila ng lahat ng mga pangyayari sa buhay journalist na mayroon siya, hindi pa rin nito mapapawi ang ngiti sa kaniyang labi.
Iba talaga kapag mahal mo ang trabaho na gusto mong makamit sa buhay.
"Hindi naman ako gano'n ka-stress, medyo medyo lang. Pero tama ka, iniisip ko pa rin yung article na ipapasa ko para bukas."
"Well, well, well. Look who's talking right now. You are Lorelei Rios. Kilala ka ng lahat dahil sa sumikat ninyong QED Club before. I know na hindi ka mawawalan ng maisusulat. To be honest, ngayon ko lang sasabihin to sayo, but I'm really one of your fans."
"Nambola ka pa. But yeah... sumikat nga ang club namin dahil maraming nakakabasa ng mga articles na isinulat ko. Pero iba na ang kaso ngayon eh. Mga balita, exposé, controversy. Masyadong seryoso ang mga anggulo na isinusulat ko. Natin."
Napabuntong-hininga si Portia. "Tama ka Lori. Masyadong seryoso ang mga isinusulat natin. Kailangan lagi nating sinasaliksik ang mga bagay-bagay kung totoo ito o hindi. We need to know our source right. Dahil once na makakita sila ng flaw sa mga isinusulat mong mga articles, mawawalan ka ng reliability." Naging malungkot ang mukha ni Portia.
"Tama ka. We are facing a very serious matter everyday," bulong ni Lorelei. Natuon ang pansin niya sa kalangitan sa labas ng office nila. At sa pagtitig niya sa dumidilim na kalangitan, isang bagay lang ang tumatak sa isipan niya:
'This is not the same as what I was doing back in QED Club...'
~~~
JAMIE
Lights. Camera. Action!
"And we are now going to present to you our one and only primadonna... Rhiannon Mendez!"
Matapos ang pagsigaw ng babaeng host sa screen name ni Jamie ay agad itong nasundan ng mga kaliwa't kanang palakpakan at hiyawan mula sa mga libo-libong manunuod sa harapan ng stage.
Bumukas ang isang pintuan at unti-unting lumabas ang isang magandang babae na may suot na engrandeng pananamit. Ang buhok nito ay kulay itim na straight ang pagkakaayos na siyang naging resulta kung bakit tila isa siyang anghel sa mga mata ng kaniyang fans ngayong gabi.
"Hello po sa inyong lahat!" Isang kaway ang nagsilbing pagbati ni Jamie sa kaniyang mga taga-idolo. Ngumiti siya at nakita niya kung gaano karaming tao ang tumitingala at humahanga sa kaniya.
Isa nang sikat na aktres sa telebisyon at mga pelikula si Jamie Santiago na ngayon ay kilala sa pangalang Rhiannon Mendez.
Isang screen name na siya mismo ang pumili. Bagay na nais niyang mapansin ng isang taong hindi niya nagawang makamit. Admitting the fact that they never had even a chance to be with each other because that person would never forget this very woman...
Lumapit si Jamie sa TV host ng show na pinuntahan niya bilang special guest. May nakahandang espesyal na upuan doon para sa kaniya, umupo siya roon at kinuha ang mikropono na para sa kaniya.
Ito na. Ito na ang mayroon siya matapos ang sampung taon. Ang dating Jamie na nakilala nila ay malaki na ang pinagbago.
Hindi na siya ang humahabol, siya na ang laging hahabulin ng mga tao, yet despite of everything that has happened, inside of her she was still hoping to see that man to be one of her followers-no, she's anticipating more than that.
Lihim siyang napangiti sa tuwing naaalala ito bago siya tuluyang tumingin direkta sa camera na tila nakikipagtitigan siya sa taong matagal niya nang gustong-gustong haraping muli.
She then smiled and said to herself...
'Look. I'm a changed woman...'
~~~
LOKI
"Nasaan si Louis Kingsley? Kanina ko pa siya hinahanap." tanong ni Inspector Cordova. Isa sa mga mataas ang posisyon sa larangan ng criminology.
Nakasuot siya ng trench coat, classic, habang nakatayo sa labas ng Police Mobil ng kaniyang grupo. Siya ang naging mentor ni Loki upang maging isang maayos at mas mahusay na Private Detective.
"Nasa loob pa rin po. Nagbibihis pa rin hanggang ngayon," sabi naman ng assistant ni Loki na si Brandon. Siya ang natatanging tagasunod ni Loki matapos ang lahat ng mga nagnais na maging estudyante nito.
Napailing si Inspector Cordova. "Ang lalaking 'yon talaga..."
Samantala, sa loob ng kuwarto ni Loki, nakabukas ang telebisyon na may ipinapalabas na isang Live TV show. Nakatuon ang pansin ng dalawang tila walang buhay na mga mata nito sa TV screen.
Nakikita ni Loki si Jamie. Pero ang laki nang ipinagbago nito. Ang buong pagkatao ni Jamie ay nagbago na mula sa dating Jamie na nakilala niya. As if the woman in the box is a complete stranger into his eyes.
Itim at straight na ang buhok nito mula sa dating medyo blonde at braided na buhok. Nakakapanibago. Sampung taon na pala ang lumipas.
Nagbihis si Loki ng damit habang pinapanuod ang live interview ni Jamie Santiago. Nakikita niya kung gaano kasaya si Jamie sa mga nagaganap sa kaniya sa mga araw na ito.
Isa na siyang sikat na aktres na may bagay na gustong iparating sa kaniyang mga manunuod.
'She wants herself to reach them...'
Ngumiti lang si Loki. Matapos niyang magbihis ay agad niyang pinatay ang telebisyon. Nilisan niya ang kaniyang kuwarto at agad niyang pinuntahan ang kaniyang itinuring na guro matapos ang lahat ng pangyayari.
Isa na siyang ganap na detective. Ipinagpatuloy niya ang nasimulan niyang pangarap. Ipinagpatuloy niya iyon nang mag-isa. He knew it would happen, he knew that the club will meet its end.
At natuto siyang mabuhay nang mag-isa, hindi kasama ang mga naging miyembro ng grupo niya. Even the woman that she was really close with, ni hindi niya nga alam kung saan ito matatagpuan.
"Hay ikaw talaga. Dapat lagi kang handa. Paano kung emergency na yung pupuntahan natin?" tanong ni inspector Cordova kay Loki nang makalabas ito ng pintuan.
"But this ain't an emergency. So there's no need to hurry," sabi ni Loki habang isinasara ang pintuan ng bahay niya.
Napangisi naman si Brandon.
Hindi nakasagot si Inspector Cordova dahil tama naman si Loki. Dapat na siguro siyang masanay sa mga sarkastikong pananalita ni Loki.
"Tara na nga. May kaso pa tayong lulutasin," sabi ni Inspector Cordova na nauna nang sumakay ng police mobil.
Sumunod naman si Brandon sa loob at bago pumasok si Loki sa kotse, nilingon niya muna ang bintana sa kanang bahagi ng pintuan.
Doon ay nakikita niya ang isang malaking teddy bear na nagpapaalala sa kaniya ng isang tao...
'I want to see her again...'
~~~
Ten years and everything has completely changed, yet unbeknownst to every one of them, a decade later, a casualty will bring them together again, but this time, who knows what would happen?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top