Project Ex: Jojowain o Totropahin
"Huy, Nyca. Bumalik na raw yung ex mo!" sigaw ni Dee, ang resident chikadora slash Marites ng barkada.
Napatulala si Nyca sa narinig. Naiwang nakalutang sa ere ang mga daliri niyang nagtitipa sa keyboard ng laptop na gamit niya kanina. Lahat ng mga ideyang umiikot sa isipan niya para sana sa kuwentong isinusulat niya, ayun, nawala parang bula...parang yung ex niya nga nung iniwan siya nito noon. Mala-poof! It became Koko Krunch ito na literal na nag-poof at naglaho.
Pero ano nga ba talaga ang dapat maramdaman ni Nyca? Magalit? Mainis? Matuwa?
Hindi. Hindi siya pwedeng matuwa. Matinding sakit ang dinanas niya noong nawala ang ex niya. Ang daming what ifs at iba pang tanong na bumagabag sa buong pagkatao niya. It made her question her self-worth at ang confidence niya? Literal na bumulusok pababa. Kaya kahit na anong mangyari, hindi siya pwedeng matuwa sa pagbabalik nito.
So what kung gwapo siya? So what kung nakakatunaw ang ngiti niya samahan pa ng pamatay na dimples niya? So what kung makalaglag panga at tulo laway ang mala-pandesal na abs niya? Wala na 'yon para sa kanya. Aanhin naman niya ang mga 'yon kung iniwan naman nitong durog ang pusa este puso niya.
"Ano na, 'te? Tulala na lang diyan? Tindi pa rin ng effect sa 'yo? 'Di pa rin pala uso ang move on, ano?" dere-deretsong litanya ni Dee that made Nyca snap back to reality. Agad siyang napailing sa mga naisip niya. E bakit ba naman kasi iniisip niya pa yung pesteng 'yon?
"H-ha? Hindi, ah. Iniisip ko lang yung kasunod ng sinusulat ko. 'Wag ka ngang ano," pagtatanggi ni Nyca na mukhang hindi naman bumenta sa barkada. Lahat sila ay nakatingin sa kanya na para bang pati paglaki at pagliit ng butas ng ilong niya ay hinuhusgahan na.
"Nako, maniwala. Halos isumpa mo na nga ang pandesal dati kasi sabi mo kamukha ng abs ng ex mo," hirit ni Jo with matching iling pa.
"Mamatay man lahat ng kuko mo sa paa? Wala na ba talaga?" gatong naman ni Mace na para bang anytime ay handa na ngang tapakan ang paa ni Nyca.
"Sinasabi ko sa 'yo, mars, nako. Ayusin mo talaga 'yang buhay mo. Ang tagal mong binuo ulit yung sarili mo pagkatapos kang iwan n'ong feeling Chinese actor na 'yon. 'Pag ikaw, bigla na lang talagang tumakbo pabalik do'n with open arms, puputulin ko 'yang arms mo," pagbabanta naman ni Cassie.
Pagkatapos ng mga pagbabantang 'yon, akala ng lahat ay na-settle na ang issue tungkol kay Ian. Ang kaso, sumingit na naman si Loysa na inisip nila na walang pakialam sa nangyayari ngayon sa kaibigan.
"E pa'no kung bigla kayong magkasalubong na dalawa tapos nilapitan ka niya? O kaya bigla ka niyang puntahan? Ano'ng gagawin mo?" tanong ni Loysa na nagpatahimik sa lahat.
"Ay, kung ako 'yan, magpapa-Dawn Zulueta agad ako! Shuta. Ang yummy kaya ni Ian!" maharot na sagot ni Dee na parang kilig na kilig na sa naiisip.
"Aray ko naman, teh! Makabatok wagas!" reklamo ni Dee matapos siyang batukan nang pagkalakas-lakas ni Mace.
"Makaharot din, wagas? Baka nakakalimutan mo na yung ginawa ng bwisit na 'yon kay Nyca."
"Correction: Yummy at gwapong bwisit. And no, hindi ko pa nakakalimutan. Pero what if may nangyari lang talaga noon kaya kailangan niyang umalis? Tapos ngayon, mas maayos na ang sitwasyon kaya mas kaya na niyang harapin si Nyca? Shouldn't we at least give him a chance to explain kung sakali? Para hindi na rin habambuhay mapaisip 'tong si Nyca kung bakit siya iniwan ni Ian before. I therefore conclude na kailangan nila ng closure para maayos na ang lahat," ani Dee na siyang ikinatahimik nilang lahat.
Dahil sa sinabi ni Dee, lalong napaisip si Nyca. What if ito na nga ang hinihintay niyang closure para maka-move forward na talaga siya sa life? What if ito na ang chance para makapagsimula siya ng bago at mapasaya ang pusa este puso niya? Will she take the risk?
"Sus. Closure ba talaga ang kukuhanin? Baka naman mamaya yung pusa mo ang habol niyan. He initiated it bago siya mawala noon, 'di ba? Muntik lang kayong mahuli nina Tita Aimee kaya hindi natuloy," walang prenong sabi ni Mace kaya naglingunan ang lahat sa kanya at sinamaan siya ng tingin ng mga ito.
"What? Facts only tayo, mga teh," parang wala lang na sagot nito and it left Nyca wondering kung ito nga ba ang habol ng ex niyang siraulo.
***
Hindi pinatulog si Nyca ng mga kung ano-anong tumatakbo sa isip niya. Para bang bangungot na isa-isang nagbalik ang mga what ifs at insecurities niya. Isama pa ro'n ang mga alaala ng maiinit na tagpong pinagsaluhan nilang dalawa.
Ay shuta. Erase!
Nyca can't afford to be hot and bothered right now. Hindi ngayon ang panahon para maging marupok dahil lang feeling niya ay tigang na siya. Wala siyang balak makipagchukchakan muli sa taong maaaring maglaho pagkatapos maangkin ang kanyang bataan. Not now. Not ever.
"Hoy Nyca! Kanina ka pa ikot nang ikot diyan. Kung ayaw mong matulog, magpatulog ka naman!" reklamo ni Cassie na nakapwesto sa ilalim ng double deck. Si Nyca kasi ang nakapwesto sa taas at kanina pa ito paikot-ikot dahil hindi siya mapakali sa naging usapan nilang magkakaibigan kanina.
Punyemas. Kahit kailan talaga, walang magandang idinulot ang Ian na 'yan sa buhay niya.
"Okay, Nyca, stop. Stop thinking about him. Malay mo hindi naman kayo magkikita ulit. Magiging peaceful pa rin ang buhay mo. Tama, hindi kami magkikita o mag-uusap. Wala na siya, wala na kami. Itigil na natin 'to. Kung magkita man kami ulit, friendship na lang ang io-offer ko. Tropa tropa na lang, gano'n. Wala nang iba pa," bulong ni Nyca sa sarili niya in an attempt to actually forget about Ian. Pagkatapos n'on, ipinikit na niya ang mga mata at sinubukang matulog ulit...only to fail in the end. Dahil ang ending, hanggang madaling araw ay hindi siya pinapatahimik ng mga halik este alaala ng kahapon nilang dalawa.
The thing is, Ian was her first in almost everything. First suitor, first kiss, first hug, first kiss. Muntik na nga ring maging first sex pero naudlot nga lang. Pero ang masama nga roon, naging first heartbreak din niya ito. Not that she's actually regretting falling for him naman. She was really happy when they were still together. Ang kaso, she can't help but feel mad dahil parang nabalewala lahat ng pinagsamahan nila no'ng iniwan siya nito nang bigla bigla.
Wala man lang kahit isang message or explanation na natanggap si Nyca when he left. Kaya nga ang tindi ng naging epekto nito sa kanya. Pero ngayon, she can't help but wonder kung magiging mas okay ba ang lahat kung malilinawagan siya sa mga nangyari noon.
Bago pa man mabaliw si Nyca kakaisip, she then decided to just sleep it off...kung makakatulog man talaga siya ngayon.
***
"Mukha kang zombie," prankang bati ni Mace pagkakitang pagkakita niya kay Nyca kinabukasan. Pipikit-pikit pa ito, halatang-halata ang eyebags, at halos walang lakas na naglalakad palapit sa lamesa. Padarag nitong hinatak ang isang upuan at basta na lang sumalampak dito, bagsak pa ang ulo.
"Oh, ito, kape at pandesal," alok naman ni Jo sa kanya. Dahan-dahang nag-angat ng ulo si Nyca dahil sa amoy ng kape na nasa harapan niya. Akala niya magiging okay na ang pakiramdam niya pero nang dumapo ang tingin niya sa pandesal, para bang naalala na naman niya ang hubog ng katawan ng ex niya.
"Ay tangina," malutong na mura ni Nyca.
"Hoy, masamang magmura sa harap ng pagkain!" sita ni Cassie kay Nyca pero hindi naman siya pinansin nito. Patuloy pa rin sa pagmumura si Nyca dahil sa mga naiisip niya.
Sisitahin pa sana ulit ni Cassie si Nyca dahil sa patuloy na pagmumura nito nang biglang may mag-doorbell sa labas ng bahay nila. Napatigil silang lahat, pati na rin ang mala-machine gun na bibig ni Nyca na imbis na bala ay mura ang laman.
Si Dee ang nagpresintang lumabas para i-check kung sino yung nag-doorbell. Ipinagpatuloy naman ng iba ang pagkain ng almusal nang bigla na lang nilang narinig ang tili ni Dee. Dali-daling tumayo ang magkakaibigan at nag-uunahang lumabas ng bahay only to find Ian standing outside their gate, may dala pang flowers at chocolates.
Shuta.
"IAN?!" sabay-sabay na tanong ng magkakaibigan, well maliban kay Nyca na naiwang nakatulala sa lalaking nasa harapan nila. Tila ba hindi siya makapaniwala na ang lalaking pinag-uusapan lang nila kahapon at naging dahilan ng hindi niya pagtulog ay kaharap na niya bigla. Para bang pinaglalaruan siya ng tadhana...o ginagago for this fact.
She was just starting to prepare herself for their possible meet up. Hindi naman niya ine-expect na literal na lilitaw ito bigla sa harapan nila nang basta-basta. Sure, she settled offering him friendship and nothing more pero ngayong nasa harapan na niya ulit ito at tila ba maamong tupa na nakatingin lang sa kanya, para bang gusto na nga lang niyang lapitan ito at kalimutan ang mundo.
Ay wait. No, erase. Di pwede!
"Hi? Can I talk to Nyca?" tanong ni Ian na hindi malaman kung nag-aalangan ba sa pagngiti o sadyang nangingiwi. Napatingin naman ang magkakaibigan kay Nyca na hindi pa rin gumagalaw sa kinatatayuan nito. Tulala pa rin ito kay Ian at halos malaglag na ang panga sa tindi ng pagkakanganga.
Isang batok ang ibinigay ni Mace kay Nyca na siyang nagpabalik dito sa ulirat. Saglit na sinamaan nito ng tingin ang kaibigan pero nang magsalita si Mace, parang umurong bigla ang tapang na panandaliang dumaloy sa sistema niya.
"Para kang tanga. Ayusin mo nga 'yang sarili mo," masungit na wika ni Mace sabay pasok sa loob ng bahay. Isa-isa namang nagsunuran ang magkakaibigan papasok pero halata namang tatambay pa rin sa may pinto para makasagap ng balita. Mga chismosa nga naman.
"Anong ginagawa mo rito?" malamig na tanong ni Nyca kay Ian. Sa totoo lang, grabe ang kabang nararamdaman niya ngayon. Hindi niya malaman kung saan niya ba nakukuha ang tapang na ipinapakita niya sa harapan ni Ian pero pakiramdam niya, anumang oras ay matutumba na siya sa tindi ng nararamdaman niya. Halo-halo ang kaba, inis, galit, sakit, pighati, dalamhati, siphayo, at kung ano-ano pang emosyon sa katawan niya. Isama pa na naglalaro na naman sa isip niya ang mga tanong na hindi niya masagot-sagot sa nakalipas na mga taon. But at the end of the day, nando'n din yung kilig kasi ang gwapo gwapo pa rin niya.
"Ah, tangina," mahinang mura ni Nyca sa sarili. Gusto na niyang sampalin ang sariling bibig sabayan pa ng matinding sabunot dahil sa mga kalandiang naiisip niya.
"Ha?" naguguluhang tanong ni Ian. Inilipat naman ni Nyca ang tingin niya rito at agad na sinamaan ito ng tingin.
Kung bakit ba naman kasi bumalik pa 'tong isang 'to. Hindi mapigilang maisip ni Nyca. She was trying her best to stay calm and to think straight pero parang pesteng nagpupumilit na magsumiksik sa buhay niya 'tong si Ian at ginugulo bigla ang tahimik nang mundo niya. She made herself believe that everything's fine already. Bakit may ganito pa bigla ngayon?
"Can we talk?" nag-aalangang tanong ni Ian, hindi malaman kung lalapitan ba si Nyca o hindi.
"Ano pa bang tawag mo sa ginagawa natin ngayon? Tagu-taguan, mahuli tanga?"
"Nyca, please..." mahinang wika ni Ian. Mahahalata na sa boses nito ang frustration na nadarama dahil sa pakikitungong natatanggap nito mula kay Nyca. Pero sa isip-isip ni Nyca, dapat lang kay Ian ang treatment na nakukuha nito ngayon. Mas malalang sakit at pagdurusa ang pinagdaanan niya noong iwan siya nito. Walang wala pa nga ito kumpara sa naramdaman niya noon.
"Tapos naman na tayo, 'di ba? So ano pang ginagawa mo rito? May pabulaklak ka pang nalalaman. Wala namang lamay rito," deretsong sabi ni Nyca, not even trying to filter out her words.
She was getting blinded by her emotions at tila ba hindi na niya iniisip ang mga sinasabi niya. What was important now is that she could get her message across no matter what it takes. Ang tagal niyang kinimkim at inipon ang mga nararamdaman niya and now that she had the chance to let it all out, no one could ever stop her. Tatapusin na talaga niya ang lahat ngayon.
"Look, I'm sorry..." panimula ni Ian.
"Sorry? Don't you think it's too late for that? It's been what, two years? Two years na bigla kang nawala na parang bula. Two years na iniwan mo ako without any explanation. Araw-araw, tinatanong ko ang sarili ko kung may nagawa ba ako o nasabi kaya iniwan mo na lang ako nang gano'n...nang basta-basta. Kinukwestiyon ko ang sarili ko... sinisisi kasi maybe I was the reason why you left. Baka may kulang sa akin, baka may mali ako, baka may hindi ako maibigay...
Lahat na inisip ko at tinatak ko na rin sa kokote ko na kasalanan ko ang lahat and it even made me question my worth as a person. Tapos ngayon, babalik ka na parang wala lang? Hihingi ka ng sorry sabay bigay ng bulaklak? Akala mo ba gano'n ako kababaw para tanggapin na lang basta 'yang sorry mo dahil lang sa mga dala mo? Well, I'm sorry too, Ian, pero hindi ako gano'n. Now, kung wala ka nang ibang sasabihin, you know the way out."
Marahas na pinunasan ni Nyca ang luhang hindi niya man lang namalayang tumulo na pala mula sa mga mata niya. Lumunok din siya nang malalim at nang akmang tatalikod na siya para pumasok sa bahay, naramdaman na lang niya ang paghablot ni Ian sa braso niya. Before she could even react or say a word, Ian was already hugging her tight.
"I-I hate you... B-bitawan mo nga ako," mahinang sabi ni Nyca. She knew that the best move was to push Ian away but her mind was conflicted. She would be lying to herself kung sasabihin niyang hindi niya na-miss ang ganitong pakiramdam. When they were together, she has always liked his hugs because they comforting and warm. And now that she has felt it again, she just wanted to break down her walls and hug him back.
Oo, gano'n kadali. Sa isang yakap lang, bumigay na agad siya.
Nyca wanted to laugh at herself right now. Kahit ilang beses pala niyang sabihin sa sarili niya na naka-move on na siya, heto at hinahanap-hanap pa rin si Ian ng sistema niya. Gano'n pala talaga katindi ang kapit nito sa kanya at sa puso niya. Para lang siyang tanga. And as Mace would probably say, 'Ang rupok, ampota.'
"No. I'm never letting you go. Not this time, babe," bulong ni Ian which made Nyca shudder. Babe... Ang tagal na rin niyang hindi narinig 'yon... Simula no'ng iniwan siya ni Ian, she hated that endearment to the core pero bakit ngayong narinig niya ulit 'yon, parang tuwang tuwa pa ang puso niya?
"B-babe ka riyan? H-hindi naman na tayo, ah? You left me without a word, remember?" sagot ni Nyca pabalik, trying to hide any hint of emotion in her voice. Mas hinigpitan naman ni Ian ang pagkakayakap kay Nyca at wala nang ibang magawa si Nyca kung hindi ang damhin ang init ng yakap ni Ian sa kanya. Somehow, she felt like they were back to the time when they were together. Ganito rin ito yumakap kapag naglalambing sa kanya.
If only things didn't get wrecked and complicated...
"And I'm sorry for doing that. Believe it or not, hindi ko naman ginusto ang iwan ka. I sent you letters before to explain everything and to update you, hindi mo man lang ba binasa?" Napahinto si Nyca dahil sa sinabi ni Ian. Anong sulat ang sinasabi nito? Kailanman, wala siyang natanggap na sulat mula rito. What the hell?
Marahang itinulak ni Nyca si Ian palayo. Nang tingnan niya ito, magkasalubong na ang mga kilay nito na para bang naguguluhan sa nangyayari. Well, pareho lang naman silang naguguluhan ngayon.
"Anong letters ang pinagsasasabi mo riyan? Wala naman akong natanggap ni isa!" medyo malakas na pagkakasabi ni Nyca. Kahit ilang beses niyang isipin kung may sulat ba siyang natanggap o nakita noon sa bahay nila, wala talaga siyang matandaan. Siguradong sigurado siya na wala siyang nakuha. Hindi naman titindi ang galit niya kay Ian kung may mga natanggap siya noon, 'di ba?
"Nagpapadala ako sa 'yo noon simula nang umalis ako. Every two weeks pa nga. Wala namang bumalik sa akin kaya sigurado akong natatanggap mo 'yon. Akala ko nga, busy ka lang o kaya naubos na naman yung pera mo kakabili ng bala ng PlayStation mo kaya hindi ka nakakasagot pabalik. I wanted to make sure that you're aware kung bakit ako umalis noon at kung ano man ang nangyayari sa akin habang magkalayo tayo kaya nagpapadala ako lagi ng sulat sa 'yo," mahabang paliwanag ni which made Nyca wonder. Saan nga ba napunta yung mga sulat na sinasabi nitong si Ian?
"May social media at e-mail naman kasi. Bakit snail mail pa ang ginamit mo?!" naiiritang tanong ni Nyca. Kung totoo kasi ang sinasabi nitong si Ian, ibig sabihin, inipon niya lang lahat ng galit niya sa loob ng dalawang taon dahil sa misunderstanding?
Natatawang kinurot naman ni Ian ang tungki ng ilong ni Nyca saka ito nagsalita, "I wanted to show you that I'm willing to exert so much effort to make our relationship work kahit na magkahiwalay tayong dalawa no'ng mga panahong 'yon. But I guess kabaligtaran pa pala ang nangyari?"
"Wala naman nga kasi akong natanggap!" reklamo ni Nyca na siyang ikinatawa ni Ian.
"Oo na, 'wag ka nang magalit. I believe you," natatawang sagot ni Ian kaya sinamaan siya ng tingin ni Nyca.
"Tatawa-tawa ka riyan," masungit na sabi nito kaya ginawa ni Ian ang lahat para matigil ang pagtawa niya. Nang mahimasmasan, hinila nito muli Nyca palapit sa kanya.
"Sorry na. I just didn't expect that you're still the same adorable person that I left here two years ago." Napahinto si Nyca sa sinabi ni Ian. Adorable? He finds her adorable? Bakit ngayon niya lang nalaman 'to?
Bago pa makapagsalita ulit si Nyca, hinigpitan na muli ni Ian ang pagkakayakap sa kanya. It was too tight pero hindi naman nasasaktan o naaalibadbaran si Nyca. She actually liked the way Ian's hugging her right now. It's making her heart flutter and she's liking every bit of it.
Napahiwalay sa pagyayakapan ang dalawa nang bigla silang marinig na tumikhim sa likod nila. Nang lumingon si Nyca, she was welcomed with the scrutinizing gazes of her friends. Para bang hinuhusgahan siya ng lahat ng ito dahil lang sa magkayakap na naman sila ni Ian. Ayon sa usapan nila, closure lang ang ibibigay ni Nyca pero mukhang iba naman ang nakikita nila ngayon sa dalawa.
"Ikaw, lalaki, hindi ka pa tapos mag-explain. Sabihin mo na ang lahat ng nangyari bago ka pa namin ipalapa sa aso ng kapitbahay," mataray na sabi ni Mace. Masungit talaga 'to sa kahit na kanino kaya siguro hindi makahanap ng sariling boyfriend.
Ian raised his hands in surrender at tila ba handa itong magisa ng mga kaibigan ni Nyca. Hindi ito makikitaan ng takot o nerbyos man lang. Mukhang desedido na talaga itong ayusin ang mga gusot sa pagitan nila ni Nyca. At sa nakikita ni Nyca ngayon, mukhang hindi malabo na hindi lang talaga pagkakaibigan ang habol ng isang 'to sa kanya.
"Bago tayo mag-start, pa-milk tea ka naman diyan," biglang hirit ni Dee kay Ian. Sabay-sabay namang lumingon ang magkakaibigan sa kanya. Akala nito ay sisigawan siya ng mga ito pero nang isa-isang nagsabi ng mga order ang magkakaibigan, tila nakalimutan na nilang sarado pa ang mga milk tea shop nang ganitong oras. Mga sabik sa libre nga naman.
***
The explanation and interrogation lasted the whole day. Wala nang pumasok sa kanila sa trabaho all of the sake of chika and tsaa...and well, sino nga naman ba ang tatanggi sa libreng tanghalian, dinner pati na rin meryenda? Talagang sinagad na ng magkakaibigan ang lahat—pati na yata laman ng wallet ni Ian—pero at the end of the day, nagkaintindihan naman na sila.
Apparently, Ian wasn't at fault. All along, inakala lang nilang nang-ghost ito at basta na lang iniwanan si Nyca. At salamat sa matinding stalking este research skills ni Cassie, napag-alaman nilang ang kapatid pala ni Nyca ang may kasalanan kung bakit hindi nakita ni Nyca ang mga sulat ni Ian noon. Itinago nito ang lahat dahil matindi ang galit nito kay Ian. Wala raw itong tiwala sa lalaki lalo na no'ng muntik nang may mangyari kina Ian at Nyca. Kaya nang may makitang pagkakataon para tuluyan nang maputol ang relasyon nito at ng kapatid, sinunggaban na nito.
"Siraulo rin talaga 'yang kapatid mo, 'no? Masyadong paladi akala mo naman kinagwapo niya 'yon. Mukha namang ningudngod na tuko," deretsong sabi ni Jo kay Nyca nang matapos sa pag-e-explain si Cassie.
"Sabi ko pa naman dati, cute siya. Binabawi ko na! Pwe!" hirit naman ni Dee na siyang nagpatawa sa kanila.
"Huy! Na-cute-an ka ro'n?! Ang baba ng standards mo, ah!" singit naman ni Cassie.
"Cute is next to pangit naman! Mas bet ko pa nga 'tong si Ian!" banat naman ni Dee kaya napalingon ang lahat sa kanya. Akmang magrereklamo na sana si Nyca nang biglang sumingit sa usapan si Loysa.
"Di ko lang gets bakit ang pakialamero niyang kapatid mo, Nyca. Ian, 'di kaya gusto ka n'on?" panloloko ni Loysa kay Ian. Muntik namang mabuga ni Ian ang iniinom dahil doon na siyang ikinatawa nilang lahat.
"Joke lang. Hehe," natatawang sabi ni Loysa sabay balik sa pagbabasa ng libro niya.
Nang mahimasmasan ang lahat, isa-isa nang naglipit ng pinagkainan ang mga ito. Pumasok na rin sina Jo, Mace, Cassie, at Dee sa kwarto dahil may live stream pa sila. At nang maiwan na sina Nyca at Ian sa sala, doon naramdaman ni Nyca ang pagod. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntonghininga na agad namang napansin ni Ian.
"Are you okay?" tanong nito. Hinawakan pa agad nito si Nyca sa magkabilang pisngi at dahan-dahang sinusuri, tila tinitingnan kung may masakit o mali ba rito.
"Okay lang ako. 'Wag ka ngang OA," sagot naman ni Nyca but Ian wasn't buying it. Nagpumilit pa rin ito at tinanong nang paulit-ulit si Nyca kaya wala nang nagawa ang isa kung hindi magkuwento na.
"Pagod lang. Hindi rin ako makapaniwala sa mga nangyari. All along, I directed my anger towards the wrong person. Nakaka-frustrate na ewan." Ian pulled Nyca closer to him at saka ito pinatakan ng halik sa may sentido nito. Nang matapos, inihirap niya si Nyca sa kanya at masuyong tiningnan ito.
"Don't worry about it anymore. Ang importante, nagkalinawan na tayo...nagkaayos na tayo. We've got all the time in the world to make up for the lost time. This time, we'll make everything right. Hinding hindi na kita iiwan at pakakawalan," malambing na wika ni Ian na siyang nagpataas ng kilay ni Nyca.
"Sinong may sabi na okay na tayo?" inosenteng tanong ni Nyca. Imbis naman na sagutin siya ni Ian, bigla na lang siya hinatak at pinaupo sa kandungan nito.
"Ian!" impit na sigaw ni Nyca dahil sa pagkabigla. Ngumisi naman si Ian dahil do'n.
"Ssh... They might hear us," mahinang bulong ni Ian. Magpoprotesta pa lang sana ulit si Nyca pero nang patakan siya ng halik nito sa kanyang labi, para bang naglaho na ang lahat ng pagdududa at takot na nararamdaman niya.
Sa wakas, may humalik na ulit sa labi niya. Natatawang isip ni Nyca. Pero nang maramdaman niyang lumalalim na ang halik ni Ian at may nararamdaman na siyang tila may tumutusok sa sentro niya, doon siya biglang natauhan. Agad siyang humiwalay sa mga labi ni Ian at marahan itong itinulak palayo.
"Why?" inosenteng tanong ni Ian, hinahabol pa ang hininga.
"Why why mo mukha mo. Di pa nga natin napag-uusapan kung ano na ba talaga tayo, tumatayo na agad 'yang alaga mo. Bwisit ka talaga kahit na kailan!" reklamo ni Nyca. Natatawa namang sinasalo ni Ian ang lahat ng hampas na ibinibigay sa kanya ng dalaga.
"I never considered us breaking up. Kaya mula noon, hanggang ngayon, ikaw pa rin ang nagmamay-ari ng puso ko. I love you, Nyca and no amount of distance or time apart could ever change that. So if you're asking kung ano ba tayo, ang alam ko lang ay ikaw ang gusto kong makasama hanggang dulo," seryosong saad ni Ian. Suddenly, Nyca felt her cheeks heating up and her heart beating fast. Ito na nga ba ang sinasabi niya. Hindi talaga siya patatahimikin ng mga halik nitong lalaking 'to.
"You're blushing," panloloko ni Ian kay Nyca kaya hinampas na naman siya nito sa dibdib.
"Baliw ka talaga!" singhal ni Nyca.
Ian then kissed Nyca again on the lips to shut her up and when he finally pulled back, he looked at her in the eyes and asked, "Then let's get crazy together, shall we?"
***
THE END
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top