PROLOGUE
Everyday is a battle— a never ending battle.
Isa sa mga lumalaganap na suliranin pang-medisinal ang mga malalang karamdaman ng tao sa lipunan at upang mapunan ito ay nagsagawa ng isang lihim na ekperimento ang ilang myembro ng mga dalubhasa.
Tinawag itong Project Chrome na kilala bilang isang lihim na eksperimento kung saan maraming propesyunal na syentipiko at ilang mananaliksik ang kalahok upang likhain ang isang panibagong o modification sa cell na malaki ang maitutulong sa sangkatauhan.
Nais ng proyektong ito na lutasin ang kinahaharap na problema ng lipunan tungkol sa mabibigat na karamdaman tulad na lamang ng cancer cells.
Isa sa layunin nito na makagawa ng isang cell na maaring lunasan ang lahat ng malubhang karamdaman ng tao.
Marami ang sumang-ayon sa proyektong ito lalo at higit sa lahat ang pagbibigay pondo ng kilalang kompanya ang Vermilion na pagmamay-ari ni Henry Costine Vermilion, isang half-italian at Filipino.
Malaki ang kikitain kung sakali mang maging matagumpay ang Project Chrome kaya gano'n na lamang ang paghahangad nitong pondohan ang lahat ng gastusin.
Pinangunahan ng isa sa tanyag na syentipiko na si Titania Michelle Drios at ang partner nito na si Zeiraphine Smith ang naturang proyekto. Sila ay tanyag na mga scientist at researcher.
Nangalap sila ng maraming impormasyon sa ginagawang pag-aaral tungkol sa cells mutation and genome.
Marami na rin silang nasaksihang mga pasyente sa isang kilalang hospital na kung saan na-diagnose na may cancer. Ang ilan sa mga ito ay sumailalim sa chemoteraphy subalit iilan lamang ang nabigyan ng pagkakataong mabuhay. Dahil sa pangyayaring ito ay nagkaroon sila ng kagustuhan na lunasan ang mga taong naghihirap mula sa cancer cells.
Hindi lamang ito ang kapakinabangan matatanggap, isa rin sa mga nakikitang malaking ambag ng gagawing proyekto sa lipunan ang kakayahan mabilis na paghilom ng anumang uri ng sugat sa katawan ng tao.
Nais nilang gumawa ng isang syrup, na kanilang tatawagin bilang U Syrup. Ayon sa kanilang pag-aaral. Ang syrup na ito ay may kakayahan baguhin ang cells sa ating katawan.
Nakagawa sila ng sample ng syrup at tinurok ito sa isang test subject na daga kung saan ay putol ang buntot nito. Gano'n na lamang ang kanilang pagkamangha nang mabilis na tumubo muli ang buntot ng daga. Marami na ring sumailalim na subject na hayop ang tinurtukan ng U syrup at ganoon pa rin ang resulta. Madaling naghihilom at nalulunasan ang anumang sakit ng mga ito. Ngayon naman ay gagamit sila ng isang tao sa kanilang eksperimento.
Hindi pa naisa-publiko ito dahil tiyak na marami ang tututol sa kanilang gagawing paggamit ng tao sa isang eksperimento dahil dito ay pinagkasunduan nilang gawing isang lihim na proyekto ang paggamit ng tao bilang test subject.
Isa pa sa kanilang tagumpay ang paggawa ng isang perpektong human clone. Siya ang ginamit nila bilang kauna-unahang test subject at tinawag na Chrome. Perpektong naisagawa ito.
Subalit, hindi naging madali ang lahat. Marami ang naghahangad na makuha ang U syrup.
Isa na rito ang kilala sa Dark Society ang WEB Organization. Ang organisasyong ito ay pinamumunuan ng isang malupit at makapangyarihang tao. Walang nakakakilala sa kaniya subalit kahit na gano'n ay marami siyang tapat na tauhan na nasa iba't ibang sekta sa gobyerno at matataas na tao sa lipunan. Nalaman n'ya ang tungkol sa Project Chrome.
Nais niyang kunin ito at sila lamang ang makinabang. Lalo na't isa sa kaniyang mga tauhan ang nakapagbigay alam na hindi lamang basta lunas sa sakit at sugat ang kayang gawin ng syrup na ito. Magagawa nitong mas palakasin ang katawan ng isang tao, kakaiba sa pangkaraniwang tao.
Dahil dito ay nagkagulo ang research facility. Sinugod ng WEB ang kanilang lugar kung saan isinasagawa ang eksperimento. Kanilang pinatay isa-isa ang ang mga kasamang syentipiko at mga mananaliksik. Walang nagawa ang mga military upang sila'y pigilan.
Sa kabutihang palad ay nagawang iligtas ng isa sa kanilang kasamahan ang resulta o produkto ng kanilang eksperimento pagkatapos na sirain ang lahat ng mga mahahalagang impormasyon at data ukol sa Project Chrome. Nawala na parang bula ang lahat.
Ibinalita ang kaganapan ito sa buong lipunan bilang isang aksidente lamang. Nasunog ang gusali ng research facility. Inilihim ng gobyerno ang pagkamatay ng maraming tao.
Walang kahit na sino ang makakaalam ng nangyari. Lahat ng may alam ay ninais na lamang na itikom ang mga bibig. Ang iba ay binayaran ng pamahalaan upang huwag ilihim ang ukol sa Project Chrome hanggang sa tuluyan itong nabaon sa limot.
Subalit, hindi pa rito natatapos ang lahat. Ang evil organization ay mas ninais na isakatuparan ang paglikha ng makabagong sandatahang lakas pandigma.
Ang paggawa ng isang human weapon. Perpektong sandata na may kakaibang lakas at kakayahan upang magamit nila sa pagsakatuparan sa kanilang nag-iisang mithiin. Ang sakupin ang buong mundo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top