[9] REQUEST
"Day after day, mortality rate increase and so as crimes will never stop growing."
CHAPTER 9
North Border, Capital City
Nakapalibot ang maraming yellow tape sa isang abandunadong gusali. Maraming mga sasakyan ang nakaparada sa harapan nito na mula pa sa LIA at HIS. Natupok ng apoy ito ng apoy. Umuusok pa at maraming alikabok sa paligid.
Mataman nagmamasid sa paligid si Andrei. Inaalisa ang crime scene. Siya ang pinadala ng konseho upang imbestigahan at kumuha nang mahalagang impormasyon sa nangyari.
Hindi niya lubos akalain na ang magiging biktima ng kalunos-lunos na krimen ang mismong kasamahan na mula pa sa kabilang agency. Isa-isang inilabas ang mga sunog na bangkay. Natatakpan ang buo nilang katawan ng kulay puting kumot. Aabot sa bilang na labinsiyam.
'Who would have thought something horrible like this;mass massacre, could happened? Lalo na sa kanila pa,' samo niya sa isipan habang nakamasid sa pagpasok ng mga bangkay sa loob ng isang sasakyan.
Daldalhin ang mga ito pabalik sa HQ para sa Autopsy. Kailangan ng forensic report ang lahat ng ito. They need to find the cause of everything.
Habang busy ang ilang mga agents sa pagtingin sa paligid, upang humanap ng matibay na ebidensya na makakatulong upang malaman kung ano ang mga pangyayaring naganap sa mga biktima ay nilapitan ni Andrei ang isa sa mga bangkay.
Naupo siya at inalis ang nakatakip sa mukha nang malapit sa kaniya. Napatakip siya ng bibig at ilong. Langhap ang nasunog na laman. Hindi na makilanlan ang mukha nito.
Sa ibinigay na impormasyon ng mga bombero natagalan sila sa pagdating dahil liblib ang lugar na ito at halos tatlong oras bago naapula ang apoy.
Tuluyan natupok ang buong gusali. Eksaktong 1:56 ng umaga. Natagpuan ang mga bangkay. Pinagbigay alam nila kaagad ang nadiskubre sa awtoridad.
Sa ngayon ay pinaubaya nila sa higher jurisdiction ang imbestigasyon. Ayon na rin sa utos mula sa konseho.
"He's Efrain Gomez. Also known as Agent 56." Agaw atensyon ng isang malamig na boses kay Andrei.
Ibinalik na niya ang pagkakatakip sa mukha nito bago tumayo at hinarap si Morgan.
Morgan Alvarez, ang top agent sa HIS. Siya rin ang captain ng 1st squad.
"Nakilala mo siya kahit na ganyan ang naging itsura niya?" Manghang pahayag niya na ikinakibit balikat ni Morgan.
Kumuha ito ng yosi. Sinindihan iyon at humithit. "They are my comrade, there is no way I won't recognize them." Binuga niya ang usok.
Napaubo si Andrei. "Hinay-hinay lang pare. Nakakahawa ang sakit sa baga kahit langhap lang nakamamatay pa rin," reklamo niya.
Napapalatak na lamang si Morgan. "Napaka-arte mo pa rin hanggang ngayon Robles. Hindi ko lubusan maisip kung ano ang nakita sa'yo ng pinsan ko para pakasalan ka," naiirita nitong pahayag.
Ngumisi si Andrei. "Gwapo ako at mapagmahal pare. Kaya mahal na mahal ako ng misis ko," pagmamayabang ni Andrei na ikinailing na lamang ni Morgan.
Pinagtuunan na lamang nito ng pansin ang sunog na gusali.
"Nevermind. Hindi ba't nandito ka rin para imbestigahan ang kasong 'to?"
"The council sent me. Any information you can bargain Morgan?" Nagpamulsa si Andrei.
"A little, I guess. They are from the 15th squad handling the drug cases and illegal transaction. Nakatanggap sila ng misyon tungkol sa ilegal na pagawaan ng droga at mga baril. Matagal nilang sinubaybayan ang lugar na ito dahil nakatanggap sila ng impormasyon na dito raw ang hinahanap nila."
Humithit itong muli sa yosi bago iyon binuga sa hangin. "Nakakalap sila ng matibay na ebidensya. Tunay na may ilegal na gawaing nagaganap dito. Kaya nanghingi sila ng permiso sa nakakataas para sugurin at dakpin ang mga taong iyon. Nakakatiyak sila na kasali ang mga ito sa isang sindikato at kapag nahuli, malaki ang maitutulong nito upang matunton ang mas malaki pang mga organinasyon. They just want to end the illegal crimes. But this had to happened."
Napakamot sa ulo si Andrei. "What's inside?"
"Nothing, just rubble and nonsense stuff. Walang nakitang ebidensya. Kahit wala pa ang forensic report alam ko na hindi sa sunog namatay ang mga kasamahan ko. Someone murdered them. At sinadyang sunugin ang lahat ng ito para mawala ang mga ebidensya."
"Isa lang ang ibig sabihin, kung tunay na dito ang pagawaan nakakatiyak na nalaman nila ang gagawin raid. Mukhang nailipat nila kaagad ang mga epektos at mga baril. Naniniwala rin ako sa sinabi mo na pinatay sila. We are all trained. Hindi basta basta mamamatay dahil lang sa sunog. Something big happened to them. Kung sinuman ang pumatay sa kanila nakakatiyak akong mapanganib sila."
"Iyon din ang nasa isip ko. This means this group is not ordinary crime syndicate."
Napatango na lamang si Andrei sa sinabi nito. "Do you think 'they' are the one behind this?"
"Maybe," kibit balikat na pahayag ni Morgan. Itinapon nito sa semento ang sigrilyo bago iyon tinapakan. May kinuha sa bulsa at inilahad iyon kay Andrei.
Nagtatakang tiningnan niya ang maliit na spy cam sa palad nito na sira at mukha nasunog ang ilang parte.
"Efrain's spy cam," Panimula ni Morgan. Kinuha iyon ni Andrei. "Ang sa kaniya lang ang masasabi kong 'maari' pang ayusin. Kung mapagtagumpayan mong ma-retrieve ang laman niyan. Malalaman natin ang tunay na nangyari."
"Bakit mo sa akin ito binigay?"
"Bakit hindi? Walang kahit na sino mula sa HIS ang may kakayahan na ayusin iyan subalit sa LIA meron. Siya ang may kakayahan gawing posible ang imposible." Hinawakan ni Morgan ang balikat ni Andrei. "Ngayon lang ako hihingi ng pabor. Do everything to give them justice. Make them pay," diin nito bago tinapik ang dalawang beses ang kaniyang balikat at umalis.
Sumama ito sa mga sasakyang kinalalagyan ng mga bangkay. Andrei looked at the object on his hand.
"Makakaasa ka," determinado niyang pahayag.
'I bring them to justice whatever it takes. Makakamit nila ang hustiyang nararapat sa kanila.'
...
Nag-unat ng mga braso si Zoien. Ngumiti siya at pinagpagan ang mga kamay.
'I guess tapos na.'
Napahikab pa ang dalaga habang pinagmamasdan ang mga nakakalat na mga larawan sa ibabaw ng study table.
Ang mga larawan ng mga biktima ng Midnight Rapist.
Age 14-20. Lahat mga mag-aaral ng iba't ibang Prestigious School. Maganda at mula sa mayamang pamilya.
Who are the criminals?
Naisip ni Zoien na imposibleng gawa ito ng isang tao lamang. Malaki ang paniniwala niya na hindi nag-iisa ang kriminal. May kasabwat ito.
'Sino nga ba? At bakit mga estudyanteng ito ang puntirya niya? Imposibleng random lang dahil lahat ng kriminal ay may nakatagong rason. Pero, ano iyon?' Imposibleng dahil sa pera. Ayon sa files, walang nakawan na naganap. Kumpleto ang gamit ng mga biktima. Maliban sa label nitong homicide/rape case.
'They should at least gave me a clear report. If there's no lead. There's no way to solve the case.' Napasandal ang dalaga sa kinauupuan at tiningnan ang kisame. Walang ibedensyang nakuha. Malinis ang krimen. Sa sobrang linis mahirap tukuyin kung sino ang salarin. Ligtas sa CCTV ang lugar kung saan tinapon ang mga biktima.
Sa ibang lugar pinatay ang mga biktima at sinadyang ipakita ang mga bangkay kesa itago. Crime Scene is no where to locate. If she could just get a hold on that place. Maaring makahanap siya nang matibay na ibedensya.
'But where is it?' Napailing si Zoien. Sumasakit ang kaniyang ulo kakaisip.
'I'll think about it later. May itatapon pa nga pala ako,' paalala niya sa sarili.
Itinabi niya ang mga gamit sa safe na lugar bago nilapitan ang kaniyang basurahan. Kinuha ang garbage bag. Sinigurado na nakahiwalay ang nabubulok sa di nabubulok. Saka siya lumabas. Nagtungo siya sa kwarto ng pinsan. Siniguro na kumatok muna ng tatlong beses bago tinawag ito.
"Felt, magtatapon ako ng basura. Can—" Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil marahas na bumukas ang pinto.
Tumambad ang nakasimagot na si Feltesia. Nakapantulog na ito at nakasabit ang headphone na pula sa leeg.
"Here. Now go away! Don't disturb me." Pagtataray nito pagkatapos ibigay ang mga basura kay Zoien.
Pinagsarhan siya nito ng pinto.
Napangiwi ang dalaga. 'Harsh as always. Kailan kaya siya aamo?'
Zoien let out a deep sighed bago nagtungo sa kusina upang kunin ang mga basura. She sorted the garbage properly bago lumabas ng bahay para ilagay ang basura sa malaking trash bin sa may labas ng gate. Dinaraanan iyon ng magbabasura ayon sa araw ng schedule. MWF para sa non-Biodegradable at TTh naman para sa Biodegradable.
'Finished.' Masayang samo ni Zoien pagkatapos maitapon ang mga basura.
She looked up. The sky is beautiful as ever. Different constellations are visible. Especially the orion known as the archer. Zoien loves the universe. Noon, pangarap niyang maging astronomer. Maraming aklat na binili ang kaniyang mga magulang tungkol sa Astronomy but eversince the tragedy, nag-iba na ang daang tinahak ni Zoien.
'You have to sacrifice everything. Sa panahon ngayon hindi na uso kung ano ang gusto mo. Human needs is more important.'
Naagaw nang pagvibrate ng phone ang atensyon ni Zoien.
Tinahaw niya ito mula sa kaniyang pajama.
Unkown Number.
No one know her number. Maliban na lang kung malapit sa kaniya ang tumatawag. Walang pag-aalinlangan na sinagot niya ito.
"Hello, Zoien speaking. Who's this?" Bungad niya.
May mga kaluskos sa kabilang linya. Ingay mula sa papel iyon.
"Baby girl! Nakakapagtampo ka!" Bulalas ng nito.
Mabilis na inalayo ni Zoien ang phone sa kaniyang tenga bago nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Inilapit niya muli ito sa kanan tenga.
"Uncle Andrei do you have to shout? Masakit sa tenga," reklamo ni Zoien.
"Kasi naman, hindi mo sinave Phone number ko samantalang kay Troy kahit bago number nakasave pa rin yung sa kaniya! Asan hustisya. Masama ang favoritism Baby girl! Dapat pantay-pantay lang!" Parang nakikipag-usap ang dalaga sa isang 10 years old at hindi sa 32 years old man.
"Napaka-isip bata n'yo talaga Uncle Andrei. Fine, don't worry I'll save your number."
"Dapat favorite uncle ang caller name ko ha!" At nagawa pa nitong magdemand.
Napailing na lamang si Zoien. She look around. Walang tao sa paligid subalit maliwanag naman dahil sa mga street lights. Nagtungo si Zoien sa malapit na bench at doon naupo.
"Sige po. Matahimik lang kayo."
"UmSalamat! Dapat ipakita mo 'yan kina Ivan! Tiyak maiingit ang mga iyon!" Pagyayabang ni Andrei.
"Do I have to?" Kunot noong pahayag ni Zoien.
"Biro lang pamangkin. Ngayon lang ulit tayo nagkausap. Nakakamiss ang boses mo. Ako ba na-miss mo?"
Napaisip si Zoien. "Seryoso Uncle. Kung kamustahan lamang ang usapan pwede n'yo naman akong bisitahin. So, why did you call?" seryosong saad ng dalaga na ikinatahimik ni Andrei.
"You really know me, huh?" Maya-mayang pahayag niya. "Masyado bang halata na may kailangan ako sa'yo?"
"Obviously po, Uncle. If you want to have bonding time, just like what I said earlier ikaw ang mismong pumupunta. It's a surprise you call."
"Gano'n ba. Let's meet. Nasa park ako. I have something important to tell you."
Nahimigan ni Zoien ang urgency at the same time bigat ng bawat salitang pinakawalan ni Andrei.
"Alright, I'll be there. Just wait for me, Uncle."
"I will baby girl. Bibili na rin ako nang makakain habang wala ka pa."
"Hindi pa po kayo kumakain?" Takang tanong ni Zoien.
"Ah, s...s-i Samanthat kasi...!" Tila naiiyak nitong pahayag
May clue na si Zoien. "She kicked you out."
"Hindi ko naman kasalanan kung bakit n...n-akalimutan kong kainin ang inihanda niyang breakfast kaninang umaga. Nagmamadali kasi ako dahil may emergency kaya iyon nagalit ang Auntie mo. Hindi ko tuloy natikman ang masarap niyang luto." Pagsusumbong nito na ikinabuga ng hangin ni Zoien.
"Huwag na po kayong bumili, magdadala ako ng foods. Juat stay there."
"Really? Ang swerte ko naman matitikman ko ang lutong bahay mo, baby girl!" He beamed with happiness.
"I hung up na po."
"Sige! Bilisan mo ha! Saka ingat!"
Namatay na ang tawag. 'Still the same childish uncle I know.'
Tumayo na si Zoien. Nagtungo sa kusina para kunin ang leftover foods kaninang dinner nila ni Felt. Ininit niya muna iyon sa oven bago inilagay sa isang tupperware. Nagbaon ng kutsara at tinidor maging ng isang tubig.
Bago siya umalis ay nagpaalam siya kay Felt. At tulad ng inaasahan pinaningkitan siya nito ng mga mata.
"Where are you going this late at night, aber?" Panimula nito with matching cross arm.
Another pasakit. Nagpakawala ng buntong hininga si Zoien.
"Uncle Andrei called me a while ago. He wants to see me. Sa park lang naman." Sinabi ni Zoien ang tunay na dahilan kay Felt. Wala naman rason para magsinungaling.
Tumahimik sandali si Felt. Hindi niya alam na close pala si Zoien sa kanilang Uncle Andrei.
Napansin niya ang bitbit nito. "What's that?"
"Leftover foods."
Naningkit lalo ang mga mata ni Felt.
Bago pa ito magbuga ng apoy ay nagsalita si Zoien. "Auntie Samantha kicked him out so hindi pa siya kumakain and I offered tutal meron tayong leftovers."
Felt sighed. She gave up. Ayaw na niyang makipagtalo pa. "Fine. Be quick okay. Kapag lampas ng isang oras wala ka pa. I call Uncle Andrei."
Sumilay ang matamis na ngiti sa labi ni Zoien na siyang ikinangiwi ni Feltesia. 'Nakakasilaw ang ngiti niya.' Kaya bago pa siya matunaw sinara na niya ang pinto.
"Thanks Felt! Madali lang ako sa labas!" Huling paalam ni Zoien bago lumabas ng bahay. Sinigurado niyang secured ang bahay bago siya umalis bitbit ang mga pagkain.
Sa panahon ngayon, masyado nang delikado ang paligid. Kaya hindi dapat mapanatag sa labas lalo pa kung nag iisa at hindi marunong ng self defense. Dapat talaga tinuturo iyan sa paaralan. At least malaki ang maitutulong sa mga kabataan.
Nagpatuloy sa paglalakad si Zoien hanggang sa nakarating na siya sa park. Hindi na siya nahirapan na hanapin ang Uncle niya. Agaw atensyon kasi ang mamahalin nitong sasakyan na kulay silver.
Nakasandal sa may pinto nito si Andrei.
"Yow! Took you long enough," bungad nito.
Tumigil si Zoien sa harapan ni Andrei at inilahad ang bitbit.
"Ininit ko pa kasi Uncle ang pagkain mo saka nagpaalam ako kay Felt."
Kinuha ni Andrei ang inaabot ni Zoien.
Hindi nawala ang ngiti sa labi. "Ang thoughtful mo naman Baby girl! Huwag ka munang magka-bf ha!"
"Uncle naman." Ngumuso si Zoien.
Inakbayan siya ni Andrei at nagtungo sila sa bench na malapit sa street light may mesa rin do'n.
"Aba hindi ako papayag na kung sino-sino lang ang magiging kasintahan mo dapat pasok sa standard namin."
Naupo na sila sa bench. Magkaharapan. Pinagmasdan ni Zoien ang pagtahaw ni Andrei ng mga tupper ware na may lamang pagkain.
"Alam ko naman iyon Uncle. Pero nag-aalala ako kung sakali mang may maglakas loob na ligawan ako. Baka matakot siya at magback out once na ma-meet kayo."
Kumain si Andrei. Malinamnam ang bawat pagkain. 'As expected from our baby girl, kaya naiingit ako kay Homer dahil ganito palagi ang kinakain niya. Hmn! Heaven!'
Napailing ang dalaga. Tuluyan na siyang naichapwera dahil sa pagkain. Inabot ni Zoien ang tubig. Nagsalin sa cup at inilagay sa tabi ng plato ni Andrei.
"Shalamhast! ahng sharap ng lutso mo." Halos mabulunan na si Andrei. Kinuha nito ang cup at huminop. "Uwah! Nakakatanggal ng pagod!" Mabilis na naubos nito ang mga pagkaing dala ni Zoien.
She sighed. "So, ano po ang mahalaga mong sasabihin?"
Sa pagkakataong ito. Nagseryoso na si Andrei.
"I have a request."
"Request? That's new. Bakit po sa akin pa?"
Itinahaw ni Andrei ang kanina pa niyang dalang folder. Inilagay niya iyon sa harapan ni Zoien.
"Read the content.l," utos ni Andrei na mabilis na ikinatalima ni Zoien.
It's black folder. From the Council. Mabilis na iginala ni Zoien ang mga mata sa bawat files hanggang sa natapos niya iyon ay wala siyang imik.
Pinagdaop ni Andrei ang mga kamay at ipinatong ang baba sa mga ito.
"'Yong sinasabi ko sa'yo na urgent kaninang umaga ay may koneksyon diyan. Massacre case. 19 agents na mula sa HIS ang pinatay sa nangyaring ambush sa North Border. Natagpuan ang kanilang mga bangkay nang mga bandang 1:56 ng umaga ng mga bomberong sumaklolo sa nasunog na gusali kung saan sila pinaslang. Sunog ang mga bangkay. Ang sabi sa Autopsy report. Ang cause of death nila ay ang hiwa sa kanilang leeg."
Sandaling natahimik si Andrei. "Other than that. Wala na kaming ibang nakuha. Walang naiwang bakas ang kriminal. Malinis ang crime scene dahil sa nangyaring sunog. Even the surveillance system near the perimeter are all useless. Walang possible witness dahil lahat sila ay patay na. This case is beyond clear. Napadilim, malabong masolusyunan."
Sinara ni Zoien ang folder. "Slit in the throat 3mm wide and 6 inches long with 2 inches deep. Murder weapon. A cutter fit the wounds," seryosong saad ng dalaga bago tiningnan sa mata si Andrei. "I think may kaugnayan ito sa kasong hinahawakan ko."
Nagulat si Andrei sa sinabi ng dalaga. "What do you mean iha?"
"The council also gave me my second mission. It concerned with the murdered of 30 teenager. They were rape and killed by the Unknown Midnight Rapist." Tinapik ni Zoien ang folder. "Ang forensic report na nandito ay kapareho ng nasa akin. Uncle, we know how criminal minds works. 100% na tugma ang sukat ng hiwa. Only one person can do that. Lalong-lalo na kung propesyunal. My gut feelings are telling me na iisang criminal lang ang hinahanap natin. Not Actually iisa dahil malaki ang hinala ko na hindi lamang iisa ang salarin na hinahanap ko. Pero may koneksyon kaya hindi malabo na masulusyunan ang kasong hinahawakan mo."
Napangiti ng lihim si Andrei. His happiness can't be contain. Malaki ang pinagbago ng batang Zoien noon sa nakikita niya ngayon. He can see the eagerness in her eyes to solve the case. Pinag-aaralan nito nang mabuti ang bawat detalye at walang pinapalampas na kahit ano.
"Idagdag pa na malinis rin ang pagkakagawa ng krimen. If only the criminals are'nt careful and keen." Malalim na nag-isip si Zoien.
'Their hard work paid off.' Kinuha ni Andrei mula sa bulsa ang isang sealable plastic. Nasa loob nito ang ibinigay sa kaniya ni Morgan na spy cam na may build in memory chip. Although nasunog nang kaunti tiyak na alam niyang magagawan ng paraan ni Zoien na maayos iyon.
She wasn't called the little inventor for nothing. Siya ang pinakamagaling pagdating sa paggawa ng mga technology base equipment. Lahat ng upgrade sa LIA at HIS weapons ay si Zoien ay may gawa. Kaya sisiw lang sa kaniyang ang pag-repair sa nasirang spy cam.
"Well this might help." Inilapag ni Andrei ang hawak sa mesa. "Medyo nasira siya at kelangan ng kunting — no mas mabuting sabihin na marami kang aayusin diyan."
Kinuha ni Zoien iyon. "A spy cam?"
Tumango si Andrei. "Isa sa mga agent na namatay ang may ari niyan. Sa kaniya lamang ang maayos pa. That spy cam has a built in memory chip. If you can retrieve it, we can solve our both cases." Ngising pahayag ni Andrei.
"So this is the request you are talking about?"
"Bingo!" Ngumiti si Andrei. "Morgan was the one who gave that to me. Malaki ang maitutulong niyan para masolve ang kaso at mabigyan katarungan ang mga namatay. Kung tunay na iisa lamang ang hinahanap natin. You can also solve your case."
"Alright. I will repair it but it will take some time bago tuluyan maayos. It's actually worn out. Mahirap man kakayanin." Ibinulsa ni Zoien ang spy cam. "If he really is the same person whom I'm looking for. I'm sorry Uncle but I have to kill him."
Napakamot ng ulo si Andrei. "Right. Call me of nagtagumpay kang ayusin iyan. I almost forgot about that but if the council ordered you to do it then don't worry I won't interfere but be careful."
"Palagi po akong mag-iingat."
"That's it then. Kailangan mo ng umuwi. Malapit ng mag-8:30. At ako rin ay uuwi na dahil kailangan ko pang paamuin ang Auntie mo. Alam mo na." Kumindat si Andrei.
"Whatever Uncle. You better apologize properly. Tell her the reasons. Auntie Samantha is a woman who understand reasons."
"I know. I know." Inayos ni Andrei ang pinagkainan bago iyon binigay kay Zoien. "Salamat sa foods. Nakakabusog. Sana may next time pa."
Kinuha na ni Zoien ang mga gamit. "Just tell me when and I will cook some for you."
Nagsimula na silang sabay na naglakad. "Gusto mo bang ihatid pa kita?"
"I can take care of myself. Uwi na po kayo. Tiyak naghihintay na si Auntie."
"Ikaw bahala." Dumako na si Andrei sa kotse niya. "By the way Zoien. Congratulation sa last mission mo. That helps a lot. We saved the missing people and even destroyed their territory. There won't be another chance for them to appeared again."
"Thanks Uncle. It's my job. Ingat po sa pagmamaneho n'yo pauwi."
Kumaway si Andrei bago pumasok sa kotse niya at nagmaneho paalis.
Zoien looked at the sky.
"I have they key. I won't fail. Just wait for me. I will definitely catch you," samo niya sa hangin bago nagpasyang umuwi.
-Itutuloy-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top