[8] UNFORGETTABLE PAST

"Rulers under the shadow shall bring chaos to the world — they despise the most."

CHAPTER 8

Nanginginig ang mga kamay na nakahawak sa baril si Agent 56 na mula sa Hollow International Security (HIS). Nakatutok iyon sa isang binata na nasa kaniyang harapan na patuloy ang pagngisi sa kaniya.

Tagaktak ang pawis at dugo sa kaniyang mukha. Napapalunok na lamang ng tuyong lalalamunan sa tuwing tumatama ang kaniyang tingin sa mga kasamahan na wala ng buhay.

Lugmok ang katawan nang halos aabot sa dalawampu niyang kasamahan. May mahabang hiwa ang pare-parehong leeg na sanhi ng kanilang pagkamatay. Punong-puno ng dugo ang marmol na sahig maging ang puting sementong pader. Maiihalintulad sa isang obra maestra na ang ginawang pampinta ang kulay pulang likido mismong nanggaling sa katawan ng tao.

"Kung nais mong iputok ang baril mo. Gawin mo." Agaw atensyon ng binata na nakaupo sa isang malinis na lamesa. "At least, make me entertain agent." Humikab pa ang binata. Tila nababagot.

Hawak nito ang isang napakatalas na cutter. Maya't maya ang labas-pasok ng matilos na dulo nito sa lagayan. Kapansin-pansin ang kulay pulang likidong bumabalot dito.

'Paanong isang cutter lang ang papatay sa kanilang lahat? Anong klaseng halimaw ang binatang ito?' Sa isip ng agent.

Isang malaking pagkakamali ang pagpapadala sa kanilang grupo upang wakasan ang illegal na produksyon ng mga droga at ipinagbabawal na mataas na kalidad ng mga baril. Hindi nila inaasahan na natunugan sila sa lihim nilang pagsugod. At ang binata ang sumalubong sa kanila. Sa bilis ng mga pangyayari, hindi alam ni Agent 56 kung panaginip ba ang lahat ng mga nangyayari.

'Ano bang pinagsasabi nya?' Ramdam na ramdam niya ang pagtambol ng kaniyang dibdib. Ang malamig na pawis sa kaniyang noo. Ang takot na namuo matapos masaksihan ang pagkasawi ng mga kasamahan. 'This is real. Hindi magtatagal, kasama na rin siya sa mga mamatay.'

Kahit nanginginig ang kamay ay nagawa niyang kalabitin ang gatilyo.

Bang!
Bang!

"Oops! You missed!" Natatawang ani ng binata. Nakapilig ang ulo pakanan upang iwasan ang bala ng baril. Malawak ang ngisi. Natutuwa sa tuwing nakikita ang takot at gulat sa mukha ni 56.

'Pathetic human.'

Umuusok na nakabaon ang bala sa puting pader.

'Imposible! Paanong...?' Gulat na samo niya matapos ang nasaksihang pag-iwas ng binata sa mabilis na bala.

Tumayo at pinaputok ng binata ang leeg. "Salamat sa pagdating ninyo dahil kahit papano nag-enjoy ako ngayon sa pagpatay sa inyong lahat but play time is over. Isang malaking pagkakamali na tumuntong kayo sa teritoryo ng Scorpion League. Kahit na isa kayong Agent wala kaming sinasanto. Kahit ako man. Handa akong alisin ang lahat ng balakid sa aming organisasyon. Malas n'yo lang dahil nalaman namin na susugod kayo ngayong gabi. You won't succeed. Matagal na naming nailipat ang lahat ng illegal na droga at mga baril sa bago naming kuta. Grabe, pinagod n'yo ako. At dahil dyan. Kailangan ninyong mamatay."

Ang dating kulay brown na mga mata ng binata ay mabilis napalitan ng kulay asul. Itim na asul. Ngumisi siya ng nakakaloko bago naglaho sa paningin ni 56.

'Nawala na naman siya!' Nagulantang ang HIS agent sa nasaksihan. Katulad nang naganap bago paslangin ang kaniyang mga kasamahan. May kakaibang kakayahan ang binata. Sobrang bilis nitong kumilos. Hindi pangkaraniwan. Hindi masundan ng ordinaryong mga mata.

Itinutok ni 56 ang baril sa bawat dereksyon. 'Nasan? Nasan siya?' Kinakabahan niyang samo sa sarili. Kumakabog ang dibdib sa pinagsamang kaba at takot. 'Ayaw ko pang mamatay! May pamilya pa akong dapat balikan!'

"Times up. Your life ends here." Huli na para makaiwas pa.

Isang swabeng galaw ng kamay. Rinig na rinig ang pagdait ng talim ng cutter sa laman niya. Naramdaman ni 56 ang pagkahiwa ng kaniyang leeg.

"Ack!" Bumulwak ang dugo mula sa kaniyang bibig at leeg. Nabitawan ang sariling baril upang hawakan ang pinsalang natamo. Nanghihina siyang napaluhod bago padapang bumagsak sa malamig na marmol. Patuloy ang pag-ubo niya ng dugo na maging ang ilong ay napasukan ng pulang likido.

"Tch! Weaklings." Yumuko ang binata upang pagmasdan ang paghihingalo ng huli niyang biktima. "Ang bilis mo naman mamatay. Ang hina." May panghihinayang niyang pahayag.

Ang inaakala niyang bihasang mga 'sandatahang-lakas laban sa mga masasama' ay mahihina pala. Naaksaya lamang ang kaniyang oras subalit mas maganda na ang ganito kaysa ang maging tambay siya sa hideout nila ng grupo ni Rapist.

'This is much better.'

Nakabukas ang mga mata ng lalakeng agent subalit hindi na ito humihinga. His eyes are lifeless.

Tumayo na rin nang maayos ang binata. Nagtahaw nang malinis na panyo upang punasan ang cutter na nababalutan ng pulang likido. Walang pakialam kung pinapalibutan siya ng kumpol-kumpol na mga patay na katawan.

"Messy as ever Midnight," agaw atensyon ng bagong dating sa binata.

Binalingan niya ito bago ngumisi nang malawak.

"Ikaw pala iyan Scorpion. You don't have to visit my work place and check everything. Alam mong pulido akong gumawa."

Napakamot ang bagong dating sa kaniyang magulong brown na buhok.

"Oo pulido nga, pero ang dumi ng paligid. Tiyakin mo na lilinisin mo ang kalat mo. Wala dapat ebidensyang matitira." Mahigpit na bilin ni Scorpion.

Napaisip sandali si Midnight.

"How about I bring their corpses back home? Tiyak matutuwa si Camelo dahil madaragdagan ang mga bago niyang 'doll of corpses." Suhestyon ni Midnight na siyang ikinailing ni Scorpion.

"Nope. Hindi magandang ideya ang balak mo Midnight. Papayag sana ako kung hindi bangkay ng mga agents ang mga iyan subalit nakakatiyak akong mayro'n silang tracking device sa bawat katawan kaya hindi pwede. Sunugin mo ang kanilang katawan kasama ang buong gusali. Na-deliver nang ligtas ang lahat ng mga epektos at mga ilegal na baril sa bagong lugar. Kaya wala ng dahilan pa upang manatili rito." Tumalikod na si Scorpion. "I'll be waiting outiside. Be quick."

Pinagmasdan ni Midnight ang likuran ng lalake hanggang sa tuluyan na itong nawala sa kaniyang paningin. 'Perfectionist as always. Tsk.' Napakamot ng pisngi si Midnight saka inilibot ang paningin sa kaniyang obra maestra. 'Bloody room.'

"Well, after playing don't forget to clean. That's the number one rule."

Itinapon ni Midnight ang panyo na nababalutan ng dugo. Bumagsak ito sa ulo ni 56. Pasipol-sipol ang binata na naglakad at lumapit sa isang pintuan. Binuksan niya ang storage room. Kumuha siya ng maraming gallon ng gas. Isinaboy niya iyon sa buong building.

Maging ang mga bangkay ay hindi pinalampas. Pagkatapos ng isaboy ang pinakahuling gallon ay itinapon niya iyon sa tabi bago itinahaw ang isang lighter. Ngumisi siya bago iyon sinindihan.

"Farewell fellas." Itinapon niya iyon sa mismong gitna ng silid bago tumalon sa bintana. 2 storey high ang building. Nakapamulsang nakalapag si Midnight. His blue eyes fleckered in the dark alley. Tumayo siya upang tingnan ang naglalagablab na apoy sa loob ng building. Mabilis iyong kumalat.

'Burned all you want. Burned everything.'

"I hope next time, makasagupa sana ako nang mas malakas na kalaban," hiling niya sa hangin bago nagtungo sa nakaparadang kotseng itim na pagmamay-ari ni Scorpion.

"It will take an hour bago malaman na nasusunog ang building kailangan na nating makaalis." Nagmaneho si Scorpion pauwi.

Prente lamang sa shot gun seat si Midnight habang busy ang kamay sa paglalaro sa paborito niyang cutter.

Inalisa muna ni Scorpion ang kondisyon ng katabi. Hindi nalingid sa kaniyang paningin ang asul nitong mga mata.

He sighed and spoke. "You used 'it' against them." Pagkukumpirma ni Scorpion na ikinalaki ng ngisi ng binata.

Ang tinutukoy niya ang kakaibang abilidad ni Midnight. Hindi iyon in-born but enhance through their new discovered 'syrup'.

'X-Syrup' ay isang kulay pulang likidong gamot na imbento ng mga syentipiko na nasa ilalim ng WEB organization. Sa pamamagitan ng syrup na ito, kaya nitong pataasin ang kakanyahang bilis, lakas at pabilisin ang regeneration process ng kahit na anong natamong sugat although replica lamang ang X-syrup.

Maikling panahon lamang maaaring gamitin ang abilidad. Tumatagal lamang ng dalawa hanggang tatlong oras ang bisa nito. Kailangan muli ng bagong injection ng X-Syrup. Nakamamatay rin ito kapag na-overdosed ang gumagamit. Mas prescribe na isang beses lamang sa isang araw ang tamang paggamit sa nasabing gamot.

It wasn't perfect compare to the orginal which is the past invention of a famous scientist in the whole world. Namely, 'Dr. Zeiraphine Alvira.'

Ang babaeng siyentipiko ang nakadiskubre sa pinakaperperktong likidong gamot ang 'Blue-Syrup' o mas kilala sa tawag na 'Sapphire Potion'. Isang gamot na parang elixir na kayang gamutin ang kahit na anong sakit at mas pataasin ang inhumane capability ng taong gumagamit. Kahit isang beses lamang ang injection panghabang-buhay ang epekto.

The WEB tried to stole the Sapphire Potion. Subalit bago pa mapasakamay nila iyon ay mabilis na nabura ni Dr. Alvira ang lahat ng impormasyon sa paggawa nito maging ang mga likhang potion lahat ng iyon ay sinira niya mismo at walang tinira dahil alam niya ang maaring mangyari kung sakali mang mapasakamay ito ng gahaman na organisasyon. Dahil sa katigasan ng ulo ng syentipiko. Wala silang nagawa kundi ang iligpit ito kasama ang buong pamilya.

'That's the consequences of fighting back against the Web.'

Subalit malaki pa rin ang pasasalamat nila dahil sa ideyang iyon ng doctor nalikha nila ang X-syrup. Malaki ang kinikita nila mula sa malawalang produksyon nito. They already made a indestructible soldiers. Dahil sa X-syrup malaki ang laban nila sa mga taong nais magpabagsak sa kanila.

"So what if I used it? Hindi dekorasyon ang X-syrup. Kailangan iyong gamitin. Saka isa pa, nakakatuwang pagmasdan ang mukha ng mga agent na iyon sa tuwing akala nila naglaho ako sa kanilang harapan subalit ang totoo mabilis lamang ang aking kilos na hindi nila nakikita." Ngising pahayag ni Midnight. "Ang tatanga nila."

Nagpakawala ng buntong hininga si Scorpion. Alam niyang wala siyang laban sa isang 'Elite Warrior' kaya sumuko na lamang siya. 'He is known assasin. Very talented killer.'

"As long as you know your limit. Wala na akong reklamo." Dagdag niya na ikinakibit balikat ni Midnight.

"Balita ko patay na sila Jack at Clown." Tukoy ni Midnight kina Frederick at Alfred.

Ang famous na Chemist at Surgeon criminals. Isa rin sila sa mga mataas ang ambag sa organisasyon kaya nakakapanghinayang na napaslang ang dalawa.

"Yeah. Phoenix killed them both. Akala ko puwede pang makuha ang katawan nila para isailim sa isa pang eksperemento ni Centipede pero imposibleng makuha iyon dahil dinala sila kaagad sa L.I.A Headquarters. Ang pinaka-secured na lugar na hindi maaring mapasok ng mga katulad natin."

Napatango na lamang ang binata sa narinig. "Unti-unting nauubos ang mga lower members. Phoenix aye? Such a shame. I really want to fight her. Siya ang pinaka-una sa 'death list' ko. Gusto ko siyang tapusin. That agent is really a pain in the @ss."

"I know what you meant. Marami ng casualties dahil lamang sa kaniya. Even in the other countries. Nabawasan na naman ang income natin. Malalagot ako kay Boss. Hindi kasi sila nag-ingat. Iyan tuloy nadali sila ng infamous agent. That girl really impress me. Ang tapang niya para kalabanin tayo."

"I want to kill her," giit ni Midnight.

"Wait for the right time Midnight. Hindi natin dapat maliitin ang kalaban. For now, huwag muna kayong gagawa ng kahit na anong kilos. Pagsabihan mo rin si Rapist."

Nagpakawala nang naiinis na buntong hininga si Midnight. "Fine. I hold him for a while."

"Good but expect some works from me lalo na tungkol iyon sa 'underground transaction'. Even if the LIA and HIS are working together to destroy us we won't let them interfere with our business."

"I'm always in." Nasa bayan na sila nang may lumampas na sasakyan ng mga bombero.

Halatang nagmamadali. 'So, they know.'

Parehong napangisi ang dalawang lalaki.
Another night for a crime to be discovered.
Ano kayang gagawin ng konseho sa pagkakataong ito?

...

Inayos ni Zoein ang mahabang buhok. Kumuha siya ng isang pulang laso upang ipusod iyon. Nag-pulbo siya at naglagay kaunting lip balm sa mapula niyang labi. She's wearing her hi-tech glasses.

'She looks normal.' Iyon naman ang nais niya. Manatiling normal sa mata ng lahat.

Sa huling pagkakataon pinagmasdan ni Zoien ang sarili sa salamin. Black really suits her. It's her trademark now. Natanggap niya kahapon ang black uniform. Kakaiba ito sa damit ni Felt na kulay puti. Whole dress kasi iyon hindi katulad ng kaniya na magkahiwalay ang pang-itaas na lonsleves na white na pinatungan ng black blazer at skirt na kulay itim. Above the knee. I inch ang layo mula sa tuhod niya. At least hindi gano'n kaikli.

Ngumiti si Zoien. "I'm ready," kako niya. Balak na sanang kunin ang bag niya nang may naalala.

'Gosh. I almost forgot the most important thing to do! Stupid me!' angil ng dalaga sa sarili.

She locked her door bago nagtungo sa cabinet. Binuksan ang pinakaibaba. Kinuha niya ang isang maliit na attache case.

"I almost forgot to inject some of this," tukoy niya sa kaniyang gamot.

Sampong injections iyon naglalaman ng kulay asul na likido. These are her medicine. Kailangan niyang mag-inject ng isa araw-araw in order to maintain her normal looks and ordinary abilities.

Ayaw niyang takutin ang sinuman kapag nakitang nagbago ang kulay ng kaniyang mata at naging kulay crimson. Mabuti kung asul na palagi kulay ng kaniyang mga mata as Phoenix. Subalit ibang usapan ang pula. Mapagkamalan pa siyang drug addict.

Kumuha siya ng isang liquid tube bago inalis ang pagkakabutunes ng kaniyang uniform hanggang sa tumambad ang kaniyang kaliwang dibdib.

Sa mismong puso dapat niya iyon iturok. 'Why?' Mas mainam at mas mabisa ang epekto. It was very painful though, but kailangan niyang tiisin.

Kumuha ng panyo si Zoien at kinagat iyon bago kinuha ang injection gun. It has 5 needles sa dulo na may habang 1 cm.

Inalis ang takip. Pinitik at tiningnan kung naglalabas ba ito ng likido bago kumuha nang malalim na hininga.

'This is it,' samo niya bago itinurok sa mismong puso ang injection.

"Hmn!" Impit niyang sigaw.

'Oh my gosh! I'm going to die!' histerikal na samo niya sa sarili. 'Ang sakit! Uwah!' Napahinga siya nang maluwag nang sa wakas naubos na ang laman ng tube na blue syrup.

Agad na inilayo niya ang injection gun sa kaliwang dibdib. Pinagmasdan ni Zoien ang pagkawala ng dugo mula sa limang butas na gawa ng injection.

She sighed. Inalis niya ang nasa bibig na panyo upang ilagay sa laundry basket. Samantalang itinapon ni Zoien ang injection gun sa personal na basurahan niya.

She made a mental note to dispose that later. Kumuha siya ng wipes upang punasan ang dugo sa kaniyang dibdib. Pagkatapos punasan iyon. Mabilis na naibsan ang sakit. Nakakatiyak din siyang naghilom ang kaniyang sugat. Another weird fact about her. She's not normal.

Itinapon na ni Zoien ang nagamit na wipes sa basurahan. Ibinutunes pabalik sa dati ang uniporme. Inayos ang sarili bago kinuha ang kaniyang bag.

'Life is unfair. She lost her family when she was 5 years old. Then she was one of the candidate as a guinea pig from an unknown experiment that caused her more abnormalities..'

Napangiti nang mapait si Zoien. Lumabas na siya ng kaniyang silid.

'Well, that's life. Some days it sucks. Subalit may pagkakataon pa rin na naawa sa kaniya ang kalangitan. Ninakawan man siya ng pamilya napalitan naman iyon. At sisiguraduhin niya na walang kahit na sino ang makakapanakit sa bago niyang pamilya.'

Nakataga na iyon sa bato.

"Took you long enough."

Napatigil sa unang baitang ng hagdan si Zoien. Nagtatakang nakatingin kay Feltesia na nakapamey-awang at hindi naalis ang pagkabusangot sa mukha nito tulad ng kanina sa hapagkainan.

'Natatakot ako na baka maging permanente na ang mukhang iyan. Sayang ang pretty face ni Felt kung ganun ang mangyari,' nakangiwing pahayag ni Zoien sa sarili.

Napairap si Feltesia. 'She made me wait for 5 minutes. Geez! Kung hindi lang dahil sa request ng mga kaibigan ko hindi ko ito gagawin. Nakakainis!'

She flipped her hair with matching irap pa kay Zoien bago tumalikod.

"Follow me." Iyon ang huling binitiwan na salita nito bago nagtuloy-tuloy sa paglabas ng bahay.

Nagtataka man ay sinunod niya ang nais nito kaysa naman magbuga na naman si Felt ng apoy. Matupok pa si Zoien. Kamusta ang first day of school kapag nagkataon.

Kinuha niya muna ang nakapatong na food storage sa living area bago lumabas. She made sure na secured ang bahay bago niya nilapitan si Feltesia na nakatigil sa labas ng gate. Nakatitig ito sa sariling relo na tila ba may hinihintay.

"They're so freaking late. Ang usapan 6:30 but wala pa sila." Rinig ni Zoien ang mahinang pahayag na iyon ni Feltesia.

'Sino kaya ang hinihintay nito? Na kailangan pang nakasunod siya.' Nagtatakang tanong ni Zoien subalit sinarili na lamang niya iyon.

Halatang wala sa mood si Felt. Kapag nagsalita pa siya baka siya pa ang mapagbuntungan nito. 'I don't want that to happen in my first day to school. Nakakabawas iyon ng swerte.'

Nagpakawala ng buntong hininga si Zoien. Ibinaba niya ang food storage bago pinagmasdan ang kaniyang kamay.

'The retainer's liquid is working.' Nakahinga nang maluwag si Zoien. As long as her body is normal wala na siyang dapat alalahanin pa.

'The experiment took a toll on her body.'

Ang WEB ang may kasalanan ng lahat nang masamang naganap sa kaniyang buhay. Not only they killed her family. They also took her innocence. She was a child assasin. They trained her to kill and to became one of the Elite soldier. The first rank among their batch. Ang nag-iisang nakaligtas mula sa nakamamatay na eksperimento.

But everything change eversince Homer step in her life. He was the one who pulled her back to her senses. He is the one who became her savior. He is the one who taught her humanity.To feel, and to have emotions she thought she had lost because of her intricate past.

Dahil kay Homer, she came back to her old self kahit pa sa kabila ng katotohanan na kakaiba na siya sa dati.'

Nabalik sa huwesyo si Zoien dahil sa pagpitik ni Felt sa kaniyang harapan. Nakakunot ang noo ng dalaga habang nakatitig sa mukha ni Zoien.

"O-Oh? May kailangan ka?" She smiled akwardly. She was caught off guard. Kaya ayaw niyang inaalala ang nakaraan pilit niyang iniiwasan.

Nagpakawala ng buntong hininga si Felt. "What is wrong with you? Don't tell me kinakabahan ka sa first day of school mo kaya wala ka ngayon sa sarili?" Pagtataray muli ni Felt. Napangiwi na lamang si Zoien.

"Oh well. Whatever. I'm not concern, okay? Naiinis lang ako dahil kanina pa kita tinatawag pero nakatulala ka lang dyan. Tara na. Nandito na ang sundo natin." Feltesia gave Zoien one last stare bago tumalikod at nagtungo sa labas ng gate kung saan nakaparada ang isang magarang at mahabang limousine.

Muli napako ang tingin ni Zoien sa sasakyan.

"Sundo?"

Sa huli nagkibit-balikat na lamang si Zoien. Binuhat niya muli ang food storage bago sumunod kay Feltesia.

May nakatayong isang butler sa harapan ng sasakyan. Pinagbuksan nito si Feltesia ng pinto.

"Thanks butler John," pasasalamat ni Felt bago tuluyang pumasok.

Now it's her turn.

"Young lady ako na pong bahala sa dala n'yo." Tukoy ni Bulter John sa food storage.

"Okay lang po?" Nahihiyang turan ni Zoien.

Ngumiti si Butler John. Kinuha ang food storage saka inilahad ang kamay sa nakabukas na pinto.

"Maari na po kayong pumasok." Magalang niyang paanyaya na kaagad na pinagpasalamat ni Zoien bago siya pumasok sa loob.

"Ate Zoien!" Hindi pa nakakapasok sa loob ang dalaga nang sunggaban siya ng yakap ni Theron. Muntikan pa siyang matumba mabuti na lamang dahil naalalayan siya sa likuran ni Bulter John.

"Theron stop bothering Zoien you almost made her fall!" Suway ni Xenon dahil nasaksihan nilang lahat na muntikan na pagtumba ni Zoien dahil sa biglaang pagdamba ng yakap ni Theron.

Subalit parang walang narinig ang bata. Napangiti na lamang ang dalaga. A ghost smile. Muling napansin iyon ni Feltesia. Kakaiba ang itsura ng mata ni Zoien kapag nakangiti. Maliwanag iyon at totoong masaya subalit ang nakita niya ay may halong lungkot katulad kanina.

'Why is she showing that today? Did something happen?' She rolled her eyes. 'Why am I even bothered anyway? Tsk.'

'He reminds me of my dead brother,' samo ni Zoien sa isip habang hinahaplos ang itim na buhok ni Theron.

"Good morning, Ate Zoien." Mahihiya ang araw sa sobrang liwanag ng ngiti nito.

"Good morning too. Little man." Tugon ni Zoein na may kasamang halik sa pisngi ng bata na naging sanhi upang maging mala-kamatis sa pula ang buong mukha nito.

Nakasimagot na hinigit nina Marco at Riyo ang likurang collar ni Theron upang ilayo ang bata mula kay Zoien.

"Bawal ang taking advantage. Porket bata ka," singhal ni Riyo.

"Babawiin ko mamaya yung psp na pasalubong ko sa'yo. Ang unfair!" Maktol ni Marco.

"Eh? Walang ganyanan mga kuya! Kung inggit kayo. Uso manggaya!" Nakangising pahayag ni Theron bago naupo sa pagitan nina Riyo at Marco na hindi nawala ang pagkasimangot.

Napapailing na lamang ang ibang royalties dahil sa ginagawang kalakohan ng tatlo.

"Zoien you can sit here," anyaya ni Courtney sa espasyo sa pagitan nila ni Margarette.

Dalawa ang mahabang cream na sofa sa tigkabilang gilid nakakasya ang tig-pitong tao. Meron rin mini table sa gitna. Ang loob ng limousine ay maikukumpara sa isang leisure room

'Perks of Elites.'

Binalingan muna ni Zoein si Felt na tila ba nanghihingi siya ng permiso sa dalaga.

Tumaas ang kanan kilay nito. "What? Gusto mo kaladkarin pa kita?" Pagsusungit niya na kaagad inakbayan ni Jacob.

"Ssh. Hon. Kalma lang. Nag-sorry na kami dahil natagalan kami dahil kay Riyo." Pag-aalo ng binata.

"Whatever. Sit down already nang makaalis na tayo." Dagdag na lamang ni Felt bago sumandal sa kinauupuang sofa.

Napangiwi na lamang si Zoien bago naupo sa pagitan nina Margarette at Courtney. Nagsimula nang umandar ang sasakyan.

"Good morning, Zoien," bati ni Margarette. Hanggang sa isa-isa silang bumati sa kaniya.

"Psh! Sa kaniya may good morning. What about me?" Reklamo ni Felt.

"Ikaw naman kasi girl nakakatakot kang batiin ngayong umaga para kang mangangain ng tao." Natatawang pahayag ni Rossette na sinang-ayunan ng iba.

"So? FYI sino nga ulit ang nag-sudgest na sabay-sabay tayong papasok?" Tugon ni Felt.

"Sino pa ba? Gusto niya kasing makasabay siya sa paraang hindi halata kaya isinama tayong lahat." Singit ni Sahara."But not that I'm against this okay? Mas maganda na sama-sama tayo. Nakakamiss din." Dagdag pa niya na nagpangiti sa lahat.

"See? Benefits. Aray naman Aki! Masakit." Reklamo ni Marco matapos siyang batukan gamit ang aklat ni Akihiro na may pamagat na Art of War.

"Before ka sumugod sa digmaan make sure na may sapat kang plano at dapat naayon ang lahat patungo sa tagumpay hindi sa kalokohan." Matalinghagang pahayag niya na lalong ikinanguso ni Marco.

"Kaya nga. Siya na ang nakaisip siya pa pahulihin." Sang-ayon ni Riyo bago kumuha ng cookies at kinain iyon.

"Tama na 'yan. Kawawa si Marco. Hayaan n'yo na. Nagmomove on pa yung tao." Natutuwang pahayag ni Arthur.

"May nagmo-move on ba na may bago kaagad? 'Di uso ang three months rule bakulaw?" Panunukso ni Felt.

"Maldz naman! Huwag mo na silang gatungan pa! Hot na hot na ako sa puwesto ko! Huwag n'yo nang palalain pa." Angal ni Marco. "Ako na naman nakita n'yo. Nakakainis!" Parang batang napanguso si Marco habang pinagdidikit ang dalawang hintuturo.

Napatawa nang mahina si Zoien. She likes this atmosphere. Sobrang warm sa pakiramdam. Napaka-kumportable.

Ngumiti si Marco. "By the way Zoien. The uniform suits you. It made you more beautiful." Puri niya na ikinatahimik ng lahat ng sakay ng limousin na akala mo may isang anghel ang dumaan.

"A-Ah. Tama si Marco. Bagay sa'yo iyong uniform. Diba Guys?" Saklolo ni Xenon kay Marco.

"O-Oo. Nagmukhang mamahalin 'yong uniform. Bagay sa'yo," dagdag pa ni Riyo.

Napatampal sa noo ang mga girls. 'Nice try ruining the atmosphere.'

Zoien smile. "Thanks for the compliment. I love these uniform. Black is my favorite color."

Nagtahaw si Marco ng isang maliit na notepad. Tinungahayan nina Riyo at Theron iyon at sabay na napangisi sa nabasa.

'Important notes about Wifey' Napailing pa sila. Kinarer na nito ang endearment na 'wifey'.

Marco wrote Zoien's favorite color. He smile. One down.

"What's your favorite food?" Agarang tanong ni Marco na nakakuha sa atensyon ng lahat.

Looks like it his way of knowing Zoien.

Napaisip naman si Zoien sa tanong ni Marco. "Food ha? Actually pagdating sa pagkain marami akong paborito," panimula niya.

"Ako rin! I loves all foods! Mukhang magkakasundo tayo but kung paborito ang pag-uusapan. I love adobo. More ako sa filipino cuisine," singit ni Riyo.

"Oh really? Gusto ko rin iyon pero mas nagustuhan ko ang bulalo. That's the first ever home cooked na natikman ko na niluto pa ni Dad." Natutuwang pahayag niya habang inaalala ang biological family niya.

Marco jotted it down.

Napataas naman ng kilay si Felt. "How about your Mom wasn't she supposedly the one to cook and not your Dad?" May halong sarkasmo na tanong ni Felt.

Sa halip na ma-offend mas lalong lumawak ang ngiti ni Zoien. "Dad is a great cook than my Mom. She sucks on doing house hold choires. But she pampered us with strawberries that's my favorite fruit. Ice cream is my fav dessert. Ano pa ba?"

"How old are you anyway?" Marco inquired pagkatapos maisulat lahat ng paboritong pagkain ni Zoien.

"I'm 17. 'Di lang halata dahil sa tangkad ko."

"You look like 18 years old. Matured kang tingnan," puna ni Rossette

"Dude paano ba 'yan? Child abuse ka," bulong ni Jacob. Siniko lamang siya ni Marco.

"Shut up. Age doesn't matter when it comes to love. Saka two years lang ang pagitan," depensa ni Marco.

"Will you both shut up nasa pagitan n'yo lang ako," reklamo ni Felt na katabi si Marco at Jacob.

"Sorry Hon/Pasensya na Maldz." Sabay na sabi ng dalawang binata.

"Just get on with the interview dahil malapit na tayo sa school." Tugon na lamang ni Felt at pinagtuunan ng pansin ang kaniyang phone.

Sinunod ni Marco ang sinabi ni Feltesia. Nakisali na rin ang iba sa pagtatanong subalit nabitin dahil nakarating na sila E.U.

"Salamat sa pagsabay sa akin." Akmang lalabas na si Zoien nang pigilan siya ni Sahara.

"I can accompany you to the Dean's office. Tutal madadaanan ko ang opisina niya bago ang S.C."

"If that's okay then, I'll come."

Pinagbuksan sila ng pinto ni Butler John. Naunang lumabas si Sahara, sumunod naman si Zoien sa kaniya.

"Sabay na rin ako. Aray! Aray!" Angil ni Marco nang pingutin sa tigkabilang tenga. Halos maluha na siya.

"Do you even know the proper manner? Ladies first. Be a gentleman Marco. Napaghahalataan ka masyado," usisa ni Alisa habang pingot niya ang kanan tenga ng kaibigan.

"Saka huwag kang masyadong pushy Marco. Bahala ka. Ang ayaw naming mga babae iyong nakakasakal." Payo ni Rosette na hawak pa rin ang kaliwa tenga ng binata.

"Oo na! Babalik na ako sa upuan! Mauna na kayong lumabas! Bitaw na! Ouch! My ears!" Nagpipigil ng tawa ang ilan dahil sa nasaksihan.

"Well? What are we still waiting for? Let's go to our classroom," aya ni Courtney na sinang-ayunan ng lahat.

...

Marami ang mga matang nakamasid kay Zoien. Dalawang uri ng tingin iyon. Mata ng paghanga sa katabi niyang si Sahara at tinging panghuhusga sa kaniya dahil sa unipormeng suot na tanda ng kaniyang status bilang isang commoner.

Not that she care anyway. Hindi sila ang dahilan kung bakit siya naparito sa E.U. If they hate her, problema na nila iyon dahil sa makitid nilang mga utak.

"Huwag mo na lamang silang pansinin." Panimula ni Sahara. "This is the first time in E.U. that we accepted a student scholar."

Lumiko sila patungo sa East Hall kung saan matatagpuan ang lahat ng mga offices maging ang mga clubs.

"Ayos lang. Hindi naman nakakasakit ang mga tingin nila," agarang tugon ni Zoien na nagustuhan ni Sahara.

"Good but if something happen don't hesitate to inform me. I'm the SC president, you can come to me if you have problems. I'm willing to help yah out."

"Yeah I will and thank you."

"That's great then. I really don't believe with statuses. Label lang iyon sa societies. Kung wala lang sana ang sistemang iyon sa tingin mo pantay-pantay ang lahat?" Inisip ni Zoien ang sinabi ni Sahara.

"Sana gano'n lang kadali ang lahat. But superiority will not be easily broken down. May mga tao pa ring lilitaw na against sa equality but I like the idea of equality. Sana nga maging pantay-pantay ang lahat. Sa batas man at sa mata ng mga tao." Seryosong saad ni Zoien.

Tumigil si Sahara sa harapan ng isang asul na pintuan. Ang Dean's Office mahigpit na bilin sa kaniya na dapat magtungo muna si Zoien doon upang kausapin si Samantha.

"Knock three times bago ka pumasok. After your talk the Dean will tour you around." Ngumiwi si Sahara dahil naalala niya kung paano siya pakiusapan ni Samantha para siya na daw ang mag-tour sa student scholar.

'That's the first time Auntie Samantha insist like that.' Pasimple niyang pinagmasdan si Zoien. 'As if she know Zoien.'

She brushed the thought away. "I'll excuse myself. Good luck by the way," paalam niya.

"Salamat ng marami Sahara." Simpleng tango ang tugon ng dalaga bago tuluyang naglakad patungo sa SC office.

Zoien let out a deep sighed before she knocked three times and opened the blue door.

"Ashwell! Sabi na nga ba ikaw 'yan eh!" Mahigpit na yakap ang sumalubong kay Zoien.

She chuckled then closed the door. "Auntie keep your voice down. I'm keeping a low profile I don't want anyone to discover you know me. Masisira ang disguise ko." Natutuwa niyang pahayag na ikinanguso ni Samantha.

Samantha Ferrer-Robles, ang asawa ng isa pa sa mga mentor ni Zoien na si ANDREI ROBLES. Isang LIA agent managing the human trafficking cases here in the Philippines.

Samantha was one of the few people who know Zoien true identity kasama nito ang bestfriend na si Hannah Miguel-Wright na isang magaling na doctor. Asawa ito ng kahuli-hulihan mentor ng dalaga ang kaniyang Uncle Ivan Jonas Wright.

Sila lamang ang nakakaalam ng tungkol kay Zoien. Sila ang set of people who took care of her well being.

"Ang daya naman. Kung hindi ko pa malalaman mula kay Uncle Sevastian na mag-aaral ka rito wala ka pa atang balak na magparamdam. Samantalang palagi kang tambay kina Isabelle noon sa Italy." Tinutukoy nito ang asawa ng Uncle Troy niya na nakababatang kapatid naman ni Homer. "Anyway, let take our sit first. Naghanda ako ng Honey tea and syempre strawberry cake." Pasimpleng pinagmasdan ni Samantha ang dalagang katabi.

Napangiti siya dahil tatlong taon na rin magmula ng huli silang nagkita. The little girl is now a teenager. Napakabilis nga naman ng panahon.

Naupo na sila sa sofa. Kinuha ni Zoien ang platito ng slice of strawberry cake.

"Thanks for the cake Auntie. I really missed this." Hindi na nagpatumpik pa ang dalaga sumandok siya gamit ang tinidor at tinikman ang cake.

"Hmn! It taste delicious as ever." Parang batang nagniningning ang mga mata nito.

Humigop muna sa tsaa si Samantha bago nagsalita. "I see strawberry is still your weakness. Hindi ka pa rin nagbabagong bata ka." Natutuwa niyang pinagmasdan si Zoien.

"By the way Ashwell."

"Po?"

"I heard from Uncle Sevastian the reason you are here. Are you really sure about that?"

Nahimigan ni Zoien ang pag-aalala sa tinig ng kaniyang Auntie. Samantha know about her being an Agent. Kaya wala siyang dapat ilihim pa.

"Don't worry Auntie. Nag-iingat naman po ako."

"Iyan ang palaging sinasabi ni Andrei whenever the HQ called him. I'm just worried. Ang bata mo pa."

"Come on Auntie. I know I'm young despite the dangers awaits I can perfectly protect myself po. Sayang naman ang mga itinuro ng mga mentors ko kapag nagpabaya ako diba po?"

"Lalaki na naman ang ulo ni Ivan kapag narinig iyan." Nagpakawala ng buntong hininga si Samatha. "Anyway, I also told Hannah na dito ka mag-aaral sa school ko. Nang narinig niya ang balitang iyon aba'y nais niyang umuwi kaagad at iwan ang charity work niya sa South Africa para lang makita ka."

"South Africa ha? Ang layo naman no'n Auntie mabuti pumayag si Uncle Ivan."

"Well as long as he is with her, anywhere ay payag na payag ang mokong na magliwaliw sa bawat parte ng mundo si Bestie. Ang layas talaga ang babaeng iyon."

"It's her dream to help people in need. I actually idolize her."

Mahinang natawa si Samantha. "Me too. Kulang na lang parangalan siya dahil sa pagiging good samaritan but that aside she just asked me kung hindi mo daw nakakalimutan ang medicine mo."

"No problem Auntie. Hinding-hindi ko po iyon kakalimutan."

"Mabuti kung gano'n." Tiningnan ni Samatha ang relo. "Well, malapit na ang time sa klase mo so let's have a little tour around the school."

"Of course. Sino ba ang tatanggi sa inyo Auntie."

"Let's go."

They both exited the office. Samantha made sure na maging maayos at fruitful ang tour ni Zoien sa buong E.U. Hanggang sa tumigil sila sa dome ng Royalties.

"I believe you know this place right?"

Tumango s Zoien. "Nakapasok na po ako sa loob last time."

"The school securities told me about that hindi na ako magtataka na mabilis mong malusutan ang kahit na anong seguridad. I also believe you met her. Am I right?"

"Tama po kayo. We're friends."

Napangiti si Samantha. Kahit noong maliit pa si Zoien. Palagi nitong tinatanong ang tungkol kay Courtney.

She was eager to meet her. Alam nila kung gaano nangungulila sa kapatid ang dalaga. At a young age, she experience worst than hell. Losing her whole family, a victim of maltreatment; the experiment. They turned her to became a child assassin.

Marami nang napagdaanan si Zoien. Natutuwa si Samantha dahil kahit papano, nakikita niya na masaya ito.

"Kung saan ka masaya, I'll support you."

Zoien gently smile. "Salamat po Auntie."

'The start of my day as Zoinelle Madrigal wasn't that bad after all.'

-Itutuloy-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top