[76] RAGE OF A CENTIPEDE
NO EDIT: 10/01/20
"A man with outward courage dares to die; a man with inner courage dares to live."
- Lao Tzu
CHAPTER 76
Napahalakhak sa tuwa si Centipede habang pinapanood ang nagaganap na kaguluhan sa bawat panig ng mundo.
Nasa harapan niya ang isang malaking monitor kung saan makikita ang mapa ng bawat bansa. Unti-unting nababalutan ng kulay pula ang mga parte ng kuntinente kung saan naroroon ang mga tauhan ng WEB na naging manticore. Naghahasik ng kaguluhan at takot sa ngalan ng kanilang organisasyon.
Para sa kaniya ito ay isang napakalaking tagumpay. Ang ipalaganap sa mundo ang natura niyang imbensyon na minsan nang ipinagkait at maraming beses na 'di tinanggap.
'Now, taste your own medicine,' wika niya.
"Mukhang napakasaya mo ngayon, Centipede?" agaw atensyon ng bagong dating.
Napapalatak siya sa isipan pagkakita sa kasamahan. Kaniyang inayos ang suot na lab coat at salamin bago hinarap ang kasamahan. Nakasandal ang lalake sa may pinto ng kaniyang laboratoryo, hayag ang pagkabagot sa mukha nito lalo na't kapansin-pansin ang magulong buhok.
"Ikaw na naman? Anong pakay mo rito, Scorpion?"
"Wala naman. Gusto ko lang dito sa lugar mo dahil malamig."
"Tsk! Pagbibigyan kitang manatili sa lugar na ito. Basta wala kang hahawakan ni isa man sa mga koleksyon ko," banta niya na ikinakibit-balikat lamang nito.
"How's your mission?"
Inayos niyang muli ang salamin bago pinagmasdan ang monitor sa harapan.
"Going well, for the past two days. Kumalat na sa buong mundo ang lahat ng likha ko. Hindi magtatagal mawawala na sa ating landas ang mga mahihinang tao! They will just wish they never existed in the first place." Humalakhak siya nang malakas.
Napahalukipkip si Scorpion. "I wonder why someone as good as you joined the WEB?"
Tumigil sa pagtawa ang syentipiko pero agad rin ngumisi.
"Passion." Inilahad niya ang dalawang kamay upang ituro ang kaniyang teritoryo. "Mula pa noon hinangad ko na lumikha ng mga bagay na labag sa mata ng tao at sa batas. Nais kong makamit ang mga bagay na wala ninuman ang nakagagawa pa! Bilang isang dalubhasang syentipiko, ang pagiging malikhain at pagiging numero uno sa aming larangan ang pinakanakakatuwang tagumpay sa aming buhay. Makakamit ko ang lahat ng iyon dito sa WEB. Eh, Ikaw?"
"Ganoon pala." Napatango si Scorpion bago sinagot ang tanong ni Centipede. "I joined the WEB because my life is too boring. I want some action. Dito ko lang naranasanan ang mga bagay na iyon. " Nagaindi siya ng sigarilyo. "By the way, hanggang ngayon ay mananatili ka pa ring pangalawa. Tania's creation is commendable more than your pathetic products. Pagdating ng panahon. Iyan din 'passion' mo ang papatay sa 'yo. Good luck with that." Nang-aasar na ngiti ang iniwan nito bago tuluyang umalis.
Kumuyom ang mga kamao ng masamang syentipiko. Tila bulkan na sumabog dahil sa matinding galit. Marahas na sinipa niya ang silya na malapit sa kaniya. Doon inilabas ang namumuong pagkamuhi.
"Tania! Tania! Palagi na lang ikaw! Kailan mo ba ako lulubayan!"
Halos mapugto ang mga litid sa sobrang galit habang patuloy ang pagsipa sa kawawang kasangkapan.
Blag!
Blag!
Blag!
"Patay ka na subalit nagagawa mo pa rin akong kalabanin, babae ka!"
Hwak!
Nagkapira-piraso ang upuan. Pagkatapos ilabas ang galit. Isang masamang plano ang nabuo sa kaniyang isipan.
"Lahat naman ng likha ay pwede sirain. Tingnan lamang natin kung sino ang magwawagi sa huli."
Inayos niya ang nagusot na lab coat bago ang nagulong buhok.
"I'll destroy you."
...
"What the?" Hindi makapaniwala sina Homer at Migs matapos makita kung saan sila dinala ni Cresty.
Tumaas ang kilay nito. "Why? May problema ba kung dito sa E.K. ko kayo dinala? Sabihin n'yo lang?"
Napakamot sa batok si Migs samantalang nagpamulsa na lamang si Homer. Masamang galitin ang isang Cretesia.
"Sabi ko nga, masaya dito. 'Di ba, Dude?"
Tumango si Homer. "Kung saan masaya ang mga bata ay ayos lang sa 'kin. Tara na."
Nauna na sina Courtney sa loob. Halata ang tuwa at saya sa mukha ng tatlong kabataan. Samantalang naiwan sila sa bungad ng amusement park. Nagdadalawang isip pa sina Migs at Homer na pumasok sa loob.
Ngumiti si Cresty bago yumakap sa tigkabilang braso ng dalawang lalake para hilahin papasok sa E.K. Panay naman ang tingin sa kanila ng mga tao.
'Oh boy,' aniya nilang dalawa, hinayaan na kaladkarin sila ni Cresty. Parehong hiyang-hiya ang nararamdaman sa kalooban.
Pumasok sila sa loob at hindi nalingid sa paningin ang mga salitang, "The Magic Lives Forever!"
'They are too old for amusement park' Nagpakawala ng buntong hininga sina Migs at Homer.
...
"So, what will be our first ride?" baling ni Titanium sa katabing sina Courtney at Zoien.
Unang nakaisip si Courtney. "How about the space shuttle!"
"A-ah, do'n muna tayo sa mga mild rides bago sa extreme. Maaga pa naman kasi, baka maubos kaagad ang energy n'yo " suhestyon ni Zoien.
Napaisip ang dalawa sa sinabi nito.
"Eh? Or don't tell me takot ka?" natatawang puna ni Titanium.
Napasimangot si Zoien. "Hindi ah!"
"Come on, just admit it. Walang masama aminin ang kahinaan ng isang tao."
"You are wrong Titanium! That wasn't the case!"
"Goodness, don't be too defensive."
"Stop with the teasing."
Lihim na napangiti si Courtney. Masaya dahil kita niya na may nagbago sa pakikitungo ng dalawa sa isa't isa kumpara kahapon na walang kibuan. Nawala na ang ilangan sa pagitan ng mga ito.
Walang pag-aalinlangan na niyakap niya ang kanan braso ni Zoien at ang kaliwa naman ni Titanium. Halatang nagulat pa ang dalawa dahil sa kaniyang ginawa.
"Girls stop bickering with each other. Do'n tayo sa space shuttle! Please! I always wanted to try it since I was a kid. Pretty please!" Nagpakyut siya sa dalawa.
Walang nagawa ang mga ito kundi ang sundin ang nais ni Courtney. Nagkatinginan sila bago nagsalita.
"Well, I also agreed with your idea, Courtney. Ewan ko lang sa kaniya." Tiniuro ni Titanium ang mukha ni Zoien.
Nagpakawala ito ng buntong hininga. Senyales na talo siya. "Fine, may magagawa pa ba ako.
"Of course, wala. Tara na!" aniya ni Courtney.
Bumili sila ng tatlong ticket bago pumila. Marami-rami rin ang mga nasa unahan nila bago pa tuluyang nakasakay sa space shuttle.
"Kayong dalawa ang magtabi. Dito na ako sa kabila," aniya ni Zoien saka naupo sa tabi ng isang lalaki.
Naupo naman sa ika-limang puwesto sina Courtney at Titanium. Ibinaba ang safety gears. Excited sa pag-andar ng roller coster.
Sa kabilang banda naman. Masama ang tingin ipinupukol ni Zoien sa katabing lalaki.
"I appreciate it, if you stop staring at my sisters using your perverted eyes. Alam ko na may balak kayong gawin kasama ang grupo mo pero binabalaan kita. Masama akong magalit. Stop or face the concequences of your action."
Nakangiti man ay naroon ang pagbabanta sa malamig niyang mga mata.
Napalunok ang lalaki bago nag-iwas ng tingin. Eksaktong gumalaw ang space shuttle. Hindi nawala ang pamumutla ng lalaki dahil sa takot sa kaniyang katabi.
Kahit umandar na ang kanilang sinasakayan. Pataas at pababa ay hindi inalis ni Zoien ang masamang titig sa katabi na mas lalong ikinakaba nito.
He just wish the ride will stop.
...
"Wooh! That was so amazing!"
"Sinabi mo pa! Halos bumaliktad ang sikmura ko! Ang sarap ng hangin!"
"Especially when the ride suddenly goes up then down! The feeling was so intense that I just screamed so loud!"
Panay lamang ang pag-uusap nina Courtney at Titanium tungkol sa karanasan sa space shuttle. Nauuna ang dalawang dalaga na magkasabay habang nasa likuran naman nila ang tahimik na si Zoien.
Ang pinapakitang galit na ekpresyon sa mukha ng dalaga ay maikukumpara sa talim ng espada. Nakakamatay habang ang tingin ay hindi inaalis sa grupo ng mga kalalakihan. Pansin niya na kanina pa sila sinusundan ng mga ito na ultimo sa pagsakay sa shuttle ay naglakas-loob na makisama.
Namutla ang grupo bago nagsipag-alisan.
'Mabuti dahil nadaan sila sa tingin,' aniya ng dalaga sa sarili.
Ayaw niya ng gulo lalo pa't ang araw na ito ay napaka-importante. Wala dapat makasira sa kanilang pagliliwaliw.
"Zoien?"
Umaliwalas ang kaniyang mukha matapos marinig ang kaniyang pangalan.
"Ano 'yon?"
"Next ride tayo! Extreme tower ride!"
"Gusto ko 'yan!" Nag-apir pa ang dalawa nina Courtney at Titanium halata na iisa lamang ang takbo ng isipan.
Lihim na napangiwi si Zoien. Gustong-gusto talaga ng mga itong sakyan ang mga delikado na dapat ay sa mild lamag sila sumakay. Napabuga siya ng hangin at hinayaan ang mga ito sa nais. Basta para mapasaya ang dalawa ay handa siyang pagbigyan ang kahit na anong gusto nila.
Kanilang sinubukan ang halos lahat ng rides sa EK. Pagod na pagod sila pagkatapos. Napagpasiyahan na magpahinga sa malapit na bench sa lilim ng isang malagong puno.
Unang nagsalita si Courtney. "I'm hungry."
"Same, I think I can eat an elephant!" pagsang-ayon naman ni Titanium habang himas ang tiyan. Inayos pa nito ang nagulong itim na buhok bago binalingan ang katabi.
Lihim na napailing si Zoien.
"I just saw some mini-resto over there." Tinuro niya ang maliit na kainan. "Mukhang masarap ang mga pagkain nila. Tara?"
"Basta pagkain! Go!" Tila nabuhayan ang dalawang dalaga dahil sa sinabi ni Zoien.
"Tara lets," natatawa niyang tugon.
Nagtungo ang tatlo sa malapit na kainan. Nag-order sila ng ilang masarap na lutong Pinoy.
"Do you think ayos lang sina Mom?" Panimula ni Courtney.
"Don't mind them. They'll be alright. Matanda na sila para intindihin pa," simpleng tugon ni Titanium.
Sumang-ayon si Zoien sa sinabi nito. "Kaya nga, hayaan muna natin silang magkaroon ng time together."
"Sabagay, tama kayo." Napatango ang dalaga bago muling nagsalita. "So, nag-enjoy ba kayo?" usisa muli ni Courtney bago sinimulan ang pagkain.
"Tinatanong pa ba 'yon?" A glint of happiness can be seen in Titanium's eyes. "I'm perfectly sure na nag-eenjoy ako. I never had experienced something like this when I was in the province."
"Ako rin. Ngayon lang ako nakapunta sa ganitong klase ng lugar. Kaya masasabi ko na nasiyahan talaga ako."
Ngumiti si Courtney. "That's good to hear. Let's make sure to enjoy our day!"
"Next stop! Horror booth!" At muli na naman nagkaunawaan ang dalaga na ikinailing muli ni Zoien.
'They are handful.'
...
Napakadilim ng paligid. Umaalingawngaw ang nakakatakot na ingay. Iyakan ng mga bata, sigaw ng isang babaeng humihingi ng tulong, kumakalansing na mga kadena, bulungan at tawanan ng mga bruha.
Hanggang sa walang pasabing lumitaw ang isang babaeng duguan. Puti ang kasuotan. Nakatalukbong ang mahabang itim na buhok sa mukha. Nanlilisik ang mga mata nito. Puro saksak ang katawan.
Isang white lady!
"T-Tulong! Tulungan niyo ako! Maawa kayo!"
Nagawa pa nitong gumapang para sana abutin ang paa ni Titanium.
Agad umiwas ang dalaga at mas yumakap sa katabing si Zoien."Oh my gosh! Don't come near me, please! I wanna go home!"
Sa kabilang dako naman ay pumalahaw ng tili si Courtney matapos magpakita sa kanila ng isang paring pugot ang ulo.
"Boo!"
Mas tumili siya at nagsumiksik sa katabi. Their human pillow.
"Pinagsisisihan ko na nagtungo tayo rito pagkatapos kumain," dagdag niyang bulong habang humihigpit ang kapit sa braso ni Zoien.
Hindi mapigilan na mapangiwi ng isa dahil sa sitwasyon niya. Literal na para siyang palaman sa tinapay na pinagdidikdikan. Kulang na lamang magpabuhat sa kaniya ang dalawang kasama.
Umubo siya upang agawin ang atensyon nina Courtney at Titanium. "Sino kaya ang nagpumilit na rito magpunta, aber?"
Bumusangot ang dalawang babae dahil sa sinabi nito. Nahihiwagaan man sila dahil hindi man lamang ito mababakasan ng ni isang takot o pagkagulat kahit na nakakatakot naman talaga ang horror booth. Isama pa ang nakakapanindig balahibo na sound effects. Para silang nasa isang hunted house na napapaligiran ng tunay na nakakakilabot na mga nilalang.
"Ikaw na matapang." Muling napayakap si Titanium dahil sa paglabasan ng mga duguang kamay sa pader.
"O-Okay, I never been in this kind of booth before dahil nga I admit, takot ako sa multo but it doesn't mean hindi ko gusto subukan. Kyah!"
Halos matumba sa pagkakatayo si Zoien dahil sa biglaang pagyakap ni Courtney sa kaniyang leeg. Isang nakamaskarang si Jason ng friday the 13th ang biglang nagpakita sa kanila. May hawak itong kutsilyong punong-puno ng dugo.
"Mga mascot lang sila. Huwag kayong matakot."
"Easy for you to say," sarkastikong sumbat ni Titanium.
Napakamot na lamang sa pisngi si Zoien at hinayaan ang dalawa. Ni wala pa sila sa kalahati ng horror booth. Mas lalong natatagalan dahil maya't maya ang tigil nila para mapakalma ang dalawang kasama mula sa takot.
'Conquer your fear, huh?'
"Let's go. Para matapos na, halos mapisak na ako dahil sa inyong dalawa," tudyo niya na mas lalong ikinatilos ng nguso ng mga ito.
"Meanie," balik na saad ni Courtney.
"Rude," dugtong naman ni Titanium.
"I know right," tudyo ni Zoien.
Nagpatuloy sila sa kanilang paglalakad. Ang loob ng horror booth ay maihahalintulad sa isang maze garden na maraming pintuan at pasikot-sikot ang daan. At sa bawat silid ay may iba't ibang pakulong nakakatakot kaya't iniwasan nilang magbukas ng anumang pinto. Isama pa ang nakakasulasok na kulay pulang ilaw. Ang iba pa'y kumikisap-kisap. Katulad na katulad nito ang ambiance sa mga setting sa isang horror movie.
Muling nagsalita si Titanium.
"No more! Hindi na talaga ako papasok sa mga ganitong booth!"
Sumang-ayon sa kaniya si Courtney. "Isa pa, habang papalapit tayo sa exit lalong mas nakakatakot ang paligid."
Ilang beses silang lumiko sa daan kasabay ang paglitawan ng mas nakakatakotna nilalang. Ultumo si Ananbelle at ang scary clown ay kasama.
Napailing na lamang si Zoien, naaawa siya sa dalawa.. Halatang takot na takot ang mga ito. Kailangan na nilang makalabas.
"Elvina show me the right way to the exit," bulong niya sa kaniyang A.I.
Mula sa suot na salamin. Lumabas sa lense nito ang holographic arrow sa kanilang nilalakaran. Patungo ito sa exit.
"Thanks," aniya sabay hawak sa kamay ng dalawang kasama.
"Dito tayo," dagdag niyang pahayag.
"Eh? Sigurado ka?"
"Magtiwala na lamang kayo. Kailangan na nating makaalis dito. Tiyak hinahanap na tayo nina, Dad."
Iyon lamang ang tugon niya habang hila-hila ang dalawang dalaga na mas piniling magpatianod sa kaniya.
Malapit na sila sa labasan ng isang pigurang nakasuot ng itim na cloak ang humarang sa kanilang daan. Mabilis silang tumigil.
"Ow? Mayro'n pa rin ganyan? Akala ko ba exit na 'to?" takang tanong ni Titanium.
Nilingon ni Courtney ang paligid at napansin na may dalawa ring nakasuot ng cloak sa kanilang likuran. Pinaliligiran sila ng mga ito. Pamilyar sa kaniya ang tatlong naka-cloak. Mas lumapit siya kay Zoien at kinapitan ang braso nito. Ibang kaba ang kaniyang nararamdaman. Delikado sila.
"Z-Zoien?" tawag pansin niya.
"Alam ko," seryosong saad nito. Inaalisa ang bawat maaring mangyari.
'Three versus one and two civilian.' Humigpit ang kapit niya sa mga kasama. Mas itinago sila sa kaniyang likuran. Papalit-palit ang tingin sa harapan at kanilang likuran. Napapagitnaan sila ng mga kalaban.
"Target spotted, executing capture to kill." Boses robotic iyon.
Napapalatak sa isipan si Zoien matapos masaksikhan ang sabay-sabay na paglabasan ng mga mahahabang talim sa mga kamao ng mga ito at walang patumpik-tumpik na umatake.
"Duck!" sigaw niya sa kasama.
Hinawakan ni Courtney ang balikat ng katabing si Titanium at sabay silang naupo.
Mabilis na iniwasan ni Zoien ang talim ng unang kalaban at umikot para mahigpit na hawakan ang leeg nito't iminaubra ang braso nitong may sandata upang salagin ang paparating na dalawa pa. Kumalansing ang pagsalpukan ng mga talim.
"Come on, now. You should at least inform me first! Have some manners!"
Naiiritang itinulak pataas ang talim na ikinaatras ng dalawa bago niya malakas na sinipa ang likuran ng hawak na kalaban. Tumalsik ito patungo sa mga kasamahan na ikinabagsak nila sa malamig na semento
"Umalis na tayo! Bilis!" Hinawakan niya ang braso nina Courtney at Titanium para hilahin ang mga ito patayo at mabilis silang tumakbo palabas ng horror booth.
"W-what's happening?" naguguluhang tanong ni Titanium habang ang tingin ay nasa likuran."Sino ang mga iyon? Bakit parang kilala niyo sila?" Nakakunot na ang kaniyang noo at ibinaling ang tingin sa dalawang kasama.
Nanatiling tikom ang bibig ni Courtney. Ayaw na niyang maalala pa ang mga pangyayaring nais niyang kalimutan.
"Sabihin na lamang natin na masama sila, okay?"
Napaikot ng mata si Titanium. "Halata nga. So, wala talaga kayong balak na sabihin kung anong nangyayari?"
Bago pa masagot ang kanilang katanungan ay may kung anong sumabog sa 'di kalayuan. Gano'n na lamang ang kanilang pagkagulat matapos makita ang isang manticore. Sinisira nito ang bawat establisyimento sa paligid.
"Umn, pakulo pa ba ito ng amusement park?" alanganin na pahayag ni Titanium. Nahihiwagaan na sa mga nagaganap.
Nagsipagtakbuhan papalayo ang ibang mga tao, nais isalba ang sarili mula sa kaguluhan.
Napabuga ng hangin si Zoien bago inilibot ang paningin sa paligid.
'The Shadows are here and a manticore. What a bother,' aniya.
Sa kasamaang palad hindi niya dala ang kaniyang NZB gun. Ngunit mayroon pa siyang alas.
Itinapat ng dalaga ang watch sa bibig.
"Arctus! Code 008!" utos niya sa canine companion na nakasunod kina Cresty.
"Accepted. Location verified. Launching in 5 minutes," tugon nito.
Binalingan ni Zoien ang dalawang kasama. "Umalis na kayo. Call, Dad. Ako ng bahala dito."
Tumango si Courtney. "Take care. Let's go, Miks!" Hinila na niya paalis ang naguguluhan pa rin na si Titanium.
"C-Courtney! Ano bang nangyayari?"
"Malalaman mo rin ang lahat pero sa ngayon kailangan nating mahanap sina Dad. Don't worry about Zoien. She will definitely win. She's not Phoenix for nothing."
...
Matapos makasigurong nakalayo na sina Titanium saka lamang mabilis na tinakbo ni Zoien ang kinaroroonan ng manticore.
Kailangan niyang unahin na wasakin ang halimaw bago ang shadows. Aabot sa pitong talampakan ang laki nito. Bilugan ang pangangatawan habang maraming galamay ang lumalabas sa katawan aabot sa labindalawa. Sa laki at haba nito kahit isang hampas lamang ay walang ligtas ang kahit na sino. Isa-isang hinahampas nito.ang bawat estruktura sa paligid.
Isang nilalang na walang pag-iisip kundi ang manira at manggulo. Hindi maatim ng dalaga na dating tao ang halimaw. Napakuyom siya ng kamao matapos makitang balak nitong hampasin ang isang batang lalaking nakalumpasay sa semento. Hindi gumagalaw dahil sa takot.
Binigatan ni Zoein ang mga paa, kumuha ng sapat na lakas halos mabitak ang semento sa kaniyang paanan bago tinalon ang natitirang espasyo. Bumulusok siya patungo sa kinaroroonan ng bata.
Eksaktong lalapat na sana ang matilos na galamay ng manticore sa kawawang batang lalaki subalit mabilis na sinipa iyon paalis ni Zoien. Bumaluktot ang galamay sumirit ang dugo. Umirit ng sigaw ang halimaw sa paraang nasasaktan.
Agarang binuhat ng dalaga ang batang lalaki at tumalon upang iwasan ang paghampas muli ng tatlo pang galamay.na balak silang pusakin.
Hwak!
Tuluyang nabitak ang semento dahil sa lakas ng hampas nito.
Binaba ni Zoien ang hawak na bata.
"Umalis ka na rito," aniya sa batang lalaki.
"S-Salamat po, Ate." Kahit takot at nanghihina ay nagawa pa rin nitong umalis.
Nagpakawala nang maluwag na buntong hininga ang dalaga. Sa wakas ay wala ng ibang madadamay sa gulo. Kailangan niyang tapusin ang manticore sa lalo't madaling panahon.
"Now, its just you and me."
Naramdaman ni Zoien ang isang paparating na bagay mula sa himpapawid. Itinaas niya ang kamay upang sambutin ang isang bagay na pinadala ni Arctus. Saka. itinapat niya iyon sa dereksyon ng manticore bago pindutin ang buton at lumabas ang mahabang kulay asul na talim ng espada. Ang pangalawang bersyon ng Negative Zero Weapon sa anyong espada.
Umatungal ang halimaw. Mararahas at mabibigat na pag-atake ang pinakawalan nito sa dereksyon ni Zoien. Nagawang iwasan ng dalaga ang bawat galamay na dapat ay tatama sa maliit niyang katawan.
Nagkabitak-bitak ang bawat natamaan ng manticore. Gumuho ang mga debris ng bawat gusali ultimo mga rides ay hindi pinalampas.
"Keep stll! Will you!" Iwinasiwas niya ang hawak na espada at hiniwa ang dalawa sa galamay nito.
Bumagsak ang kalahati ng itim na galamay ng manticore halos kasing bigat ito ng isang sasakyan. Nabalutan ng yelo hanggang sa sumabog sa pira-pirasong asul na krystal.
Umatungal muli ang halimaw. Hindi na muling naghilom ang natamong sugat.
Sunod-sunod na pinutol ni Zoien ang mga galamay ng nilalang. Kailangan alisin muna ang nga sagabal sa kaniyang paglapit sa malaki nitong katawan. At hindi iyon maisasagawa kung malayang nakakagalaw ang mga galamay nito. Kahit may kalakihan ay mabilis pa rin iyon at malaki ang pinsalang magagawa.
Blag! Naputol ang kahuli-hulihang galamay.
Sa wakas ay natapos na niyang ubusin ang sagabal. Isa na lamang itong bilog na nilalang. Nilapitan ni Zoien ang main body ng manticore. Balak na sana niyang isaksak ang hawak na sandata sa katawan nito nang biglang bumuka ang bibig nito't ipinakita ang isang batang lalaki. Tanging ang ulo lamang ang nakalabas at ang katawan ay nakabaon sa sariwang laman ng halimaw.
Natigilan ang dalaga. Panandaliang nagulat.
"Yue?" Hindi makapaniwalang anas sa batang lalaki.
Ngumisi si Yue. Nasa loob siya ng manticore!
"Nagkita tayong muli, black knight."
Tumiim ang bagang ng dalaga.
"Hindi ako natutuwang makita ka."
Pumilig pakanan si Yue. Naagnas na ang balat nito. "Sabagay, inaasahan ko na ganito ang sasabihin mo."
"Sila ba ang may gawa nito sa 'yo?" Humigpit ang kapit niya sa hawak ba espada. "O baka pumayag ka na gawin nila ang bagay na 'to sa 'yo? Sa inyong magkakapatid?'
Sa halip na siya'y sagutin ay humalakhak lamang si Yue. "Ang mabuhay para mamatay. Tunay ngang kamatayan ang kasagutan sa lahat. Malapit na ang katapusan."
"Yue."
Ngumisi ang batang lalaki. "Yohan ang pangalan ko. Yohan Madrid. Mukhang dito na ang huli nating pagkikita, black knight. Sana kung tunay na may pangalawang buhay. Gusto kong maranasan ang mga sinabi mo noon."
Dahan-dahan na lumubo ang katawan ng manticore. Naglalabas ng kullay pulang liwanag. Hindi iyon maganda.
Walang kabuhay-buhay ang mga mata nitong nakatitig sa mata ni Zoien. Mapait na ngumiti si Yue.
"Gusto kong maranasan na mahalin at tanggapin ng buong-buo. Kahit na may depekto ako at kakulangan. Nais ko lang na matanggap sa kung ano ako. Masakit maiwan lalo na ang basta itapon."
"Yue!" Balak na sanang alisin ni Zoien ang bata sa loob ng nilalang subalit huli na siya. Isang malakas na pagsabog ang naganap na ikinatalsik ng dalaga.
Sa lakas ng naganap na pagsabog ay halos masira ang buong amusement park. Lumagablab ang nagniningas na apoy. Nabalutan ng kulay kahel ang buong paligid.
"O-Ouch," daing ni Zoien.
Isang bakal ang nakatusok sa kaniyang tagiliran. Puro galos at hiwa ang kaniyang balat. Nababalutan rin siya ng alikabok. Dahan-dahan na hinugot ng dalaga ang bakal sa kaniyang tagiliran. Napakagat siya sa kaniyang labi matapos maramdaman ang hapdi niyon. Parang sinisindihan ang kaniyang laman-loob sa tindi ng sakit.
"Masakit ba?"
Kahit nanghihina ay nagawa pa ring makatayo ni Zoien. Humawak siya sa sirang pundasyon sa kaniyang tabi bago binalingan ang magkakapatid na shadow. Nakalantad na ang mukha ng mga ito. Ang init ng simoy ng hangin.
"Ano sa tingin mo?" may halong sarkastikong tanong niya.
Nanatiling walang reaksyon si Rafael. "Mukhang nasaktan ka sa itsura mo ngayon. Pero kami. Wala kaming nararamdaman na kahit na ano."
Napangisi si Zoien matapos makita na maging ang kalahati ng mukha ng mga ito ay ginawang machine. Kaya siguro walang pakiramdam ang mga ito dahil may binago sa kanilang utak.
"Whoever is behind with the alteration of your bodies. I'll make sure to kill him."
Ngumisi si Ryko. " Kill? Our master Centipede can't be kill easily."
"Papunta ka pa lamang. Nakaalis na siya," segunda ni Yael.
"Walang imposible, lalong-lalo na pagdating sa akin. I will stop him from existing. Wala siyang karapatan na paglaruan ang buhay ng tao! Hindi kayo laruan para pag-eksperimentuhan lamang!"
"Heh? Mayabang ka pa rin, babae. Akala mo kaya mong gawin ang lahat. Do'n ka nagkakamali."
Kumuyom ang kamao ng dalaga. "Ano pa bang kailangan kong gawin para matauhan kayo! Patay na si Yue. Ano sa tingin ninyo ang ginagawa ninyo? Bakit hanggang ngayon, sunod-sunuran pa rin kayo sa WEB!"
"Someone like you would never understand us. Hinding-hindi. Huwag na huwag mong ikukumpara ang buhay mo sa naging buhay namin. Dahil sobrang magkaiba tayong lahat," saad ni Ryko.
"We will abide the WEB at all cost. Even if it will cost our life,' samo ni Yael.
"Times up. Our master will be happy to have you."
Nanlaki ang mata ni Zoien nang palibutan siya ng tatlong lalaki.
"Goodbye, Zoien." Ngumiti si Rafael.
Umilaw ang kanilang kanan dibdib katulad nang naganap kay Yue. Gano'n rin ang kinahantungan ng tatlong magkakapatid na shadows. Isang bomba ang nakatanim sa kanilang katawan.
Hindi nagawang makatakas ni Zoien matapos siyang hawakan nang mahigpit ng magkakapatid hanggang isa na namang pagsabog ang naganap. Mas triple ang lakas nito kumpara sa nauna. Tuluyan nilukuban nang mas malakas na ningas ng apoy ang buong amusement park. Kinain nito ang malalapit na establisyemento. Walang tinira kundi mga sirang bakal, mga semento at alikabok.
...
Isa-isang nagsipaglabasan mula sa pinagtataguan ang ilang tauhan ng WEB sa pangunguna ni Centipede. Isang masamang ngisi ang lumitaw sa kaniyang labi matapos makita ang malawak na pinsala. Isa iyong magandang tanawin para sa kaniya.
Wala silang nakitang may buhay sa bawat paligid maliban sa isa.
"Looks like she's still alive," ika niya pagkatapos makita ang isang bulto ng katawan.
Wala itong malay habang nakasandal sa pundasyong bakal. Ang lapnos sa balat nito ay isa-isang naghilom na ikinatiim-bagang ng lalaking syentipiko.
Hindi siya mapaniwalang nabuhay ito matapos ang mga naganap na pagsabog. May pagkasa-ipis pala ang babae.
"What do you want us to do with her?"
"She'll come with us. Might as well, use her for my research," walang pakundangan na utos ni Centipede.
"Then afterwards, I'm gonna get rid of her for good."
- Itutuloy-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top