[75] TITANIUM MIKAELA DRIOS

NO EDIT: 09/30/20

“The glow of one warm thought is to me worth more than money.” —Thomas Jefferson

CHAPTER 75:

Nakamasid sa labas ng bintana si Zoien. Hindi niya magawang tapunan ng pansin ang katabi. Punong-puno ng katahimikan ang loob ng sasakyan. Walang may nais na magsalita.

Matapos ang mga nangyari sa HQ ng LIA. Umuwi na ang Royalties kasama ang Xtherion. Mabuti dahil hindi sila naparusahan dahil sa ginawa nilang pagpasok nang walang pahintulot.

Pinagmasdan ni Zoien ang papalubog na araw bago ang daan.q Kasalukuyan silang patungo sa bahay nina Cresty. Napag-alaman niyang nagkaayos na pala ang mga ito. She was happy because of that but there was still a part of her that miss something from her past. Her own family.

Marahan na pumikit ang dalaga ninamnam ang masarap na simoy ng hangin. Nais niyang matulog.

She closed her eyes then her past memories invaded her whole system — the happy one.

...

"Baby blue!"

Isang batang babae na nasa edad na apat ang naglalakad sa magandang bakuran na pagmamay-ari ng pamilyang Alvira. Napapalugiran ng mga puno at halamanan ang paligid. Habang ang bata ay bakas ang inis sa mukha. Nakasuot siya ng kulay pink na bestida at nakapusod ang mahaba niyang itim na buhok.

"Shon! Baby Blue!" Panay ang kaniyang sigaw sa tahimik na kaparangan.

Hinahanap ang kaniyang munting kapatid at ang kanilang alagang si Shon.
Napanguso siya.

"Lumabas na kayo! I gave up! You won!"

Naglalaro sila ng tagu-taguan at sa kasamaang palad ay siya ang taya. Kanina pa siya pauli-uli sa kanilang bakuran pero 'di niya mahanap ang dalawang kalaro.

Napakamot na lamang siya sa kaniyang ulo. Naiinis. Ang ayaw niya sa lahat ang natatalo sa kahit na anong larangan. Lalo na sa laro. Pero palagi siyang talo pagdating sa bunso niyang kapatid. Matalino kasi iyon manang-mana sa kanilang ina na si Zeiraphine na mautak samantalang nakuha rin nito ang pagiging musical intelligent ng kanilang Ama.

Naiinis na bumalik sa kanilang tahanan ang batang babae. She gave up! Pagdating sa kaniyang kapatid ay palagi siyang talo.

Habang pauwi ay namataan niya ang kaniyang ama. Nasa may hardin ito nagbabasa ng aklat. Kulay brown ang buhok nito at itim ang mga mata. Kahit sa edad na trenta ay matipuno pa rin ang pangangatawan ng lalake.

Namutawi ang ngiti sa labi ng batang si Zoien matapos makita ang kaniyang ama.

"Dad!"

"Oh! My Fire! Saan ka nanggaling?"

Lumuhod si Rafael upang salubungin ang paparating na anak. Hindi mapigilan na mapangiti dahil kita niya ang pagkanguso ng anak. Nakakatiyak na naisahan na naman ito ni Angelo.

"Dad! Si Angelo po kasi!"

Niyakap ni Rafael si Zoien at kinarga ito.

"O, ano na naman ba ang ginawa ni bunso?" Natatawa siya sa kyut na ekpresyon ni Zoien. Nakanguso ito habang nakalubo ang mga pisngi at salubong ang mga kilay.

"Tinakasan ako."

"Tsk! Tsk! Tara na, ipagluluto na lamang kita ng paborito mong strawberry cake. Kaya smile na little Fire."

Mabilis na napawi ang inis sa mukha ni Zoien matapos marinig ang sinabi ng kaniyang ama. Ngumiti siya ng ubod ng lawak na ikinalabas ng kaniyang malalim na dimples.

"Waah! Talaga po! Sige po, Dad! Gusto ko po maraming strawberry toppings!"

Napailing si Rafael at hindi naiwasan guluhin ang buhok ng anak.

"Ang cute talaga ng anak ko. Tara, siguradong nasa kusina ang kapatid mo maging ang iyong ina."

Naglakad sila patungo sa loob ng bahay habang buhat-buhat pa rin ni Rafael ang anak. Nasa bungad pa lamang sila ng kusina ay maririnig na ang kaluskos at ingay mula roon.

"Mom! Hindi po ganyan ang paraan ng paghahalo!" Naiinis na boses iyon ng batang si Angelo.

Nagkatinginan sina Rafael at Zoien bago sumilip sa may pintuan. Parehong napangiti nang makita ang dalawang importanteng tao sa kanilang buhay sa may kitchen counter. Nakasuot ang mga ito ng apron. Puro amos ang katawan lalo na ang mukha dahil sa flour. Nagbi-bake ang mga ito.

"Eh? Baby Blue, pinapagalitan mo ba ang mommy mo?" Napasinghot-singhot pa si Zeira. Nagtutubig ang mga mata habang nakanguso.

Napatampal sa noo ang batang si Angelo. Napaka-isip bata talaga ng kaniyang Ina. Hindi siya makapaniwala na ang kilalang syentipiko ang kanilang ina na maraming naiambag sa lipunan pero ganito ang asta kapag nasa kanilang tahanan. Hindi marunong magluto ni maglinis ng bahay. May pagkaisip bata, clingy, matakaw at higit sa lahat palaging nakanguso.

"Mom, stop being childish! I love you okay! That's why I'm being strict! Isa pa! I want to play with Ate Fire! Kaso you abducted me here just to teach you how to bake!"

Mas lalong ngumuso ang Zeira. Pinapagalitan siya ng kaniyang anak na si Angelo.

"Baby Blue naman eh! Turuan mo na kasi ako!"

"Come on Mom! Dad would be glad to teach you."

"Tse! Hayaan mo nga iyang tatay mo! Baka pagtawanan pa ako. Hmp!"

"Are you really a 30 year old woman, Mom?"

"Hey! That's rude! I maybe 30 but I'm still young. I'm pretty and smart! At nanay mo akong bata ka! Bakit ang harsh mo sa akin ah! You need some punishment!"

Namutla si Angelo bago pa siya makaalis ay nahablot na siya ng kaniyang ina at binuhat para kilitiin.

Napuno ng tawanan ang buong kusina.

"Mukhang nagkakasiyahan kayo ah?" agaw atensyon ni Rafael.

"Oh? Kanina pa kayo?" Binaba ni Zeira si Angelo.

Pumasok si Rafael at binaba niya rin si Zoien. Ginulo pa niya ang buhok ng anak bago nagtungo kay Zeira. Niyakap niya ang asawa at kinintalan ng halik ang noo nito.

"Kaya pala, nawala si Angelo ay dinala mo rito."

Ngumuso si Zeira bago inayos ang suot na salamin at marahan na tinulak palayo si Rafael.

"Tigilan mo ako, Rafael. H'wag mo akong landiin. Nandito pa mga anak natin." Pagsusungit nito na ikinatawa ni Rafael.

Itinaas niya ang mga kamay. Tanda ng pagsuko.

"Okay! Okay! Later then." Kumindat pa siya na ikinapula ng asawa.

"Landi mo talagang lalake ka."

"Ikaw lang naman ang nilalandi ko ng ganito." Ganti niya na lalong ikinapula ni Zeira.

"Tigilan mo ako, sa guess room ka matutulog mamaya. Tamo."

Ngumiwi ang lalake bago nagkamot sa batok.

"Fine. Tutal nandito na tayong lahat. Tulong-tulong na lamang tayo sa pagluluto. Fire, Baby Blue. You know what to do, right?"

Parehong tumango ang dalawang bata.

"Good, ako ng bahala sa Mommy ninyo."

Napahalukipkip na lamang si Zeira dahil sa asawa.

"Rafael kapag may ginawa ka talagang kalokohan!"

"Ouch, naman, mahal. Wala ka bang tiwala sa asawa mo?"

"Tse! Ayusin mo ha! Simulan na ang pagluluto! Mauunahan pa akong matapos ng mga anak natin." Lihim na natuwa si Rafael.

Nagtulong-tulong silang apat sa paggawa ng isang strawberry cake. Paminsan-minsan nagpupunasan pa sila ng harina sa mukha. They were happy back then, so happy.

...

"Zoien, wake up."

Nagising siya dahil sa marahan na pagtapik ni Homer sa kaniyang pisngi. Sa wakas ay nakarating na rin sila sa pakay na lugar.

Ang mansion ng Eastwood.

"Let's go," aya ni Homer. Balak na sana nitong lumabas ng sasakyan pero agad siyang pinigilan ni Zoien.

"How long do I need to wait for you to explain everything?" Seryoso ang mga matang pinagmasdan ng dalaga ang mga mata ng kaniyang Amang si Homer.

"I'm sorry."

"Sorry? Sa tingin n'yo. Isang sorry lang mawawala ang sakit na nararamdaman ko dito?" Madiin niyang pahayag habang nakaturo sa bandang puso. "Ang sakit-sakit."

"I know."

"Kung gano'n bakit n'yo nagawang ilihim ang lahat sa akin! Mayroon akong karapatan na malaman ang lahat!"

"Dahil pinoprotektahan lamang kita!"

"Don't give me that reason! You lied to me! All along alam mo na clone ako ni Tania! That I was just a product of human research and experiment! I don't have family of my own! And what worst!" Napakagat sa labi si Zoein. "The very first people who accepted me died because of a monster like me."Tuluyang nagsipag-unahan ang mga luhang kanina pa nais pigilan.

She was triggered by her memories. She missed them. The very fist people who accepted and protected her. Because of her, they were gone.

"No! No!" Agad na hinawakan ni Homer ang pisngi ng anak at pinunsana ang mga kumawalang luha sa abuhin nitong mga matang punong-puno ng kalungkutan.

"Don't think that way. We suffered. We cried. We felt pain. That's because we are human. You are human. A very special one. You are not a monster."

Lumalam ang mga mata ng dalaga dahil sa sinabi nito. "Pero Dad, kahit na may ganito akong kakayanan. Kahit na pinangako kong gagawin ang lahat para mapanatiling ligtas ang mga mahal ko sa buhay. Nabigo pa rin po ako. Aanhin ko ang kakayahan tulad nito kung hindi ko naman magamit?"

Ngumiti si Homer at hinaplos ang buhok ni Zoien. "You don't have to protect everyone by yourself. Hindi ka nag-iisa. We are in this together. I'm really sorry for hiding everything about your true identity. I don't want to hurt you."

"Kasinungalingan o katotohanan. Pareho pong nakakasakit pero kaya ko naman pong tanggapin ang lahat. I'm a chrome huh? My orginal must have created me for some purpose."

Napasandal sa upuan si Homer. "Looks like it. Si Tania ang klase ng tao na gumagawa ng mga bagay dahil may rason siya kahit pa buhay niya ang kapalit. I was there when she's on the verge of dying but I was too late. I never had the chance to save my bestfriend. I'm so useless. It was as if I killed her."

Zoien can feel his regrets.

"That's why, I promise this time around. I'm going to get justice. For Tania, for your family, for my father, for the poeple who died because of Xorak and for myself. I'm going to end everything." There was convictions in his voice. He sighed. "Enough with this. Let's get inside. Nakakatiyak akong naghihintay na sila sa atin."

Tumango si Zoien. Sabay silang lumabas sa sasakyan bago naglakad patungo sa harapang mansion. Mabilis silang nakapasok sa loob dahil nakilala si Homer.

"Nagkaayos na po ba kayo ni Auntie Crest?"

Napakamot sa dulo ng ilong si Homer. Lihim na napangiti si Zoien. This was the first time she saw her father's blushing face. It was cute.

"Yeah. We are fine I guess. Babawi ako sa kanila. I made my mistake. Gagawin ko ang lahat para ayusin iyon."

Napatango ang dalaga. "That's why I told you several times to visit them but you didn't listen. 'Di sana matagal na kayong nagkaayos."

Naningkit ang mata ni Homer. "Sinisisi mo ba ako Zoien?"

Napangiwi siya dahil sa talim ng tingin nito. "Nope, sabi ko nga ko. Masaya ako dahil nagkaayos na kayo. Make sure to make up with Courtney. She misses you, so much." Ngumiti siya bago naunang maglakad papasok sa living area.

Agad napangiti dahil nasilayan niya ang ilang tao na nakaupo sa sofa. Seryosong nag-uusap ang mga ito. Una niyang nakita ang nakaharap na si Courtney habang katabi nito si Cresty. Nasa harapan naman ng mga ito ang dalawa pang pigura. Isang lalaking nakatalikod at katabi nito ang isang dalaga.

Napakunot pa siya ng noo dahil si Miguel ang lalaki pero 'di niya mawari kung sino ang katabi nitong babae.

Napansi siya ni Cresty.

"Finally, kanina pa kami naghihintay." Nakangiti nitong bungad.

Isa-isa silang tumingin sa dereksyon ni Zoien.

"Zoien! Glad you made it!" Bati ni Courtney.

"Yow!" Alanganin saad ni Miguel.

Simpleng tango lamang na may kasamang ngiti ang tugon ni Zoien bago ibinaling sa iba ang kaniyang pansin. Gano'n na lamang ang pagkabigla sa kaniyang mukha matapos masilayan ang babaeng katabi ni Miguel.

Maganda ito. Mahaba ang itim nitong buhok. Morena, balingkinitan ang pangangatawan ngunit ang abo nitong mga mata ang mas kapansin-pansin. Kamukha nito si Miguel subalit may halong kaunting katangian na napakapamilyar.

'As if she's looking at herself.'

"Pasensya na kung nahuli kami ng dating. Katatapos lang ng meeting. May pagkain ba kayo?" Bagot na tanong ni Homer habang nakapamulsa.

Napailing si Miguel. "Dude, pagkain talaga? 'Di mo ba kami babatiin muna?"

"Nah! Let's talk later. Nagugutom na kami. Am I right, Zoien?" Baling niya sa anak na kanina pa nakakunot ang noo.

Hindi inalis ng dalaga ang tingin sa bagong bisita. Deretcho lamang rin ang tingin ng babae sa kaniya. Tila nakikipagkompetensya ito sa pamamagitan ng tingin. Nabalik lamang siya sa huwesyo ng guluhin ni Homer ang maikli niyang buhok.

"Snap out of it, balak mo bang tunawin ang anak ni Miguel."

"H-huh?" Halos lumuwa ang mata ng dalaga dahil sa nilantad ni Homer.

'May anak si Miguel? Kanino?'

Alam niya na walang anak si Cresty at Miguel kaya kanino?

"Oh? Nakalimutan ko palang ipakilala sa 'yo. She's Titanium Mikaela Drios. Tania's daughter."

...

Tahimik lamang sa pagkain si Zoien habang nakamasid sa ibang kasama sa hapagkainan.

Normal lamang na nag-uusap ang mga ito. Tila ba matagal na silang 'di nagkikita. Well, that's true anyway.

"Zoien? You okay?" agaw atensyon ng katabi nitong si Courtney.

"Y-yep. Ayos lang. Ang sarap ng pagkain." Nakangiwi niyang pahayag bago pinagpatuloy ang pagsubo pero hindi nalingid sa kaniyang pakiramdam ang manaka-nakang tingin ni Titanium. Kakaiba sa pakiramdam na kaniyang makita ang anak nf kaniyang orginal.

'Very uncomfortable,' ika niya sa sarili.

"By the way, is it okay kung magbonding tayo bukas?" Suhestyon ni Cresty.

"Teka! Kasama ba kami diyan!" Usisa ni Miguel.

Nagkibit balikat si Homer. "Oo naman. Mas marami mas masaya. Ayos lang ba sa inyo?"

Nagkatinginan ang tatlong dalaga.

Ngumiti si Courtney. "I'm fine with it. Gosh! I'm so excited! How about the both of you?" Baling niya kina Zoien at Titanium.

"Walang problema sa 'kin." Simpleng tugon ni Titanium bago ipinagpatuloy ang naudlot na pagkain.

"Ikaw Zoien? What do you think? Hmn?" Muling usisa ni Cresty.

"A-ah? S-sure po. Saan po ba tayo bukas?"

"That would be a secret." Natutuwang ani ni Cresty.

Napabuga ng hangin si Zoien. Ilang sandali lamang natapos na rin sila sa pagkain. Dahil may naudlot na trabaho si Miguel sa kompanya nito ay bumalik siya sa opisina nito para ipagpatuloy ang naudlot na gawain pero bukas rin ay babalik upang sumama sa bonding day nila. Samantala, nagpaiwan si Titanium. Sa mansion siya matutulog.

Nagtungo na sila sa kaniya-kaniya nilang silid. Pagkapasok ni Zoien sa kwarto niya ay agad siyang nagpakawala ng marahas na buntong hininga. She almost thought, she would die.

Sobrang pagkailang ang kaniyang nararamdaman lalo na sa tuwing napapansin niya ang pagpukol ng tingin ni Titanium. Hindi niya mabasa kung ano ang laman ng kakaibang tingin iyon. Magaling ito magtago ng emosyon parang siya lang din. She looked at her wristwatch. 7:47 pm.

"This is bothesome," aniya bago nagtungo sa banyo para maglinis ng katawan. Mabuti na lamang dahil may dala siyang sariling mga damit.

Ang kaniyang silid ay malaki para sa isang tao lamang. Queen size bed rin. May sala, bedside table. May ilang kabinet din sa tabi kung saan may mga nakalagay na tuwalya at roba. Gano'n rin ang mga kumot and beddings

Pagkatapos ihanda ang mga susuotin saka siya nagtungo sa malawak na banyo para magbabad sa tub. Ilang oras siyang nanatili sa banyo bago nag-ayos ng sarili. Nagsuot siya ng pantulog na may desenyo na strawberry pagkatapos ay lumabas siya ng banyo habang nagpupunas ng buhok.

"Took you long enough," sambit ng isang boses pero malamig iyon.

Halos mapatalon siya sa gulat. Nabitawan pa ang towel. Nanlalaki ang mga matang nakatitig siya sa isang pigura. Nakaupo ito sa malawak na queen size bed habang nakapahalukipkip pa. Ang abo nitong mga mata ay masusing nakatingin sa kaniya.

"T-titanium, ikaw pala 'yan. Ginulat mo naman ako." Pinulot ni Zoien ang nahulog na towel. "Anong ginagawa mo rito sa kuwarto ko?"

"Dito ako matutulog."

"Huh?"

"'Di ka naman bingi 'di ba?" Inirapan siya nito.

"A-ah. Sige, gusto mo ba dito? Gusto mo palit tayo ng room?"

Tumalim muli ang mga mata ni Titanium. "Gosh, sleepover daw tayo sabi Courtney. Dito sa room mo. At hindi ko ginusto dito, okay?" Tumayo ito bago nagtungo sa terasa. Eksakto naman na bumukas ang pinto at pumasok si Courtney na may bitbit na mga unan.

"Tapos ka na pala Zoien! Sleepover kami dito ni Miks, ah?" Lumapit siya sa kama at inilagay ang mga unan bago inilibot ang tingin. "Saan pala si Miks? I just left here kanina?"

"Nasa veranda."

"Gano'n ba." Hindi naalis ang ngiti sa labi ni Courtney. Halatang masayang-masaya ito.

Nakakahawa ang ngiti nito. "Masaya ako dahil maayos na kayo."

"Me too! Napakasaya ko! Sobra!" Tumalon sa kama si Courtney. "Buong buhay ko, akala ko hindi na darating ang ganito. I'm glad, everything is back to normal. To our family at least."

"I root for you." Naupo sa may kama si Zoien. "Magiging maayos din ang lahat."

Namutawi ang katahimikan bago muling nagsalita si Courtney.

"Zoien."

"Hmn?"

"Stay with us."

Sandaling nagulat si Zoien.

"Dad told me, sa amin ka na daw titira. Wala naman problema kay Daddy Migs kung dito ka muna sa amin. What do you think?"

Isang mainit na pakiramdam ang umusbong sa dibdib ni Zoien. Having a family again. She's cravinv for this moment.

"Are you sure? I mean is..." Tiningnan niya ang mata ni Courtney. "You know what I am. Hindi ka ba natatakot?"

Umupo si Courtney at pinitik ang noo ni Zoien.

"Silly girl. Wala akong pake, kung ano ka o kung sino ka. Noon pa man, gustong-gusto ko magkaroon ng kapatid! I'm so glad you came to our lives!" Niyakap nito si Zoien. "Sabagay, ayaw mo man o gusto. Wala kang magagawa dahil dito ka sa amin titira."

"Thank you, for accepting me. Ang totoo niyan gusto ko ulit maramadaman na magkaroon ng pamilya. Salamat."

They were hugging each other when someone caugh to cath their attention.

"Sorry to disturb you but we have to sleep. Maaga pa tayo bukas."

"Of course, Miks! Zoein dito ka sa gitna namin ah! I'm so happy to have not just one but two sisters!" Halos magningning na ang mga mata ni Courtney dahil sa tuwa.

Umayos na sila ng pwesto.  Tulad ng nais ni Courtney. Si Zoien ang nasa gitna. Mayamaya, pinatay na nila ang ilaw at iniwang nakasindi ang lampshade. Deretcho lamang ang tingin ni Zoien sa kesame.

Masaya siya dahil sa wakas, buo na ang pamilya ni Homer lalo't higit, masaya siya para kay Courtney. She took a deep sighed.

"Can't sleep?"

Napabaling sa kanan si Zoien. Titanium eyes were close but she was the one who spoke.

"You too?"

Nagmulat ito ng mata. Kahit lampshade lamang ang kanilang ilaw ay kita pa rin ang abong mga mata nito.

"Hindi ako makatulog. Namamahay ata ako."

Ngumiti si Zoien bago binigyan pansin ang nasa kaliwa na si Courtney. Malalim ang paraan ng paghinga nito at pikit ang mga mata. Senyales na mahimbing na itong natutulog.

"Let's go downstairs. Ipagtitimpla kita ng gatas."

Tumango si Titanium bago maingat na bumagon. Gano'n din ang ginawa ni Zoien. Tahimik silang nakalabas ng kwarto bago parehong nagtungo sa kusina.

"Take your sit. Ako ng bahala sa gatas."

"Okay, if you say so." Naupo sa may counter si Titanium. Nagpahalumababa at pinagmasdan ang ginagawa ni Zoien.

"Are you uncomfortable with me?" Bigla niyang tanong na ikinangiwi ni Zoien.

"Uhm, slight."

Napatango si Tiatanium. "Sabagay 'di naman kita masisisi. Alam mo, the moment you entered a while ago, I almost run towards you and embrace you with all my might." May halong lungkot ang tinig nito na ikinatigil ni Zoien sa paghalo.

"When I was just young, Lola Martha and Lolo Edong was the one who raise me. Isa sila sa pinakamatandang tauhan na pinagkakatiwalaan ng Mondragon Clan. They raised me well. Hindi man ganoon karangya ang pamumuhay namin sa probinsya. Ay ayos lang. I don't need money anyway. All I want is a family, I can never ask for."

Mapait na ngumiti ito na ikinasikip ng paghinga ni Zoien.

"Alam ko simula pa noon na ampon lamang ako. Uncle Homer, told me everything from the very beginning up to end. Sinabi niya kung sino ako. Lalo kung sino ang magulang ko." May kinuha mula sa loob ng suot nito si Titanium. Isang locket  Binuksan iyon at pinakita kay Zoien.

It was a picture of Tania and Miguel when they were just teenager. Lumamlam ang mga mata niya pagkakita sa litrato.

"Titanium, you know. She was..."

"I know." Itinago nitong muli ang locket. "Alam ko. I was so happy when I saw my biological father for the first time. 17 years. I was waiting for him that long. Matagal man, pero it was all worth it. Though, I won't ever gonna be with my real mother. We visited her tomb. Masaya ako pero malungkot din."

Hindi na nakayanan ni Zoien ang makita kung gaano ito malungkot. Nilapitan niya ito upang yakapin.

"I'm so sorry. I was the one who was here and not your mother."

Umiling si Titanium. "I-It's okay. I was actually glad to have met you." Humigpit ang kapit niya kay Zoien. "Sorry for being bad right now. Pero, pwede bang kahit ngayon lang? Isipin ko na ikaw ang mom ko?"

"Of course. You can." Hinaplos niya ang buhok ng umiiyak na babae. "Cry, I'll be here."

"M-mom, I m...m-iss you so much."

Bahagyang napangiti si Zoien. Hinaplos niya ang buhok ng anak ng kaniyang original ramdam niya ang pangungulila nito sa ina. She wished, she can be happy and contented in the near future.

Nawala na ang pagkailang sa kaniyang sistema. All she wants is to comfort the girl until she stop crying. Nauunawaan niya ang nararamdaman nito. Sobra. But Zoien, also know that everything will be alright. Magiging maayos rin ang lahat.

  -Itutuloy-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top