[74] FIRST STRIKE
NO EDIT: 09/14/20
"The world is full of magical things patiently waiting for our wits to grow sharper.” —Bertrand Russell
CHAPTER 73
It was just any other ordinary day. People around the world continue their normal lifestyle. They wake up early to prepare themselves to do their own schedule for the day. Nothing is out of ordinary but that's their biggest mistake because today, everything will change.
...
Sa loob ng isang pampasaherong LRT. Tulad nang nakagawian. Punong-puno ng pasahero ang loob ng nasabing sasakyan. Halos magkadikit na ang balat ng bawat isa at hindi alintana ang init na hatid dahil na rin sa rami ng tao.
Isa lamang ito sa pang-araw-araw na eksena. Walang bago. May kaniya-kaniyang pinagkakaabalahan ang bawat isa. May nag-uusap, nagkukuting-ting ng kanilang phone, may nagbabasa ng dyaryo, may simpleng nakikinig ng music at ang iba naman basta nakatulala — matiyagang naghihintay na huminto ang kanilang sinasakyan sa pakay na destinasyon hindi nila pansin ang isang lalakeng nasa pinakasulok.
Balot na balot ang katawan nito ng nagkakapalan damit. Tagong-tagong rin ang mukha gamit ang isang itim na sumbrero. Malalim ang paraan ng kaniyang paghinga. Mabilis ang tibok ng kaniyang puso.
Sandaling umangat ang kaniyang tingin para ilibot ang mga mata sa paligid. Maraming tao. Iyon ang tumanim sa kaniyang isipan bago ngumisi. Mula sa bulsa, kaniyang itinahaw ang isang injection na may laman na itim na likido.
"Para sa WEB." Paulit-ulit na parang sirang plaka niyang bulong sa sarili bago inalis ang takip sa dulo ng karayom at itinutok iyon sa kaniyang leeg. Mas lalo siyang nasiyahan dahil alam niyang malaki ang maiaambag niya sa kanilang organisasyon. Ang kanilang pagsasakripisyo, upang sirain ang mundo.
Walang pag-aalinlangan na tinurok niya iyon sa kaniyang leeg hanggang sa naubos ang laman nitong itim na likido. Pumasok sa kaniyang sistema ang dark syrum. Nagkulay itim ang kaniyang ugat. Ang kaniyang mata ay naging singkulay ng dugo. Dahan-dahan na nanginig ang kalamnan.
Nagulat ang mga kalapit na pasahero ng misteryosong lalake dahil sa bigla nitong pagkabuwal sa sahig ng LRT. Nangisay siya na pawang inaatake ng epilepsy. Nanghikakatakutan ang mga nakasaksi.
May ilan na nagtankang siya'y tulungan, mayr'on ding ilan na mas nais na manood na lamang ang iba pa'y kumuha ng video ang kaganapan hanggang sa isang 'di kapani-paniwalang pangyayari ang naganap.
"'Oy! Ayos ka lang ba?" usisa ng isang lalaking nasa trenta.
"May doktor ba rito? O kahit na sinong may alam sa ganito!"
"Mister!" Balak na sana niyang hawakan ang balikat ng nakataob na lalake nang bigla na lamang may kung anong bagay ang tumagos patungo sa kaniyang dibdib. Nanlalaki ang kaniyang mga mata sa gulat at sakit na naramdaman kasabay ang pagsuka ng maraming dugo.
Nagsigawan pa ang ilan sa mga pasahero nang tumalsik ang katawan nito kasama ang pagtalsikan ng dugo sa iba't ibang direksyon. May kung anong bagay ang tumusok sa dibdib nito. Malaking galamay!
Unti-unting tumayo ang katawan ng lalake. Baluktod na tila bali ang galugod. Nagsipag-layuan ang ibang pasahero dahil sa takot subalit dahil sa marami ang pasahero nahirapan silang makalayo na siyang ikinasiya ng nilalang.
"Pagkain, g...g-usto ko ng makakain." Nagsipaglabasan ang iba pang galamay sa kaniyang likuran habang unti-unting naalis ang buhok sa kaniyang katawan maging ang kaniyang balat ay parang naagnas. Isang proseso ng tinatawag na mutation.
He is turning into a manticore!
Ngumisi siya, wala na ang pantay na mga ngipin bagkus ay napalitan ito ng maliliit ngunit matitilos tulad ng sa ngipin ng pating.
Nagpatuloy ang sigawan ng bawat tao. Nagkakagulo silang lahat dahil sa paglitaw ng nakakatakot na nilalang. Hindi na nagpatumpiktumpik pa ang manticore. Sunod-sunod na kaniyang inatake ang lahat ng makikita niyang gumagalaw maging ang mga maiingay. Wala siyang pinalampas ni isa sa mga ito.
He killed them.
Devoured them.
Destroyed everything around him.
It was a chaos that nobody expected.
Walang kaalam-alam ang mga nasa labas sa kalunos-lunos na pangyayari sa loob ng naturang sasakyan, hanggang sa ito'y sumabog. Lumikha ito ng malakas na tunog at pagyanig.
Isang malakas na bomba ang nakalagay sa loob ng katawan ng manticore. Pagkatapos magbago ng anyo ng halos na isang oras saka naman awtomatikong sasabog ang kaniyang katawan.
Sa lakas ng pagsabog, nahati sa dalawa ang sasakyan pangtransportasyon. Nagkalasog-lasog ang bawat parte. Nasira rin ang railings ng daan na naging sanhi upang tumaob ang sira-sirang LRT at magpagulong-gulong. Humarang sa daan ng underground tunnel ang nagliliyab na parte. Patuloy ang paglagablag nang nagngangalit na apoy. Walang gumagalaw ni isa. Walang natirang buhay.
Isang nakakakilabot na pangyayari na sabay-sabay naganap sa iba't ibang parte ng mundo.
They thought it was just a terrorist attack but they were wrong.
It was the WEB, the evil organization who's behind the dreadful destruction around the world and this, was just the beginning.
...
Napatampal sa noo si Homer habang pabalik-balik siyang naglakad sa harapan ng grupo ng kabataan.
Nakayuko ang mga ito, hindi nais na salubungin ang malamig na mga mata ng Head Director ng LIA. Hayag ang pagkadismaya sa mukha nito.
Samantala, nakasandal lamang sa may pader ng opisina si Troy, hinayaan niyang ang kaibigan ang bahalang kumausap sa grupo ng kabataan. Homer is the boss anyway. Bakas din ang mangha sa kaniyang mukha. Hindi inaasahan na maging ang kambal niyang anak ay kasama mangunguna sa ganitong klase ng kaguluhan. Isang malaking pagkakamali ang walang permisong pagpasok sa LIA nang walang permiso. May katumbas iyon na kaparusahan.
Binalingan ni Homer ang dereksyon ni Agent Vain. "Did you inform Morgan about this?" May diin ang bawat salita na ikinakislot ng mga kabataan. Nakakatakot ang seryosong tinig nito.
Tumango si Troy. Kanina pa niya natawagan si Agent X pagkatapos na ipaalam ang lahat sa kanilang Head Director. "Already done, he'll be here."
"Good, because I need him." Napahilot sa noo si Homer. Naniningkit ang mga mata. Isa-isa niyang pinagmasdan ang mga ito bago nagpakawala nang malalim na buntong hininga. "Alam ba ninyo kung ano ang kapalit ng ginawa ninyong ito?"
Dahan-dahan na tumango sila bilang sagot na ikinahalukipkip ni Homer.
"Hindi dapat kayo pumasok dito sa LIA nang walang pahintulot. What you done was irresponsible to do! What if one of my agent shoot some of your member? Anong gagawin ninyo?"
Naglakas-loob si Deux. "It's my fault, Sir. I'm the one who agree with this. As the leader of the Xtherion. I take full responsility and accept any punishment." Inako niya ang kasalanan ng lahat subalit hindi papayag ang iba na siya lamang ang maparusahan.
Humakbang paunahan si Altear. Umayos ng tindig. "I beaten up five of your Agent, Sir. I should be the one to get the punishment."
"M-Me too, Uncle Homer. I knocked down six of your security. I'm really sorry po." Bahagyang yumuko si Arthur bilang paghingi ng paumanhin sa kaniyang nagawa.
Agad na sumaklolo si Courtney. "We all are here to see Zoien. We won't regret what we had done. If you will punish us, then do it — equally."
Napabuga nang marahas na hangin si Homer. He was longing to see his daughter; Courtney but not in this kind of situation.
"Fine, pagbibigyan ko kayo."
Nagliwanag ang mukha ng mga ito.
"But! Just this once, next time no one will ever come here uninvited. I will surely punish you without mercy." Napalunok ang ilan sa kanila dahil sa banta ni Homer. "Nagkakaunawaan ba tayo?"
"Yes Sir!"
"Good, as long as you listen to me. Wala tayong problema."
"Excuse me?" Nagtaas ng kamay si Aki.
"What?"
"Well, I'm just curious. Bakit po nakakulong si Zoien? As far as I can remember, she saved us last time. Kaya po nagtataka talaga kami kung bakit nasa house arrest siya ngayon."
Binalingan ni Homer si Troy.
"Oh no, don't look at me. I'm not the one who put our baby girl in house arrest." Maktol nito na ikinabuga ng hangin ni Homer.
He looked at his watch. Mayamaya magsisimula na ang pagpupulong. He need to be there as early as posible.
"Don't worry, she'll be out in no time."
"But you didn't answer his question, uncle." Mariin ang tingin ni Feltesia sa kaniyang Tiyo.
"Teenager this days are full of inquisitive."
Marahan na nagtaas ng kamay si Margarette."We just wanna know sir."
Napakamot sa buhok si Homer. "Alright, better listen to me. Zoien, she's not normal like you and me." Mataman na nakikinig ang mga kabataan. "She might have extraordinary capability but that girl needs some rest sometimes. Napapabayaan niya ang sarili niya. She always act selflessly." Matipid siyang ngumiti. "Zoien wants to protect people. Lalong-lalo na ang mga malapit sa kaniya at alam niyo kung bakit gan'on siya?"
Nanatiling nakatitig sila kay Homer.
"Dahil ayaw ng batang iyon na mawalan ng mga taong parte ng kaniyang buhay. That's her weakness. She experienced horrible things as a child. She lost her family, abducted by some evil organization. Treated her as guinea pig. They turned her to become like them but Zoien will always be the kindness person I met in my entire life." Umayos ng tayo si Homer. "Sa kabila ng lahat ng masasamang karanasan, hindi siya nagpahawa sa masasamang tao sa kaniyang paligid. She want to make a better world. Isang mapayapang mundo kung saan walang ni isa man ang makakaranas muli kung ano ang pinagdaanan niya. And I wanna protect her at all cost." He sighed. "Not because she's my girl bestfriend clone. No, because she's one of my daughter and I don't wanna lose that kid."
"Our world is different from the world you live in. This!" Itinuro ni Homer ang buong paligid. "This is our world. We protect everyone safety. We kept secrets from the society not because we want them to be ignorance but we want them to live freely without anything to worry about. We put our lives on the frontline just to keep peace in every part of the world and I hope whatever you learned must be keep as a secret."
"Time's up, the meeting will start." Tinuro ni Troy ang relo.
"I gotta go. You can visit Zoien for the last time. Troy accompany them and tell Morgan to go to the conference room, ASAP." Tiningnan ni Homer si Courtney. "We will talk later with your Mom."
Ngumiti ang dalaga. "Yes, Dad. Marami kayong dapat ipaliwanag. Can, Zoien come too?"
"Of course. She's part of our family after all. I have to go pumpkin. Let's see each other later. No more monkey business okay?" Naglakad na palayo si Homer.
Pinagmasdan lamang nila ang paglisan nito.
"He's so cool!" Tili ni Rossette.
Lihim na napangisi si Homer bago tinapik ang balikat ni Troy. "Ikaw na ang bahala sa kanila."
"I'm on it."
Nagpatuloy sa paglalakad si Homer hanggang sa nakarating na siya sa conference room. Nasa kaniya-kaniyang puwesto ang lahat ng mga batikang ranggo sa larangan ng pandigma. Tinipon niya ang mga ito upang pag-usapan ang nagaganap na kaguluhan sa iba't ibang parte ng mundo na kagagawan ng WEB.
They need to act now.
They are in the mids of preparation for war against the evil organization.
The web wasn't the only one who got spy.
They also had theirs.
And today, they will start their counter attack.
-Itutuloy-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top