[73] SECRETS TO TELL
NO EDIT: 09/13/20
"Life is like riding a bicycle. To keep your balance, you must keep moving."
- Albert Einstein
CHAPTER 73
HOMER KEEPS ON staring at his father's tomb. The burial ceremony already ended yesterday and yet he can't stop himself from visiting the Don.
"Ilang beses mong sinabi na gagawin mo ang lahat para lang mapanatili ang kapayapaan sa mundo. I always thought you were my hero. I do idolize you back then to the point I want to be with you that's why I trained so hard just to get wherever I am, right now."
Pinagmasdan niya ang kalangitan. Maaliwalas iyon. Napakumportableng pagmasdan.
"Gusto kong makasama ka. But things got worse. Mga pangyayaring 'di mapipigilan. I was weak but you trusted me. Even if I pushed everyone, you still put up with me. I-I hate you for that. You always save me when I'm drowning but now, you're gone. Forever."
Napabuga nang malalim na buntong hininga si Homer bago nagpamulsa.
"I should learn to pull myself up. Don't worry Dad, I'll make sure to finish what you started. I'll be the one to end everything. I will take care of Mom and Isabe tool, that's a promise."
Pinagmasdan niya sa huling pagkakataon ang lapida ng kaniyang ama bago tumalikod subalit agad rin siyang napatigil dahil sa taong sumalubong sa kaniya. Pinatapang niya ang ekspresyon sa mukha.
"Miguel."
"Homer, yow?" Alanganin nitong pagbati.
Nag-igting ang bagang ni Homer. Sa lahat ng tao na dapat niyang iwasan, si Miguel ang kauna-unahan sa kaniyang listahan. Iniiwasan niya ito dahil baka kapag nagkita sila mapatay niya ito. A sudden evil thought appeared in his head. Like burying him alive but he brushed that thought away.
"What do you want?"
"C-Can we talk?" Hayag ang pag-aalinlangan sa tinig nito.
"I'm a busy man. May gagawin pa ako. We can talk some other day." Balak na sanang lampasan ni Homer si Miguel nang hablutin nito ang kaniyang braso.
"It's urgent."
Muling nag-igting ang bagang ni Homer bago umigkas ang kaniyang kanang kamao at tumama sa panga nito.
"WTF! O-Ouch! Masakit 'yon!" reklamo ni Miguel habang hawak ang panga.
"Oops! It's a habit of mine. So, don't touch me again."
Tumalim ang tingin ni Miguel. "Sinadya mo 'yon!"
Nagkibit-balikat si Homer. "Maybe? I have many things on my plate right now. If it's not important I have to go." He was about to step when Miguel spoke.
"It's about Cresty."
Huminto siya sa paglalakad. "What about her?"
"I just want to explain my side. N-No! Our side!"
Tuluyang napuno si Homer. "Damn it!"
Marahas na hinawakan niya ang collar ng suot na itim na tux ni Miguel at marahas itong itinulak sa katawan ng malapit na puno. Napa-aray naman ang lalaki dahil sa bigla.
"Explain? Ano pang dapat mong ipaliwanag? You married my wife! Ikaw na matalik kong kaibigan! What was that! Wala ka man lamang bang pride, as a man!"
Sa pagkakataong ito si Miguel naman ang sumuntok sa panga ni Homer. Hindi nagustuhan ang pamimintang ng kaibigan.
"Hoo! That feel so good! Gustong-gusto na talaga kitang sapakin mula noon!" Inalis niya ang suot na necktie habang ang tingin ay hindi inaalis sa nakalugmok na lalaki. "You don't want me to talk ha? Then listen to my fist, you fool!"
Sumugod si Miguel kay Homer. Nagpalitan sila ng suntok, sipa, tadyak. Hindi sila tumigil hangga't walang sumusuko sa kanilang dalawa.
"Holy cow! Nagpapatayan na sila!" bulalas ni Ivan.
"Sshh! Huwag kang maingay Ivan!" suway ni Andrei.
Napabuga ng hangin si Russell. "What vicious way of talking."
"Fist can talk too, you know?" kibit-balikat na aniya ni Hartley.
Napabuga ng usok mula sa sigarilyo si Morgan.
"Let them be. If they die, we can bury them both in their own tomb." Sabay turo nito sa mga hukay.
Napalunok ang magkakaibigan.
"Evil man," bulong nila bago pinagtuunan ng atensyon ang dalawang lalakeng patuloy sa pagsusuntukan. Puro dugo na ang kanilang mukha. Putok ang labi, maging ang kilay. May mga gasgas na tila ba galing ang mga ito sa isang aksidente.
"You left them! And you think it's my fault!" Sinuntok ni Miguel ang kanan pisngi ni Homer.
"Hindi ko sila iniwan dahil gusto ko!" Gumanti ng sipa sa tyan si Homer.
"Pero ginawa mo pa rin! Alam mo ba pakiramdam nang iwan 'di ba?"
"Wala kang alam!"
"Pareho tayong walang alam Homer! Walang hiya! Ang sarap mong ibaon sa lupa!"
"Ano! Ikaw kaya ang ibaon ko at gawan ng lapida ngayon din!"
"Ayaw mong makinig!"
"Dahil nasasaktan ako!" Natigilan silang dalawa. "Masakit ang ginawa ko alam ko! But I don't have a choice! I want to protect my family even if it means abandoning them! Iba ang mundong kinabibilangan ko Miguel!"
Napakuyom ng kamao si Miguel. "Nagkakamali ka! May iba kang pagpipilian! Tell them the truth! Minamaliit mo ba pamilya mo? Protect them?" Napatawa siya ng pagak na lalong ikinasalubong ng kilay ni Homer. "You got to be kidding me, dahil nang mga pagkakataong kasama ko sila. Hindi iyon ang nakikita ko. They we're hurt. Hindi lamang ikaw ang nasasaktan Homer!" Marahas na hinawakan ni Miguel ang kwelyo nito. "Huwag kang makasarili! They waited for you! Hanggang ngayon! Para silang tangang naghihintay sa 'yo! Sa pagbabalik mo!"
Napakunot ang noo ni Homer. "B-But you and Cresty...?"
"What?" Napahalakhak si Miguel. "Damn! That's hilarious. Do you really think na kaya kong sulutin ang babaeng mahal ng kaibigan ko? Masyadong mababa ang tingin mo sa akin dude."
"But! I was there! I witnessed your marriage!"
"That was a fake marriage."
"H-Huh?"
"Bingi? Pekeng kasalanan 'yong nasaksihan mo! Baliw ka talaga! We planned everything! Para bumalik ka!"
"Planned?" Mayamaya tumingin sa paligid si Homer. He saw his friends. Agaran nagsipagtago ang mga ito. "I'm gonna bury some men today."
Napakamot sa batok si Miguel.
"Kung hindi ka ba naman pakipot. Matagal na sanang maayos ang lahat." Nagpamulsa siya. "Isa pa, iisang babae lang ang mamahalin ko, mula noon hanggang ngayon. Siya lang. Cresty was just a sister to me that I need to take care of. Lalo na mula sa tanga kong kaibigan. Talk to her. You're family needs you. Enough with the so called stereotype man. Hindi bagay sa 'yo." Pinahid ni Miguel ang labi. Napangiwi dahil sa sakit na naramdan. "Woah, namiss ko ang ganito. We always fight like this. Go, talk to them. Settle everything. Huwag mo ng silang saktan at paghintayin nang mas matagal. Tama na ang sampong taon." Tinapik niya ang balikat ni Homer at balak na sanang umalis nang pigilan siya nito.
"S-Sandali!" Bakas ang pag-aalinlangan sa mukha nito.
"Ano?"
"I-I need to tell you something."
"About what?"
"Before Tania died, she left her daughter." Seryosong nakatingin si Homer sa gulat na mukha ni Miguel. "Your daughter."
"W-what?"
"And she's waiting for you."
...
NAIIRITANG NAKATINGIN lamang si Feltesia sa maraming lalaking maya't maya ang pabalik-balik sa kaniyang sala. Isa-isang kinuha ng mga ito ang gamit ni Zoien at ipinasok sa naghihintay na truck sa labas.
She's tapping her fingers. Naiinis siya.
"We are finish, thank you for your cooperation."
Tumango na lamang si Feltesia bilang tugon bago pinagmasdan ang paglisan ng mga ito. Isinara niya ang pinto bago inilibot ang tingin sa buong bahay niya. Napakatahimik nito. Walang kabuhay-buhay parang tulad lamang noon. N'ong mag-isa siya.
Dahan-dahan siyang nagtungo sa taas para magtungo sa dating silid ni Zoien. Binuksan niya iyon at tumambad sa kaniya ang malinis na kwarto. Ngunit nakakuha sa kaniyang atensyon ang isang maliit na box sa lamesa nito. Lumapit siya roon at napansin na regalo pala iyon para kay Courtney.
Hindi nito nagawang ibigay iyon dalawang araw na ang nakakaraan dahil sa 'di inaasahang pangyayari. They never got the chance to talk to her because they don't know where she is right now. She suddenly gone. No more annoying creature. No more Zoien.
"I should be glad she's gone but why do I felt this. It was unfair." Himutok ni Feltesia saka ipinatong muli ang regalo sa ibabaw ng mesa. She decided that she'll give it to Courtney later.
"That only means you missed her."
Napatili sa gulat si Feltesia dahil sa biglang pagsasalita ni Flare sa kaniyang tabi.
"For goodness sake! Ate! Don't even do that again! Mamatay ako sa gulat!"
"Na-uh! I'm a future doctor, I can save your life. You know what I mean?" Kumindat pa ito. "Any food?"
Napaikot ng mata si Felt bago nagpahalukipkip. "None, I was actually waiting for her to come home but I was surprise that those men just went inside my house! Just to get her stuff."
Napatango si Flare sa mga panghihimutok ng kambal. "I'm hungry. Let's go downstairs and have some breakfast." Hinawakan niya ang kamay ni Feltesia at sabay silang nagtungo sa kusina.
"Do you know how to cook?"
Nagtahaw ng mga ingredients si Flare. "Of course I can! Zoien taught me. Can you toast some bread?"
"Sure." Inayos ni Felt ang tinapay sa toaster bago pinagmasdan sa pagluluto ang kapatid. She's frying some bacon and eggs. Isang pigura ang sumagi sa kaniyang isipan."She's not coming back in here, isn't she?"
Sandaling natigilan sa ginagawa si Flare. "What do I know?"
Napairap siya bilang tugon. "Come on Flare! Alam ko na may alam ka. So spill it! Not only she leave my house without even saying thanks to me she also dropped from school. Ano 'yon matapos niyang lumipat sa E.U nang halos kalahati ng taon bigla siyang aalis?"
Inilipat ni Flare ang lutong pagkain sa malinis na plato. "At sa tingin mo alam ko kung asan siya?"
"Duh?" Tumunog ang toaster. Kinuha nila ang mga tinapay bago naupo sa mesa. Nagtimpla rin ng simpleng gatas si Flare para sa kanilang dalawa.
"Promise! I don't know anything about her wherebouts."
Lalong napasimangot si Felt. "Why didn't you tell me about her, sooner?"
Kumagat sa toasted bread si Flare. "I don't have any rights to enclose her personal life to others."
"But I am your sister! Isa pa, ako ang naging baby sitter niya dito! Wala ba akong karapatan na malaman ang mga bagay na iyon?" Napahilamos sa mukha si Felt. "My gosh! I thought basta alam ko na anak siya ni Uncle Homer, iyon na 'yon! But I was wrong! So wrong! I-I never thought she...?" Hindi na niya nagawa matapos ang dapat sabihin. She remembered those times she said harsh words to Zoien. Now she fully understand.
"That's why you shouldn't just judge people. May mga bagay kang 'di alam sa kanila. Iyan ang mahirap sa tao, ang pagiging judgemental. They said first impression last. That's stupid." Nagpatuloy sa pagkain si Flare.
"I wanna see her."
Napatigil sa ere ang pagkagat ni Flare sa tinapay. "Huh?"
"You heard me, I want to correct my mistake. Hindi pa huli ang lahat para humingi ng tawad."
"W-Well, this is unexpected. My bitchy sister, want to apologize? Wow!"
Napaikot ng mata si Felt. "S-So? Marunong rin ako umako ng kasalanan okay! Tara! I think I know who's the right person to approach about Zoien's location! Magbihis ka na! I'll call the other! Tiyak akong gusto rin nilang makita si Zoien!"
"Hey! I'm still eating!" reklamo ni Flare nang kaladkarin siya ng kambal pabalik sa kwarto.
"Shut it Flare! We can eat along the way! We have to move!"
"Geez! What a headache!"
...
TAHIMIK NA NAGBABASA ng aklat si Zoien. Listen by Rene Gutteridge subalit iisa lamang ang tumanim sa kaniyang isipan.
"Life and death are in the power of the tounge." Basa niya. "That's true. Words are like double edge sword. It can kill and give life at the same time. It might be just words but people should be aware of how powerful it is," samo niya bago sumandal sa kinahihigaan.
She was alone in her quarter. Hanggang ngayon ay nasa loob siya ng LIA Headquarters, under surveillance. She was getting restless. Habang tumatagal ang araw, mas lalong alam niyang nagbabadya na naman ang kaguluhan. The WEB will not just stop. He won't stop.
She witnessed how horrible Xorak can become. Gustong-gusto nitong masaksihan ang paghihirap ng iba. He can even destroy the whole planet. Lalo na't napasakamay na ng mga ito ang CODEX. It will result to cataclysms which will change their lives forever. They need to stop the Evil Organization before that happen.
"Itruder Alert! Intruder Alert!" Napabalikwas sa kinahihigaan si Zoien matapos marinig ang alarm.
Someone infiltrate their base! Balak na sana niyang lumabas ng kaniyang silid nang maalalang bawal nga pala siyang makalabas. Mula sa maliit na binata. Napansin niya na nag-uusap ang dalawang nababantay sa labas ng kaniyang silid bago umalis ang mga ito. Nakakatiyak siyang tutulong ang mga ito sa paghahanap nang kung sinuman ang naglakas loob na pasukin ang LIA.
"Gosh, how long do I have to wait?" aniya bago bumalik sa kaniyang kama at pinagtuunan na lamang ng atensyon ang kaniyang pagbabasa. Masyado siyang tuon sa aklat at hindi napansin sa labas ng kaniyang silid ang dalawang grupo.
"Opened it! Bilis!"
"I'm on it!"
"Ang bagal!"
"Gosh! They are coming!"
"Heto na! Heto na! Ang atat lang!"
'Scanned Verified! Welcome Agent Uno of Xtherion.'
Marahas na bumukas ang pinto na muling ikinagulat ni Zoien. Nagsipag-unahan sa pagpasok ang maraming kabataan sa kaniyang silid bago marahas na isinara iyon saka napansin ang ilang mga security ng vicinity na naghahanap sa labas.
"Hoo! We made it!" tuwang-tuwang ani ni Uno.
Agad naman siyang binatukan nina Samara at Sahara na ikina-aray ng binata.
"We were almost get caught moron!" sabay pa na aniya ng mga ito.
"Yeah! Dapat ako na lang ang nagbukas para mabilis tayo!" singit ng naiinis na si Friore.
"But aminin! We we're like on an action movie!" sayang-sayang turan ni Rossette. Inalala ang mga nangyari habang papasok sila sa vicinity ng LIA. Maraming security ang humabol sa kanila pero nagawa pa rin nilang matakasan ang mga ito.
"Ang astig makipaghabulan sa mga agent!"
"What the! At talagang natuwa ka pa Sean!" Kinurot ni Lia ang tagiliran ng Fiance.
"Oh my gosh, I almost thought I'm gonna faint." Nakahawak sa dibdib si Alisa habang pinapakalma ang sarili.
"You should exercise more Alisa," puna ni Xenon.
"Dapat pinasuntok niyo man lamang ako kahit isa sa kanila!" reklamo ni Riyo.
"Tama! Ako din dapat!" segunda ni Teron.
Napailing na binatukan ni Aki ang dalawa. "Magsitigil nga kayo. We are not here to cause more trouble. Baka!"
Napailing na lamang sa isang tabi sina Devine at Deux. They can't imagine na nagawa nilang pasukin ang LIA at higit sa lahat ang magdala ng mga unwanted visitor. Nakakatiyak silang hindi lamang sermon mula kay Agent X ang kakaninin nila pagkatapos.
"I wanna stay in here! Ang cool ng place!"
Napaikot ng mga mata si Felt. "Then stay, walang pipigil sa 'yo Hakob."
Napahalukipkip si Flare. "Sila na ang may ang jowa."
"Asan nga pala sina Courtney at Arthur?" takang tanong ni Margerrette habang may bitbit siyang maliit na picnic basket.
"Oo nga noh! Wala rin si Marco at Altear!" Inilibot ni Ligthious ang tingin sa kasamahan.
Napasampal sa noo si Samara. "They probably, lost by now. Al got a bad sense of direction.
"Yup, 100 percent sure, they are already caught by the security," konklusyon ni Friore.
Nagsimulang mabangayan ang dalawang grupo. Samantalang, manghang nakamasid sa kanila si Zoien. Tila ba invisble siya.
"ATE ZOIEN!" Agaw atensyon ni Trina bago nagtungo sa kama at dinambahan ng yakap ang dalaga. "Na-miss po kita!"
D'on lamang natigilan sa grupo ng Royalties at Xtherion. They looked at the girl who's smiling at them. They miss her badly! Hindi na nagpatumpik-tumpik pa na dinambahan nila ito ng yakap. Mabilis naman na umalis si Trina bago pa siya madag-anan ng mga ito.
Nagulantang si Zoien dahil sa pagkabigla huli na para makaiwas. They already are on top of her. Crushing her to death. Nanatili naman na nakatayo ang Xtherion habang nagpameyawang si Flare at inayos ni Aki ang kaniyang salamin. Napailing na lamang si Xenon.
"G-Guys! Let m...m-e breath, please!" nahihirapang aniya ni Zoien.
"Oops! Our bad!" Isa-isang umalis ang Royalties sa pagkakayakap sa dalaga na ikinahinga nito ng maluwag. "Geez, I almost thought I'm done for."
"Well, we just miss you kasi!" Sa pagkakataong ito si Flare naman ang lumapit kay Zoien upang yumakap.
Ngumiti si Zoien. "Mga pasaway kayo. Hindi dapat kayo nagpunta dito."
Napataas ng kilay si Lia. "Wait! Anong masama kung narito kami?"
"Right! We are visiting someone who's precious to all of us." - Sean
"I agree and also, you forgot to give back my book," tukoy ni Aki sa binabasang aklat ni Zoien.
"We also can do impossible things for a friend. Kahit ano," malumanay na pagkakasabi ni Xenon
"No one can take you away from us Ate Zoien!"
"Yeah, he said it right. Kahit saan ka pa nila itago! Mahahanap ka namin!" - Riyo
"And I think you owe us some explanation," seryosong saad ni Felt.
Napangiwi na lamang si Zoien bago napakamot sa kanan pisngi. "A-Ah, thank you for coming here for my sake. I appreciate it, so much."
Sumandal sa may pader si Sahara subalit nakamasid lamang sa mukha ni Zoien. "So? You're a Mondragon? Courtney's step-sister?"
Nanatiling tahimik ang Xtherion. They already know Zoien's personal information. Dumagdag lamang roon ang pagiging clone pala nito. Kaya, mas pinili na lamang nila ang makinig sa isang tabi habang nakasubaybay sa labas.
"Not exactly. Homer adopted me that's how I became her daughter and a part of the Mondragon. He saved me."
Ramdam nila ang kakaibang hatid ng bawat salitang sinabi ng dalaga.
"Zoien, don't force yourself to tells us everything okay?" paalala ni Alisa.
"It's okay Alisa, I'll be fine. My painful past would never affect me this time. I accepted it already."
"That's our girl! Kaya idol kita eh!" pamapalakas-loob ni Rossette. "Don't think about those painful memories and always remember the good ones."
"Woah, kapag narito lamang si Art, he would be suprise."
"Tangek ka talaga, Jacob! Felt pakisuntok nga 'yang lalake mo!"
"Makalalake ka naman Rossette! Lika nga dito Jacob! Pampanira ka ng serious atmosphere! Behave ka lang d'yan!" Binalingan ni Felt si Zoien. "Tell us, we will listen."
Naupo si Lia sa tabi ng kabigan. "It's time. You have to, let out, everything that is inside you. Whatever that is, we'll accept. That's what friends do."
Napabuga ng hangin si Zoien. "Alright, let's start."
...
KASALUKUYAN NAG-AAYOS ng gamit si Cresty dahil na rin sa sasamahan niya ang Donya Almirah. Kailangan kasi nito ng kasama lalo na sa kalagayan nito ngayon.
Wala rin sa bahay ang anak niyang si Courtney, umalis ang dalaga kasama ang mga kaibigan nito may mahala daw silang pupuntahan. Idagdag pa si Miguel na bigla na lamang nawala.
"He was suppose to fetch me," iiling niyang pahayag bago isinara ang gate ng kanilang bahay.
Ngunit gan'on na lamang ang kaniyang pagkagulat nang may kung sinong yumakap sa kaniya mula sa likuran. Nanlaki ang mata ni Cresty. Nagpumiglas siya pero mas hinigpitan nito ang pagkakayakap sa kaniyang bewang at mas binaon ang mukha nito sa kaniyang batok.
"I miss you damn much."
Natigilan siya matapos marinig ang pamilyar nitong boses. Nanghihinang hinayaan niya itong yakapin siya mula sa likuran.
"H-Homer?"
"The one and only. Why? Do you miss Migs?"
Lihim na napangiti si Cresty. Bakas kasi ang selos sa boses ni Homer. "Iisang lalaki lang ang sobrang namiss ko." Tinapik niya ang braso ni Homer.
Pinakawalan siya nito. Hinarap niya ang lalake. "My gosh, what happened to your face?" Kaniyang hinaplos ang mukha ni Homer. Pumikit ito upang damhin ang kaniyang haplos.
"I miss you. Your face, voice, touch. Everything about you." Marahang hinawakan ni Homer ang kamay ni Cresty. "Pinagsisihan ko na umalis ako. I'm really--"
Tinakpan niya ang bibig nito. "Enough, sawa na akong makarinig ng sorry. We made mistake but I hope you learned from it. I believe you, mula noon at ngayon. Masaya ako dahil bumalik ka."
"God!" Muling niyakap ni Homer ang babaeng kaniyang mahal. Hinagkan ang ulo nito. "I won't ever leave again. After I settle everything, let's go to a long vacation with our daughters."
"Right, I'll wait."
Ninamnam nila ang sandaling iyon. After 10 years, they still love each other.
Sa kasamaang palad may katapusan din ang lahat. Tumunog ang phone ni Homer. He groaned. Napatawa si Cresty.
Binuksan niya ang phone at tumambad ang numero ni Agent Vain. "It's Troy. I have to go."
"Yeah, I'll be in your Mother's house kasama si Isabel."
"Right." Napakamot sa batok si Homer.
"Hindi ka pa ba aalis?"
"A-Ah. Aalis na." Tumalikod na siya pero agad rin humarap kay Cresty. Hinapit niya ang bewang nito upang ilapit sa kaniya. "I miss you." Punong-puno ng pagmamahal at pangungulilang ani ni Homer bago siilin ng halik ang babaeng mahal. Tinugon nito ang halik na kaniyang ipinagdiwang.
Pagkatapos pagsaluhan ang isang matamis na halik. Nakangiting pinagdait niya ang noo nilang dalawa. "Let's talk after I finish my work. I'm going to miss you." He pecked her lips for the last time. "Take care. Bibisita ako mamaya sa bahay. I'm just going to do some work."
"Yeah. Of couse. Ingat." Hindi naitago ni Cresty ang pamumula ng dalawang pisngi.
Parang tangang sumakay sa kotse si Homer. Hindi maalis ang ngiti sa labi. Pinagmasdan niya sa huling pagkakataon si Cresty bago siya nagpasibad patungong LIA.
Tinawagan niya si Troy. "Why is it?" Bumalik sa pagkaseryoso ang boses niya.
"Well, we have some troubles here. Bumalik ka na rito. Isa pa, lahat ng pinapatawag mo para sa pagpupulong ay narito na. They are all waiting for you."
"I'll be there." Namatay na ang tawag.
'Anong klaseng gulo kaya ang tinutukoy ni Troy?'
-Itutuloy-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top