[7] NEW MISSION
"Once we believe in ourselves, we can risk curiosity, wonder, spontaneous delight, or any experience that reveals the human spirit.”
—E. E. Cummings
<<WARNING: Mature Content>>
...
"P-Pakiusap huwag n'yo po akong papatayin.Hindi po ako magsusumbong," pilit na pagmamakaawa ng isang dalaga.
Nasa madilim silang lugar malayo sa tao. Tanging siya lamang at ang attacker niya ang naroroon. Sira-sira ang kaniyang kasuotan. May pasa at sugat sa katawan at kapansin-pansin sa lahat ang dugo sa pagitan ng kaniyang hita.
He raped her! This crazy bastard abused her sexually and now, he wanted to kill her.
Ngumisi ang lalaki. Matapos makuha ang nais mula sa dalaga ay talagang nakakatuwang pagmasdan ang takot nitong eskpresyon sa mukha. Maiikumpara sa isang inosenteng kuneho na takot na takot sa isang leon.
"Huwag kang mag-alala, miss. Mabilis lang ito. Hindi mo mararamdaman." Nanghitatakutan ang dalaga nang inilabas ng lalake ang isang matalas na patalim.
"H-Hindi. Huwag mo akong lalapitan!" Dahil sa sobrang takot ay nagtatakbo siya palayo subalit isang malaking kamay ang humawak sa kaniyang batok at isang swabeng galaw nang paggilit gamit ang patalim sa leeg ang ikinabagsak ng kawawang dalaga.
Nanginig ang buong katawan habang hawak ang sugatang leeg. Napaubo ng dugo ang kaawa-awang dalaga. Dumanak ang maraming dugo hanggang sa tumigil ito sa pagkilos. Wala ng buhay. Nakamulat pa ang mga mata.
"Eh? Sayang naman. Ako dapat ang papatay sa kaniya."
"Nakuha mo na ang gusto mo. Ako ang papatay sa kanila, Rapist."
Ngumisi ang binata. "Naiintindihan ko, Midnight. Alis na tayo. Nagugutom na ako."
Naunang umalis si Rapist sa maliit at madilim na eskinita samantalang binigyan nang huling tingin ni Midnight ang kaawa-awang nilalang. Ngumisi siya.
"Killing makes our lives colorful—like bloody hell of a mess.
...
Isang linggo na ang nakalipas magmula nang dumating si Zoien sa bansang Pilipinas. Buong akala ng dalaga maiiba sa nakagawian ang magaganap sa pagdating niya sa bagong lugar subalit isa iyong kahibangan dahil kahit saan siya magpunta nakasunod pa rin ang bangungot ng nakaraan.
Ang nakaraang nais niyang kalimutan. Napabuntong hininga ang dalaga. Memories are important but it is also like daggers. Stabbing hearts and mind to suffer.
Kasalukuyang nasa sariling silid si Zoien. Nakahiga sa kaniyang kama. Nakabukas ang multi- holographic monitor. Makikita ang iba't ibang larawan na nakalap ni Zoien mula pa sa iba't ibang parte ng mundo.
Lahat nang nahawakang kaso ni Zoein. Lahat konektado sa matagal na niyang hinahabol na sindikatong sumira sa kaniyang normal na buhay.
"Web Organization. Pinapangako ko. Hahanapin ko kayo. Pagbabayarin ninyong lahat ang ginawa ninyo. Isinusumpa ko," madiin niyang saad at ikinuyom ang kanang kamay sa isa sa mga holographic monitor kung saan nakalabas ang malasapot na tattoo ng gagamba. Ang insignia ng buong sindikato.
Nagpakawala ng buntong hininga si Zoien.
Nasa gan'on siyang puwesto nang biglang bumukas ang kaniyang pinto. Mabilis na naglaho ang holograhic monitor at naupo si Zoien. Nagulat siya nang makita si Feltesia. Nasa labas ito ng pintuan. Halatang naiilang.
Sa nagdaang linggo madalas siyang iniiwasan nito. Minsan si Zoien na mismo ang nagbubukas ng topic pero sadyang ayaw siyang kausapin ni Felt.
"Felt? May kailangan ka ba?" Nakangiting bungad ni Zoien.
Nagpakawala ng buntong hininga si Felt. "Wala akong kailangan sa'yo," seryosong pahayag ni Felt na ikinalungkot ni Zoien. "Pero gusto kang makita ng mga kaibigan ko kaya huwag ka nang mag-inarte at bumababa ka na! But this doesn't mean na papansinin na kita." Sabay sarado nito ng pinto.
Sumilay ang ngiti sa labi ni Zoien. "At least kinausap mo ako." Natutuwa niyang turan sa sarili bago nag-ayos. Sumunod siya sa pinsan patungong sala. Napatigil ang dalaga sa may hagdan. Tuon ang atensyon sa grupo ng Royalties. Nakapokus ang mga ito sa panonood ng isang balita.
"Sa wakas ay nabigyan hustisya ang lahat ng libo-libong nabiktima ng Serial Crime Partner na sina Alfred at Frederick. Natagpuan na rin ng mga pulisya ang pinagtataguan ng ilan pang mga abducted victims sa isang pier malapit sa South Border ng Metron City—" Agad pinatay ni Felt ang balita.
"Iyong mga nakita natin. Hindi iyon panaginip. Diba?" Unang tanong ni Marco.
Pansamantalang tumigil sa ikaapat na baitang si Zoien. Nais malaman kung ano ang opinyon nila sa mga naranasan.
"Of course not. 'Di sana multi-dream iyon na magkakasama tayo sa iisang panaginip," biro ni Rossette. "But kidding aside, what happened that night was real." Kumpirmado ng babae na ikinasang-ayon ng mag kakaibigan.
"I never thought we're going to experience that. Those men were serial killers and yet napakalapit lamang nila. How could they do such despicable things?" Napasabunot sa buhok si Arthur.
"Those kind of people really exist. Horrible." Napayakap sa sarili si Margarette. Kinikilabutan sa tuwing nasasagi sa isipan ang nangyari ng gabing iyon.
"Come on guys! Cheer up. Tama na ang pag- iisip sa mga naganap na. Wala na 'yon. Tapos na. Huwag ninyo nang pakaisipin pa. Ma-stress lang tayong lahat kung ipagpapatuloy n'yo iyan. So stop na. Okay?"
Tumango ang lahat sa sinabi ni Xenon.
Doon lamang nagpakawala ng buntong hininga si Zoien. It will take them lots of time before they could accept. Naisaayos na ang lahat ng tungkol sa kaso. Ang mga ebidensya ay nasa kamay na ng nakakataas na konseho.
Pinasara at kahit na kailan hindi na maari pang makabangon muli ang Labo'rty restaurant. Natunton na rin at sinira ang kuta nina Frederick at Alfred. Mabuti dahil nailigtas nila ang marami pang buhay. Nakamit na nila ang hustisyang matagal na inaasam ng lahat ng naulila.
'All is well. They won't be hurting anyone anymore.'
Habang busy pa ang mga Royalties sa pag uusap ay pumuslit si Zoein patungo sa kusina. Gagawa siya ng pagkain na makakapagpakalma sa magkakaibigan. Higit sa lahat ang makakapagpawala ng stress na kanilang nararamdaman. It's time for lunch anyway. Tiyak na mananatili ang grupo sa bahay ni Felt. Kaya naman gagawin niya ang kaniyang best para ipagluto sila nang mas masarap na pagkain.
Nagpalinga-linga sa paligid si Marco.
"Oy Maldz. Akala ko ba tinawag mo na si Wifey? Bakit wala pa siya hanggang ngayon?" takang tanong ng binata.
Nasanay na sila na Wifey ang tawag ni Marco kay Zoien.
Tiningnan ni Feltesia ang kaniyang relo. "Geez! Isang oras na mahigit simula nang pinuntahan ko siya. What's taking her so long." Bumusangot siya.
"Pfft! You really don't like her, huh?" Usisa ni Sahara.
"If you just know." Umirap si Felt.
"But she's kind. Magaling magluto at palaging nakangiti. Kung ayaw mo sa kaniya, Ate. Puwedeng sa akin na lang siya?" Ngising pahayag ni Theron.
Mabilis naman itong binatukan ni Marco. "First come first serve baby boy. Ako ang nakauna."
"Magtigil kayong dalawa. Ginawa ninyo naman bagay si Zoien para pag-agawan." Pigil ni Arthur.
"Crush ko kasi siya. Huwag mo na akong agawan." Nakangusong pahayag ni Marco.
"Eh? Crush ko din si Ate Zoien, eh." Tutol ni Theron.
"Bahala kayo basta gusto ko ulit matikman gawa niyang foods." Malawak ang ngiting nag iimagine si Riyo nang masasarap na pagkain saka siya napasinghot nang may naamoy siyang mabango.
"Naamoy n'yo ba 'yon?" Agaw atensyon ni Riyo sa mga kaibigan.
Natahimik ang lahat. Inamoy ang paligid.
"It smell sweet," puna ni Margarrette bago tiningnan si Felt. "May nagluluto ba?" Usisa niyang dagdag.
Napaikot ng mata si Feltesia bago tumayo. Isang tao lang naman ang mahilig magluto sa bahay na ito.
"Sama na kami!" Buluntaryo ng magka-kaibigan at sabay sabay silang nagtungo sa kusina. Dahan-dahan pa sila sa paglalakad saka sumilip sa pintuan.
At namangha dahil iba't ibang putahe ang nakahain sa mesa. Halo-halong dish iyon. May sa japanese, korean, pilipino at american cuisine. Laking pasasalamat nila dahil walang meat. Hanggang ngayon kasi na-trauma sila sa nangyari sa labo'rty.
"It seems like kanina pa siya nagluluto," puna ni Courtney dahil sa dami ng mga pagkain sa mesa.
"Ang bango. Those foods will take four hours to make but she made them for almost two hours. Amazing!" manghang pahayag ni Alisa.
"Nakakatakam 'yong foods. Mas lalo akong nagugutom!" Nalalaway na pahayag ni Riyo.
"Your lucky indeed Felt. Lucky you have a very excellent cook like her. Nakakainggit," usal ni Akihiro.
"Can't agree more. Pwede dito na lang ako tumira, Maldz. Handa akong maging instant driver mo," singit ni Marco. Nakatanggap lang siya nang irap mula kay Felt.
"Asa ka! Baka ipahamak mo pa ako! So, no!" Pagtataray nito.
Pinagmasdan nila ang bawat galaw ni Zoien. Polido ang bawat galaw nito. Bawat paghawak sa tools. At paghihiwa. Ang seryoso sa pagluluto. Tunay ngang masasabing isa itong professional chief.
Nagpakawala ng buntong hininga si Zoien at saka ngumiti. Sa wakas ay natapos na rin niyang lutuin ang panghimagas. Lampas isang oras na rin siyang nagluluto. Walang kaalam-alam na may mga matang nakamasid sa kaniya.
"Nakakainlove iyong ngiti niya," bulalas ni Theron.
"Oy! Oy! Bata ka pa! Huwag ka munang lumandi," suway ni Xenon. Ngumuso naman ang bata na ikinangiti nila.
Nilagay ni Zoein sa loob ng ref ang ginawa niyang dessert.
"Oh my! Are you sure maid lamang si Zoien? Masyado siyang maganda para maging maid lang. Look oh! Fresh na fresh ang babaita. Wala man lamang pawis. Aba kung ganyan din ako kapag magluluto ay makapag aral na rin," agaw pansin ni Rossette.
"Aside from our Margarrette here. She's the second one who can smile while cooking like she's enjoying every bit of it. Kaya pala pati love and care niya ramdam sa tuwing kakainin natin ang bawat foods na gawa niya," aniya Sahara.
Zoien always cook for them for almost a week pero dala na ito ni Felt sa dome ng royalties.
Pinagmasdan nila ang pag aayos ng gamit ni Zoien at ang pag-alis ng apron nito. Ang nakakamangha pa. Inalis nito ang pagkamessy bun ng buhok at para silang nanonood ng real life shampoo commercial. Dahil walang sabit ang buhok nito. Pantay na pantay, sabayan mo pa nang may mala-toothpaste commercial na ngiti.
"Tinaaman rin ata ako." Nakangangang pahayag ni Riyo.
Sa sinabi nito ay natumba ang magkakaibigan na ikinalingon ni Zoien. Napangiwi pa ang dalaga sa nakita. 'What are they doing on the ground?'
"What! Sabi ko akin siya eh!" Parang batang pagmamaktol ni Marco.
"Ha? Inaangkin mo na agad! Huwag naman gan'on! Uso magshare!" ungos ni Riyo.
Nagtatalo sila nang marinig nila ang pag ubo ng isang pigura.
Isa-isang tumunghay ang magkakaibigan. Ngumiti sa kanila si Zoien. Isang ngiting puro. Walang pagpapanggap. Walang hindden meaning.
"Kung hindi ninyo sana mamasamain. Maari na ba kayong tumayo para kumain?"
Nagsitayuan ang magkakaibigan. Hindi na kailangan pang magpapilit dahil agad silang nagsipag-upuan. Nakatitig sa bawat pagkain. Colorful. Lively. Delicious. Tingin pa lamang ay nakakatakam na.
Naupo na rin si Zoien sa tabi nina Felt at Courtney.
"Ano pang hinihintay niyo? Kain na," alok ni Zoien.
At parang magic word iyon. Nagsipagsandok ng sariling pagkain. Saka tinikman ang mga nakahaing masasarap na pagkain.
"Hmn! It's delicious!" Impit na tila kinikilig na sambit ni Rosaette.
Gan'on rin ang reaksyon ng iba. Tila nasa alapaap. Nawala ang pagod nila maging ang problema.
"Thanks. Masaya ako at nagustuhan ninyo." Nakangiting pahayag ni Zoien saka kumain na rin siya.
Napapangiti si Zoien. This was the very first time na kumain siya na may maraming kasama dahil kalimitan mag-isa siyang kumakain. She felt alone pero nang makasama niya ang magkakaibigan tila naging mas masaya siya.
'Sana... Sana tumagal pa ang ganitong kasarap na pangyayari sa kaniyang buhay. Iyon lamang ang hinihiling niya.'
Or, so she thought.
Tumunog ang kaniyang phone na ikinatigil ng lahat.
Napakurap naman si Zoien. Nabalik sa huwesyo — sa kaniyang reyalidad.
"Ah, excuse me. Ituloy ninyo lang ang pagkain." Tumayo na si Zoien upang lumabas ng dining area.
Nagkatinginan ang magkakaibigan saka bumaling kay Felt na kumakain ng paborito nitong lasagna.
"Do you perhpas know who's calling her? It seems serious," usisa ni Courtney.
"Nope. I don't know," agaran sagot ni Felt.
"Eh? Bakit naman?" takang tanong ni Riyo.
Nagpakawala ng buntong hininga si Felt.
"Not everything about her needs to be my concerns. She's my maid. Iyon lang iyon. Baka nakakalimutan n'yo kung ano siya?" giit ni Felt.
Tama, handa siyang maging kontrabida basta huwag lang masaktan ang kaniyang mga kaibigan. Zoien musn't hurt her friends, dahil alam niya kung gaano napapalapit ang mga ito. Maging siya man. Gan'on rin ang nararamdaman pero ang kaibahan lamang ay alam niya ang katotohanang itinatago ni Zoein kaya't hanggat maari, ilalayo niya ang mga kaibigan mula dito.
"Felt, that's wrong. We treat her as a person kahit maid mo lang siya," tutol ni Courtney.
"Wala kasi kayong alam kaya nasasabi n'yo iyan."
Nakuha nito ang atensyon ni Xenon."Bakit ano bang hindi namin alam tungkol kay Zoien?"
"Sasaktan niya lang kayo. Kaya huwag kayong masyadong panatag sa kaniya," babala ni Felt.
"Sasaktan? She never once hurt us. I can feel she's a kind and loving person," depensa ni Margarette kay Zoien.
Mapait na ngumiti si Felt. "You'll find sooner or later."
...
Nakasandal sa may pader si Zoien. Narinig niya ang lahat ng sinabi ni Feltesia. Masakit pero tama ang ginagawa nito dahil tunay na nagpapanggap lamang siya. Hindi niya magawang ipakita sa lahat kung sino talaga siya. Nagpakawala ang dalaga ng buntong hininga bago lumabas at sinagot ang tawag ni Agent X.
Isa ito sa pinakamagaling na informant sa Agency. The council sent him as her informant in her every mission.
"Akala ko hindi mo na sasagutin, Phoenix." Maskuladong bungad ng kausap. Russian Language ang kanilang palitan ng salita.
"Pasensya na. Alam mo kung gaano kahirap magtago ng sekreto."
"I see. Galingan mo ang pagtatago. We can't let anyone knows about our secret."
Napabuntong hininga si Zoien. "Ako ng bahala. Anything for me X?"
Ngumisi si X. "May bago kang misyon. I'll give you personally the information. Magkita tayo sa park."
"Yeah. I'll be there."
"Hihintayin kita Phoenix."
Namatay na ang tawag. This is her reality. Hindi ito ang tamang oras para maging malambot. Ikapapahamak niya ang pagkakaroon ng gan'ong emosyon. Kailangan niyang protektahan ang mga taong nasa kaniyang paligid mula sa kaniyang mundo. Sa napakadilim niyang reyalidad.
Nagpakawala ng buntong hininga si Zoien saka nagtungo sa dining area.
"Pasensya na natagalan ako. My Uncle called me. Gusto niya daw akong makita," ngiting pahayag ni Zoien at ipinagpatuloy ang pagkain.
...
Matapos makakain ay dapat si Zoein na sana ang maghuhugas ng pinagkainan. Ang problema ay nagbuluntaryo ang magkakaibigan na sila na daw ang bahala. Nag-aalinlangan ang dalaga.
"Sigurado ba kayong marunong kayong maghugas?" usisa niya.
Nagkatinginan ang magkakaibigan.
"What do you take us for? We maybe a billionaire's son's and daughter's but rest assure we can manage these simple things." pagmamalaki ni Rossette.
Ngumiwi si Zoien. 'Dapat ko ba silang paniwalaan?' Nagdadalawang isip na tanong niya sa isipan. But seeing how desperate they look at her. Wala siyang nagawa kundi ang pagbigyan ang kahilingan ng mga ito.
"A-Ah sige. Kung iyon ang gusto n'yo. Akyat na muna ako sa taas." Tiningnan ni Zoien sa huling pagkakataon ang magkakaibigan. Hindi nagpapatalo kaya sa huli ay siya na ang sumuko.
Ang mga lalake ang naglinis ng mesa habang ang mga babae ang bahala sa paghuhugas ng mga pinagkainan. Nagkibit-balikat si Zoien. Naisipan na hayaan na lamang ang mga ito kahit pa may kaunting pag-aalala sa kaniyang kalooban. Kailangan niya rin umalis. Makikipagkita siya kay X. Umakyat na ang dalaga sa taas. Hindi na nilingon ang namomoblemang mga Royalties.
"I tell you beforehand that I love my stuff so please don't break anything," paalala ni Felt.
"Gosh, calm your horse. Ano bang mahirap sa paghuhugas ng mga pinagkainan?" Kibit-balikat na pahayag ni Sahara.
Nagsuot sila ng extra apron para simulan na ang paglilinis.
Ang totoo wala silang kaalam alam maging si Margarrette ay may tagahugas tuwing pagkatapos niyang magluto. So in short, they don't have any idea how to wash dishes. Pagdating naman kay Felt ay may hired siyang tagalinis but she already has Zoien kaya hindi na rin ito nagtutungo sa kaniyang bahay but, yes, Feltesia doesn't have any idea about house hold choires.
"Simulan na natin," panimula ni Alisa.
"Labas na kami girls. Sabihin ninyo na lang kung may kailangan pa kayo," paalam ng mga boys bago lumabas at naupo sa sala. Dahil na rin siguro sa kabusugan ay hindi napigilan ng mga ito na makatulog nang mahimbing sa sala.
Nagpakawala ng buntong hininga si Felt. Her friends insist na sila na daw ang bahala sa paglilinis dahil ipinagluto sila ni Zoien. At least kahit papano maipakita nila ang kanilang gratitude sa ganitong paraan. 'Idiots! They don't know how to clean.'
Nasa loob ng silid si Zoien nag aayos ng sarili. Kailangan niya nang maligo. Inihanda muna ng dalaga ang kaniyang damit at ilang gamit na kailangan sa kaniyang pakikipagkita kay X bago siya nagtungo sa banyo. Hinubad niya ang suot na pang itaas. At akmang tatanggalin na niya ang suot na bra nang makarinig siya ng mga tili mula sa baba.
Sa sobrang gulat at kaba sa maaring nangyayari ay mabilis na bumaba si Zoien. Napansin pa niya na tulog na tulog ang mga lalaking royalties sa sala na hindi man lamang narinig ang matinis na sigaw ng mga kaibigan. Ni hindi na niya napansin na wala siyang pang itaas kundi bra lang.
Sa kusina nanggaling ang mga tilian. Mabilis na tumakbo siya sa kinalalagyan ng magkakaibigan. Humihingal na tumigil siya sa may pintuan at halos manlaki ang mata ng dalaga sa nadatnan. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maawa sa sinapit ng mga ito.
"Ugh! Make it stop!"
"Just push the off button!"
"Where's the freaking button! Fudge! It's keep on flowing!"
"W-Wait! I think this one!"
Mas lalong lumakas ang tilian ng mga babae dahil mas dumagsa ang inilalabas na tubig mula sa dishwashing machine.
Napangiwi si Zoien. 'Just like what I have in mind. Wala silang alam sa paglilinis.' Ngayon ay pinagsisisihan niya na hinayaan ang magkakaibigan sa kusina. The kitchen is hell of mess.
Umaapaw ang tubig sa lababo. Maging ang malinis na kusina ay hindi na makilanlan pa. Napailing si Zoien. Next time, hindi na niya hahayaan ang mga ito sa ganitong klase ng gawain. Kawawa ang mga materyales.
Lumapit siya sa magkakaibigan. Naawa siya sa itsura ng mga ito. Dinaig pa ang basang sisiw.
"Let me take care of that." Presenta ni Zoien na ikinalingon nila.
Halata ang gulat sa kanilang mukha dahil hindi nila inaasahan na nandito ito at syempre nahihiya din sila. Sila pa mismo ang nagpresenta pero mukhang lumala pa ang lahat. Pinindot ni Zoein ang red button. Sa wakas ay tumigil din sa paglabas nang maraming tubig ang dishwasher.
Mabilis na nagpakawala nang maluwag na buntong-hininga ang anim.
"Gosh! Ano ba yan? Basa na tayo," reklamo ni Rossette habang inaayos ang basang buhok.
"I never thought na may mas kukumplikado pa pala sa computer." Nakaramdam ng lamig si Courtney. Nakangiwing pinasadahan niya ng tingin ang dishwashing machine.
"Next time pag-aralan muna natin ang paggamit bago i-try. It might look easy to manipulate but the real thing is, its so hard," payo ni Alisa. Sumandal siya sa may U-shape counter.
"Kung hindi ba naman kayo bibida-bida," reklamo ni Feltesia habang nakahalukipkip. She can't look at her kitchen.
"We just want to help. Mahirap pala. Now I feel bad sa mga maid sa mansion." Napabuga ng hangin si Margarette. Piniga niya rin ang laylayan ng damit. Basang-basa siya.
"Fine! I yield! We aren't suited with this kind of thing. Yuck! My hair smells gross!" angil ni Sahara pagkatapos amuyin ang kaniyang buhok.
Gan'on rin ang ginawa ng iba pa. Inamoy nila ang mga buhok. Napangiwi dahil tunay ang sinabi ni Sahara.
"Pfft!" Agaw atensyon nang natatawang si Zoien na ikinataas ng kanilang mga kilay.
Masamang tingin ang kanilang pinukol sa dalaga na kaagad nitong ikinatahimik.
"Oops! Sorry! It's just that ang cute n'yo lang kasi. Para kayong mga bata. It's okay minsan na iadmit na hindi kayo marunong I'm willing to teach you if you want but first. Tingnan n'yo? Basa na nga kayo nagkalat pa kayo?"
D'on lamang narealise nila kung gaano karumi ang buong kusina.
"Sorry Felt," paumanhin nila sa kaibigan.
"Nah. It's done. Wala naman magagawa ang galit ko diba?" Napabuga ng hangin si Felt.
"Well it's all settle then. Ako ng bahalang maglinis. Akyat na kayo sa taas para magpalit. We don't want you to get sick right?" Agaw atensyon ni Zoien d'on lamang nila napansin ang itsura nito.
Kunot-noong tiningnan nila ito. Nagtataka kung bakit topless ang dalaga.
Bahagyang basa rin pero hindi nila katulad na parang naligo na. Mula sa maamo nitong mukha bumaba ang kanilang tingin sa katawan nito. May average size breast. Malaporselana ang kutis. Sabay-sabay pang napalunok matapos makita ang tone abs nito.
Zoien always do workouts. Hindi niya maaring pabayaan ang lagay ng kaniyang katawan. Dahil ang puhunan sa kaniyang trabaho ang coordination ng kaniyang systema.
Muling napamaang ang anim. 'Ang hot!'
Agad nagpaypay si Rossette gamit ang kaniyang kamay.
"Umn. Don't you feel kinda hot? Naka-on ba iyong aircon?" Wala sa sariling tanong niya habang hindi inaalis ang tingin sa tiyan ni Zoien.
"Duh? It's on but tama parang mainit nga," sang-ayon ni Sahara na nakatulala rin tulad ni Rossette.
How come ang hot sa paningin ng maid na ito. Inaamin nilang malakas ang appeal ni Zoien na kahit ata babae ay kaya nitong makuha ang atensyon. Napalunok silang muli nang makita ang isang patak ng tubig ang dumaloy pababa sa tiyan nito.
Napakunot ng noo si Zoien. Nagtataka sa biglaang pananahimik ng magkakaibigan.
"Umn? Hello? Ayos lang ba kayo?" usisa niya.
"Yep we're good. Huwag kang istorbo," kagat-labing pahayag ni Feltesia.
Mas lalong napakunot ng noo si Zoien.
"O-Ow? K-Kung gan'on. Maglilinis na ako," nakangiwing sagot ng dalaga. Nagtataka sa kakaibang inaasta ng magkakaibigan.
Akmang tatalikod na siya nang pigilan siya ng mga ito.
"WAIT!" sabay sabay nilang pigil kay Zoien.
"Humarap ka nga dito. Gusto pa naming makita yung pande—hmn!" Mabilis na tinakpan ni Courtney ang balasubas na bibig ng kaniyang kaibigan na si Rossette.
"Don't mind her," dagdag pa niya. Siya ang nahihiya sa pinaggagawa ng kaniyang mga kaibigan.
Napahawak sa tigkabilang pisngi sina Alisa at Margarette. Dahil namumula ang kanilang pisngi sa kahihiyan. Pinagnanasaan nila ang abs ni Zoien! Nakakahiya!
Napaubo si Sahara. "Are you sure you can manage cleaning this mess?" Paninigurado niya. Inaamin nila na sobrang nadumihan ang dating malinis na kusina. Cleaning this mess will take half a day. But knowing Zoien capability and skill there is no doubt she can do extraordinary things.
"Oo naman! Ako ng bahala. Magpalit na kayo."
Balak na sana ni Zoien na magtungo sa storage room upang kunin ang cleaning materials nang pigilan siya ni Felt. Agad siyang lumingon. May pagtataka sa kaniyang mukha.
"Wait! Bago ka maglinis p...p-uwede magdamit ka nga! Huwag mong ibalandra ang p...p-angit mong katawan! Nakakahiya ka!" Namumulang pahayag ni Felt.
Having Zoien walking around almost naked isn't a good idea. Maraming mahuhumaling dito.
'Geez, ang dense talaga kahit kelan.' Nakasimagot na pahayag ni Felt sa sarili.
Sa sinabi nito doon lamang napagtanto ni Zoien na wala nga siyang pang itaas.
Napapailing na lamang ang anim sa naging reaksyon ni Zoien.
"Ow, I'm sorry I forgot to put on some clothes. Sige kukuha lang ako ng damit." Nahihiyang pahayag ni Zoien. Saka naglakad palabas ng kusina at patungo sa kaniyang kwarto para kumuha ng damit.
Panay naman ang habol tingin nila sa palayong si Zoien.
"Wow. Ang hot niya ah." Unang puna ni Rossette.
How did she get that yummy body? Must be lots of workouts.
Napasapo sa noo si Sahara. "Seriously Felt, may maid ba na mala-model ang dating tulad niya? She's not suited to be a maid! Unfair!" Napahalukipkip si Sahara.
May kakaiba talaga siyang nararamdaman kay Zoien. Definitely, something is wrong with her. She's too perfect and according to her study. There's no such thing as perfection. '
Zoien must be hiding something,' aniya sa sarili.
Nagpakawala ng buntong hininga si Courtney. "Gosh! I am ashame of myself! I can't believe I almost drool," aniya sa isipan.
"She is a living proof Sahara," untag ni Alisa.
Napatango na lamang si Margarette. Sang-ayon sa sinabi ni Alisa. Tunay ngang kakaiba si Zoien.
Napaikot ng mata si Felt. "Cut it out already. Sa room na tayo para makapagpalit. Hayaan n'yo na si Zoien maglinis baka kasi kapag nagpresenta pa tayong tumulong baka magiba na ang buong bahay ko."
Napanguso na lamang ang iba sa narinig.
"Sorry na Felt."
"Whatever! Let's go upstairs."
...
Maraming namamasyal sa paligid ng Metron Park. Mostly, families. Nakamasid lamang si Phoenix sa paligid nang may umupo sa kaniyang tabi.
"The council gave me this. You have another mission. Here." Inabot ni X ang isang black folder sa katabing si Phoenix.
"I'll see to it mamaya." Panandaliang ipinatong ng dalaga ang black folder sa kaniyang kandungan bago nagsalitang muli si X.
"Good. Then I'll give you brief information." Panandaliang tumahimik si X dahil may batang dumaan sa kanilang harapan. Matapos masigurong wala malapit sa kanila saka lamang muling nagsalita si X.
"Another S-class mission. The Council want you to gid rid of this S-class criminal. Namely, The Midnight Rapist. Wala pang sapat na ibedensya kung sino ito subalit isa lang ang masasabi ko delikado ang kriminal na iyan. Dahil kahit ang mga professional investigator walang nakuhang pagkakakilanlan nito."
Seryosong saad ni X. Sinilip niya ang reaksyon ni Phoenix. Nanatiling walang reaksyon ang mukha nito subalit alam ni X ang takbo ng isipan ng dalaga. Ngumisi siya.
"Huwag kang mag alala X. Lahat naman ng kasong hinahawakan ko, siniseryoso ko. How many?" Napakuyom ng kamao si Phoenix."How many died because of him?"
"30" Kibit balikat na sagot ni X. "Or more, dahil may butas pa ang imbestigasyong ito, Phoenix. Kaya hindi kami sigurado pero sa ngayon. 30 bodies had been found in the different area in the Metron City. Magkakatulad. Gagahasahin ang biktima saka papatayin."
"None alive?"
"None. Mostly student ang biktima. Range of Age from 14-21. Cause of death slit in the throat. According to the autophsy report from the forensic team, the wound range is from 3 mm wide and aabot sa 6 inches long with 2 inch deep. Masyadong maliit ang ginamit na weapon must be a cutter is used. We don't even find any semen in the victims but they indeed been raped."
Nagpamulsa si X. "Kailangan mapatay siya sa lalo at madaling panahon. Iyon ang sabi ng konseho. Nakasalalay sa'yo ang kapalaran ng mas marami pang buhay."
"Naiintindihan ko. I will eliminate him as soon as possible."
Ngumisi lang si X dahil alam niya ang kakayahan ni Phoenix. "Inaasahan ng Council ang magandang kalalabasan ng kasong ito. Sa muli nating pagkikita. Mag-iingat ka."
Naunang tumayo si X at naiwan si Phoenix na nakamasid sa hawak niyang itim na folder. Nag-iinit sa galit ang kaniyang kalamnan. She wants to kill the person behind that heinious crime at hindi siya titigil hangga't hindi niya natutunton ang kinalalagyan ng target.
"I'll hunt you down without mercy so you better be ready."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top