[69] EIUS MORTEM

NO EDIT: 09/10/20

"There is a sacredness in tears. They are not the mark of weakness, but of power. They speak more eloquently than ten thousand tongues. They are the messengers of overwhelming grief, of deep contrition, and of unspeakable love." — Washington Irving

CHAPTER 69

HINDI MAKAPANIWALA, iyan ang nararamdaman ni Zoien. Tuon ang kaniyang atensyon sa binatang nasa tabi ni Courtney. Ilang taon na ba simula nang huli niyang nasilayan ang mukha nito? Ilang beses siyang naghinagpis sa pag-aakalang patay na ito? He was four years old back then but now he is a teenager like her.

“Baby blue?” samo niya gamit ang tunay na boses.

Ngumiti si Antares. It's been a while since someone called him baby blue. It was lame and yet he missed hearing that inderment from someone especially from his sister. “Ate Fire, at last. I see you.”

Nahigit ng dalaga ang kaniyang hininga. He is Angelo. Her precious brother. Ang kaniyang bunsong kapatid. Nais niya itong yakapin ng mahigpit ang paulit-ulit na sabihin kung gaano niya kasabik itong makita subalit hindi maari.

Pinakalma ni Zoien ang sarili. Kapag pinairal niya ang personal na emosyon baka mapahamak si Courtney. She saw what Antares had done. Iyon ang huling pinadalang mga imahe ni Aegus bago pa tuluyan masira.

He's one of them. Ang pinakamamahal niyang bunsong kapatid ay kabilang sa WEB organization. Parang biniyak ang puso niya sa nalaman. Paano? Ano bang nangyari sa nakalipas na mahigit na labing-dalawang taon? She want to know how Angelo survived and how he's life was when she's not beside him. Marami siyang nais na malaman tungkol dito pero may parte sa kaniyang kalooban na nagsasabing hindi na niya malalaman ang mga bagay na iyon. Isang pakiramdam na hindi niya matanggap.

Malaki ang pinagbago ni Angelo na kilala niya kumpara sa binatang nasa kaniyang harapan ngayon. Ang dating mga matang punong-puno ng buhay noon, ngayon ay wala na. Patay iyon.

Malaki ang pinagbago ni Angelo. Meron itong nais na gawin. Ang tunay na pakay kung bakit ginagawa ang bagay na ito, subalit ano iyon?

“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Let her go.” May diin ang bawat salita niyang suway sa kapatid.

Angelo would never hurt someone. The WEB change him.

Hinawakan ni Antares si Courtney. Nais ipakita kung anong sitwasyon sila naroon. “That would be hard to do.  You are here to save her don't you?” Nanatiling walang imik si Courtney. Nakikiramdam sa dalawa. “Why don't you take your mask off? Tayo-tayo lang naman ang naririto. Walang sanctum. Walang mga Councils. Alisin mo ang maskara mo. Ipakita mo kung sino ka talaga.”

“Hindi ako nakikipagbiruan Angelo. Pakawalan mo ngayon din si Courtney. Let's talk. You don't have to do this.”

“I'm not him anymore Ate Fire. I'm Antares. Member of the Elite Warriors of the WEB organization. Angelo died 12 years ago. Dito, sa mismong lugar na ito kasama ang ating mga magulang. You witnessed everything right?”

Napakuyom ng mga kamao si Zoien. It was hard to remember her past. “You are still my brother! Stop blaberring nonsense thing and just talk to me properly.”

Napahalakhak si Antares sa narinig. “Talk? Do you belive that talk can solve everything? Wala ka bang natutunan? Kahit anong paraan ng pakikipag-usap hindi sapat para matigil ang lahat. Even if you talk to me and beg me to stop. I won't.” Hinugot ng binata ang isang kutsilyo mula sa likuran ng pantalon at inilapit iyon sa leeg ng hawak na si Courtney.

Napasinghap ang dalaga. Ramdam ang malamig na talim nito sa kaniyang leeg.

“I will kill her without hesitation. I already killed thousand, adding another won't make me guilty at all. Take off your mask.”

Dahan-dahan na hinawakan ng dalaga ang suot na maskara. “The WEB change you. Paaano nauwi sa ganito ang lahat, baby blue? I hate this. Don't make me fight you, please.”

“You don't have a choice. This is bound to happen. Look at this.” Ipinakita niya ang choker na suot ni Courtney. “It have a built in explosive chip. Hindi rin basta masisira ang choker. The more force you put in it, the time set will quicken it pace until it will explode but there is another way to disarm it.”

Bumibigat ang pakiramdam ni Zoien sa bawat salitang lumalabas sa bibig ni Angelo. Hindi niya matanggap. Tunay nga bang, wala na ang kaniyang kapatid? Ang mabait, mapag-mahal at mabuti niyang si baby blue.

“The chip is link to my mechanical heart. If you destroy it. She'll live.”

“Are you insane? You are asking me to kill you? Sa tingin mo magagawa ko ang bagay na 'yon! For pete's sake Angelo! Kapatid kita!” bulalas ni Zoien.

“So, you'll let her die?”

Natigilan si Zoien she looked at Courtney's face. No she can't. There could be another way. “I will find another way--”

“Wala ka ng ibang paraan pa. Mamili ka, your step sister or me? Sino ang pipiliin mo?"

‘Step sister?’ nanlaki ang mata ni Courtney, the girl in front of her was the step sister she's searching for? All this time, it was Phoenix?

"The more you talk the more you waste time. Can you take your mask now? I'm eager to see you face to face, Ate Fire.”

Napabuga nang marahas na hangin si Zoien. “You're being unfair.” Inalis ni Phoenix ang maskara. Lumantad ang kaniyang mukha. Napangiti si Antares habang napasinghap si Courtney.

Tumambad sa kaniya ang mukha ng taong kilalang-kilala niya. She can see, her innocent face but it was different. Hindi na ito nakangiti tulad noon. Punong-puno ng emosyon ang mga abong mata nito. Kalungkutan, kasabikan higit sa lahat pagsisisi.

“Z-Zoien, its you all along.”

Mapait na ngumiti si Zoien. “I'm sorry Courtney, this wasn't suppose to happened. Wala sa plano ko ang matuklasan mo ang lahat sa ganitong paraan. I was planning to just begone after I fulfill my mission. That's my plan. Hindi ko gustong maglihim at magsinungaling. I'm really sorry that my lil brother did this to you.”

Binitiwan ni Antares ang hawak na dalaga. “At last, I finally see you.” Ngumisi siya bago unang umatake.

Zoien was caught off guard. Antares stabbed her right shoulder. Mabilis na hinawakan niya ang kamay ng binata bago iyon pinilipit at itinulak ito palayo.

Nanlalaki ang mata ni Zoien. Binalingan niya ang 'di natinag na kapatid. Nakatayo ito nang maaayos habang bakas ang kasiyahan sa mukha. Walang mababasang pagsisisi sa ginawa.

Dahan-dahan na hinawakan ni Zoien ang nakabaon na kutsilyo sa kaniyang balikat. Hinugot iyon at hinayaang malaglag sa lupa.

“Tumigil ka na Angelo! Hindi kita lalabanan!”

Napalitan ng pagkadismaya ang mukha ni Antares. “Tama nga si Sensei, malaki ang kasalanan ni Homer kung bakit naging mahina ka. Should I kill him next time?”

“Hindi ka nakakatuwa.”

“But I'm serious.” Binalingan ni Antares ang pwesto ni Courtney. “Mamatay siya kung hindi mo ako papatayin. Time is ticking you only have 10 minutes left to save her.”

“Tsk!” Mabilis na nilapitan ni Zoien ang nakalugmok sa damuhan na si Courtney. Nakamasid lamang sa kanila si Antares. He felt envious.

Sinipat ni Zoien ang choker. Isang Personalize Made Explosive ito. Patuloy ang paggalaw ng oras. She needs to disarm it, ASAP.

“Is what he said true?” usisa ni Courtney. “Ngayon ko lang napagtanto, the story you told me before no'ng nasa Ceby tayo. That girl…?” Huminto sa ginagawa si Zoien. “Was that you?”

Hindi niya nagawang makapag-salita.

“Silent mean yes.” Dumaloy ang luha sa mukha ni Courtney. “I want to get angry at you for hiding everything from me but I can't.”

“I'm sorry.”

Kumuha nang malalim na hininga si Courtney bago ibinuga iyon. “Choose him.”

“W-what are you saying?”

“I can see how much you care for your brother.”

“No! Huwag niyo akong papiliin. I'll save the both of you at all cost! So just shut up and let me do my job!”

Napangiwi si Courtney dahil ito ang unang beses na nagalit sa kaniya si Zoien. “You just shouted at me.”

“I did. Marunong rin akong magalit.” Pinagpatuloy niya ang pag-inspeksyon sa choker. Napapalatak siya sapagkat tunay ang sinabi ni Antares. She can't disarm it. Kakaiba ang pagkakagawa nito. “Stay here.”

Tumayo si Zoien, nakatingin lamang sa kaniya ang step-sister niya. “I will talk to my brother. I'll come back later.”

Akmang aalis na siya nang hawakan ni Courtney ang kamay niya. “Don't kill him. Masama man ang nagawa niya, kapatid mo pa rin siya.”

“Sana hindi sa gan'on umabot ang lahat.” Inalis niya ang pagkakahawak nito bago muling hinarap si Antares.

“If you want some fight. Let's go to another place.”

“Natatakot ka na masaksihan niya ang lahat?”

“Hindi iyon ang dahilan ko. Ayaw ko siyang madamay.”

“Alright, let's go.”

Sinundan ni Zoien ang kapatid. Sa bawat pag-apak niya sa pamilyar na kapaligiran. Isa-isang bumalik sa kaniyang isipan ang masayang alaala ng nakaraan. Nakatago sa lugar na ito ang lahat. Masaya, mapait, maging ang kauna-unahang beses na paghihinagpis at pagdadalamhati. She was broken.

“Maybe this far, is enough?” tumigil sila malapit sa may sapa.

“Bakit mo 'to ginagawa? Ano ba talagang plano mo? If you plan to kill her. You could have done it while ago but didn't. Is the WEB giving you command to do this? Answer me Angelo!”

“I have my reason but I won't tell and the WEB has nothing to do with this. Ginawa ko to ng kusa."

Ilang sandali silang natahimik bago nagsalitang muli si Antares.

"I miss you big sister. I was so lonely. Do you know that? Of course you don't. Ni hindi mo nga alam na buhay ako.”

“Hindi ko alam na buhay ka Angelo. I just found out recently--”

“Ow? You found out. That also mean you finally discovered who you are.”

“I did. It was very unpleasant one.”

“If that the case then I won't hold back. I should hate you.”

“Of course. You would. If I am in your shoes. I'll hate myself too.”

“Tama ka, pero kahit na anong galit o inis ang maramdaman ko. Kahit paulit-ulit kong itanim sa isipan ko ang kaisipan na dahil sa 'yo namatay ang mga magulang ko. Dahil sa nabuhay ka. Nawalan ako ng pamilya at higit sa lahat nasira ang buhay ko.”

Napayuko si Zoien. Lihim siyang nasasaktan.

“Pero bakit gan'on? Hindi nagbago ang nararamdaman ko. Kapatid pa rin ang turing ko sa 'yo. At mahal kita. Kahit na anong mangyari. Iyon at iyon ang tunay kong nararamdaman. We accept you. Kahit na ano ka pa, Mom and Dad loved you.”

“Angelo.”

“Kill me.”

“No! Hinding-hindi ko gagawin ang bagay na 'yon! Alam mo ba kung gaano kasakit ang mawalan ng taong minamahal! You broke my heart before! I thought wala ka na! Na iniwan mo rin ako tulad nina Mommy and Daddy! Iniwan niyo akong mag-isa! Bakit ang dali lang na para sa iyo ang bagay na 'to?”

“I was with you. Palagi akong nakamasid sa 'yo mula sa malayo. Tahimik na sinusubaybayan ka. Nasaksihan ko ang lahat ng paghihirap mo. Pagtangis. Pagkabigo. I was happy when I saw how much you grown Ate. I'm so proud of you. Of what you become."

Umiling si Zoien. “Please! Please! Please! May iba pang paraan! Don't make me kill my baby blue. Please!” Halos lumuhod ang dalaga.

“Ang unfair mo naman. Huli na ang lahat Ate! I can't keep going!”

“Yes you can! Trust me.”

“ No." Paulit-ulit na umiling si Angelo.  He's frustrated. "I want to end everything. End my suffering. Kill me!" Nagbabadya ang mga luha sa mata ng binata. “I've done horrible things for 12 years. I killed innocent people. Hanggang ngayon parang sirang plakang paulit-ulit kong nakikita kung paano sila namatay. Nahihirapan na ako Ate. Sobra. Ang sakit-sakit na. Nagmamakaawa ako, patayin mo na ako.”

“Bakit? Bakit palagi na lamang ganito ang nangyayari? Bakit sa huli? Iiwan mo rin ako. Bakit ang hilig ninyong mang-iwan?”

“I don't have much time. They experimented on me. They left something inside my chest. I want to die as human than a monster. This will be my last favor. Kill me. There is no salvation for someone like me beside death itself.”

“I-I c…c-can't.”

“You can.”

“I can't kill a family.”

“You only got two minutes. If you won't kill me. Pareho kaming mamamatay. You can save us both. End my suffering. Use the NZB, that's the only thing that could kill me.”

“Angelo…”

“Time is ticking Ate. Please save me.”

Nanginginig ang mga kamay na hinugot niya ang baril sa Hollister nito. Hindi niya kaya. Ito na ata ang pinakamasakit na nangyari sa kaniyang buhay — ang patayin ang sarili niyang pamilya.

Lumapit si Antares at siya na mismo ang nagtapat ng dulo ng NZB gun sa mismo niyang puso. Ramdam niya kung gaano 'di sang ayon si Zoien.

“Pull the trigger.”

Lumandas ang luha kanina pa pinipigilan ng dalaga. “Losing you for second time breaks my heart all over again.We met just to end everything. I have such a bad fate.”

“No. This was just the beginning. Masasaktan tayo. Maghihinagpis pero babangon. Don't forget about us Ate. Baunin mo ang masasayang alaala at ibaon sa limot ang mapapait. We're so proud of you. I know Mom and Dad feels the same way. Save everyone. Bring us the justice. Destroy the WEB. He's waiting for you.”

“I will.” Unti-unti niyang diniinan ang gatilyo ng baril habang nakatingin sa mukha ng kaniyang kapatid.

“Thank you.”

She pulled the trigger. Umalingawngaw ang putok ng baril sa tahimik na kapaligiran. Tumalsik ang ilang dugo ni Antares sa mukha ni Zoien. Bakas ang sakit sa mukha ng binata. Dumuwak ito ng dugo. He lost his balance. Mabilis siyang sinambot ni Zoien. Tears streaming down her face. Mahigpit niyang niyakap ang kapatid.

“I'm h…h-appy. Even if this moment is my finish line. I'm c…c-ontented to see you, Ate Fire." Kumalat ang yelo sa buong katawan ni Antares. “T…t-hank you for freeing me. I love you Ate. So much.”

He's body shattered like a crystal. Walang natira. Just pieces of beautiful blue gems. Napatakip sa bibig si Zoien. She muffled her cries. Her agony. She lost him again and it was too painful compare to the first time. She killed him. Her precious brother. Patuloy ang pagtangis ng dalaga habang yakap ang sarili.

Saksi ang buwan at ang mga bituin sa kaniyang nagawa — maging sa kaniyang paghihinagpis sa pagkawala ng pinakamamahal na kapatid.

20 MINUTOS NA ang nakalipas magmula nang umalis ang magkapatid. Courtney was patiently waiting for them. Kinakabahan siya sa maaring naganap sa pagitan ng dalawa. Katulad ng sinabi ni Antares. Pagkatapos ng labing-limang minuto, kusang naalis ang choker sa kaniyang leeg ngunit hindi iyon sumabog. Nakahinga siya nang maluwag subalit kaakibat niyon ang kakaibang pakiramdam.

Nakarinig siya ng mga kaluskos sa 'di kalayuan. Agad siyang tumayo. Mula sa madilim na parte ng ay lumabas si Zoien. Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi subalit agad rin iyong napawi.

Punong-puno ng dugo ang puting t-shirt na suot nito. May hawak din na baril sa kanan nitong kamay. Wala ang binata. Isang reyalisayon ang nabuo sa kaniyang isipan. Napatakip siya sa kaniyang bibig.

"Z...z-oien? Did you...?"

Dahan-dahan na umangat ang tingin sa kaniya ng dalaga. Patuloy ang pag-agos ng kaniyang luha.

"I killed him Courtney. I killed my brother. He asked me. Ang sakit."

Naramdaman niya ang bawat sakit at pait sa mga salitang lumabas sa bibig nito. Walang pag-aalinlangan na nilapitan niya ito at niyakap. Wala siyang ibang sinabi. She doesn't know what to say so she just hugged her tightly. Maging siya ay umiiyak dahil sa pagdadalamhati nito. For some reason, she felt that it was her fault this happened.

"I'm so sorry, Zoien. Sorry."

"We have to go," pagpuputol ni Zoien. "Nakakatiyak akong hinahanap ka na nila."

"Pero I just can't go back when you're in this state."

"Sanay na ako."

"..." Hindi nakapagsalita si Courtney. Naalala niya ang masayahing mukha ni Zoien. Behind those smiles. Ito pala ang tinatago niya.

"Alis na tayo." Naunang lumapit sa kotse si Zoien at walang nagawa si Courtney kundi ang tahimik na sundin ang nais nito.

Sumakay siya sa tabi ng driver seat. Nagseat belt pagkatapos ay umandar na ang kanilang sinasakyan paalis sa lugar na iyon.

Namutawi ang katahimikan sa kanilang pag-uwi. Paminsan-minsan ay lihim niyang pinagmamasdan ang mukha ni Zoien. Nag-aaalala siya para rito. Wala itong pinakitang emosyon. Subalit alam niya, nagdadalamhati ito. She want to do something for her. Lagi itong nasa tabi nila. Protecting them and yet, she can't even do anything else.

Hindi nagtagal ang kanilang byahe, nakarating sila sa mansion ng Mondragon. Akala nila, tapos na ang lahat subalit isa na namang kaguluhan ang sumalubong sa kanila.

"He's here," giit ni Zoien. "I'm gonna make him pay."

Sino kaya ang tinutukoy ni Zoien? At anong klaseng kaguluhan ang nagaganap sa mansion ng Mondragon?

-Itutuloy-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top