[66] CLOSER

No Edit: 08/23/20

"Deep into that darkness peering, long I stood there, wondering, fearing, doubting, dreaming dreams no mortal ever dared to dream before.'' -- Poe

CHAPTER 66

(HALL OF PROTECTOR -- Metron City)

"We manage to save the Royal family and subdue the terrorist and killed their leader; Striker Welhelm. According to the Report from LIA, the traitor from the King's Councilor; Gamesh Saturnino has been found dead in the Palace. His brain exploded similar with the other Ruler's that we captured. He is a spy sent by the WEB orgnization to infiltrate the Theranian Kingdom. We still don't know the reason behind the infiltration; it's under investigation."

Inilapag ni Morgan ang ilang folder sa mesa ng Don. Nasa loob nito ang detalyadong reports galing sa buong Xtherion na may kaugnayan sa rescue operation na naganap dalawang linggo na ang nakararaan.

"Anything else you want to add X?"

Nakamasid ang Head Council sa black folder na isinumite ni Morgan.

"Yes, head council, they made yet again another desturbing invention— a syrum."

"Syrum?" Kinuha ni Sevastian ang black folder. Isa-isang binuklat ang mga pahina.

"Dark syrum, to be exact. Once injected, it can turn a normal person into a manticore. The research team are investigating about it, but still it's chemical substances and compositions are still unknown."

Napapalatak ang head council habang binabasa ang mga report lalo na tungkol sa 'dark syrum' na tinutukoy ni Morgan.

"And I thought I sent my men to destroy their illegal laboratories but still the WEB manage to made something that can cause chaos."

Inilapag ni Sevastian ang itim na folder sa ibabaw ng kaniyang mesa bago binalingan si Agent X.

"We need to prepare. How's the production of our latest weapon. The Zero Negative Bullets, wasn't it?"

"Yes head Council, our weapon makers are continuously manufacturing large amout of ammo. It will suffice, if ever the WEB decided to made an all out attack using the manticore. We can stand a chance against them."

Tumango ang Don.

"Tell our men to always be prepare. We have to stop the WEB organization at all cost. They made sure we can't locate their main head quarters even if we capture some of their member, it is still not enough."

Nanghihinayang ang Don sapagkat ang kanilang nahuli na tatlong myembro ng RULERS; lahat sila ay namatay sa kanilang selda.

Their brain bursted. They found out a built in nano-chip inside their brain. Newest explosive device disguised as a chip -- there was a very small amount of explosives in it, but it was enough to go off and kill them.

"They are terifying, aren't they Morgan?"

"WEB organization is more than that Head Council, they are capable of destroying the whole planet."

"You are right, we can't be idle about this. By the way, before I forget I want you to do something for me."

Mula sa kaniyang drawer ay may kinuha siyang isang lumang black folder. Nakamasid lamang si Morgan sa bawat galaw ng Don hanggang sa inabot nito ang itim na folder.

"Take this."

Inabot ni Morgan ang dark folder. It was dated 17 years ago. Nakasulat sa pamamagitan ng bold letters ang Top Secret Mission sa pabalat maging ang insignia ng Sanctum.

"This is...!"

"Tatania Drios files and about her experiment and researches about human genome, DNA and mutation."

Nagulat si Morgan sa narinig.

"If something happen make sure no one can get that file. That's fundamental to our survival. Our future depends on that files."

"What do you mean head council? Isn't she, Xorak's daughter?"

"She was, but still, malaki ang naging ambag niya sa atin. She's the one who made the very first human chrome in our history through cloning. The only one who can stand against Xorak. Bago siya namatay napagtagumpay niyang likhain ang kauna-unahan at perpektong human clone."

"A chrome through human experiment, is that the reason why the council, killed her?"

Tumango ang head council.

"She is a threat to society Morgan. Natakot ang buong konseho dahil anak siya ng pinakakilalang kriminal sa buong daigdig maaring gamitin niya ang natatanging kaalaman at kakayahan sa kasamaan kaya upang maiwasan iyon she undergo the Program: Overwatch sa ilalim ni Homer."

"I see, so Homer was the one who..." Hindi nagawa pang ituloy ni Morgan ang sasabihin. Hindi niya maatim ang kaisipang iyon.

"Yes he did, because I ordered him to do it."

Ngumiti nang mapait ang Don.

"All I want is to protect our future. That's all I need, even if means I became the bad one. Wala na akong magagawa pa sa iisipin ng iba dahil alam ko sa sarili ko na ginagawa ko kung ano ang mas nakabubuti sa lahat."

"Naiintindihan ko Head Council, this was the burden of being the head."

"You are right, we need to take action. Protect that file, don't let anyone take a hold of that."

"Yes head council."

"Good, go now."

Yumuko si Morgan bago lumabas ng opisina ng Head Council.

Napahilot sa sentido si Sevastian.

"Just what the hell are you planning to do, Xorak?"

NAGTITIPA SA LAPTOP si Zoien sa loob ng kaniyang silid; hanggang ngayon 'di pa niya natatapos ang kaniyang report lalo na tungkol sa 'manticore' na nakalaban niya. She needs clear and more consistent report maging ang ilahad ang sarili niyang konklusiyon o ipiniyon.

Habang tuon ang kaniyang atensyon sa ginagawa ay may tatlong beses na kumatok sa kaniyang pinto. Balak na sana niyang itigil ang ginagawa nang marinig niya ang tinig nito.

"Ashie, can I come inside?"

It was Lia.

"Come in!"

Bumukas ang pinto at sumilip muna si Nathalia. Napansin niya na busy si Zoien.

"Naistorbo ba kita?"

"Not exactly, pasok ka."

Pumasok sa loob si Nathalia pagkatapos isarado  ang pinto. Naupo siya sa malambot na kama ni Zoien.

Pinagpatuloy ni Zoien ang ginagawang report.

"What's that?"

"My report."

"School's stuff?"

"Nope, it is about my last mission."

"Ah..." Napatango na lamang si Nathalia bago nilibot ang tingin sa kabuuan ng silid ni Zoien. It was empty. Walang larawan, kaunting aklat lamang ang nakikita niya.

"Ang boring ng room mo," puna niya bago nahiga sa kama, niyakap niya rin ang isa sa unan ni Zoien. Napangiti siya dahil naamoy niya ang 'melon scent' na paboritong pabango ni Zoien.

"I'm not gonna stay here for long, that's why I didn't brought all my stuff," pagbibigay alam ni Zoien.

Mabilis na umupo si Nathalia habang yakap pa rin ang unan ng kaibigan.

"You will leave?" hindi mapaniwala niyang utas.

"Yeah."

Inayos ni Zoien ang suot na salamin subalit tuon pa rin ang atensyon sa screen ng laptop. She's reading her work.

Napasimangot si Nathalia sa narinig.

"Kelan?"

"After I've done with my missions."

"Aalis ka talaga?"

"Oo, panandalian lamang ang pananatili ko rito Lia. I'm going back to Italy. After all, I am a legal resident of that Country."

Napabuga ng hangin si Nathalia.

"So, matapos nating magkaayos, ikaw naman ang lalayo." May himig ng tampo at lungkot ang tinig ni Nathalia.

Isinara na ni Zoien ang laptop bago hinarap ang matalik na kaibigan. Napangiti siya dahil sa pinapakitang ekspresyon sa mukha nito.

"But it doesn't mean na hindi na ako babalik, cheer up Lia. I'll return, that's a promise. Kaya naman!"

Lumapit si Zoien at pinisil ang pisngi ni Nathalia.

"Smile na! 'Di bagay sa 'yo ang nakasimangot hala ka baka iwan ka ni Sean," dagdag niyang tudyo na ikinapula ng mukha nito.

"Oh shut it! Don't change the topic!" Pinalo niya ang kamay ni Zoien.

"Asus deny pa! You're blushing!"

Napanguso si Nathalia subalit salubong naman ang kilay. "I really don't understand why Sean had a crush on you."

Mas lalong natawa si Zoien dahil sa narinig. "Jealous?"

Binaon lamang nito ang kalahati ng mukha sa unan ni Zoien.

"A little bit."

"Come on, don't be like that!"

"I know, hindi ko naman inaasahan na magugustuhan ko ang lalaking iyon."

Napakamot sa pisngi si Zoien.

"Engage na kayo so there is nothing wrong with that. Saka isa pa, it was just a crush."

"Pero kahit na. I may have a pretty face but my attitude--" Hindi natapos ni Nathalia ang kaniyang nais sabihin dahil sa kasunod na ginawa ng kaniyang matalik na kaibigan.

Dinambahan siya ng yakap ni Zoien sabay kiliti nito sa kaniyang tagiliran. Napuno nang malakas na tawa ni Nathalia ang buong silid.

"W-Wait! S-Stop! I gave up! No more please Ashie!" Habol hiningang pagpapatigil ni Nathalia.

Umupo si Zoien at itinaas ang dalawang kamay sa ere subalit 'di inalis ang tingin sa kaibigan.

Naghahabol ng hininga si Nathalia sobrang pula ng dalawang pisngi nito.

"Alright, just don't say that again."

Ngumiti si Zoien bago inayos ang natabinging salamin.

"Magkakaiba ang katangian nating lahat Nathalia, kaya huwag mong ikumpara ang sarili mo o 'di kaya naman ang pagtuunan ang flaws mo. Isa pa, Sean never see you in that manner."

"How sure are you?"

"Hmn, just trust him. Magaling siya mamili ng taong dapat magustuhan. Kaya nga ako ang crush niya--Aray!" Hinampas ni Nathalia ang mukha ni Zoien gamit ang unan.

"Oh shut up!" Nauwi sila sa pillow fight.

Nasa gan'on silang sitwasyon nang walang katok-katok na pumasok si Flare.

"Hey! Tigil na! Nandyan na sila sa baba," suway nito.

Tumigil ang magkaibigan.

"Ow? 'Di pa ako nagbibihis!" Agad hinila ni Zoien si Nathalia at marahan na tinulak ang dalawang dalaga palabas ng kaniyang silid.

"Hey! No pushing!" reklamo ni Nathalia.

"Gaga! Dapat kanina ka pa nag-ayos!" sermon naman ni Flare.

"Oo na! Labas na kasi!"

Nang makasigurong nasa labas na ang dalawa saka lamang nakahinga nang maluwag si Zoien. Napahawak siya sa kaniyang ulo. It's palpating in painful way. Humugot siya nang malalim na hininga bago nag-ayos ng sarili.

Ngayon ang schedule kung saan kelangan nilang magsukat ng damit para sa gaganaping pagdiriwang ng kaarawan ni Courtney sa darating na Biyernes. Marami ang imbitado sa nasabing okasyon. Iyon rin kasi ang pagkakataong ipapakilala si Courtney bilang tagapagmana ng angkan ng Mondragon.

Pagkatapos magbihis ng isang simpleng white knee dress at doll shoes na cream saka lamang bumaba si Zoien. Nasa sala ang lahat nag-uusap. Nagkakasiyahan, it was a nice scene.

She was also relief because Margarette wasn't even affected by the incident that happened two weeks ago.

"At last dumating ka rin! Ang bagal mo!" angil na puna ni Feltesia.

"Sorry, si Lia kasi," sisi niya kay Nathalia na katabi si Sean.

"What? Ako ang sisihin mo gan'on?" pagtataray nito.

"Alright, let's go folks! Marami pa tayong dapat puntahan ngayong araw!" singit ni Jacob.

"Better to start now, than later." Tumayo na si Akihiro.

"I wanna eat something," reklamo ni Riyo.

"Here, I brought some homemade cookies." Itinahaw ni Margarrette ang mga cookies na nakapaloob sa isang magandang lagayan.

"Woah! Mine!" Naunang kumuha si Teron.

"Geez, dahan-dahan sa pagkuha di naman kayo mauubusan e!" sita ni Rossette.

Natatawa na lamang sa tabi sina Alisa at Xenon.

Natutuwang nakamasid sa kanila si Zoien when something caught o mas magandang sabihin na someone got her attention. Tahimik sa isang tabi si Marco na kakaiba sa karaniwan nitong kilos dahil ito pa ang palaging nangunguna sa ingay.

Palihim na nilapitan ni Zoien si Sahara habang nasa tabi nito si Trina pinagkakaabalahan ng batang babae ang pagkalikot sa isang phone; Zoien's phone to be exact.

"Sahara," tawag pansin niya kay Ms. President.

"Yes?"

"May nangyari ba kay Marco?"

Nilingon sandali ni Sahara ang pinsan.

Nagpakawala nang malalim na buntong hininga ang binata na kanilang ikinangiwi. Parang pasan nito ang buong daigdig — problemadong-problemado.

"Don't worry about him. Naging ganyan siya dahil nabalitaan niyang narito sa Pilipinas ang kaniyang Ex na si Eunice."

"Ah, iyon pala ang dahilan." Napatango si Zoien sa nalaman.

"Let's go guys," agaw pansin ni Arthur.

"We have somewhere to go after the dress fitting," segunda ni Courtney.

"Where?" usisa ni Alisa.

"It's a secret sis." Kumindat si Arthur kapatid.

"May pasekreto ka pang nalalaman Art, ha?" natatawang aniya Xenon.

Ngumiti lamang si Arthur.

Sabay-sabay silang lumabas. Hindi sumama si Flare dahil may duty ito sa Hospital. Kaya sila-sila rin lamang ang magkakasama.

Sumakay sila sa Limousine at ang kanilang driver ay walang iba kundi si Butler John. May mga nakasunod rin sa kanilang mga body guard.

"Woah, parami nang parami ang mga bantay natin ah?" puna ni Riyo.

Sabay-sabay na napabuga ng hangin sina Rossette, Margarrette, Nathalia at napakamot na lamang sa batok si Jacob.

"Parent's order, they won't let us out without bodyguards," paliwanag ni Margarrette.

"Sinabi mo pa, my Dad would kill me if ever tumakas akong muli." Napahilot sa noo si Rossette.

"They are just trying to keep as safe so," nagkibit-balikat si Jacob, "walang problema sa akin, right Thalia?"

"Whatever Kuya, I'm not against it but iba kapag sobra-sobra na. I can't enjoy my own privacy." Nagpahalukipkip ang dalaga.

"You are just saying that, Ms. Robles. You don't have privacy anyway. Your admirers are always around you." - Sean.

"And what are you talking about Mr. Heinsford." - Nathalia.

"Just sayin'?" kibit balikat na pahayag ni Sean.

"Ow, I smell LQ!" - Felt.

"They're cute." Mahinang napatawa si Rossette.

Habang nag-uusap sila pasimpleng pinagmasdan ni Zoien ang tahimik na si Marco. Masyadong seryoso ang mukha nito.

Marahan na sinundot ni Zoien ang braso ng binata.

"Ayos ka lang?"

Lumingon si Marco sa kanang bahagi, ngumiti subalit hindi umabot hanggang sa mata nito.

"Yeah, I'm fine. Thank you for worrying about me, Zoien."

'Liar,' ika ng dalaga sa sarili dahil halatang hindi ito okay, lalo na't tinawag siya nito sa pangalan niya kesa sa palaging endearment nito na 'wifey'.

Hindi nagtagal nakarating sila sa isang malaking Botique Shop na pagmamay-ari ng Jade's Corporation ng pamilyang Quartzy.

Kaniya-kaniya sila ng pili ng damit. It was a semi-formal dress. Ang theme ng party ay enchanted masqurade.

"I will also buy Flare's dress tutal magkasing katawan lamang kami," sabi ni Feltesia.

"Mabuti naisipan mo, she's very busy right now," saad ni Zoien.

"She is." Habang busy si Felt sa pamimili ay may nakita siyang isang simpleng off shoulder na black dress. It was simple and yet elegant. Kinuha niya iyon at itinapat sa dereksyon ni Zoien.

"I guess it will fit her," ika niya bago nilapitan si Zoien na naniningin rin ng mga damit.

"Can you try this for me," sabay marahan na itinulak ng damit sa dibdib ni Zoien.

"Huh?"

"Come on! Mas maganda kasi kung may magsusuot para makita ko mismo! Maarte pa man din si Flare." Tinulak niya si Zoien patungo sa isa sa mga fitting room.

"Pakibilsan ha!"

Napabuga ng hangin si Zoien bago tiningnan ang hawak na damit. Napansin niya na hindi para sa party ang damit.

Bakit sa kaniya pa pinasuot ito?

Naghubad siya ng damit at nagpalit. She look at herself in the body mirror. Kasya sa kaniya ang damit at bagay, kita ang kaniyang shoulder blades maging lantad ang kaniyang leeg.

Mabuti na lamang natabunan niya ang serial code sa kaniyang likuran. It won't heal no matter what happened kaya't wala siyang pagpipilian kundi ang takpan iyon.

Maayos niyang tiniklop ang hinubad na damit bago lumabas. Napansin niya na tapos na sa paghahanap ng damit ang iba pang girls, samantalang nakaupo sa sofa ang mga boys but Marco is no where to be found.

"Ang tagal mo," bungad ng nakakunot-noong si Felt.

Ngumiwi lang si Zoien.

"Turned around," utos ni Felt.

Sinunod nya ang sinabi ng pinsan.

"Okay, harap na."

Pagkaharap ni Zoien, lumapit si Felt upang alisin ang suot niyang nerdy glasses.

"'Yan! Mas bagay sa 'yo ang walang salamin, sa 'kin muna ang glasses mo."

Itinago nito ang salamin sa dalang pouch bago binalingan si Zoien—halata ang pagtataka sa maamo nitong mukha dahil sa kakaibang kinikilos ni Feltesia.

"I already bought that dress for you so don't remove it."

"Hah? P-Pero...!"

"No more buts, you know it's rude not to accept a gift right?" Naniningkit ang mata ni Feltesia na ikinatutop ng bibig ni Zoien.

"Good, mabuti na ang nagkakaintindihan tayo," nakangiting saad ni Felt.

"Pft! Ang sweet naman!" Natatawang ani ni Riyo.

"Shut it, you want some piece of this?" Tinaas ni Felt ang kamao.

"Nope, gomene!" Tiningnan ni Riyo si Zoien. "You look stunning! Sayang may date na kasi ako sa party."

"Ate Zoien ako na lang date--!" Tinakpan ni Xenon ang bibig ni Teron.

"Trina will be your date Teron," dagdag na pahayag ng binata bago tiningnan si Trina. "Right?"

Nahihiyang tumango si Trina.

"See that? Lahat tayo may date na." Nilibot ng binata ang tingin sa paligid.

Si Courtney at Art, Felt at Jacob, Sean at Nathalia, Alisa and Xenon, Sahara at Uno, Aki at Margarrette, may partner na rin si Rossette maging si Riyo that only means...

"Maliban sa inyong dalawa ni Marco," pagtatapos ni Xenon, nakatigil ang tingin kay Zoien.

"And speaking of Marco, asan ang lalaking iyon?" Nagpahalukipkip si Rossette.

"He is not in here," saad ni Alisa matapos mapansin na wala si Marco.

Nilibot ng iba pa ang kanilang tingin sa malawak na Shop upang hanapin ang binata hanggang sa nagsalita si Nathalia.

"Oh I know where he is," agaw atensyon niya habang nakatuon ang mga mata sa labas ng glass wall.

Isa-isa silang tumingin sa labas at naningkit ang mga mata ng babaeng Royalties matapos makita si Marco. May bitbit ang binata na plastic bag laman ang ilang can juice subalit kapansin-pansin ang pagkabalisa sa mukha nito dahil sa dalawang taong nasa harapan.

It was his Ex; Eunice at ang bago nitong boyfriend.

"That girl!" Balak na sanang sumugod palabas ni Feltesia nang mabilis siyang napigilan nina Sahara at Courtney.

"Calm down Cous, we have a better plan of action," ika ni Courtney.

"Tama, kelangan ipamukha sa babaing iyon na kayang-kaya siyang palitan ng pinsan ko," segunda ni Sahara.

"Ow! I love that! What's the plan?" sabik na sambit ni Rossette na ikinailing ng mga kalalakihan.

'Girls are terryfying creatures,' ika nila sa sarili.

"Ako rin, sama ako," -- Margarrette.

"Well, if it's for Marco's sake, I'm in!" -- Alisa.

Inalis sandali ni Nathalia ang pagkakaakbay sa kaniya ni Sean bago lumapit sa mga babae.

Napamaang na lamang si Sean, 'Here goes the warfreak.'

"I think alam ko ang ibig sabihin nina Ate Sahara at Ate Courtney," nakangisi niyang pahayag.

Tumaas ang gilid ng kanilang labi bago binalingan ang tahimik na si Zoien.

Nagsitindigan ang balahibo sa batok ni Zoien matapos makita ang mapaglarong ngisi ng mga ito.

'I have a bad feeling about this,' ngiwi niyang pahayag sa sarili. Alam niyang may balak gawin ang mga ito sa kaniya.

She need to escape!

"A-Ah, naiwan ko 'yong gamit ko sa fitting room, kukunin ko lang saglit...!" Bago pa siya makalusot ay hinila na siya ng mga girls upang ayusan ito.

"Kaawaan ka nawa ng poong may-kapal, Zoien." - Sean.

"Good luck, Ate Zoien. Fighting!" - Teron.

"Nakakatakot talaga ang mga babae," iiling na aniya Jacob.

"But I still love that kind of attitude," natatawang pahayag ni Arthur.

"Yeah, they sure are fascinating," puri ni Akihiro.

"Well, that's what makes them special," - Riyo.

Ngumiti si Xenon bago binalingan si Trina.

"'Wag mo silang tutularan, ah? Minsan, kailangan mo rin magpakahinahon."

Nakangiwing tumango na lamang ang batang babae.

'May ganito palang tinatago ang mga kinikilala niyang bagong mga Ate."

BALISANG-BALISA SI Marco. Napapakuyom ang kamao sa hawak niyang plastic habang pilit na ngumingiti. Kailangan ipakita niya na okay lang siya. Hindi maaring magpaapekto siya sa dalawang taong nasa kaniyang harapan.

"It's been a while Nathan?" Matamis ang ngiti sa labi ni Eunice habang nakayakap sa braso ng bago nitong nobyo na si Horus.

"Y-Yeah, six months I guess," sagot ni Marco.

Tiningnan niya ang lalaking pinagpalit ni Eunice. Oo, gwapo ito. Mukhang koreanong hilaw.

"Horus nga pala Pare," nakangiting pagpapakilala nito kay Marco bago inilahad ang kamay.

'Pare?! Ipakain ko sa kaniya ang sapatos ko e!' naiinis na saad ni Marco sa isipan.

"Marco, pasensya PARE pero basa kasi kamay ko." Sabay taas ng binili niyang inumin para sa mga kaibigan.

"Ah," Hindi mapigilan na maoffend ni Horus dahil sa ginawa ni Marco. "Mag-isa ka?"

"Hindi, kasama ko kaibigan ko."

"How about your girlfriend?"

Napapalatak si Marco dahil sa sarkastikong tanong ni Horus.

Anong dapat niyang sabihin?

Naghihintay naman sa kaniyang sagot si Eunice.

"'Wag mong sabihin wala ka pang girlfriend?" aniya ng dalaga.

"H-Ha?!M-Meron! Ako pa ba, mawawalan." Pinagpapawisan sa pwesto si Marco.

'Patay, patay talaga.'

"Really! Can I meet her?" - Eunice.

"Yeah me too, my honeybabe told me things about you Pare. She told me siya daw ang true love mo kaya I'm really curious what type of girl catch your attention para ipagpalit mo sa kaniya."

Napakamot sa may pisngi si Marco, paano siya makakalusot sa mga ito?

"Hindi ba nagmamadali kayo?"

"Nope, we have time." - Eunice.

'Takte! Umalis na lamang kayo!' naiinis niyang bulong sa sarili.

"So? Where is she?" ngising asong tanong ni Horus.

'Isa na lang talaga! Bibigwasin ko ang damuhong ito!' nanggigigil na pahayag ni Marco.

"HUBBY!"

Sabay-sabay silang napatingin sa babaeng patungo sa kanilang pwesto. Halos lumuwa ang mata ni Marco.

It was Zoien.

She wore a simple off-shoulder knee dress and yet she look like a goddess. May light-make up at kunting lip gloss. Ang ilan pa'y napapatigil sa paglalakad upang mapagmasdan lamang si Zoien. Her radiant smile can lured everyone.

"Where have you been? Kanina ka pa namin hinahanap."

Nakalapit na't lahat si Zoien and yet he can't even utter a word. Tila ayaw kumawala ng anumang salita sa kaniyang bibig at ang nais na lamang ay pagmasdan si Zoien.

"Patay, naestatwa na ang loko." -- Riyo.

"Iba talaga ang ganda ni Zoien nakakatuod!" Natatawang sabi ni Rossette.

Napatampal sa noo si Sahara.

"Come on Marco! Do something!" Kulang na lamang batuhin niya ng sapatos ang pinsan.

Napairap si Feltesia, "Galawang bakulaw, palitan na lamang niya kaya ang stand ni Jollibee."

"Girls, don't be like that. He was just stunned by Zoien." -- Arthur.

"Well, tama si Arthur. Hindi ko siya masisisi. Ang ganda nga naman ni Zoien." -- Xenon.

"But if he stay like that! Paano na ang pinaghirapan natin?!" -- Nathalia.

"Zoien's pretty good at acting, may pag-asa pa." -- Margarrette.

"Look at Eunice and her boyfriend!"- Alisa.

Sabay-sabay na napatawa ang grupo ng kabataan dahil hindi lamang pala si Marco ang naestatwa maging ang magkasintahan rin. Bakas na bakas ang gulat sa mukha ng mga ito. Kulang na lamang lumuwa ang mga mata habang tuon ang tingin kay Zoien.

"Hubby? Hey!" Tinapik ni Zoien ang pisngi ni Marco.

Napakurap ang binata. Sa wakas nabalik na ito sa huwesyo.

"W-Wifey?" gulat na usal nito.

"Yup! Your one and only wifey. So ayos ka na? Pwede na tayong bumalik sa loob?" aya ni Zoien.

"Ah..." Tiningnan ni Marco ang dalawang kausap niya. Hindi mawari ang itsura ng mga ito.

Ngumisi si Marco. "Yes, wifey! Alis na tayo."

Hinawakan niya ang kamay ni Zoien. Balak na sanang umalis subalit agad siyang pinigilan makaalis ni Eunice. Hinawakan nito ang kaniyang braso.

"W-Wait!"

Binalingan nilang dalawa si Eunice.

"May kailangan ka pa Eunice? May pupuntahan pa kami ng girlfriend ko," giit ni Marco.

Tiningnan ng mapag-alisang mata ni Eunice sina Marco bago ngumisi.

"And do you expect me to believe she's your girlfriend?" May halong panunuya ang bawat salita ni Eunice  na ikinadisgusto ni Zoien.

"Hey you! Whoever you are. I'm not interest about who you are but  do you know what you are doing? Do you know why I broke up with him?"

Binitiwan ni Eunice ang braso ni Marco at humarap siya sa tahimik na si Zoien.

"No, wala akong pakealam sa rason mo."

Napatawa si Eunice.

"Alright pero dahil concern ako sa 'yo let me tell you this. Marco's family isn't ordinary. He's from an assasin clan. Scary right?"

"Stop it Eunice!" suway ni Marco.

"What? I'm just concern about her welfare."

"Ah, ang babaw mo naman pala," nakangiting sabi ni Zoien.

Nanlaki ang mata nila sa sinabi ng dalaga. Bakit parang wala lang sa kaniyang ang natuklasan?

"W-What did you said?!" Eunice,

"Ah, bingi rin."

"You--" Balak na sana niyang sugurin si Zoien pero pinigilan siya ni Horus.

"Don't Honeybabe, control."

Pinakalma ni Eunice ang sarili bago binalingang muli si Zoien. "Hmp! Take back what you said!" angil niya na ikinalawak ng ngiti ni Zoien.

"Sorry, but I won't take back what is true. Napakababaw ng rason mo para hiwalayan si Marco. 2 years relationship ang sinayang mo dahil lamang nalaman mo kung saang klase ng pamilya siya nabibilang. Tell me, hindi ba't kababawan iyon? " seryosong saad ni Zoien. "So what if he was a part of an assasin clan? Naduwag ka? Kaya iniwan mo siya at pinagpalit? Kakaiba ka rin magmahal."

Nagsalubong ang dalawang kilay ni Eunice. "What do you even know?!"

"Nothing, but I know Marco deserve someone better than you. Someone who is opened minded and pure in terms of acceptance."

"And that's you?" Pagak na tumawa si Eunice.

"What if I am?" seryosong saad ni Zoien na ikinatigalgal ng lahat.

Maging ang Royalties ay nagulat rin sa bigat ng sinabi nito.

"W-Wifey alis na tayo." Balak na sanang higitin ni Marco si Zoien subalit hindi nagpatalo ang dalaga.

Hinawakan ni Zoien ang kamay ni Marco at pinakita iyon kay Eunice.

"Marco loves you, sa kabila ng kasamaan ng ugali mo. Puro ka niyang minahal. Walang pag-aalinlangan kahit pa marami na ang tutol sa inyo. So tell me, tunay mo bang minahal si Marco o baka tulad ka rin ng iba na ang nais lamang ay popularity?"

Pinagmasdan ni Zoien ang eskpresyon ng mukha ni Eunice.

"Mahal mo ba siya dahil siya si Marco o baka meron kang hidden agenda? Dahil kung mahal mo siya, kahit na malaman mo ang pinakatatago niyang sekreto, hindi magbabago ang pagmamahal mo."

"..." Natahimik si Eunice.

Ngumisi si Zoien.

"So, I guess you are no different after all."
Nginitian ng dalaga ang magkasintahan.

"Thank you for letting him go. At least he won't be stuck with someone like you. Good luck with your new boyfriend. Let's go Hubby."

Hinila ni Zoien paalis si Marco at iniwan sina Eunice na hindi nawala ang gulat sa kanilang mukha.

Hindi mapigilan ni Marco ang mapangiti dahil sa sinabi ni Zoien, tila may kung anong humaplos sa kaniyang puso.

"You know, she's telling the truth, wifey. My family is from the decendant of assasin's."

"And?"

Bahagyang nagulat si Marco sa sagot ni Zoien.

"Hindi ka ba natatakot?"

Tumigil sa paglalakad si Zoien upang harapin si Marco.

"Will you kill me?"

"Huh? Bakit ko naman gagawin iyon? My family has a code to obey before killing someone."

"See? Kaya walang dahilan para matakot. Your Ex doesn't trust you enough."

Hindi mapigilang mapangiti ni Marco. "Ow, I wanna kiss you right now!"

Ngayon, si Zoien naman ang nagulat dahil sa tinuran ni Marco maging sa kasunod na ginawa ng binata. Niyakap siya nito.

"Thank you for rescuing me. I almost pass out a while ago."

Pinatong ni Marco ang kaniyang baba sa kanang balikat ni Zoien. He can smell melon scent.

"Lalo na sa sinabi mo tungkol sa pamilya ko. Mahal ko ang angkan ko kahit na ano pa sila kaya salamat nang marami. You made me happy, wifey." Malambing ang paraan ng pagkakasabi ni Marco. Puno iyon ng sensiridad.

"W...W-alang anuman. A...A-h, pwede bang bitiwan mo na ako." Nahihiya si Zoien.

No one embrace her like this, beside her Uncle and Auntie that's why she was a little flustered.

"Eh? But I am your hubby right?" tudyo niya na mas ikinapula ng pisngi ni Zoien.

"T-That w-was Lia's idea."

"But it was cute. Call me hubby again...! Ouch!" Nakatanggap siya ng batok mula kay Sahara samantalang sabay na hinila nina Riyo at Teron ang braso ni Marco upang ilayo  siya kay Zoien.

"Mapagsamantala ka talaga bakulaw!" sita ni Feltesia.

Nanatili naman ang pamumula ni Zoien na napansin ng magkakaibigan.

"You're blushing," bulong ni Nathalia.

"A...a-h, ewan ko ba. Ang init bigla." Pinaypayan ni Zoien ang mukha gamit ang kanan kamay.

Mabilis na kinuha ni Marco ang binili niyang inumin mula sa loob ng dala niyang plastic.

"Here! I bought some drinks!" Inilahad niya ang isang strawberry drink kay Zoien.

Tila nagningning ang mata ng dalaga dahil paborito niya iyon. Kinuha niya ang inaalok na inumin ni Marco.

"Thank you! It's my favorite!" Walang pagdadalawang isip na binuksan iyon ni Zoien at uminom.

Mas lalong lumawak ang ngiti ni Marco. He was happy.

"Woah, napapansin niyo ba?" -- Riyo.

"Ang alin?" -- Aki.

"Parang extra tayo dito? Oo, pansin na pansin ko." -- Jacob.

"I know what you meant." -- Sean.

"Look at this two, sarap pagbuhulin." -- Felt.

"They are ignoring our presence!" -- Nathalia.

"Hayaan niyo na." -- Arthur.

"Nakakaaliw silang pagmasdan." -- Courtney.

"Kinikilig ako! Hubby and Wifey! Enebey!" -- Rossette.

"Mahihiya ang cookies na dala ko." -- Margarrette.

"Layo na tayo guys, baka langgamin tayo." -- Alisa.

"Sang-ayon ako. Tara na," natatawang ani ni Xenon.

"Tsk! Huwag nga kayo!" asar na pahayag ni Marco dahil sa kalokohan ng mga Royalties.

Pagkatapos nila magsukat ng mga damit na isusuot sa kaarawan ni Courtney saka sila nagliwaliw. They went to archade at ilang shop para naman kahit papano magkaroon sila ng bonding time. Hindi nagtagal ang kanilang pamamasyal.

Pauwi na sila nang tumunog ang phone ni Zoien. Agad niya iyong tinahaw.

Agent X:

Meet me at the Paradise Coffee shop. ASAP!

Mabilis siyang nagreply. It must be urgent like her submission of report. Pagkatapos pindutin ang send button saka niya  binalingan ang mga kasama.

"Guys! Sorry hindi ako makakasama sa pag-uwi may dadaanan lang ako," paalam ng dalaga.

"Where? Kung gusto mo samahan--"

"No need, magta-taxi na lang ako. Alis na ako. Bye!" Halata ang pagmamadali ni Zoien.

"Wait Zoien!" Habol ni Marco pero nakaalis na ang dalaga. "Oh boy, nakalimutan kong ayain siya bilang date ko sa Friday," nanghihinayang niyang samo.

Tinapik ni Riyo ang kanan niyang balikat.

"You can ask her some other day bro, bilisan mo kasi kumilos!"

"Tama, huwag kang pagong," natatawang aniya ni Jacob.

"Tigilan niyo nga ako. Oo na, I ask her out."

Nangunot ang noo ni Felt.

"Just make sure to treat her well bakulaw, kundi lagot ka sa akin."

"Right! Don't ever treat her ill or else." segunda ni Nathalia.

"Yup, if you hurt Zoien, itatakwil kita," banta ni Sahara na ikinanguso ni Marco.

"Masasampal din kita kapag sinaktan mo ang damdamin ni Zoien! Naku!" nanggigigil na dagdag ni Rossette.

Natawa nang mahina si Courtney.

"Looks like mas madami ang supporter ni Zoien," aniya.

"Does that mean you will have my back Courtney?!" Marco beamed.

"Nope, sorry to burst your bubble but I love Zoien kasi," pahayag ng dalaga na lalong ikinanguso ni Marco.

"How about about the others?"

Nagtaas ng kamay si Margarrette.

"I choose Zoien, sorry Marco."

"Taas ang kamay ng suppoter ni Ate Zoien!" -- Teron.

Nagtaas ng kamay ang lahat na ikinamaang ni Marco. Maging sina Sean at Trina ay kasama rin.

"So, mas mahal niyo siya kesa sa akin?"

"Yup!" Sabay-sabay nilang saad.

"Tsk, sabagay that's to be expected."

Nagpakamot na lamang ang binata sa kaniyang batok. Alam niya sa sarili ang rason kung bakit marami ang may gusto kay Zoien. She was very unique. A precious gem.

"Don't worry I won't do something like that to her. She deserve to be cherish and love," saad ng binata sa seryosong paraan na ikinangiti nilang lahat.

'They like Zoien anyway. They want the best for her.'

MABILIS NA NAKARATING si Zoien sa paradise café. Tulad ng inaasahan, maagang dumating si Agent X. Umiinom ito ng kape. Kapansin-pansin ang makapal na mga folder sa ibabaw ng mesa. He must have been from the Head Quarters. Naupo si Zoien sa bakanteng silya.

"Sorry po Uncle, nahuli ako ng dating."

"It's okay, I need your report." Humigop ng kape si Morgan.

Kinuha ni Zoien mula sa dala niyang pouch ang USB kung saan niya nilagay ang katatapos pa lamang na report.

"Here," inilapag niya iyon sa tapat ni Morgan. "Nakapaloob rin po ang tungkol sa pre-test ng latest weapon Type unit: NZB at maging ang detalyadong impormasyon ukol sa New Type Manticore na bunga ng dark syrum."

Kinuha ni Morgan ang itim na USB at inilagay sa bulsa ng kaniyang black tuxedo.

"Great work, this will surely help a lot. Nais iparating ng Hari ang taos-pusong pasasalamat sa tulong mo sa nakaraang rescue operation. The King will be back again. He was invited in  Courtney's 18th birthday."

"I heard about that from Margarette. Nakakatiyak naman po ako na mas papataasin ng Don ang security sa okasyon iyon."

"That's right. He will propably do that. By the way, did you call 'him'?"

Napakislot sa pwesto si Zoien. Alam niya kung sino ang tinutukoy ni Morgan. Bumahid ang lungkot sa mga mata ng dalaga.

"I tried. Ilang beses po but he never reply even once."

Napabuga ng hangin si Morgan. "That's obstinate fool."

"Sa tingin niyo po pupunta siya?"

"He will. 18th birthday ni Courtney ang pinag-uusapan natin dito. Huwag mong pakaisipin. Homer will come."

Bahagyang ngumiti si Zoien. "Sana nga po Uncle, sana nga."

"Well, I need to go back. Marami pa akong dapat na i-compile na mga papeles. Ingat ka kiddo," paalam ni Morgan. Binitbit niya ang mga folders bago naunang umalis.

Nagpakawala nang malalim na buntong hininga si Zoien. Thinking about Homer really stress her out.

Balak na sana niyang umalis subalit isang bagay ang nakakuha sa kaniyang atensyon.

Isang larawan.

Nakakatiyak siyang nahulog iyon sa isa sa mga dalang files ng kaniyang Uncle. Hinanap ni Zoien si Morgan subalit wala na ito.

"Maybe, I can give it to him some other time," aniya bago pinulot ang nahulog na larawan.

Luma na ito. Halos, hindi na makilanlan.May mga napansin siyang nakasulat sa likuran nito. Dugsong-dugsong. Binasa niya iyon.

Project Chrome:

A research collaboration about human DNA and genome. An experimentation of making a human CHROME through mutation.

It was dated 17 years ago. Nagtataka man ay iniharap niya ang larawan at nanlaki ang kaniyang mata dahil sa gulat.

Litrato iyon ng dalawang babaeng nakasuot ng lab coat at kinunan sa isang laboratory.

"M-Mom," samo niya matapos makilanlan ang kaniyang ina na si Zeiraphine.

Dalaga pa ito nang kunan ang litrato subalit ang mas pinagtuunan niya ng atensyon ang katabing babae ng kaniyang Ina.

Halos manuyot ang kaniyang lalamunan dahil pamilyar sa kaniya ito.

Black hair. Grey eyes.

It was as if she's looking at her own reflection. Kamukhang-kamukha niya ang katabing dalaga ng kaniyang ina.

Nanghihinang napaupo si Zoien at napatakip ng kaniyang bibig. Another thing is that she can see a tube like incubator sa likuran ng mga ito at may nakatatak roon na Subject #001.

Wala sa sariling napahawak siya sa kaniyang serial code sa balikat. Maraming katanungan ang nabuo sa kaniyang isipan. Higit sa lahat ang pag-aalinlangan tungkol sa sarili niyang pagkatao.

Sino ang babae? Bakit magkamukha sila? Anong kaugnayan ng kaniyang ina sa babaeng nasa larawan? At ano ang Project Chrome? Anong mga bagay ang hindi niya alam?

Subalit alam niyang may malaking sekretong inililihim ang Sanctum tungkol sa kaniyang pagkatao. Nabuo ang isang desisyon sa kaniyang kalooban.

"I need to find out what this is all about and her identity." Hayag ang determinasyon sa kaniyang isipan.

Ano nga kaya ang mga bagay na matutuklasan ni Zoien? Makakaya niya kayang tanggapin ang sekretong iyon?

-Itutuloy-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top