[65] RESCUE OPERATION AND THE DARK SYRUM

No Edit: 08/18/20

"Beyond a doubt truth bears the same relation to falsehood as light to darkness." - Da Vinci

CHAPTER 65

(FREZIA'S MANSION)

"Ano ba?! Bitaw sabi! Isa akong Hari! This is an act of physical harrasment! I can sue everyone!" Pilit pumipiglas ni Rusell mula sa pagkakahawak  sa kaniya ng ilang mga kalalakihan na mula pa sa LIA -- Lotus Intelligence Agency. "My family needs me!"

Napailing si Andrei. "Huwag matigas ang bungo mo Russell, tumahimik ka na lang dyan. Sige, takpan ang bibig ng mahal na hari. Nakakainis ang kaniyang boses."

Nanlaki ang mga mata ni Russell dahil sa sinabi ng kaniyang kaibigan subalit wala siyang nagawa nang lagyan ng packing tape ang kaniyang bibig.

"Hmn! Hmn!" Tinalian rin ang kaniyang mga kamay at paa upang hindi ito makatakas samantalang nakatali naman sa isang pillar si Hartley na katulad ni Russell 'di makawala sa pagkakagapos at may takip rin ang bibig.

Napahaplos sa batok si Ivan. "Sigurado kayong dapat ganito ang gawin natin sa kanila?"

They already anticipate the abduction to happen kaya't mabilis silang nakaresponde. The terrorists are being tracked down. Hindi magtatagal matutunton din ang kanilang hideout. The Xtherion will eliminate them and save the Royal Family.

Nagbuga ng usok si Morgan mula sa kaniyang hawak na sigarilyo.

"If we release them right now Ivan, I'm sure. Hindi magdadalawang isip ang dalawa na sumugod sa puder ng kalaban. Mahigpit na utos mula sa nakakataas ang kaligtasan ng Hari. His existence is crucial to us lalo na sa kaharian ng Theranian. If he dies, tiyak na sisiklab ang isang malaking panganib, hindi lamang sa kanilang lugar maging sa karatig bansa."

Sumandal sa pader malapit sa may binata si Andrei.

"Ang Theranian ay isa sa bansang may mataas na kalidad ng mga armas na pandigma hindi lamang iyon ang kapakinabangang kanilang ambag dahil sila rin ang pangunahing pinagkukunan ng yamang mineral." Seryoso ang mukha nito habang nagsasalita. "Kapag napunta sa maling kamay ang buong kaharian, isa lamang ang maaring maganap."

"Digmaan," pagpapatuloy ni Ivan.

"Oo, malaki ang tsansang iyon ang maganap lalo pa't iyon din ang dahilan ng pag-aklas ng ilang mga rebelde at terorista sa Theranian. They want absolute power." -- Morgan

"Kung ganun, anong plano?"

Parehong namutawi ang isang mapaglarong ngisi sa labi nina Morgan at Andrei.

"Ano pa ba? The Xtherion are on their way to rescue the Royal family at syempre ngayon na nakakuha ng matibay na ibendensya si Troy aka Agent Vain, may tsansa na tayong mahuli ang traydor sa kaharian." -- Andrei.

"So for the mean time, we have to find the mole in this mansion to protect our 'dear King', am I right? Russell?" May halong panunudyo ang boses ni Morgan.

"Hmn! Hmn!" Pilit na salita ni Rusell.

"Oh shut up dude, don't worry about your family, they are safe." -- Andrei.

"Yeah, just trust us." -- Ivan.

Napabuga ng hangin si Russell bago dumapa sa kaniyang malambot na kama.

'Sana nga, ligtas ang kaniyang pamilya," ika niya sa sarili.

(WEST BORDER OF THE CAPITAL -- MOUNTAIN RAINFOREST)

NAKAAWANG ANG BIBIG ni Margarette habang nakatingin sa binatang pumasok sa kanilang silid. Kilala niya ito. Hindi siya maaring magkamali.

Sariwa pa sa kaniyang isipan ang itsura ng lalake. Ang kulay pula nitong buhok lalo na ang walang kabuhay-buhay nitong mga mata.

"Phyton," usal niya na ikinangisi ng binata.

"Oh? I'm happy you still remembe me. We meet again, princess."

"You know him anak?" usisa ni Vanessa.

"Not entirely Mom, we bumped to each other," tugon ng dalaga na hindi inaalis ang tingin kay Phyton.

"Anong kailangan niyo sa amin?" singit ni Richard kaya't napunta sa kaniya ang malamig na tingin ni Phyton.

Ngumisi ang binata bago sumagot. "Sa inyo wala, sa Hari mayr'on."

"M-May masama ba kayong balak sa Daddy namin?" hayag ang takot sa tinig ni Mariannae -- nagsumiksik siya sa yakap ni Vanessa.

"We want him dead." Walang pag-aalinlangan paghahayag ni Phyton na ikinasinghap nina Vanessa at ikinakuyom ng mga kamao ni Richard.

Muli may nagbabanta sa buhay ng kanilang Ama -- ito ang dahilan kung bakit mas ninais ni Russell na malayo sa pamilya dahil sa takot na madamay sila sa nangyayaring banta sa kaniyang buhay. Mga kaakibat na panganib ng pagiging isang pinuno ng isang bansa.

"Oh? Did I startle you all, I apologize, hindi ko lang talaga mapigilan ang dila ko." Nagpamulsa si Phyton. "He will come to save you right? If he does, we will kill him." Tumalikod na ang binata ngunit bago siya lumabas may panghuli pa siyang sinabi na siyang nagpakilabot sa mga ito. "Huwag kayong mag-alala, isusunod namin kayo sa kaniya." Tuluyang umalis ang binata isinarang muli ang pinto.

Margarette can't believe he's one of those bad men. She almost thought he's different but what does she know? Napakagat labi na lamang ang dalaga.

Napahigpit ang yakap ni Vanessa kina Reese at Marianne na halata ang panginginig ng katawan samantalang bakas ang pagkabalisa sa mukha nina Richard at Margarette.

"Mom, si Daddy," humikibi na si Marianne.

"Sshh, magiging maayos din ang lahat. Magtiwala ka lang. Hmn?" Pinakalma ni Vanessa ang dalaga.

"Tama si Mom, tahan na." Hinagod ni Margarette ang likuran ng kapatid. "He's safe. We will get out of here in no time. Walang mapapahamak ni isa man sa atin."

Sumandal sa may bintana si Richard. "An assasination atempt, they know that the king is here, that only means one thing...?" seryosong tiningnan ng binata ang mata ng Ate niya.

Mapait na ngumiti si Margarette. "There is a traitor among his councilor."

HINDI MAPAKALI SI Phyton. Nakatatak sa kaniyang isipan ang mukha ng babaeng iyon. Napahilamos siya sa kaniyang mukha.

"Damn it, to think she's a princess? Woah, pinaglalaruan talaga ako ng tadhana," aniya sa sarili habang sipa-sipa ang katawan ng isang puno. Sa paraan iyon lamang naiibsan ang inis niyang nararamdaman.

Mula sa puno -- napailing si Shellon sa ginagawa ng kapatid.

"So, she's the girl who stole your cold heart. I see, hindi naman kita masisisi Kuya pero pwede ba! Huwag mong pagbuntungan ng inis ang kawawang puno!"

Marahas na tumingala si Phyton.

"At anong gusto mong gawin ko? Ikaw ang pagbuntungan ko?!"

Napairap ang dalaga bago ikinampay ang mga nakalawit na paa.

"If you can, that is?"

"Tsk, naiiyamot ako." Sumandal na lamang sa katawan ng puno si Phyton.
Inumpog ang likurang ulo. "'Di kaya may sakit na ako Shellon?"

"Ha? Anong klaseng sakit? Katangahan?"

"Tsk, isipin ko na lang na hindi ko 'yon narinig. Putulin ko pa dila mo."

"So? Ano nga?"

"May sakit ata ako sa puso."

"What?"

"'Wag kang bingi."

"Whatever Kuya. Kailan pa tayo nagkasakit aber? We are immune to any deseases moron."

"Kung gan'on ano itong nararamdaman ko?" Pinakiramdaman ni Phyton ang kaniyang dibdib. Tumitibok iyon ngunit sa ibang paraan. Mabilis, na may kasamang sakit.

"Anime pa more Kuya. Tsk." Bumaba sa puno si Shellon. "You're just inlove, tara na, may mga taong nakapuslit sa mga bantay." Tinahaw ng dalaga ang kaniyang pares na daggers. Mabilis niyang naramdaman ang ilang presensya sa paligid. Maingat ang kilos ng mga nakapasok. Nakakatiyak siyang hindi basta-basta ang mga ito.

"Tsk, mas maagap sila umaksyon kesa sa inaasahan." Tumayo na rin si Phyton kinuha ang kaniyang katana. "It's show time."

MAINGAT NA NAGTAGO sa may pader si Light. Nilibot ang tingin sa buong paligid, maraming armadong kalalakihan ang nagbabantay.

"5 o'clock," rinig niyang pahayag ni Friore. Pitong metro ang layo ng dalaga -- nagtatago sa madilim na parte kasama nito ang isa pang infielder na si Uno.

"I can see 8 of them, in your location." -- Main

"Thanks Main, I can knock down three men." -- Uno

"Well, the other three are near in my position. I can take care of them." -- Friore

Ngumisi si Light, "Bakit palaging dalawa ang natitira sa akin?"

"'Wag magreklamo! At least aksyon kayo agad pero kami heto, walang thrill." -- Altear. Tumigil ang binata sa lugar na wala masyadong bantay. Nakatuka sa kaniya ang unang palapag ng mansion.

Nasa timog na bahagi sila ng abandunadong mansion. They already locate the room where the terrorist caged the Royal family.

"I know you want some action but we have to be careful, they got some hostages." Nilibot ni Samara ang mapag-obserba niyang mga mata sa paligid, matapos makitang walang tao saka siya lumambitin sa mga puno patungo sa balkonahe ng ikatlong palapag. Maingat siyang nakalapag sa railing nito at walang pag-aalinlangan na pumasok. Narinig niya ang ilang halakhakan ng mga lalaking nakabantay, naglalaro ang mga ito ng baraha.

"I agree, kailangan walang makahalata na nakapasok tayo." Dahan-dahan na nilapitan ni Deux ang nakatalikod na bantay. Isang swabeng kilos ang kaniyang ginawa. Pinalo niya ang batok nito sanhi upang ikawala nito ng malay. Mabilis niyang hinila ang walang malay na lalaki at itinago sa isang lugar na walang makakita bago ipinagpatuloy ang pagpasok sa loob ng ikalawang palapag.

"There are 30 men in that area, armed with high class weapon. They are still dangerous. Just be careful not to activate some mines and any explosives. Ayaw kong umuwi kasama ang nagkalasog-lasog ninyong mga katawan," saad ni Devine habang nagtitipa sa kaniyang monitor. She is 20 meters away from the enemies lair. As usual, she's monitoring everyone's welfare.

"Roger that Main! Ayaw ko ding madamay!" Sumampa sa malaking puno si dark. Inayos ang pagkakaupo sa mataas na sanga bago sumilip sa scope ng kaniyang Sniper Rifle -- AW50 unit.

He is 15 meter away. Dark's target are those men on the roof top.

Sina Light, Friore and Uno -- sila ang naatasan na patulugin ang mga bantay sa paligid.

Habang sina Altear, Samara at Deux -- sila ang bahala sa mga kalabang nasa loob maging ang pagsagip sa pamilya ng hari.

"This is Five. I'm in."-- Samara.

Current location third floor. Mula sa kaniyag pwesto, tanaw ang ilang mga kalalakihan na nagkakasiyahan. Walang kamalay-malay sa nagbabadyang panganib. Itinahaw ng dalaga ang limang maliliit na marble -- once na napindot ang pulang button naglalabas iyon ng gas na kayang maapektuhan ang mga mata, maiihalintulad sa tear gas.

"Four in positiion." -- Dark. Inisa-isa niyang binilang ang mga nasa rooftop there are three of them. Minarkahan niya ang mga ito. 'You're mine,' ika niya sa sarili bago inilagay ang hintuturo sa gatilyo ng baril.

"Zero, clearing the east side second floor, completed," aniya ni Deux sabay lapag sa sahig ng huling kalaban niyang napatumba.

"Six, waiting for further intruction." Bakas ang pagkabagot sa mukha ni Altear habang binabaybay ang daan sa first floor ng mansion -- 'di alintana ang nagbabadyang panganib.

"This is three, reporting -- all men around the perimeter, already immobilize." Pinagmasdan ni Friore ang ginawang pagtali nina Uno at Light sa mga bantay sa paligid. They knocked them out.

"Alright, everyone commense the rescue plan B. Dark, you know what to do," utos ni Devine.

Isa-isa ngumisi ang myembro ng Xtherion bago kumilos. They move in sync. Isa-isang pinatulog ni Dark ang mga tauhang nasa roof top.

Samantalang inihagis ni Samara ang marble sa ilalim ng mesa kung nasaan nakaupo ang limang kalalakihan -- ang nagbabantay sa silid kung saan nakakulong ang royal family. Mabilis na kumalat ang asul na gas sa paligid, she took advantage of the situation. She attacked them one by one hanggang sa tuluyan na silang nakatulog bago pinuntahan ang silid kung nasaan nakakulong ang Royal Family upang sila'y tulungan makatakas.

They all wore their helmet kaya't di sila makikilanlan ng mga ito subalit nakatatak sa kanilang battle suite ang marka ng konseho. Agaran binuksan ng dalaga ang pinto at tumambad ang pamilya ng hari.

"I'm from the Council, we are getting you all out of here. Let's go," utos niya na dagliang sinunod ng mag-iina.

Nagpatuloy si Deux sa pag-atake sa ilang mga kalabang nasa second floor upang makasigurong walang kalaban na sasalubong sa pagbaba nila Samara.

Hindi rin nagpatalo si Altear, madali niyang napabagsak ang mga nakakasalubong niyang mga kalaban hanggang sa nakatagpo niya ang leader ng Terrorist -- walang iba kundi si Striker.

He smirked, "This is Six, main target spotted. What's you command?"

"Knocked him down," utos ni Devine.

"Roger that Main," walang pag-aalilagan na sinugod ni Altear si Striker.

The large man just grinned. May halong inis dahil hindi umayon sa kanilang plano ang lahat.

"I'll show you how to kill a pest!" He roared and made his counter attacked.

NAGPALITAN NG TINGIN ang magkapatid na Vaugh dahil sa mga ingay na kanilang naririnig na nagmula sa loob ng mansion.

"It's already started," pagbibigay-alam ni Shellon na ikinasang-ayon ni Phyton.

Nagmadali silang nagtungo sa back door -- malapit na silang makapasok nang isang pigura ang lumapag sa kanilang harapan, hinarangan ang kanilang daan.

They halted and eyed the figure.

"Sorry but you're opponent would be me," aniya sa monotone na tinig.

Tumunghay sa kanila ang nakamaskara nitong mukha. Unang nakakuha sa kanilang atensyon ang simbolo ng lotus. Ang hubog ng katawan nito, balingkinitan. All black, ngunit kapansin-pansin ang puting buhok at pulang mga mata. Ganunpaman, madali siyang nakilalan ng magkapatid na Vaugh.

"At last! We finally meet Phoenix!" sabik na pahayag ni Phyton. He unsheated his sword and pointed the sharp end towards the girl. "Pagbabayarin kita sa ginawa mong pagpaslang sa iba pa naming kasamahan."

"Hey! 'Wag mong solohin! Gusto ko rin siyang makalaban!" -- Shellon.

Pinagmasdan ni Pheonix ang magkapatid. They looked mature compare to the pictures they got but still, they are part of the Elite Warriors, she can't understimate their potential. Lalo na't hayag ang killing intent ng mga ito.

"Searching information..." -- Elvina... "Information -- not found."

Napabuga na lamang ang agent ng hangin sapagkat muli, walang nahanap na impormasyon ang kaniyang A.I. tungkol sa dalawa na myembro ng WEB.

Pinagmasdan ni Phoenix ang dalawang nasa harapan na handang sumugod. "Surrender or die?" tanong niya sa magkapatid.

"We choice the latter!" Unang umatake si Phyton. He made horizontal strike na madaling naiwasan ni Phoenix sumunod si Shellon, she threw her daggers.

Umilag ang babaeng agent, sa bawat atakeng ginawa ng dalawa, she can see and feel everything. Her senses are highthen. Mabilis ang bawat pagwasiwas ng sandata ni Phyton maging ang paghagis ng mga patalim ni Shellon, ngunit dahil naka-activate ang kaniyang kakaibang kakayanan kaya't nagagawa niyang mapantayan ang dalawang bihasang tagapaslang.

Umikot si Phoenix upang sipain ang dibdib ni Phyton. Sinangga ng binata ang atake niya subalit kulang iyon dahil tumalsik ang binata sa katawan ng isa sa puno. Tila nabali pa ang ilan sa kaniyang buto.

"Kuya!" Inis na binalingan ni Shellon si Phoenix. Inamba nito ang kamay na may patalim upang saksakin sa bandang dibdib ang kalaban ngunit bago pa lumapat iyon ay agad na nasambot ng babaeng agent ang kamay. Ilang sentemetro ang layo ng dulo ng dagger sa dibdib ng babae.

"Uulitin ko, sumuko na kayo," diin ni Phoenix habang hinihigpitan ang kapit sa pulsuhan ni Shellon.

Kahit nasasaktan ay nagawa pang sipain ni Shellon ang tyan ni Phoenix. Napaatras lamang ito ng limang hakbang na ikinapalatak niya. 'Kung gan'on, malakas pala ito. 'Di na nakakapagtaka kung paano niya nagawang mapatay ang kanilang mga kasamahan.' Kaniyang hinaplos ang nasaktang pulso, 'di iniinda ang hapding nararamdaman.

"Tsk, you have strength of a monster." Dumura ng dugo si Phyton bago tumayo at pinaputok ang kaniyang leeg. "No wonder, you stand against our co-members. Just who are you Phoenix?" Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa kaniyang kapatid na si Shellon ngunit hindi inaalis ang tingin sa kanilang kalaban.

"My identity, doesn't matter. I'm offering you a way out from the WEB organization. Kaya sumuko na kayo."

Napailing si Phyton at mapait na ngumiti si Shellon.

"Masyadong mataas ang layunin mo Agent, ang mga katulad namin wala na kaming tsansa upang makawala pa." Itinaas ni Phyton ang kaniyang sandata.

"Ang tanging paraan upang makawala kami...ay kamatayan." Kumuha muli ng patalim si Shellon. "Every member of the WEB, never ever leave alive. Kahit ang mga nahuli ninyong rulers, for sure they are dead by now. Our Big Boss, never show mercy towards his enemy even more... to him we are just his pawn. His puppet."

"I know," saad ni Phoenix na ikinatigil ng magkapatid. "Alam ko ang pakiramdam na mapaglaruan at manipulahin. I've been there but there is still a chance to save you."

"Sana nga, gan'on lang kadali ang lahat, subalit you are too late. So fucking too late!" Muling sumugod si Phyton kasabay ang kapatid nitong si Shellon.

They move in sync. Alam na alam ang kilos ng bawat isa. Phoenix is still on the defense.

"Fight!" udyok ni Phyton. "You will die if you won't fight!"

"I've been fighting all my life! I thought if ever I destroy the WEB that would end everything! But I was wrong! Hindi lamang ako ang lumalaban! Kayo rin 'di ba?!"
Inilagan ni Phoenix ang talim ng espada ni Phyton, muntikan mahiwa ang kaniyang leeg.

"You sure talk big!" Sinaksak ni Shellon ang binti ni Phoenix. Bumaon ang kalahati ng talim sa laman nito. Mabilis na umagos ang masaganang dugo na ikinaangil nito.

Phoenix manage to stand up but Phyton still continue his attack. He slice her left shoulder na ikinasira ng damit nito. She immediately jump away -- five meters.

"Well, that was easy." Pinaikot ni Shellon ang patalim na nababalutan ng dugo ni Phoenix.

"She's holding back Shellon, don't understimate her," paalala ni Phyton.

Napabuga ng hangin si Phoenix. Naramdaman niya ang pagsara ng kaniyang mga sugat. Umayos siya ng tayo at tuluyang sinira ang parte ng kaniyang damit sa balikat na ikinalantad ng kaniyang serial code. Hindi iyon nalingid sa paningin ng dalawa.

The moon above them was so bright. Kaya't kitang-kita nila ang paligid.

"Y-You...?" Gulat ang mababasa sa mukha ni Shellon.

"Yes, I was a part of the WEB. The very first child assasin or should I say the first Elite Warrior -- 001." Pagsisiwalat ni Phoenix.

"To think that you survive. Wow, I can't believe I will meet the only survivor of the first batch elite warriors." -- Phyton.

"The WEB took everything away from me, my family, friends, and my own identity. I seek for justice. I want to destroy THEM at all cost but that was just a part of revenge and I hate it. Magkaiba ang hustisya sa paghihiganti." Hinaplos ni Phoenix ang tanging markang nag-uugnay sa kaniya sa WEB. "Na-realise ko na hindi lamang ako ang naging biktima ng WEB, killing all of you doesn't solve everything." Sandali siyang tumahimik. "I will save those who deserve to be save and destroy everything that is needed to be destroy."

"You are insane." Napakuyom ng kamao si Shellon dahil sa inis. "Huwag kang hipokrito, huwag kang umakto na para kang bayani! Dahil wala kang ipinagkaiba sa mga katulad namin! You killed many! How could you say this absurb thing to us! As if you we're a saint! You're bull of crap!"

"Tama ka, hindi ako magmamalinis dahil marami na akong napatay at kahit na anong gawin ko, hinding-hindi malilinis ang mga kasalanan iyon. Baon ko iyon hanggang sa kamatayan ko." Pag-amin ni Phoenix.

Napakamot sa buhok si Phyton. "Tsk, great at destroying the mood Phoenix. Nawalan na ako ng gana makipaglaban."

Maang na pinagmasdan ni Shellon ang kapatid. "Kuya! What the eff!"

"Ano? Kung gusto mong magpatuloy, sige. Labanan mo siya. Hindi kita pipigilan." Tumalikod na si Phyton subalit nakakatatlong hakbang pa lamang siya nang isang pangyayari ang gumulantang sa lahat.

Sumabog ang unang palapag ng mansion na malapit sa kanilang pwesto. Mabilis na binuhat ni Phyton ang kapatid upang makalayo sa pagbagsakan ng mga debri at mababasaging bubog. Umiwas din si Phoenix.

Napuno ng alikabok at usok ang paligid. "What the heck!" inis na pahayag ni Phyton habang buhat ang kapatid niya.

"Nagdenotate ba ang time bomb?" turan ni Shellon.

Mahina lamang ang pagsabog, isang granada.

"No," singit ni Phoenix dahil gamit ang kaniyang mga mata. Iba ang nakikita niyang dahilan. Agaran niyang pinindot ang earpice. "This is phoenix, status of the Royal Family."

"Malapit na silang makalabas sa tulong nina Cinq at Zero." -- Main.

"How about Six?"

"He's fine. I can see in my monitor his status level. Nakatamo siya ng ilang pinsala dahil sa pakikipaglaban niya kay Striker at ang iba ay dahil sa pagsabog. More importantly, I want to inform you about something." Devine trailed off. "Striker turned into Manticore."

Sandaling nagulat si Phoenix sa narinig. "Turned into? How could that be possible."

Dahan-dahan tumayo ang malaking nilalang sa kanilang harapan. Maikukumpara ito sa pangangatawan ni 'Hulk' subalit ang kaibahan nga lamang, kulay pula ang buong balat nito, labas ang laman. Walang naiwang buhok, bakat na bakat ang galugod. Mapula buong mga mata, matalas ang mga ngipin, maging ang mga kuko nito ay maikukumapara sa talim ng isang sandata sa sobrang tilos at haba.

"Y-You can't be serious! He used it!" nanghihikatatakutang pahayag ni Phyton na nakakuha sa atensyon ni Phoenix.

"He used what?"

"Centipede newest invention. The Dark Syrum. May kakayahan itong gawing manticore ang isang tao. Isang inject lamang ang kailangan. They'll be invincible hedious monster."

"I see, Main order everyone to retreat the area. I will fight the manticore."

"Are you sure you can handle him?"

"Yup, leave him to me."

Narinig ni Phoenix ang pagkawala ng buntong hininga ni Devine. "Fine, for the safety of my group but don't die in here."

"Roger,"

"Team Xtherion, retreat immediately, that's an order," utos ng dalaga sa buong team na ikinasang-ayunan ng lahat.

"It's a good thing the 'Zero Bullets' are already made."

Itinahaw ni Pheonix ang kaniyang baril at kinuha ang magazine sa storage nito. Kakaiba ang mga bala. Kulay asul iyon. Nilagay niya ang magazine sa loob ng baril.

"We alredy anticipate something like this to happen. Plutonium can kill them but it will cost a lot of casualties but Zero bullets was enough to kill the manticore. This will be the pre-test," saad niya bago binalingan ang magkapatid na Vaugh. "Get out of here."

"Ha?" Bumaba na si Shellon sa kapit ni Phyton. "That's it? You'll let us go?"

"Yup, I'll let you go because I know, we'll meet again."

Ngumisi si Phyton, "If you survive that is. Make sure to save 'them'. Let's go Shellon." Hinigit ng binata ang kaniyang kapatid at naglakad na sila palayo.

"Teka! Anong sasabihin natin kay Dice! He'll kill us!"

"Nevermind him! We can't stand against a super level manticore! Kakainin niya tayo! Mas malala pa sila sa mga 'Titans'! Alis na tayo."

Kahit nasa malayo na ang magkapatid ay rinig pa rin sila ni Phoenix. Napabuga siya ng hangin bago pinagtuunan ng pansin ang manticore.

"FUCK!" daing ni Altear habang pinipilit na makatayo. Nanghihina ang katawan niya. He was caught off guard. Hindi inaasahan na magiging halimaw ang kaniyang kalaban.

Nagturok si Striker ng kulay itim na likido sa bandang leeg pagkatapos ay unti-unting nagbago ang pangangatawan nito hanggang sa naging isa itong Manticore. Isang mapanganib na 'man-eater monster'.

"Six? Where are you? Get out of there?" It was Main.

Pinagmasdan ni Altear ang kaniyang binti, labas ang laman doon, patuloy rin ang pag-agos ng masaganang dugo. Napakagat ng labi si Altear.

"I can't move properly, I injure my calves."

"Tsk, I'm going to get him," presenta ni Samara. Malapit na sila sa kinaroroonan ng sasakyan. Naroon na rin ang iba pang myembro ng Xtherion.

"Hey! Don't sound as if I'm a burden!" naiinis na pahayag ni Altear.

"Yeah right, what you call Main?" -- Friore

"No ones going inside," giit ni Devine.

"What?! But..." aangal pa sana si Samara subalit pinigilan siya ni Deux.

"It's too dangerous. The Manticore is inside," pagpapakalma ng binata.

"Don't worry, Phoenix is still there. She will help him. So chill lang Samara, para kang asawa ni Altear kung mag--Aray!" Binatukan ni Friore ang ulo ni Dark.

"Shut it, moron."

"Stay safe Altear, I already contacted Phoenix, she'll get you out of there." -- Devine.

"Copy that Main, I'll wait."

MABILIS NA UMILAG si Phoenix sa bawat atake ng manticore sa kaniya. Humahaba ang mga kuko nito. Patuloy din ang pagbaril niya sa iba't ibang parte ng katawan nito.

She needs to wait for about a minute bago gumana ang 'Zero Negative Bullet' may kakayahan na gawing yelo ang kahit na anumang matamaan. Sa ganoong paraan imposible mag-regenerate ang kalamnan ng Manticore.

The manticore let out a ear-piercing scream. Walang sariling pag-iisip maikukumpara sa Zombie na ang tanging nais lamang ay ang kumain. Naglalabas ito ng asidong laway at maya't maya ang sigaw.Nakakabingi iyon.
Inamba ng halimaw ang malahigante nitong kamay patungo kay Phoenix, bago pa iyong tumama sa kaniya ay mataas siyang tumalon at lumapag sa malaki nitong braso. Inilapat ng dalaga ang dulo ng baril sa balat nito at sunod-sunod na binaril iyon.

Muling nagpakawala ang halimaw ng isang nakakarinding sigaw -- marahas gumalaw ang halimaw. Dahan-dahan nababalutan ang katawan nito ng yelo -- mula sa mga paa pataas hanggang ulo.
Hindi nag-aksaya ng panahon si Phoenix, maliksi siyang kumilos at nagtungo sa ulo ng manticore. Tinalon niya ang natitirang metro mula sa balikat patungo sa ulunan nito. She shot him through his head. Bumaon ang asul na bala sa gitnang noo ng nilalang na ikinabagsak nito habang nasa kaniyang ibabaw nakatayo si Phoenix.

"Paalam," itinutok niya ang baril sa noo nito at sunod-sunod na pinagbabaril hanggang sa nabalutan ito ng yelo. Tulad ng mababasaging bubog, nabasag sa libo-libong piraso ang nilalang. There's no flesh just crystal pieces hindi makikilanlan na ang mga iyon ay parte ng isang halimaw.

"Agent Phoenix, reporting, Mission Completed."

"Good job, can you get Six?"

"Of course, we'll be there."

Isa na namang mapanganib na likha ng WEB ang kaniyang natuklasan. Kailangan nilang gumawa ng paraan upang mapigilan ang grupo sa lalo't madaling panahon.

Naglakad si Phoenix papasok sa nasirang mansion at namataan si Altear na nakasandig sa isa sa mga pader habang iniinda ang sakit sa binti.

Agad niya itong nilapitan at inalalayan.

"Let's go home, I'm really hungry," aniya ni Altear.

"You're right, nakakagutom nga," pagsang-ayon ni Phoenix.

Another mission has been accomplished. Sabay-sabay silang bumalik kasama ang Royal Family.

(THERANIAN KINGDOM)

MARAHAS NA IBINAGSAK ni Councilor Gamesh ang kaniyang kagamitan.

"Mga inutil! Napakadali lamang ng pinapagawa ko ngunit nabigo pa kayo!" galaiti niyang pahayag.

"Mukhang masama ang timpla natin Councilor Gamesh," agaw pansin sa kaniya ng isang tinig.

Marahas na nilingon ng matanda ang pinanggagalingan ng tinig.

"S-Spider, a-anong ginagawa mo rito?"

Naglakad ang lalaki palapit kay Gamesh. Tumatagaktak ang kaniyang malamig na pawis.

Kahit na nakangiti ang mukha ni Spider, iba ang ipinaparating o ibig sabihin niy'on.

"Binabawi na ating boss ang pagiging isa mong ruler's Number 10 -- viper. Wala ka ng pakinabang sa organisasyon."

"S-Sandali, m-may plano pa ako. Ma--" Hindi nagawang matapos ni Viper ang dapat sabihin kusang sumabog ang kaniyang ulo. Kumalat ang sariwang laman at dugo nito sa buong opisina.

"Tsk, boss doesn't need weaklings. Lalo na ang mga walang pakinabang. You even used the Dark Syrum. You deserve to die," aniya bago kinuha ang isang bleuprint sa drawer nito. Ang pinaglalagyan ng war weapon ng Theranian Kingdom.

He smirked. "War is approaching, I shall witnessed the destruction that I wanted to see." Lumantad ang sapot ng gagamba sa kaniyang batok, maging ang numero Uno sa kaniyang hikaw.

"Number 12, 11, 5, 8 and 10. I wonder who's next?" Ngumisi si Spider.

Lumabas siya ng opisina ni Viper na kilala bilang isa sa mga councilor ng Hari ng Theranian. Ang misyon nito ang kuhain ang blueprint ng war weapon ng palasyo subalit mas inuna pa nito ang sariling kagahaman kaya't kailangan niya itong tapusin.

Hangga't meron silag chip sa utak, walang kahit na sino sa kanila ang maaring makatakas.

-Itutuloy-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top