[60] INTRUSION

No Edit: 08/14/15

-+-

"You will face many defeats in life, but never let yourself be defeated." - Maya Angelou

-+-

CHAPTER 60

(Tuesday -- 4:30 am)

MULING MAAGANG NAGISING si Zoien. Hindi siya nilubayan ng mga bagay na bumabagabag sa kaniyang kalooban. Higit sa lahat ang kaganapan kahapon sa Zip Line. Ang pagtatanka sa buhay ni Nathalia. Pinilit niyang hanapin ang sniper subalit wala itong naiwan ni isang bakas.

He escaped.

Pagkatapos ng mga nangyari ay agad silang bumalik sa resort but they never tell the adults of what happened dahil ayaw nilang mas mag-alala ang mga ito.

Panay naman ang pasasalamat ni Jacob sa kaniya dahil sa pagsagip sa bunso nitong kapatid. Isa lang ang masasabi ni Zoien, mahal ni Jacob ang kapatid na si Nathalia.

Nagpakawala siya ng buntong hininga at bumangon sa kama niya. Inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng malawak na kwarto, mga tulog pa ang kaniyang mga kasama. Dahan-dahan siyang tumayo at akmang maglalakad na palabas nang narinig niya ang munting hikbi. Nilingon niya iyon at napansin ang batang si Trina na umiiyak. Nakapikit ang mga mata nito -- binabangungot.

Nakaramdam ng habag si Zoien. Nilapitan niya ang kama nito na katabi ni Sahara at Rossette.

Mabilis na niyakap niya ang bata.

"Hush now." Hinaplos niya ang buhok ni Trina at inalo ito.

Nagising ang bata, naramdaman niya na may yumayakap sa kaniya at mas lalo siyang napaluha dahil aksyon na iyon.

"A-Ate," humagulhol ito.

"Tahan na, nandito si Ate, magiging maayos din ang lahat, okay?"

Humigpit ang kapit ni Trina kay Zoien.

"Napaniginipan ko po sila. Sina Anton, Ana, Layla at Vitto, paulit-ulit ko pong nakita ang nangyari sa kanila. Ang sakit sakit po ate! 'yong kinikilala kong pamilya! W-wala na sila!"

Hinagod ni Zoien ang likuran ni Trina. Alam niya ang pakiramdam nito. Alam na alam niya.

"Iiyak mo lang ang lahat. Masakit pa sa ngayon at mahirap talaga kalimutan pero Trina, 'wag mo sanang kalimutan na kahit wala na ang mga mahal natin sa buhay, palagi naman silang mananatili sa puso natin, pasensya na kasalanan ko kung bakit nangyari sa'yo ang lahat ng ito. Patawarin mo sana ako."

They stayed like that for a while hanggang sa naramdaman ni Zoien na nakatulog na ang bata. Inayos niya ang pwesto ni Trina. Pinunasan ang basang mukha nito dahil sa luha bago kinumutan.

Losing someone wasn't easy lalo na sa murang edad. She hope Trina can overcome her despair.

Tumayo na si Zoien, maingat na lumabas sa kanilang silid upang magtungo sa kusina. She needs water, tila nanuyot ang kaniyang lalamunan.

Pagkakuha sa petsel ng tubig ay nagsalin siya sa baso bago mabilisan nilagok iyon.

Napabuga ng hangin ang dalaga, bago napahilamos sa mukha. Sa tuwing nakikita niya si Trina, bumabalik sa kaniyang alaala ang mga nangyari.

Dice killed them because of her -- kasalanan niya kung bakit nagdadalamhati ang bata -- kasalanan niya kung bakit nawala ang pinakamamahal nitong pamilya -- kasalanan niya kung bakit, may inosenteng buhay ang nawala.

"Gising ka na pala Iha," bati ng isang boses.

Mabilis na napalingon si Zoien dito.

It was Katarina ang ina nina Jacob at Nathalia.

"A-Ah good morning po, ano pong gusto niyo? Coffee? Milk? Tea?"

Mahinang napatawa ang ginang, "Coffee will do," naupo ito upuan sa may mesa at pinagmasdan ang bawat kilos ni Zoien -- hindi nito inalis ang tingin lalo na sa mukha ng dalaga.

"Can I ask you something?"

"Oo naman po." Kumuha siya ng sangkap sa gagawing kape at inilagay ang mga 'yon sa tasa.

"May nangyari ba kahapon noong nanggailing kayo sa Zip Line?"

Natigilan sandali ang dalaga sa pagkuha ng thermos. "A-Ah, wala naman po. Bakit niyo naman po nasabi?" Nagsalin siya ng ininit sa mug.

Bakit nga ba sya nagsisinungaling?

"Well, I never seen Nathalia so shaken up and more, hindi siya nilubayan ng kuya niyang si Jacob. He was being protective of her. Nagkakagan'on lamang ang anak kong iyon kung meron mang nangyari kay Nathalia, are you sure nothing happen?" Naniningkit ang mga mata ni Katarina, napangiwi si Zoien.

'Bakit ba siya ang nasa hot seat?'

"Huwag po kayong mag-alala wala pong nangyari na ikapapahamak ni Nathalia."

Ngumiti si Katarina.

"Okay, if you said so by the way, sorry for intruding but," Nagpangalumababa si Katarina at hindi nilubayan ng tingin si Zoien. "you know what Iha, you look familiar, nagkita na ba tayo dati?"

She was certain she had seen Zoien before. Pamilyar sa kaniya ang mukha ni Zoien.

"Talaga po?" Kinuha niya ang mug of dark coffee saka inabot iyon kay Katarina na agaran nitong tinanggap.

"Salamat, nag-abala ka pa," humigop ang ginang. "Hmn, wow, you're very good, I like how it taste."

"Walang anuman po, my father loves dark coffee kaya medyo gamay ko na po kung paano magtimpla ng tamang lasa ng kape." Naupo siya sa harapan ni Katarina, bago tiningnan ang tanawin sa labas kung saan makikita ang nagkikintabang mga bintuin sa madilim na kalangitan. Mayamaya sisilip na ang haring araw.

"I really think I've seen you before, hindi lamang talaga ako sigurado kung saan at kelan," pagpapatuloy ni Katarina -- inisip niya nang mabuti kung saan niya nakita si Zoien.

Lihim naman na napangiti si Zoien, "But I also don't remember seeing you before po."

Napatango si Katarina when she finally remembered, "Ow! I knew it!" bulalas ni Katarina na ikinagulat ng dalaga. She almost budge in her seat.

"That's why you are familiar," binalingan ng ginang si Zoien. Ibinaba sandali ang mug ng kape bago hinawakan ang tigkabilang pisngi ng dalaga.

Nagtatakang tiningnan ni Zoien si Katarina.

Pinakatitigan nito ang mukha ng dalaga bago napangiti.

"Ikaw nga, Ashwell."

Nanlaki ang mata ni Zoien sa sinambit nito, tanging malalapit lamang sa kaniya ang nakakaalam ng second name niya.

"Y-You know me po?"

"Of course silly girl," marahan niyang pinisil ang magkabilang pisngi ni Zoien. "Ang liit-liit mo pa noon huli tayong nagkita, tingnan mo nga naman ang pagkakataon, akala ko talaga hindi na tayo ulit magkikita, it's me, your Auntie Ina, remember me?"

Kumunot ang noo ni Zoien -- pilit inalala ang sinabi ng ginang. Sa wakas ay pinakawalan na rin nito ang dalawang pisngi ng dalaga.

"Don't tell me hindi mo na ako nakikilalang bata ka?" May halong tampo ang tinig ni Katarina.

Napakamot sa pisngi si Zoien. "Ah, ang totoo po, hindi."

Napabuga ng hangin si Kat.

"Sabagay, twelve-years ago na rin ang nakakalipas magmula nang huli tayong nagkita that's when our family migrated abroad at nawalan na rin ng communication at balita tungkol sa inyo but when we came back 7 years later, wala na ang tahanan ninyo. It was burned down ultimo ang piano school ni Rafael ay nawala na parang bula."

Unti-unting namutla si Zoien sa mga isinawalat ni Katarina.

"I am one of your father's friend noon sa music school sa France, at magkakapit bahay lamang tayo. I even brought Nathalia with me para mag-aral ng piano lesson under Rafael intruction, at palagi namang kasama ni Raffy kayo ng kapatid mong si Angelo."

Her right hand started to shake, as memories flooded her veins. Itinago niya sa ilalim ng mesa ang mga kamay. Mahigpit na hinawakan ni Zoien ang kanan kamay, pinipigilan ang panginginig nito.

"Almost everyday magkakasama kayong tatlo noon. Naalala ko pa kung gaano kasaya ang anak kong iyon sa tuwing uuwi sa mansion dahil nga sa mga kaibigan niya. Not until, we migrated to Canada. She change. Oo, masunurin siyang bata at masaya kami dahil d'on subalit we never seen her smile like what she was in her childhood days. Isang malaking pagkakamali na umalis kami ng Pilipinas." Pandaliang tumigil si Katarina, ang kaniyang tingin ay nasa mug ng kape. "We just want the best for our children but we never really know what they want." Napahaplos sa buhok si Katarina bago binalingan si Zoien.

"Ayos ka lang ba iha?" nag-aalala niyang tanong dahil pansin niya ang pamumutla nito.

"A-Ayos lang po ako, huwag po kayong mag-alala."

"Maiba ako, wala na akong naging balita sa inyo? Kamusta? Nakakatiyak akong magkasing edad na si Angelo at Nathalia ngayong taon. At si Raffy is he still teaching music?"

Napalunok si Zoien. Mas nanuyot ang kaniyang lalamunan.

"Ganun po ba." Kinalma niya ang sarili.

"So, kamusta sila? Nakakamiss din ang mga magulang mo."

Zoien contemplated what to say but her mouth just speak on its own.

"Wala na po sila." Malamig niyang sagot na ikinagulat ni Katarina.

"A-Anong..."

"Twelve years ago, pagkatapos po ninyong umalis, isang trahedya ang kumitil sa buhay ng buo kong pamilya at ako lamang ang natirang buhay."

Napuno ng katahimikan ang buong paligid, hindi alam ni Katarina ang dapat sabihin dahil sa isiniwalat ng dalaga. Paanong namatay ang mga ito? Ano bang nangyari noong umalis sila?

Ngumiti si Zoien -- isang pekeng ngiti.

"Pasensya na po, magpapahangin lamang ako sa labas," paalam ng dalaga. Hindi nagawang hintayin ang tugon ni Katarina.

Nagmadaling umalis si Zoien at lumabas sa pinto sa kusina.

Her head is spinning again. Those memories she buried deep inside her are making it's attempt to resurface.

She run!

Palayo siya ng palayo hanggang sa makarating siya sa may tulay. She was breathless. Huminto siya sa may tabi ng tulay -- napatakip ng bibig, her tummy is acting up again at sunod-sunod siyang nagsuka.

INAANTOK NA NAGLAKAD patungong kusina si Sean, nang napansin niya si Nathalia. Nakasandal ito malapit sa pintuan ng kusina pero nakatungo naman kaya't di niya makita ang mukha nito.

Nagtataka man ay nilapitan niya ang dalaga. "Hey! Good morning!" bati niya.

Tumunghay sa kaniya si Nathalia. Tila naestatwa sa pwesto si Sean dahil nakita niya itong umiiyak. Patuloy ang pag-agos ng luha sa mga mata ng dalaga. Nakaramdam siya ng pagkahabag.

Marahas na pinunasan ng dalaga ang kaniyang luha bago nilampasan si Sean at nagtatakbo palabas. Walang nagawa ang binata kundi ang sundan lamang ng tingin ang daang tinahak ni Nathalia.

'Bakit siya umiiyak?' tanong niya sa isipan.

Napakamot na lamang ang binata sa kaniyang gulo-gulong buhok bago ipinagpatuloy ang pagtungo sa kusina pero agad rin siyang napatigil sa bukana dahil may nariring siyang humikibi. Maingat niya iyong pinuntahan at muli na namang siyang nagulat dahil nakita niya si Mrs. Robles na umiiyak mag-isa sa may mesa.

'What's happening?' bulalas ni Sean sa isipan.

Sa halip na magtungo sa kusina para uminom ay bumalik na lamang siya sa kaniyang silid. Ang ayaw niya sa lahat ang makakita ng taong umiiyak lalo na kung babae ito. Habang naglalakad napatingin sa may labas si Sean at laking gulat niya sa nakita sa may tulay.

It was Nathalia and Zoien.

TULOY-TULOY ang pagsuka ni Zoien. Parang ginagalugad ang kaniyang sikmura. Nanghihinang napaupo siya at pinunasan ang kaniyang bibig. Nakaramdam siya nang matinding hilo.

Bumalik ang mga alalang panandaliang itinago sa kaniyang subconcious mind sa tulong na rin ng 'hypnosis theraphy' isinagawa 7 years ago sa kaniya.

But once triggered para iyong binuksang gripo ng tubig, tuloy-tuloy ang pag-agos.

Napasandal siya sa isa sa pundasyon ng tulay -- napapikit. Pinakalma ang sarili. She won't let anyone see her in this worst state. Niyakap niya ang mga tuhod at isinubsob ang mukha sa mga braso.

Now, alam na niya kung bakit galit sa kaniya si Nathalia. Lia was their friend -- sila ni Angelo 'noon', bago ito umalis patungong Canada ay nangako sila na walang magbabago sa kanilang pagkakaibigan at palaging magpapadala ng sulat, but that never happen dahil na rin sa trahedyang naganap sa kanilang pamilya.

Subalit ang trahedyang sumira sa kanilang buhay ay naging isang malaking lihim. Walang nakakaalam kung ano ang tunay na naganap sa kaniyang pamilya. Wala -- kundi siya lang, ang WEB at ang Sanctum.

Kaya hindi na siya nagtataka kung bakit hindi alam ni Katarina ang tungkol roon.

NAGHABOL NG HININGANG huminto si Nathalia dahil sa kaniyang mahabang pagtakbo, she search for Zoien to comfront her. Tumigil siya sa may tulay kung saan niya nakita ito.

'So this is where she is,' aniya bago nilapitan ang babae.

Tumigil si Nathalia sa mismong harapan ni Zoien ngunit hindi ito nag-angat ng tingin upang siya'y bigyan-pansin.

"How long will you sulk in here?"

No answer. Her eyes twitch in annoyance.

"Don't you dare ignore me."

She took a deep breath, calming herself to burst.

"Tell me, why did you broke your promise?" daing niya. "I waited everyday for it. Every single day pero walang dumating, I was so broken because my friends didn't fulfill their promise! Hindi mo alam kung ano ang mga naisip ko ng mga pagkakataong iyon! You hurted me Ashie! Kayo ni Angelo!"

"..." Wala siyang nakuhang sagot.

"Come on! At least tell me a valid reason!" Kulang na lamang lumuhod si Nathalia para lamang magsalita si Zoien.

"What else do I have to say?" Dahan-dahan umangat ang mukha ni Zoien. "Ano bang klaseng dahilan ang nais mong malaman?"

"Isa lang, why did you broke your promise! Why did you suddenly forget about me? Why?!" Bakas ang hinanakit sa tinig ni Nathalia.

She heard everything, lahat ng sinabi nito habang kausap ang kaniyang Ina, she was horrified. Hindi katanggap-tanggap ang mga rebelasyong iyon. Imposible, paanong nangyari ang gan'on na hindi nila alam?

"May mga pangyayari na hindi maiiwasan and if you hate me, wala na akong magagawa pa."

"T-Totoo ba?"

"..."

"Tell me kung totoo ba ang sinabi mo kanina? Y-You're family? Sina Tito Raffy and Tita Zeph at maging si A-Angelo? Ano bang nangyari?!"

"Ano sa tingin mo?"

Tila napuno na si Nathalia dahil sa mga pabalang na sagot ni Zoien.

Marahas niyang hinablot ang braso nito at itinayo.

"Talk to me properly!" Hinawakan niya ang magkabilang braso ni Zoien.

This time, nagsalubong na ang kilay ni Zoien. She had enough, she doesn't want to remember her intricate past. She's losing herself because of it.

"Can't you see Lia! I don't want to remember my past okay! Hindi mo naiintindihan kung ano ang nararamdaman ko! So, shut the hell up!"

"So it's true." Sa wakas ay bumitaw na si Nathalia. "Ganun-ganun na lang 'yon Ashie, dahil ba, masama ang naging nakaraan mo maging y'ong part na masaya tayo kakalimutan mo na? Ang unfair mo naman. Napaka-unfair mo."

Nagsimulang mag-unahan sa pagtulo ang luha ni Nathalia. "P'ano naman ako? So you just forget about your past including me? Alam mo rin ba kung ano ang nararamdaman ko? I am your bestfriend, na kinalimutan mo. Ang sakit lang."

Natutop ang bibig ni Zoien.

"Mas masakit pala sa pakiramdam ang kalimutan ka ng bestfriend mo but what can I do? I was just a part of your past you despise the most, then so be it." May halong pait ang bawat salitang binitiwan ni Nathalia bago tumalikod upang iwan si Zoien.

Napabuga ng hangin si Zoien at sumandal sa railing ng tulay. Hinayaan niyang umalis si Nathalia.

"How long do you plan to sniff around, Sean?"

Napakislot sa pinagtataguan ang binata. 'Yari, nabuko ako,' ngiwi niyang turan sa sarili bago dahan-dahan na lumabas mula sa tabi ng tulay.

"Hi?" bati niya.

"Hindi ko alam kung dapat ba akong mainis o magalit," ani ni Zoien subalit ang tingin ay nasa langit.

Umakyat ng tulay ang binata habang nakapamulsa bago lumapit sa sinasandalan ni Zoien.

"Mainis o magalit? Anong pinagkaiba ng dalawa?"

"Nevermind, ang chismoso mo."

"Hey! That wasn't my intention okay?! I was just trying to stop the both of you kung sakali mang mag-away kayo ulit. Malay mo hindi lang pamamaga ng pisngi ang abutin mo kay Nathalia, diba?"

"Do you think Nathalia would do that?"

Napakamot sa batok si Sean.

"Malay mo lang naman, pero sa tingin ko, naiintindihan ko na si Nathalia kung bakit siya galit sa 'yo. Masakit nga naman ang kalimutan."

"Nandito ka ba para kunsensyahin ako?"

"Tumatalab ba?"

"Baliw, I never intend to forget about her."

Pinagmasdan ni Sean ang katabi.

"Hindi bagay sa 'yo ang malungkot, babaeng mahirap."

"Alam ko ang bagay na iyon, isip bata."

Napasimangot ang binata. "Pasalamat ka, wala ako sa mood kundi naku--"

"Am I a bad person?"

Nagulat si Sean dahil sa tanong ni Zoien.

"Ha? Bad? Ikaw?"

"Tanong ko lang, kasi parang ang saklap naman ng buhay ko. Baka masama nga akong tao, kaya ganito ang nangyayari sa buhay ko."

Pinitik ni Sean ang noo ni Zoien. "Awts! Para sa'n y'on?" agarang daing ng dalaga.

"Kung ano kasing iniisip mo. Bakit mo ba masyadong pinapakumplikado ang mga bagay-bagay? Masama o mabuti, lahat nakakaranas ng saklap na kapalaran! Huwag mong sarilin lahat! Stop the self pitying. Lalo na ang self blame! Ang maipapayo ko lang sa 'yo, itama mo ang lahat."

Natameme si Zoien sa narinig. Dahan-dahan niyang itinaas ang kamay at inilapat iyon sa noo ni Sean. Sinalat niya iyon.

"Anong ginagawa mo?" kunot-noong tanong ng binata.

"Baka kako may lagnat ka, kung ano-anong sinasabi mo?"

"Ha?! Nakakainsulto ka na ah!" Hinawakan niya ang dalawang pisngi ni Zoien at binatak iyon. "Ikaw na ang c-ino-comfort ikaw pa ang nang-iinsulto!"

"Awts! Stop!" Halos maluha na si Zoien dahil sa paglamukos ni Sean sa kaniyang pisngi.

"Make up to her," seryosong saad ni Sean.

She looked at his face. His hazel eyes is captivating.

He gently smile.

"Makipag-ayos ka sa kaniya," giit ni Sean.

"Ha?"

"Hindi ko man gaano kakilala si Nathalia, pero alam ko kung gaano niya pahalagahan ang mga taong malapit sa kaniya. She is a kind of person na ayaw masaktan lalo na pagdating sa tiwala pero alam ko kung gaano niya kanais na mapansin mo siya." Binitiwan na ni Sean ang pisngi ni Zoien. "That's what friends are. Kunting tampuhan lang pero kayang-kayang magbati. You just have to listen and be open minded. 'Yon lang," tumalikod na ang binata pero bago siya tuluyang umalis ay nagsalita siyang muli. "Isa pa, you're not a bad person. I guarantee that."

Pinagmasdan ni Zoien ang paglisan ni Sean, hinawakan nya ang nasaktang pisngi.

"May saltik ata ang lalaking 'yon." Saka siya napailing subalit alam niya na may punto ang binata.

She sighed and look up. Dahan-dahan na umaangat sa kalangitan ang haring araw.

'What a nice scenery.'

(10:57 am)

NAG-IIMPAKE na ang lahat ng kanilang mga gamit. Napaagap ang kanilang pag-uwi sa di malamang dahilan -- utos mula kay Isagani.

"Ayos na ba ang gamit mo Trina?" tanong ni Sahara.

"Opo Ate, maayos na ang lahat."

"Good, let's go outside, lunch daw muna tayo bago magbyahe," pagbibigay alam ni Sahara sa mga kasamahan.

Nag-unat ng braso si Rossette, "That's more like it! Tara na girls!"

Nauna silang lumabas upang magtungo sa cafeteria.

"I will continue packing later, I'm starving," ika ni Felt, "Come on girls! Mamaya na iyan!" Hinila niya sina Courtney at Alisa palabas ng silid.

"How about you Zoien?" agaw pansin ni Margaret.

"Susunod ako, malapit na kasi akong matapos and magpapalit rin ako ng damit," tugon ni Zoien.

"Alright, sunod ka kaagad okay?"

"I will."

Lumabas si Margaret upang sundan ang mga kasamahan na patungo sa cafeteria.

Pagkatapos ayusin ang gamit saka lamang pumasok sa banyo si Zoien upang magpalit. She wore her black hoodie and black short bago lumabas.

Hindi niya naiwasang lumapit sa may bintana upang pagmasdan ang labas. Masyadong tahimik ang paligid. Kapansin-pansin na wala siyang nakikitang ibang tao sa labas ng resort.

Bakas ang kaseryosuhan sa mukha ni Zoien.

She got a bad feeling something is about to happen. Ipinagsawalang-bahala niya ang kaniyang pakiramdam. She was about to walk-out when a sudden blast occured.

Nayanig ang kalupaan at nawasak ang ilang mga gusaling saklaw sa pagsabog. Kumalat ang usok at alikabok sa paligid. Napadapa si Zoien dahil sa air-pressure na tumama sa kaniyang katawan. Nabasag rin ang lahat ng mga mababasaging bagay.

'Awts, masakit iyon,' daing niya. 'That's not a good sign!'

Mabilis na bumangon ang dalaga bago kinuha ang isang baril sa kaniyag bagahe maging ang kaniyang maskara -- she went downstairs to see the sorroundings.

She's hoping her friends are safe.

(11:06 am)

TILA NABINGI ANG tenga ni Isagani dahil sa pagsabog, agad niyang inilibot ang tingin sa mga kasama lalo na sa mga kabataan. Nakahinga siya ng maluwag dahil hindi gan'on kalala ang mga natamo ng mga ito.

They are silently eating their lunch nang biglang sumabog ang lugar malapit sa entrance ng resort. It's a good thing dahil hindi wide range explosive iyon kundi maaring patay na sila ngayon. Tila sinadya ng kung sinuman ang nasa likod ng pagsabog na short range explosive ang gamitin upang gulatin silang lahat at hindi makapaghanda.

"Ayos lang ba kayo mga bata?" agarang tanong ni Vlad.

Isa-isang nagsipagtayuan sila at pinagmasdan ang kapaligiran. Napaubo pa ang ilan dahil sa alikabok at usok.

"What was that?" nag-aalalang ani ni Katarina sa asawa nitong si Isagani.

Napahawak naman si Selina sa braso ng kaniyang asawang si Vlad.

Hindi maganda ang kanilang pakiramdam sa kasunod na magaganap.

Ilang putok ng baril ang nakakuha sa kanilang atensyon.

"Shit! Hide! Everyone! Now!" sigaw ni Isagani.

Nagsisunuran sila sa payo nito subalit pagtalikod nila ay siyang pasok ng mga armadong lalaki. They halted.

"Well, what do we have here? At saan ninyo balak magpunta?"

"Get behind." -- Vlad.

"Dad..." -- Magenta

"Sumunod na lang kayo." -- Isagani.

Nagtungo sila sa likuran nina Isagani at Vlad.

"Siguro naman alam ninyo ang dahilan kung bakit kami naparito?" Nakapamulsang naglakad si Sting Ray. "The two heads of the Mafia Clan, Vladmir Heinsford at syempre walang iba kundi ang kinikilalang Mafia Lord -- Isagani Robles. Masaya akong makilala kayo sa personal."

"Stop with the pleasantries boy," diin ni Isagani. "what do you want from a mafia lord?"

Napahalakhak si Sting Ray. Natutuwa sapagkat nagagawa pang manakot ni Isagani samantalang wala na silang mapupuntahan pa.

"How pathetic, Mr. Robles. Pinapakita mo na walang bagay na ikinakatakot ang isang mafia lord. You're commendable, I tell you that. Sayang nga lamang dahil hindi na muling makikita ng ilan sa iyong nasasakupang pamilya kung paano mamatay ang kanilang pinuno."

Napakuyom ng kamao si Jacob sa narinig. Mabilis na hinawakan ni Felt ang kamay nito. "Calm down, Jacob. Just calm down please."

He gritted his teeth forcing himself to calm down.

"Kung ako ang pakay mo, sasama ako pero huwag mong idamay ang mga kasama ko. Let them go." turan ni Isagani.

Pumilig pakanan ang ulo ni Sting Ray. "Masyadong mabait ang tingin niyo sa akin, why would I let anyone escape?"

They we're terrified. Isang nakakatakot at walang awa ang lalaking nasa kanilang harapan.

"I want the CODEX, give it to me."

Panandaliang nanlaki ang mata nina Vlad at Isagani sa sinabi nito. Paanong alaman nito ang tungkol sa CODEX na tanging ang mafia lamang ang nakakaalam ng tungkol sa mapanganib na bagay na iyon.

"Shocked are we? I already have the seven CODEX." Itinaas niya ang sealable plastic kung saan nakapaloob ang ilang susi. Tanging ang kina Vladmir at Isagani na lamang ang kukumpleto. "Where is it?"

"How did you--" -- Isagani

"Obviously I killed them," simpleng sagot ni Sting ray bago tiningnan ang kuko. "They we're only pest. Easily get killed."

Umigting ang bagang ni Isagani.

"You!" Balak na sanang sumugod ni Vladmir subalit pinigilan siya ni Isagani.

"Don't. One wrong move. They can kill us." Patungkol nito sa mga tauhan ni Sting Ray na nakatutok ang mga baril sa kanilang dereksyon.

Matataas na uri ng baril ang mga iyon.

"Calm down Vlad," sita ni Selina. Huminahon ang lalaki subalit nasa mga mata pa rin ang sobrang galit at pagkamuhi.

Hindi naalis ang ngiti sa labi ni Sting Ray, he loves getting the power over them. He loves seeing those horrified faces.

"So? Where is it? Your time is ticking. Tick-tock. Where the CODEX?"

"You won't get it," pagmamatigas ni Isagani.

"Talaga? Ang ayaw ko sa lahat ang nagmamatigas sa nais ko. Hindi mo naiintindihan kung anong klaseng sitwasyon kayo naroroon. Then let me show you..." walang pag-aalinlangan na binaril ng binata ang kanang binti ni Isagani.

Napasigaw ang ilan sa nangyari dahil sa takot.

"Dad!/Daddy!" Nagtungo sa tigkabilang gilid ni Isagani ang kaniyang asawang si Katarina at si Nathalia. Habang umunahan naman si Jacob. Obstructing Sting Ray. He will protect his family.

"Don't you dare hurt my father!" Nanggagalaiti sa galit na pahayag ni Jacob.

"Good grief, kung hindi matigas ang bungo ng iyong Ama hindi naman iyan mangyayari, force him to give me the CODEX, before ako mapuno at iba naman ang barilin ko." May halong pagbabanta ang bawat salitang kumawala sa bibig nito.

"What do you mean by CODEX?" -- Aki

Napatingin sila sa dereskyon ni Akihiro.

"Is it the right time for Question and Answer portion? Baka kako 'di mo naiitindihan ang mapanganib na sitwasyon ninyo ngayon?" naiinis na sambit ni Sting Ray.

Nagkibit balikat si Akihiro. "I'm just a little curious, bakit gan'on na lamang ang pagnanasa ninyong makuha ang CODEX na tinutukoy mo? I never heard about that before?"

Napatango si Sting Ray. Naupo sa sofa at pinagkrus ang mga binti habang hawak pa rin ang baril sa kanan kamay.

"Bakit? Looks like adults really are annoying aren't they? Naglilihim sila ng mga bagay-bagay at akala nila walang sinuman ang makakatuklas ng bagay na iyon. Hindi ba't tama ako, Mr. Robles?"

Umigting lamang ang bagang ni Isagani --dahil sa galit at pag-inda sa sugat sa kaniyang binti.

"Well, dahil ang ayaw ko sa lahat ay mga taong ignorante kaya't pagbibigyan kita. Let me introduce to you the weapon of destruction. Ang CODEX ay isang napakamapanganib na bagay na nilikha upang gamitin sa digmaan. Sa madaling salita, it was a 'war weapon' it is more disastrous than the most destructive bomb made by the Russian or also known as the Tsar Bomba."

He smirk menacingly.

"The largest nuclear weapon ever detonated and set off by the Soviet Union in 1961, which produced an insane 50-megaton blast. It was made from millions of tons of TNT, but ang CODEX ay triple pa ang lakas. It can destroy a nation in just one push." He made a pop noise.

"Dad, do you know about this?" hindi makapaniwalang saad ni Magenta sa kaniyang ama. Hindi sumagot si Vlad.

"Of course he knew! I won't even hired the crypress clan to kill your family if he wasn't involve."

Nangilabot si Meredith dahil sa natuklasan. Benjamin hugged her sister.

Nanginig ang kamao ni Sean. "Bastards! Anong karapatan ninyong paglaruan ang buhay ng isang tao?! Mga halang ang kaluluwa!" Akmang susugurin niya ang pwesto ni Sting Ray subalit agad siyang hinarangan ni Magenta.

"No Sean, don't act on impulse, we're on the disadvantage here."

"Because what we do, has nothing to do with you. You don't how much I want to stop but we can't, sisihin ninyo ang lahat sa Konseho. They made us do this. They are the one who pushed people like us to go stray! Criminal will aways be criminal kahit saan ka magtungo nakabuntot ang titulong iyon! Ang mga tulad ninyong 'normal' ay walang alam sa nararamdaman namin. Kaya naman paninindigan namin tutal, masama kami. Eh 'di ipagpatuloy ang paggawa ng masama."

"Horrible, how can he say such a thing," utas ni Margaret.

"He's insane, he can't just hurt people because of his incoherent reasoning," nandidiring pahayag ni Alisa.

"There are different types of people and he falls to section of madness." -- Xenon.

"But what do we know? Hindi natin alam kung ano ang pinaglalaban niya," -- Arthur.

"Whatever that is, his action gives him away. He's a bad person," -- Courtney.

Napahigpit ang kapit ni Teron sa laylayan ng damit ni Marco.

"I can't believe you even used my clan for your own selfisness!" -- Marco.

"We can use anyone we want whenever or wherever we want. Times up!" Umayos ng tayo si Sting Ray. "Someone will die today, blame this two men for upholding their duty as a keeper. Kill everyone but keep those two men alive." Huli niyang utos bago tumalikod.

Niyakap ni Sahara ang nanginginig na katawan ni Trina. "Sshh, everything will be just fine.Trust me," bulong niya.

Itinaas ng mga armadong tauhan ang kanilang mga baril sa dereksyon nina Isagani. Walang mababasang kahit na ano sa mga mata nila -- tila robot. Sunod-sunuran sa nais ni Sting Ray. Iniwasan nila na huwag pataman ang dalawang head ng mafia.

"Shoot them!"

Sunond-sunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa buong lugar.

They're eyes widened in disbelief to what happen before their very own eyes.

Isang ngisi ang namutawi sa labi ni Sting Ray matapos nang nasaksihan. The bullets went through their heads. Tumalsik ang mga dugo nito.

Isa-isang bumagsak ang katawan ng mga kalalakihan sa sahig. Umagos ang dugo sa puting tiles. It was like a river. No movements. They we're dead.

"Looks like the uninvited guest finally arrived," puna ni Sting Ray habang ang tingin ay nasa labas ng pintuan kung saan nanggaling ang maraming putok ng baril na naging sanhi nang pagkamatay ng kaniyang mga tauhan.

Lumambitin pababa sa terasa ang taong tinutukoy nito and landed safely to the ground. She stepped forward -- entered the messy cafeteria.

Unang kapansin-pansin ang puti nitong buhok at ang pulang mga mata. But her mask gave her away kung sino siya. The moment she stop in front of the doorway, she got everyone's attentions. They stare at her as if she was some kind of precious artifacts.

"Phoenix," turan ng mga nakakikilala sa bagong dating.

Hinding-hindi nila makakalimutan ang pigura. Ito ang unang pagkakataong kanilang nasilayan ang buhok nito, maging ang pulang mga mata sapagkat noon ay palaging nakasuot ito ng itim na cap at asul naman ang kulay ng mga mata.

Nilingon ng dalaga ang dereskyon ni Sting Ray. Prente pa itong nakatayo, hindi mababakasan ng anumang takot.

"You are one of the rulers, tama ba?" agaran tanong ni Phoenix sa monotone na tinig.

"Sting Ray -- the 11th ruler." Pinagmasdan ng lalaki ang kabuuan ni Phoenix. At last nakita niya rin sa wakas ang tanyag na agent. "This is exciting, kung hindi ako nagkakamali, ikaw ang pumatay kay number twelve also known as Arachnid. You did a good job agent. Dahil sa ginawa mo, isang buhay ngayon ang nagdurusa. Sa tingin mo, basta maisakatuparan ninyo ang lahat batay sa batas, ay ayos na?" Pagak na napatawa ang binata. "D'on kayo nagkakamali. Kahit ilang beses ninyong sundin ang batas na sinasabi ninyo, ay hindi maitatanggi na maging kayo ay siya ring lumalabag! Ngunit, bakit kami lamang ang nagdurusa?!"

"Nagdurusa?" Pumilig pakanan si Phoenix. "Nabingi ata ako sa sinabi mo, pakiulit nga?"

"Tsk, nagawa mo pang magpatawa," naiiritang samo ni Sting Ray.

"Dahil sa nakikita ko ngayon," tiningnan ng dalagang agent ang paligid bago tumigil iyon sa grupo. "Hindi totoo ang sinabi mo," puna niya bago ibinalik sa kaaway ang atensyon. "Ibang tao ang nagdurusa dahil sa kagagawan ninyo subalit pilit ninyong isinisisi sa iba ang puno't dulo ng lahat. We are upholding the right justice, even if it means, killing the root. Kahit na lumabas pa kaming masama sa mata ninyo, hinding-hindi kami titigil. Evil can't be contain using goodness kailangan rin gumamit ng kasamahan." Panandaliang tumigil siya sa pagsasalita -- pinakakiramdaman ang paligid. "We won't exist if someone like you don't exist."

"Blame the world! They are the one who created us! Someone like you would never understand! Now's you're chance Sparrow! Kill her!"

"Roger," ngumisi si Sparrow, he was in the hotel, hawak niya ang paboritong sniper gun, walang pag-aalinlangan na pinuntirya niya ang kaliwang dibdib ni Phoenix.

He smirk bago kinalabit ang gatilyo ng baril. "Die," ngumisi siya at balak na sanang umalis subalit hindi niya inaasahan ang mga taong nasa loob ng kwarto.

"Hello!" Saad ni Dark bago sinuntok ang mukha nito. Knockout.

"Hindi mo man lamang ako pinasuntok," reklamo ni Light.

"Pahulihin ka kasi," -- Friore "This is number Three, target immobilize."

"Great job guys, how about in your side, Cinq?" tanong ni Main aka Devine sa kabilang grupo.

"Mission Accomplished Main," nakangising pahayag ni Samara habang nakatingin sa walang malay na katawan ni Mantis.

Mahigpit na tinalian sila nina Uno.

"Easy as pie," -- Altear.

"We should done this again, it's good to do mission together with the whole team," -- Deux.

"Sinabi mo pa dude," -- Uno.

ISANG PUTOK NG baril ang umalingawngaw patungo sa dereksyon ni Phoenix -- sa mismong puso niya bumaon ang bala. Sa lakas ng impact ay bumagsak ang katawan nito sa malamig na semento.

Sting Ray smirked triumpantly.

"Caught you off guard right? I was actually expecting you would come. At tama na naghintay kami. Matutuwa si Big Boss kapag nalaman niya na patay na ang isa sa mga tinik sa aming organisasyon." Napahalakhak pa ang binata.

"Cheezy, that hurts. Do I have to play the bait just to capture him?"

Natigalgal sa pwesto ang binata dahil nakita niyang buhay pa ito.

Tumayo si Phoenix na pawang walang iniindang sakit. "So, naroon pala ang sniper ng grupo mo," samo ni Phoenix bago pinagpagan ang nadumihang damit.

"Sorry disappoint you 'Sting Ray' but 'you are the one' who fell into our trap." Pagkasabi niya ng mga katagang nagpagulat sa lahat ay isa-isang pumasok ang special task force na mula pa sa konseho agad na pinalibutan si Sting Ray. Mula sa itaas ng gusali ay nagsilabasan ang mga sniper. At pumalibot rin sa buong paligid.

Kanina pa naghihintay ang mga ito. Even the Team Xtherion are on standby doing their own job that is to capture the remaining two rulers -- na alam nila kung nasaan ang lokasyon lalo na ang sniper.

Nagpakawala ng buntong hininga si Isagani. Tapos na, tapos na rin sa wakas.

"Good job Phoenix!" agaw atensyon ni Andrei na nasa ikalawang palapag ng balcony habang katabi nito si Morgan.

Napapalatak si Phoenix. "I won't ever accept being the bait again! This is unacceptable. Geez, hurt like hell," samo ng dalaga habang nakapatong ang kamay sa may parteng puso niya -- patuloy ang pagdurugo. Kinuha niya ang mahabang bala mula roon at saka itinapon sa lapag.

Kinilabutan ang mga nakakita. They saw it. If she was shot in her heart, the why she's still alive?

"H-How come you're still alive?" bulalas ni Jacob.

Binalingan siya ni Phoenix. They can see her red eyes.

"I'm not ordinary, so you better heal your father's wound before he dies from loss of blood. I'm going." Nauna na itong umalis. Kung paano ito mabilis na lumitaw siya rin mabilis na umalis.

"You won't get away from this! You hear me! Catching us won't stop the madness around the world! He won't be stop easily! You can't catch him!" habol na sigaw ni Sting Ray.

"Get him away at huwag na huwag niyo siyang patatakasin," utos ni Andrei.

Agad na dinakip ng task force ang nagwawalang si Sting Ray. They cuffed his both hands bago marahas na inilabas.

Habang naglalakad sina Morgan at Andrei patungo sa kinaroroonan nina Isagani -- a medic is already taking care of his wound.

"Thanks for the cooperation kuya," bungad ni Andrei.

Isang masamang tingin lamang ang ipinukol ni Isagani sa kaniyang bunsong kapatid na si Andrei. "Wala sa kasunduan ang masugatan ako Andrei."

Napakamot sa batok si Andrei bago binalingan ang grupo ng kabataan na tila naguguluhan sa mga nangyayari.

"Ow, pasensya na kung hindi namin nasabi kaagad pero, this whole thing happened dahil sa kasunduan ng Mafia at Sanctum. Kailangan mahuli ang nasa likod ng pagkamatay ng ilang angkan sa ilalim ng Mafia, kapalit nito, ililipat ang pangangalaga ng Santum ang CODEX, the safest place for war weapon."

"So, are you telling us this is all plan?" -- Arthur

"Oo iho, this are all plan to lure them out." -- Morgan.

"But this is insane! Muntik na kaming mamatay!" -- Riyo

"Of course we won't let that happen, kita niyo naman 'di ba? Our best agent saved your lives." -- Andrei.

"Uncle, you know her?" -- Courtney. She want to know about Phoenix.

"She's one of the council's agent." -- Morgan.

"Wow! She's really amazing!" -- Teron. "Can we atleast know her name po?"

"Ah..." napakamot sa pisngi si Andrei bago binalingan si Morgan.

"That would be restricted information Iho, it's prohibited to know Phoenix real identity behind her mask." -- Morgan

Nanlumo naman ang bata. They are eager to know who's behind Phoenix.

"Can we see her again then?" -- Xenon. "Para naman makapagpasalamat man lamang kami, she saved us multiple times and yet hindi kami nakapagpasalamat sa kaniya."

"Of course, she'll come whenever someone needed her," saad ni Morgan. "Come on, punta muna kayo sa medical team para magamot ang mga sugat ninyo."

Sinunod nila ang utos ni Morgan, bago tinawagan ang Xtherion.

"Main, status please."

"We capture them Commander," pagbibigay alam nito.

"Excellent job, restrain them properly."

"Roger that Sir," huli nitong sambit bago namatay ang tawag.

"The other two rulers are captured."

"Thanks for the assistance, Morgan." -- Vlad.

"Anything for the goodness of mankind, I'm just going outside," paalam ni Morgan nagsindi siya ng sigarilyo at humitht roon.

"Another mission accomplished but I wonder how is she?" Patungkol niya sa kalagayan ni Zoien.

(11:58 pm)

NAGKULONG SA BATHROOM si Zoien. Mabilis niyang itinahaw ang kaniyang medicine -- blue syrup at nag-inject ng high dose.

Nakahinga siya ng maluwag dahil unti-unting naiibsan ang sakit sa kaniyang ulo. Her state is getting worst kelangan niya nang magpak-consult sa Auntie Hannah niya.

Pagkatapos masigurong normal na ang kaniyang kaanyuan saka lamang siya nagpalit ng damit. Isang pares ng white t-shirt at brown short. Binuksan niya ang pintuan subalit agad rin nanghikatatakutan dahil mukha ni Nathalia ang sumalubong sa kaniya. Napaatras pa siya dahil sa gulat.

"L-Lia, you're here," kinakabahan niyang pahayag.

'Anong ginagawa nito rito? 'Di ba't dapat inaasikaso sila ng medic?'

Nanatiling walang imik si Nathalia subalit hindi nilubayan si Zoien nang mapag-alisa nitong mga mata. Wala siyang mabasang kahit na anong emosyon mula sa amethyst eyes nito.

"Mag-babanyo ka ba?" pagtatanong niya.

"You know, even if we were twelve years apart I know when you are hiding something, and right now it's too obvious--" itinaas ni Nathalia ang maskara ni Phoenix.

Napaawang ang bibig ni Zoien, 'di alam ang dapat sabihin. Paanong nakita nito ang nakatago niyang maskara?

"Can you please explain the meaning of this? Huh, Ashie? O mas maganda sigurong tawagin kita bilang si Agent Phoenix. Hmn?"

Lihim na napalunok si Zoien.

'Her deepest secret has been found out and what make it worst is by her childhood bestfriend, now what will be her next action?'

-Itutuloy-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top