[57] HIDDEN CLAWS
"They finally arrived."
Malayang nakikita ni Sting Ray mula sa ilalim ng kaniyang binoculars ang kanilang targets. Nakapasok na ang mga ito sa loob ng isang luxurious resort. Their location were twenty meters away from their hotel. Nasa 17th floor sila kaya malaya nilang makita ang bawat galaw ng mga ito mula sa labas. May mga pinadala rin silang tauhan sa mismong loob ng resort upang maging kanilang mga mata.
"So, hanggang kailan tayo maghihintay?" Nababagot na pinaglaruan ni Mantis ang isang dart sa pagitan ng kaniyang mga daliri. Nakaupo siya sa sofa habang umiinom naman ng kape si Sparrow na bagong gising. Gulo-gulo pa ang buhok ng lalaki at nakapikit ang mga mata.
"Susugod tayo kung kailan hindi sila handa." Ibinaba na ni Sting Ray ang binoculars sa ibabaw ng side table bago naupo sa single sofa at kumuha ng kaniyang sariling kape.
Napapalatak si Mantis. Inihagis niya ang dart at tumusok iyon sa mukha ng isa sa maraming litratong nakadikit sa pader ng kanilang hotel room. Sa mismong mukha ng mafia lord-Isagani Jake Robles.
Ngumisi si Sparrow. "Huwag kang mabagot Mantis. Maari naman tayong maglaro habang naghihintay."
Tumayo ang binatang may alias na Mantis bago kinuha ang dart. Makikita sa pader ang mga litrato ng dalawang pamilya ng mafia; ang Robles at Heinsford. . . sila ang kanilang target.
"Kailan pa tayo natutong maghintay kapag may misyon? We can ambush them and kill them. Easy as that so what's holding us back?" dahilan ni Mantis.
"Tama ka pero iba ngayon, hindi normal na angkan ng mafia ang target natin. They are the 1st and 2nd rank. Hindi tayo maaring magpadalos-dalos. Mahalaga na makuha natin mula sa kanila ang CODEX. Hindi tayo maaring pumalya tulad ng nangyari sa mga nakaraang transaksyon ng iba pang Rulers." Humigop sa kaniyang kape si Sting Ray.
"Sang-ayon ako kay Sting Ray. Nabalitaan mo naman siguro ang nangyari kay Arachnid, 'di ba?" Namutawi sa kanilang isipan ang kasamahang sa kasamang-palad ay nasawi. "Namatay siya at nakuha ng Sanctum ang ating mga matataas na kargamento lalo na ang X-syrup. Hindi magandang resulta. Ang pagkabigo ay may nakahandang parusa. Namatay man si Arachnid. Nakuha naman ng WEB ang pinaka-importanteng tao sa kaniyang buhay," paghahayag ni Sparrow. "We can't fail Mantis, maraming nakasasalalay dito, kapag namatay tayo kukunin nila ang lahat sa atin," dagdag ng binata sa seryosong paraan.
Nagpakawala ng buntong hininga si Mantis. "After we fulfill our duty, pwede na ba tayong makawala sa organisasyon?"
"That would be impossible," singit ni Sting Ray. "Once you enter there is no turning back. It's either you die or be killed." Pansamantala niyang inilapag sa table ang tasang iniinuman. "Death is our only way out."
"What choice do we have? Hawak nila tayo sa leeg at syempre malaki rin ang naitulong ng WEB sa atin. If it weren't for the council, we could have pick some better jobs to do but I guess, only the WEB can give us want we want. That is freedom from those hyprocrite people." Sparro closed his fist in rage.
Sting Ray sighed of frustration. "The CODEX is the answer to our prayer. If we can achieve it, we can rule the world. So we need to accomplish our goal."
"Are you sure the CODEX are with them?" usiaa ni Mantis.
"Yeah, our 'mole' told us. The both head of the family have it. Kailangan lamang nilang sabihin kung asan iyon. Then we can get rid of them for good."
Napangisi sina Sparrow at Mantis sa sinabi ng kanilang kasamahan.
"That's more like it," sabay na turan nilang dalawa.
"Well, you can also play as long as they won't notice you."
Nagkatinginan ang dalawang lalaki.
Binalingan ni Sparrow si Mantis. "Game?"
"I'm in," tugon nito.
Ngumisi si Sting Ray nakakatiyak siyang kakaibang klase ng laro ang gagawin ng dalawa. Ang laro ng kamatayan.
...
"Amazing!"
Manghang nakatingin sa lagoon si Zoien. Nasa balcony siya ng kanilang silid. The scenery infront of her is magnificent. This breathtaking beautiful resort is hidden away between clear blue bodies of water and tropical sorrounding.
Napakalinaw ng tubig, maari na ngang tumalon sa balcony patungo sa asul na tubig. Addition to that is the elegant guestrooms have classic and timeless designs with custom-designed plantation-theme furniture.
Aircondition na may two Queen size bed, kumpleto sa gamit sa kusina, may sala's rin na may TV Set, free wifi, may mini bar, separate shower and bathtub, and more.
Napakaganda ng resort at maraming activities rin na maaring gawin. Games sport like tennis, golf, horseback riding, canoeing, diving, and more. She's excited to try all of them. At ang mas nakadagdag sa kasiyahan niya ang napakasarap na delicacies, they are not only filipino's but from different countries as well.
"Nakakamangha ang lugar 'di ba?" agaw atensyon ng isang boses sa likuran ni Zoien.
Nilingon niya iyon only to see Nathalia who's leaning on the doorway. Nakapagpalit na ito ng casual dress. Isang white longsleeve and mini-short. She's very stunning. Kapansin pansin ang amethyst eyes nito.
"Tama ka, sobrang ganda ng lugar. I never thought I can experience being in here." Nagpangalumbaba si Zoien sa hand rail ng balcony.
She never had vacation before dahil na rin sa sunod-sunod niyang high-class missions. Ang totoo magmula nang siyang nagtungo sa Pilipinas, nabawasan ang kanyang mission. Kaya naman kahit papano nagkaron siya ng oras upang pansamantalang makaramdam ng normal na buhay.
"Can I ask you something?" muling saad ni Nathalia. Naglakad ang dalaga palapit kay Zoien.
Walang mababasang anuman sa mukha nito. Nathalia can be compare to a calm ocean. Nakakaakit pagmasdan subalit may panganib na hatid.
"Ano 'yon?" baling na tanong ni Zoien.
"Why are you here?"
"What do you mean?"
Nagpahalukipkip si Nathalia bago nagsalita. "You are not supposed to be here. What I mean is, you're just a maid. You are not a part of our family. I don't even know you."
Natutop ang bibig ni Zoien. Ramdam niya ang pagkadisgusto sa kaniya ni Nathalia. Lihim siyang napangiwi sa isipan. Nadagdagan na naman ang haters niya at isa sa kanila ay walang iba kundi ang bunsong kapatid ni Jacob.
'Bakit ba ang daming may ayaw kay Zoien?'
But she won't discourage, being hated doesn't mean the end of the world right? They can hate her all they want. She won't care.
"Ah, iyon ba?" Nagawa pa niyang ngumiti na lalong ikinasalubong ng kilay ni Nathalia. "Tama! Maid nga ako, nandito ako dahil sa amo ko." Well basically Felt is the reason why she's with them dahil ito ang nag-aya sa kaniyang sumama. Kaya half true ang kaniyang sinabi.
"Really?" Pinaningkitan ng mga mata ni Nathalia ang kaharap na babae. "Just make sure you won't do something that will ruin our vacation." She gave Zoien one last stare bago muling pumasok sa loob pero tumigil din siya sa may sliding door. "I have trust issue so you better just stay away from me and more importantly I hate having 'rival.' " Iyon ang huli nitong sinabi bago tuluyang pumasok sa loob ng kanilang kwarto.
Nagtatakang nakamasid si Zoien sa daang tinahak ni Nathalia. Tumatak sa kaniyang isipan ang mga sinabi nito lalo na ang 'rival' na salita.
'Rival? Sa paanong paraan?' tanong niya sa sarili dahil wala siyang mahagilap na anumang pangyayari sa kaniyang buhay na kakumpetensya niya ito.
...
I hate her!
Seryoso ang ekspreayon ng mukha ni Nathalia. Napahawak siya sa kaniyang dibdib bago nagpakawala nang malalim na buntong hininga. She never imagine na muli silang magkikita. Ang kinakainisan niya lamang ay hindi siya nito maalala. Nayayamot siya sa kaisipang iyon. Hindi niya rin matanggap na nagbago ito. Madali lamang ba siyang kalimutan? Kaya ba, hindi siya nito maalala?
"Hey miss! Nag-iisa ka ata? Gusto mo bang samahan ka muna namin?"
Hinarangan ng tatlong lalake ang daan ni Nathalia. Huminto siya sa paglalakad dahil sa mga istorbo. Muntik siyang mapairap dahil sa mga ito. Ito ang problema ng mga taong may magandang mukha lapitin ng mga tao subalit ang totoo kung hindi siya maganda walang maglalakas loob na siya'y lapitan.
Iyon naman ang katotohanan, kapag pangit ka, may papansin ba sa'yo? Even lots of jobs needs pretty employees. Idagdag na rin ang yaman, kapag wala kang pera at katanyagan, mahihirapan kang mabuhay sa isang society na pinapairal ng kayamanan at estado sa buhay.
"Sorry but I'm kind of busy," aniya at balak na sanang lampasan ang tatlong lalaki nang hablutin ng isa ang kaniyang braso.
Nairita ang dalaga dahil sa ginawa nito. No one can touch her without her permission.
"Gusto lang namin ng makakausap baka pwede mo kaming pagbigyan?" singit ng isa pa.
"Tama ang kaibigan ko miss. Masarap kami kausap," ngising saad ng ikatlo.
Inilibot ni Nathalia ng tingin ang paligid . . .walang tao. Mukhang nakarating siya sa isang lugar na hindi pinupuntahan ng ganitong oras. Masyado kasing malawak ang resort at mukhang nasa cafeteria ang ilang mga bisita.
Matamis na ngumiti si Nathalia. Nanlambot ang mga tuhod ng tatlong lalaki. Kaakit-akit sa kanilang paningin ang dalaga. Maganda ang babae. Napakakinis ng maputing balat nito, mabango . . . amoy raspberry. Sobrang nakakatakam. Ang swerte nila sapagkat walang ibang tao sa paligid. Maari nilang-
"Excuse me, but what are you doing to my 'friend'?" Isa-isa silang napatingin sa bagong dating.
Natuwa ang tatlong kalalakihan dahil isa na namang babae ang kanilang nakita. Daig pa nila ang nakatama sa lotto sa paraan ng kanilang pag-ngiti kulang na lamang mapunit ang kanilang pisngi.
Samantalang nagulat si Nathalia. 'What is she doing here?' bulalas niya sa kaniyang isipan.
Pinagmasdan sila ng bagong dating. Bumaba ang tingin nito sa braso ni Nathalia kung saan marahas na nakakapit ang isa sa mga lalaki subalit nanatiling parang wala lang sa kaniya ang nakita batay sa nakangiti nitong ekspresyon. Nilapitan sila ng babae at walang sabi-sabi tinanggal ang pagkakahawak ng kamay ng lalaki sa braso ni Nathalia. Bumakat sa maputing balat ng dalaga ang malaking kamay ng lalaki. Hinaplos ni Nathalia ang kaniyang braso bago binalingan ang katabing babae.
"Anong ginagawa mo rito?" naiinis niyang pahayag subalit wala siyang nakuhang sagot dahil tuon lamang ang atensyon nito sa tatlong kalalakihan na walang balak na lumisan.
"Kakain na raw ng meryenda, tara na." Nagulat si Nathalia dahil hinawakan ng nito ang kaniyang kamay at hinila para makaalis sila subalit sa ikalawang pagkakataon ay hinarangan sila ng tatlo. Kapagdaka'y huminto sila.
"Teka, 'di naman pwedeng umalis kayo kaagad na wala kaming nakukuhang benepisyo 'di ba?"
Naramdaman ni Nathalia ang paghigpit ng kapit nito sa kaniyang kamay. Nagpipigil ng galit.
"Kaya nga, gusto lang namin ng makakausap. Sumama na kayo ng kaibigan mo."
Nagpabuga ito ng hangin. "Wala ba talagang pinipiling lugar at oras ang mga tulad ninyo? If you want someone to ease your libido you can go to a club and do your thing there and not here." Mababakas ang pagkadismaya sa boses nito.
"A-Ano? Ano bang sinasabi mo miss? Ano bang masama sa nais namin? Kausap lang ah. Tara na nga." Tinapik nito ang balikat ng mga kaibigan. "Alis na tayo."
Umalis ang tatlong lalaki saka lamang binitiwan nito ang kamay ni Nathalia.
"Tara na, hindi ka dapat naglalakad ng mag-isa lalo na sa lugar na hindi ka pamilyar," sita nito bago akmang aalis na.
Nag-igting ang bagang ni Nathalia dahil sa inis. "I don't need your help, kayang-kaya kong protektahan ang sarili ko," giit niya na ikinatigil nito sa paglalakad.
"Huwag kang mag-alala isipin mo na lang na 'di kita tinulungan magkasing-ugali talaga kayo ng fiance mo, bagay kayo," saad niya at muling ipinagpatuloy ang paglalakad.
Hindi na nakatiis si Nathalia. myabilis niya itong hinabol upang hilahin paharap sa kaniya at walang pasabing sinampal niya ang kanan nitong pisngi. Umalingawngaw sa tahimik na lugar ang lakas ng tunog ng sampal ng dalaga. Halata ang pagkagulat sa mukha nito matapos matanggap ang malakas na sampal ni Nathalia, bakas din ang pagtataka.
"I hate you, and fyi we are not friend 'never again'," diin niya bago nag-walkout leaving Zoien stunned in her place.
Hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lamang itong nagalit sa kaniya at sinampal siya. May masama ba siyang nasabi? O nagawa man lamang para maging ganito kasama ang trato sa kaniya ni Nathalia. Subalit kahit anong isip ang kaniyag gawin ay wala siyang maapuhap na sagot. Nanatili siyang naguguluhan sa mga nangyari.
'What was that about?' Maang na sinundan niya ng tingin ang pag lisan ni Nathalia hanggang sa tuluyan na itong nawala sa paningin ni Zoien.
Napasipol naman si Sean sa isang tabi matapos masaksihan ang intense na pangyayari. Napanood ng binata ang lahat mula sa simula hanggang sa huli. Ang totoo ay nakita niya si Zoien kanina sa hallway na lumabas at nais niya itong komprotahin kaya't sinundan niya ang babae subalit hindi niya inaasahan isang 'di kaaya-ayang eksena ang naghihintay sa kaniya.
"Mukhang nasiyahan ka ata sa napanood mo," baling ni Zoien sa binata.
Ngumisi si Sean. Nasisiyahan sa itsura ni Zoien, bakat kasi ang kamay ni Nathalia sa kanan nitong pisngi.
Napahawak sa bibig ang binata. Nagpipigil ng tawa. "Mukha kang siopao."
Napataas ang kanan kilay ni Zoien. Bakit sa tuwing nakikita niya si Sean tila kumukulo ang kaniyang dugo?
"Gusto mong masuntok ulit?" banta niya na ikinaatras ni Sean.
Nakakadala ang suntok ng dalaga.
"Hey! Don't you dare! Kakasuhan na talaga kita ng physical harassment!"
Napabuga ng hangin si Zoien. "Nevermind, mag-aaksaya lang ako ng lakas," aniya. Balak na sana niyang haplusin ang kanan pisngi nang pigilan siya ng binata.
"Hep!" Hinawakan ni Sean ang kamay ng dalaga. "Wag mong hawakan, sasakit yan lalo. May mas magandang paraan akong alam para maalis ang pamumula ng pisngi mo. Come with me." Marahan na hinila ng binata ito patungo sa malapit na vending machine.
Nakakunot ang noo na pinagmasdan ni Zoien ang likuran ng lalaki. Nagtataka sa kakaibang inaasta ni Sean. 'Naiba ata ang ihip ng hangin,' bulong ng dalaga.
Binitiwan ni Sean si Zoien bago kumuha ng barya sa bulsa para bumili ng malamig na can juice. Kinuha niya iyon at hinarap ang dalaga.
"Here, ilagay mo sa pisngi mo," alok ni Sean.
Kinuha ni Zoien ang can juice. "Seryoso, tinutulungan mo ba ako o inaasar?"
"H-Ha? Tinutulungan syempre," agarang tugon ni Sean. "Ano ba problema mo?"
"Talaga lang ah, can juice? Baka nakalimutan mo kung paano mo ako binato ng can juice?" Nilapat niya ang malamig na can juice sa kaniyang pisngi.
Napakamot sa batok si Sean, "Ikaw kaya ang may kasalanan," paninisi niya.
"At ako pa ang sinisi mo? Galing mo."
"Totoo naman ah! You ignore me! Ayaw na ayaw ko ang gano'n!"
"Heh? Para ka talagang bata but anyway palalampasin ko ang ginawa mo dahil dito and thanks for the treat." Gumuhit ang maaliwalas na ngiti sa labi ni Zoien. Lumitaw ang malalim nitong dimples.
Natulala si Sean. He was staring at her grey eyes. Napakaganda. Napaubo ang binata. Inalis ang naisip.
"Bakit ka pala sinampal ni Nathalia kanina? She looks like a gentle person kaya nagtataka talaga ako kung bakit niya 'yon nagawa. Maliban na lamang kung may kasalanan ka sa kaniya?" Iniba ni Sean ang topic. Sumandal siya sa vending machine habang naupo naman sa malapit na bench si Zoien. Nakalapat pa rin sa pisngi nito ang can juice.
"Ewan, wala akong alam."
Kumunot ang noo ni Sean. "Weh? Niloloko mo ata ako. Imposible magalit ang isang tao na walang dahilan."
"Kung gano'n baka dahil rival niya raw ako?"
"Bakit parang 'di ka sigurado?"
"Dahil hindi naman talaga ako sigurado."
"Wow, ayos mong kausap," sarkastikong pahayag ni Sean. "Sa sobrang galing mo naintindihan ko talaga."
"Don't be such a jerk, pwede? Isa pa, why do you sound concern?" tudyo ni Zoien.
Napaayos ng tindig ang binata. "H-Hindi ba obvious! Dahil syempre, fiancee ko siya! Bilang soon to be husband niya hindi ako papayag na may mga taong mang-aaway sa kaniya."
"Ah, ang sweet mo naman pala," tukso niya na ikinapula ng pisngi ng binata.
"I'm charming and irresistible, inborn na 'yon," pagmamayabang ni Sean na ikinatawa ng malakas ni dalaga. Nainis naman ang binata. "Hindi ako nagbibiro! H'wag mo akong tawanan pwede? Nakakainsulto ka."
"Sorry, sorry. Hindi ko lang matanggap ang sinabi mo."
"Ano!" Hinawakan niya ang kaliwang pisngi ni Zoien. Hinatak-hatak iyon. Bakas rin ang paglabasan ng litid sa noo ni Sean. "Nang-aasar ka talagang babae ka. Bawiin mo ang sinabi mo." Patuloy niyang hinatak ang pisngi ni Zoien.
"Ow!" Halos maiyak ang dalaga. "Okay! Okay! Let go! You're hurting me!" Agad na binitiwan ni Sean ang pisngi ng dalaga.
Ngayon hawak na ni Zoien ang dalawang pisngi. "Bagay nga kayong dalawa, cheeks killer!" akusa nito na ikinamaang ng bibig ng binata.
"May pagka-isip bata ka rin pala."
"Nagsalita ang hindi isip bata. Compare to me, mas malala ka."
Tila napatid ang litid sa noo ni Sean. "Nang-aasar ka talaga."
"Madali ka kasing maasar. Isip bata. But anyway, let's go." Tumayo si Zoien at tinapik ang balikat ng katabi. "Good luck sa 'yo, isip bata," naroon ang awa sa kaniyang tinig. Nilampasan niya si Sean at naglakad pabalik sa cafeteria.
"Sandali! Saan ka pupunta 'oy!"
Hinabol ng binata ang papaalis na dalaga. Nagtungo sila sa cafeteria kung saan naroon na ang iba pa at kumakain ng special filipino kakanin. Napansin kaagad ng lahat ang sabay na pagdating nilang dalawa. Nasa iisang mahabang lamesa silang lahat halatang naghihintay. Naupo si Zoein sa bakanteng upuan na nasa tabi Felt samantalang matik na sa tabi ni Nathalia naupo si Sean. Pasimple pang pinagmasdan ng binata ang katabi. Walang mababasang anumang emosyon sa maamong mukha ni Nathalia.
"Saan ka nanggaling? 'Di ba't ang sabi mo pupunta ka lang ng comfort room? Bakit magkasama kayo ni Sean?" bulong ni Felt.
Nagsandok ng pagkain si Zoien. "I did, nakasalubong ko lang siya," dahilan niya.
"Nangyari sa pisngi mo?" pansin ni Rossette.
Iyon din ang napansin ng iba pang Royalties. Ang namamagang pisngi ng dalaga, dahil nga maputi ito tulad ng nyebe kaya't kapansin-pansin ang pamumula. Sinundot ni Aki ang kanan pisngi ni Zoien na agad nitong ikinaaray.
"Aki! Don't do that," suway ni Margaret.
"Ayos ka lang Zoien?" May pag-aalalang tanong ni Marco.
"Obviously, Marco, she's not okay," singit ni Sahara
"Kukuha ako ng cold compress." Boluntaryo ni Jacob bago umalis upang kunin ang pakay.
"Ate, 'di naman kayo nag-away ni Kuya Sean ulit no?" bulong ni Theron na ikinailing ni Zoien.
"Then what happened?" kunot noong tanong ni Courtney. Zoien was alright a while ago then when she came back, she got swollen cheeks.
Nakamasid lamang habang nakikinig si Riyo na punong-puno ang bibig at ang tahimik na si Trina.
"Your cheek is swelling. Did someone slapped you?" puna ni Arthur.
Napakislot sa pwesto si Nathalia dahil kahit nasa tigkabilang dulo sila nakapwesto ay rinig pa rin nila ang usapan ng magkakaibigan. Sila lamang ang maingay sa mesa. Tahimik sa pagkain ang pamilyang Robles at Heinsford.
Ngumiwi si Zoien, "Ah, ito ba?" Hinaplos ng dalaga ang nasaktang pisngi. "Kinagat ng lamok tapos nasampal ko. 'Di ko inaasahan na napalakas pala," dahilan niya na ikinasamid ni Sean. Natawa ang binata sa narinig.
Binalingan ng lahat ang dereksyon ni Sean,
"W-water," daing niya. Inabutan siya ni Magenta ng tubig.
"Dahan-dahan lang kasi sa pagkain. 'Di ka naman mauubusan," dagdag nitong saad.
Napailing si Meredith at sa kabilang banda naman ay bumungisngis si Benjamin sa nangyari sa kuya niya. Matapos malagok ang tubig saka lamang napahinga ng maluwag si Sean.
"Hoo! Kung gano'n napakalaki namang palang lamok ang tinutukoy mo, 'di ba?" ngisi niyang pahayag habang nakatingin kay Zoien.
This time si Zoien naman ang nasamid. Napaubo siya ng tatlong beses.
"Tubig oh!" alok ni Alisa. Kinuha iyon ni Zoien at ininom bago niya binigyan ng isang tingin nagsasabing 'tumahimik ka' si Sean.
Lihim na napangisi si Xenon, mukhang may interesanteng magaganap sa bakasyon ito. He can feel some tension. Nagkibit balikat si Sean balak na sanang ipagpatuloy ang pagkain nang napansin niyang nakatitig sa kaniya ang katabing si Nathalia. Isang titig na nag-aalisa.
Napangisi sa isipan ang binata. 'Oh, I know alright,' turan niya sa sarili.
He smiled sweetly bago bumulong kay Nathalia, "Isang magandang lamok."
Napaawang ang bibig ng dalaga dahil sa narinig samantalang nagawa pang kumindat ni Sean.
Nagtatakang nakatingin ang lahat sa tatlo, pawang may nangyari na hindi nila alam kung ano subalit ipinagsawalang bahala na lamang nila iyon at pinagpatuloy ang pagkain.
...
"What a scene." Hindi naalis ang ngisi sa labi ni Mantis, sisimulan na nila ang kanilang laro.
'Ang laro ng kamatayan' aniya sa isipan habang ang tingin ay hindi inalis sa grupo na kasalukuyang kumakain sa cafeteria.
'Play to win and lose to die.' He murmured before he turned his back.
Isang paparating na panganib ang nagbabanta sa kanilang tahimik na bakasyon. Ano kaya ang mangyayari sa mga susunod na araw?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top