[56] THE VACATION
She was too late.
Nakatihaya sa kaniyang kama si Zoien habang pinagmamasdan niya ang isang golden locket. Hawak niya iyon pataas at hinayaang nakalawit malapit sa kaniyang mukha. Habang nakatitig sa kwintas hindi niya mapigilang alalahanin ang nangyari kahapon sa ospital. Hindi iyon nawala sa kaniyang isipan.
Nakakatiyak siyang ang WEB ang kumuha kay Dhalia dahil wala na itong ibang pamilya maliban sa asawa nitong si Luther . . . na matagal na niyang pinatay. Kung hindi nga lamang dahil nakita siya ni Flare sa ospital baka nagkaroon siya ng pagkakataon na maabutan sila.
Nagpakawala siya nang malalim na buntong hining. Wala rin magagawa ang pag-iisip sa mga nangyari na . . . mas mahalaga ang kasunod na magaganap. Nakakatiyak siyang may plano ang WEB organization. Mapanganib at nakakabahala. Unpredictable ang bawat kilos ng WEB. Mahilig silang gumawa ng supresa na ikasisindak ng sangkatauhan. Iyon ang dapat nilang paghandang mabuti upang mapigilan nila ang evil organization sa masama nilang balak.
Itinago ng dalaga ang locket sa sulong ng kaniyang drawer bago naisipang lumabas upang gawin ang kaniyang morning routine—ang pagluluto. Dumaan muna si Zoien sa banyo upang maghilamos at magmumog bago nagtungo sa kusina upang simulan ang pagluluto ng breakfast for three person dahil kasama na nila si Flare.
Katulad ng pangkaraniwang breakfast set— banana pancake at green smoothies for Felt. Sunny side up, toasted bread with almond butter and milk tea for Flare. Samantalang, kay Zoien ay isang set ng filipino breakfast— longsilog, pandesal and a simple coffee.
Mayamaya bumaba na si Flare at mabilis na nagtungo sa kusina.
"That smell so good!" Lumapit ang bagong siya sa may kitchen counter at pinagmasdan ang mga lutong pagkain ni Zoien. "Namiss ko 'to!" Umupo siya sa stool at nagpangalumbaba.Parang siyang isang batang sabik na sabik na manood sa ginagawa ni Zoien.
"Good morning, Flare. You're up early, may pupuntahan ka?"
"Good morning din, maagap akong gumising dahil tama ka mayroon nga akong pupuntahan. Simula na ng internship program ko sa ospital. Oo nga pala maiba ako, anong ginagawa mo kahapon sa Holstein, aber? If i'm not mistaken, you are not allowed to go to the hospital right?" Kumuha si Flare ng toasted bread at nilagyan ng almond butter ang ibabaw bago kinagatan.
"May binisita lang. Saka bawal lang kapag ako ang isusugod sa hospital pero pwede akong bumisita." Matapos lutuin ang sinangag ay nilagay niya iyon sa malinis na plato, saka isinama ang longganisa at itlog.
"Umn, gano'n ba. Sino binisita mo?"
Zoien paused. "Someone."
"Who exactly and why?"
"Stop asking, Flare. You know the drill."
She rolled her eyes. "Fine, hindi na ako magtatanong sa naging lakad mo kahapon." Mabilis naubos ni Flare ang toasted bread, dinilaan pa niya ang daliri na may bahid ng almond butter. "Saan nga pala ang kapatid ko? Hinanap ko siya sa kwarto niya kanina pero hindi ko siya nakita." Kumuha ulit ng panibagong toasted bread si Flare.
"Maaga talaga gumising si Felt dahil daily routine niya ang mag-jogging tuwing umaga. Hindi naman siya nag-iisa dahil kasama niya rin ang buong royalties." Tiningnan ni Zoien ang relo. "Pauwi na siya. Ihahanda ko lang ang foods sa mesa."
Tumango na lamang si Flare dahil puno ang kaniyang bibig. Umiling na lamang si Zoien, natutuwa dahil 'di nagbago ang ugali ng kaniyang pinsan.
Eksaktong katatapos pa lamang maghain ni Zoien nang bumukas ang main door ng bahay. Pumasok si Feltesia na nakapang-jogging attire—isang simpleng itim na jogging pants, itim na sando.
"Morning," bati niya bago nagtungo sa mesa para kunin ang green smothies niya. Lumagok siya doon ng tatlong beses bago nilingon ang kakambal niyang si Flare na punong-puno ng toasted bread ang bibig. Para siyang siopao, lobong-lobo ang namumulang pisngi.
"Ang agap mo ata, may lakad ka?"
Nilunok muna ni Flare ang pagkaing nasa bibig bago sumagot.
"May pasok ako, ikaw ba?"
"Well, tapos na kami sa review and we decided to go to Cebu. Tuesday night ang balik namin."
Dahil palapit na ang mid term examination, tradition ang pagbibigay ng allotted two days para sa review ng bawat students.
"Heh? Ang layas mong babae ka," sita ni Flare.
"And so? It a simple reward, after all our brain needs some break sometimes. If inggit ka, why not come and ditch your intership?"
Napairap si Flare. "Nang-aasar ka lang, eh."
Ngumisi si Felt bago nagkibit-balikat. Alam niya kasi na imposibleng lumiban sa pagpasok sa Hospital si Flare dahil pangarap niya iyon. Samantalang nakangiting pinanonood ni Zoien ang palitan ng salita ng magkapatid. Katulad nang inaasahan, interesanteng panoorin ang pag-clash ng parehong maldita.
"How about you, Zoien? May gagawin ka?" Si Flare ang nagtanong bago naupo sa tabi ni Zoien.
Nag-isip sandali si Zoien bago sumagot. "Wala." Natapos na niya ang dapat gawin. Wala din siyang misyon.
"Tapos ka nang magreview?" kuryus na tanong ni Felt bago tumabi kay Flare.
"Yup, already done."
"Iyan pa, 'di na niya kailangan pang mag-review." Flare already witnessed Zoien's capability.
"I know," saad ni Felt na ikinabaling ng tingin ng dalawa. Kagulat-gulat ba na may alam siya tungkol kay Zoien?
Tinaasan niya ng kilay ang mga ito, "What? 'Di man halata pero she's very famous in our Campus. Aside from being the only scholar. She even has her own title. Kung hindi ako nagkakamali, they calles her the 'Prodigy Scholar' or is it the 'Geeky Commoner' at mayroon pa, 'the nerdy girl of the law department'."
Muntikan nang masamid si Zoien dahil sa narinig. Ngayon niya lang nalaman na may bansag sa kaniya. Ano na namang pauso ito ng mga Emperians?
"Gulat lang?" Bumungisngis si Flare sa naging reaksyon ni Zoien.
"I did not know. That's so lame." Halata ang pagka-asiwa sa mukha ng dalaga. Hindi nagustuhan ang 'lame' na tawag sa kaniya.
"At least now, you know. By the way, tutal wala kang gagawin might as well sumama ka na sa four days vacation namin," aya ni Felt.
Bahagyang nagulat si Zoien dahil inaya siya mismo ni Feltesia. "You sure?"
"Gaga ka! Sumama ka na! Huwag kang magburyo dito sa bahay!" sigaw ni Flare. "Matuto ka rin mag-break paminsan-minsan."
"She's right. Ikaw na ang inimbita, aarte ka pa ba?" taas kilay na wika ni Felt.
Iyan na nga, pinagkaisahan na siya ng kambal.
"And we need a cook anyway," dagdag ni Felt.
"Well, if you insist, I'll go," pinal na pagsang-ayon ni Zoien na lihim na ikinatuwa ng kambal.
"Ready your stuff for four days get away, after our breakfast we are good to go. Naghihintay ang iba sa airport," paalala niya na ikinatango na lamang ni Zoien.
'A one time break wasn't bad after all.'
…
"You know what to do right?"
Nagpakawala ng buntong hininga si Sean. Inayos niya ang suot na polo shirt.
"Alam ko, so just shut it, Ben," saway ni Sean na ikinangisi ni Benjamin.
"Galingan mo, Kuya. Win her heart or else you will loss your head," pakanta-kanta pa nitong pahayag.
"Fuck you," angil niya.
"Right back at you, brother. Good luck sa fiancee mo!" pahabol ni Benjamin bago tuluyang umalis.
Naiwan naman sa sariling kwarto si Sean. Pinagmasdan ang sariling itsura sa salamin. He always look decent and appealing. Kahit anong suot niya, kayang-kaya niyang mabihag ang kahit na sinong babae. So sisiw lang sa kaniya ang fiancee niya.
"This is the reason why I hate going back in this place," ika niya bago kinuha ang calvin klein na watch at isinuot iyon. "Sila na lamang palagi ang masusunod at ako ang magdudusa sa desisyon nila." Nagpakawala ang binata ng buntong hininga.
Nag-aayos siya ng sarili dahil kakatagpuin niya ang babaeng nakatakda niyang pakasalan. Arrange marriage between Mafia Clan, tama, ang pamilyang Heinsford ay isa lamang sa pamilyang mula sa Mafia at syempre ang babaeng mapapangasawa niya ay mula sa first rank na walang iba kundi si Nathalia Christine Robles. Ang dalaga ay isa sa apat na anak ng Mafia Lord na si Isagani Jake Robles at ang asawa nitong si Katarina Lechess-Robles.
Hindi pa kilala ng binata si Nathalia subalit may kaunting detalye siyang alam tungkol dito. Sikat na sikat daw ito. Wala raw papantay sa angkin nitong kagandahan at talento ayon sa kapatid niyang si Meredith dahil parehong nag-aaral ang dalawa sa all girls school ng Elemethia.
"Sana madali lang siyang magustuhan," bulong siya sa hangin.
Natigil lamang ang binata sa kaniyang malalim na pag-iisip nang tumunog ang kaniyang phone. Mabilis niya iyong kinuha. Nakatanggap siya ng text mula sa kaniyang ama.
'It's time.' Maikling mensahe subalit alam niya ang ibig nitong sabihin.
Oras na para makipagkita sa babaeng mapapangasawa niya. Napagkasunduan na sa Cebu sila magkikita-kita para raw kahit papano may 'moment ng getting to know each other' silang dalawa ni Nathalia. Pakulo ng magulang ng bawat panig. As if four day vacation was enough to know someone.
Tumayo na si Sean bago siya tuluyang umalis ay tiningnan pa niya ang isang black blazer uniform na nakahang sa closet niya. Hanggang ngayon 'di niya pa iyon naiisauli sa may ari nito. Sa taong tumulong sa kaniyang kapatid. Kilala niya kung sino siya. Ito lang naman ang nag-iisang nagsusuot ng dark uniform sa Empire.
Ngumisi si Sean, "She's more interesting than I thought she would be," ika niya bago tuluyang isinara ang kaniyang pinto.
Now he is ready to face a new challenge in his life, sana nga lamang maging maayos ang daloy ng bawat mangyayari.
…
"Interesting," samo niya bago binuga ang usok ng hithit na sigarilyo. "Looks like the fate is on our side. Lucky us, indeed."
Ngumisi siya habang pinagmamasdan ang paglisan ng ilang sasakyan mula sa mansion ng Heinford. Lulan nito ang pamilyang Heinsford.
"Nakaiwas man kayo sa kamatayan noon, titiyakin kong magwawagi kami ngayon." Puno ng masamang intensyon ang kaniyang pagpunta roon.
Kinuha niya ang sariling phone upang tawagan ang dapat tawagan. They planted a spy apps sa phone ng targets upang malaman ang bawat kilos ng mga ito. Tama lamang ang kanilang nagawa, ngayon alam na nila kung saan patungo ang kanilang target. Upang magawa ang plano, they already made a plan ahead of time.
"They are coming, ready our men and make sure this will be exciting," aniya na sinunod ng nasa kabilang linya.
"Sisirain ko ang mundo ninyo. Maghintay lamang kayo Mafia. Walang kahit na sino ang maaring makagapi sa aming organisayon. Kahit na sino, maging ang konseho, sisirain namin kayong lahat. Mapapasakamay namin ang CODEX." Pagkatapos masigurong nakalayo na ang mga sasakyan saka lamang siya nagmaneho upang sundan ang mga ito.
Isa lamang ang natatanging pagkakakilanlan ng lalaki. Nakatatak ang sapot ng gagamba sa kaliwa niyang mata at ang numero onse sa likod ng kaniyang tenga.
…
"Everything is ready Young Mistress," paalam ni butler John kay Sahara.
"Salamat John. By the way." Nilingon ni Sahara ang paligid . . . may hinahanap. "Where is Trina?"
Ngumiti si John, "She'll be here Young Mistress, subalit nakakatiyak po ba kayong isasama n'yo siya sa inyong bakasyon?"
"Why not? What she needed right now is a pleasant sorrounding to make her feel better."
"Tama po kayo Young Mistress. Masaya kami ng Lord dahil malugod n'yo siyang tinanggap."
"It's no big deal. Everyone is my family basta parte ng ating angkan. Sana nga lamang ay mapasaya ko siya sa bakasyong ito. She always been locking herself inside her room but I do sympathize with her. Alam ko ang pakiramdam nang mawalan ng mga taong minamahal." Sandaling bumahid ang lungkot sa mata ng dalaga subalit agad rin iyong napalitan ng saya nang lumabas si Marco at kasama niya si Trina.
"She's here," ngiti niyang pahayag.
Hinintay niyang makalapit sa kanila sina Marco at Trina.
"Pasensya na kung medyo nahuli kami," kamot sa batok na paghingi ng paumanhin ni Marco. "We are ready to go, right Trina?"
Nahihiyang napatango ang batang si Trina.
"Good let's go. On the way na raw ang iba patungo sa Airport and isa pa na tiyak na ikatutuwa mo, kasama raw ni Felt si Zoien," pagbibigay alam ni Sahara na ikinatunghay nina Marco at Trina.
"Really!"
"Talaga po!" Napatutop sa bibig si Trina. "Pa-Pasensya na po." Napayuko ang batang si Trina. Hiyang-hiya sa nasabi.
Kunot noong napatingin sa kaniya ang magpinsang Revotksy.
"Perhaps, kilala mo si Zoien?"
Nahihiyang napatango ang bata.
"That's surprsing," aniya ni Sahara.
Tiningnan naman ni Marco si John. Simpleng ngumiti ito sa kanila.
"She help a lot," iyon lamang ang sinabi nito.
"I see, kung gano'n gusto mo ba siyang makita?" tanong ni Marco.
Her eyes twinkled. "Opo! Gusto ko po siyang makita!"
Naroon ang kakaibang ningning sa mata ni Trina na ngayon lamang nila nakita. Simula nang ipakilala si Trina ng kanilang Lolo walang mababasang ni anumang saya sa mga mata nito kundi puno iyon ng lungkot at pagngungulila.
Of course, they knew the reason why . . . she lost her only family. 'Di man sinabi sa kanila kung sa anong paraan subalit ang mahalaga nauunawaan nila ang kalagayan ni Trina. They want to cheer her up.
"What are we waiting for? Let's go inside the car nang masimulan na natin ang pagbyahe patungo sa airport," nakangiting anyaya ni Sahara.
Pumasok na sila sa loob ng sasakyan. Si Butler John ang kanilang driver. Naupo sa shot gun si Sahara habang nasa likuran naman sina Marco at Trina. Nang makasiguro na maayos na ang lahat, sinimulan na ni John ang pagmamaneho patungo sa International Airport.
…
Seryosong nakatingin si Jacob sa katabi niyang dalaga. Tahimik lamang itong nakamasid sa labas ng bintana, pinagmamasdan nito ang bawat nadadaanan nilang lugar patungong Airport.
"Stop staring at me, Kuya," malamig na puna ni Nathalia sa kapatid dahil ramdam niya ang tingin nito.
Mabilis nilipat ng binata ang tingin sa daan.Siya ang driver habang naka-convoy ang ibang myembro ng pamilya.
"Pasensya na Thalia, pero kasi nag-aalala lamang ako," ngiwing pahayag ni Jacob dahil ramdam niya na wala sa mood ang nakababatang kapatid. "Sigurado ka ba talaga sa nais nina Dad at Mom?"
"I'm sure."
"Pero halatang labag sa kalooban mo."
"If it is to make our parent's happy I'll accept anything."
Nagpakawala ng buntong hininga si Jacob. Si Thalia ang nag-iisa nilang kapatid na babae kaya naman protektado nilang lahat ito lalo na ngayong ipagkakasundo ang kanilang kapatid sa isa sa mga kasaping angkan sa kanilang Mafia. It was a tradition, to maintain power and of course, wealth.
"Hindi naman sa nangingialam ako, Nathalia. If you continue this against your will I'm sure enough you'll be left with regrets. Ayaw kong mangyari sa iyo ang gano'ng bagay dahil parang ako na rin ang nasasaktan para sa 'yo, hindi naman masama na ipagsigawan mo kung ano ang gusto mo."
Napangiti nang mapait si Nathalia. Inayos niya ang kaniyang magandang buhok, bagksak iyon at mahaba.
"Sana nga kuya kasing tulad mo rin ako pero I can't, mas mahalaga pa rin ang kagustuhan ng magulang kaysa sa gusto ko." Malumanay ang bawat salitang lumabas mula sa bibig ng dalaga.
"Fine, but always remember we are here for you, we will always support you."
"Salamat Kuya, I'll never forget." Namutawi ang ngiti sa labi ni Nathalia.
"Bakit nga pala naisipan nilang sumama kayo sa Cebu? At doon mo pa talaga nais na makipagkita sa fiance mo."
"I just want to know kung hanggang saan ang gagawin niya para lamang makita ako. Alam mo kuya na gusto ko munang makilatis ang isang tao bago tuluyang pagkatiwalaan. Our parents agreed as well," seryosong saad nito.
"Alam na alam ko ang ugali mo, Thalia. May inosente ka ngang mukha pero may itinatago ka rin kapilyahan."
Lihim na napangisi si Nathalia. That is right about her. Her looks gave her away. She might look innocent na pawang 'di makabasag pinggan pero she used her appeal to lured people.
"When it comes to trusting people, we should always choose the loyal and trustful type. Lalo na kung pagdating sa Mafia. Mahirap na ang magkaroon ng traydor, 'di ba tama ako Kuya?"
"Oo naman, sino bang may gusto ng isang traydor? Napakamapanganib ang gan'ong tao."
"Then you got your answer at isa pa na-miss ko na rin ang bonding time with my other Ate's and Kuya's." Nagpa-cute pa ang kapatid ni Jacob.
"Oo na, so stop doing that! At dapat sa amin ka lang dapat maglalambing ng ganito hindi sa kung kani-kanino."
Lumawak ang ngiti sa labi ni Nathalia. "Of course Kuya. I will show my trueself only to those people whom I trust."
Nagustuhan ng binata ang sagot ng kapatid. "Mabuti na ang nagkakaintindihan."
Masayang pinagmasdan sandali ni Jacob si Nathalia hindi nawala ang pag-aalala dahil hindi lamang basta-basta ang arrange marriage. It was more than merging of family dahil sariling nararamdaman ang nakasalalay dito. He just hope na maging maayos ang lahat.
…
International Airport
8:00 A.M.
"Ang daming reporter sa labas," puna ni Theron habang nakadungaw sa bintana ng VIP airplane.
Pinipigilan ng kanilang body guard ang maraming reporter.
"Of course, mukhang natunugan nila tayo." Inayos ni Rossette ang suot na sunglasses. Isinabit niya iyon sa neckline ng kaniyang black knee dress.
"When it comes to the elites society. Tayong nasa taas ang sinusubaybayan ng lahat. They need to make some juicy news para kumita." Uminom mula sa kaniyang tsaa si Margaret. Kapansin-pansin ang kaniyang casual dress na suot. It was a simple button up blouse and tight jeans with simple rubber shoes.
"Hell is other people." Binuklat ni Aki ang kasunod na pahina ng binabasang aklat—A man called Ove by Frederik Backman.
"This is normal," kibit balikat na pahayag ni Riyo habang kumakain ng isang cake na may flavor na mango.
"Riyo, manners." Inabutan ni Alisa ng tissue ang kaibigan para punasan ang amos sa bibig nito.
"Arigatou!" Masayang tinanggap ni Riyo ang kabaitan ng kaniyang kaibigan.
"Well, marami tayong magagandang lugar na dapat bisitahin sa Cebu," turan ni Xenon habang hawak ang isang magazine about sa best place in Cebu City.
"Excited na po ako!" Halos mapunit na ang pisngi ni Theron dahil sa kasabikan.
Courtney cut her gaze sideways. "Me too, we always went abroad for our vacation at nakalimutan na ang pagbisita sa sariling atin."
Rossette nodded. "Tama ka dyan Courtney. Kaya no more vacation abroad dito muna tayo sa bansang Pilipinas magwalwal!"
"Lubusin na natin ang pagkakataong ito."
"Syempre naman Aki! Kakainin ko ang lahat ng delicacies na ihahain ng Cebu sa atin!" Kumikinang ang mga mata ni Riyo habang ini-imagine ang masasarap na pagkain.
"Well thought of Riyo, then I will try some of their native dessert." Margarrette giggled.
"I wanna buy lots of souvenir, pasalubong sa bahay." Inayos ni Alisa ang hawak na camera "Idagdag pa ang litrato ng natatanging tanawin. I brought my own camera just to capture that," dagdag pa ng dalaga.
Napapangiti na lamang sa isang tabi si Arthur habang nakikinig sa usapan ng kaniyang mga kaibigan. Maaayos na ang kaniyang kalagayan, inalis na ang bandages sa kaniyang mga sugat. Matagal-tagal na rin ang nakalipas magmula nang nangyari sa Luminious Island. He wish that this time, nothing bad will happen.
"Oo nga pala, kasama rin natin ang pamilya ni Jacob at ang Heinford Clan sa bakasyon." Ngumisi si Riyo. "Another exciting bunch is coming with us, this will hype our vacation!"
Napailing na lamang sila dahil sa sinabi nito.
…
Ilang sandali, isa-isang nagsidatingan ang iba pang makakasama sa bakasyon sa Cebu. Habang dumaraan ang mga sasakyan. Nagsipag-unahan ang mga mamamahayag upang kunan ng litrato ang mga ito.
There are lot of flashes of camera everywhere. Daig pa nila ang isang sikat na celebrity kung pagkaguluhan ng mga reporter. Patuloy naman ang pagpigil ng mga security sa mga ito Mabuti na lamang dahil hanggang sa labas lamang sila ng airport at mahigpit na pinagbawalan na makapasok.
Unang pumasok ang pamilyang Robles nasa hulihan ang kanilang mga tauhan. Kasunod nila ang pamilyang Heinsford at ang mga hired body guards ng mga ito. Hindi rin papahuli ang magpinsang Revotsky. Kaniya-kaniya sila ng sakay sa VIP Class Airplane ng CEBU airlines.
"Oh dear, there are swarming at the entrance." Nakatingin sa labas ng kotse si Felt.
"Mabuti pa sigurong mauna ka na at susunod ako," segunda ni Zoien.
"What?"
"I hate being in the eye of the masses," dahilan ng dalaga na ikinairap ni Felt.
"Whatever, ipapabuhat ko na lamang ang mga gamit natin patungo sa eroplano, sumunod ka kaagad okay?" Sinuot ni Felt ang kaniyang glasses bago lumabas ng sasakyan.
Tulad ng inaasahan, mas pinagkaguluhan ang celebrity model. Kung ano-anong tanong ang ibinato sa kaniya subalit isang ngiti lamang ang sinagot ni Feltesia bago tuluyang nakapasok sa loob ng airport.
Napangiwi na lamang sa loob ng sasakyan si Zoien, she never want to be in that position. May consequences din ang pagiging famous.
"Manong, pabuhat na lamang po ang gamit namin?"
"Ako na pong bahala, Miss."
"Salamat po," pasasalamat ni Zoien bago lumabas sa kabilang pintuan.
Dahan-dahan na humupa ang dagsa ng mga reporter, dun lamang napagdesisyunan ni Zoien na pumasok sa loob subalit agad rin siyang tumigil sandali. Inilibot ng dalaga ang paningin sa paligid. She felt something. Like someone is watching them.
Subalit wala siyang nakitang kakaiba, baka guni-guni lamang niya ang naramdaman. Ipinagpatuloy na ni Zoien ang paglalakad, bitbit niya ang maliit na back pack, at hawak sa kanan kamay ang isang pekeng passport at maging ang ticket para sa flight. Mabilis rin siyang nakapasok sa security check bago nagtungo sa terminal 3 upang hanapin ang VIP Cebu Airlines na patungong Cebu.
Malapit na siya sa pakay na lugar nang may eksaktong lumabas na bulto ng katawan mula sa isa pang hallway. Hindi nila inaasahan ang pangyayari kaya't nabunggo sila sa isa't isa. Zoien maintain standing samantalang bumagsak sa malamig na tiles ang lalaki.
"Holy shit!" bulyaw ng binata sa taong nakabunggo sa kaniya.
He looked up. Nanlaki ang kulay hazel niyang mga mata sapagkat muli niyang nakatitigan ang isang pamilyar na pares na abong mga mata. Hindi ito nakasuot ng salamin kaya't malaya niyang napagmamasdan ang inosenteng mukha ng dalaga. Idagdag pa na nakakuha sa kaniyang atensyon ang maikli nitong buhok. Nagtataka kung bakit pinaputol nito ang mahaba niyang buhok? But nevertheless, she looks cute in his eyes.Tingnan mo nga naman ang pagkakataon.
"Sean?" takang tanong ni Zoien sa lalaking nakalumpasay pa rin sa lapag.
Tila nabalik naman sa huwesyo ang binata. Mabilis siyang tumayo at pinagpagan ang nadumihang damit. "Hindi ka kasi tumitingin sa daan, may tendency na makasakit ka ng mga tao!" patuloy niyang sermon upang itago ang kahihiyan. Siya 'yong malaki ang pangangatawan siya pa ang bumagsak. May tinatago atang hulk sa katawan ang babae, ang lakas nitong makabunggo.
"Ah, pasensya na. Hindi ko inaasahan na magkakabungguan tayo," hingi niya ng paumanhin.
"Kung minamalas ka nga naman. Bakit sa tuwing nagkikita tayo palaging ganito ang nangyayari? Witch ka ba?" Naniningkit ang mga mata ni Sean habang nag-aakusang nakatingin kay Zoien.
"Witch? Ganyan ka ba palagi sa mga taong nakikilala mo? Kung ano-anong inaakusa mo?"
"Bakit 'di ba? Saka anong ginagawa mo rito?"
Nagpakawala ng buntong hininga si Zoien . . . pinapakalma ang sarili. "Bahala ka sa buhay mo. Nagmamadali ako kaya iwan na kita dito." Nilampasan ng dalaga si Sean.
Napamaang ang binata dahil sa inasta nito. 'Siya? Nagawang lampasan lamang ng babaeng iyon?'
Hinabol ni Sean ang dalaga pero mabilis itong nakalayo sa kaniya.
"Hey! Commoner! Huwag mo akong tinatalikuran! 'Oy!" Subalit kahit anong sigaw ni Sean ay hindi sya pinansin ng dalaga.
"Aba't!" At bilang lalaki na may mataas na pride hindi niya hahayaan na basta makatakas ito sa kaniya.
Naiinis naman na mas binilisan pa ni Zoien ang paglalakad para lamang makalayo sa binata. 'Kung minamalas ka nga naman kung kailan ka nagmamadali saka naman sumulpot ang taong malas,' ika niya sa sarili.
Malapit na siya sa eroplano. Dapat ay sasakay na lamang siya nang isang bagay ang tumama sa likuran ng kaniyang ulo. Mabilis siyang huminto sa paglalakad. She felt something sticky just touched her back especially sa ulong part. Inamoy niya iyon at amoy orange juice.
Dahan-dahan na lumingon ang dalaga, sa paanan niya nakita ang isang can of juice.Pinulot niya iyon at tiningnan ang may sala. Nakangisi si Sean. Halatang proud sa nagawa.
She frowned. "Nang-aasar ka ba?"
Nagkibit balikat si Sean. "Nadulas sa kamay ko. Problema mo?" ngising niyang saad.
Breath. Calm down. She composed herself and ignore his presence. Itinapon ni Zoien ang lata sa basurahan at muling ipinagpatuloy ang pagpasok sa eroplano.
"Sandali!" Pigil ni Sean dahil ngayon niya lang napansin na sa kanilang eroplano rin ang sakay nito. "'Oy! Babaeng mahirap! Saan ka pupunta ha?"
Naririndi man ay hindi na niya pinag-ukulan ng pansin si Sean.
Nasira na ata ang utak nito kaya't umaasta na parang bata. Pinagbigyan niya sa huling pagkakataon si Sean. At wala sa lugar kung gagantihan nya ang binata at masyado iyong childish comeback. She won't level herself to someone like him.
"Welcome po Ma'am, may I?" Inabot ni Zoien ang kaniyang boarding pass sa flight attendant, pagkatapos tanggapin iyon at magsecurity check saka lamang siya pumasok sa aircraft. She needs to do something about her hair and clothes. It's very sticky. Pagkapasok sa loob ni Zoien ay agad siyang nakita ni Theron.
"Ate! Dito!" Kumaway pa ang bata.
Nakuha ni Theron ang atensyon ng lahat ng nasa loob. Kumpleto ang buong Royalties. May mga bagong mukha siyang nakita. Naroon rin ang dalawang pamilya ng Robles at Heinsford na hindi alam ni Zoien na kasama rin nila.
Napangiwi ni Zoien nang isa-isang lumingo sa kaniya ang mga ito. There are too many of them. Isama na maging ang ilang men in black sa back corner. She sighed. Akmang maglalakad na siya papasok nang may marahas na humablot sa kaniyang braso. Sa sobrang lakas nito, napaikot ang dalaga, ramdam niya ang paghapit nito sa kaniyang bewang.
"Caught you," ngising pahayag ni Sean habang yakap niya si Zoien.
They are nose to nose. Kunti na lamang magkakahalikan na silang dalawa. Hazel eyes staring deeply to a pair of grey eyes.
Ngumiti si Zoien. isang matamis na ngit ngunit puno ng panganib. "You won't let me go, ha?"
"No, I won't."
"Talaga?"
"What? You want some test?" Hinigpitan ni Sean ang kapit sa bewang ni Zoien.
"Let go, Sean."
"Na-uh. Ang ayaw ko sa lahat. Ang iniignora ang aking presensya."
"Bakit? Kapansinpansin ka ba?"
Napatawa nang pagak si Sean. "Aba't ang lakas talaga ng loob mo no? Bakit ano bang pinagmamalaki mo?"
"At ikaw? Ano bang pinaglalaban mo? Let go, Sean. Last warning. Hindi mo magugutuhan ang kasunod kong gagawin."
"Bakit ano bang kaya—" Hindi niya nagawang maituloy ang dapat sabihin nang isang shoulder throw ang ginawa ni Zoien. Literal na bumaliktad ang mundo ni Sean hanggang sa naramdaman niya ang paglagabog ng likuran sa sahig.
"Ack!" Dalawang beses umubo ang binata. "That hurts."
"Serve you just right." Hinipan ni Zoien ang bangs na tumabing sa kaniyang mga mata bago pinagpagan ang mga kamay. "I dare you touch me again." She said without further thoughts.
Nabalik siya sa hwesyo. Naalala niya na hindi lamang sila ni Sean ang nasa loob ng eroplano. She looked around at halata ang gulat sa mga mata ng lahat ng nakasaksi, ang iba pa'y kulang na lamang bumagsak ang panga sa laki ng pagkakabukas ng kanilang mga bibig.
Napakagat siya ng labi. "Pasensya na po." She bowed her head bago nagmadali nagtungo sa CR.
"What a day," she said through her reflection.
Sigurado siyang hindi magiging madali ang apat na araw na bakasyon niya sa CEBU lalo pa't naroon ang isang Sean Heinsford. Ilang sandali lamang ang itinagal ni Zoien sa comfort room upang magpalit ng damit dahil mayamaya lilipad na sa himpapawid ang eroplano patungong Cebu. One and half hour ang travel.
Pagkalabas pa lamang ng dalaga ay siya namang paglingon muli ng mga tao sa loob. Ngumiwi siya at nagmadaling nagtungo sa kinaroroonan ng Royalties. Naupo ang dalaga sa bakanteng upuan sa tabi ni Courtney. Samantalang nanlilisik ang mga mata ni Sean habang nakamasid sa likuran ng babaeng namahiya sa kaniya.
"You shouldn't have done that to her, Sean," muling sermon ng kapatid niyang si Meredith.
Halata ang pagkadisgusto sa tono ng dalaga. Hindi nito nagustuhan ang mga nangyari kanina.
Nagpipigil naman ng tawa si Benjamin. "Grabe! I never thought a petite girl like her can actually throw a man who is two times bigger than her. How unlucky you are, big brother," nanunuksong pahayag niya na ikinasama lalo ng tingin ni Sean.
"Stop it, Ben. Behave." Suway ng nakakatanda nilang kapatid na si Magenta. "But I agree with Meredith," seryoso ang mga matang pinagmasdan niya ang kapatid niyang si Sean. "Girl should be respected Sean at syempre hindi mo dapat minamaliit kaming mga babae. Mahina man kami sa inyong mga mata mayroon pa rin kaming kakayahan na protektahan aming sarili. Basta may respeto kayo."
Nagpakawala ng buntong hininga si Sean. Tila nauupos siyang kandila sa kaniyang pwesto dahil nasa kaniya ang atensyon ng kaniyang buong pamilya. Maging ang kaniyang Ama't Ina ay nakatingin sa kaniya.
"Fine, I admit ako may kasalanan but she doesn't need to threw me," reklamo niya.
"Sean," madiin ang pagkakasabi ni Vladimir sa pangalan ng kaniyang anak. "Alam mo na kasalanan mo ang nangyari. Humingi ka ng tawad sa kaniya mamaya."
"But dad.."
"Your father is right, Sean," putol ni Selina. "Nakakahiya na iyon ang ginawa mo lalo na't sa harapan pa ng pamilya ng mapapangasawa mo."
Tiningnan ni Sean ang paligid. Kasama nila ang pamilyang Robles maging ang royalties. He even caught Nathalia's staring at him. Hindi mabasa ni Sean kung anong klaseng tingin ang binibigay ng dalaga, subalit mabilis rin umiwas ito upang kausapin ang katabi nito. Ang ama nitong si Isagani.
Tunay ngang may natatanging ganda si Nathalia. She's stunning especially her amethyst eyes subalit lumitaw sa isipan ni Sean ang kulay abong mga mata. Agad niya iyong inalis sa isipan upang pagtuunan ng pansin ang kaniyang pamilya. Kahit labag sa loob ay walang nagawa kundi sumang-ayon si Sean sa nais ng mga ito na humingi siya ng tawad kay Zoien.
'Kasalanan niya ang lahat ng ito,' inis niyang sabi sa sarili at muling binigyan ng masamang tingin ang likuran ni Zoien.
…
Nangilabot ang katawan ng dalaga. Ramdam niya ang pagtaasan ng kaniyang balahibo sa likuran ng kaniyang batok.
"Are you alright, Zoien?" usisa ng katabing si Courtney.
Ngumiti si siya. "I'm good."
Napatango si Courtney bago napansin ang medyo basang buhok ni Zoien.
"Your hair..."
"Ha?"
"Wait." Kumuha ng panyo si Courtney saka lumapit kay Zoien. "Turn around."
Sinunod ni Zoien ang nais ni Courtney.
"Your hair smell like orange juice," ani ng dalaga na ikinangiwi ni Zoien.
"N-Nabubuan kasi ako kanina kamamadali," dahilan niya at naalala ang ginawa ni Sean.
'Ano ba ang problema ng isang iyon?' isip niya.
"Stay still," utos ni Courtney bago tumayo upang kausapin si Riyo.
"Riyo can I have your mineral water?"
"Sure," kinuha ni Riyo ang bottle water at ibinigay iyon kay Courtney. "Anong mayro'n?" taka niyang tanong sa kaibigan.
"I'm gonna wash Zoien's hair or else it will be sticky later."
Ngumiti si Courtney at kinuhang muli ang kaniyang panyo. Inalis nya ang takip ng mineral water at inilapat ng dalaga ang panyo sa dulo ng bote saka iyon mabilis na binaliktad. Matapos maramdaman ang saktong basa na iyon saka lamang niya ibinaba ang bote ng tubig sa cup holder bago pinagtuunan ng pansin ang buhok ni Zoien. Maingat niyang pinunasan ang buhok na nabasa ng orange juice.
Natutuwang nakamasid naman sa kanila si Arthur. "Sweet, looking at the both of you. Mapagkakamalan kayong magkapatid," ngiting pahayag binata.
Nanigas sa pwesto si Zoien dahil sa sinabi ng binata samantalang isang matamis na ngiti ang namutawi sa labi ni Courtney.
"Really? Hey Alisa! Can you please take a picture of us?" agaw atensyon ni Courtney kay Alisa.
Agad na lumingon si Alisa. "My pleasure."
"S-Sandali—" Balak pa sanang tumutol ni Zoien pero agad natutop ang kaniyang bibig dahil sa kasunod na ginawa ni Courtney. Niyakap siya ng dalaga at pinagdikit pa ang kanilang pisngi. She was frozen in her place. Never in her entire life naisip na magiging ganito sila ka-close ni Courtney.
"Say cheese!" sabi ni Alisa hawak ang camera.
"Cheese!" masayang sabi ni Courtney.
Nag-flash ang camera.
"I'll give the picture later," masiglang saad ni Alisa bago umayos ng upo sa tabi ni Xenon at Theron.
"You okay?" tanong ni Courtney dahil pansin niya na hindi nagsasalita si Zoien.
Umiwas ito ng tingin bago sumagot. "Yeah, I'm fine I guess." Malumanay ang tinig ni Zoien.
Pasimpleng napangiti si Courtney. "Come on now, don't be shy. My birthday is coming up next month at least maisama ko man lamang sa memories ko ang kaisa-isahang picture natin."
Dahil dito ay agad na humarap si Zoien na ikinagulat ni Courtney. Seryoso ang mukha ni Zoien. She was about to say something to Courtney but was interrupted when the pilot announce to take off. Umayos sila ng kanilang upo. Umandar na ang kanilang sasakyan hanggang sa umangat ang eroplano sa himpapawid.
Zoien bit the inside of her cheeks. She almost slip her tounge. It was hard not to tell the truth, subalit tama ang kaniyang ginawa. Hindi pa ito ang tamang oras upang malaman ni Courtney ang lahat at lalo't higit na mahalaga ay dapat manggaling ang katotohanan kay Homer at hindi sa kaniya. She suddenly felt tired. Zoien closed her eyes and decided to sleep.
Nagtatakang pinagmasdan ni Courtney natutulog na si Zoien. Sigurado siya na may importante itong sasabihin sa kaniya kanina subalit hindi natuloy. Courtney wondered what that is.
"She might melt, Hon," bulong ni Arthur.
Nilingon ng dalaga ang kasintahan. "Zoien is acting weird a while ago. I'm certain she's about to say something but decided not to. I'm getting curious," tugon ni Courtney.
"Really?" usisa ni Arthur.
Dalawang beses tumango ang dalaga. "What do you think she wants to tell me?"
Nakasalubong ang dalawang kilay ng dalaga. Lihim na napangiti si Arthur bago niya hinawakan ang kilay ni Courtney.
"Kumukunot ang noo mo. Stop worrying about that. Sasabihin rin ni Zoien iyon. Just learn to wait," payo ni Arthur na sinunod na lamang ni Courtney.
'Sana nga,' ani ng dalaga bago naisipan na ipikit ang mga mata para matulog.
Ngumisi si Nathalia sa kaniyang pwesto. 'So, she's that girl,' samo niya sa sarili. 'This vacation will be eventful,' dugtong niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top