[55] BREWING STORM
"You are the last one! Goodbye!"
Hinigpitan ni Sting Ray ang pagkakasakal sa leeg ng lalaki hanggang sa namutla na ang balat nito dahil sa kakulangan ng hangin at namuti ang mga mata. Ngumisi siya saka binitiwan ang walang-buhay nitong katawan sa malamig na sahig.
"What a loser. Ganito ba ang mga tauhan ng mga mafia? Ang hihina nilang lahat." Sinipa niya ang katawan nito.
"Tapos ka na?" Sumilip mula sa labas ng pinto si Sparrow. "I already killed the men outside while Praying Mantis is playing with their corpses. Anong kasunod?"
Ipinasok ni Sting Ray ang duguang kamay sa bulsa ng kaniyang pantalon. "Did our men obtain the relic?"
"Already done. Naayos na ng mga tauhan natin."
"Then we have nothing else to do here. Let's leave. Marami pa tayong bibisitahing mafia family. Uubusin natin ang kanilang yaman at katanyagan." Naglakad sila palabas sa malawak na mansion hindi nila alintana ang mga nagkalat na maraming patay na katawan sa kanilang daan.
"Oo nga pala, bago ko pa makalimutan, pinapasabi ni Scorpion na inalis na ng Cypress Clan sa kanilang listahan ang Heinsford mukhang hindi umaayon ang lahat sa plano mo, Sting Ray."
"I even wanted to watch how they will be killed by an assasin guild para 'di halatang ang organisasyon natin ang nasa likod ng lahat ng ito," ngumisi ang lalake. Makikita ang sapot na tatto sa kaliwang mata. Maging ang numero 11 sa likurang tenga patunay na kasali siya sa Rulers. "But who cares, tuloy pa rin ang plano. 'Di magtatagal mamamayagpag ang ating organisasyon sa buong mundo at kailangan nating alisin ang lahat ng mga sagabal sa ating plano."
Ngumisi si Sparrow. Dinilaan ang mga labi, tumambad ang tattong sapot sa dila nito maging ang numero otso sa hikaw na nasa gilid ng labi. "Tiyak na matutuwa si Boss, kung mas marami tayong mawawasak mula sa Mafia Clan. Creating chaos against their guild will be an intersting job to do."
Tuluyan na silang nakalabas mula sa loob ng malaking mansion. Naghihintay sa kanila ang lahat ng kanilang mga tauhan habang nakasakay sa mga truck. Nasa loob nito ang mga nakalap nilang mahahalagang gamit.
"Zoinks, you looked terrible," puna ni Praying Mantis kay Sting Ray.
"Shut up damn idiot. Start the car," pumasok sa hulihan ng lamborgini ang lalake.
Sumunod si Sparrow na naupo sa tabi ni Praying Mantis.
"Yes, boss!" Hindi naalis ang ngisi sa labi ng lalake. Pinaandar na niya ang sasakyan sumunod sa kanila ang pitong naglalakihang truck.
"Mantis, you know what to do, man." Pumikit si Sting Ray.
Mula sa bulsa ni Mantis, kinuha niya ang isang remote control. A detonator. Walang pag-aalinlagan na pinindot ang pulang button. Isa-isang sumabog ang itinanim nilang bomba sa buong teritoryo ng Hunstmen Clan.
"Woooo! That was awesome! A blast off!" Natutuwang ani ni Praying Mantis. Makikita ang sapot na tattoo sa kanang kamay at maging ang numero singko na nakatatak sa kaniyang noo.
"Who's next?" usisa ni Sparrow subalit naghihilik na si Sting Ray.
"Magugulat ka na lang kung sino ang kasunod." aniya ni Mantis.
"Tss, bahala nga kayo. Wake me up kapag nasa Legion na tayo."
"Roger, sir!"
"Dummy."
...
Pinaningkitan ng mga mata ni Felt ang dalawang taong nasa kaniyang harapan. Kasalukuyan silang nasa hapag-kainan para kumain ng agahan.
"If your eyes can produce laser beam, the two of us might be dead by now," singit ni Flare bago ipinagpatuloy ang pagkain. When the foods touched her tounge she was in cloud nine. She missed Zoien dishes!
Napaikot ng kaniyang mata si Feltesia. Ano bang aasahan niya sa kaniyang kapatid kundi ang fighting comeback nito. Binalingan niya nang pansin ang tahimik na si Zoien. Hindi siya sanay sa bagong appearance nito. It's not like 'di bagay. Ang mahaba nitong buhok dati, ngayon ay sobrang ikli na hanggang batok at may side bangs pa. Idagdag pa, ang pagsusuot nito ng glasses. She looks cute naman pero nagtataka siya kung bakit pinaputulan ni Zoien ang maganda nitong buhok na halos gabewang na ang haba.
"Bakit ka sa akin nakatingin?" puna ni Zoien. Kanina pa niya pansin ang mapag-obserbang mga mata nito.
Napabuga ng hangin si Feltesia, "I really don't have any idea what happened . . . You!" Tinuro niya gamit ang kutsara ang kapatid—natigilan si Flare sa pagkain. "What are you doing here?" pagpapatuloy ni Feltesia. Nagtataka siya dahil walang pasabing uuwi pala ang kakambal niya.
Nagpangalumbaba si Flare, "Duh! 'Di ba obvious? I'm gonna stay here, simple as that," simple niyang pahayag na ikinamaang ni Felt.
Balak na sana niyang magreklamo pero naunahan na siya ni Flare.
"Parents order," aniya na ikinatikom ng bibig ni Felt.
Natuwa si Flare sa naging reaksyon ng kaniyang kakambal. Pagdating sa kanilang magulang walang choice ang kaniyang kapatid kundi ang tanggapin ang lahat ng kanilang utos.
Sumandal si Feltesis sa upuan at nagpahalukipkip. "Gosh, fine. E ikaw, anong nangyari sa 'yo?"
Napakurap si Zoien. "Ah, new style?"
"New style? Baka naman nagbreak kayo ng BF mo and then you are in the 'moving on state'."
Mahinang natawa si Flare. "Sana nga gano'n lang ang dahilan. Ang kaso walang BF iyang gagang iyan," dagdag niya na ikinasamid ni Zoien.
"Flare! Ikaw na may boyfriend!"
Ngumiti nang mapang-asar si Flare, "Of course I have, a very handsome and smart boyfriend," pagmamayabang niya sa boyfriend niyang si Lawrence.
Napailing na lamang ng ulo si Zoien.
"Never mind," tiningnan niya ang orasan. "Oh! Look at the time! I have to go!"
Kinuha niya ang pinagkainan, inilagay sa lababo at mabilis na hinugasan pagkatapos ay nagmadaling na siyang umalis.
"Zoien, ang aga pa! Saan ang punta mo?" usisa ni Flare.
"Uncle Morgan called me a while ago! He wanted to see me! Una na 'ko!"
Pinagmasdan ng magkapatid ang paglisan ni Zoien.
"Is she always been like this?" kuryus na tanong ni Felt sa kapatid na nagpatuloy sa pagkain.
"What do you mean?"
"She's always been busy. Wala siyang nabanggit kung anong pinagkakaabalahan niya. Hindi naman ako mausisa dahil buhay niya naman 'yon. Pero, nakukuryus ako."
Ngumisi si Flare. "Ow, look at my little sister getting curious about the person she hated before," tukso niya.
"Har, har, nakakatawa Flare." Napaikot ng mata si Feltesia bago sumandok sa kaniyang lasagna at isinubo iyon. She sighed. Hindi nabawasan ang masarap na lasa. Zoien exceded her expectation. She was goddess of cooking!
"You were with her for the past three months and yet you still don't know her. Where is my observant sisssy go," tudyo niya.
"Three months is not enough to know a person. Back in forth. Saka isa pa, she never tell me anything naman pero pakiramdam ko may itinatago siya," pagbibigay alam ni Felt.
She nodded. Understanding her twin. "Kapatid nga kita,"
"Eh? 'Nu konek?"
"Wala naman, nais ko lang sabihin. By the way, thank you for watching over her, that means a lot to me." Mababasa ang senseridad sa mga mata ni Flare.
She concluded something. "She's that important to you huh?"
"Hmn, maybe. Just like what I've said before she's like a little sister. Parang ikaw lang."
Napairap si Felt, "Yeah, yeah whatever. And please stop. I hate cringe words, whenever I heard some chessy line I wanna vomit."
"Typical you."
"But Flare, ano nga bang dahilan nang pagbalik mo rito?"
Nag-isip sandali si Flare, "Field job. Papasok ako sa hospital ni Auntie Hannah as an intern. Mom and Dad already approved, so there you have it, anything else?" Isinubo ni Flare ang slice ng pancake sa kaniyang bibig subalit ang tingin ay nasa mukha ng kaniyang kapatid.
Flare want to become a doctor, eversince they were child gustong-gusto nito ang pag aralan ang panggagamot.
"How long?"
"Until I finish this term I guess."
"Is that so . . . fine. " Natigilan sandali si Felt. "How about Mom and Dad, when will they be back here?"
"Why? You sound like, you missed them?" Natatawang puna ni Flare na ikinabusangot ng mukha ni Feltesia.
"Masamang magtanong?"
"Whatever sistah! They be here and they want to. I'm finish!" Nagmadaling umalis si Flare.
"Flare! Your plates!" Habol ni Felt subalit nakarating na ang kambal niya sa second floor.
"Ikaw na bahala, sis! Kailangan kong maagang pumunta sa Holstein Hospital to submit my documents! Love yah!"
"Ugh! That's not fair!" Pagmamaktol ni Feltesia pero sa huli wala siyang nagawa.
'Oh my gosh, mas magugulo pa ata ang buhay ko nito,' daing niya sa sarili subalit hindi niya naitago ang saya dahil nakita niya sa wakas ang kaniyang kakambal.
...
Nagmadali pumasok sa loob ng coffee shop si Zoien na matatagpuan malapit lang rin sa E.U. Hinanap niya ang kaniyang Uncle Morgan, hindi siya nabigo dahil nakita niya kaagad ito sa pinaka-corner ng shop malapit sa wall glass.Umiinom nang mainit kape ang lalake. Lumapit ang dalaga sa dereksyon nito. Umupo siya sa bakanteng upuan sa harapan nito.
"Good morning po," bati niya.
"Morning." Ibinaba ni Morgan ang tasa sa ibabaw ng platito. "You know the reason why I called you right?" seryosong tanong nito.
Inayos ni Zoien ang suot na salamin. "I don't know the exact reason but I have a hunch," ika niya na ikinatango ni Morgan.
"Well that's good enough kaysa wala. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa." May kung anong bagay na kinuha si Morgan mula sa kaniyang bulsa at binigay iyon kay Zoein. It was a silver bracelet. "Wear that. Huwag na huwag mong aalisin iyan sa katawan mo. The council have their eyes on you, they need informations . . .everything about you. Your location is very crucial at lalo't higit sa lahat ang bawat galaw at kilos mo ay dapat alam nila."
Kinuha iyon ni Zoien. A tracker.
"They taking everything seriously, Am I a big threat to them?" aniya bago iyon isinuot sa kaliwang pulsuhan. "Did they learned about the occurence last night?"
"Furtunately they don't. The head council will let that slide this once pero wala nang kasunod. He can't be lenient towards you."
"I understand then what will happen to the Orphan Massacre Case?"
"It's already on the hands of the higher jurisdiction. You don't need to bother yourself about that case," may awtoridad na pahayag ni Morgan.
"Noted, sir."
"We already know the wherebouts of the missing child. The Revotsky's Clan plan to adopt her." Tiningnan niya ang mukha ng kaniyang pamangkin. "Is it your doing?"
"Yes," tapat na saad ng dalaga.
"You acted alone Zoien. Alam mo kung gaano kapanganib ang ginawa mo. Hindi lamang ikaw ang mapapahamak kung sakali mang nabigo ang plano mo. What were you thinking?"
She grimaced. "I did what was right."
"Ginawa mo kung ano ang gusto mo hindi ang tama."
"I know him more than anyone."
"And yet he escape."
"That is bound to happen. I know how great he is. No one can capture him unless you will kill him on the spot," seryosong pahayag ni Zoien.
"Tandaan mo. . . lahat ng gagawin mo simula ngayon ay makakarating sa Sanctum. Mag-isip ka nang mabuti bago ka kumilos. Lahat may katumbas. It's either good or bad. Always keep that in mind." He sipped on his cup of coffee.
"Yes Uncle, I'm sorry for being selfish," paghingi niya ng paumanhin.
"As long as you know your mistake that's good enough for me." Naunang tumayo si Morgan. "And one more thing. . . don't forget, we are in this together. Wag mong solohin ang lahat." Huli niyang paalala bago naglakad palabas ng shop.
"Right," ika niya sa sarili at hinaplos ang bracelet sa kaliwang pulsuhan. "I hope so."
Hindi rin nagtagal ang dalaga sa shop, pinagpatuloy niya ang paglalakad patungo sa Empire. Habang papunta siya sa school, tulad nang karaniwang eksena, marami ang nakatingin kay Zoien. Kailan ba sila nagsawang siya'y pagmasdan? Napabuga siya ng hangin nang isang 'di inaasahang pangyayari ang gumulat sa kaniya.
"Zoien girl!" Isang tao ang dumamba sa kaniyang likuran.
Dahil sa bigat nito muntikan siyang bumagsak sa maruming kalsada. Mabuti na lamang dahil nagawa niyang ibalanse ang sarili. Nilingon niya ang babaeng nasa likuran. Para itong kuala kung yumakap. Bumungad sa kaniyang ang isang pamilyar na babae. Blondie girl, namely Gillian. She was smiling brightly like the sun. Sobrang nakakasilaw.
"Morning!" Energetic na bungad ni Gillian. Ayaw bumitaw kay Zoien.
"G-Good morning," ngiwing pahayag ni Zoien sa nakangiting si Gillian. Maaring may sexy itong pangangatawan subalit mabigat pala ito dahil na rin sa katangkaran. "Ano . . . don't mind me asking but kailan mo balak umalis sa likod ko?"
Tila nabalik sa huwesyo si Gillian.
"Oops! Sorry!" Bumaba si Gillian mula sa likuran ni Zoien. "Nasanay lang, I always done that to Sean as my way of greeting." Nag-peace sign ito.
Nakahinga nang maluwag si Zoien, "Gano'n ba, parang naawa ako bigla sa lalaking 'yon," samo ni Zoien na narinig ni Gillian.
"What do you mean?" kunot noong usisa nito.
"Nah, wag mo na lang pansinin." Nagpatuloy na si Zoien sa pagpasok sa campus.
"Pasabay ako." Yinapos ni Gillian ang kanang braso ni Zoien. "Mabuti na lang last day na ng weekdays! Masisira na ang utak ko sa mga mathematical symbols and calculation, tapos malapit na ang mid term examination! Goodness! Kamusta ang brain cells ko!"
Ngumiti si Zoien. Napaka-clingy ni Gillian at madaldal rin ito. Gillian is kinda cute. She similar to Flare. May pagka-clingy at madaldal rin kasi ang pinsan niyang iyon.
"You're not with Sean today?" usisa ni Zoien.
Pansin niyang wala nga ang lalaki. Kailan ba niya huling nakita iyon? Bumusangot ang mukha ni Zoien matapos maalala ang nangyari nang gabing iyon. Ang dahilan kung bakit siya nagkasakit.
"Nope, actually noong Tuesday pa siya 'di pumapasok. He never even told me why, 'yan tuloy mag-isa lang ako palagi, no one wants to talk with me dahil takot sila kay Sean. Iyon kasing lalaking iyon masyadong overprotective." Parang bata kung magsumbong si Gillian. Nakanguso pa habang nagsasalita. "But . . . I don't hate that from him, after all he just wants to protect me. That's what bestfriends do. Always have each other back."
"Mukha ngang close na close kayo," saad ni Zoien. How lucky he is to have a friend like you.
"Super! We are childhood bestfriends! We know each other so much. Kaya nakakapagtampo dahil hindi niya magawang sabihin ang kaniyang dahilan kung bakit sya absent. Maging si Benjamin din wala. Ano kayang nangyari sa dalawang iyon?"
They are busy dealing with someone who wanted to kill them. "Maybe you should just visit him. Para malaman mo, 'di ba?" suhestyon ni Zoien.
"Kung pwede lang sana," ngumiti nang mapait si Gillian.
Tila may kung anong kumurot sa dibdib ni Zoien matapos makita ang malungkot na ekspresyon ng mukha nito.
"Gusto mo bang samahan muna kita habang wala pa si Sean?"
Napatunghay si Gillian kay Zoien. Kumislap ang kaniyang mga mata. "Really? You will?"
Sweat dropped. Napakamot sa pisngi si Zoien. "A-Ah, kung ayos lang naman sa 'yo."
"Yey!" Nagulat ang dalaga dahil bigla siyang niyakap ni Gillian. "Thank you! That means a lot to me!"
"Yeah sure." Nakapasok na sila sa mahabang hallway sa campus.
"Okay, so kita tayo mamayang break time, ah. Oh, by the way I love your hair. You look so cute! Bye, Zoien!" paalam ni Gillian bago ito nagtungo sa kabilang dereksyon—ang daan patungo sa Engineering Department.
Napabuga ng hangin si Zoien. 'She's so energetic,' aniya bago nagpatuloy sa paglalakad patungo sa kaniyang silid-aralan.
Pagkaapak pa lamang niya sa loob ng klase ay nasa kaniya na kaagad ang pansin ng ilang kaklase niya. They stare at her as if nag-evolve siyang alien.
Ipinagsawalang bahala ni Zoien ang kakaibang tingin ng mga ito. Naupo siya sa kaniyang silya. Tulad ng karaniwan niyang ginagawa, she looked outside the window. Pinagmasdan ang paggalawan ng ulap at ang pagbuo nito ng iba't ibang hugis. They are more interesting to watch than to hear nonsense rumours circulating among her peers.
Napakabilis nang paglipas ng panahon. Sa sobrang bilis nito, lahat ng mga pangyayari sa kaniyang buhay ay parang sirang plakang paulit-ulit na naglalaro sa kaniyang isipan.
"Nice, new look?" agaw atensyon ng taong nasa likuran ni Zoien hinawakan pa nito ang ilang hiblang buhok.
Lumingon si Zoien. Nagulat siya dahil mukha ni Altear ang bumungad sa kaniya. Napakalapit ng mukha nito.
Ngumiti ang lalaki. "Devine wants me to remind you about our club meeting this afternoon. Aasahan namin ang pagdalo mo." Lumayo na ang binata pagkatapos upang umupo sa designadong pwesto.
"Don't mind him, Zoien. He is alwasy been strange," sita naman ni Samara na naupo sa tabi ni Zoien. "Good morning pala. I love your new hair style. It made you even cuter."
"A-Ah salamat."
"I agree with Samara, bagay sa 'yo ang maikling buhok," puri naman ni Deux. Naupo na ito sa unahang upuan ni Zoien.
Isang tipid na ngiti lamang ang tugon ng dalaga.
"By the way, good job for saving her," bulong ni Deux.
"You know?"
Isang tango lamang ang sagot ni Deux.
"Is that so, that also means." Tiningnan niya si Samara. She knew as well.
"What?" kunot noong pahayag nito.
"Nothing," iling na wika ni Zoien at binalik na ang tingin sa labas ng bintana. She can't involve herself with other's 'life problem' that isn't her business anymore.
Samara glance towards Zoien at napansin ang isang bagay sa kaliwa nitong kamay. Isang silver bracelet na pamilyar sa kanila. It was a tracking device.
"Mabuti suot mo 'yan at least hindi na kami mahihirapan na hanapin ka," saad niya na ikinalingon ng dalaga.
Itinaas ni Zoien ang bracelet. "Not that I want to be watch but if the Councils ordered it then I have to obey. I don't want to cause much trouble."
Mahinang napatawa si Deux. "Ironically you are the definition of trouble. Whenever you go, trouble will always follow. Sorry if I offend you."
"None taken."
"Aish!" Agaw atensyon ni Altear. "Can I have a nice sleep? Stop talking. It's annoying."
"And here is the grumpy old trools," iiling na pahayag ni Samara bago itinahaw ang kaniyang aklat na may pamagat na Criminal Laws. "We should review malapit na ang mid term. Ayaw kong makakuha ng mababang score . . . bawas sa image."
"Magandang ideya," sang-ayon ni Deux.
Napangiti si Zoien. Despite being undercover agent they treat learning seriously. Sa panahon ngayon, hindi lahat nagkakaroon ng oportunidad na makapag-aral kahit pa nakalagay sa batas na ang edukasyon ay para sa lahat.
...
Katulad ng napagkasunduan sabay sila Gillian at Zoien na nagtungo sa cafeteria upang kumain.
"I'm so happy talaga!"
"Mukha nga."
"Kasi, this is my very first time na may kasamang new friend aside from Sean. Maybe I should treat you some foods!" Nakayapos na naman si Gillian sa kanang braso ni Zoien.
"Hindi naman na kailangan, Gillian, I brought my own foods," pagbibigay alam ni Zoien sabay taas ng lunch box.
"Ow, you know how to cook?" manghang pahayag ni Gillian.
"Medyo,"
"Gusto ko magpaturo!"
"Sige, pwede naman. If I have spare time."
"Really?! I'm so lucky talaga! Turuan mo ako ah. Sean always bragged about girls who know how to cook. Kawasa't magaling magluto ang mga kapatid niyang babae."
"Talaga? Does Sean like girl who knows to cook?" usisa ni Zoien na ikinalabas nang nakakalokong ngiti ni Gillian.
"Kuryus siya oh! Tell me, do you like Sean?"
Sandaling natigilan si Zoien. "He is handsome and all but—"
They were about to go inside the Cafeteria when a group of girls suddenly blocked their way.
"Oh, looks who's here," sita ng magandang babaeng nasa gitna ng grupo . . . ang kanilang leader.
Mabilis na lumabas ang profile nila sa eye lense ng glasses ni Zoien. Sila ng member ng cheer leading squad ng E.U na lahat ay mula sa upper class. At ang captain nila ay walang iba kundi ang pinsan ni Gillian na si Gail Marie Thompson.
"Nice seeing you cousin. Mukhang 'di mo ata kasama si Sean," puna ni Gail saka huminto ang tingin kay Zoien. Mapang-mata na tiningnan ni Gail ang kabuuan ni Zoien . . .mula ulo hanggang paa. "Hindi ko alam na mas bumaba na ang standards mo pagdating sa pagpili ng kaibigan. A commoner, ganyan ka ba kadesperada na magkaroon ng bagong kaibigan."
Naramdaman ni Zoien ang paghigpit nang kapit ni Gillian sa kaniyang braso. Nagpipigil ito ng inis.
"Oh my gosh! So kadiri," maarteng puna ni Jenna.
"That's so low, hindi nababagay sa elites ang mga tulad niya," dagdag ni Eula. Nagawa pa niyang irapan si Zoien.
"Yeah right, kaawa-awa ka naman Gillian," nang-uuyam na baling ni Aine.
Mas lalong humigpit ang kapit ni Gillian kay Zoien. She will snap any moment now.
They are already getting unwanted attention. This is why Zoien doesn't want to be in the same place as the other Elites, ang sakit nila sa ulo.
Napabuga ng hangin si Zoien bago binalingan ang grupo ng kababaihan.
"Tapos na ba kayo?" sita niya na ikinarko ng mga kilay ng mga ito.
"Hey! Who are you to interrupt our talk?" naiinis na puna ni Leila.
"At sino ba kayo para harangan kami? 'Di n'yo pagmamay-ari ang daang ito. Ang laki ninyong harang," walang kagatol-gatol na saad ni Zoien.
Napasinghap ang mga kasamahan ni Gail.
"You nerdy! Hindi mo ba kami kilala?"
Ngumiti si Zoien. "Hindi, bakit sino ba kayo?"
"Sarap mong sabunutan!" Nanggagalaiting pahayag ni Senah.
"Stop it girls," pigil ni Gail. "We are getting more attention, let's just eat inside the cafeteria." Binigyan niya nang huling tingin ni Gail sina Gillian at Zoien bago naunang umalis.
Sumunod ang ibang cheer squad member sa kaniya pagkatapos bigyan nang masamang tingin pinukol si Zoien.
'Good grief, I just made another bunch of haters,' ngiwing samo ni Zoien sa isipan bago binalingan si Gillian.
"Ayos ka lang ba?"
Nagpakawala ng buntong hininga si Gillian. "Nawalan na ako ng ganang kumain dito." Binalingan niya ang katabi. "Alis na tayo," aya nya at hinila palabas ng gusali si Zoien.
Nagtungo sila sa garden.
"Sure ka bang ayos ka lang?" usisang muli ni Zoien.
"Nope, obviously I'm not." Naunang naupo si Gillian sa paboritong spot ni Zoien. "Sit here," tukoy niya sa espasyo sa kaniyang tabi.
Sinunod ni Zoien ang nais ni Gillian.
Tumabi siya sa dalaga. "Yung babae kanina hindi ba't pinsan mo siya?"
Niyakap ni Gillian ang dalawang tuhod.
"Oo, his father is my Dad's younger brother, that makes us cousin." She looks devastated. "But you know what, she hates me, kahit magkadugo kaming dalawa hindi iyon sapat para 'di niya ako kamuhian."
Napatango na lamang si Zoien. Naalala niya ang unang beses na nagkita sila ni Felt. Lantaran nitong ipinahayag ang pagkadisgusto sa kaniya. Sa ngayon, masasabi niyang medyo ayos na ang relasyon nila sa isa't isa.
"Do you know why?" Inalis ni Zoien ang pagkakatakip sa kaniyang lunch box.
"No, she never told me her reason."
"Pasensya na kung nakikiusisa ako sa problema niyo."
Ngumiti si Gillian. "Don't say that. Actually, masaya ako dahil may iba akong napagsasabihan maliban kay Sean."
"Here." Inilahad ni Zoien ang isang lunch box kay Gillian. "Share tayo."
"'Di ba nakakahiya?"
Natawa si Zoien, "Marunong ka palang mahiya," aniya na ikinanguso ni Gillian bago kinuha niya ang lunch box ni Zoien.
"Oo naman, kay Sean lang talaga ako walang hiya." Sinimulan na niyang kainin ang pagkaing niluto ni Zoien. "Hmn!" Nginuya niya iyon. "Ang sarap!"
Natuwa si Zoien sa naging reaksyon ni Gillian mabilis na naglaho ang malungkot nitong ekspresyon sa mukha.
"Mas bagay sa 'yo ang palaging nakangiti kaysa malungkot," pukaw atensyon ni Zoien bago nagsimula na rin sa pagkain.
Sandaling natigilan si Gillian, pinagmasdan niya si Zoien. She was cheering her up that's for sure. Dinambahan niya ng yakap ang katabing babae.
"Thanks!"
Nagulat si Zoien sa ginawa ni Gillian.
"I change my mind! Huwag ka na sa bestfriend ko sa akin ka na lang!" Pinagkiskis pa nito ang kanilang pisngi.
Zoien giggled. "Stop, Gillian. Kumain na tayo, mayamaya magsisimula na ang kasunod na klase."
"Holy moly! You are right!" Bumalik na sa pagkain si Gillian.
Habang kumakain nag-uusap sila ng mga random stuff but from that unti-unting nakilala ni Zoien si Gillian.
A happy go lucky girl, just like the moon. It has two side. The bright one and dark one. Lahat naman ng tao gano'n. Nakangiti kahit may tinatagong kalungkutan. And Zoien is not an exception.
"Nabusog talaga ako! Please Zoien! Ipagluto mo ako next time!"
"Sure no problem."
"Thankie!" Tumigil sila sa may bungad ng hallway. "Dito na ako, Zoien," paalam ni Gillian.
"See you next time."
"Silly! We're friends na kaya obvious talaga na magkikita pa tayo!" Kumaway sandali si Gillian bago nagpatuloy sa kaniyang pag-alis.
Napuno nang isang nakakabinging katahimikan ang buong hallway nang tuluyang nawala si Gillian sa paningin ni Zoien.
"She's gone. Siguro naman pwede ka nang lumabas. It wasn't right to eavesdropped."
Mula sa likuran ng isang pillar lumabas roon ang isang pamilyar na pigura.
"Alam mo?"
Nilingon ni Zoien ang babae. Ang brunette nitong buhok ay kapansin-pansin. Paalon-alon iyon. Maputi rin ang babae at balingkinitan ang pangagatawan. Kulay tsokolate ang mga mata, manipis ang natural na kurte ng labi. Idagdag pa ang kilay na halatang pinagtuunan ng pansin sa pag-aayos. Manipis iyon at may kurte. Maganda siya kung tutuusin. Bagay lamang ang titulo niya bilang lider ng Cheering Squad subalit siya ang exact opposite ni Gillian. Kung ang isa ay super energetic ang isa naman ay puno ng dark awra.
"Bakit mo kami sinusundan? May kailangan ka ba kay Gillian?" tanong ni Zoien.
"No, actually ikaw ang pakay ko."
"Ako?"
"Get away from my cousin," seryosong saad ni Gail. "She doesn't needs friends. Lalo na ang isang tulad mo."
Ngumisi si Zoien. "Naiintindihan ko na. Kaya ba wala siyang kaibigan ay dahil ito ang ginagawa mo? Tinataboy mo sila wala ka rin palang pinagkaiba kay Sean."
"Kung anuman ang dahilan ko o ni Sean. Wala ka nang pakialam. Basta layuan mo si Gillian. Ilang beses ko bang ipapamukha sa kaniya na lahat ng taong 'di niya lubusang kilala ay mapanganib."
"Mapanganib? You sound like as if you are protecting her 'behind her back' pero sinasaktan mo naman siya nang harap-harapan."
She stared at Zoien in rage and frustration. She wanted to murder her. "This is none of your business. Walang kang alam kaya manahimik ka."
"I am her friend, so I am concern." She had spoken without thinking.
Gail stared at her incredulously. "Friend? Tatlong beses pa lamang kayong nagkita. And you already label yourself as her friend. Liar, you are no different from anybody else."
Zoien was taken aback from Gail's outburst but she smiled a second later. "Looks like you have your own definition of friendship, Ms. Thompson."
"They are bunch of fakes," she stated in a matter fact kind of way. As if she was certain of her own phrase.
Mahinang napatawa si Zoien. "Siguro dahil sila ang mga kaibigan mo kaya iyan ang nasasabi mo pero nagkakamali ka. Hindi lahat ng kaibigan ay peke. You just need to search for them."
"I don't need friends. Neither did she, so stay away from her. This will be my last warning next time na hindi ka nakinig . . . hindi mo magugustuhan ang maaari kong gawin sa 'yo," may halong pagbabantang ang sinabi ni Gail.
Zoien shook her head. "Alam mo bang may limitasyon din ang pagiging over protective at sa tingin ko . . . lampasan ka na sa tamang limitasyon."
"I'm doing this for her sake."
"Ah, dahil ba sa pamilyang Thompson?"
Naningkit ang mata ni Gail. "Anong alam mo?"
"Ano nga kaya?" She prompted which made the girl acted on impulse.
Mula sa likuran ni Gail ay inilabas niya ang isang maliit na kutsilyo at inihagis iyon sa dereksyon ni Zoien. Kumislap ang talim nito sa sobrang bilis hindi madaling makita pero . . . nagawa pa rin itong masambot ni Zoien.
Gail look shocked but she hide it perfectly. She frowned deeply.
"Ang pagdadala ng mapanganib na bagay sa loob ng eskwelahan ay mahigpit na ipinagbabawal." Inihagis niya pabalik ang patalim sa dereksyon ni Gail.
She caught the blade between her fingers. "You're not normal."
"So are you. You're a reaper, am I correct?"
Sandaling nanlaki ang mata ni Gail dahil sa narinig. How can she knows? What esle had she learned about them?
"Tama nga ako," pagtatama ni Zoien. Nagsimula siyang naglakad patungo sa pwesto ni Gail.
"Tell her the truth. Hindi iyong pinagmumukha n'yo siyang tanga," huli niyang bulong bago tuluyang lampasan si Gail.
Sinundan nang mapag-alisang mga mata ni Gail ang papalayong pigura. Sa ngayon, pinag-iingat silang lahat dahil may nangyayaring kaguluhan sa mundo ng mafia. One by one there are certain family who turned up dead. Someone is killing them. Wala silang dapat na pagkatiwalaan. Kahit na sinuman.
"That girl, kailangan siyang obserbahan," aniya bago naglakad para magtungo sa sariling classroom.
Nang makasiguradong nakalayo na si Zoien saka lamang siya nakahinga nang maluwag.
"Mafia world is a terrible place for me. I don't need to stumble into their own business."
Subalit huli na. Zoien knew she's involve already eversince she save Meredith's life. At dahil sa kaniya nawala sa black list ang pangalan ng pamilyang Heinsford.
"What a mess," she muttered to herself.
...
Karga ni Zoien ang tutang si Diego. Nalaman niyang may sariling sanctuary ng mga hayop ang Empire University pero nasa labas iyon ng school. Naroon rin ang ibang mga hayop na natulungan at na-rescue ng buong Animal Club members. At iyon ang kasalukuyan nilang pinag-uusapan.
"So, dahil malapit na ang midterm examination wala tayong choice kundi ang maghintay ng mga two weeks pa bago ipagpatuloy ang activities ng animal club."
Nakikinig lamang sa isang tabi si Zoien habang pinagmamasdan kung paano tahimik na nakikinig ang buong Xtherion kay Devine.
They always behave well everytime she's speaking . . . as if she was their mother.
"We will resume our rescue operation after the examination and I expect that everybody will get higher score. The sanctuary also needed a hand to take care of the animals who are on the list to be adopted. Sinabi ko sa kanila na tutulong tayo. That's all meeting adjourned," pormal na pagtatapos ni Devine.
Si Uno dapat ang mangunguna sa meeting but as always he doesn't like these kind of job kaya't si Devine na ang umako sa kaniyang responsibilidad.
Nag-unat-unat si Dark. "Sa wakas natapos rin! Nangangalay na ako!"
"Ang sabihin mo malapit ka nang antukin sa pakikinig. You have a short attention span, moron," pagsusungit ni Friore. "Una na ako, I still need to review." Nauna siyang umalis.
"Sandali sabay na ako!" segunda ni Light bago sinundan si Friore sa paglabas.
"Oy! Ako rin!" Tumakbo palabas si Dark.
"Why are they in a hurry? Sa iisang bahay lang naman tayo umuuwi ah?" Sinakbit ni Samara ang kaniyang shoulder bag, sumunod na rin siya sa mga kaibigan.
"Tss! Nagugutom na ako," reklamo ni Altear.
Inakbayan ni Uno ang kaibigan. "Same, let's all go home and eat!"
"I'll cook tonight, but we should buy the ingredients."
"Huwang kang mag-alala, Devine. Ako nang bahala," anang sabi ni Deux bago binalingan si Zoien. "I will also take care of him."
"Here," iniabot ni Zoien si Deigo sa binata. Ang binata ang tagapag-alaga nito.
"Gusto mo bang sumabay sa amin sa pag-uwi?"
Umiling ang dalaga. "Pasensya na pero may pupuntahan pa kasi ako."
"Maybe next time?"
"Sure, next time."
Sabay-sabay silang lumabas ng campus. Nagkaniya-kaniya ng sakay sa kotse ang buong Xtherion.
Pinagmasdan ng dalaga ang pag-alis ng mga ito hanggang sa tuluyan nang nawala sa kaniyang paningin. Doon lamang nagsimulang naglakad pauwi si Zoein. Pumara siya ng taxi at nagpahatid sa Holstein Hospital. Mabilis siyang nakarating sa pakay na lugar. Pagkatapos magbayad saka siya pumasok sa malawak na compound ng pribadong ospital. Pinapasok siya ng security pagkatapos magbigay ng isang identification card.
Hindi na niya kailangan dumaan sa counter dahil alam na niya kung ano ang silid ng taong kaniyang dapat bibisitahin.
Isang VIP room iyon na nasa third floor. Habang patungo siya sa nais na lugar may nakasalubong siyang isang doctor at ang isang pasyenteng babaeng nakaupo sa wheel chair. Tulak tulak iyon ng doctor, hindi makita ni Zoien ang mukha ng lalake dahil na rin sa surgical mask sa mukha nito, ngunit kapansin-pansin ang magulo nitong buhok maging ang nababagot na itsura ng mga mata. She suddenly felt weird. Ipinagsawalang bahala na lamang iyon ng dalaga, tipikal na makakakita siya ng ganitong eksena sa ospital. Nakarating na rin sa wakas si Zoien sa silid.
Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga saka kumatok ng tatlong beses sa pinto at marahan iyon binuksan subalit laking gulat niya dahil wala siyang nakitang pasyente sa loob kundi isang nurse na nag-aayos ng higaan.
"Oh? May kailangan ka ba iha?" bungad ng nurse.
"Umn, itatanong ko lang po sana 'yong pasyente sa room na 'to? Asan po siya?"
"Ah, si Mrs. Dhalia Sy ba ang tinutukoy mo? Aba'y sinundo siya kanina ng asawa niya at ng kasamang doctor, ililipat daw siya ng ospital. Kalalabas—" Pagkarinig sa sinabi nito ay mabilis na umalis si Zoien.
'Asawa? But Luther is dead!' aniya sa isipan.
Isang imahe ng isang doctor na may tulak-tulak na wheel chair ang sumagi sa kaniyang isipan bakit 'di niya agad napansin. Tauhan sila ng WEB. Sinuyod ng dalaga ang bawat palapag ng ospital subalit bigo siyang hanapin ito. Nagtungo sa parking area si Zoien. None! she's too late. They already got her. She clenched her fist.
'Anong kailangan ng WEB sa asawa ni Luther Sy? Ano na namang bang kahayupan ang plano nilang gawin?'
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top