[52] SHATTERED
Lumusot si Inspektor Raul Shaw, a 40 year old man sa yellow tape. Itinaas niya iyon gamit ang kaliwang kamay habang bitbit niya sa kabila ang isang tasang may laman na 'dark coffee'. Sumaludo sa kaniyang pagdating ang dalawang bantay na pulis sa malaking fence.
"Sir naghihintay po sa inyo si Detective Flitz sa loob," pagbibigay alam ng isa sa mga ito.
"Salamat," iyon lamang ang kaniyang tugon bago ipinagpatuloy ang paglalakad patungo sa crime scene.
Napansin niya kaagad ang malawak na kapaligiran. Dalawampo meter ang layo nito sa kabayanan. Kaya siguro walang sinuman ang nakarinig habang nangyayari ang trahedyang kumitil sa buhay ng limang bata. Maraming sasakyan ng pulisa ang nasa paligid, pinipigilan na makiususyo ang ilang mga by-stander sa gagawin nilang pag-iimbestiga, hindi rin nalingid sa pansin ni Ins. Shaw ang ilang mga tauhan na mula pa sa gobyerno, ang S.O.C.O.
"Another crime ah, this will give me another headache."
Humigop siya sa dala niyang kape. Nanuot ang tapang nito sa kaniyang sistema, ginigising siya.Pumasok siya sa loob. Sumalubong sa kaniya ang bangkay ng isang batang lalaki, nasa edad na 5. Umupo siya upang pagmasdan ito. Nasa estado ng rigor mortis ang katawan. Tumingin sa relo, nagbilang.
"6: 39 pm,"samo niya sa isipan.
Ibinaba niya sandali sa sahig ang tasa bago kumuha ng gloves at isinuot iyon sa kaniyang mga kamay. Dahan-dahan niyang inangat ang mukha ng bata, matigas na ang katawan nito. Isang mahaba at malalim na hiwa sa leeg ang sanhi ng pagkamatay, iyon rin ang rason ng maraming dugo sa sahig, halos bumaha na iyon.
"Inspektor Shaw, mabuti po dumating na kayo," aniya ni Detective Flitz.
May hawak ang lalaki na isang notebook at ballpen, habang ang iba na mula pa S.O.C.O team ay ginagawa ang kanilang sariling trabaho, ang pangangalap ng mga ebidensya.
"Oh? Flitz ikaw pala," tugon niya subalit ang tingin ay nasa batang lalaki.
"His neck was slice by a very sharp object," pagbibigay alam ni Flitz.
"A blade perhaps maybe a sword or a katana fits the wounds," binaba na ni Raul ang ulo ng bata bago kinuha ang kaniyang tasa ng kape. Ininom niya ang laman bago inabot kay Flitz.
"Anong oras natagpuan ang mga bangkay," nagpatuloy sa pagpasok sa loob si Raul. Kapansin-pansin ang magulong kapaligiran, puro dugo. Nagulo sa pagkakaayos ang ilang gamit marahil ay dahil sa pag-kilos ng mga biktima ay nagulo iyon o dahil sa salarin mismo.
Tumigil sandali si Raul, pinagmasdan ang kabuuan ng bahay. Malawak ang hallway, maraming pinto. Dalawa sa kanan; patungo sa kusina at banyo, sa unahan naman ay naroon ang back door, at nasa kaliwa ang hagdan patungo sa ikalawang palapag kung saan matatagpuan ang mga kwarto.
"An old orphanage house," aniya sa isipan.
"Natagpuan ang mga bangkay eksaktong 5:26 am ng isang lalake may pangalang Potchong kilala daw niya ang mga bata at palagi siyang nagtutungo tuwing umaga upang isama ang isa sa mga biktima sa bayan, iyon ang kaniyang alibi na pinatunayan ng iba pa niyang mga kasamahan, ano sa tingin ninyo ang motibo ng kriminal?" Tiningnan ni Flitz si Ins. Shaw.
"Walang signal na pilitan pumasok ang salarin, pinagbuksan siya ng bata saka niya walang pag-aalinlangan na ginilitan ito, kasunod," dumako ang atensyon ni Raul sa loob ng sala, nagulo ang mga gamit subalit walang nawala, "hindi motibo ang pagnanakaw, nandito siya upang gawin ang isang bagay at iyon ang patayin ang mga bata, sinigurado rin niya na walang makakatakas sa mga ito," tugon ni Raul.
"Kung gano'n, isang serial killer po ba ang pumatay sa kanila?" Tanong muli nito.
"Maari subalit isa lamang iyon hyphothesis na kelangan patunayan ng maraming ibedensya, lahat ay maituturing na kriminal, kapansin-pansin na malinis ang crime scene, maliban sa mga dugo at nagulong gamit, walang naiwang bakas ang salarin, mukhang magiging interesante ang kasong ito," aniya habang may ngisi sa kaniyang mga labi.
"Sir," agaw pansin ng isa sa mga pulis. "heto po ang mga nakalap kong testimony ng mga tao sa paligid, ayon po sa kanila may grupo ng mga kabataan ang nagbisita sa mga bata kahapon"
"Mga kabataan?" kunot noong tanong ni Flitz.
"Tama po, grupo ng kabataan na mula sa Empire University, iyon ang napansin ng ilan sa mga bystander, kahapon lamang daw po nila nakita ang mga ito."
Napahawak sa baba si Ins. Shaw. "Mga kabataan na mula sa Empire," nilibot niya ang tingin saka siya may napansin. "Oo nga naman, bakit hindi ko iyon napansin kaagad, kami na ang bahalang humanap sa kanila upang kunan ng impormasyon," agaw atensyon ni Raul.
"Sigurado po ba kayo Sir? Mahirap makapasok sa E.U."
"At sinong hindi magpapasok sa mga tulad natin? Their testimony are highly needed, pagkatapos natin makuha ang ilang mga ibedensya, pupuntahan natin sila."
"Yes sir," sagot ni Flitz.
…
"Sa panahon ngayon, mas tumitindi ang karahasan syempre lalo na sa ating mga kakababaihan." Inilibot ni Prof. Menoria ang tingin sa bawat estudyante. Sinisiguradong nakikinig ang lahat sa kaniya. "Kaya naman upang mapangalagaan ang karapatang pantao ng mga kababaihan ay nagtalaga ng mga naayon na batas na siyang susuporta sa kanila." Habang nagsasalita ang propesor, gumagalaw rin ang kaniyang mga kamay, hand gesture. "Can someone give me the number of category of the laws issued by the Philippine Commision on Women Welfares?"
Nagtaas ng kamay si Deux. "Yes Mr. Mclemman?" Tumayo si Deux, lahat ng mata ng kaniyang mga kamag-ara ay huminto sa kaniya.
Ngumiti ang binata. "According to the Phillipine Commission on Women there would be a total of 32 laws governing the womens welfare," sagot ni Deux.
"Impressive, for a guy you know a lot about women welfare," puri ng kanilang propesor.
"Of course Ma'am, I have a high respect for all women," saad ng binata bago bumalik sa pagkakaupo sa kaniyang silya.
"Okay next, who can give me an example of those laws according to what Mr. Cleamman has stated?"
Nagtaas ng kamay si Stella. "Yes Ms. Zambroza?"
"Republic Act 8353 which is knows as 'Anti-Rape Law of 1997. The law was approved last September 30, 1997."
"Very good,"
Ngumiti si Stella bago naupo.
"Anything else?"
"I try," agaw atension ni Samara.
"Ow, of course! Go on iha," udyok ni Mrs. Menoria.
Tumayo si Samara upang magbigay ng isa pang halimbawa na may kaugunayan sa kanilang lektura. "Republic Act No. 9262, this act is also known as "Anti-violence against women and their children Act of 2004," legally signed last March 8, 2004, it has 50 section defining violence against women and their children, providing for protective measures for victims, prescribing penalties therefore and for other purposes that include their welfare, that is all Ma'am." Naupo na rin ang dalaga pagkatapos.
"Tama, dalawa lamang iyan sa maraming mga batas, alam ko na may nalalaman na kayo ukol dito. Laws are made to protect us people. Always remember, we won't have so many law if men are all good but of course, that wasn't the case. Dahil sa lahat ng aspeto ng tao, meron pa ring gagawa ng masama sa kapwa at sana hindi kayo mapabilang sa mga taong iyon. Am I clear?"
"Yes, Ma'am!"
"Good, now you will make sure na pag aralan ang lahat ng iba pa na hindi ko nabanggit. All of these will be included in your coming mid term examination. Kailangan n'yo mag review. Ayaw ko na basta isubo na lamang sa inyo ang lahat. You will have your own self learning-" Naantala ang kaniyang sinasabi nang malakas na umugong ang speaker sa loob ng room. Nakuha nito ang atensyon ng lahat ng nasa loob ng klase.
"I am sorry to disrupt your class but I have to excuse the following students," una nitong pahayag.
"Ms. Delinsky,"
Kumunot ang noo ni Samara.
"Mr. Mclemman,"
Natigil sa pagsusulat si Deux.
"Mr. Von Glaze,"
Mabilis na nagmulat ng mga mata si Altear.
"And of course Ms. Madrigal,"
Lahat napatingin sa dereksyon ni Zoien na kasalukuyang inaayos ang gamit.
"Please proceed to the Dean's office. Your presence are highly needed, that's all, continue your class," namatay na muli ang speaker.
Napuno nang sandaling katahimikan ang silid aralan subalit pinutol iyon ni Propesor Menoria.
"Oh? Ano pang ginagawa ninyo? Go now, you are excused in my class," pahayag ng kanilang Propesor sa Philippine Constitution.
Tumayo na ang apat, magkakasunod na lumabas ng klase, naroon ang kuryusidad ng buong klase kung bakit sila pinatawag ng kanilang Dean.
"Eyes on me class! Isang oras at kalahati na lamang tayo nagkikita sa isang araw dapat sa akin lamang kayo nakatingin. Selosa akong guro. Gusto ko nasa akin lamang ang buo ninyong atensyon." Mahabang paliwanag nito upang kunin ang atensyon ng kaniyang estudyante.
"Good, we will now continue our lecture."
…
Naroon ang bakas ng pagtataka at syempre kuryusidad sa mukha ng siyam na kabataan. Nakaupo sila sa mahabang sofa kaharap ang dalawang detective. Seryoso ang mukha ng mga ito habang pinapasadahan ng tingin na may halong pag aanalisa ang bawat kabuuan nila.
"Maraming salamat dahil pinaunlakan ninyo ang aming imbitasyon. Ako si Ins. Shaw at siya naman ang partner ko na si Detective Flitz," pagpapakilala ni Raul.
"Hindi na ako magpapaligoy pa, narito kami upang kunin ang inyong statement tungkol sa incidenteng naganap kahapon ng mga bandang ala-seis ng gabi." dagdag niyang impormasyon.
Nagtahaw ng notebook si Flitz at ballpen upang isulat ang mga sasabihin ng mga ito.
"Ano pong ibig ninyong sabihin?" kunot noong pahayag ni Deux.
"Flitz show them," diin ni Ins. Shaw na mabilis na sinunod ni Flitz.
Tinahaw niya ang isang sealable plastic kung saan nakapaloob ang mga litratong kinuha nila kaninang umaga mula sa crime scene. Isa-isang inilagay niya sa pahalang na ayos ang mga larawan sa harapan ng mga kabataan upang malaya nilang makita kung ano iyon.
"Exactly, 5:26 am natagpuan ang kanilang bangkay,"
Ang unang litrato ng isang batang lalake na nakadapa sa sahig. Nanlaki ang mata ni Devine nang makilala ito.
"Ang unang litrato ay si Anthony Gomez limang taong gulang, cause of death loss of blood. Hiniwa ang kaniyang leeg,"
Kasunod ang larawan ng isang batang babae habang yakap nito ang isa batang lalake.
"Kasunod ang litrato nina Analisa Magpantay siyam na taong gulang at Vitto James Lunes na apat na taong gulang. Natagpuan ang kanilang bangkay sa loob ng banyo. Tatlong saksak sa dibdib ang ikinasawi ni Ana at lima naman kay Vitto."
Ikatlong litrato ang nagpa-igting sa bagang ni Altear. Samantalang napatakip sa bibig si Friore. Hindi makapagsalita ang grupo sa bawat litratong kanilang nakikita.
"Layla De guzman, tatlong taong gulang. Parehong inalis ang mga mata at pinutulan ng dila matapos saksakin ng halos sampong beses. Natagpuan siya sa ikalawang palapag ng bahay. Nakahandusay sa isa sa mga silid roon."
Pagtatapos ni Ins. Shaw. Pinagmasdan niya ang bawat reaksyon ng kabataan.
"How about Trina?" Agaw atensyon ni Zoien. "Where is she?"
"Ang tinutukoy mo siguro ay walang iba kundi si Katrina Vasquez. She's missing. We are doing our best to find her."
"Alam n'yo na po ba kung sino ang gumawa nito sa mga bata?"-Samara
"Hindi pa," aniya ni Flitz.
"Then do something! Hindi iyong nandito kayo para mag-interrogate! Kumilos kayo!" Napatayo si Altear bago hinampas ang lamesa. "This is why I hate about the lower jurisdiction! Mabagal kayong kumilos kaya mabagal rin makuha ang hustisya para sa mga biktima!"
"Calm down Altear," suway ni Deux. "Alam mong ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya."
"Pero hindi pa sapat! Nakikita n'yo ba ang mga to!" Tukoy niya sa mga litrato
"Hindi iyan gawa ng tao! Isang halimaw na walang awa ang gumawa ng bagay na iyan sa mga kawawang bata! He needs to pay--"
"Tama na dude!" Inalo siya ni Uno. "Kumalma ka muna."
"Hindi sulusyon ang galit, kahit na gano'n rin ang nararamdaman ko," saad ni Dark. "Gusto kong hulihin ang pagbayarin kung sinuman ang may gawa nito."
Napasabunot sa buhok si Light. "B-Bakit ganito ang nangyari? 'Di ba't kakikilala pa lamang natin sa kanila kahapon? We are suppose to visit them today, so why?"
Napakagat sa labi si Friore, pinipigilan tumulo ang kaniyang luha. Hinawakan niya ang likod ni Light. "Stop asking yourself with incoherent question."
Nagpakawala ng buntong hininga si Devine. "Kung nais n'yo pong malaman kung bakit at anong oras kami umalis kahapon sa bahay ampunan. Sasabihin ko po." Nilahad ni Devine ang nangyari kahapon na agad na sinang-ayunan ni Dr. Shaw.
"Patunay ang mga bagong kagamitan at pintura, napakabait ninyo upang tulungan sila. Pasensya na kung kelangan pang mangyari ang lahat ng ito ngunit huwag kayong mag-alala dahil gagawin namin ang lahat upang masulusyonan ang kasong ito at makuha ang hustisya para sa kanila."
Inalis na ni Flitz ang mga larawan sa mesa. Balak na sana niyang ilagay sa sealable plastic ang mga litrato nang mahulog ang iba pang litrato.Napansin nila iyon kaagad. Akamang hahawakan ni Flitz iyon nang mabilis na inagaw ni Zoien ang larawan. Pinakatitigan niya ang sulat. Sulat likha sa dugo.
"Oh? Isa yan sa mga nakuha sa bibig ng isa sa mga bata. Pina-paimbestiga pa namin ang ibig-" Naputol sa pagsasalita si Ins. Shaw nang basahin ng dalaga ang nakasulat.
"あなたは私から逃げることはできません (You can't run away from me) 私はあなたを注視しています (I am watching you) 少女 (Little girl)" Pagtatapos niya bago ibinalik ang larawan sa kamay ni Detective Flitz.
"You know?" gulat nitong tanong. Sandaling pinagmasdan ang litrato bago isinilid sa sealable plastic.
Ngumiti si Zoien. Isang ngiting walang mababakas na emosyon. "We we're taught different foreign languages, sir," pagbibigay alam niya na ikinatango ni Ins. Shaw.
"I see, again maraming salamat sa kooperasyon ninyo. Pasensya na sa istorbo. Ipagpapatuloy namin ang pag-iimbestiga gano'n na rin ang paghahanap kay Trina."
Tumayo na ang dalawa subalit nagsalitang muli si Zoien na ikinatigil ng mga ito. "It will be best if you just drop off the case," diin niya.
Mabilis na lumingon ang lahat sa kaniyang dereksyon.
"W-What the heck are you saying?!" bulyaw ni Altear. "Drop off this case! Nahihibang ka na ba! Hindi ba sila mahalaga sa 'yo!"
"Kalma lang sabi!" pigil ni Uno.
Iniharang ni Deux ang sarili kay Altear kung sakali mang kumilos ito ng hindi tama-he will stopped him.
"Iha, may nalalaman ka ba tungkol dito?" Itinaas ni Shaw ang larawan ng hiragana.
"Hindi po ba pamilyar sa inyo ang kasong ito?" balik niyang tanong. "No evidence found aside from that letter na sinadyang iwan ng salarin. The wounds show how professional he is. No hesitation. He used sharp objects as his weapon. A sword, wala po ba talaga kayong naaalala? There were a lot of these cases before... year 1997, a whole clan been killed. In 2001 a known person's were assasinated, year 2003 so on and forth, maraming kaso na katulad nito subalit wala silang nahuling kriminal. Does this ring a bell?"
Sandaling natahimik si Ins. Shaw. Nag-isip nang mabuti hanggang sa isang reyalisasyon ang lumitaw sa kaniyang isipan.
"Assasin..." sambit niya bago binalingan ang dalaga. "Paano mo nasabi na isang assasin ang may gawa nito?"
"Hiragana are most likely used by an assasin especially if they are from the known clan, ibig lang sabihin sinadya ng salarin na ilantad kung sino siya. He never used bullet, he was a part of Cypress Clan-"
Samara flinched in her seat. 'Cypress clan?' Hindi nalingid sa paningin ng buong Xtherion ang naging reaksyon niya.
"The way he killed those children." Ngumiti nang mapait si Zoien. 'I think I already know who he is,' sambit niya sa sariling isipan.
Tumunog ang bell ng tatlong beses para sa dismissal time. Iyon ang hudyat na kelangan na nilang umalis.
Tumayo na rin si Zoien. "Mauuna na po ako." Tumalikod ang dalaga at walang paalam na umalis.
"Sandali, iha!" Balak na sanang habulin ni Ins. Shaw ito nang mabilis na humarang si Dark sa kaniyang harapan. Mabilis tumigil ang matanda.
"Sa tingin ko po ay tapos na ang interrogation. Don't further intrude with her. Hindi n'yo alam kung saan kayo dadalhin nang malawak ninyong kuryusidad," seyosong saad ni Dark.
"Let's go guys," aya ni Deux.
"It's nice to meet the both of you until next time na lamang po," magalang na paalam ni Devine bago lumabas ng pinto sumunod naman sa kaniya ang iba pang myembro ng Xtherion.
"What's with them?" takang tanong ni Flitz.
Natahimik si Ins. Shaw. "I don't know Fliz but we may stumble to something deeper this time, umalis na tayo. Kailangan nating tumulong sa search and rescue operation. Habang tumatagal ang oras, mas lalong tumitindi ang tsansang mabigo tayo sa paghahanap sa bata. Let's go, Flitz."
…
Napakuyom ng mga kamao si Zoien. That notes, sa unang tingin maaring sabihin na isa lamang iyong threats but there was a hidden meaning to it. Alam ni Zoein ang ibig iparating sa kaniya nito. A missing child and a note only indicating something. 私を見つけて (Find me). At iyon ang gagawin niya.
"He is a kind of person who won't let his prey alive. That man only sent their dead body as a message for me," aniya sa hangin.
A deep slice in the neck, stabbed wounds,missing eyes and cutted tounge that same scenario happened a long time ago. When he forced Zoien to witnessed the deaths of her own friend. Parehong-pareho ng paraan nang pagpatay sa mga ito. Napapikit ng mata ang dalaga pilit na inalis ang masamang alaalang sinapit ng kaniyang mga unang kaibigan dalawampong taon na ang nakalipas. The past that she will never forget. She took a deep breath, calming her sensitive nerves.
There is only one place he could have taken Trina. Ang tanging lugar na pilit niyang kinakalimutan. Nagtungo muna sa kaniyang silid ang dalaga upang kunin ang kaniyang mga gamit. Nadatnan niya sa loob ang barkada ni Stella. Nag-aayos ang mga ito ng mga upuan.
"Hey Zoien!" agaw atensyon ni Chris subalit nilampasan siya ng dalaga na kaniyang ikinagulat.
Sinundan nila ng tingin ang bawat galaw ni Zoien. She wore a blank expression. Kinuha nito ang gamit bago lumabas nang walang paalam.
"E-Eh? Anong nangyari?" kamot sa batok na pahayag ni Chris.
Mayamaya pumasok naman sina Deux, Samara at Altear sa pintuan kung saan lumabas si Zoien. Balak sana silang batiin ni Chris subalit isang nakamamatay na tingin mula kay Altear ang nakapagpatigil sa kaniya. Tulad ni Zoien, walang paalam na lumabas ang tatlo pagkatapos kunin ang mga gamit.
"Woah! Ang lakas ng tibok ng puso ko guys!"-Chris
Napailing si Huston. "Hindi ka kasi marunong magbasa ng mood ng isang tao," iiling niyang pahayag.
"Next time Chris be more sensitive," payo ni Mellow.
Hawthorne sighed. "Mukhang seryoso ang kanilang pinag usapan."
Sumilip sa bintana si Stella. "Two investigator came a while ago, I wonder kung tungkol saan at ano ang sanhi para umasta sila ng ganito?" aniya.
…
Naunang lumabas si Altear upang habulin si Zoein. Alam nilang may nalalaman ito at iyon ang dapat nilang alamin. Malapit na sa labasan ang dalaga nang makita siya ni Altear. He run towards her. Hinila niya nang marahas ang braso ng dalaga upang patigilin ito at iharap sa kaniya.
"Sabihin mo, kilala mo ba kung sino ang pumatay sa mga bata?" Humigpit ang kapit niya sa braso ni Zoien. Ramdam ang nag-uumapaw niyang galit.
"Sa tingin mo rin ba, may magagawa ang galit mo kung sakali mang kilala ko nga kung sino ang nasa likod ng kanilang pagkamatay?" ganting tanong ni Zoien.
"Who?"
"I won't tell," giit ni Zoien.
"I will break your arm! If that what it takes me to get the answer I need. I'll do it!" Walang pag-aalinlangan na pahayag ni Altear.
"If you act this way mas lalong hindi ko sasabihin. Even if you hurt me, even if you tried to kill me, I won't say a word. Now, move," seryosong saad ni Zoien.
Hindi bumitaw ang binata. He won't let her go. They need to know. May karapatan silang malaman ang tungkol sa kasong 'to.
"Don't make me repeat it, Altear. I may look calm right now but deep inside I'm infuriating so please just step aside... let me at least save her," samo ni Zoien. "Just let me go, and I will do everything to save her. I'm begging you, I don't want to lose anyone who became a part of me, again."
He saw it. Mabilis niyang binitiwan ang braso ni Zoien. Nilampasan siya ng dalaga. Nagmabilis na umalis sa campus. Habang naiwan si Altear na nakatingin sa kaniyang kamay kung saan pumatak ang kumawalang luha mula sa mata nito.
"So, she knows how to cry," aniya sa isipan.
…
Eksaktong pagliko ni Zoien sa isang lihim na eskinitang malayo sa mata ng ibang tao ay tumigil ang kaniyang kotse. Mabilis niyang binuksan ang pinto nito at pumasok sa loob.
"Thanks for bringing the car, Elvina," aniya ni Zoien. Nagsuot siya ng seat belt.
"Where are we heading master?"
"Cleaton abandoned laboratory facility."
"Confirmed destination."
Nagsimula nang umandar ang sasakyan patungo sa designadong lugar.
"Can you connect me to Lord Musume of Cypress Clan, Elvina,"
"Establishing connection..."
Kinuha ni Zoien ang bluetooth at inilagay iyon sa kanang tenga. Naghintay lamang ng ilang sandali ang dalaga bago may sumagot sa kabilang linya.
"Hello--"
"Inform your Lord that I have something important to tell him."
"Who's this?"
"That's not important."
"If you won't tell me who you are might as well end this call--"
"Do it, and you won't know about the wherebouts of Tenrou Houshima."
"You! Alright I will call the Lord. Make it sure everything you will say are true or else your life will be on the line."
"I pledge on my own blood and soul."
"He'll be happy to hear that."
“Good, 'cause I have a favor to ask from him.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top