[51] ONE TIME HAPPINESS

"Are you sure kaya mo na ang sarili mo?" May halong pag-aalalang usisa ni Feltesia habang ang mga mata'y hindi nilubayan si Zoien na kasalukuyang nagsusuot ng sapatos nito.

Ngumiti si Zoien, maihahalintulad sa maliwanag na sikat ng araw ang maaliwalas nitong ngiti. Tila kung umasta ay hindi dinapuan ng sakit. "Huwag kang mag-alala Felt, kaya ko na," paninigurado nito.

Nagpakawala ng buntong hininga si Feltesia, muli wala siyang nagawa sa nais ni Zoien tutol man na hayaan ang dalaga na pumasok kahit pa kagagaling pa lamang nito sa sakit ay sa huli hinayaan niya ang pinsan na gawin ang nais dahil sa katigasan ng ulo. Zoien recuperate faster than normal. She looked fresh as if yesterday never occurred.

'Is she even normal?' nahihiwagaang wika ni Felt sa isipan hindi inalis ang tingin kay Zoien. Naramdaman ni Zoien ang tingin ni Felt kaya't binalingan niya ito na may ngiti sa labi. Felt saw the smile; the happy smile never leaves Zoien's face but Felt know something is hidden behind those radiant smile-another mask. Hindi nawala sa isipan ng dalaga ang mga narinig. Zoien were crying helplessly begging someone to help her. She's in agony and yet, how can she smile as if she's having the best of her life. She became more wary of Zoien's identity. Hindi rin maiwasang mainis ni Felt dahil sa ipinapakita nito.

'She's really a great pretender. Those smiles, those gentle words, those kind gestures, I wonder what is real from her facade. Who is the real you, Zoienelle Ashwell Mondragon?' aniya sa isipan tuon ang atensyon sa babaeng nasa harapan.

Zoien looked at Felt. Who seems to be in deep thought. "Felt, ayos ka lang?" dagdag niyang tanong sa pinsan.

Napakurap si Felt. Bumalik sa ulirat. "Yeah I'm fine. If you don't want to take some rest then suit yourself but don't ever catch a cold again. You don't know how much you burdened all of us just to take care of you," panunumbat ng dalaga.

Napakamot sa pisngi si Zoien dahil may punto ito. May kasalanan nga siya. She's been a burdened to them. 

"Tama ka sa sinabi mo, pasensya na kung naging pabigat ako." Nakangiti si Zoien na mas lalong ikinadagdag ng inis ni Felt na naging sanhi ng pagkuyom ng sariling kamao.

"Stop," daing niya. She can't bear to see those smiles. As if she's seeing the sun but it hurt her eyes. Beautiful scenery gives off a felt of loneliness that made her inside burn.

'Paanong nagagawa nitong ngumiti sa kabila ng lahat?' samo ni Felt sa isipan.

"Babawi ako sa--" Hindi na natuloy nito ang dapat sabihin dahil kay Felt.

"I SAID STOP!" Sigaw ng dalaga na ikinagulat ni Zoien.

Pinagmasdan ni Zoien ang kabuuan ni Felt; nakakuyom ang mga kamao nito, umiigting ang bagang, salubong ang mga kilay. Isa lamang ang napagtanto ni Zoien; galit ito. Kung anuman ang dahilan iyon ang kaniyang aalamin.

"F-Felt? Is something wrong?"

"How long do you plan to decieve us?" May diin ang bawat salitang lumabas mula sa bibig ni Felt. "How much more do you want to make us believe with your facade? I don't want to know about you. Iyon ang dapat pero habang tumatagal, bakit nais kong malaman ang tungkol sa tunay mong pagkatao?" Her voice is full of hatred and the same time loneliness that made Zoien's frozen on her spot.

"Who are you? You can enchant everyone with your smile, kindness, and with your words but is that really you? Is that what your heart really tells you to do?" May pagsusumamo nitong pahayag.

"Ano bang ibig mong sabihin?" naguguluhan tanong ni Zoien.

"I want you to stop smiling! I hate it! Nakakasuya sa mata! You should stop smiling!"

Zoien chuckled. "You hate my smile ah? Ikaw ang pinakaunang taong nagsabi ng bagay na iyan sa'kin. But you know Felt..." Felt eyes widened when she saw Zoien's smile-it never falter. "...hindi ako titigil sa pag-ngiti ko. Someone told me once that my smile can lighten up their day and I promise that whatever happen I will continue smiling even if I'm shattered inside I will continue and try my very best to make everyone happy." Iyon ang katotohanan.

Mas lalong nainis si Felt sa narinig. "That's why I hate it! You are very selfless, na nakakainis na. Why don't you show me who you are?" Inilagay ni Zoien ang dalawang kamay sa likuran.

"Pero ito talaga ako Felt. You might see me as 'selfless person' pero hindi iyon totoo dahil deep inside I'm very selfish. Everything I'm doing is for my own selfishness," seryosong saad ni Zoien. "Remember the things I told you the very first time we meet-na ang lahat ng tao may kaniya-kaniyang paniniwala? Well, this is mine."

"You're really the most stupid person I met, Zoien," deretcho lamang ang tingin ng asul na mga mata ni Felt sa abong mga mata ni Zoien.

"At ikaw naman ang pinaka-straight forward na taong nakilala ko but I don't hate you Feltesia because your character makes you charming."

Tiningnan ni Zoien ang kaniyang relo. "Gusto ko pa sanang makipag-usap pero I have to go. We can continue this talk some other day. Thank you for telling me what you really felt inside. This means a lot to me. See you later Feltesia," tumalikod na si Zoien at lumabas ng bahay upang maglakad papasok sa E.U.

Napahilamos sa mukha si Felt. She's frustrated. She gritted her teeth in annoyance. "You're so stupid," Felt sighed. "Why are you afraid to show how weak you are Zoien?"

Napabuga ng hangin si Zoien. Wala sa hinuha ang nangyari kaninang pagtatalo sa pagitan nila ni Felt. Looks like the girl knows something. Mas lalong kailagan niyang mag-ingat. Wala ng dapat pang makaalam kung sino siya lalo't higit sa lahat ang tungkol nakaraang pilit niyang itinatago. She doesn't need to be a burden to what she already is to the people who accepted her. Subalit hindi rin niya inaalis sa isipan ang mga problemang kinahaharap.

'Hindi porket nakakaranas ang tao ng mga pagsubok at problema sa buhay titigil na sa pagiging masaya at hindi ibig sabihin na lahat ng masaya ay wala ng silang problema.'

Nagpakawalang muli ng buntong hininga si Zoien ilang kanto na lamang ay makakarating na siya sa Empire. Mabagal siya sa kaniyang pagtungo sa eskwelahan, nais pagmasdan ang bawat paligid. Nasisiyahan si Zoien subalit nawala ang ngiti sa kaniyang labi nang may bumunggo sa kaniya, kunot noong tumingin sa ibaba ang dalaga. Ganun na lamang ang kaniyang pagkagulat dahil may nakita siyang isang batang nakalupagi sa kalsada.

Mabilis na naupo si Zoien upang daluhan ang bata. "Pasensya na bata, hindi kita napansin." Inalalayan niya itong makatayo. Pinagpagayan niya ang nadumihan nitong damit subalit hinawi ng bata ang kaniyang kamay.

"Ayos lang po ako." Walang mababasang emosyon sa mga mata nito. Kapansin-pansin rin ang punit-punit nitong kasuotan, may suot ang bata na sumbrero kaya't natatakpan nito ang kabuuan ng mukha. Mapayat ang pangangatawan nito; malnurished. Nakaramdam ng habag si Zoien sa kalagayan ng bata.

"Sa susunod po, tumingin po kayo sa dinadaanan n'yo. Alam n'yo po bang marami ang napapahamak sa mga taong walang pake." iyon lamang ang sinabi nito bago nilampasan ang nakatungangang si Zoien; para siyang natuklaw ng ahas sa kaniyang pwesto. Sinundan ng tingin ni Zoien ang papalayong pigura; hayag ang pagtataka.

'May kakaiba sa batang iyon.' Umayos ng tayo si Zoien. Hindi naalis ang atensyon sa bata. Inalala ang itsura nito. Mababa ang boses subalit may kakaiba; pilit na tinig iyon. Babae ang bata. Ang edad ay hindi tataas sa kinse anyos. Isang reyalisasyon ang nabuo sa isipan ni Zoien, mabilis na kinapa ang bulsa; wala na ang laman.

Napangisi ang dalaga sa isipan. 'Magaling na bata, mabilis ang kamay.' puri ni Zoien.

Hindi niya napansin ang pagkuha ng bata sa laman ng kaniyang bulsa, ultimo pera, cellphone, maging ang golden locket ay nakuha nito. Zoien looked at her watched. She only got 45 minutes in order to retrieve her belongings.

'This will be exciting, that kid messed with the wrong person to mess with.' Pinusod ni Zoien ang kaniyang mahabang buhok at inayos ang pagkakasakbit sa kaniyang balikat ng itim na back pack.

'The hunt shall begin,' she said in herself before she took off chasing after the unknown kid.

Nababagot ang ekspresyon ng mukha ni Trina habang tinitingnan ang pitakang nakuha mula sa una niyang nabiktima ngayong araw. Wala siyang nakitang mahalaga mula roon kundi ilang barya lamang at dalawang bente pesos.

"Nasiyahan pa man din ako dahil mula ang babaeng iyon sa Empire tapos ito lang pera niya?" lDismayadong itinapon ni Trina ang pitakang itim sa nakasiwang na takip ng kanal. Nagpatuloy siya sa kaniyang paglalakad pauwi sa bahay ampunan. Madadaanan niya ang 'squater area' bago ang designadong lugar kung saan nakatayo ang kaniyang kinikilalang tahanan. Kabit-kabit ang mga bahay, maraming tambay sa daan.

Ang iba'y nag-iinuman, naglalaro ng baraha, may mga batang pakalat-kalat naghahabulan ang mga ito at ang ibang mga Ale ay nagtsi-tsimisan lamang. Umaalingaw-ngaw din sa paligid ang ingay mula sa iyak ng bata, sigawan ng mag-asawang nagtatalo at ilang mga kalalakihan na nagpupustahan kung sino ang mananalo sa sabungan.

Napaka-ingay ng paligid. Ito ang araw-araw na eksena sa eskwater. Hindi maayos ang mga bahay, mga gawa lamang sa plywood, yero at iba pa'y kawayan. Swerte mo na lamang kung may bubong ang bahay mo ang iba pa'y nagnanakawan ng mga gamit. Ito ang kabaliktaran ng magandang itsura ng capital. Dito ay marumi, mahirap pa sa daga ang mga tao, puno ng dahas at krimen. Dito rin ang tahanan ng ibang mga ex-convict. Kaya't hindi na nakakapagtaka kung palaging may kaguluhan.

"Oh! Trina! Musta may nabiktima ka na naman ba?" Namumungay ang mga mata ni Mang Kerdo. Kasama nito sa isang lamesa ang mga kumpadre na sina Mang Tonyo at Mang Berting, umagang-umaga lango sa alak.

Napaismid si Trina. "Wala na po kayong pake. Ipagpatuloy n'yo na lamang po ang pag-inom n'yo ng alak," naiinis niyang pahayag. Nilampasan niya ang mga ito.

"Mga kabataan talaga sa panahon ngayon, mga balasubas na ang ugali hindi tulad noon." Iiling na pahayag ni Mang Berting.

"Hayae mo na pare, ganun talaga ang henerasyon natin ngayon, sa halip na pabuti ay palala ng palala." Nagsalin ng genebra san miguel ang matanda.

"Tama ka dyan, ito lang atang kahirapan natin ang hindi napapabuti." Suminok si Mang Tonyo. "Kung mayroon lang sanang tsansang makapag trabaho ang mga tulad nating mahirap 'di sana nakaalis na tayo sa kahirapang ito," dagdag niyang wika.

Napailing si Trina sa mga narinig. "Hindi kayo makakaahon sa hirap kung hindi kayo kikilos," iyon ang kaniyang sinabi subalit hangin lamang ang tanging nakarinig sa kaniya. Karamihan sa mga taong naroroon ay umaasa sa biyaya ng gobyerno sa halip na magtrabaho at gumawa ng paraan upang makaahon ay wala silang ginawa kundi ang tumambay at maghintay sa grasya.

Ang mga tao dito ay nanghahangad na makaahon sa hirap subalit wala silang pinag-aralan. Sa panahon ngayon, mas prayoridad ang may natapos kaysa sa hindi. Mas kakaunti na rin ang mga bakanteng trabaho maaring pasukin. Kung hindi ka pasado sa kwalipikasyon wala ka ring mapapala. Pahirap nang pahirap ang buhay, pataas ang bilihin sa market samatalang ang baba naman ng sweldo. Kaya't napipilitan ang iba na may trabaho sa ibang bansa bilang mga OFW.

Iilan lamang ang pinalad, kung hindi ka gagawa ng paraan upang mabuhay tiyak mamatay ka nang maaga. Si Trina ay isang ulilang lubos, inabanduna ng kaniyang ina. Ayon pa sa mga usapan ay anak siya ng isang babaeng bayaran na nabuntis ng isang kano, subalit ayaw nitong mag-alaga ng anak kaya't iniwan siya nito sa isang bahay ampunan na malapit sa Zone 29th.

Nakatayo ang bahay ampunan sa isang bakanteng lote na matatagpuan sa tuktok ng burol at napapaligiran ng malawak na parang. Kalumaan na ang dalawang palapag na bahay. Sira-sira na rin ang malawak na fence na nakapalibot sa nasasakupan nito. Hindi na ganun kaayos, napaglumaan ng panahon subalit kahit na ganun ay marami pa ring mga bata ang naninirahan sa loob nito. lAng tanging tahanan na tumanggap sa mga batang iniwan. Kahabag-habag man ang kanilang kalagayan ay wala silang karapatan upang pumili ng magandang tadhana. Ito ang binigay sa kanila, kaya't dapat nila iyong lunukin.

Sa wakas ay nakarating na rin si Trina sa harapan ng malawak na tarangkahan ng 'Ophelia's Orphanage'. Inayos ni Trina ang kaniyang sarili, inalis ang suot na sumbrero; lumagpak ang kulay itim niyang buhok na gabewang at dumungaw ang kulay asul niyang mga mata. Madungis man hindi nito mababawasan ang natatanging ganda ni Trina; sapagkat pareho niyang namana ang pisikal na kagandahan ng kaniyang magulang.

Nagpakawala ng buntong hininga si Trina. Itinago ang mga nakuhang pera sa bulsa, dun niya lamang napansin na hindi pa niya natitingnan ang nakuhang android phone kasama ang isang golden pendant. Mamahalin ang mga iyon. Maari niya iyong ipagbenta kay Potchong. Nakakatiyak na malaking pera ang kapalit ng mga ninakaw niyang mga gamit.

"Mabuti na lamang dahil may pakinabang pa rin pala ang mga ito," bulong niya sa sarili bago isinilid ang lahat ng iyon sa kaniyang bulsa. Napagpasyahan ni Trina na pumasok na sa loob kaya't tulad dati, ipinaskil niya ang masayang ngiti sa kaniyang labi bago pumasok sa bahay ampunan.

Sampong taon na ang nakakalipas, hindi ganito kalunos-lunos ang itsura ng bahay ampunan. Napakaganda at sadyang naalagaan ng mabuti ang paligid dahil na rin buhay pa noon ang may ari ng orphanage subalit dahil sa hindi inaasahan pangyayari, namatay ang kanilang founder. Simula rin noon, nawalan na ng pondo ang bahay ampunan. Wala na silang mapagkukunan ng pinansyal na pangangailangan. Naubusan na rin sila ng mga tagapag-alaga. Kulang na sa pang-araw-araw na pangangailangan ang lahat ng mga bata, ultimo damit at mga pagkain.

Kung magpapatuloy ang ganito sa kanila tiyak na mamamatay sila sa gutom ngunit hindi iyon hahayaan ni Trina. Pagkaapak pa lamang ni Trina sa loob ng bahay ampunan sinalubong siya ng mga natitirang mga bata na hindi pinalad na ampunin.

"Ate! Bakit ngayon ka lang po dumating? Nagugutom na po kami!" bungad ni Antoy.

Humawak sa laylayan ng damit ni Trina ang mga bata. "Ako rin po Ate, nagugutom na rin po ako," halos mamilipit sa sakit ng tiyan si Layla dahil sa hindi pa sila nag-aagahan.

"Huwag kayong mag-alala, may dala akong tinapay." Itinaas ni Trina ang isang plastic kung saan nakapaloob ang tinapay na kaniyang binili.

"Yehey! Makakain na tayo!" Masayang nagtatalon si Vitto.

"Ana, ikaw na ang bahala sa ating pagkain," inabot niya ang plastic kay Ana.

"Maghahanda na po ako sa ating hapagkainan! Saka po ate may natira pa po tayong kape pwede pa nating iyong pagsaluhan!" pagbibigay alam ni Ana bago nagtungo sa kusina upang maghanda ng pagkain.

"Sige na sumunod na kayo sa Ate Ana ninyo at tumulong," inganyo niya sa mga bata na mabilis ng mga itong sinunod.

Sinundan ni Trina ng tingin ang mga bata. Lima silang natira sa bahay ampunan, sila-sila na lamang rin ang nagtuturingan na pamilya. Hindi man nais ni Trina na gumawa ng masama subalit wala siyang pagpipilian. Ayaw niyang pabayaan ang mga kasama, hangga't may paraan kahit sa patalim man iyon ay kaniyang gagawin.

"Kung gano'n ay dito ka pala nakatira." Naagaw ng pamilyar na tinig ang pansin ni Trina mabilis niyang nilingon iyon at nagulat sa nakita.

Isang babae ang nakaupo sa nakabukas na bintana. Nakangiti ito sa kaniya habang kinakampay ang mga paa. Napaatras si Trina.

"Paano ka nakarating dito!" Natataranta niyang pahayag habang pasimpleng tinitingnan ang daan na tinahak ng ibang mga bata, nananalangin na sana'y hindi sila lumabas at makita ang babaeng nasa kaniyang harapan.

Hindi maaring malaman ng mga ito ang ginawa niya upang magkaroon sila ng pagkain sa araw-araw. Tumalon pababa ang dalaga saka inilagay ang mga kamay sa likuran subalit ang ngiti ay hindi nawala sa mga labi nito.

"Sinundan kita." Nilibot nito ang tingin sa paligid bago muling dumako ang atensyon kay Trina.

"A-Anong ginagawa mo rito?" Tumatagaktak ang malamig na pawis sa noo ng batang babae. Kinakabahan siya. Ito ang unang pagkakataon na may nakatunton sa kaniya. At ang malala ay ang nabiktima niya.

"Sa tingin mo, ano nga ba ang dahilan kung bakit ako naparito?" baliki nitong tanong na ikina-sama ng tingin ni Trina.

"Kung inaakala mo na ibabalik ko ang ninakaw ko sa 'yo pwes nagkakamali ka. Saka anong magagawa ng dalawang bente pesos at mga barya sa 'yo!" sigaw pabalik niyang sigaw sa babae.

Sa halip na sagutin ang kaniyang katanungan ay isa na namang tanong ang namutawi sa labi ng misteryosang babae. "Alam mo bang masama ang ginawa mo?" mahinahon nitong tanong.

Napalunok si Trina. "O-Oo! Alam ko!" Hindi naman iyon lingid sa kaniyang kaalaman.

Napatango ang babae ngunit hindi nilubayan ng abo nitong mga mata si Trina. Tila binabasa nito ang kaniyang pagkatao.

"Kung alam mo na masama ang iyong ginagawa, ibig lang sabihin handa kang harapin ang katumbas na kaparusahan ng masamang ginawa mo, tama ba?" Muli nitong tanong at unti-unting naglakad palapit kay Trina.

"A-Alam ko na masama ang ginawa ko subalit hindi pa ako handa upang makulong! Kailangan ako ng pamilya ko! Ako na lamang ang tanging maaring bumuhay sa kanila! Kaya pakiusap! Huwag mo muna akong isumbong sa awtoridad!" Naroon ang pagmamakaawa sa tinig ni Trina.

"Ang krimen ay krimen." May diin ang bawat salitang wika nito bago tumigil sa harapan ni Trina.

Napatingala ang batang babae. "I-Ipapakulong mo po ba ako?" usisa nito.

Napapakit si Trina nang makitang dahan-dahan nitong tinataas ang kanan kamay. Sa pag-aakalang sasaktan siya nito at agad na iniharang niya ang braso sa mukha subalit isang haplos sa buhok ang nakapagpagulat sa kaniya.

"Hindi ka tatanggapin ng pulisya kapag ipinakulong kita dahil minor de edad ka pa lamang ngunit..." Sinilip ni Trina ang mukha ng babae. "...masama pa rin ang ginawa mong pagnanakaw. Naiintindihan ko ang rason mo pero hindi lahat ng tao ay katulad ko mag-isip." Lumuhod ang dalaga upang pumantay sa batang babae. Muling gumuhit ang ngiti sa labi. "Hindi ko babawiin ang ninakaw mo. Maliban sa golden locket dahil kailangan ko iyon. Ibibigay ko na rin sa 'yo ang phone ko pero hindi para ipagbenta mo kundi para tawagan ako."

Naguguluhan pinagmasdan ni Trina ang babae. "Po?"

"Ang ibig kong sabihin, tutulungan ko kayo. Basta ipangako mo sa akin na ititigil mo na ang pagnanakaw mo. Baka iyon pa ang ikapahamak mo balang araw." Tumayo na ang dalaga. Hindi siya nilubuyan ng tingin ni Trina.

"T-Tutulungan n'yo po kami? Pero bakit po? Sa kabila ng ginawa ko? Tapos hindi n'yo po kami kilala para tulungan kami," sunod-sunod na tanong ni Trina. "Wala naman po siguro kayong balak na gawin sa mga katulad namin tama po ba?" Nag-aalangan siya sa pakay ng babae. Mahirap magtiwala sa mga taong hindi niya kilala lalong-lalo na sa mga taong hindi niya alam ang motibo nito.

"Hindi kita masisisi kung ganyan ang tingin mo sa'kin pero gusto kong tumulong." inilibot muli nito ang tingin sa paligid, isang mapait na ngiti ang namutawi sa labi nito. " May naalala ako. Isang mabuting kaibigan." aniya bago binalingan si Trina.

"Isa rin siyang tulad mo 'noon' mas inuuna niya ang kapakanan ng kapwa bata kesa sa sarili niya, na kahit ikapahamak niya iyon ay hindi siya tumigil. Tinuring niya na kapamilya ang bawat nakakasalamuha niya. You made me remember that boy." samo nito sa boses na may halong pangungulila. "Anyway, kumain na ba kayo?"

"Dapat po bang ganyan ang bungad n'yo? Ni hindi pa kayo nagpapakilala," ngiwing pahayag ni Trina.

"Oo nga no?" Inilahad nito ang kamay. "Ako nga pala si Zoien. Ikaw anong pangalan mo?"

Sa unang pagkakataon, may taong naglahad sa kaniyang harapan ng sarili nitong mga kamay na noon pa man idinadalingin nilang may ganito pang taong darating sa kanilang buhay.

Nag-alangan man si Trina ay inabot niya ang kamay nito. "T-Trina po ang pangalan ko. P-Pasensya na po sa ginawa ko." Nahihiya nitong pahayag.

"Ikinagagalak kitang makilala Trina. mapapatawad kita kung ipapangako mo na hindi ka na muling gagawa ng ganoong bagay," ika nito na ikinatunghay ni Trina.

"H-Hindi ko po mapapangako. Baka po pansamantala lamang ang pagtulong n'yo sa amin. Baka po tulad ng iba, iiwan n'yo rin kami at paasahin."

"Eh?" Napakamot sa pisngi si Zoien. "Huwag kang mag-alala magtiwala ka dahil handa akong tulungan kayo. Hinding-hindi ko kayo iiwan hangga't 'di n'#yo pa kayang tumayo sa sarili ninyong mga paa."

"Sigurado po ba kayo? Eh ano pong maitutulong ninyo? Mukha pong wala kayong kaya," prankang tanong ni Trina na ikinangiwi ni Zoien.

"Mukha ba akong walang kaya sa buhay?"

"Opo, saka wala pong pakinabang ang pitaka n'yo. Kunti lang po ang laman."

"A-Ah…" Tumingin si Zoien sa nakasarang pintuan. "May mga kasama pala ako. Sandali lang ah." Nagmadaling lumapit ang dalaga sa nakasarang pinto sabay bukas noon. Sabay-sabay na natumba sa sahig ang tatlong lalaki na sina Light, Dark at Uno habang nakatayo naman ang iba pang myembro ng Xtherion.

"Aray putek!" reklamo ni Dark na natatabunan nina Uno at Light.

"Ang ilong ko!" daing ni Light habang sapo ang ilong na nasiko ni Uno.

"Hoy! Light, umalis ka sa likuran ko! Ang bigat mo!" utos ni Uno.

Napailing na lamang sina Altear sa sinapit ng tatlo. Nanlaki ang mata ni Trina dahil sa mga bagong bisita. Mukhang mga mayayaman ang mga ito lalo na dahil nakita niya ang Empire University na marka sa uniporme. Nagsipag-labasan naman mula sa kusina ang iba pang bata matapos marinig ang isang ingay na tila may lumagabog sa sahig nilang gawa lamang sa kahoy.

"Ate Trina!" Unang lumabas si Antoy. Bahagyang nanlaki ang mata dahil sa nadatnan nila subalit kumuha kaagad ng maliit na kawayan na pampalo. "Sino kayo?! At anong ginagawa ninyo sa ate ko?!" Mabilis siyang humarang sa harapan ni Trina upang protektahan ito sa mga estranghero.

Sumunod naman si Vitto. "Aba! Walang sinuman ang maaring umaway sa ate namin! Kundi malalagot kayo sa akin!" Pinakita pa ng bata ang muscle nito sa braso.

Napatawa si Altear. "Alin dyan ang dapat namin ikatakot bata?" dagdag niya.

Lumapit sa kaniya si Layla na may yakap na teddy bear. Pinagmasdan nila ito hangang sa sinipa nito ang tuhod ni Altear saka mabilis na nagtago ang bata sa likuran ni Trina. Agad na napahiyaw sa sakit si Altear habang napapatalon at sapo ang nasaktang tuhod.

"Behlat! Iyan ang bagay sayo!" tudyo ni Layla.

Napatakip sa bibig sina Samara at Friore. Nagpipigil sa pagtawa dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na may hindi natakot kay Altear.

"Layla 'di mo dapat iyon ginawa!" saway ni Ana bago binalingan si Altear. " P-Pasensa na po sa inasta niya." hinging paumanhin niya.

"Don't be, kami nga dapat ang humingi ng sorry dahil nagtungo kami rito ng walang paalam. Pasensya na,"-Deux

"Hello," bati ni Devine.

Nabitawan ni Antoy ang hawak na pamalo. Natuon ang kaniyang atensyon sa magandang babae. Tila anghel ito sa kaniyang paningin.

"Pasensya na kung hindi pa kami nagpapakilala. Ako nga pala si Devine, sila naman ang mga kaibigan ko," binalingan ni Devine ang mga kasamahan. Umayos ng tayo sina Light.

"Hi! Ako si Light!"

"Dark naman ang pangalan ko."

"Uno, pero mas maganda kung Kuya Uno ang itawag n'yo sa akin."

"Tsk, Altear ang pangalan ko at nangangain ako ng mga batang makulit-Aray!" Daing ni Altear matapos siyang batukan ni Samara.

"Nagbibiro lamang siya, ako si Samara."

"Ako naman si Deux."

"Friore is my name, teka dito ba talaga ang tirahan ninyo?"

Muli nilang pinagmasdan ang sira-sirang bahay. Butas ang mga dingding at maging ang bubong. Kung hindi dahil sa pader na gawa sa hollow blocks maaring matagal nang gumuho ang bahay na ito.

"Opo dito po kami nakatira,"-Ana

"Ah, wala ba kayong mga magulang?"-Light

Nabakas ang lungkot sa mukha ng mga bata. Agad na siniko ni Dark ang sikmura ni Light.

"Ahaha. Pasensya na sa tinanong ng kaibigan namin."-Dark

"Wala po kaming mga magulang. Mga ulila po ang ilan sa amin at ang iba naman ay iniwan dito; na dati po ay kilala bilang isang bahay ampunan," pabibigay alam ni Trina.

"Ganoon pala." Napakamot sa batok si Deux.Nasa ganun silang sitwasyon ng tumunog ang tiyan ni Antoy.

Gruggh! Naagaw ng kaniyang tiyan ang atensyon ng lahat. Namula ang mukha ng bata.

"N-Nagugutom na po ako," nahihiya niyang sabi.

"Kung gano'n ay samahan na namin kayo sa kusina," agaw pansin ni Devine bago binalingan si Deux. "Can you buy the stuff they need?"

"Yeah, you can count on me. Let's go boys. Samahan n'yo ako. Marami-rami rin iyon." Hinigit niya ang collar ni Altear na masama pa rin ang tingin kay Layla. Sumunod naman sa kaniyang paglabas ang tatlong pang lalake. Hanggang sa ang natira na lamang ay ang mga bata saka ang apat na babae.

"D-Dito po ang kusina." Sabay turo ni Ana daan kung saan silang nanggaling kanina.

"Salamat. Tara." Naunang pumasok ang mga bata at sumunod sa kanila sina Devine.

"You know we are following you, am I right?" usisa ni Samara sa katabing si Zoien.

"Obviously yes, since yesterday pa." Wika ni Zoien.

"Told yah, she can feel anyone's presence," bulong ni Friore.

"That's to be expected, that is one of her impressive skill," nakisabat na rin sa usapan si Devine. "but are you sure you want to help these kids?" usisa niyang muli.

"Why not? They need help." ngumiti si Zoien. "Sino ba naman ako para magkait ng tulong sa mga taong mas nangangailangan nito."

"And yet bilang lamang ang nais mong tulungan?"-Samara

"Tulad ng sinabi ko, mga taong mas nangangailangan lamang. Ayaw kong tulungan ang mga taong may kakayanan subalit walang ginagawang paraan upang tulungan ang kanilang sarili. Mas kailangan ng mga batang ito ang tulong natin, 'di ba tama ako?" Tumango na lamang tatlo sa kaniyang sinabi.

Hindi masama ang tumulong sa mga taong nangangailangan subalit ang lahat ng iyon ay may limitasyon sapagkat ang tao ay may ugaling mapagsamantala, dahil alam nila na walang silang makakaya sa buhay ay umaasa lamang sila sa tulong ng iba subalit hindi tama ang ganoong sistema ng pag-iisip dahil may iba't ibang paraan naman upang makaahon sa hirap, kahit ang taong magbabasura kayang-kayang mabuhay basta may pagsisikap, sipag at tiyaga.

Nag-unat-unat ng mga braso si Dark, tiningnan niya ang ginawa nilang pag-aayos sa bubong ng bahay ampunan. Maayos na ito di tulad nung una silang nagtungo na puro butas. Ganun rin ang ginawa ng iba pa sa sirang pader, inayos nila iyon pagkatapos ay pinintiurahan ng bago nina Devine.

Nasa kusina naman nagluluto sina Zoien at Deux para sa kanilang tanghalian. Napagpasyahan nila na lumiban ng klase upang asikasuhin ang sirang bahay ampunan subalit papasok rin sila ngayong hapon. Marami na silang utang sa kanilang Dean dahil sa kanilang pagliban sa klase.

Nakanganga habang nanonood ang mga bata sa ginagawang pag-aayos.

"Ate, y-yong bahay natin." Nakangiti na ang batang si Antoy.

Nasisiyahan dahil maayos na ang kanilang bahay na dati ay sira, maging ang kupas na pader ay may bago ng desinyo.

"Pati Ate ang mga sira nating kagamitan, bago na ang lahat," puna ni Ana.

Binilhan rin sila ng mga bagong kagamitan, tulad ng upuan, higaan, mga gamit sa kusina at ilang mga bagong damit.

"Saka Ate, may ref tayo at kuryente!" nagtatalon sa saya si Layla.

Naglagay rin ng ilang set ng solar panel sina Uno at Light, upang mapagkunan ng kuryente ng mga bata. Kaya naman malaya nilang nailagay sa loob ng malaking ref ang ibang mga grocery.

"Nagugutom na po ulit ako," nakahawak sa tiyan si Vitto, nalanghap niya ang masarap na pagkain na nanggagaling sa kusina.

Hindi naman nakapagsalita si Trina sa kaniyang pwesto. Ano nga ba ang dapat niyang sabihin sa mga pagkakataong ito? Paanong dahil sa ginawa niyang pangungupit ito pa ang naging bunga niyon? Hindi ba dapat masama ang nangyari sa kaniya dahil masama ang kaniyang ginawa, kaya bakit ganito ang nangyari? Nabalik lamang siya sa huwesyo nang may tumawag sa kanila.

"Mga bata halina kayo, kakain na tayo!" tawag ni Deux.

"Yun oh! Nagugutom na ako!" Inilapag sandali ni Altear ang mga tools niya sa isang tabi bago nagtungo sa kusina, sinimangutan niya ang batang si Layla subalit isang behlat lamang ang sinukli nito.

"Aba't-" balak na sana niyang lapitan ang batang nagtago sa likuran ni Ana nang malakas na hinigit ni Samara ang tenga niya.

"Bata iyan Al! Maghulos dili ka! Come here!" Sita ni Samara. Nakasuot siya ng puting apron na puno ng iba't ibang pintura.

"Ouch! Dahan-dahan naman sa paghila! Tutulis na ang aking tenga!" daing ni Altear na hindi na pinansin ng dalaga.

Natawa si Layla dahil sa eksenang iyon, natuwa pa dahil kinindatan siya ni Samara bago pa sila tuluyang nakapasok sa kusina.

"Let's go kids," aya ni Devine.

"Hey, hey, hugas muna ng kamay bago kumain."-Uno

"Tama, iwas sakit"-Dark

"Of course dummy, let's all clean up"-Friore

Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Light.

"Nakakapagod mag-ayos." dagdag niyang reklamo.

Pagkatapos nilang maghugas, sabay-sabay silang naupo sa bagong mesa kung saan nakahain ang maraming pagkain na hinanda nina Deux at Zoien para sa lahat. Nagningning ang mga mata ni Antoy, akmang hahawakan niya kaagad ang isang drumstick ng chicked ngunit pinigilan siya ni Ana.

"Pray muna," saway niya.

"Opo! Ako na po ang mangunguna!" masaya niyang pahayag.

Pumikit sila at nagsimula nang manalangin si Antoy.

"Dear Lord! Maraming-maraming salamat po sa biyayang pinagkaloob n'yo sa amin! Marami po kaming pagkain ngayon! Saka po, idagdag pa ang bago naming tahanan! Maraming salamat din po sa pagpapadala sa mga bago naming Ate at Kuya, napakasaya po namin dahil sa kanila! Sana po magtuloy-tuloy na po ang magandang pangyayaring ito sa amin. Patawad rin po sa aming mga nagawang kasalanan! Amen!" pagtatapos ng bata.

Napangiti sila dahil dun. Kaniya-kaniya ng kain ang mga bata. Maging si Altear nakikipag-agawan pa sa mga ito panay naman ang sita sa kaniya ni Samara.

"What a nice scene, aye?" agaw atensyon ni Deux.

"Yup, this bring a lot of memories." natatawang aniya ni Devine.

"Sinabi mo pa, ganito rin tayo noon,"-Uno

Napaikot ng mata si Friore. "Ayaw ko nang alalahanin ang nakaraan."

"Sus, sabihin mo nahihiya ka lang," tudyo ni Dark nakatanggap siya ng isang masamang tingin mula sa dalaga.

Napangiti si Zoien, "kung hindi ako nagkakamali, magkakasama kayo sa iisang mansion, tama ba?" usisa niya.

"Oo, the council gave that to us."-Devine. "Since, isa kaming team."

Napatango si Zoien. "That probably why you all look close to each other, makes me feel envious." Sumandok ng pagkain ang dalaga at sinubo iyon. Nagkatinginan na lamang ang iba dahil sa huling tinuran ni Zoien.

Pagkatapos kumain, nagboluntaryo si Trina na tulungan si Zoien sa paghuhugas ng pinggan.

"Dito muna kami sa sala, sabay-sabay na lamang tayo pumasok sa klase," paalam ni Devine bago lumabas ng kusina at magtungo sa sala kung nasaan ang iba pa.

Nagsimula na sa pagkuskos ng mga pinagkainan si Zoien, samantakang si Trina naman ang nagbabanlaw at nagpupunas.

"P-Pwede po ba akong magtanong?" biglang natigilan si Zoien dahil sa pahayag na iyon ni Trina.

Kanina pa tahimik ito at ngayon lamang muling nagsalita. "Oo naman, ano ba iyon?"

"B-Bakit po sa kabila ng masama kong ginawa, tinutulungan n'yo po kami? 'Di ba po dapat, magalit kayo?" puno ng kuryusidad na tanong ni Trina.

Napaisip sandali si Zoien bago sumagot. "Depende," seryosong saad niya na ikinalingon ni Trina. "depende sa sitwasyon, handa akong tumulong sa mga taong may 'pag-asa' pang magbago subalit kung wala naman kailangan nilang magbayad."

"Ibig ninyo po bang sabihin na may 'pag-asa' po akong magbago?"

"Bakit hindi? Gusto mo ba ang ginagawa mo noon?"

Umiling si Trina. "Hindi po, ang totoo labag po iyon sa kalooban ko subalit wala po akong pagpipiliian. Nagbakasali na po akong pumasok sa isang legal na trabaho ngunit lahat sila pinagtabuyan ako dahil bata pa raw ako at walang kaalaman sa trabaho kaya po wala po akong nagawa kundi ang magnakaw. Iyon na rin po ang gawain ng mga nakakasalamuha kong ibang kabataan dito sa Zone 29th." mahabang kwento ni Trina.

"Hindi naman kita masisisi, naudyok ng pagkakataon ang lahat kaya mo iyon nagawa pero, ang masama ay masama kahit pa may dahilan, tandaan mo sana." payo ni Zoien.

"Opo, pakakatandaan ko po." ngumiti si Trina, "Sandali lamang po may ibibigay ako," pinunasan muna niya ang basang kamay bago may kung anong hinugot sa bulsa. "Iyong golden locket po ninyo, ibinabalik ko na po."

Ngumiti si Zoien, inalis ang bola sa mga kamay bago iyon kinuha kay Trina. "Mabuti naman at hindi mo naisipan ipagbenta ito," pagkatapos makita ang golden locket ay agad niya iyong ibinulsa.

"Mahalaga po ba sa 'yo ang locket na 'yan?"

Ngumiti si Zoien, "Pagmamay-ari ito ng isang taong naging parte ng aking nakaraan, mahalaga para sa kaniya ang bagay na ito, kaya dapat kong isauli sa tamang may-ari," dagdag ni Zoien. "Bilisan na nating maghugas baka mahuli na naman kami sa klase, saka di ba mag-group photo pa tayo," paalala niya na sinunod ni Trina.

"Bisita po ulit kayo ah!" Aniya ni Vitto.

"Gusto ko po ulit matikman ang luto ninyo!"-Antoy

"Marami po salamat sa lahat-lahat," magalang na pahayag ni Ana.

"Laro po ulit tayo sa susunod." Masayang wika ni Layla, sinamaan siya ng tingin ni Altear pero tulad ng karaniwan, sa halip na matakot ang bata ay nag-behlat na naman ito.

"I think that kid likes you," bulong ni Samara.

"Tsk, she need to grow up first," aniya ni Altear bago tumalikod at pumasok sa sasakyan niya.

"Bibisita kami next time,"-Light

"Hwag n'yo kami masyadong mamiss!"-Dark

"Kapag nagugutom kayo, buksan n'yo lang ang ref, nag-iwan kami ng pwede ninyong makain."-Deux

"Take care, we will visit tomorrow," aniya ni Devine na nagustuhan ni Antoy.

"Let's go," pumasok na rin sa loob ng sasakyan si Friore.

"Maraming salamat po, babawi po ako next time, pramis po iyon."-Trina

"Aasahan namin iyan,"-Zoien

"Sa akin ka na sumabay," anyaya ni Uno kay Zoien. Tumango ang dalaga bago sumunod kay Uno.

Naunang umalis ang sasakyan ni Deux kung saan nakasakay sina Altear, Devine at Samara, kasunod naman ang sasakyan ni Light, sakay nito sina Friore at Dark at ang pangatlo ang sasakyan ni Uno. Natutuwang pinagmasdan ni Zoien ang isang litratong hawak. A polaroid photo, kasama niya ang buong Xtherion maging ang mga bata.

"You seems happy?" puna ni Uno.

"I am actually," seryosong saad ni Zoien.

"And why is that?" kuryus na tanong ni Uno.

"This is my very first time to have a photo aside from my father and I."-Zoien

"I see, then you should cherish it then," natutuwang pahayag ni Uno na sinang-ayunan ni Zoien.

Nasa sala nagkakasiyahan ang limang bata nang may kung sino ang kumatok sa pintuan ng kanilang bagong ayos na tahanan.

"Ako na!" buluntaryo ni Antoy bago nagtungo sa pintuan upang iyon ay buksan.

Naiwan naman sina Trina sa sala habang nanonood ng TV.

"Sino po sila!" sabay bukas sa nakasarang pinto.

Tumambad sa kaniyang paningin ang isang lalaking nakasuot ng itim na cloak. Hindi maaninag ang mukha nito dahil nakapaloob iyon sa hood ng suot nito.

"S-Sino po kayo?" kinakabahan pahayag ni Antoy.

Subalit hindi nagsalita ang di kilalang tao, bagkus ay mabilis ang galaw na hinawakan ang matalas na sandata at ginilitan ang leeg ng inosenteng bata.

"Acck," bumulwak ang dugo sa bibig ng kawawang si Antoy.

Nanlalabo ang mga matang tiningnan ang lalake bago napahawak sa kamay nito, pansin niya ang isang tattoo ng supot sa likuran ng palad nito, bago tuluyang bumagsak ang maliit niyang katawan. Walang mababasang emosyon sa mata ng taong pumatay sa bata. Umaagos ang dugo sa talim ng kaniyang sandata.

"I told you before, you are not made to become a shield. You never listen," aniya bago pumasok sa loob at isinara ang pintuan.

Napuno nang mga impit na sigawan ang munting bahay ampunan, walang kamalaymalay ang mga tao na isa na namang kahindikhindik na krimen ang lilitaw at gigimbal sa Metron City.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top