[5] THE EMPIRE ROYALTIES
"But the conceited man did not hear him. Conceited people never hear anything but praise." - Antoine de Saint-Exupéry—The Little Prince
...
Napabalikwas mula sa pagkakaupo si Feltesia. Nanlalaki ang kaniyang mga matang nakatingin sa dereksyon ni Zoien. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakikita.
'She's here? No way!' bulalas niya sa kaniyang isipan.
Sobrang pagkabigla ang kaniyang nararamdaman samantalang kalmado at masaya pa ang ekspresyon sa mukha ng kaniyang pinsan.
"What are y...y-ou doing here?" singhal ni Feltesia matapos makabawi sa pagkagulat.
Paanong nakapasok ito sa E.U? At lalong nagawa nitong makarating sa Dome ng Royalties na kahit na kailan ay wala pang nakakapasok na ibang student.
Nabalik sa huwesyo si Zoien bago itinaas ang hawak na lunch pack. "I'm here to deliver your lunch? Hindi ba't iyon ang iniutos mo sa akin kanina?" tugon niya.
"Lunch?" sambit ni Riyo. Kunot na kunot ang kaniyang noo. "Nakakapagtaka? Kailan pa natutong magpaluto sa iba ang dakilang maarte sa Empire Royalties? Interesting." Pinagkrus niya ang mga bisig habang nakangising nakatingin kay Felt.
Inirapan ng dalaga si Riyo. 'Kung alam mo lang kung gaano kasarap ang luto ni Zoien. Tiyak maiiyak ka at magmamakaawa pa sa akin,' usal niya sa sarili bago naglakad palapit kay Zoien.
Siguradong may ginawa itong tricks upang makapasok sa E.U dahil alam ng lahat kung gaano kataas ang seguridad ng kanilang eskwelahan. Ang tanong ay ano at paano?
Nagtatakang nakatingin naman ang ibang Royalties sa mukha ni Zoien.
"She looks very familiar," puna ni Alisa. Nakakasiguro siyang nakita na niya ang mukha ng babae.
"Hmn?" Pinagtuunan ng atensyon ni Margarette ang mukha ng taong tinutukoy ni Alisa. A sudden feeling rose from within. A familiar feeling. "Yes, she is," pagsang-ayon niya sa kaniyang kaibigan sa lenggwaheng pranses.
Nang tuluyang nakalapit si Feltesia kay Zoien ay mahina niya itong kinausap. "What the hell are you doing here?"
"Kasasabi ko lang 'di ba? I'm here to deliver your lunch."
Napairap ang dalaga dahil sa sagot nito. "Geez! I just said that because I'm sure enough na hindi ka makakapasok dito. I'm not expecting you can sneak in easily. Oh my gosh! You are difinetly sly, aren't you?" Pinagkrus niya ang mga braso sa ibabaw ng dibdib. Hindi nagbago ang talim na titig. Naiinis siya . . . sobra-sobra.
"Ah? So, ang ibig mong sabihin. Prank iyong ginawa mo? But what will you do now that I'm here? Saka sayang ang pagkain na niluto ko. Para sa inyong lahat pa man din ito. Sige iuuwi ko na—" Hindi nagawang tapusin ni Zoien ang kaniyang sasabihin dahil mabilis na tumutol si Feltesia.
"NO WAY NA UUWI KA DALA YANG FOODS!" Nakapamey -awang na singhal niya na ikinatalon pa sa gulat ng ibang royalties.
They didn't expect that she's going to outburst. Alam nila na may ugaling pagkamaldita at mainitin ang ulo ni Feltesia pero kakaiba ngayon dahil mas mabilis itong magalit kaysa karaniwan.
"Nag-aaway ba kayo?" nag-aalangan tanong ni Courtney. Papalit-palit ang tingin kina Feltesia at Zoien. Bakit parang galit ata si cous?
Nagpakawala nang malalim na buntong hininga si Felt. "No, Courtney. Nag-uusap lang kami."
"May nag-uusap bang nagsisigawan? Aw!" Napahawak sa ulo si Theron matapos siyang mahinang batukan ng hawak na libro ni Akihiro.
"Huwag kang makisabat sa usapan ng matatanda, Theron," dugtong niyang suway na ikinanguso ng bata.
"Tutal mukhang matatagalan 'yong foods na hinihintay natin at mukhang marami ang niluto ni Zoien. Why not tikman namin ang foods?" Hindi napigilan ni Xenon ang makisabat. Ramdam niya ang tension sa paligid at ayaw niya ang gano'n.
"Sumasang-ayon ako! Tiyak masarap ang luto ni Zoien! Napaka-arte pa naman ni Maldz sa mga foods. Halika dito, Zoien! Huwag mong alalahanin iyang si Ms. Dragon! Tulungan kita sa paghahanda ng foods! Gutom na talaga ako!" Hinigit ni Marco si Zoien palayo mula kay Feltesia patungo sa pribadong dininga area.
"Gutom na rin ako! Tutulong ako!" Boluntaryong pahayag ni Riyo bago sumunod kina Marco.
"I can't trust them with my kitchen. I'll help out." Tumayo si Margarrette upang sundan ang mga ito. Siya kasi ang namamahala sa kitchen ng Royalties. It is her resposibilities to make sure their foods is properly made and healthy.
Maang na nakamasid na lamang si Feltesia sa ginawa ng kaniyang mga kaibigan.
"Chill lang, love. Kumukunot na naman ang noo mo," pagpapakalma ni Jacob sa kasintahan.
"Fine," pinal niyang pahayag bago pinakalma ang sarili.
Lihim na napangiti si Zoien. Pakiramdam niya nanalo siya sa isang paligsahan. Nagtungo sila sa dining area na napapalibutan nang naggagandahang halamanan at bulaklak.
Manghang nakamasid siya roon. Napakaganda ng paligid.
"Ang ganda noh? Si Alisa ang nag-aalaga ng mga iyan at si Xenon naman ang tagadilig kaya napapanatili ang ganda at ang bango ng mga bulaklak," sambit ni Marco. He is proud of his friends hobby.
"Oo, nakakamanghang pagmasdan. Ang sarap tingnan at ang bango ng mga bulaklak. Nakakaramdam tuloy ako ng inggit sa inyo. Gusto ko sa ganitong lugar."
"I know right! Hindi kita masisisi. Nakakainggit nga. Well, we need to move. Tara maghanda na tayo ng foods. It's almost time for lunch," alok ni Marco na ikinasang-ayon ni Zoien.
Ipinatong ng dalaga ang lunch pack sa mesa bago inilibot ang tingin sa malawak na dining area.
Walang alam ang ibang Royalties sa pag-aayos ng hapagkainan dahil may tagapagsilbi naman sila. Tanging si Margarrette lang talaga ang may alam pagdating sa kusina.
"Ano, saan nakalagay ang mga plates ninyo?" tanong ni Zoien kay Marco na katabi si Riyo.
Nagkatinginan ang dalawang binata. 'Asan nga ba?' Napangiwi pa sila dahil wala silang alam kung saan ang kinaroroonan ng mga kasangkapan sa kusina.
"It's inside the cabinet," agaw atensyon nang bagong dating na si Margarette sa lenggwaheng pranses sabay turo sa isang kabinet.
Napalingon sila sa dereksyon ng bagong dating. Nakangiti ang pranses na prinsesa sa kanilang tatlo.
"Ah, merci (Thanks)," tugon niya.
Napalingon sila sa dereksyon ni Zoien.
'She can understand French?' gulat nilang tanong sa isipan.
Samantalang si Zoien ay hindi pansin na nakapagsalita siya ng pranses sa harapan ng royalties.
Pinagmasdan ng tatlong magkakaibigan ang bawat galaw ni Zoien. Polido ang bawat kilos nito na may kasamang pag-iingat. Mamahalin at talagang imported ang bawat silverware at utensil kaya dapat talagang mag-ingat.
"I'll help you out," saad ni Margarette na ngayon ay ingles na ang gamit na lenggwahe.
Simpleng ngiti ang tugon ni Zoien.
"Umn? Kami anong gusto ninyong gawin namin?" takang tanong ni Riyo habang manghang nakamasid sa ginagawang table setting ng dalawang dalaga. Alam na alam ng mga ito ang dapat gawin.
"Just call the others. Malapit na itong matapos," tugon ni Margarette sa boses na mahinhin.
"Ah, sige." Nag-alangan pa kung iiwan ni Marco si Zoien pero mukhang kaya naman nito ang ginagawa.
Hindi pala, dahil kabisang-kabisa nito ang ginagawa. Kasama naman nito si Margarrette kaya napanatag siyang ayos lang ito. Nakangiting umalis ang dalawang binata. Hinayaang iwan na magkasama ang dalawang babae.
Habang busy sa pag-aasikaso sa paglalagay ng utensil si Zoien sa mga pinggan ay pasimpleng itinahaw ni Margarette ang laman ng lunch pack. Mainit pa ang mga pagkain dahil nakapaloob ang mga ito sa covered storage.
Nang buksan niya ang malaking lalagyan. Tumambad sa kaniya ang maraming container ng pagkain. Nang buksan niya isa-isa ang mga food container ay nalanghap niya ang masarap na amoy ng bagong lutong pagkain.
Manghang pinagmasdan ng dalaga ang maraming putahe. Hindi lang kasi basta-basta ang mga putaheng iyon. Ang lahat ng dishes ay mula pa sa bansang england na kaniyang ikinabigla.
Binalingan ni Margarrette si Zoien na katatapos pa lamang sa paghahain.
"D-Did you make all of this?" Nahihiyang pahayag ni Margarrette na nakakuha sa atensyon ni Zoien.
"Oh?" saad niya matapos makitang nakaayos na ang mga niluto niya.
Totoo ngang maasahan pagdating sa table arrangement si Margarrette. Ayon sa kaniyang research, England ang home town ng babae kaya hindi nakakapagtaka kung bakit pamiliyar dito ang mga pagkaing kaniyang niluto.
"Yes, Mistress Margarrette. May problema po ba sa niluto ko?" Magalang niyang pahayag.
Natuwa si Margarette sa narinig.
"No nothing, I'm just overwhelmed. But Really? I love England's cuisine. I'm picky eater same with Felt, but if she trusted you to cook for her Nakakasiguro akong magugustuhan ko rin ang niluto mo. By the way you don't have to add Mistress sa pangalan ko. Just call me Margarrette."
'Maganda na mabait pa. Mukhang magkakasundo kaming dalawa,' pahayag ni Zoien sa sarili bago muling nagsalita.
"Maraming salamat po. Tiyak akong magugustuhan ninyo ang niluto ko."
Mayamaya, isa-isang pumasok ang iba pang Royalties.
"Woah! Mukhang masarap ang foods na niluto mo, Zoien ah!" manghang pahayag ni Xenon pagkakita sa handang pagkain. Makukulay ang mga ito. Iba-iba at langhap nila ang nakakatakam na amoy.
Kaniya-kaniya silang umupo sa kanilang puwesto. Samantalang pasimpleng nagtungo sa kitchen counter si Zoien. May nakita siyang sapat na sangkap para sa gagawin niyang pandan tea na mag-cocompliment sa niluto niya.
Pagkatapos mag-dasal ay kaniya-kaniya sila nang kuha ng utensil handang tikman ang mga bagong putahe.
"Ano pang hinihintay natin? Let's dig in," panimula ni Arthur.
Isa-isa silang kumuha ng foods. Napangisi na lamang sa isipan si Felt. 'Mukhang hindi lamang siya ang magagayuma sa luto ni Zoien,' samo niya sa isipan bago isinubo ang gulay.
Tulad nang inaasahan napakasarap ng mga pagkain na maging ang ibang mga royalties ay hindi na nagpapigil sa pagkain. Even the picky eater can't stop themselves from devouring their own mouth watering foods.
Nakangiting pinagmasdan ni Zoien ang buong Royalties. Masaya ang bawat isa habang kinakain ang kaniyang niluto. Matapos magawa ang kaniyang pandan tea ay lumapit siya sa pwesto ng bawat isa at inihain ang gawa.
"Pandan tea good for your health," sabi niya.
Nagkatinginan ang lahat bago kinuha ang pandan tea at sumimsim roon.
"Masarap," aniya ni Sahara. 'Malinamnam ang lahat ng pagkain. Did she really cooked all of this? Nakakamangha.'
"Wow! This is the first time na ginanahan ako sa pagkain. Very delectable. There this urge na gusto ko pa ng second batch," turan ni Rossette habang nakatingin sa kaniyang plato na walang laman. Simot lahat.
"I agree, the foods are so amazing and this pandan tea. Hmn! Smell so good." Napangiti si Margarrette at muling uminom sa kaniyang pandan tea. Mas masarap pa sa natikman niya noon. "Delicious," dagdag niya sa salitang pranses.
Courtney chuckled.
Natutuwa sa nakikitang reaksyon ng kaniyang mga kaibigan. This is the first time na nakita niya na nag-enjoy sa food ang mga ito. Kahit siya man ay nasiyahan rin. Hindi lang dahil masarap ang mga inihain sa kanila. They can also feel the love and care from the person who cooked all the foods.
"Thanks for the foods. Nakakatanggal ng gutom."
"Yeah. It were delicious. No wonder, Felt made you come here to brought her home made lunch." Sinang-ayunan ni Alisa ang sinabi ni Courtney.
Naluluha naman si Riyo. "Wala na bang second batch! Gusto ko pa!"
Nagtaas ng kamay si Theron. "Me too! Me too! The foods were so mouth watering! I want more!"
Nagpahid ng bibig si Akihiro gamit ang tissue bago batukan niya ang dalawa lalake. "Show some table manners. Baka!" sermon ng binata sa dalawang katabi na ikinangiwi ng mga ito.
"Totoong masarap ang foods. Salamat, Zoien," senserong aniya ni Arthur.
"Oo. Minsan lang kami magcompliment sa pagkain. Masarap siya. Ramdam namin ang pagmamahal ng nagluto." Nakangiting sambit ni Jacob.
Agad namang napatayo si Marco. Napatingin sa kaniya ang lahat.
"Hoy Maldz! Kung ayaw mo sa maid mo pwedeng akin na lang siya! Papalitan ko ang chief sa bahay namin! Ako nang bahala sa kaniya!" Pagmamakaawa ni Marco na ikinapanlaki ng mata ni Felt.
"What? Asa ka naman ibibigay ko sa' yo si Zoien. She's mine! Maghanap ka ng iba. Huwag siya!" mataray na pagtanggi ni Felt.
After all, inaasahan siya ng kaniyang kakambal na bantayan si Zoien.
Mabilis na lumapit si Marco kay Zoien at hinawakan ang dalawang kamay nito. Nagniningning ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa mukha ng dalaga.
"Zoien please be my wife! Pangako pakakasalan kita sa lahat ng magarang simbahan basta sumama—aray ko!"
Napabitaw sa pagkakahawak kay Zoien si Marco nang batukan siya ni Sahara sa ulo at pasimpleng piningot nina Rossette at Alisa ang tigkabilang-tenga ng binata.
Natawa sa isipan si Zoien. 'Aw! They look so adorable!'
"Mahiya ka sa balat mo!" Iiling na pahayag ni Sahara bago kinaladkad palabas ng dining area ang pinsan.
"PANGAKO PAKAKASALAN KITA BASTA IPAGLUTO MO ULIT AKO! ARAY NAMAN SAHARA INGATAN MO NAMAN AKO!" Nakangusong reklamo ni Marco.
"JUST SHUT UP MARCO NATHANIEL REVOTSKY! And FYI 'di ka cute so stop pouting!" Singhal pabalik ni Sahara sa makulit na pinsan.
Napatampal sa noo si Rossette, hayag ang hiya. "Pasensya na sa kaniya. Nakalimutan painumin ng gamot, e'. Ako ang nahihiya sa pinaggagawa ng lalaking iyon."
"I thought Jacob is our joker prince pero mukhang natalbugan na dahil sa ginawa ni Marco. I'm really ashame." Napailing si Alisa dahil sa kalokohan ng kaibigan.
Napangiti si Zoien. Ang warm sa pakiramdam kung kasama ang mga ganitong klase ng tao. Masaya siya dahil mabubuting tao ang mga nakapalibot kay Courtney.
Tumunog ang relo ni Zoien na nakaagaw sa atensyon ng lahat.
Mula sa pagkakatingin sa paglabas nina Marco at Sahara ay binalingan nila ng pansin si Zoien.
'Limang minuto.' Nagpakawala siya ng buntong hininga bago bumaling kay Feltesia na nakatingin din sa kaniya. Ngumiti siya dahilan para muling nagpakita ang malalim niyang dimples. "Mukhang kailangan ko nang umalis."
Nabigla ang lahat dahil sa narinig.
"Eh? Aalis ka na agad? Pwede bang mamaya na lang! Ipagluto mo—hmp!" Tinakpan ni Jacob ang madaldal na bibig ni Riyo.
"Why not stay for the mean time?" agaw atensyon Xenon.
Napakamot sa pisngi si Zoien. Nag-aalinlangan. "Salamat sa offer ang kaso, hindi ako pwedeng magtagal. Well, nagkaroon kasi kami ng deal ng mga manong nakablack suit. Sabi nila hanggang isang oras lang ang pananatili ko rito at kapag sumobra ipapabitbit daw nila ako palabas. So, I have to go." Hindi nawala ang ngiti sa kaniyang labi. Inayos niya ang kaniyang dalang gamit. Tinulungan siya ni Margarrette.
"Can we see you again?" tanong ni Margarrette. She doesn't know why she asked those question. Pero parang may nagtutulak sa kaniyang kalooban na nais niyang muling makita ang dalaga.
Binitbit ni Zoien ang kaniyang gamit. "Oo naman! Ang totoo niyan I'll be studying here in the E.U. as a scholar. Kaya may posibilidad na muli tayong magkita." Sa sinabi nito ay nagkatinginan ang mga babaeng royalties saka bumaling kay Feltesia na napaikot ng mga mata.
Napansin ni Zoien ang reaksyon ng mga ito. Samantalang nakamasid lamang ang mga lalake. Nahihiwagaan.
"Umn? May nasabi ba akong mali?" takang tanong ni Zoien.
"Wala naman. Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit ka pamilyar." Tumayo si Courtney upang lapitan si Zoien.
Napatayo rin si Felt. Papalit-palit ang tingin niya sa dalawa. Gusto niyang hilahin si Courtney palayo kay Zoien pero hindi maaari dahil magtataka lamang ang lahat kung gawin niya ang bagay na iyon. So she just stands there and wait what's about to happen. Kahit labag man sa kaniyang kalooban na maglapit ang mga ito sa isa't isa lalo na't wala siyang tiwala kay Zoien.
"I'm Courtney it's nice to meet you, Zoien." Nilahad niya ang kamay.
Tiningnan ni Zoein ang nakangiting mukha ni Courtney bago ang nakalahad nitong kamay. Hindi niya mapigilang makaramdaman ng saya sa kalooban. Sobrang kasiyahan. Walang pag-aalinlangan na hinawakan niya ang kamay nito.
"Nice to meet you too, Courtney." Mas lalong lumawak ang ngiti ni Zoien.
"Times ticking. Ako nang maghahatid sa kaniya palabas," presenta ni Feltesia.
Naglakad siya palapit kay Zoien at hinawakan ang braso nito saka kinaladkad palabas. Nagpaalam ang grupo sa papaalis na dalaga. Nadaanan rin nila Feltesia sina Marco at Sahara na nasa sala.
"Aalis ka na, wifey!" Balak tumayo ni Marco pero mabilis na piningot siya ni Sahara.
"Huwag mo siyang pansinin, Zoien! Thanks for the foods sana may kasunod pa!"
Kinawayan ni Zoien ang dalawa hindi na nagawa pang makapagsalita dahil mabilis siyang kinaladkad ni Felt palabas ng dome. Not giving her a chance to speak.
"Bakit parang galit ata si Maldz?" usisa ni Marco.
"Pansin ko rin. Mukhang may pagkadisgusto siya sa kaniyang maid," tugon ni Sahara.
"Eh? Ang bait kaya ni Zoien. Bakit naman siya magagalit sa kaniya?"
Nagkibit-balikat na lamang si Sahara bilang sagot. Kung anuman iyon ay labas na sila sa problema ng dalawa
...
Hinayaan ni Zoien na kaladkarin siya palabas ni Felt. Humihigpit ang kapit nito sa kaniyang braso pero hindi niya iyon ininda. Ramdam niya ang namumuong galit nito. Mabilis na binuksan ni Feltesia ang pinto ng dome gamit ang kaniyang hand print para tuluyang silang makalabas.
"What was that!" Mataray na sambit ni Feltesia sabay bitaw kay Zoien. Hayag ang inis sa kaniyang boses. Kumukulo ang kaniyang dugo. Namumula ang kaniyang mukha dahil sa galit.
"Anong ibig mong sabihin?" Hinaplos ni Zoien ang nasaktang braso.
"Wow! Bilib na talaga ako sa' yo. Kung sila napaniwala mo sa kasinungalingan mo! Ako, hindi! Will you just stay away from all of us! Especially from Courtney!"
Nagpakawala ng buntong hininga si Zoien. Kilala niya si Felt. Galit ito at mas paiiralin nito ang galit kaysa makinig.
"Kung iyon ang gusto mo, sige. Susubukan ko. But just let me remind you about something. Sino ba ang nagpapunta sa akin dito? Hindi ba't ikaw?"
Lalong naningkit ang mga mata ni Feltesia. "It was a prank, okay! Hindi ko inaasahan na makakapasok ka! Naiintidihan mo! I don't want you near my friends. Lalo na kay Courtney. Dahil alam kong sasaktan mo lang sila dahil sa kasinungalingan mo."
Sa unang pagkakataon nakita ni Feltesia ang malamig na ekspresyon sa mukha ni Zoien. Nakakatakot ang kulay abo nitong mga mata. Dumilim lalo ang kulay niyon.
"I really can't understand your reasoning, Feltesia. I tried my hardest to understand you but I am almost at my limit," may diin ang bawat salitang lumabas sa mula bibig ni Zoien. Sandali siyang tumigil upang pakalmahin ang sarili. Nagpakawala siya nang munting buntong hininga bago muling nagsalita. "What are you so afraid of?"
Napakuyom ng kamao si Feltesia. "You're seriously asking me that question? Be real, Zoien! It was simple! Dahil sasaktan mo lang ang mga kaibigan ko at lalo na si Courtney. That's what you do! Always hurting the people with your deception so just back off!"
Napatiim bagang na lamang si Zoien sa narinig. "Wow! You're talking as if you know me? Bakit, Felt, kilala ma ba ako? Do you really know who I am para paratangan mo ng mga gan'yang bagay?" Mapait siyang napangiti. This is absurd.
"Wala kang alam sa kung sino talaga ako, Feltesia. I might be A STEP DAUGHTER and a FAMILY RUINER pero iyon lamang ang iniisip ninyo. It's all in your mind dahil ako alam ko sa sarili ko na hindi ako gano'n. At lalong hinding-hindi ko sasaktan ang pinakamamahal na anak ni Homer. Think whatever you want, pero please lang, kahit kaunti man lamang, think before you speak. Dahil kahit salita ay nakakasakit din. I may not show it on my face but deep inside me. I'm always in pain because of all the accusation I got at dinagdagan mo pa. Try to be in my shoes so that you'll know how it FELT GOOD to be me." Napabuga nang marahas na hangin si Zoien.
"Next time don't try to prank me like this again dahil ngayon pa lamang sinasasabi ko na sa' yo na hindi ka magtatagumpay na pabagsakin ako. Thanks for this day. I really appreciate it. Good bye." Walang emosyong siyang umalis at hindi na muli pang lumingon.
Napahawak sa kaliwang dibdib si Felt. Halo-halong emosyon ang kaniyang nararamdaman. Sa unang pagkakataon, nakita nya ang madilim na ekspresyon ni Zoien. Sa unang pagkakataon, naramdaman niya ang kakaibang sakit na hatid nang bawat salitang binitiwan nito. Do'n niya napagtanto na wala siyang alam tungkol sa pagkatao ni Zoein maliban sa pagiging anak nito sa labas at ang kaalamang ito ang rason nang pagkawasak ng pamilya ni Courtney.
Sino nga ba talaga si Zoienielle Ashwell Mondragon?
...
Nakalimang buntong hininga si Zoien. She stayed somewhere to pass some time and to calm her nerves. Naalala niya ang ginawa niyang pagsagot kay Felt. Muli napabuntong hininga ang dalaga. Hindi niya napigilan ang sarili.
Masakit kasi talaga ang ginawa ni Feltesia sa kaniya. Kung nagkataon na hindi siya nakapasok sa E.U. paghihintayin siya nito. Minsan ang isang kalokohan tulad ng prank ay nakakasakit din pero mas masakit ang ipamukha sa' yo kung ano ka lang sa pamilya.
'What is wrong with these people? Bakit ang bilis nilang manghusga? Bakit parang napakalaki ng kasalanan ko sa kanila? Ano bang nagawa kong mali? Bakit ang sakit nila kong magsalita? Hindi ba nila alam na nakakasakit din kahit salita lang?'
Pansamantalng nagtungo sa may park si Zoien. Nagpapakalma ng sarili. Umupo siya sa bench saka pinanood ang mga taong naroon. Kalimitan sa kanila ay buo ang pamilya. Napangiti nang mapait si Zoien sa nakita. Nami-miss na niya si Homer. Hindi man lamang ito tumatawag sa kaniya para siya'y kamustahin man lamang. Ni 'hi o hello' ay wala.
"Penny for your thoughts." Isang malamyos na boses ang nagpabalik sa kaniya sa huwesyo.
Gano'n na lamang ang pagkagulat niya matapos makita ang isang napakapamilyar na bulto ng lalake. Hindi niya napansin na nakaupo na pala ito sa kaniyang tabi.
"Ayos ka lang ba?" usisa nito. Umayos ng upo ang dalaga.
"Ayos lang po," magalang niyang sagot.
"Masaya ako sa sagot mo. Ang kaso hindi ko nakikita na masaya ka. Here!" Inilahad nito ang isang ice cream na nakabalot . . . cornetto iyon.
"Huwag kang mag-alala wala 'yang gayuma o lason. Safe iyan," pahayag nito saka naglabas ng isa pang cornetto na may flavor na pandan.
Binalatan ni Zoien ang dulo ng cornetto at natuwa dahil paborito niyang strawberry ang flavor nito.
"Anong ginagawa mo rito mag-isa?"
"Nagliliwaliw," maikling saad ni Zoein.
"Mag-isa?"
Nagpakawala ng buntong hininga ang dalaga.
"Bago lang ako rito, wala pa akong kaibigan." Kumain siya muli sa strawberry ice cream.
"Really? Sa ganda mong iyan. Mukha ka ring mabait. Kaya nagtataka talaga ako na makita kang mag-isa lamang rito." Madaling naubos nito ang kinakain na pandan cornetto at pinagmasdan na lamang ang mga naglalarong bata sa parke kasama ang mga magulang.
"Ikaw anong ginagawa mo rito?" Baling na tanong ni Zoien sa lalake.
Ngumiti ito sa kaniya. "May dinaanan lang. Tapos pupuntahan ko pa misis ko sa flower shop niya. Ayos ka na ba mag-isa?'
"Kaya ko."
"Sure? Sabi mo bago ka lang rito sa lugar baka maligaw ka?"
Umiling si Zoien. "Kaya ko ang sarili ko."
"Mabuti kung gano'n." Nagulat si Zoien sa ginawa nitong paghawak sa kaniyang buhok. "Palagi kang mag-iingat." Iyon ang sinabi ng lalake bago tumayo at kumaway sa kaniya palayo.
Nakatulalang tiningnan niya ang likuran nito at hinawakan ang kaniyang buhok. Lumamlam ang kaniyang mga mata.
'Why? Why am I feeling this sadness?' takang tanong ni Zoien.
"What have you done to me, Miguel Eastwood?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top