[48] THE THREE MUSKETEER!

Inayos ni Altear ang pagkakasuot ng neck tie sa kaniyang leeg. Hindi kaaya-aya ang pakiramdam ng suot na neck tie. Pakiramdam niya may tumitiik sa kaniyang leeg. He frowned. Naiirita siya sa kaniyang kasuotan.

“Can I burn this uniform? I feel uncomfortable with it,” tanong niya sa dalawang kasamahan na nasa loob ng kotse.

Napaikot ng mata si Samara matapos marinig ang reklamo ng binata. Ito ang palaging mainitin ang ulo sa kanilang magkakaibigan.

“Nope, Altear don't even think about ruining your uniform for god sake, isusuot mo lang iyan ng halos walong oras. Matuto kang magtiis.” Depensa ng dalaga habang ang tingin ay nasa labas ng sasakyan.

One year din silang nawala sa Pilipinas dahil sila ay nakasama sa exchange student policy sa bansang France. Isang taon lamang iyon kaya't heto sila balik sa dating gawi. Papasok muli sila sa Empire University.

“Eight hours a day Sam! Kung bibilangin ang lahat—”

Tinakpan ni Samara ang bibig ng binata bago pa mag-recite ito ng kung ano-anong Computational Formula. She had enough. Wala pa siyang maayos na tulog buhat ng dumating sila mula sa bansang France. At alam ng lahat na masamang ginagalit ang taong kulang sa tulog. Kaunti na lamang ang natitirang pasensya sa sistema baka masipa niya palabas ng bintana si Altear.

“Stop being a math geek Al! Just bear with it! Utang na loob!” Sabay marahan na tulak kay Altear, napasandal ito sa upuan mas Lalong bumusangot ang mukha.

Mahinang napatawa si Deux. Nasisiyahan sa kaganapan sa loob ng sasakyan.

“Chill Bro, palalayasin ka ng ating Dean kapag nilabag mo ang School Rules and Regulations. We don't want to get kick out on our first day, right?” Minainubra niya ang sasakyan paliko sa parking space ng campus. “We're here. Behave lang kayong dalawa.” Dagdag pa niyang paalala sa dalawang kasamahan.

Tumango sila bilang pag-unawa sa sinabi ni Deux—ngumiti ang binata.

“Mabuti na ang nagkakaintindihan. Let's go. Punta muna tayo sa Dean's Office dahil may mahalaga tayong dapat ipaalam sa ating mahal na Dean.”

Naunang lumabas si Deux, sumunod si Samara—inayos ng dalaga ang mahaba niyang buhok na kulay ash blonde, pang-huling lumabas ang nakasimangot na si Altear—pilit na inaayos ang neck tie sa leeg.

Napabuga ng hangin si Samara—may halong inis.  “Let me.”

Inalis ng dalaga ang kamay ni Altear sa neck tie at siya na mismo ang nag-ayos nito sa leeg ng binata. Niluwagan ni Samara ang pagkakatali ng neck tie.

“There, piece of cake.”  Pinagpagan pa ng dalaga ang nagusot na parte ng uniform ni Altear sa may bandang balikat pagkatapos ay lumapit siya sa tabi ng nakangiting si Deux.

“Merci” pasasalamat ni Altear dahil nakaramdam na siya ng kaginhawaan.

“De rien," mahinang tugon ni Samara subalit ang tingin ay nasa malawak na gusali sa kanilang harapan. She missed this place. One year. Mahabang panahon silang nawalay sa inang paaralan.

“Let's move on,” aya ni Deux.

Nauna siyang umalis habang nakasunod sa kaniyang likuran sina Samara at Altear. Magkakaparehong asul ang kanilang suot na uniporme—mula sa rank ng mga Upper Class. Sa kanilang pagpasok sa mahabang hallway ng E.U. naramdaman nila ang maraming tingin ng bawat estudyante—isama na ang pagsinghapan ng ilan. Halata ang gulat na makita ang tatlong magkakaibigan nagbabalik sa E.U. Samara's side lip lifted. She's amused. Maaring matagal na panahon silang nawala subalit tila walang pinagbago ang iniwang paaralan.

“We left for a year and still the surroundings feels the same.” Pagsasatinig ni Deux sa nais na sabihin ni Samara.

“It's a good thing right? At least hindi na sila mahihirapan na i-welcome tayo.”

Sinamaan ng tingin ni Altear ang ilang Emperian. Namutla ang mga ito at nagsumiskik sa pader—hayag ang takot na lalong ikinasiya ng binata. They still are feared by everyone.

“They still fear us aye? Mukhang mag-e-enjoy ako sa muli nating pagbabalik.”

Nagpakawala ng buntong hininga si Deux, hindi mapigilan na mag-alala sa maaring gawin ng kaibigan. Maikukumpara si Altear sa isang leon na kelangan paamuin. Madalas nais nito ang manggulo na maging siya di niya alam kung kaya niya itong mapigilan.

“Stop thinking of making a disturbance Altear we are not here to create chaos. We are here to do the exact opposite,” saway ni Samara.

“But I want something exchange for my well behavior.” Ngumisi si Altear.

Napailing si Deux samantalang hindi mapigilan na mapairap ni Samara.

“Quoi?" Tanong ng dalaga.

“Hmn? Let me see.” Nadaanan nila ang engrandeng cafeteria then he already thought of something. “Fruits de mer.” Dagdag niya na ikinatango ng dalawa.

Muling nagtanong ang dalaga. “Quand?”

“Later—break time. I'm kinda hungry," tugon ni Altear.

“Anything else?” dagdag ni Deux.

Altear shrugged his shoulder. “Non.”

Sa wakas nakahinga nang maluwag ang dalawa dahil magtitino kahit sandali lamang si Altear.

“Je ne comprends pas Altear," bulong ni Samara na narinig ni Deux.

“Well as long as he behave. That's all it matters.” Ngiting pahayag ng binata.

“Peut-ètre," saad ni Samara sabay sandaling binalingan ng pansin ang katabing si Altear, pasipol-sipol pa ito habang ang dalawang braso ay nasa likuran ng ulo.

She just sighed.  “S'il vous plaít Altear… I will give you beaucoup fruits de mer just behave.”

Ngumisi si Altear. “Qui!"

Napaisip sandali si Deux. “By the way tutal nandito na tayo sa pilipinas we should start speaking tagalog or english. Iwasan na ang pranses.”

“Yeah. Right.” Inayos ni Samara ang pagkakaipit ng ilang hibla ng buhok sa punong tenga. “We should do that.”

“Sige. Mas maganda nga ang ideyang iyon Deux," segunda ni Altear

Tinahak nila ang daan patungo sa Dean's office. They are walking in the hallway as if they own it. Nagsitabihan naman ang ilang Emperian upang bigyan sila ng daan. Pare-pareho ang nararamdaman.  They all feel intimidated. The Trio release such strong presence na lahat ng makakasalubong, kulang na lamang ay magsipagluhuran silang lahat sa harapan ng tatlo.

“We are here.” Agaw atensyon ni Deux dahil nakarating na sila sa tapat ng opisina ng Dean. He opened the door.

“Lady's first," aya niya kay Samara.

Ngumiti ang dalaga saka nagpasalamat. “Thanks.”

Hahakbang pa lamang papasok si Samara loob when someone got her attention. Tumigil siya sandali upang bigyan sila ng pansin. Isang grupo ang naroon. Kapansin-pansin na parang nagmamadali ang mga ito—tila may nais puntahan na mahalagang lugar subalit huminto 'di kalayuan sa kanilang pwesto. Ang grupo ay walang iba kundi ang Empire Royalties.

Napangiti ng mapait ang dalaga. Tuon ang tingin sa isa sa mga ito. Nagtama pa ang kanilang mga mata. Those chocolate eyes stares directly at her golden brown eyes. Samara saw how the person's eye widened in disbelief—never intended to end their staring contest. Ang mga mata ng pagkagulat ay napaltan ng kalungkutan at pangungulila.

Samara feels the same way. A sudden moment that made her heart swell with sadness and agony. She missed that person—so much but she knew in her heart they can't go back to the way they were in the past. Never.

Mabilis na humarang si Altear sa harapan ni Samara. Blocking her view from that ‘person’. Seryoso ang mukha ng binatang nakatingin sa dalaga.

“Remember what we are ‘now’ and forget who you ‘were’. We don't have family, friends—love ones. No one. Tayo-tayo ang magkakapamilya. Clear your mind—Samara Delinsky. You are not who you were before. Burn that fact inside your head.” Diin nito na ikinabalik sa huwesyo ni Samara.

Tama, she's not who she is. Iba na ang kaniyang pagkatao. Nangako siya simula ng nangyari ang trahedyang iyon. Hinding-hindi na babalik pa ang dati. Iyon ang sakripisyong kaniyang ginawa upang maisakatuparan ang nais.

She smiled, isang ngiti ng pasasalamat.

“I really don't understand how your brain works Al but thanks anyway. I appreciated your action," wika ni Samara. Inalis na niya ang pansin sa bagong dating upang hindi na muli pang tapunan ng tingin ang espesyal na ‘taong’ iyon na nanging mahalagang parte sa buhay niya ‘noon'.

Deux patted Altear's right shoulder. Complementing him. “Go in,”

Tumango ang binata subalit bago pumasok binigyan niya ng huling tingin ang grupo. His eyes twitched with annoyance and disbelief bago pumasok sa loob.

Deux turned his gaze towards the Empire Royalties then showed his magnificient smile. He became more pleasant in the eyes. Umayos siya ng tayo and slightly bowed his head while his right hand is place above his left chest. A curtesy of greeting in France.

“Bonjour Monsieur and Mademoiselle.” He looked up. Hindi naalis ang maaliwalas na ngiti sa kaniyang labi.

“I hope you will have nice day.” He stood properly. He gave them one last look bago tuluyang pumasok sa loob ng opisina.

Nakasunod ang tingin ng grupo sa likuran ng binata hanggang sa natakpan ito ng pagsarado ng asul na pinto.

"They came back." Panimula ni Margarette.

"Deux is still handsome, right? Mas nadagdagan ng kaunti since the last time we saw him." Puna ni Rossette, making an attempt to ease the tension.

"Still the same huh?" Malungkot man mas pinatatag ni Sahara ang sariling kalooban.

"Sorry guys, I wasted your time and effort. Let's go back now." Aniya ni Sahara—her voice sound foreign. Tumalikod na ang dalaga—nauna na itong naglakad palayo. Tinahak ang daan pabalik sa dome.

Pinagmasdan ng grupo ang likuran ng kaibigan. Hindi lingid sa kanila ang pilit na tinagong sakit at lungkot nito. Ramdam nila iyon mula kay Sahara.

"Sahara wait!" Pigil ni Courtney subalit hinawakan siya ni Arthur. She looked at him. Marahan umiling ang binata. "But she even came here to see her. She just can't give up now. Kailangan nilang mag-usap! I'm sure magiging maayos din ang lahat! They just need to listen to each other—" Arthur cutted her words.

"We can't force her to do something that would hurt her Courtney." Aniya ng binata na ikinatigil ng dalaga. "Alam ko na gusto mong tulungan si Sahara pero may mga pagkakataon na kelangan na tulungan niya muna ang kaniyang sarili."

They know Arthur is right. Kaibigan man sila—may limitasyon din ang lahat.

Akihiro pinched the bridge of his nose. “Even if she tried to hide it, her feelings still betrayed her. Kahit matapang na tao ay may kahinaan. Nagkataon lang na mas sensitibo ang kay Sahara."

“Hindi natin siya masisi. Kahit ako man ang nasa kalagayan ni Sahara, tulad niya ganun rin ang mararamdaman ko.” Napahawak sa kaliwang dibdib si Alisa. She felt her heart in pain. Tunay na nararamdaman ang sakit na dinaranas ng kaibigan.

“Family is a sensitive topic.” Napakamot sa may bendang ulo si Arthur. “Just don't push her guys. We must not make everything more complicated than it is already.”

“Of course we won't. Don't worry Art, alam nating lahat kung saan dapat lumugar. Hindi ko gets kung bakit nauwi sa ganito ang lahat.” Feltesia let out a deep sighed. Maging siya naapektuhan.“Anong klaseng kapatid ang magtutulak palayo sa sarili niyang kadugo? I know Flare and I fight sometimes but we don't hate each other like this.”

Hinawakan ni Jacob ang balikat ni Felt upang pakalmahin ito. “We need to follow Sahara baka magtaka siya kung sakali mang hindi niya tayo nakitang nakasunod sa kaniya.”—Jacob

“I will stay by her side. I don't like Ate Sahara's being sad.” Teron

Ginulo ni Riyo ang buhok—naiinis. He hissed.

“Naguguluhan ako sa mga nangyayari pero isa lang ang nasa isipan ko.” Nagpamulsa ang binata. Tiningnan ang nakasarang pinto. “Maaring magkaiba man sila ng kinalalagyang pamilya. Hindi maalis ang katotohanan na magkadugo pa rin sila. Whatever happens family is still a family. Kahit saang anggulo man tingnan!” Saad niya.

Napangiti si Marco—nasiyahan dahil sa mga kaibigan.

“I agree! A family has a special bond that can't be broken easily. I deeply believe they will reconcile someday but for now let's follow our President. She needs us more than anyone else. let's all stay by her side. Now, that they are here hindi maiiwasan na maging kumplikado ang lahat. Tara na.” Dagdag niya na ikinasang-ayunan ng lahat.

Nagsimula na silang umalis upang sundan si Sahara. So that they can comfort their friend.

...

Nakangiti si Samantha. Natutuwa siya dahil nakabalik na sa wakas ang tatlo pa niyang estudyante, galing sa France.

“It's a good thing that the three of you came back.” Bati niya sa tatlong kabataan kasalukuyang nakaupo sa mahabang sofa.

"We are happy to be back, Mrs. Robles. Philippines is where we belong, this place is our home."—Deux

"I think so too Mrs. Dean, walang papalit sa Pilipinas, though I will miss French Pâtisserie—no one can beat their muffin." Kumuha ng piece of cookie si Altear mula sa nakahain sa ibabaw ng glass table at isinubo iyon. "Delicious!"

"We would like to apologise if we took so long. There are certain reasons why we didn't came back according on our schedule date." Paliwanag ni Samara. Her ash blonde hair glimmer because of the sunlight coming in from the opened window. "The council have another request." Kinuha ng dalaga mula sa loob ng kaniyang shoulder bag ang isang maliit na sobreng kulay itim. May insignia iyon na mula sa konseho.

Inilapat ni Samara ang sobre sa ibabaw ng mesa sa tapat ni Samantha.

"I wonder what it is this time." Seryoso niyang saad bago kinuha ang sobre. Binuksan niya iyon at kinuha ang isang sulat sa loob upang basahin.

Deux and Samara took their cup of tea—they drink some but their eyes never leaves Samatha. They want to see her reactions based on what on the letter. Sa kabilang banda naman, walang pakealam si Altear kundi ang pagkain ng desserts.

Napabuga ng hangin si Samantha sa nabasa bago napahilot sa kanan sentido. "They just want you three to change class and course. Iyon lamang ang nakalagay sa sulat. Hindi man lamang sinabi ang rason."

"It's confidential." Ngiting pahayag ni Deux.

"Another mission?" Usisa ni Samantha nagbabakasali na may malaman siya subalit bigo siyang malaman ang nais.

"We can't say anything about it Mrs. Robles—it's restricted." Pinatong ni Samara ang tasa sa ibabaw ng mesa. "Subalit, makakaasa kayong walang masamang hatid ang hiling na ito. So, ano po ang sagot niyo?"

"What else? The three of you will be officially transferred to Class 1A of Law Department."

Sabay-sabay na ngumisi ang tatlong kabataan. 'Mas madaling magawa ng maayos ang misyon kung malapit sila sa kanilang target.'

....

Nagtatakang nakamasid si Zoien sa inasta ng mga kaklase. Ang maingay na silid noon ngayon ay sobrang tahimik simula ng malaman nila na inilipat daw sa kanilang klase ang binansagan na "Three Musketeer".

Nagpanglumababa ang dalaga, pinatok ang hintuturo sa ibabaw ng mesa habang hinihintay ang pagdatin ni Mr. Vladimir ang kanilang Adviser.

"Are you really sure they'll be in our class?"

"Of course! Narinig ko mismo kay Mr. Vladimir! Dito sila lilipat sa klase natin."

"But why?"

"Right?! They should be in second year law department not in here!"

"Maaring hindi nainclude ang mga na-take nilang classes sa France kaya balik first year sila."

"Gosh, nakakatakot pa man din ang tatlong iyon. Gusto ko na tuloy magpalipat."

"Huwag kayong OA, at least madaragdagan ng mga gwapo at maganda sng klase natin. So ayos lang sa akin."

"Sumasang-ayon ako! Isa pa, hindi sila nananakit ng mga inosente yung mga pasaway lang at sakit sa ulo ng university."

"That's their duty anyway. Being the Sergent of the Empire. They bond to protect every students welfare."

Nagpatuloy ang mga bulungan hanggang sa bumukas ang pinto at pumasok ang kanilang adviser. Tumigil ito sa unahan ng klase.

He always show a boredome expression.

"Hindi na ako magpapaligoy pa. Simula sa araw na ito ay meron kayong bagong kamag-aral. Utos mula ng ating Dean na dito sila sa klase ko papasok." He looked around the room. Looking for any violent reactions but there is none. "Good that you understand, come in Transferee."

Sabay-sabay dumako ang pansin ng lahat sa nakabukas na pinto—anticipating their new classmates. Naunang pumasok si Samara, her eyes void from emotion. Ramdam niya ang hagod tingin ng mga kalalakihan at inggit mula sa mga kababaihan subalit ipinagsawalang bahala niya iyon dahil wala siyang pakealam sa kanila.

She roamed her gaze around the large room hanggang sa wakas, nakita na niya ang taong hinahanap. Nasa pinakadulo ito nakaupo malapit sa bintana. Ang nag-iisang kakaiba ang kasuotan. A black uniform—even her get up make Samara's smirked wider because of amusement.

"Found her." She mumbles to her back.

Narinig nina Deux at Altear ang sinabi ng dalaga. Sinundan nila ng tingin ang tinutukoy nito. And there she is—a nerdy girl. Nakamasid ito sa labas ng bintana habang nakapangalumbaba tila mas kaaya-ayang pagmasdan ang labas kesa sa mga bagong dating.

"Cool, can I talk to her?" Usisa ni Altear.

"We will."—Deux

Tumigil na ang tatlo sa unahan.

Hindi inalis ang tingin sa isang dereksyon.

Napakunot ng noo ang grupo ni Stella—hindi mapigilan na tingnan kung alin ang pinagmamasdan ng tatlo. Ganun na lamang ang pagtataka dahil nakatingin lang naman ang tatlo sa dereksyon ni Zoien—na walang kamalay-malay sa mga tingin ipinupukol sa kaniya.

"Why are they looking at Zoien?" Bulong ni Mellow kay Stella.

"Do I look like I know the answer?" Pagtataray ni Stella.

"Geez, nagtatanong lang bess. Huwag kang highblood please."

"Maybe because she's the only different among us."—Hawthorne

"I can't think of anything else... so I agree with Hawthorne."Inayos ni Huston ang salamin sa mata.

"Imposible naman na kilala nila si Zoien, diba? Saka, tunay na agaw pansin si Zoien. Uniporme pa lamang idagdag pa ang kakaibang ganda." Dagdag pa ni Chris na ikinaikot ng mata ni Stella.

"Kung anuman ang rason tanging sila lamang ang nakakaalam." Sabi ng dalaga tuon ang atensyon sa tatlo who are also known as the three musketeer.

Ang kinakatakutan na Sergeant of peace sa E.U.

"Introduce yourself properly." Naghihikab na pahayag ni Vladimir.

"Good day, My name is Samara Delinsky it's nice to be here."

"Duex Mclemman at your service." He showed his radiant smile that could make girl's knees tremble.

"Altear Von Glaze is the name. I punch anoyying people so please if you love your pretty face..." He smirk menacingly. "...don't annoy me."

Napalunok ang iba dahil sa sinabi ni Altear.

"Oopps. Sorry about him. He is kidding." —Deux.

"No I'm—" Tinakpan ni Samara ang bibig ni Altear.

"Yes. He is just joking. Right, Altear?" Hinawakan ng dalaga ang likurang ulo ng binata at ginalaw iyon para magmukhang tumatango si Altear.

"Okay that's enough for introduction go to your seat next to—" Hindi naituloy ni Mr. Vladimir ang dapat sabihin dahil kusang naglakad ang tatlo patungo sa likurang bahagi kung saang may bakanteng upuan.

Nakuha ng tatlo ang atensyon ng lahat. Lalo na dahil huminto sila sa tabi ng silya ni Zoien. Umupo si Samara sa kaliwang bahagi ni Zoien samantalang ang dalawang lalake ay sa unahan ni Zoien at Samara naupo. Masamang tingin ang pinukol ni Altear sa mga taong nakamasid sa kanila. He hissed.

"Avert your eyes. Hindi rito ang unahan." Sita niya na mabilis ikinaputla ng mga ito sabay balik ng tingin kay Vladimir.

"Well, at least nakahanap na sila ng permanenteng upuan." He sighed. "So let's proceed with our lessons for today. Bring out your books."

"De guzman." Tawag ni Vladimir sa isa niyang estudyante na lalake.

"Y-Yes Sir!"

"Pahiramin mo muna sina Mr. Mclennan at Mr. Von Glaze ng aklat mo." Agad na sinunod ng lalake ang sinabi nito.

"At Ms. Madrigal," Sa wakas napunta na sa klase ang atensyon ng dalaga.

Ngumisi si Vladimir. "I know you perform spontaneously in my subject but still please pay some attention." Pangaral niya sa dalaga.

"Yes sir, sorry I got distracted." Depensa ni Zoien.

"Nevermind share your history book with Ms. Delinsky if you don't mind that is."

Tinahaw ni Zoien ang aklat bago tumingin sa bago niyang seat mate—who is strangely staring back at her.

"So, what's your name?" Usisa ng dalaga kay Zoien.

Simpleng ngiti ang sagot ni Zoien bago ipinatong ang aklat sa mesa ni Samara.

"You can have the book." Sagot nito.

"But our adviser told us that we should share?"

"Stop talking class... opened your book in page 59..." Agaw pansin ng kanilang adviser.

Binuksan lang ni Zoein ang kaniyang notebook saka hinawakan ang ballpen upang magsulat.

"Mas kailangan mo ang aklat tutal nabasa ko na ang lahat ng laman niyan.I already knew everythings written even without looking at it."

Tumaas ang kilay ni Samara.

"Perhaps you have photographic memory, I understand thanks for the book but can I atleast know your name?" Usisang muli ni Samara just to prolong their conversation.

Sa pagkakataon ito—seryosong tumingin si Zoien kay Samara. "My name? Why do I need to introduce myself when you already knew who I was, am I right Cinq?"

This time Samara's smirk falter. Cinq? Her code name which means Five.

"It starting huh?" Pagpapatuloy pa nito na maging sina Deux at Altear ay hindi napigilang mapalingon kay Zoien.

Sa paraan ng pananalita ng dalaga—tila alam niya kung bakit sila naparito.

"Make sure to do your job properly because I won't be killed that easily." She smiled sweetly but they know her smile screams danger.

'Just who the hell is this girl? What else does she know!'

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top