[46] THE PROGRAM CALLED OVERWATCH
"Yes head Council. Nagawan na po namin ng paraan ang lahat. Wala na kayong dapat alalahanin pa." Namumungay ang mga mata ni Ivan habang nakaupo sa malawak na sofa sa loob ng isang VIP Suite sa Tachibana five star hotel.
Madaling araw pa lamang ngunit nabulabog ang kaniyang tulog dahil sa tawag mula sa konseho. Kahit tinatamad ay walang nagawa kundi ang tanggapin ang tawag dahil tiyak ay lagot siya sa head council sakali mang paghintayin niya ito dahil hindi lamang pagluhod sa monggo ang magiging parusa baka maaring paglanguyin siya nito sa dagat na pinamumugaran ng mga pating. He doesn't want that. He loves his life.
"Make sure not a single information about the reality of the WEB will be expose." Mahigpit na bilin ng Don mula sa kabilang linya. "Ang tungkol sa manticore at maging sa dark experiment. "
Mahigpit ang Sanctum pagdating sa mga confidential information. Hangga't maari ay kailangan walang makaalam ni isa man sa maseselang detalye lalo na ang tungkol sa karahasan ng WEB. They can't let anyone live with fear. Iyon ang tungkulin ng konseho ang panatilihin ang kapayapaan at kaligtasan ng sangkatauhan.
"Kung gano'n ay dapat masinsinan na kausapin ang mga taong sangkot."
"Tulad ng dati. Kailangan nilang manahimik sa ngalan ng Sanctum. Make them signed the contract."
"The freedom of speech cancellation?"
Ito ang kontrata na ginagamit ng Sanctum sa mga taong nakasaksi sa hindi pangkaraniwan na pangyayari. Isang kontrata kung saan sinasaad na kailangan panatilihin na sekreto ang piling impormasyon dahil para naman iyon sa masa. Ang mga lalabag ay may kaukulan na parusa.
"Yes. Mga piling impormasyon lamang ang mahigpit na pinagbabawal na kanilang ipamahagi sa iba. May kaparusahan ang mga lalabag."
"Noted, sir." Muli siyang napahikab. He relly want to sleep. "Anything else, Uncle?"
"How's the children doing?"
Nalaman ng Don mula kay Morgan ang mga kaganapan sa Isla Luminious. Maging ang pagkadamay ng Royalties. Kahit saan man, kahit sa tahimik at mapayapang lugar ay may nagtatago pa ring krimen. Hindi kailanmam pumipili ng lugar o panahon ang masasamang nilalang.
"Ow. Well..." Kinamot ni Ivan ang kanang sentido. "Maayos na po ang kanilang kalagayan. Nasa pangangalaga sila ngayon ni Rin kaya po wala kayong dapat ipag-alala pa. And of course, nahuli na rin po ang sangkot na gangster guild. Ang Skull gang sa pangunguna ni Xin Lemur. They will be transport to LIA's prison." Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Sevastian.
"Ang kinakatakutan ko ay nangyari na. Ayaw ko man na masangkot sila sa usaping ito subalit tila pilit inilalapit sila ng tadhana. Pangalawang beses na. Hindi ito basta nagkataon lamang Ivan. Kailangan mahanap ang puno't dulo ng WEB dahil habang tumatagal, nakakatiyak akong mas maraming mamamayan ang madadamay at maraming dugo ang dadanak. I'll sent some special task force to subdue all the dark laboratory around the world. Human experiment is a great crime."
"I hope we can stop them."
Matagal na nilang kalaban ang WEB, kailan sila mawawasak? Kailan sila matatapos? Kailan sila titigil sa paggawa ng karahasan?
"We will. By the way, how about her?"
"Si Zoien po ba ang tinutukoy n'yo?" May pag-aalinlangan sa tinig ni Ivan.
"She's being reckless again. Am I right? She created two explosion in one night. It's a good thing the DENR will take good care of the damages but we will have to compensate. Hindi lamang basta maliit na kasiraan iyon." Nagpakawala ng buntong hininga ang Don. "Manang-mana kay Homer."
Nagpangiwi si Ivan. Halos kalahati ng Mystic Forest ay nasira. Mabuti na lamang dahil gagawan ng paraan ang nasirang kagubatan upang ibalik itong muli sa dati.
"Lahat naman ng ginawa niya ay may dahilan. The manticore she killed is level A type with full regeneration power. The only way to kill them is to blow them to a pulp dahil sa ngayon hindi pa tapos ang "Negative Zero Bullets". Kahit siguro ako ay gano'n rin ang gagawin ko."
"Alam ko. I already talked with Morgan about her. The Councils finally made their decision. I already fear what comes next. Sasailalim sa Overwatch Program si Zoien." Napatayo si Ivan dahil sa matinding gulat. No way!
Ang Overwatch Program-a secret mission for special team. Susubaybayan nila ang subject na binansagan na malaking banta ng Konseho. Once they found the subject existence is a danger to humanity. They won't hesitate to assasinate him or her. Tulad noon, at si Homer ang Captain ng Special Team na nagsagawa ng Overwatch Program at ang subject ay walang iba kundi si Tatania Drios-ang anak ni Xorak Drios.
Napakuyom ng kamao si Ivan. Sumisidhi ang kaniyang damdamin. Una ay dahil sa galit. "WHAT?! Uncle, do you have to do this?"
"I don't have a choice, Ivan. Alam mo ang isa sa mga patakaran. A threat to humanity is the Council's enemy." Tunay iyon subalit si Zoien ang kanilang tinutukoy. His eyes twitched from annoyance.
"So, you label your own grand-daughter a 'threat to humanity'! She's fighting with us against the WEB! Is that a threat. This is insane! I oppose to it!"
"You are not the only one who knows what she is." Putol ng Don na ikinatigil ni Ivan.
"I hate it too, Ivan. Believe me. Pero, hindi ko inaalis ang mga posibilidad. Her power is getting stronger. The more she unleash it. The more it will devour her. I don't want the past to happen again. I don't want to lose another love ones so I propose the Overwatch Program for the second time. The team Xtherion will observe her everyday life. Sa kanila nakasalalay ang buhay ni Zoien."
"Hindi po makatarungan. Bakit sa grupo ng kabataan n'yo iaasa ang lahat?"
"Hindi ako maaring makialam. Ako ang head council. Malaki ang responsibilidad na nakaatang sa aking balikat. Once na may nakita silang kahit kaunting pagkakamali, kahit pairalin ko ang emosyon ko dahil apo ko ang pinag uusapan. Gagawa sila ng paraan upang patalsikin ako sa pwestong ito. Hindi maaring maalis ako hangga't hindi pa nawawasak ang WEB. We can't trust our future to anyone else."
"I don't know what to say. Kapag nalaman to ni Homer-"
"Don't tell him. He's already suffering from my mistake. Ayaw kong dagdgan iyon. That's it. I'll be waiting for your report. Submit it on time." Then he hang up.
"God!" Humiga sa sofa si Ivan. Iniwasan na masaktan ang may bendang sugat. He stared at the ceiling. "Sumasakit ang ulo ko."
Sandali siyang pumikit. "Overwatch? Threat? Damn it!"
Nag-aalala si Ivan. Bakit? Bakit parang nauulit muli ang kaganapan noon na pilit nilang kinakalimutan? An Assasination Mission-at si Zoien ang target.
"How long do you plan to dozzed off?"
Mabilis na naupo si Ivan. He looked at his door only to see Morgan-leaning against it. May benda pa ang ulunan nito.
"What the heck dude! Uso ang kumatok!"
Nagkibit balikat si Morgan. "I don't do knocking doors."
"So, you picklocking my door? Iyan ba ang ginagawa mo sa kwarto ng asawa mo?"
Binalingan siya ni Morgan. "So? Gusto mong gayahin?"
"Woah! Pinapasok mo nga ang asawa mo?!"
"What? Don't tell me hindi mo pa nagagawa ang bagay na iyon kay Hannah. Stop acting innocent, Wright."
"Fine. What do you want?" Nakasimangot na tanong ni Ivan.
"Oras na para sa umagahan. Nandun na ang mga bata. Mayamaya lang ay aalis na tayo para bumyahe pabalik sa Capital."
"Sige, susunod ako."
"Okay, don't make us wait." Akmang lalabas na si Morgan nang pigilan siya ni Ivan.
"You knew right." Huminto ito sa pag alis.
"About what exactly?" Seryosong saad nito. Lalong nainis si Ivan sa sagot nito.
"Don't play dumb with me, Alvarez." Tumayo si Ivan at marahas na iniharap si Morgan. Kinuwelyuhan niya ito bago isinandal sa pader.
"You looked stupid. Getting angry like this won't make any difference." Pinagmasdan ni Morgan ang nagngangalit na mga mata ni Ivan.
"You knew all along. Of course. Ikaw nga pala ang dakilang mensahero ng konseho. So ano 'yon? The overwatch is happening again. Tapos ano? Iuutos muli ng konseho na patayin ang subject? Iyon ba 'yon?!" May diin na inalis ni Morgan ang pagkakahawak ni Ivan sa kaniyang kuwelyo.
"If she's a threat then my team will not hesitate to annihilate her." Walang mababasang emosyon sa mukha ni Morgan. "A threat is a threat Ivan. Always remember that." Sa pagkakataong ito ay naglakad na palabas si Morgan.
"Wala ba siyang halaga sa inyo! She's also human! She doesn't deserve any of this to happen! Hindi niya pinili ang lahat ng ito!" Habol ni Ivan subalit wala siyang nakuhang sagot mula kay Morgan ngunit nagtuloy-tuloy lamang ito sa pag-alis.
"This is f.cking hell!" Ivan punched the wall. 'It's happening all over again.'
...
Nakapikit ang mga mata ni Zoien habang dinarama ang init ng tubig na mula sa shower. Dumadaloy iyon sa buo niyang katawan. She feel comfortable.Muling niyang inalala ang mga kaganapan.
Bakit niya nagawang pakawalan ang magkakapatid na shadow? Dahil ba sa naawa siya sa mga ito? Dahil ba may pagkakatulad rin sila sa ibang aspeto ng buhay? O dahil nais niyang ipamukha sa kanila na hindi lamang ang WEB ang makakaya silang tanggapin?
Nagpakawala ang dalaga ng buntong hininga bago nagmulat ng mga mata. Hinawi niya ang hamog sa ibabaw ng salamin. She looked at herself in the mirror. Lahat ng pinsalang kaniyang natamo—lahat ng iyon ay mabilis naghilom. A typical scenario.
She can also manage to control the phases of her pysical change subalit nandun pa rin ang masamang side effect niyon sa kaniyang katawan. Hinaplos ni Zoien ang simbolong nakatatak sa kaniyang balat. Sa bandang likuran ng kaniyang balikat. She looked at the symbols through the mirror.
"001" Iyon ang nakatatak. Her serial number. Patunay na isa siyang produkto ng isang ekperimento na hindi niya nais balikan pa.
"The pain is gone but the memories won't leave me behind. How pitiful." She sighed.
Tatlong katok sa pinto ang nakakaagaw sa kaniyang pansin.
"Zoien! Pakibilisan! We are heading to the cafeteria para kumain." It was Friore.
Sandaling pinatay ni Zoien ang shower. "I'll be out any minute now! Susunod na lang ako." Sigaw niya pabalik.
"Fine. Sumunod ka kaagad."
Narinig niya ang yabag nito paalis maging ang pagsara ng pinto ng kanilang kwarto. Napangiti si Zoien. Natutuwa dahil kahit papano may improvement ang pakikitungo sa kaniya ni Friore.
Pinagpatuloy na ng dalaga ang paliligo. Mabilis siyang kumilos sa pag aasikaso ng sarili. She wore a short and black hoodie. Nagsuklay ng buhok saka siya lumabas upang humabol sa breakfast ng grupo sa Cafeteria ng Five Star Hotel na pagmamay-ari ng asawa ni Morgan na si Rin Tachibana. Nagtuloy siya patungo sa cafeteria na nasa floor nila mismo mahahanap. Sa dulong bahagi. Para iyong nasa isang dome. Glass wall ang paligid kaya kitang-kita ang magandang tanawin ng Isla Luminious.
Nasa bungad pa lamang siya ng cafeteria-narinig na ng dalaga ang ingay na likha ng grupo ng kabataan. Walang iba kundi ang grupo ng Royalties at Xtherion.
"Gosh! Stop talking while your eating Moron!" Sita ni Sahara kay Uno.
"Inggitz ka langsh kasshi."
"Mabilaukan ka sana." Wika ni Sahara bago uminom sa kaniyang lemon tea.
"Here, susubuan na lamang kita." Aya ni Courtney.
Ngumiti si Arthur, halata ang pagkabugbog ng sa mukha idagdag pa ang baling kanang braso at benda sa ulo. He looked horrible but he will heal soon enough.
"Thanks Hon. Pasensya na. Hindi ko kase maigalaw ang kanan kamay ko." Nahihiyang pahayag ni Arthur.
"Huwag ka ng mahiya. Aahh."
Sinubo niya ang inaalok ng kasintahan.
"Ayos lang mabogbog basta si Courtney ang mag aalaga." Kantyaw ni Riyo.
"How sweet. Subuan mo rin ako loves, oh!" Nilingon ni Jacob ang katabing si Felt. Subalit itinaas lamang ng dalaga ang kamao.
"Ito gusto mo hakob? Umayos ka dyan. Hindi ka naman baldado."
"Sabi ko nga." Ngiwing pahayag ni Jacob na tinawanan ng magkakaibigan.
Tahimik lamang na kumakain si Devine. Nagtatalo sina Friore at Dark dahil sa isang shrimp fry. Samantalang nagpaunahan sa paglamon sina Light at Teron. Natutuwang nakamasid sina Alisa at Xenon. Kumakain ng mango pie si Margarette habang nasa tabi nito si Akihiro na nagbabasa ng isang aklat na may pamagat na 'Mocking Jay'.
Hindi rin nalingid sa paningin ni Zoien ang dalawang pigura na nasa tabi ni Rossette-sina Savrina at Lester, tahimik na kumakain at paminsan-minsa'y nakikipag usap rin sa grupo. Sa dami nila hindi na nakakapagtaka na punuan na ang mahabang lamesa.
"Zoien! Over here!" Agaw atensyon ng malambing na boses ni Rin sa kaniyang pamangkin.
Nagsipaglingunan sa kaniya ang grupo ng kabataan bago lumipat ang tingin sa kinaroroonan ng bagong dating na si Zoien. Namutawi ang matamis na ngiti sa labi ng dalaga.
"Good morning," bati niya.
Napatayo si Marco pagkakita sa dalaga. "Zo-" Subalit hindi naituloy ang dapat sabihin dahil sa pagsingit ni Theron.
"Ate Zoien!" Mabilis na nilapitan niya si Zoien. Sinalubong niya nang mahigpit na yakap ang dalaga. "Namiss po kita!"
Lumambot ang puso Zoien. Muli binigyan niya ng munting halik ang dalawang pisngi nito. He really reminds her of Angelo.
"Huwag kang mag-alala, namiss rin kita." Namula ang dalawang pisngi ni Teron.
"Oh. Tama na yan." Hinigit ni Riyo ang likuran collar ni Theron.
"Abuso ka palagi, Theron. Kawasa't bata ka." Nakasimangot na pahayag ni Marco. Hinigit ang kanan nitong braso.
"Matte kudasai!"
"Urusai! Kakain na tayo!" Hinigit ng dalawang binata si Theron paupo sa kanilang pwesto.
Napailing na lamang ang ibang kabataan.
"Zoien!" Nilingon ng dalaga ang may ari ng tinig.
"Umph!" She was engulped in a bear hug. Rose scent? Kilala niya ito. Walang iba kundi ang kaniyang Auntie Rin.
"I miss you!" Hirit pa nito at pinanggigilan ang dalawang pisngi ni ng dalaga bago pinugpog ng halik tulad ng nakagawian nito noong bata pa lamang si Zoien.
Napanganga pa ang royalties at ang iba pa'y nabitawan ang hawak na kustsara. Nasamid sina Riyo at Akihiro. Nabulunan naman si Xenon.
"No way! I must be dreaming right now!" Kinusot ni Rossette ang mga mata. "Our cold hearted Auntie Rin sound like a kid!"
"Gaga, hindi ka nananginip babae ka." Saway ni Felt sabay subo ng isang pirasong sausages sa bibig ni Rossette.
"It seems like they know each other," puna ni Alisa. Kumuha siya ng tempura bago iyon isinubo.
"Well, we can't indulge ourselves with someone business. So let's just eat," saad ni Devine.
"Tama. Nagugutom pa ako." Nagsipag sang ayunan ang grupo subalit nandon pa rin ang kursyunidad kung bakit kilala nito sina Morgan, Rin at Ivan.
"Auntie, stop na po. I'm not a child anymore." Nahihiyang samo ni Zoien. Punong-puno ng lipstick ang kaniyang pisngi.
"Nande? Oh shut it. You are still my cute little Zoien. Come here! Sa amin ka na sumabay kumain." Wala siyang nagawa kundi ang magpatianod kay Rin.
Dinala siya nito sa table kung saan nakaupo sina Ivan at Morgan. Pagkaupo ng dalaga, inabutan siya kaagad ni Ivan ng napkin.
"Here, punasan mo ang pisngi mo. Ginawa ka ng clown ng Auntie mo."
"Salamat po Uncle." Tinanggap ni Zoien iyon bago pinunasan ang pisngi.
Hindi maiwasan mapangiti ni Rin habang nakatuon ang mga mata sa dalaga. "Limang taon din kitang hindi nakita. You've grown so much Iha."
Zoien was just 12 years old back then. Isang cute na batang sobrang seryoso sa buhay at kung umasta aba'y parang matanda. Naalala rin niya ang unang beses na ipakilala ni Homer si Zoien sa kanila-bilang lamang ang nakakaalam sa katauhan nito. Hinding-hindi makakalimutan ni Rin ang araw na iyon. Sariwa pa sa kaniyang alaala ang walang buhay nitong mga mata. Hindi makikita ang mga iyon sa isang normal na batang lumaki sa isang ordinaryong pamilya. There is more behind those lifeless eyes. Malalim na kwento-may bahid ng kalungkutan at pait. Hindi siya nagkamali.
Nalaman niya ang lahat ng mapait na nakaraan ni Zoien. Nais nilang punuan ang lahat ng iyon ng magagandang ala-ala. Punuin ng pagmamahal at pagkalinga. Kailangan ni Zoien ng mga taong handa siyang tanggapin at kalingain ng buong buo at tunay na pagmamahal. They gave the love she deserve. Pinunan nila ang lahat ng pagkukulang ng isang pamilya sa kabila ng kaalaman na di yun sasapat.
Hindi pinadama ni Zoien sa kanila ang mga iyon subalit alam nilang kahit na kelan hindi nila mapapalitan ang tunay nitong pamilya. But seeing Zoien's smile brightly, seeing her having friends make Rin's heart filled with warmth, sanhi ng sobrang sayang nararamdaman. Saya na pakiramdam ng isang magulang para sa kaniyang anak. Rin feels like a proud mother. Well hindi lamang siya ang nakakaramdam ng ganyan. They are all proud of her.
"Yup. You were grumpy little tiger back then." Natatawang turan ni Ivan.
"Am I?" Takang tanong ni Zoien habang nakakunot ang noo.
"Yeah, an old woman who's stuck in a child body. You always kick us out whenever we wanted to hang out with you. But look at you now. Malaki ka na nga."
"Geez, sandali lang po bakit sa akin napunta ang usapan?" Nahihiyang aniya ni Zoien. "I don't want to hear about my childhood days."
"Then how about the holes of Ivan's socks." Nasamid si Ivan dahil sa sinabi ni Rin.
"H-How did you?"
"I know a lot of things. You can't hide anything from me." May kahulugan nitong pahayag na ikinangiwi ni Ivan.
"Damn, nakakatakot ang mga kababaihan."
"I feel the same. Their instincts are terrifying." Tumango si Morgan.
Nagsimula silang mag usap tungkol sa butas na medyas ni Ivan. Zoien smile to herself. Nasisiyahan sa nakikita. she is also have defects of her own-but these people showed her the love and care she crave for. Napag aralan niyang mahalin ang mga ito. Tapat siya kung magmahal. Handang magsakripisyo para sa mga taong kaniyang pinahahalagahan.
…
Sa wakas ay nakauwi na sila galing sa luminious island subalit kinabukasan ay babalik silang muli sa Empire University upang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Being a temporary student for a sole reason at iyon ay dahil sa Overwatch Program.
"So we're gonna do it?" Agaw atensyon ni Uno sa mga kasamahan na nasa living area.
"Do we have a choice?" Nagkibit balikat si Friore. Tinahaw ang itim na folder. Ang binigay na impormasyon sa kanila ni X habang nasa Camp House. "The council's order is a must. Wala tayong magagawa kundi ang sumunod. Una at higit sa lahat, iyon naman talaga ang rason kung bakit tayo nasa Empire 'di ba? Para mabantayan siya?"
"Zoienelle Ashwell Mondragon," sambit ni Devine sa pangalan ng kanilang subject. "She's very interesting person. I don't want this mission but tulad ng sinabi ni Friore wala tayong magagawa." Nagtungo ang dalaga sa kanilang kusina upang maghanda ng kanilang hapunan.
Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Dark. "Ang tanong can we kill her? If that time comes na tunay siyang naging isang panganib sa mundo. Can we even beat her? Nasaksihan nating lahat kung paano siya lumaban? Baka nga tayo pa ang mamatay sa huli."
"They won't order us if they don't know how to kill someone like her. I bet mayro'n na silang nagawang paraan upang maging posible ang bagay na iyon." Nagpangalumbaba si Lightious.
Natahimik silang muli. Hindi man gano'n kahaba ang panahon na sila'y magkasama parang ang hirap gawin ng bagay na iyon. They can't kill a friend.
"What's up guys!"
"Anong mayro'n?"
"Gosh, may namatay ba bakit ganyan mga mukha ninyo?"
Naagaw ng mga bagong dating ang atensyon ng grupo.
"Back already!"
"You are here?"
"Geez! This can't be I thought next month pa ang balik ninyo?"
"Pasalubong!"
"Sino ang dumating?" Lumabas mula sa kusina si Devine ngunit sandaling natigilan sapagkat nakita niya ang tatlong pamilyar na pigura. She smiled. "Welcome back."
May halong gulat at saya dahil nakauwi na ang mga ito. Ang tatlo pang myembro ng Xtherion. Sa wakas ay kumpleto na ang kanilang grupo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top