[45] STOPPING EDGE

“Binabati kita dahil ikaw ang pinakaunang taong nagawang makarating dito nang ligtas.”

Inayos ni Yue ang kaniyang tindig bago tinitigan ang babaeng nasa kaniyang harapan o mas nais niyang tawagin bilang ‘blacknight’. Isang mandirigmang may ng kasuotan kukay itim. Handang tapusin ang mga masasama. Hindi maiwasan na tumaas ang isang gilid ng kaniyang labi. Isang interesanteng bisita ang dumalaw sa kanila. Babae pala ang sumira sa kaniyang alaga. Umismid si Yue dahil 'di pa rin nagsasalita ang taong nasa kaniyang harapan.

“Nakakagulat bang malaman na ang isang batang katulad ko ang master mind sa larong ito? Bakit? Anong tingin mo sa lahat ng bata? Inosente? Mabuti? Mahina? Hindi makakayang makagawa ng masama sa kapwa?" Tumawa siya nang pagak. “Isang malaking kalokohan. Hindi lahat ng inosenteng tingnan ay inosente magpakailanman.”

Nabalik sa huwesyo si Phoenix. Paanong ang batang tulad niya ay may matured na pag iisip? Noong nakita ng dalaga ang bata. Isang pigura ng nakaraan ang sumagi sa kaniyang isipan. Si Angelo, ang kaniyang nakababatang kapatid. Inalis ni Phoenix ang isiping iyon. Bata man ito ay kalaban pa rin. Huwag pananaig sa kapurukan ng damdamin.

“Sabagay, may katotohanan ang iyong sinabi. Sa panahon ngayon, mahirap magtiwala. Lahat ng tao, mapa-lalake, babae, matanda, o bata man ay may kakayahan na gumawa ng hindi mabuti kahit sarili mong kaibigan o kadugo. Sila pa mismo ang unang magta-traydor sa 'yo. Kung gano'n, kahit bata kang tingnan ay hindi ako magpapakita ng anumang awa. Ang krimen ay isang krimen. Maaring minor de edad ka pa lamang subalit kahit iyon ay hindi ko mapapalampas dahil maging ikaw ay may kaugnayan sa WEB,” diin ni Phoenix na lalong nagustuhan ni Yue dahil hindi siya nito minaliit.

Ipinilig pakanan ng bata ang kaniyang ulo. Nasisiyahan sa bagong bisita. “Huwag kang mag-alala. Bata man akong tingnan may panlaban naman hindi ba kuya Francis?”

Mula sa madilim na parte ay lumabas ang isang lalakeng may katangkaran, abo ang kulay ng buhok at may malaking pangangatawan.

“Oh? You have a visitor Lil Bro?” Tumigil si Francis sa tabi ni Yue.

“Isang importanteng bisita. Can you show her, how we welcome our visitor Big Brother?”

He gave a half-smile. “Sure. I'll entertain her.”

Isang iglap nakarating sa harapan ni Phoenix ang binata. Inamba ang kanan binti. Nakapamulsa man ay nagawa niyang sipain ang mukha ng dalaga subalit mabilis na naiharang ni Phoenix ang dalawang braso sa kaniyang mukha.

Malakas ang sipa ni Francis subalit hindi pa iyon ang sagad na lakas ng sipa nito. He was testing her. Natuwa ang binata dahil nagawa naharangan nito ang kaniyang pag atake. Samantalang, sumandal sa may pader si Yue hindi naalis ang ngiti sa kaniyang mga labi. Nasisiyahan siya sa bagong palabas sa mismong kaniyang harapan.

"Hmn. You know how to blocked my kick? You are awesome but not that great.”

He twisted his body. Ang kabilang paa naman ang kaniyang ginamit at dahil nakaharang ang mga braso sa mukha ni Phoenix hindi niya nagawang makita kung saang parte ang kasunod nitong punterya. Naramdaman na lamang niya ang pagbaon ng tuhod nito sa mismo niyang tiyan. Her eyes widened from immense pain. Tila nabali ang kaniyang buto at nawasak ang kalamanan. She was knocked against the hard wall. Napaupo sa aspaltong sahig si Phoenix. She vomitted some blood.

Ngumisi si Francis. “It hurts right?”

Sinapo ni Phoenix ang nasaktang tiyan. Hindi pangkaraniwan ang sipa. May kakaiba roon. Ramdam niya kanina ang matigas na bagay. As if a train hits her body. May kakaiba sa lalake.

“W-What are you?”

“Me?" Tinuro ni Francis ang sarili. "You don't have to know. You will die anyway.” Muli siyang sumugod.

He intent to kill her. Inilabas ng dalaga ang nakatagong baril. She shot his broad chest multiple times. He stood in front of her. Bumaon ang bala ng baril sa katawan nito subalit walang mababasang sakit sa mukha nito. Nagawa pang ngumiti na tila nakiliti lamang siya ng mga bala ng baril.
No bloods. No pain. Isa lamang ang naging konklusyon ng dalaga. Tumambad ang dibdib ng binata. Sandaling nagulat si Pheonix. A metal chest plate. A machine.

“A cyborg.”

“Oopss! Well tutal nakita mo na. Hindi na ako tatanggi. Tama, ako at ang mga kinikilala kong kapatid ay mga human cyborg. Half human—half machine. Our adopted father was the one who did this to us. Awesome right?” Pagmamayabang niya bago hinubad ang sirang pang itaas.

He is a machine. Half-machine.

“Your own father?” Dahan-dahan na tumayo si Phoenix. Naghihilom na rin ang sariling mga sugat.

“Yes. One of the WEB inventors. Suichi Kurodo. A japanese scientist and researcher. Sayang nga lamang dahil umalis siya sa samahan kaya't napilitan kaming kaniyang mga anak na siya'y ikulong at walang balak na siyang patakasin,” dagdag ni Yue.

“Paano n'yo nagawa iyon sa sarili ninyong ama?” Malumanay ang tinig ni Phoenix.

“Hindi namin siya kadugo.” Umismid si ang bata.

“Ang totoo hindi kami magkakadugo. Napulot lamang niya kami sa basurahan—hindi pala, sa bahay ampunan. Walang nais na umampon sa amin dahil may depekto kami sa pangangatawan o mas kilala sa tawag na people with disability.”

“People with disability.”She looked at Francis chest and kness na pinaltan ng cyborg quality.

Tumango si Francis. "At ang mga depektong iyon ay sinamantala ni Dr. Kurudo. Isinailalim kami sa isang operasyon. Upang punan ang mga kulang gamit ang makabagong teknolohiya. He made us what we are right now."

“Hindi ba't nakakatuwa ang mga tao, ang bilis nilang itapon ang sarili nilang kadugo dahil lamang may depekto silang nakita. Ang malas lang namin dahil sa mga gaya nila kami napunta. Subalit ganun ang buhay, wala tayong magagawa kundi ang tanggapin ang lahat.” Naroon sa boses ni Yue ang pait at pagkamuhi. “Tanggapin ang lahat? Hindi naman iyon ganun kadali. Habang patuloy sa pag iral sa mundong ito. Mas lalong nadaragdagan ang pagkapoot ko sa mga tao. Mapagpanggap silang lahat. Ang sabi pa nila,nauunawan nila ang mga tulad namin.” Kinuyom niya ang mga kamao muling sumagi sa isipan ang mapapait na alaala ng nakaraan.

“Kalokohan! Nauunawaan? Mga mapagpanggap! Hindi sapat ang salitang unawa dahil mahirap maunawaan ang naging sitwasyon ng buhay namin! Hindi nila naranasan ang abandunahin! Hindi nila naranasan kung paano ipagtabuyan at kutyain! Hindi alam ang pandirihan at iwasan! Wala ni isa man sa kanila ang tumanggap ng mga depektong katulad namin. Nauunawaan?" He sneered. “That was the worst fucked up word I despise the most. Mapagpanggap ang mga tao. Mabait sa harapan mo ngunit pagtalikod lumalabas ang sungay. Mahihirapan kang makatagpo ng ilan na may kabutihan sa kalooban. Lalapitan ka lang kung may kailangan subalit iiwan ka na pagkatapos makuha ang nais. Paano pa kaya sa mga depektong tulad namin?”

Hinawakan ni Francis ang ulo ng kapatid at marahan iyong hinaplos. “The WEB accepted us.” He looked at Phoenix blue eyes. “Sila ang nagparamdam na may pakinabang pa ang mga tulad namin. Sa kanila, naranasan namin na magkaroon ng rason para mabuhay. Binigyan din nila kami ng pagkakataon upang maging kumpleto. Sa tingin mo, masama sila 'di ba? Sabagay hindi kita masisisi. Dahil totoo iyon, subalit para sa mga taong tulad namin na hindi kayang tanggapin ng mundo, kahit isa silang masamang organisasyon. Sila ang sumagip sa amin. Hinding-hindi namin pagtataksilan ang organisasyon. Lahat ng nais na sirain ang WEB. Wawasakin ko. Kahit ang konseho! Hinding-hindi ako makakapayag na wasakin nila ang nagsilbi naming tahanan!”

Natahimik sandali si Phoenix. Ramdam niya ang matinding emosyon ng dalawa. Ang pagkamuhi sa mundong nagawa silang abandunahin at ang patuloy nilang pagkapit sa inaakala nilang tagapagligtas ng kanilang buhay—ang WEB.

“Kahit na alam ninyong ginagamit lang kayo ng WEB para sa sarili nilang kasakiman. Handa kayong magpagamit sa kanila. Gano'n ba ang ibig ninyong sabihin?”

Dumilim ang paningin ni Yue. “Sinabi na namin 'di ba? Malaki ang utang na loob namin sa WEB. Wala kaming pakialam kung ano ang pakay nila. Masama man, sige lang. Dahil handa kaming gawin ang kahit na ano dahil tinanggap nila kami na hindi ninyo nagawa.”

Mahinang napatawa si Phoenix. “Tunay ngang may depekto kayo.” Panandalian niyang inalis ang maskara. Lumantad ang maamo niyang mukha. May bahid ng dugo ang gilid ng labi nito subalit hindi naalis ang ngisi sa labi na ikinagulat ng magkapatid na shadows.

“Anong tingin ninyo sa mundo? Perpekto? Na palaging mabuti at maganda ang mangyayari sa inyo? Na dapat maaliwalas at palagi kayong tanggap? Kung gano'n, hindi kayo nasa realidad. Nasa pantasya pa rin ang inyong makitid na isipan. Huwag kayong mag-alala dahil hindi ko sasabihin na nauunawaan ko kayo dahil ang totoo ay naawa ako sa mga tulad ninyo. Kamuhian ninyo ang dapat kamuhian tutal magkakaiba tayo ng paniniwala sa mundong ito. You despise the world then let me tell you something.” Dahan-dahan na nagpalit ng kulay dugo ang kaniyang mga mata. “I loathed the WEB and everything in it. That also mean.” She disappeared.

And appeared behind them. “Kasama kayo sa dapat iligpit."

Hinawakan niya ang parehong ulo nina Francis at Yue bago ibinaon sa sementong sahig. They both groaned in pain. Pumutok ang noo ng magkapatid. Dumaloy ang masaganang dugo sa kanilang sugat ngunit pinagmasdan lamang sila ng dalaga.

“Sana kahit papano natauhan kayong dalawa. Hindi lahat kaya kayong abandunahin. May iba na kaya kayong tanggapin ng buo at mahalin nang lubusan. Kahit kakaiba kayo, kahit may pinsala sa inyong katawan, may tatanggap sa inyo ng buong-buo. Hindi kayo kukutyain sa anumang depektong tinutukoy ninyo. Naging marupok kayo. Nawalan ng pag asa dahil pinaltan ng pagkamuhi ang tiwala ninyo at pag asa na darating ang mga taong iyon. Subalit huli na ang lahat. Ang mga tulad ninyo na mas nais pang protektahan ang WEB ay walang muwang sa mundo. But I will give you another chance. Surrender now, I will show my mercy.”

Mabilis na umatake si Francis he punched her face. Tumama ang kamao niya sa psingi ng dalaga. But she never let them see her pain. Ang panunumbat na kelanman hinding hindi niya gagawin.

“Is that all you got?” Hinawakan ng dalaga ang leeg ni Francis  before she pinched something on the back of his head na ikinatigil niya.

“I immobilize you for the mean time. Ouch, you punch like hell,” samo ni Zoien sapo ang nagkukulay ube na pisngi.

Tiningnan niya si Yue na nasa sahig. “Ikaw bata? Gusto mo rin bang lumaban? Hindi ba't kinamumuhian mo rin ang mga gaya ko?” Hamon niya.

“Tumahimik ka!” Sinutok ni Yue ang tiyan ni Zoien. “Tumahimik ka!” Sunod-sunod lamang ang ginawang pag atake niya at lahat ng iyon ay tinanggap ng dalaga. She never dodge. She accepted all his hatred and pain.

“Kinamumuhian ko kayo!” He kicked her side. “Ang mga tulad ninyo ang dapat na alisin sa mundong ito!” He punched her right cheek. “Bakit pilit ninyong kinukuha ang mga bagay na magpapasaya sa mga katulad namin?! Bakit hindi n'yo na lang kami lubayan!” Humihingal na tumigil siya dahil nakaramdam siya ng pagod.

“Is that all? Akala ko sagad sa buto ang galit mo? Kung gano'n, bakit parang hindi ko naramdaman ang lahat ng iyon? Tunay ngang bata ka pa rin kahit pagbaliktarin mo pa ang mundo. Kahit mag asta ka bilang matanda ay bata ka pa rin. Let me show you how to do a real punch!”

Walang pag aalinlangan na sinuntok ni Zoein ang mukha ni Yue. Pumutok pa ang ilong nito sa lakas ng suntok na binigay ng dalaga. His body slumped back against the railings. He groaned in pain. Maraming dugo ang lumabas mula sa ilong nito at putok na labi.

“That how you should punch kid,” usal ni Zoien bago pinunasan ang duguang labi.

Lihim na pinagmasdan ni Francis ang dalaga. ‘What is she doing?’ Takang tanong niya sa sarili habang ang tingin ay hindi inaalis aa dalaga.

“Mahina lamang ang nagpapadala sa sariling emosyon. Ang galit ninyo ang magsisilbi ninyong lakas at kahinaan.” Tumayo siya nang maayos pagkatapos ay pinulot ang kaniyang maskara para sinuot iyong muli. “I will give you another chance to live. Pero, sa susunod na magkita tayong muli.” Tiningnan niya si Francis. “I won't hesitate to kill you. I have eyes everywhere. Leave now. Kulang lang kayo sa exploration sa mundong ibabaw. Learn to live a life and not by just living because someone needs you. Mabuhay kayo para sa sarili ninyo.” Pagkatapos bitawan ang mga salitang iyan ay akma siyang aalis nang nagsalita si Yue.

“W-Wait! Hindi ka ba nag aalala sa mga kaibigan mo?! I sent my hounds to kill them!”

“Not at all. Those hounds won't kill them. Umalis na kayo. After all I will blow this facility from its core.”

Francis sneered. “You will regret this girl. You shouldn't show mercy to your enemy.”

“Mercy?” Nilingon sila ni Phoenix. “I simply let you off the hook this once dahil asahan niyo na hahanapin ko kayo. Caio!” Tuluyan na itong nawala sa kanilang paningin.

"That girl, she is insane," ika ni Francis sabay baling sa kaniyang kapatid na nakatulala. “Lil bro? Ayos ka lang?”

“Y-Yeah. I'm fine kuya. Anong gagawin natin?"

Ngumisi si Francis. “Ano pa nga ba? She didn't kill us but I'm sure she destroyed something inside us. Words is like a dagger aye. Once I can move again. Aalis na tayo sa lugar na ito. Call Yael and Ryko.”

“I'm on it.”

“I wonder what is her name," turan ni Francis sa isipan. Baon ang alaala ng mukha ng babae.

"Yael, we are gonna retreat for now. Get Ryko," saad niya sa walkie-talkie. Napahawak sa nagdurugong ilong si Yue. "I don't care! Get him kahit talian mo pa! Just leave those pets behind. Yeah. They won the fight for now but next time we will claim what truthfully ours." He hunged up.

Tumayo na ang batang si Yue. "Next time, I'll make sure to defeat her."

Napahawak si Ivan sa sugat sa kaniyang kanang balikat. “Patay ako nito sa misis ko.” Nahihirapan niyang samo bago smandal sa sirang pader. He looked at Morgan. “Still alive Alvarez?”

Nagsindi ito ng sugarilyo at inilagay sa bibig hindi alintana ang dugong tumutulo mula sa pumutok na ulo. “You are seriously asking me that question? I won't get killed without my wife perimission. You want?” Inalok niya ang isa pang sigarilyo na agad na tinanggihan ni Ivan.

“Pass. Hindi gusto ni Hannah ang paninigarilyo. Baka palayasin ako ng misis ko.”

“Tsk. Under.”

“I just love my wife so as my health.”

“Nevermind.”

Sinipa ni Morgan ang katawan ng human centepede. Wala na itong buhay. Pinugutan nila ito ng ulo subalit bago iyon magawa ay marami silang pinsalang natamo. They badly need to go the hospital. Suddenly his earpiece beeped. Kunot noong pinindot iyon ni Morgan.

“This is Agent Phoenix. I already put explosive in the facility.”

“Yow! You missed a lot of fun Phoenix.”

Nanlaki ang mata ni Ivan. “Is that baby girl! Namimiss ko na ang batang iyan! Pwede ko ba siyang kausapin—” Tinapakan ni Morgan ang mukha nito

“Kumuha ka ng sarili mong earpiece. All the hostages are in secured area. Lalabas na rin kami. Just give us, 15 minutes. ”

“Copy that, sir.”

“Take care.” Iyon lamang ang sinabi ni Morgan bago tumayo.

“Pwee! Kadiri ka pare! Tama bang tapakan mo ang gwapo kong mukha.”

“Tumahimik ka na lamang at maglakad. Aalis na tayo sa lugar na ito. Iyon ay kung ayaw mong makasama sa pagsabog.”

Tumayo na si Ivan. “We are not gonna take everything as evidence?”

Sabay silang naglakad paalis sa facility.

“Nope. Mas mabuti kung mawala nang tuluyan ang lahat ng naririto. Masyadong delikado.”

“Sabagay tama ka. Pero bakit di mo sinabi na nandirito pala si baby girl! Napakadamot mo talaga, Alvarez!”

Binugahan ni Morgan ng usok ang mukha ni Ivan. “At ang ingay ingay mo pa rin.”

Sunod-sunod ang pag ubo ni Ivan. “Peste ka talaga!”

“Whatever. Huwag ka ng maingay at umalis na lamang tayo rito. Ang dami mong satsat.” Binilisan ni Morgan ang pag alis.

“Oy! Sandali lang naman! Huwag mo akong iwan oy!"

Pinagmasdan ni Zoien ang katawan ng isang matandang lalake. Nakahiga ito sa malambot na kama. Payat at halatang maputla ang balat. May tahi rin ang bibig.

“Your children retaliate againts you.” Panimula ng dalaga.

Pinagmasdan ang bawat litrato sa loob ng silid nito. Makikita ang isang family picture. Nasa gitna si Suichi Kurudo habang nasa kaniyang tabi ang apat na batang lalake. Kuha noong nasa bahay ampunan pa ang mga ito. Si Francis na nakaupo sa welchair. Putol ang mga tuhod nito at may nakakabit na aparatos sa katawan. Katabi nito si Yael na nawawala ng isang braso. Sa kabilang bahagi naman ay si Ryko na may kapansanan sa pandinig at ang panghuli si Yue na bulag noon.

“You created a monster.” Hinaplos ni Zoien ang larawan. “Darating ang panahon na magkakaharap kaming muli at titiyakin ko na papaslangin ko sila. Ang WEB, saang anggulo man sila tingnan ay masama pa rin. Tama po ba? Mr. Kurudo?”

Tirik ang mata ng matanda. Hindi na humihinga. Inatake ito sa puso dahil na rin sa katandaan. He's already 72 years old.

“How many are going to die before they gain what they want.” Iniwan ni Zoien ang isang sphere ng Plutonium sa mesa bago binuksan ang bintana upang duon lumabas.

She jumped from the fourth floor. Ligtas siyang nakababa sa damuhan, she move away from the mansion. The countdown started. Nagbilang ang dalaga sa isipan.

Hanggang sa ikalawang pagkakataon. Yumanig muli ang lupa dahil sa malakas na pagsabog. Lahat ay walang nagawa kundi ang panoorin ang muling pagtaasan ng nagbabagang apoy sa madilim na kalangitan.

“Not again,” reklamo ni Dark. Napansin nila ang naglalagablab na apoy patungo sa kalangitan. Nasa likuran niya ang walang malay na si Arthur.

“Just shut up and move faster.” Naiinis na puna ni Friore habang inaalalayan niya si Courtney.

“Oo na. Oo na.” Nagpatuloy sila sa pag alis mula sa madilim na kagubatan.

“Hoo! Nakakapagod kalabanin ang mga asong ito.” Reklamo ni Riyo sabay sipa sa walang buhay na katawan ng kinalaban niyang hayop.

“Mabuti na lamang dahil nakasalubong ninyo kami.” Natutuwang aniya ni Jacob.

“Mabuti na nga lang at naligaw kami.” Pagtatama ni Marco

“Gosh, pwede na siguro tayong umalis," singit ni Felt.

“P-Pero paano po si Ate Rossette?” alanganing tanong ni Theron.

“Don't worry she's safe.” Agaw atensyon ng mga bagong dating na sina Devine, katabi niya ang nakangising si Uno. Nasa likuran naman nila ang tatlo pang myembro ng Royalties.

Ngumiti si Xenon. He was relieve to finally reunited with his friend. “I'm glad, ayos lang kayo.”

Napabuga ng hangin si Sahara. “Nakahinga ako nang maluwag dahil nakita na natin ang iba pa. Labas na tayo. Baka kung ano na naman ang sumalubong sa atin sa gubat na ito.”

“You're absolutely right. Let's go back," sang-ayon ni Alisa. She's exhausted. Gusto na niyang magpahinga.

Sabay-sabay silang lumabas ng kagubatan at sumalubong sa kanila sa bungad ang maraming itim na sasakyan at mga men in black na tauhan ng Tachibana Clan. May mga ambulansya rin sa paligid. Isinasakay ang ilang mga taong galing sa mansion. Ang iba pang mga nursr at doctor ay ginagamot ang pinsalang natamo ng ilang mga nasugatan. May sarili ring ginagawa ang mga bombero upang apulahin ang apoy. Sila ang mga pinadalang reinforcement sa utos na rin ng Konseho.

Napatigil  sa bukana ng gubat ang mga Royalties sapagkat isang pamilyar na pigura ng babae ang kanilang nakita. Naghihintay ito sa kanila habang nasa harapan nito ang nakayukong si Akihiro, Margarrette at ang mas nakapagpagulat sa kanila ay si Rossette ay naroroon din. Halatang sinesermunan ang mga ito. Balak na sana nilang tumakas subalit nahuli na sila upang gawin iyon.

“At last mas madaragdagan ang sesermunan ko. Hala lapit dito!” Sigaw ng babaeng may magandang mukha subalit may pagkademonyang ugali kapag galit. Namutla ang magkakaibigan.

“Ooopss! Labas na kami.” Lumiban sa ibang dereksyon si Uno kasunod si Devine.

“Mamaya na lang. Good luck guys,” dagdag ni Devine.

Mas lalong namutla dahil sa takot ang mga Royalties. Nainggit kina Uno at Devine dahil hindi mararanasan ng mga ito ang galit ng isang "Rin Tachibana."

“Ang facilities ko!” Naluluhang pahayag ni Ryko.

“Tumahimik ka na nga! Naririndi na ako!” Inihagis ni Yael sa loob ng yate ang nakataling si Ryko. Nasa loob na rin ng sasakyan sina Francis at Yue.

“So anong kasunod nating plano?” Naupo na si Yael.

“Ano pa ba? Isang branch lang ng Centepede league ang nawasak. There are more laboratory around the World. Dito rin sa pilipinas. Hindi tayo titigil. ‘Centepede’ wants result not failure.” Tugon ni Francis.

Ngumisi sila sa narinig. Magpapatuloy ang pagsasagawa ng ekperimento.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top