[35] THE TASK
Chapter Thirty-Five: THE TASK
"News Flash! Another explosion occurred last night destroying the whole City Tower and burying neigbhoring establishment. Metron City is in uproar. The blast shook much of the area around the Central City, damaging buildings up to half mile away leaving some residents at temporarily displaced---" Hindi na nagawang tapusin pa ni Morgan ang pinapanood na News Flash.
It was just a replay of the news yesterday night kung saan binulabog sa kalagitnaan ng gabi ang buong Metron City dahil sa pagsabog at pagguho ng City Tower.
Sa kabutihang palad, no one died but there is a lot of casualties. Maraming nasugatang mamamayan at nasirang mga establishemento idagdag pa ang pagguho ng malaking bridge na nagdurugtong sa North border at karatig lugar.
"Do you think it's a terrorist attack again, Uncle?" Usisa sa kaniya ng katabing si Zoien.
Hawak ng dalaga ang isang binoculars; kasalukuyan na pinagmamasdan ang kaganapan sa loob ng malawak na 'training maze' kung saan nagsasanay ang buong Xtherion. Magkakahiwalay sila ng pinasok na silid. Pinakasubaybayan ni Zoien ang bawat kilos ng grupo. They are under the last phase of the training. Pinaghandaang mabuti ni Zoien ang araw na ito.
Nilagyan nila ng kaniyang Uncle Morgan ng mga 'automated machine paint gun' ang ilang silid kasama ang ilang dummy opponent na may nakakabit na 'target' area sa katawan;once natamaan ay mawawalan ng bisa ang pag-automtic na paggalaw ng machine gun.
Her main goal; kailangan walang matamo ni isang tama ng pintura ang bawat myembro ng Xtherion or else ulit sila mula sa simula.
"Mostly terrorist attack causes explosion. Hindi naman iyon bago but when it comes to Metron City iisang grupo lamang ang madalas gumawa ng ganitong klase ng gulo," pagsisiwalat ni Morgan.
Natigilan sandali si Zoien bago nagsalita. "Ang WEB." Simple niyang turan.
Of course, ang organisasyong iyon ang mahilig gumawa ng mga karumaldumal na krimen. Nais nilang sirain ang kapayapaan ng mundo. They sure lift up to their purpose as an evil organization.
"The one and only evil organization."
"They are already showing the world how powerful they are."
"Yes. Showing off." Nagkibit-balikat si Morgan. "The council are already making counter attack maging ang pagsasaayos ng nasira at nasaktan sa ginawang pag-atake ng mga kalaban."
Tiningnan sandali ni Zoien sa ilalim ng binoculars kung paano asintadong pinuntira ni Darkiel ang ulunan ng mga dummy. It's pefect. Wala ngang makakatalo sa shooting ability nito. Napakabilis. He's in the middle room of the man-made maze.
Next one. Nasa bandang kanang silid ni Dark. Napangisi ang dalaga matapos masaksihan ang ginawang pag-iwas ni Friore sa mga bala ng machine gun. Isang perfect summersault ginawa nito at habang nasa ere nagpakawala ang dalaga ng apat na tira ng baril bago tumakbo papasok sa kasunod na silid. Napasipol pa si Zoien. Natamaan kase ni Friore ang lahat ng apat na target.
Kasunod na pinagmasdan ni Zoien ang malapit sa finish line na si Uno. Hindi naman nahirapan ang binata na pabagsakin ang kaniyang mga kalaban. He stood in the middle of the maze room habang hawak ang dalawang baril sa tigkabilang kamay. Pinaputukan niya sa apat na direction ang target; bull's eye. Impressive, the paint bullets never touch Uno's body.
Dumako ang pansin ni Zoien sa dalawa pang natitira. The person in the second room. Si Light na panay ang ilag sa mga bala. He looks struggling subalit nagagawa niyang patamaan ang target even though he is moving fast. Mahirap umasintado kung panay ang kilos but Light make it possible. Namangha si Zoien. She take a note of that.
The last one. Si Devine na ngayon ay pumapangalawa kay Uno sa finish line. Tahimik ito at kalmado. Whenever there is a surprise attack from the dummy, mabilis natutukoy ng dalaga kung saan iyon susulpot. Itututok lamang nito ang baril sa dereksyon ng dummy at magpapakawala ng isang putok ng baril sa mismong ulo ng target ni hindi man lamang nagawang magpakawala ng tira nito. Isa na namang nagpapakitang gilas sa grupo. Zoien wonder kung bakit ito naging suppport despite her infielder skills?
"Wala po bang utos na bumaba mula sa council na dapat hanapin ang may kagagawan ng pagsabog?" Tanong ng dalaga.
Pinalabas niya ang holographic monitor upang makita ang progress ng bawat myembro. Pataas ng pataas ang kanilang stats na ikinasiya ni Zoien. The group already finished the First and Second phase of combat training
The red phase which involve Discipline, Values and Teamwork. The white phase which tackled about shooting, sparring, markmanship, physical fitness, and also invole the warrior tasks and battle/mission drills. At syempre ang pinakahuli. The blue phase, is the assessment stage. Dito sinusukat at susurin ang lahat ng natutunan nila ng tatlong araw lamang. At ngayon, nasasaksihan ni Zoien ang lahat ng iyon.
"Of course the Council won't let them escape. Gumagawa na sila ng paraan upang mahuli sila."
Kumuha si Morgan ng sigarilyo. Sinindihan iyon bago humithit. Hinding-hindi nawala sa isipan ang masalimuot na sinapit ng metron tower.
"Pwede po ba akong sumama sa misyong iyon?" Biglang tanong ni Zoien.
Sandaling pinagmasdan siya ni Morgan. Ibinuga nito ang usok sa hangin. Tulad ng ulap. Tumaas ang usok bago tuluyan naglaho.
"Maari. Kung papahintulutan ka ng Konseho. After all they are the one who gives permit to their agents."
Muntik nang mapaubo si Zoien dahil sa usok ng sigarilyo ni Morgan.
"Labas lang ako." Paalam ng lalake bago tuluyan umalis sa terasa patungo sa pinto ng camp house.
Seryosong pinasadahan ng dalaga ng tingin ang paglisan ni Agent X.
"Permit ha?" Zoien mumbled to herself bago ibinaling ang tingin sa malaking Maze upang ipagpatuloy ang ginagawang pagmamasid sa Xtherion. Even if she's known S-class Agent there are certain cases that still are not allowed to her.
...
"Captain, hindi ba bawal ang ginagawa natin?"
"Hindi. Ano ka ba Lester, huwag kang masyadong nerbyoso."
"Pero Captain kapag nalaman 'to ng Head. Tiyak mapaparusahan tayo."
"Iyon ay kung malalaman ng Don. 'Di mo naman ako isusumbong 'di ba?"
Napabuga ng hangin si Lester. Bakit ba sa dinami-rami ng unit sa LIA ay napunta pa siya sa Missing person Unit?
"Pero Captain..." Hindi na niya naituloy ang pagsasalita dahil binatukan siya ni Ivan.
"Learned to have some fun, kid! Ang bata-bata mo pa masyado kang reserved at seryoso sa trabaho mo. Ilang taon ka pa lang?"
Masuyong hinawakan ni Lester ang ulong nasaktan. "Twenty four, sir."
"See! You are too young! There's a long years ahead of you. Learn to enjoy life. Tandaan mo, maikli lang ang buhay ng tao." Nagawa pang tumawa ni Ivan. "Isa pa! Nasa beach tayo ngayon! Sayang naman ang magandang paligid! Work can wait!"
Muling nagpakawala ng buntong hininga ang binata. Bakit kay Ivan siya inaasign ng Don? Isip bata ito at masyadong happy-go-lucky person. Kahit pa senior niya ang lalake. Mayroon pa rin siyang 'di nais na ugali ni Ivan.
"But Sir, nandito tayo upang hanapin ang nawawalang mga tao."
Nag-isip sandali si Ivan. "So... do you have lead?" Agaran nitong tanong.
Sumeryoso ang mukha ni Lester. "Of course, sir. Ayon sa report lahat ng mga nawawalang personalidad ay dito nanggaling bago sila misteryosong naglaho."
"Good. Good." Pinalo-palo pa ni Ivan ang likuran ni Lester.
"S-Sandali lang, sir!" Umiwas ang binata. Lumayo siya kay Ivan. Nasasaktan na sa mabigat na kamay nito. "Mayroon na po tayong lead. So, ano pa ang hinihintay natin? Kailangan natin silang hanapin."
Nagpamulsa si Ivan. "Alam ko. Pero hindi kailangan madaliin ang bawat misyon iho. Kailangan mas pag isipan ang lahat ng mabuti.Hindi man halata pero alam ko ang dapat nating gawin. Sa ngayon, kailangan natin munang magsaya! Kaya halika na!" Sabay higit sa braso ng binata patungo sila sa mawalak na beach ng Isla Luminious.
Walang nagawa si Lester kundi ang magpatianod sa kaniyang Senior. What a headache. He mumbled to himself. Hindi sila nagpunta sa Luminious Island para magbeach kundi ang hanapin ang mga nawawalang mga tao. Utos na rin iyon mula sa Head Council.Pero, tila nawala na sa isipan ng kaniyang Captain ang tungkol sa Mission. Napailing na lamang si Lester.
"This is where we separate," kako ni Ivan na ikinapanlaki ng mata ni Lester.
"Sir!" Huli na para umangal dahil kumaripas na ng takbo si Ivan. Kung saan man ito magtutungo ay walang ideya si Lester.
"Ano ba itong napasok ko?" Napasampal siya sa kaniyang noo.
Bago nilibot ang paningin sa paligid. He took in the place. Typical beach. Maraming mga bisita. Ang iba mga turista o foreigner.
"Now... what am I gonna do?" Takang tanong niya sa sarili bago nagpatuloy sa paglalakad.
Mainit ang sikat ng araw. Ang sarap magbabad sa tubig. Ika niya pero agad na inalis sa isipan dahil sa trabaho. Malaki ang beach resort. May mga naglalakihang hotel din sa malapit kung saan karamihan sa mga turista ay 'dun napiling magstay. Isang five star hotel na pagmamay ari ng isang sikat na business woman. Rin Tachibana-Alvarez. That's her name. Napailing muli ang binata.
"Let go of me! Ano ba!"
Natigilan si Lester sa narinig.
"Shut up girl! Ano bang ginagawa n'yo! Patulugin n'yo na ang babaeng 'yan! Napaka-ingay!"
Hindi maganda ang kutob niya sa narinig. Agad niyang tinakbo ang pinangagalingan ng mga tinig. Mabilis tumakbo si Lester patungo sa likurang bahagi ng resort na malapit sa forest area kung saan walang masyadong tao.
"Let go! Help! Help--mmn"
"Iyan lang pala ang makakapag-patahimik sa kaniya. Dapat kanina mo pa ginawa."
Natigilan si Lester sa kaniyang nadatnan. Dalawang malaking lalake iyon bitbit ang isang walang malay na babae.
"Anong ginagawa ninyo?!" Halos lumabas na ang litid sa leeg ng binata dahil sa sobrang galit na naramdaman. This is why he became an agent. Ang wakasan ang mga taong walang magawa sa buhay kundi ang manira sa kapayapaan at gumawa ng masama sa kapuwa.
Ngumisi ang dalawang lalake matapos makita si Lester at ang galit sa mga mata nito.
"Ow. Looks who's here."
"A pest just witness us abducting our 'new toy'."
Mabilis na hinugot ni Lester ang kaniyang baril maging ang kaniyang badge.
"I'm a law eforcer. Mas mabuti kung ibaba n'yo na ang babaeng hawak n'yo, ngayon din," banta niya subalit sa halip na matakot ang dalawa ay mas lalo pa silang nasiyahan sa nalaman.
"Isang alagad ng batas?"
"Mas mabuti siguro kung isama natin siya sa ating koleksyon hindi ba, kapatid?" Turan ng isa pa habang nakatitig sa likurang bahagi ni Lester.
"Yeah sure. Basta may bago tayong laruan." Isang boses ng batang lalake.
Mabilis na lumingon si Lester upang makita ito subalit huli na ang lahat. The child injected someting on his back. Napaluhod ang binata sapo ang kaniyang batok. Nanlalabo ang kaniyang mga mata. He looked at the child.
Nngumisi ito sa kaniya. "You must be tired. Sleep tight."
Iyon ang huli niyang narinig bago tuluyang lukuban ng kadiliman ang paningin subalit hindi niya makakalimutan ang itsura ng bata. Ang maamo nitong mukha ngunit walang kabuhay-buhay ang mga mata nito. Punong-puno iyon ng kadiliman.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top