[34] THE OTHER SIDE


Chapter Thirty-Four: THE OTHER SIDE


Masusing inalisa ni Friore ang kaharap. Walang pinalampas na anumang detalye. Maayos ang pagkakatindig nito. Kalmado, mahirap basahin ang kasunod na kilos. She chewed her lower lips. Nag-iisip nang mabuti kung paano ba niya matatalo ang kalaban.

"Too much analyzing isn't a nice technique," sita nito na ikinaikot ng mata ni Friore.

Ilang beses na silang sumailalim sa fighting combat subalit ni isa sa kanila hindi nanalo. Zoien possesed strong defense, strength in every attacks, agility, speed and fast thinking. She can easily predict the opponent's move.

"Thinking is better than attacking without any plan. You told us that, right? At least I'm not trying to kill myself."

Puwesto nang maayos si Friore. Inabante ang kanang paa, itinaas ang dalawang kamay tulad ng sa fighting stance ng isang boxer. Nakatagilid ang kaniyang katawan habang ang kanan kamay ay nasa gilid ng kaniyang mukha at ang kaliwa naman ay pantay sa kaniyang dibdib. A defense style.

Ipinilig pakanan ni Zoien ang mukha. Nasisiyahan sa nakikita. Seryoso ang awrang pinalalabas ni Friore. Natutuwa siya dahil kahit na may 'attitude' ang kaharap, marunong itong magseryoso pagdating sa kanilang training. Kahit papano napahanga siya dahil sa ugaling iyon.

Puwesto na rin si Zoien. Tinumbasan ang defense style ni Friore. Sa isip niya. Tiyak inaasahan ni Friore na siya ang unang aatake. Iyon kasi ang palagi niyang ginagawa tuwing nakikipaglaban sa kanila. Siya ang unang umaatake kaya't walang magawa ang kaniyang kalaban kundi ang dumepensa. In the end they we're all taken aback; always ended up losing the fight. They stared at each other. Pinapakiramdaman kung sino ang unang kikilos.

"You won't attack first?" Friore taunted Zoien.

"Why don't you try attacking me? I'll be on the defense?"

Ngumisi si Friore. "Oh, really?"

"Of course. At least you'll learn something from me, right? So, what are you waiting for?" Zoien mocked her with matching enigmatic smile.

Hindi naman siya nabigo dahil nakita niya ang inaasam na ekspresyon sa mukha ni Friore. Her eyes twitched. She let out a half hearted smile showing displeasure towards Zoien's come back.

Katulad ng sinabi ni Zoien. Si Friore ang unang kumilos para umatake. Mabilis na nakalapit ang dalaga sa pwesto ni Zoien. Inamba ang kanan kamao patungo sa tyan kung saan hindi protektado. Definitely a right uppercut. Isang teknik sa boxing kung saan kailangan kumuha ng pwersa mula sa binti at itaas na katawan. Isang paarko na suntok subalit malakas iyon. Kayang patalsikin ang kalaban.

Napangiti si Zoien. Friore took the bait. Sinadya niya na hindi lagyan ng depensa at iwang marupok ang depensa sa lower part ng kaniyang katawan. Fighting is like playing chess. Kailangan pag-isipan ang bawat atake. You need to play wise. And even ready to sacrifise chess pieces in order to win. Right to win.

Mabilis na ipinuwesto ni Zoien ang katawan patagilid upang maiwasan ang mabilis na suntok ni Friore. Halata ang gulat sa mukha nito na ikinangiti ni Zoien bago niya ibinaba ang siko patungo sa batok nito.

"Aaah!" napasigaw si Friore bago napadapa sa training matt.

Nawalan ito ng malay. After all pinuntirya ni Zoien ang isa sa maselang bahagi ng katawan ng tao ang batok.

Napailing si Morgan sa nasaksihan. "That's her 30th times."

Ngumiti si Zoien. "Yup! And yet she still doesn't learn to give up. What a headstrong girl," puri niya bago lumuhod at pinagmasdan ang walangmalay na si Friore. "She pushed herself today. Gustong-gusto akong matalo." Tinunghayan niya si Morgan. "Uncle, kayo na pong bahala sa kaniya. May pupuntahan lang po ako." Paalam ng dalaga na ikinasang-ayunan ni Morgan.

He went to the unconcious girl para buhatin iyon at dalhin sa kwarto nito. Nasa taas na rin ang iba pa. Nagpaiwan lamang sila para sa isa pang combat battle.

Matapos makita ni Zoien ang malayong pigura ni Morgan buhat si Friore ay saka lamang siya umalis. Nagtungo siya sa north side ng Camp kung saan may maliit dun lawa. Napapaligiran ng gubat ang Training Camp dahil isa itong pribadong lugar na tanging kasapi lamang ng LIA at HIS or any part of the Council's agencies ang maaring makapasok.

Pagkarating sa may lawa ay agad na napakislot sa sakit si Zoien. Madalas na ang paghapdi ng kaniyang mga mata. One of the reason kung bakit maya't maya ang alis niya especially tuwing gabi ay dahil something is happening to her. Napapikit si Zoien. Mas lumala ang sakit na nararamdaman niya sa kaniyang dalawang mata. It was as if, isang karayom ang tumutusok sa mga iyon.

Napangiti siya ng mapait, dahan-dahan iminulat ang mga mata. Bumungad ang kaniyang crimson eyes. Tila kulay dugo ang pupil ng kaniyang mata. As if she's a living vampire.

Napabuga ng hangin si Zoien. Naalis na ang sakit na nararamdaman. Lumapit siya sa lawa. Pinagmasdan ang kaniyang itsura. Malapit na magdapit hapon kaya kahit malilom ay kita pa rin niya ang sariling repleksyon sa malinaw na tubig. Lalo na ang unti-unting pagbabago ng kulay ng kaniyang buhok. Ang kulay itim niyang buhok, dahan-dahan nagiging kulay puti.

The second phase of the changed is complete. Red eyes. White hair. That only means. Tumayo ang dalaga. Inilahad ang kamay sa harapan tubig. Nakabuka ang mga palad. Dahan-dahan niya iyong isinara kasabay ang paggalaw ng tubig. Inisip niya ang paglutang ng isang bolang gawa sa tubig sa ere. Hindi siya nabigo. Dahan-dahan na lumutanng ang isang bolang tubig mula sa ibabaw ng lawa. Kasing laki iyon ng ng bola ng basketball.

Tila crystal iyon sa kaniyang paningin. Nadadaplisan ng liwanag na galing sa papalubog na araw. Kulay kahel. Ang gandang pagmasdan. Marahas na isinara ni Zoien ang kamao na siyang ikinasira ng bola. Tila isang bombang sumabog iyon at muling sumama sa tubig ng lawa. Lumikha ng mumunting alon.

Napasinghap si Zoien. Napaluhod sa damuhan. Hawak ang kaniyang ulo. Tila may martilyong pumukpok sa kaniyang utak. Napakasakit niyon. Sa tuwing ginagamit niya ang natatanging kapangyarihan, it back fire at her. Parang may mga kamay na pumipiga sa kaniyang utak nais iyon ipitin hanggang sa mapisak at magpira-piraso.

Power always have consequences.

Kaya't ang pagiging gahaman ng tao upang makagawa ng isang di-ordinaryong tao ay palaging may malaking katumbas. They made her somewhat extraodinary subalit hindi niya iyon gusto. Kailan man, kung ang kapalit ng kapangyarihan ay kamatayan ng kaniyang minamahal mas mabuti pang mamatay na lamang siya.

Napapikit si Zoien. Pinakalma ang sarili. Kumuha siya ng panibagong 'retainer's liquid' sa bulsa ng kaniyang jogging pants. Nakalagay na iyon sa isang injection. Pang-ilan na nga ba niya iyon?

Dalawa? Tatlo? No. Pang-apat na. Mas lumalala ang kaniyang kalagayan. Hindi magtatagal magiging immune na ang kaniyang katawan sa retainer's liquid at wala ng paraan upang mapigilan ang paglitaw ng kakaiba niyang kaanyuan at abilidad. Nakakatiyak marami ang magbabago once na nalaman ng iba ang tungkol sa kaniyang abnormalidad.

Pagkatapos iturok ang retainer's liquid. Pinagpasyahan ng dalaga na manatili muna sa may lawa upang pagmasdan ang papalubog na araw at habang hinihintay niyang gumana ang asul na likido sa kaniyang katawan. Malaki ang naitutulong ng katahimikan sa paligid sa pagpapakma ng kaniyang sarili. Dahan-dahan na nagbalik sa normal ang kaniyang pisikal na anyo. Kasabay nun, ang tuluyang pagkawala ng araw at ang paglitawan ng maraming bituin sa madilim na kalangitan.

'Hanggang kailan niya titiisin ang lahat. Ang nais niya lang naman. Isang normal na buhay. Ang maging masaya kasama ang mga mahal niya sa buhay. Iyon lamang ang kaniyang hiling. Subalit, tulad ng una niyang pamilya na nawala ng parang bula sa kaniyang harapan maaring ganun rin ang maganap sa kasalukuyan niyang tinuturing na mga mahal sa buhay.' Kinuyom niya ang sariling kamao. 'Hindi niya iyon hahayaan mangyari. Itataya niya ang sariling buhay maprotektahan lamang ang mga taong mahal niya. She won't let the past occur again. Whatever it takes.'

Tumayo na si Zoien, pinagmasdan ang repleksyon ng kalangitan sa ibabaw ng lawa bago umalis upang magpahinga sa Camp House. She'll make sure she will be able to conrol her power. Malaki ang maitutulong nito sa kaniyang plano. Nalalapit na ang araw na paghaharap nila ng isa sa mga rulers ng WEB. She'll make sure not to lose a fight until she finally reach 'him'.

...

"Is it pretty?" Tanong ni Lucky sa kasama.

Nasa itaas sila ng isang tower kung saan mapagmamasdan ng mabuti ang kabuuan ng city.

"Yeah. It is. Too pretty that I want to destroy everything. After all, hindi lahat ng magaganda kelangan i-preserve." Ngumisi ang binata.

Napailing si Lucky sa narinig. Sumandal siya sa pader na yari sa metal. They are 50ft above ground. Napakaliit ng mga tao. Ang sarap nilang pisakin isa isa.

"May natanggap ka na bang bagong utos mula kay Big Boss?" usisa ni Lucky.

Nagkibit balikat ang binata. "Wala pa. He's actually quiet this past few months. Ano kayang pinagkakaabalahan niya?"

"Sa pagkakaalam ko mula kay Scorpion, kasama ni Big boss si Centipede they are making another reseach about humanoid weapon. They are making sure to make 'it' perfect this time."

"I see. Dahil ba sa namatay ang dalawa sa mga laruan ni Centipede kaya't gumagawa na naman siya ng panibago. I bet it won't be perfect kahit anong gawin niya."

"I agree. Walang perpektong nilalang ang ginawa ng Diyos. Paano pa kaya kung isang tao ang gagawa? 'Di ba?" Ngumisi si Lucky.

"It will become monster." Sumasabay sa hangin ang kulay puting buhok nito. "A deathly monster" Humarap ang binata kay Lucky. Kulay pula ang mga mata nito. "Just like me." Hindi nawala ang ngisi sa kaniyang labi.

Ngumiti si Lucky. "Oo, just like you, Antares. Who's name orginated from the biggest star in our galaxy. The one with the brightest and yet deathly presence. Let's go home. Darating ang panahon na makakamit mo rin ang nais mo. Subalit kailangan nating maghintay."

"I can't wait for that time to come," samo ni Antares. He looked at the big city. "I want to meet you. To see you. How long would it takes for you to find me? Huh, Fire?" Mabilis na nawala ang pangungulila sa mata ng binata bago sumunod kay Lucky pababa ng tower.

They already planted the bomb inside the City's Tower, na nasa pinakagitna ng syudad. Walang kaalam-alam ang mga tao sa nagbabadyang panganib. Isa na namang kaguluhan ang sisiklab sa pamamagitan ng WEB organization.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top