[29] PREPARATION


Chapter Twenty-Nine:

Prenteng nakamasid si Zoien sa ginagawang pag-iimpake ni Feltesia. Maayos ang paraan ng pagkakatiklop ng mga branded na damit nito. Pagkatapos matiklop ay agad iyong isinilid ni Felt sa loob ng nakabukas na maleta. Kataka-taka na ang dami ng dalang gamit ni Felt, kung ikukumpara sa limang araw lamang na bakasyon o mas tamang sabihin na trabaho. Halos pang isang buwan na damit iyon. Lihim na napailing si Zoien.

Napag-alaman niya na aalis patungo sa 'Luminious Island' ang kaniyang pinsan dahil doon ang venue ng 'one-week' photoshoot para sa advertisement ng Goucille Corp. Sinabi rin nito na kasama ang buong Royalties sa kaniyang pag-alis. Bakas ang tuwa sa mukha ni Feltesia. Masaya sa ideya na kasama ang mga kaibigan sa kaniyang trabaho.

"I'll be out for a week." Tinunghayan ni Felt si Zoien para paalalahanan ito. "Kaya naman, ikaw na bahala sa bahay. Nagkakaintindihan ba tayo?"

Nag-isip sandali si Zoien. Dapat ba niyang sabihin sa kaniyang pinsan na aalis din siya? Mabuti kung sabihin na niya. Wala naman mawawala hangga't hindi nito alam ang 'tunay na dahilan'.

"Pasensya na Felt pero aalis din ako ng isang linggo kaya walang matitira dito sa bahay." Natigilan si Felt sa narinig mula kay Zoien.

'Aalis din siya?' Bulalas ni Felt sa isipan habang nakatitig sa mukha ng nakangiting si Zoien.

"What? Aalis? Bakit? Saan ka pupunta? 'Di ba may pasok ka?" Sunod-sunod na tanong ni Feltesia na ikinangiwi ni Zoien.

Inaasahan na niya ang pagiging mausisa nito. Manang-mana sa kakambal na si Flare.

"Oo, aalis din ako, but don't worry 'di naman ako aalis nang mag-isa. We got the consent from the Dean. Kasali raw sa isang charity work ang aming club. Magtutungo kami sa isang animal rehabilitation center sa may East Side ng Capital." Mahabang paliwanag ni Zoien—ang kaniyang alibi.

Ayon na rin sa sinabi ng kaniyang Uncle Morgan. Aalis sila nang mas maaga patungo sa may East Border ng Capital kung saan malapit sa pier. Batay na rin sa 'Intel', doon daw sa pier gaganapin ang palitan ng kalakal. Kailangan nilang suriin nang mabuti ang lugar na 'yon.

Mas maaga silang makakarating. Mas mabilis matapos ang 'reackon'. Maging ang kanilang paghahanda. Isa sa pinakamahalagang gawin sa isang misyon. Survey the perimeter. They need counter measure. Marami ang nakataya, kaligtasan ng isang kaharian, kaligtasan ng nakakaraming buhay.

"Club project?" Muling usisa ni Feltesia. Iyon lamang ang alam niyang pinahihintulutan ng Dean subalit nando'n pa rin ang pagtataka sa kaniyang isipan.

'Why would the Dean approved for a week charity work? Is that even necessary? Ganoon ba kahalaga iyon?'

"Yup! We are six students at may kasama kaming isang adviser."

Lalong kumunot ang noo ni Felt sa mga naririnig mula kay Zoien.

'A one week a club activity? Aling club iyon?'

"What club are you in, exactly?" Usisa niyang muli na kaagad na sinagot ni Zoien.

"It is actually known as 'Animal Club', Felt." Nakangiti pa itong sumagot na ikinaawang ng labi ni Feltesia.

"Really? No offense, ha. Pero, sa dinami-rami ng mga club sa Empire, bakit tungkol pa sa pangangalaga ng hayop ang pinili mo? Nababaliw ka na ba?" Mababakas ang pagkamangha sa boses ni Felt.

"Wala naman sigurong masama. I am animal lover, after all."

Napabuga ng hangin si Felt. Hindi kaya ng kaniyang powers ang inilalabas na enerhiya ni Zoien. She gave up, tutal mas dapat niyang pagtuunan ng pansin ang ginagawang pag-iimpake ng mga gamit kesa ang makipagtalo na 'naman' kay Zoien.

"Nevermind. When are you leaving?" aniya bago pinagtuunan ng pansin ang pasasa-ayos ng kaniyang nga gamit.

"This evening." Simpleng sagot ni Zoien. Natigilan si Felt sa narinig. Binalingan niya si Zoien.

"Gabi talaga? 'Di ba delikado?"

"Hindi naman siguro. May kasama naman kaming adult sa byahe at mag-iingat kami syempre. Aalis kami ng maaga dahil pitong oras mahigit ang byahe. Inaasahan na bukas ng maagap ay nandun na kami para maghanda." Paliwanag ni Zoien. Napailing si Felt.

"I see. I will tell Flare about it. For now, tatawagan ko si Manang Florence para bantayan ang bahay habang wala pa tayong dalawa. Friday ba ang uwi mo?"

Nag-isip sandali si Zoien. "Probably... this coming Saturday."

"Fine. As long as you'll inform me everything you do, then we're good." Isinara na ni Felt ang maleta bago tumayo at hinarap si Zoien. "Don't do stupid things habang nasa iba kang lugar. Are we clear?" Pawang nanay na paalala niya sa pinsan.

Napag-alaman niya mula kina Xenon at Alisa ang mala-hero stunt na ginawa nito noon. Alam ni Feltesia na out of this world ang kakayahan ni Zoien subalit hindi roon kasama ang pakikipaglaban sa isang 'magnanakaw' na may hawak na baril at balisong.

'Just how much talents she still keep hidden?' tanong niya sa isipan habang deretcho ang tingin sa mala-abong mga mata ni Zoien.

"I'll behave. So, you don't have to worry." Aniya ni Zoien. Itinago ang mga kamay sa likuran. 'Cross-finger'

"I hope, you will." Tiningnan ni Felt ang relo. It's already 9:56 pm. "Bukas ng madaling araw ang alis namin patungo sa Isla Luminious. Ikaw anong oras alis mo ngayong gabi?"

"11:30"

"Stuff ready?"

"Yes. Kukunin ko na lang."

"Sure? Wala kang nakalimutan?"

"I'm very sure. I double checked already."

"Kung gano'n. Akyat na ako sa taas. I badly need some beauty rest." Nilampasan niya si Zoien. Nagtungo siya sa hagdan.

Pinagmasdan ni Zoien ang pag-akyat ni Felt. Mayamaya tumigil ito na kaniyang ipinagtaka. Feltesia turned towards her.

"Ingat ka sa byahe." Iyon lang ang sinabi nito bago tuluyang umakyat sa taas. Narinig pa ni Zoien ang pagsara ng pinto ng silid ni Felt.

Lihim na napangiti si Zoien. "She do care," masaya niyang pahayag bago naupo sa sofa.

Ready na ang gamit ni Feltesia. Nasa gilid iyon malapit sa pintuan. Dalawang malalaking maleta.

'Ang dami naman gamit ni Felt. Ano kayang laman ng mga iyan?' Takang tanong ni Zoien pero napailing na lamang siya at pinagtuunan ng pansin ang mga detalyeng ibinahagi sa kaniya ni Morgan. Naalala pa niya ang sinabi ng kaniyang Uncle.

'Arachnid, the dealer.'

Her mission doesn't involve Antuz but the shipments. The Xtherion shall handle the rebel group themselves. Habang siya naman kailangan niyang makuha ang mga kargamento.

They got the members of the WEB under surveillance from then and now but they won't attacked them. Naghihintay sila ng tamang panahon. Tama, 'there are always great opportunities waiting for patient people.'

Napabuga siya ng hangin bago sumandal sa sofa na kaniyang kinauupuan.

"If only, everything wasn't this complicated." Pinikit niya ang kaniyang mga mata. Sandaling pinakalma ang sariling sistema. "But this is what I wanted to do. I need to bring the WEB to their destruction." Kumuyom ang kaniyang mga kamay. Sumagi sa isipan ang mga nangyari 'noon' na mabilis naglaho.

Zoien sighed. "How long would it takes to get the justice I deserve—that my family deserve. I can't wait for that time to come." She opened her eyes and stared at the ceiling for couple of seconds bago siya umakyat sa taas at pumasok sa kaniyang kwarto.

Dalawang bag lamang ang kaniyang dala. Isang back pack na pinaglalagyan ng kaniyang mga dami. A sports bag for her weapons.

That's all her stuff.

Now she's ready to go in a battle.

-Itutuloy-

AN: short Update!
Salamat sa mga readers
na patuloy na nagbabasa at sumusuporta sa story ko! :)
Thanks _JusT_FrameD_! This story is for you girl!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top