[27] SPECIAL SQUAD: XTHERION
Chapter Twenty-Seven:
Sa ilalim ng pamumuno ng Konseho na tinatawag din na Sanctum. Kanilang iniutos ang paglikha ng isang espesyal na grupo.
Ang Special Squad na pinangalanan na Xtherion. Binubuo ng mga kabataan na may natatanging kakayanan. Isinailalim sila sa isang pagsasanay upang mas palakasin ang kanilang pangangatawan, pag-iisip at mga kakanyahang talento.
Tinuruan sa paggamit ng iba't ibang armas at maging sa arts ng pakikipaglaban. Sumuong sila sa matinding sakripisyo para lamang sa isang layunin. Iyon ang protektahan ang buong mundo laban sa mga kriminal na tao o grupo.
Nagpakawala ng buntong hininga si Zoien. Walang mababasang emosyon sa maamo niyang mukha. She always been like this with work related. Palagi niyang isinasaisip na hindi basta laro ang kanilang trabaho. Kailangan nito ng matinding pokus at pagpapahalaga.
Maaring si Zoien ay isang mabait, mapagmahal at maunawin subalit iba si Phoenix. She's not merciful for criminals. She can kill easily without remorse. She can do anything in order to stop those filthy creatures from existing. Seryoso siya sa kaniyang tungkulin. Kaya alam niya kung saan ilulugar ang personal na emosyon mula sa trabaho o responsibilidad.
"You should know how to keep your mouth shut, Theodore Wincostine. Malaki ang tendency na iyang bibig mo ang ikapahamak mo balang araw." Seryosong saad ni Zoien na ikinalunok ni uno.
Naunuot sa kaniyang kalamnan ang malamig nitong tinig. Punong-puno ng awtoridad na kapag sinuway-ulo niya ang kapalit.
'Yay! Nakakatakot pala sa personal ang babaeng ito. Mas nakakatakot pa kay Leader!' aniya sa sarili.
Mas lalong nadagdagan ang namunuong pawis sa kaniyang noo. Tunay ngang nakakatakot sa personal si Phoenix. Noong nalaman nila mula kay Agent X na makakasama nila ang kilalang si Phoenix hindi na siya nagdalawang isip na puntahan ito. Lalo na't nalaman nila ang tunay nitong pagkatao. Kapalit ng kanilang pananahimik. Na wala dapat makakaalam na kahit na sino ang tungkol sa tunay na identity ng dalaga. It was as if she is a Top Secret of the Council na ayaw ipaalam sa buong mundo.
Kahit noong nagsasanay pa lamang sila, bukambibig na ng karamihan ang pangalan ni Phoenix. Ang pinakabatang agent na nakapagtapos sa Agent Acedemia with highest honor. Nakakabilib ang katalinuhan nitong taglay. She's also popular among the weapon's maker dahil ibinahagi nito ang sariling kaalaman sa paggawa ng kanilang mas mataas na kalidad na mga armas. Lalo na ang LIA security system na mas kilala bilang si Elvina.
Pagdating naman sa mga misyon. Walang masasabi si Uno dahil halos maikot na nito ang buong mundo para lamang isakatuparan ang kaniyang mga misyon. She never failed. Lahat nagawa niyang malutas. Isa pa sa nagustuhan ni Uno-walang binubuhay na criminal si Pheonix. Kaya binansagan siya bilang tagasundo o Grim Reaper.
Tila nagsitindigan ang kaniyang balahibo sa batok. Nasa harapan niya ang kilalang Grim Reaper.
Kumunot ang noo ni Phoenix. Napipi na ata ang lalaki sa kaniyang harapan. Hindi na ito nagsasalita. Basta nakatulala na lamang sa kaniya. Asang planeta na kaya ang naabot ng mapaglaro nitong isipan. Sa ikalawang pagkakataon napabuga siya ng hangin.
"May sasabihin ka pa ba? Dahil kung wala na ay aalis na ako." Agaw atensyon ng dalaga na ikinabalik sa huwesyo ni Uno.
"Sandali! Huwag ka munang umalis! Pasensya na sa inasta ko. Hindi lamang ako makapaniwala na nasa harapan kita. Actually..." He fidgetted on his spot. Hindi mapakali. He is also blushing like a red tomato. "You are my idol. And I'm so happy to finally met the real you." Nahihiya nitong sagot na ikinangiwi ni Phoenix.
May ganito pa lang side si Uno. Kakaiba. Sa itsura ng lalaki. Who looks like a gangster, hindi aakalain na may ganito pala itong katauhan.
"Well, should I thank you for that?" Kunot noong pahayag ng dalaga.
Wala siyang alam kung paano ang dapat sabihin sa mga taong humahanga sa kaniya. Ano nga ba ang dapat niyang gawin?
"N-No! You don't have to. Masaya na ako na makita ka. Bago ko pa makalimutan, pinapasundo ka sa akin ni Agent X. Dadalhin kita sa HQ ng Xtherion dito sa Empire." Bumalik na sa dati ang itsura ni Uno-seryoso. "Tara?" Aya niya.
"Lead the way. Susunod ako." Nagpasalamat si Zoien dahil hindi dumaan si Uno sa bintana kung saan ito pumasok.
He can sneak in. Madali nitong naitatago ang sariling presensya. Kahanga-hanga. Stealth mode is very hard in human na hindi naman assasin. That will be his greatest asset.
"Paano mo nalaman ang pangalan ko? I never told you who I am kaya nagtataka talaga ako dahil sa pagkakatanda ko ito ang una--"
Pinutol ni Zoien ang dapat na sasabihin ni Uno.
"Ikalawa. Nagkita na tayo noon. Nakabungguan niyo ako ng kasama mong si Lighthious Priest. Dito mismo sa hallway." Pagbibigay alam ng dalaga.
Napaisip si Uno. "Talaga? Pasensya na mahina kasi ang memorya ko pagdating sa mukha ng tao. Iyon ang kahinaan ko."
Napatango si Zoien bilang pagsang ayon. "Iyong tanong mo kanina. Mayroon akong secret device kung saan lilitaw ang bawat impormasyon ng kahit na sino basta nasa harapan ko. I use Elvina to gather the information. Lahat ng iyon ay legit."
Uno was amzed. "Cool. Nakakamangha ang A.I mo. I hope mayroon din ako. Siguro ang astig nun."
"Hindi ba kayo tinuruan na gumawa ng sarili ninyong A.I?" Takang tanong ni Zoien dahil itinuturo iyon sa academia for agent.
"Tinuruan, pero hindi ako magaling pagdating sa invention. I'm more on fighting skills and using weapons."
"I see. But you need to study those too malaki ang maitutulong ng A.I. sayo in the future lalo na't nasa scenario ka na walang sulusyon. Your A.I can help you out."
Napangiti si Uno. "Sige. Tatandaan ko ang sinabi mo." Nagpatuloy sa paglalakad si Uno. Ang mga kamay ay nakapaloob sa bulsa niya. Nanlalamig ang mga ito dahil sa nerbyos.
Dumaan sila sa likurang bahagi ng building sa college department kung saan walang estudyanteng nagdaraan. Tahimik ang paligid. May aspaltong daan at maraming magagandang halaman sa buong paligid. Hindi aakalain na may matatagpuan na isang building sa likuran ng campus. May maliit pa na lawa roon. Man made lake. May mini bridge na nakarugtong sa kabilang daan na patungo sa maliit na bahay.
"Nagtataka ka siguro kung ano ang lugar na ito. Hindi naman kita masisisi. Ngayong taon lang kasi napagbigyan ng SC President na gamitin ng Animal Club ang lugar na ito. We made sure na malayo ang club sa iba," pagpapaliwanag ni Uno na bahagyang ikinagulat ng dalaga.
"Animal club?"
"Yup! Ito ang panlabas na anyo ng Xtherion. Sa ganitong paraan kami makakakuha ng sarili naming head quarters na walang maghihinala. And I think Animal club is the best camouflage. No one among the emperians want to join our club. Well, maliban sa dalawang second year but they are oblivious of what or who we are kaya hinayaan na namin. Tutal kailangan namin ng sasapat na bilang ng myembro. Masyado kasing demanding si Ms. Sahara." Mahaba nitong paliwanag. Nakikinig nang mabuti si Zoien.
"I see. Maganda nga ang inyong ideya. Wala rin naman kayong choice kung may nais na sumali sa club n'yo. Nasa school rules iyon. Kaya nagdedemand talaga si Sahara."
Napabuga ng hangin si Uno. "Alam ko ang ibig mong sabihin. Ako pa ang ginawa nilang Club President kaya palaging kong nakakaaway si Ms. Sahara. Aish! Napakasungit ng babaeng iyon. Tch!"
Napailing na lamang si Zoien sa huling sinabi ni Uno tungkol kay Sahara na parte ng Royalties. She was amused to witness Uno's funny reaction towards Sahara.
Nakarating na rin sila sa wakas sa harapan ng club house. Mukha itong maliit sa harapan subalit mahaba pala ito. Halos aabot sa 40ft ang haba. Ang lapad ay nasa 20ft lamang. But enough na ito to accomodate at least 30 students.
Naunang pumasok si Uno. Hindi pa tuluyang nakakapasok ang buo nitong katawan nang isang remote control ang lumipad patungo sa mukha nito na kaagad niyang naiwasan subalit dahil nasa likuran si Zoien. Sa dalaga dumeretcho ang remote. Tumama iyon na mabilis niyang nasambot. Thanks to her fast reflexes.
Napahinga nang maluwag si Uno subalit agad na bumusangot at hinanap ang may gawa niyon.
"Hey! That wasn't nice! Muntik na kaming matamaan!" reklamo niya sa mga kasamahan na prente sa pagkakaupo sa living area. Tila walang pakialam ang mga ito.
Mas lalong nagusot ang mukha ni Uno. Kung pwede lang patayin ang mga ito sa tingin. Tiyak pinaglalamayan na ang mga ito.
"Wala kayong ugali talaga! Nakakahiya kayo sa bisita natin! Kailan ba kayo aayos! Mga g.go kayo!" singhal ni Uno na mabilis tinugunan ng dalawa.
"MAS G.GO KA DUDE!" Sigaw ng dalawa.
"Ah gano'n pala ah!" At iyon ang hudyat ng world war three!
Napailing na lamang si Zoien sa nasaksihan. Hindi pa siya makapasok sa loob dahil ayaw niyang madamay sa kaguluhan. Iba't ibang mga gamit ang nagliliparan. Nagbabatuhan ng mga gamit. Ang malinis na club room heto hindi na makilanlan pa.
'They are scary bunch.'
Tuluyan nang nakalimutan ang kaniyang presensya. Ito ba ang magiging kagrupo niya sa gagawing misyon? Tama nga kaya ang naging desisyon ni X na isama siya sa mga ito? Nagdadalawang isip na tuloy si Zoien kung papayag ba siya o hindi na sumama ang grupong ito.
Nasa gano'n siyang pwesto nang dumating ang iba pang myembro ng Xtherion. Nakatalikod si Zoien subalit alam niya ang paglapit ng dalawang presensya.
"Excuse me." Tawag pansin ng isa sa kanila kay Zoien. "You are blocking the way." Tinig iyon ng isang babae.
Dahan-dahan na lumingon si Zoien. Tumambad sa kaniya ang dalawang upper class. Parehong babae. Hindi pamilyar ang babaeng brown ang buhok na paalon-alon pa hanggang bewang niya iyon subalit ang katabi nitong babae ay pamilyar kay Zoien. Napangiti siya.
"You! What are you doing here?!" Singhal ni Friore. Gulat ang mababasa na may kasamang inis sa mukha nito. She can't accept the fact that a scholar is in front of them.
Napawi ang ngiti sa mapulang labi ni Zoien. Another of her haters. Ang daming may galit sa kaniya. She sighed. As if mapipiglan niya ang mga ito na kagalitan siya.
"I was invited to be here," tugon ni Zoien.
Nanatili namang tahimik si Devine. Pinili na makinig sa dalawang nasa kaniyang harapan. Lihim niyang pinagmasdan si Zoien. Kapansin-pansin ang itim nitong uniporme na tanging scholar lamang ang tanging maaring magsuot nito. That only mean the girl is a commoner. Subalit, sumagi rin sa kaniyang isipan ang sinabi nito na inimbitahan daw siya kaya siya nandito. Isa lang ang ibig sabihin niyon.
"Invited? At sino naman ang maglalakas na mag-imbita sa 'yo dito?!"
"Ako." Agaw atensyon sa kanila ng isang maskuladong boses.
Sabay na napatingin ang tatlong dalaga sa bagong dating. Bagot na bagot ang ekpresyon ng mukha ni Morgan habang tinatapik niya sa kanang balikat ang hawak na itim na folder.
"Agent X, Sir." Umayos ng tayo sina Devine at Friore. Sumaludo kay Morgan. Samantalang nanatiling nakatingin lamang sa kaniya si Zoien. Nando'n ang maraming katanungan sa mga mata nito.
Ngumisi si Morgan. Tinugunan niya ang formal na pagbati ng dalawang Xtherion bago binalingan si Zoien. "Mabuti at nakarating ka Agent Phoenix. Akala ko mabibigo si Uno na papuntahin ka rito."
Nang marinig ang sinabi ni Morgan nanlaki ang mata nina Devine at Friore. Mabilis na natuon ang mata kay Zoien. Hindi sila makapaniwala na ang sikat na S-class Agent na mula sa LIA ay nasa kanilang harapan. Wala sa itsura nito na siya si Pheonix.
Napabuga ng hangin si Zoien. Ramdam na niya ang bigat ng mga atensyon na hindi niya kailanman nagustuhan subalit sanay na siya.
"Are you sure, Uncle that I will be working with them?" Usisa ni Zoien.
Agad na napakuyom ng kamao si Friore sa narinig. Nando'n na naman ang pakiramdam na minamaliit sila nito.
"Of course. This mission will be their first ever field experience at nais ko na makita nila kung paano magtrabaho ang best agent na tulad mo. Well, you can't disagree anyway. Let's go. Sa loob na tayo mag-usap."
Tumabi si Zoien at pinauna ang Uncle Morgan niya hindi rin nalingid sa kaniyang paningin ang masamang tingin na pinupukol ni Friore. She ignored her.
Malawak pa ang ngisi ni Morgan. Ngayong nandito si Phoenix. Nakakatiyak siyang magiging exciting ang mga kasunod na mangyayari sa grupong hinahawakan niya. He opened the door at isang 'di kanais-nais na eksena ang sumalubong sa kaniya. Agad na napawi ang ngisi sa kaniyang mga labi.
Napailing naman si Devine sa nakita samantalang napabulong na lamang ng 'stupid trios' si Friore.
"WHAT THE MOTHER F-CKER ARE YOU ALL DOING!" dumagundong ang sigaw ni X sa buong club house na maging ang malapit na mga ibon ay nagsiliparan palayo dahil sa gulat.
Dahan-dahan na nag-angat ng tingin sina Uno. Napalunok dahil nakita nila ang nababalot ng sobrang itim na presensya si Morgan.
Nagyakapan ang tatlo na kanina ay magkakaaway. Isa lang ang nasa isip nila.
'They are doomed!'
-Itutuloy-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top