[23] MEET AGAIN
Chapter Twenty-Three
Nakatuon ang atensyon ni Zoien sa kanilang history professor na nagtuturo sa unahan. Isinusulat niya ang mahahalagang impormasyon sa kaniyang notebook.
"That's all for today. And, for your project in my subject. Well, this will be a group project dahil 30 kayo sa klase ko kaya 5 groups kayo consist of six members. You will summarize all the happening coming from the world war 1 to world war 2. Make sure the events are in chronological order and everything should be complete. Gamitin n'yo ang pagiging artisitic n'yo. sa paraan na maiintindihan at mabilis malaman ang lahat ng events na naganap noon. Are we clear? Good. Now for the groupings."
"Group 1... Solomon..."
"Group 2... Ibanez..."
At nagtuloy tuloy hanggang sa mapunta sa last group.
"For the last group. Lewis, Zambroza, Gomez, Vlanc, domiguez..."
Nag-apir sina Hawthorne, Christ at Huston. Magkakasama silang magkakaibigan na ikinatuwa nina Stella at Mellow.
"...and then Madrigal."
Subalit agad nawala ang ngiti sa labi ni Stella matapos marinig ang huling kagrupo nila. Mabilis niyang nilingon ang kinauupan nito. Nagsusulat ito sa notebook pero naramdaman ata na may nakamasid sa kaniya kaya nag-angat ito ng tingin at pasimpleng ngumiti matapos makita si Stella. Isang irap naman ang ganti ni Stella na ikinangiwi ni Zoien.
'Okay, what's her problem?' nakangiwing tanong ni Zoien sa isipan.
"That's all. I want every member to participate. Kayo na ang bahalang pumili ng leader ninyo. And also it's up to you kung kelan n'yo balak gawin ang project. Three weeks. That's all I can give. That's all. Dismiss." Pagkatapos ay umalis na ito.
"Gosh! Masaya na sana dahil magkakasama tayong lima but why her?" Nagpupuyos na pahayag ni Stella.
"I don't have problem with that. At least may extra na matalino sa grupo." Inayos ni Hawthorne ang sariling gamit.
Nagkibit-balikat si Mellow. "Likewise. As long as, group project natin ang aasikasuhin. Wala akong problema."
"Heh! This will be exciting." Pinagdaop ni Chris ang dalawang palad saka ikiniskis ang mga ito na siyang ikinaikot ng mata ni Mellow.
Samantalang nakatanggap sila ng isang matalim na tingin mula kay Stella.
"Don't look at us like that Stella. Wala akong problema kay Zoien. She's cool. So, I'm cool." Itinabi ni Huston ang history book na ginamit.
"Seriously? Kaibigan ko ba talaga kayo?"
"Come on! It's just a project? Stop making a big deal about it."-Christ
"Bahala nga kayo! Basta I won't talk to her!"
"If that's what you want. Kami na lang ang kakausap sa kaniya." - Hawthorne.
"Ugh! I'm starting to hate this project!"
..
"Yah! Sa lahat ng pwedeng pagpilian bakit sa bahay ko pa?! Are you all insane! No! Hindi ako papayag!" Pagmamaktol ni Stella.
Nagpaiwan ang kanilang grupo pagkatapos ng huling klase para pag-usapan ang planong gagawin para sa project kasama na roon ang venue. Nagbotohan sila kung kaninong bahay sila gagawa at ang nanalo ay sa bahay ni Stella.
"Na-uh!" Iiling na pahayag ni Hawthorne. "Majority won. You can't whine about it. Saka, ano bang masama kung sa bahay n'yo tayo gumawa?" Simpleng pahayag ng binata na ikinasang ayunan ng iba pa maliban kay Stella.
"W-Well..." Binalingan niya ang tahimik na si Zoien. Tumunghay ito sa kaniya kaya agad siyang nag-iwas ng tingin. "M-Magkakalat lang kayo sa bahay! So, no!"
"Eh? Ang dami n'yo namang maid kaya okay lang iyon," Puna ni Chris habang kinakalikot ang kaniyang phone.
"That's not an excuse! It's my house! So I have the means to object!"
"Okay, calm down, best. Kawawa ang stress cells mo," pagpapakalma ni Mellow.
"Come on, Stella. Alam mo na mas malawak ang bahay mo at malapit pa sa market kaysa sa amin, 'di ba? So, mas magandang choice talaga ang mansion n'yo. So, stop making a big deal about it. Napagkasunduan na ng lahat so no choice ka. As a leader, be a cooperate member." Seryosong pahayag ni Huston na ikinatahimik ni Stella. Laglag ang balikat siyang naupo.
"That settle it. So? sa Saturday tayo. Walang late." Binalingan ni Huston si Zoien. "Tutal nakuha ko na ang Cellphone number mo at pati na rin ang FB account mo. I'll message you the adress para hindi ka mahirapan." Nakangiti niyang turan.
"Sige. Aasahan ko 'yan. Wala na bang ibang kailangan pa?" Dagdag ni Zoien.
"Nah. Sa saturday na lang tayo mag-intindi. Right now. Uwi na tayong lahat. I'm really tired." Napapahikab na pahayag ni Huston.
"Same. Kulang ang tulog ko." Chris
"Then, what are we waiting for? Let's go home." - Hawthorne
Sabay-sabay silang lumabas ng room. Nakasimangot pa rin si Stella habang nakasunod sa mga kaibigan na nakikipag-usap kay Zoein.
"What's with the face?" Hawthorne
"Hmp!"
Napangiwi si Hawthorne matapos siyang irapan ng kaibigan.
"Come on, Stella stop acting like a child."
"I am not a child!"
"Oh, really? Eh, bakit ka ganyan?"
"Tsk. You won't understand."
"Ang alin?"
Tiningnan ni Stella ang likuran ng kinaiinisan niyang tao sa balat ng lupa.
"I hate that girl."
Sinundan ni Hawthorne ang tingin nito at mas lalong napangiwi.
"Okay. Hanggang kailan mo siya kakaayawan, Stella? I mean is... she's kind, thoughtful, friendly and pretty. Kung kikilalanin mo lang si Zoien. Masasabi mong she's actually great person. Why don't you try?" Pag-iinganyo ni Hawthorne.
They already talked with Zoien. Kahit na maikling oras lang ay alam nila na mabuti itong tao that's why they already warm up to her but aside from Stella.
"Halata nga. Mukhang gustong-gusto n'yo siya but hindi! Ibahin n'yo ako! I still hate her."
Napakamot ng pisngi si Hawthorne.
"Is that so? Hey... tell me ano bang ayaw mo sa kaniya? Bakit ang laki ng pagkadisgusto mo kay Zoien?" Sa tanong ni Hawthorne ay tumigil si Stella.
"Why? You're really asking me that? Isn't it obvious?"
Tumigil din si Hawthorne at pinagmasdan ang seryosong mukha ng kaniyang kaibigan.
"She's my no. 1 rival. That's why." Pagtatapos nito sa kaniyang pagsasalita at nilampasan si Thorn na nakatunganga.
'Rival? Seriously?' Pinagmasdan ni Hawthorne ang likuran ni Stella. 'She already labelled Zoien as her No. 1 rival. Grabe, hindi ko alam kung mamamangha ba ako o hindi eh pero I think this will be interesting to watch.' Ngising samo ng binata sa sarili bago ipinagpatuloy ang naudlot na paglalakad.
...
"Acchhoo!" Napasinghot-singhot si Zoien.
Malamig ang simoy ng gabi. She is currently walking back home. Not that she doesn't want to commute pero may nais siyang daanan bago umuwi.
Naisipan na rin niyang pumunta sa isang grocery store para bumili ng Yogurt ni Felt dahil paubos na ang stock nito sa Ref and some ingredients for making pancakes. Sinadya niyang damihan ng strawberry syrup. That's her favorite anyway.
But before she goes home... ay muli siyang tumigil sa isang shop. Isang malaking flower shop to be exact. Pamalagian siyang bumibisita dito tuwing hapon. Why? Because a special person is inside this store. She just wanted to see that person.
Pinagmasdan ni Zoien ang kaniyang wrist-watch. Exactly 7:00 pm ang sara ng store. During her observation she found out many information. Like all the personnel inside the store. The flower they made. The most selling one. And especially the time they open and close the shop.
"Here she comes." Bulong ni Zoien sa sarili at pasimpleng nagtago sa malapit na pole kung saan hindi siya makikita nito.
Isa-isa lumabas ang mga personnel ng store. Nagpaalam sa isa't isa bago naglakad paalis hanggang sa lumabas na ang kaniyang pinakahinihintay. A red brunette woman come out pagkatpos nitong patayin lahat ng ilaw sa store at i-secure ang shop.
Pasimpleng sinipat ni Zoein ang mukha nito. She's really pretty. No wonder Homer fell inlove with her. Namana rin ni Courtney ang taglay nitong kagandahan. Nagtungo ito sa isang black na kotse at sumakay doon and after a while nakalayo na ang sasakyan. Nakahinga ng maluwag si Zoien bago lumabas sa kaniyang pinagtataguan.
"Be safe." Bulong ng dalaga sa hangin bago lumihis ng daan pauwi sa kanilang subdivision. Doing some errand wasn't a waste of her time as long as she can watch over the both of them.
Tama. She's keeping an eye on Courtney and Crestisia. Homer's ex-wife. She already made her researches about them na nagmumukha na siyang stalker but she can't stop herself for doing so. Hindi siya mapapanatag hangga't hindi niya nakikitang safe ang mag-ina ni Homer.
She even used her robotics to keep an eye on them. Nakakatiyak siyang nasa paligid lamang si Arctus. Her canine A.I. Ito ang naka-assign kay Crestisia samantalang si Aegus her squirrel, is with Courtney. They are in stealth mode. Walang makakapansin sa kanilang presensya.
They may have animal feature but huwag palilinlang dahil they are equipped with deadly weapon. Zoien is known as a weapon maker after all. She is just taking advantage of her hidden talents useful for the benefits of others.
Naglakad pauwi si Zoien na may ngiti sa labi.
...
"Yeah. Yeah. I'll do my best. So, please stop nagging at me." Reklamo ni Felt habang kausap ang kaniyang manager sa kabilang linya.
Nakaupo siya sa sofa habang kumakain ng isang vegetable salad na gawa pa ni Zoien.
Her cousin always make some foods para kay Felt. Lalo pa na parehas silang busy sa school. It's a good thing Zoien always remember to do her duty before anything else. Felt was a bit disappointed dahil wala siyang butas na mahanap kay Zoien.
'What kind of person is she? Is she a monster? Paano niya nagagawang gawin nang sabay-sabay ang lahat ng gawaing-bahay. Being my maid and then school works. She even made excellent performance according to Sahara herself. Geez, out of this world ang babaeng iyon.' Nakangusong pahayag ni Felt.
[Hey Feltesia nakikinig ka pa ba?] Nabalik siya sa huwesyo dahil sa narinig.
"Y-Yes, Manager Kim. I'm listening."
[Really huh? Parang natahimik ka ata dyan?]
"I told you. Nakikinig ako. So, what is next?" Kumuha siya muli ng vegetable salad at isinawsaw sa mayo bago isinubo.
[As I was saying, may schedule ka ng bagong photoshoot mo. Advertisement under the Gouvachille Corp. this coming weekdays. Mga Three to four days iyon. I already called your dean na excuse ka sa klase. So, just ready yourself before that day, okay?]
Nagpakawala ng buntong hininga si Felt. "Gosh, it's too early, Manager Kim. Why do I have to prepare kung limang araw pa naman?"
[No! No! No! Feltesia Haines Torres! It's a big project! Hindi basta basta ito kaya umayos ka. Alam mo naman na kilala ang Gouvachille sa buong mundo! You should be proud na isa ka sa napiling model.]
"Oh really? Should I? If I know they are taking advantage of my popularity to make income and FYI manager sa pagkakatanda ko mas mataas pa rin ang Class ng Mondragon kumpara sa kanila."
Napabuntong hininga ang manager ni Felt. [Whatever Feltesia just do everything I said and please behave this time. Ayaw ko ng maulit pa ang nangyari dati. Makakasira iyon sa image mo. After all we don't want that do we?]
"Whatever, as long as they don't irritate me I'll behave but if gumawa sila ng bagay na ayaw ko. I'm sorry to say but I'll disobey."
[Geez, pinapasakit mo ang ulo ko. I think hindi ako nagkulang sa pagpapayo at nasabi ko na ang dapat sabihin kita na lang tayo sa Monday make sure na ready na ang stuff mo for four days. Okay? Ciao!]
Pinatay na nito ang tawag. "Tsk. Magiging busy na naman ako nito. I hope Jacob could come with me." Reklamo ni Felt. She hugged her knees saka kinuha ang remote para i-unmute ang TV. She's watching a cartoon. Phenias and Ferb.
Mayamaya ay narinig niya ang pagbukas ng nakakandadong pintuan. Binalingan niya ng tingin ang pinto. Bumukas iyon at pumasok ang nakangiting si Zoien na maraming bitbit na grocery bag.
"Oh? Hi Felt. Sorry na late ako ng uwi. Nag-meeting pa kami for our project." sabi nito bago nagtungo sa kusina para maghanda na ng kanilang hapunan.
"Nevermind. I don't really care kung mahuli ka ng uwi hangga't may pagkain sa ref that would be fine but on the other hand because Flare ask me to watch over you kaya sisitahin kita na napapadalas ata ang pagiging late mo sa pag-uwi. Does school works that hard for you?" Curious na tanong ni Felt.
Lumabas si Zoien mula sa kusina. Nagliwanag ang mukha ni Felt matapos makita ang bitbit nitong yogurt.
"It wasn't that hard. Kaya lang nagpatong-patong ang mga gawain at project kaya I'm quiet busy but i'll try na hindi ma-late next time. Paubos na 'yong stock mo, so, I bought some. Here!" Inilahad nito ang yugort.
Tiningnan muna ni Felt ang mukha ni Zoien bago bumuling sa hawak nitong yogurt. She hesitated at first but her craving's won. Kinuha niya ito sa kamay ni Zoien.
"Okay just make sure na palagi kang mag iiwan ng notes para alam ko kung nasaan ka and thanks for this. Saan galing ang perang pinambili mo? Don't tell me ginastos mo rito ang perang galing kay Uncle Homer?"
"I'll keep that in mind and about sa money. Actually eversince I turned fifteen I got my own income so there is no reason to accept money from Homer. I can perfectly manage on my own." Sabi ni Zoien na ikinaarko ng kilay ni Felt.
"Really and how is that? Do you have some business or maybe a job perhaps?" Curious niyang tanong.
"Hmn." Panandaliang napaisip si Zoien pero mabilis din itong ngmiti kay Felt. "It's a secret. Maghahanda na ako ng hapunan kaya huwag ka na magsyadong magpakabusog." Paalam nito bago nagtungo sa kusina.
A secret ha? Napabaling ng tingin si Felt sa hawak na yogurt.
'Just how many secret do you have, Zoienelle Mondragon? A high level achiever person. Almost perfect person. But I know she's hiding MORE. Who are you really? Curious na samo ni Felt sa sarili.
'What kind of secret are you still hiding aside from the fact that you are indeed Homer step daughter? Or the fact that your hiding your true identity? What is the realy you anyway?
Napailing si Felt.
Why am I even asking so many question about that hateful person? Binalingan ni Felt ang pintuan ng kusina. We are staying on the same house for the past months and yet I still don't know much about this girl aside from the only person who knew her real identity as Zoienielle Mondragon.
I'm really getting more curious. She's very calm but i got this intuition that she's doing something that she doesn't want anyone to know. Ano kaya iyon? Oh well... why do I even care. Psh.
Her phone vibrated. Binuksan niya ito at binasa. It was a message from Rossette reminding her about their overnight in Courtney's place. She texted her back saying she'll be there.
"What a hectic schedule. Hmn." Pumikit si Felt at nahiga sa sofa. Sumasakit ang kaniyang ulo.
...
Saturday. Sumapit na rin sa wakas ang napagkasunduang araw para gawin ang kanilang proyekto.
Ayon sa message na pinadala ni Huston ay 8 am ay dapat nasa bahay na ni Stella. Maagap na gumising si Zoien para tapusin ang gawaing bahay. Nagluto na rin siya ng extra para may makain si Felt mamayang tanghali.
Wala si Felt ngayon dahil lumabas ang buong royalties kagabi at nagovernight sa bahay nina Courtney but she'll be back in no time.
"I still got an hour. Well, I have to go then."
Kinuha niya ang lahat ng kakailanganin at sinilid sa isang mini backpack bago tuluyang bumaba. She even left a notes for Felt dahil iyon ay isa sa kasunduan nilang dalawa. After she made sure na secure ang bahay saka lamang siya naglakad patungo sa bahay ni Stella. Nagpapasamat si Zoien dahil malapit lamang iyon sa subdivision nila. Kaya sa halip na magcummute ay naisipan na lamang niya na lakarin iyon.
At syempre para na rin madaanan niya ang shop. That's her goal every morning. Kahit pa nagmumukha siyang stalker sa kaniyang ginagawa ay okay lang. Ilang kanto pa ay madadaanan na niya ang shop. Umupo siya sa malapit na bench Malapit siya shop. Window Walls ito kaya tanaw ang loob mula sa kaniyang pwesto. Wala pa ang kotse ni Crestisia ibig sabihin ay parating pa lamang iyon.
Pinagmasdan ni Zoien ang shop. Napapaligiran ang harapan ng shop ng iba't ibang halaman na ang iba ay imported pa. She waited for several minutes hanggang sa dalawanng kotse ang tumigil sa harapan na parking space. Both are familar to her. Unang lumabas si Crestisia. Tutok ang atensyon ni Zoien at may pagkamanghang nakatingin dito. Hanggang sa isang kahinahinalang lalake ang nakakuha ng kaniyang atensyon.
Napaismid ang dalaga. Ilang beses ba siyang makakaharap ng mga masasamang loob?
...
Abala si Crestisia sa pag-lalabas ng ilang flower mula sa likuran ng kotse nito kaya hindi niya pansin ang nagbabadyang panganib. Nakatalikod ito nang hablutin ng isang 'di kilalang lalaki ang kaniyang bag.
Napasigaw pa si Crestisia dahil sa gulat. Nahulog ang ilang mga bulaklak sa semento na natapakan ng lalaki bago itinahaw ang nakatagong baril.
Mabilis naman na lumabas ang sakay ng kabilang kotse na walang iba kundi sina Alisa at Xenon para daluhan si Crestisia na nakatulalang nakatingin sa lalaking nasa harapan. Walang masyadong tao sa parking area na iyon at masyadong silang malayo para may makakita sa kanila.
"Auntie!"
"Auntie Crest!"
Sabay na agaw atensyon ng dalawang kabataan subalit napahinto nang lumipat sa kanila ang pagkatutok ng baril.
"Diyan lang kayo! Kundi Babarilin ko kayo!" Giit nito.
Naghitatakutan sila. Maging si Crestisia ay hindi gumalaw. Isang maling kilos lang ay maaring kanilang ikapahamak.
Pumaunahan si Xenon at hinila sa likuran si Alisa.
"Manong huminahon ka muna. Wala kaming gagawing masama."
"Tumahimik ka! Akina pera ninyo! Bilis!" Nagmamadaling pahayag nito. Sumigaw pa na ikinatakot ni Alisa.
"Sige. Ibibigay namin. Pero pakiusap huwag mo kaming sasaktan." Mahinahaon pahayag ni Xenon na ikinatango ni Crestisia.
Dapat maging kalmado sila at sundin lahat ng demand ng lalake para hindi sila masaktan. Money can be earned but not life.
Kinuha nina Xenon at Alisa ang kanilang wallet na mabilis na hinablot ito ng lalake hindi inaalis ang pagkatutok ng baril.
"Doon kayo!" Turo niya sa dereksyon ni Crestisiya.
Mabilis na sumunod ang dalawa. Niyakap ni Crestisia ang takot na si Alisa at itinago ni Xenon ang dalawang babae sa kaniyang likuran habang hindi inaalis ang atensyon sa manong na nasa harapan.
Pansin ng binata ang pagtagaktak ng pawis ng holdaper at nanginginig ang kamay na nakahawak sa baril. He is hyperventilating. Maya't maya rin ang iling ng ulo nito.
Is he suffering from mental disorder? His eyes are dilated. This isn't good.
"S-susi. Ibigay mo ang susi ng kotse mo! Bilis!"
Kinuha ni Xenon ang susi ng kaniyang kotse at agarang ibinigay iyon.
"Here's my key."
Nagpupungay ang mata ng lalaki. Kinuha niya ang susi at tumalikod. They almost thought the man ignore them but they we're wrong.
Humarap muli sa kanila ang magnanakaw. Itinaas ang baril. They we're terrified. Iniharang ni Xenon ang sarili upang protektahan ang mga kasama.
Bang!
Bang!
Blaag!
Crash!
Dalawang putok ng baril ang umalingawngaw sa buong parking space. Maging ang pagkabasag ng salamin ng kotse. Napapikit sina Xenon subalit hindi sila nasaktan.
"Aaaaahhhh! Ang kamay ko! Putakte!" Napamulat sila matapos marinig ang nasasaktang daing ng lalakeng holdaper.
Nakita nilang nakalugmok ang manong sa semento. hawak nito ang duguan nitong kamay. Wala ang hawak nitong baril. Tumalsik iyon dalawang metro ang layo. Kapansin-pansin din ang isang malaking bato sa paanan ng lalaku. May bahid iyon ng dugo.
Pilit na tumayo ang lalaki at balak na muling hawakan ang baril ng may umapak niyon. Napatigil siya sa pagkuha ng kaniyang baril. Nakatitig sa isang white sneakers.
"Tigilan mo na ang ginagawa mo, Manong."
Tumunghay ang gulat na magnanakaw. Isang babaeng nakacap ang nakita niya. Seryoso ang mukhang nakatitig sa kaniya. Dahan-dahan siyang tumayo sapo ang kanang kamay. Patuloy ang pag-iling ng ulo. He is suffering from epileptic. Ngumisi ang magnanakaw.
"Sasagipin mo ang mga oligarkiyang tulad nila? Salot sila sa lipunang ating kinabibilangan. Pinagkakakitaan nila ang mahihirap na tulad ko. Pagkatapos pagsawaan at kunin ang pakay nila ay basta nalang itatapon. Parang basurang walang pakinabang." Nagngingitngit ang mga bagang niyang pahayag. "Masama sila. Kailangan nilang mawala! Ang mga matataas na tao, hinding hindi sila yuyuko sa mga tulad ko." Palihim na kinuha ng lalake ang patalim sa kaniyang bulsa at binalingan sina Xenon na nanonood lamang. "Dahil sa kanila. Nawala ang pamilya ko! Kailangan nilang magbayad!"
Tumakbo ang magnanakaw sa dereksyon ng pakay. Inamba ang patalim handang manaksak!
Ngunit, sa ikalawang pagkakataon, nabigo siya sa pakay. May sumipa sa likuran ng kaniyang mga tuhod na siyang ikinabagsak niya sa semento. Muli, nabitawan niya ang kutsilyo. Tumalsik iyon sa ilalim ng sasakyan. Malayo sa kaniya.
"Naiintindihan ko ang hinanakit ninyo Manong pero hindi sa ganitong paraan masusulusyunan ang lahat. Maaring nawalan kayo dahil sa mga taong mas makapangyarihan sa inyo subalit kung ipagpapatuloy n'yo ang ganitong pamamaraan ay maging kayo ay matatalo sa huli."
Nagsidatingan ang mga security na guard matapos marinig ang dalawang putok ng baril ay kanilang hinanap iyon. Sa parking area. Nakita nila ang isang lalaking nakahiga sa semento. May half mask sa mukha. Sa itsura pa lamang ay ito ang salarin.
Dinakip ang lalaki. Kinuha ang baril maging ang kutsilyo upang gawing ebidensya sa attempted robbery and murder. Nakamasid lamang sila sa paglayo nito hanggang sa nawala na sila.
He's also sick. Maaring mabawasan ang hatol sa kaniya. Samo ni Zoien sa sarili bago binalingan sina si Xenon. Kinuha niya ang mga gamit na balak nakawin ng lalake.
Napangiti siya nang mapait. Because of this, he will be sent in jail. Napakaliit na bagay subalit malaki ang kapalit. Almost half of his life will be waste in prison. Nagpakawala siya ng buntong hininga bago nilapitan ang may-ari ng hawak niyang mga gamit.
Maya-maya ay may darating na pulis upang magimbestiga. She has to go before that happen.
Unang napansin ni Xenon ang paglapit ng dalaga. Nakasuot ito ng itim na cap kaya hindi maaninag ang mukha ng dalaga. He was actually amaze by how she handle the holdaper who tried to kill them. Compare to him. He was stuck like a log in place.
Palapit ito nang palapit sa kanila and then he realised she was someone they know.
Agad na napatayo sa kinauupuan si Xenon. Sinalubong niya ito.
"Z-Zoien?" Gulat niyang bulalas na nakaagaw sa atensyon nina Alisa at Crestisia. They both look at the person.
Inalis ni Zoien ang suot na sombrero. Revealing her smiling face.
"Hello. Umn, I'm really sorry for butting in like that a while ago I just did what I had to do." Paliwanag niya pagkatapos tumigil sa harapan ng tatlo. "Ow. And here your stuff that he tried to snatch away." Inalahad niya iyon na inabot ni Xenon.
He was speechless. "W-Wow." Napakamot ng batok ang binata. "Thank you. Really. You are amazing back there," Dagdag niya.
"Don't mention it. I'm happy to help. You're not hurt right?" Tanong niya. Then she looks at Alisa and Crestisia. "How about the both of you? Everything's okay?"
Napangiti sila. They we're relief. If she didn't show up. Worst could happen.
"Nothing we can't handle, Iha. Thank you so much for saving us. We owe you." Tumayo si Crestisia sa pagkakaupo at nilapitan si Zoien upang yakapin.
Nagulat man si Zoien sa biglang pagyakap nito ay ginantihan niya ang higpit ng pagkakayakap sa kaniya. Alisa also mumbled thank you to Zoien she nooded her head.
Crestesia smells like Lavender. Bulong niya sa sarili bago tuluyang kumawala sa yakap nito.
"By the way, Iha. You can call me Auntie Crest."
"O-of course po kung iyon ang gusto n'yo. You should be more careful nowadays mas lalong mapangnib ang paligid."
"Yeah. We will but what are you doing in here, Zoien?" Singit ni Alisa.
As if on cue Zoien's phone rang. Agad niya iyong kinuha mula sa kaniyang bulsa. It was Huston. She answered the call.
"Hello, Huston--" Naputol ang sasabihin ni Zoien nang sumingit ang nasa kabilang linya.
"Where the hell are you?! Diba't 8 ang usapan! 8:05 na po! Nandito na po kaming lahat at ikaw na lang ang hinihintay! My gosh! Wala ka bang orasan ha! Come on! Bilis bilisan mo! Huwag kang pa VIP dyan! Good bye!"
Napamaang si Zoien matapos siyang pagpatayan nito ng tawag. Sa halip na si Huston ang sumagot ay boses ni Stella iyon. Galit ito.
Napabuntong hininga ang dalaga bago binalingan ang tatlong pigurang naghihintay sa kaniyang tugon. She smiled apologetically.
"I'm actually going somewhere right now. Pasensya na po talaga. We can talk some other day." Nahihiyang pahayag niya na naintindihan naman nila Xenon.
"Well there's nothing we can do about that but..." Ngumiti si Crestia "...may utang kang dinner with me okay? I hope you won't forget."
Tumango si Zoien. "I won't forget. Umn. I have to go. See you na lang po sa susunod," Pagkatapos magpaalam ay nagmadaling umalis si Zoien.
Nagkatinginan ang tatlong naiwan. Samantala isang ngiti ang namutawi sa labi ni Crestia. What an interesting girl like someone I knew.
"What a surprising start of our day. Hmn. Let's go na. Marami pa tayong aasikasuhin sa loob and again thank you for helping my store every weekend." Aya niya sa dalawang kasama. They continue their work and eventually forgotten their misfortune atleast no one is hurt, that's all matters.
-Itutuloy-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top