[22] TITANIA DRIOS
What is there to see? If your eyes are close; tightly closed, you can't even decern lies from the truth.
Chapter Twenty-Two
(L.I.A. MAIN HEADQUARTER)
Pinagmasdan nang mabuti ni Andrei ang mga larawang kaniyang idinikit sa white board. Masusi niyang pinag-aralan ang mga ito.
Maingat niya inilagay sa tamang pagkakasunod-sunod ang bawat larawan. Mula sa lebel na may pinakamataas na puwesto pababa.
Si Xorak Drios. Ang kinikilalang pinuno ng WEB. Ang organisasyong, matagal nang tinutigis ng sandatahang batas. Mula sa gobyerno at maging sa mga pribadong sektor.
Siya rin ang itinuturing na mahigpit na kalaban ng konseho. Hindi na mabilang kung ilang buhay ang nasawi dahil sa kaniya. Wala siyang awa. Kayang-kayang wasakin ni Xorak ang isang bansa kung gugustuhin man niya.
Siya rin ang kinikilalang founder ng mga criminal guild sa buong mundo. They referred him as the big threat to humanity. Mataas ang pabuya ng kung sino man ang makakapatay sa most wanted criminal in the world.
Ang tanong, may makakapatay nga kaya kay Xorak kung ang mismong konseho nahihirapan siyang matunton.
'Tsk. What a troublesome man.' Iling niyang pahayag.
Dumako ang tingin niya sa mga kasunod pang mga larawan. Nakalinya pahalang ang mga ito. Sa mismong ibaba ng larawan ni Xorak ang labing-dalawang larawan.
Sila ang mga tinatawag na Rulers. Ang itinalaga at pinagkakatiwalaang alagad ni Xorak. Ang mga ito ay pinuno ng iba't ibang league. 12 unknown league located somewhere.
Pinatok ni Andrei ang hawak na ballpen sa ibabaw ng lamesa. Lumikha iyon ng ingay sa tahimik niyang opisina.
Tak!
Malalim siyang nag-iisip.
Tak!
Dumako sa ilalim ng mga Rulers ang mapag-alisa niyang mga mata. Nakahilera ang sampong larawan ng mga kabataan.
Tak!
Ang kinikilalang Elite Warriors. Sila ang resulta ng human experiment. The WEB strongest human weapon.
Kusang nagsitindigan ang mga balahibo sa katawan ni Andrei. Naalala niya ang naging laban nila ni Midnight nang gabing iyon. Muntik na siyang mamatay. Nangilabot siya sa isiping iyon.
Hindi niya namalayan naglakbay ang isa niyang kamay sa tiyan kung saan hanggang ngayon hindi pa naghihilom ang pinsalang binigay ni Midnight.
Malalim ang hiwa sa kaniyang tiyan. Hindi siya makapaniwala na maraming namatay sa pamamagitan lamang ng isang cutter.
Mas napatunayan ang kakanyahang espesyal na abilidad ng isang Elite warrior. Lalo at higit sa lahat, mas nadaragdagan ang pisikal nilang kapabilidad dahil sa X-syrup.
Ang likido na iyon ang puno't dulo.
Ang akala nila matagal nang napigilan ang malakihang paggamit nito. Lalo na ang malawakang produksyon. Doon sila nagkamali. Sumagi sa isipan ni Andrei ang nahawakan nilang kaso noon kung kailan kasama pa nila si Homer.
Ang kaso tungkol sa lihim na eksperimento kung saan halos nasa isang daang bata ang nasawi. Ang WEB ang pangunahing salarin.
Ang unang batch ng human experiment sa pangunguna ng evil scientist na si Dr. Iñigo Bane. Ang baliw na syentipikong nais isakatuparan ang matagumpay na paglikha sa X-syrup.
Sa kabutihang palad, namatay ang nasabing syentipiko sa sagupaan pagitan ng WEB at LIA noon. Akala nila, do'n na matatapos ang lahat.
Subalit, Mukhang may taong nagpatuloy ng nasimulan na eksperemento. Napagtagumpayan nilang gawin ang X-syrup na siyang ugat sa paglikha ng ekstraorsinaryong mga kabataan. Na binansagang Elites Warriors.
Nagpakawala ng buntong hininga si Andrei.
Kahit papano, nabawasan sila ng dalawang myembro dahil sa pagkawala nina Midnight at Rapist.
Kung hindi dahil sa Retainer's liquid na likha ni Zoien, tiyak nakabaon na siya sa sarili niyang puntod.
Malaki nga ang naitulong ng blue syrup. Ang naiwan ng sikat na Doctor sa buong mundo na si Zephanie Alvira. Sa kasamaang palad, naging biktima rin ito ng karahasan ng evil organisation.
Bago siya namatay, sinira niya ang lahat ng impormasyon tungkol sa nadiskubreng gamot.
Subalit...
Iniwan niya ang sekreto sa paggawa sa isa pa niyang anak na himalang nakaligtas mula sa WEB.
Siya lamang ang may kakayahan na likhain ito. Ang tanging panlaban nila sa alas ng WEB. Hangga't nandyan si Zoien. May pag-asa pa silang manalo laban sa kanila. Tama.
May pag-asa pa.
Napahilamos na lamang si Andrei sa kaniyang mukha. Sumasakit ang ulo sa sobrang pag-iisip.
They need further information about these people. Hindi maaring malagay sa wala ang mga nakalap nila. Malaki ang maitutulong nito upang matunton ang pinagtataguan ng main headquarters ng WEB.
Kailangan silang mapigilan sa lalo't madaling panahon!
"Waaahhhhhh!!!"
Muntikan nang mahulog sa kinauupuan si Andrei dahil sa sigaw na iyon. Naantala nito ang kaniyang pag-aalisa. Napahilot siya sa kaniyang sentido.
"Sino ba ang walanghiyang maingay na 'yon? Wagas makasigaw. May concert lang.' Naiinis na samo niya sa isipan.
Lumabas si Andrei sa kaniyang opisina. Gano'n din ang ginawa ng ilang LIA employee.
Hinahanap rin kung sino ang may ari ng nakakaistorbong tinig.
"Patawad na po Uncle! Hindi na mauulit! Masakit na!" daing nito.
Napangiwi at napailing sila nang marinig ang nagmamakaawang tinig ni Ivan.
Tiyak na pinaparusahan ito ng Don.
Nagsipagbalikan na sila sa kaniya-kaniyang gawain. Samantalang nagtungo sa opisina ng Don si Andrei upang masaksihan ang kasawiang palad ng kaniyang kaibigan.
Kumatok siya ng tatlong beses bago pumasok.
"Kasalanan mo kung bakit kita pinarurusahan Ivan. Tiisin mo iyan." Walang pakialam na sambit ng Don habang umiinom ng tsaa. Dumako ang kaniyang tingin sa bagong dating. "Oh! Andrei ikaw pala. Nandito ka ba para saksihan ang pagpaparusa ko kay Ivan?"
Napakamot sa batok si Andrei. 'Sadista talaga kahit na kailan.'
"Dude! Help! Masakit na tuhod ko!" Pagmamakaawa ni Ivan.
Nakaluhod siya sa bilao na may mga monggo.
'Mabuti hindi asin. Kundi kanina pa sana dumugo ang dalawang tuhod ni Ivan'
Tunay ngang masakit magparusa ang Don sa tradisyunal na paraan. Ganiyan ang madalas na pagdidisiplinang pinaranas sa kanila noong mga paslit pa lamang sila.
"Pasensya na Dude. Gusto kitang tulungan ang kaso..." Binalingan ni Andrei ang matandang Don. "...mahal ko pa buhay ko. Kaya mo yan! Cheer kita!" Pagpapalakas-loob niya dito.
"Walang hiya! Napakabait mo talaga kahit na kailan! Asan na 'yong 'One for all at all for one' motto natin!"
"Peace tayo." Naupo sa bakanteng sofa si Andrei.
Tiningnan ng Don ang kaniyang golden watch niya.
"Mayro'n ka pang natitirang 18 minuto. Kaya kung ako sa 'yo... itikom mo ang bibig mo. I want to savor my Jasmine tea... that is, if you don't mind." Natutop ang bibig ni Ivan dahil alam niyang may kasamang banta ang sinabi nito.
Natuwa ang Don. "Good! Ayaw ko nang mauulit pa ang ganito Ivan. Iginagalang ko ang pagiging tapat na asawa mo kay Hannah. Ngunit, ang sa akin lang, naiisantabi mo ang responsibilidad mo."Mabigat ang bawat salitang binitiwan nito.
Natahimik ang magkaibigan. Handang makinig sa muling pangaral ng Don Sevastian.
"Marami ang mawawala dahil lamang sa isang pagkakamali. Walang paraan upang ibalik kung anuman ang kahihinatnan nito. Tandaan n'yo na malaki ang responsibilidad na nakaatang sa inyong mga balikat. Once you lost track of it, something worst could happen. I wanted you to be aware that we are always at war. You should not forget the difficulty were in right now. Am I clear?"
Napalitan ng pagkaseryoso ang mukha ng dalawa. Alam nila ang bigat ng kanilang responsibilidad. Marami ang nakasalalay. Buhay ng nakararami. Hindi lang sarili nila ang nakataya kundi kaligtasan ng lahat.
"Yes. Head council."
Tumango ang Don sa narinig. "Very well. Tutal nakabalik ka na, Ivan. I have a case for you " Kinuha niya ang isang black folder. Ipinatong sa lamesang bubog. Sa mismong kaharap ni Ivan.
Ngumiwi ng lihim ang lalaki. Isang parusa na naman. Trabaho agad-agad. Walang balak na siya'y pagpahingahin ng Don.
"Nais kong imbestigahan mo ang kaso ng mga nawawalang personalidad. This grown concerns to a lot of people. Maging ang buong konseho ay malaki ang hinalang may koneksyon ang pagkawala ng bawat isa. Ikaw na ang bahala kung paanong imbestigasyon ang gagawin ng iyong Team. I need the result as soon as possible." Binalingan niyang muli si Ivan. "Nagkakaintindihan ba tayo, Ivan?"
"Yes, Head Council. Ako na pong bahala." Tumango si Sevastian.
"9 minutes " Dagdag niyang paalala na siyang ikinangiwi ni Ivan. Nais na niyang alisin ang mga monggong bumabaon sa kaniyang mga tuhod. Napakasakit niyon.
"Nasaan nga pala ang asawa mo? Ang sabi ni Director Holstein, day off niya ngayon?" Usisa muli ng Don bago humigop sa tsaa.
Inalala ni Ivan ang sinabi ni Hannah sa kaniya bago sila naghiwalay kaninang umaga.
"Oh... she said she'll visit someone."
...
May bitbit na lily flowers si Hannah. Pumasok siya sa bukana ng arko ng Saint Michael Cemetery. Isang pribadong sementeryo.
Banayad ang ihip ng hangin. Nanunuot ang katamtamang lamig nito sa kaniyang balat. Kapansin-pansin ang magandang kapaligiran. Napakalinis. Nakahilera sa tig-kabilang tabi ang mga pine tress. Hindi kalaguan ang bermuda grass.
Pumasok siya sa isang santuary. Kung saan nakahimlay ang isang kaibigan.
Matagal na panahon na rin ang nakalipas, buhat ng huli niyang binisita ito. Masyado siyang naging busy dahil sa trabaho at sa pamilya.
Ngumiti si Hannah. Ipinatong ang hawak na bulaklak sa ibabaw ng marmol na puntod.
Kaniyang sinalat ang nakasulat sa lapida.
"In memories of Titania Drios. A good daughter and loving friend. May your soul rest in peace."
Labimpitong taon na ang nakalipas. Hanggang ngayon palaisipan sa kanilang lahat ang kamatayan ni Tania.
She was bruttally killed. No mercy. Malapit na silang makapagtapos sa koleheyo noon. Bigla na lamang naglaho si Tania. Isang taon itong nawala.
No one know why she left. Where she stayed or when will she come back.
Nagulantang na lamang sila nang mapabalita na patay na ito.
They were all devastated. They all loved her. She's a good friend. Lovable, kind, charming and she never harm anyone.
Nagpakawala ng buntong hininga si Hannah. Nag-alay ng dasal pagkatapos ay tumayo na siya. Binigyan ng huling tingin ang puntod ni Tania bago tumalikod at naglakad paalis sa sementeryo.
Sumalubong sa kaniya ang malamyos na simoy ng hangin tila niyayakap siya nito.Lihim na napangiti si Hannah.
"I'll visit again," bulong niya sa hangin bago tuluyang lumisan.
Mula sa tagong parte ng sementeryo lumabas sa pinagtataguan ang isang 'di kilalang lalaki. May peklat ito sa noo pababa sa pisngi.
Pinagmasdan niya ang paglisan ng babae hanggang sa tuluyan na itong nawala sa kaniyang paningin.
Nilapitan niya ang puntod. Ngumiti siya nang mapait.
"Young Lady, looks like you made a great friend," samo niya bago ipinatong ang isang lotus flower sa tabi ng lilies. Ang dalawang uri ng bulaklak na paborito ng kaniyang amo.
"Pinapangako ko. Pagbabayarin ko ang lahat ng may kasalanan sa 'yong pagkamatay. Itataya ko ang sarili kong buhay. Makamit ko lang ang hustisya para sa 'yo." Pansamantala siyang yumuko bilang pagbibigay galang bago umalis baon ang bagong layunin.
Ang paghihiganti.
-Itutuloy-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top