[21] ELITE WARRIOR: VAUGH SIBLINGS

AN: [MATURE CONTENT]
May mga marahas na eksena.
Pinag-iingat kayo ni Author.

"Define evil..."

Chapter Twenty-One:

          Umugong ang malakas na pagkabagsak ng isang lalaki sa pinagsama-samang balde na yari sa metal. Nagsipagkalat ang laman nitong asido. Tumapon sa kaniyang katawan.

Napasigaw siya sa sobrang sakit na naramdaman. Mabilis na nalapnos ang kaniyang balat. Lantad ang sariwang laman. Laylay ang balat. Sumama ang dugo. Tumutulo sa maruming sahig.

Patuloy ang paghiyaw sa sakit ng kawawang nilalang. Namimilipit. Pumapalahaw. Umiiyak. Pati sariling uhog humalo na sa sariling pawis.

Habang nangingiti naman, sa isang tabi sina Phyton at Shellon.

Nasisiyahan ang dalawa sa kanilang nasasaksihan. Isang live show. Gustong-gusto nilang nakikitang may nasasaktan. Ang takot sa mukha ng lalaki. Napakagandang pakiramdam ang hatid ng nakakatuwang ekspresyon sa mukha nito. Walang papantay.

Nawala na ang tapang at kayabangan. Mabilis na napalitan ng sobrang sindak at takot.

Napakagat labi si Shellon. Nangangati ang mga kamay. Nais niyang maramdaman ang laman ng lalaki. Gustong-gusto niyang ilublob ang ulo nito sa bathtub na pinaninirahan ng alaga niyang pirahna. Sayang ang laman ng binata. Maari pa itong pakinabangan.

"Kuya... pwede bang ipaubaya mo sa akin ang lalaking iyan? Sayang naman kung mamatay lamang siya sa asido mo. Gusto ko sana siyang gawing pakain sa mga alaga ko? Please?" Pinagdaop ng dalaga ang kaniyang mga palad. Nagpapaawa sa katabi. Determinado siyang makuha ang lalaki. Tiyak kasi nagugutom na ang mga alaga niya.

Nagpakawala ng buntong hininga si Phyton. Kapag ganito ang ginagawang pagpapaawa ng kaniyang kapatid. Wala siyang magagawa kundi ang palaging pagbigyan ang babae.

"Kukunin mo ulit ang koleksyon ko. Noong nakaraan, pinagbigyan kita. Kun'di lang kita kapatid baka isinilid na kita sa container na punong-puno ng asido. Kaya pasalamat ka talaga dahil magkadugo tayo. Tsk!" Labag sa kaloobang pagsuko ni Phyton na siyang ikinasiya ni Shellon. Malawak ang ngiti nitong nilapitan ang kapatid at niyakap.

"Maraming salamat Kuya! Kaya love na love kita." Panlalambing nito na ikinaasiwa ni Phyton. Ayaw niya sa drama. Lalo na ang taong clingy.

Pinuputol niya ang kahit na anong parte ng taong lumalapat sa kaniyang katawan.

Tanging si Shellon lamang ang hinahayaan niyang makalapit sa kaniya.

"Aaahh. Tulooonnggg! A-Ang sakiiitttt! Napakahapdi!!! Ang aking muuukkhhhaaa!!!" agaw atensyon ng naghihingalong lalaki.

Sabay na ngumisi ang magkapatid. Hinugot ni Phyton ang kaniyang samurai.

"Akin ang kaniyang ulo." Balak pa sanang umangal ni Shellon subalit agad nang nagsalita si phyton. "Sa 'yo na ang katawan. Dapat pasalamatan mo ako dahil ulo lamang ng lalaki na iyan ang kukunin ko bilang momento."

Napapadyak si Shellon. "Sige! Payag na ako. Basta malaki ang parte ko. Wala tayong pag-aawayan." Kinuha niya ang dalawang dagger. Nakaipit iyon sa loob ng stocking niya. Sa may bandang binti. "Game ka na?"

Umukit ang isang nakakalokong ngisi sa mukha ng magkapatid. Mukhang angel subalit may magpaka-demonyo ang budhi. Marami silang nalilinlang dahil sa kanilang katangiang pang-pisikal. Hindi aakalain, na pareho silang mamatay tao. Magkapatid na psychopath.

"Ano pang hinihintay natin mahal kong kapatid? Andyan na ang masarap na putaheng papawi sa uhaw nating kaluluwa." Dinilaan ni Phyton ang talim ng kaniyang sandata habang ang mga mata'y nakatuon sa nakalaugmok na lalaki. Namimilipit sa sakit.

"Ewww! Don't lick your sword! Nakakadiri ka, Kuya." Umiral ang pagkamaarte ni Shellon na ikinabusangot ng mukha ni Phyton.

"Huwag kang manira ng diskarte. Napapanood ko kasi sa anime 'yong gano'n. Gusto ko i'try. Ang astig kaya!" Napaikot ng mga mata si Shellon.

"Oh shut up!" Irita niyang pahayag sabay mabilis na inihagis ang isang dagger.

Bumaon ang talim nito sa likuran ng paalis na lalaki. Malapit na ito sa labasan ng abandunadong gusali. Balak tumakas.

"You can't escape. Kahit makalabas ka mula sa gusaling ito. Bubungad naman sa 'yo ang malawak na kagubatan. Nagtanim kami ng maraming patibong sa buong paligid. Makatakas ka man sa amin, wala ka pa ring ligtas. Kaawa-awang nilalang."

Naghihingalo ang lalaki. Nakadapa ito. Subalit pilit pa rin na gumagapang patungo sa labasan. Nag-iiwan ng bakas ng dugo sa semento.

Napailing ang dalawa sa nakita. Ilang beses na ba nilang nasaksihan ang tulad nito? Determinadong mabuhay, hangga't may buhay mag pag-asa.

Kalokohan! Iyon ang nasa isipan ng dalawa. Ang mahina, habambuhay na magiging mahina. Hindi sapat na malakas o matibay ang pundasyon ng isipan. Positibong pag-iisip? Matutulungan ba sila niyon?

Nilapitan ni Phyton ang lalaki. Yumukod at marahas na sinabunutan ito.

"Aack!" Halos mabunot ang buhok nito kasama ang anit. Umaagos ang sariwang dugo sa mukha. Hindi na makilanlan.

Ngumisi si Phyton. Inilapat niya ang talim ng espada sa leeg ng lalaki.

Tumaas-baba ang adams apple. Dinadaga ang dibdib sa takot at kaba. Alam niyang hindi siya bubuhayin ng dalawa. Katapusan na niya.

Lumapit sa likuran si Shellon. Walang pag-aalinlangan na hinugot ang nakabaon na dagger niya sa likuran ng lalaki.

"A-Aah! A-Ang sakit na! B...b-akit niyo ba ito ginagawa? May nagawa ba akong mali sa inyo!" Lumuha na siya sa sobrang takot. Patuloy na dumaloy ang pinagsamahang dugo at pawis sa kaniyang katawan.

Natigilan ang magkapatid sa narinig. Panandaliang nag-isip.

"Bakit nga ba, Kuya?" Parang bata na usisa ni Shellon kay Phyton.

"Aba malay ko. He went to the wrong place at the wrong time. Malas niya." Inilapit ni Phyton ang mukha sa lalaki. "Sisihin mo ang sarili mo. Ikaw ang may kasalanan kung bakit ka naririto ngayon. Paalam." Ginilitan ni Phyton ang leeg ng lalaki. Pawang nagkakatay lamang siya ng manok.

Umikot ang mga mata ng lalaki sa talukap ng mga mata. Nakabuka ang bibig na dinadaluyan ng masaganang dugo. Nagtatalsilkan iyon. Walang pakialam ang magkapatid kahit na marumihan silang dalawa.

Mas natuwa pa sila. Patuloy lamang ang paglagari nI Phyton. Pati buto sa leeg kaniyang pinutol hanggang sa mapagtagumpayan niyang naihiwalay ang ulo at katawan. Nangingisay pa ang katawang naiwan.

"Finished. This is mine." Itinaas pa niya ang lapnos na ulo. Ipinakita sa kapatid.

"Yeah. Whatever kuya. Basta sa akin ang katawan niya. Tiyak na matutuwa ang mga alaga ko." Napapalakpak pa si Shellon. Marahan niyang sinipa ang katawan. "Sayang tipo pa man din kita ang kaso mas mahalaga ang pagkain ng mga alaga ko. Kaya sorry ka na lang." Ngumisi si shellon. Umupo. Tinahaw ang mga patalim. Gagamitin niya upang Gugutay-gutayin ang pugot na katawan.

"Mauna na ako sa 'yo. Kailangan ma-i-preserba ang ulong bitbit ko."

"Alis na! Naiistorbo mo ako." Pagtataboy ng dalaga. Umasim ang mukha ni Phyton.

Wala siyang nagawa kundi ang iwan ang kapatid niya sa butcher house bago naglakad patungo sa kanilang mansion.

Nasa malayo pa lamang. Natanaw na ng binata ang isang pamilyar na pigurang naghihintay sa bukana ng mansion.

Tumigil si Phyton. "Anong ginagawa ng isa sa mga Rulers sa tahanan ng mga elites. Ha, Scorpion?" Seryoso niyang pahayag sa lalaking nasa harapan. Tiningnan nito ang hawak na ulo ni Phyton.

"Isn't that Kenneth Villaus? The famous model? Nandito lang pala siya. Pinapahanap siya ng kaniyang pamilya na halos baliktarin nila ang bansang Pilipinas mahanap lamang ang kanilang anak. Pinatay mo siya?"

"Tsk! Wala akong pakialam kahit popular na tao ang lalaking ito. At obvious naman na patay na talaga siya. Hawak ko nga ang kaniyang ulo 'di ba? Bulag lang, pare? Tsk.Pinatay namin siya." Pagdidiin ni Phyton na ikinakibit balikat ni Scorpion. "Idagdag pa, wala kaming balak ibigay sa kanila ang labi ng lalaking ito. Mahihirapan silang hanapin ang taong patay na." Nakakapangilabot ang ngiti ni Phyton.

Ang magkapatid na Vaugh. Huwag na huwag silang babanggain. Walang pakundangan silang pumatay. Sadistic Psycopaths.

"Not that it concern me anyway. Bahala kayo sa kung anong gusto ninyong gawin.Dinalaw ko lang si Dice para ipaalam sa kaniya na patay na sina Midnight at Rapist. Nabulilyaso ulit ang isa ko pang pinagkakakitaan. Tutal nagawa ko na ang pakay ko, kaya aalis na ako. Paalala lang. Mag-ingat kayo. Hindi basta-basta ang ating kalaban." Tumalikod na si Scorpion. Pinagmasdan lamang ni Phyton ang likuran nito. Maya-maya, tumaas ang gilid ng labi ng binata.

"Patay na pala ang dalawang iyon. Mukhang magiging interesante ang mga susunod na magaganap. Hindi na ako makapaghintay." Humigpit ang kapit niya sa buhok ng ulong bitbit. Hindi napawi ang nakakatakot na ngisi sa labi ni Phyton bago siya tuluyang pumasok sa Mansion ng Elites Warrior.

'Isa na namang hindi maiiwasang pangyayari ang maaring maganap.'

-Itutuloy-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top