[20] RENDEZVOUS PT. 2

"We meet again."

CHAPTER 20

Wala sa hinuha ni Zoien, na sa ganitong pagkakataon sila pagtatagpuin ng tadhana.

'Can I curse the God of fate right now? Gosh! This wasn't supposed to happened! I'm not ready yet to met her!' samo ng dalaga sa isipan.

'At least sa magandang pagkakataon sila dapat nagkita. Nakakahiya ang ginawa niya!'

They've witnessed her sadistic side; kicking that snatcher's jewels. Napakagatlabi si Zoien.

'Now what will be her next move?'

Pinagpapawisan siya nang malamig. Kinakabahan. Masaya siya dahil sa wakas nakita na niya sa personal ang ex-wife ni Homer.

Oo, masaya subalit, napadako ang tingin ni Zoien sa lalaking katabi ni Crestisia. Si Miguel Eastwood ang lalaking nag-abot sa kaniya ng cornetto noon sa park.

Sinamaan niya ng tingin ang lalake. Halatang nagulat ito dahil sa masamang tingin na ipinupukol ni Zoien.

'Si Homer dapat ang nasa pwesto niya. Si Homer dapat.' diin ni Zoien sa sarili.

Napakamot sa batok si Migs. Sweat dropped. Nando'n ang paninindig ng kaniyang balahibo sa tuwing nakatingin sa kaniya ang dalaga as if 'she' is staring at him.

Kamukhang-kamukha ng dalaga ang namayapa nilang kaibigan. Kung nabubuhay pa 'siya' maaring si Zoien ang anak nito. Subalit, maagang namatay ito. Dalaga pa nang matagpuan patay sa sariling bahay.

Walang matunton kung sino ang salarin. Iyon na ata ang pinakamasakit na nangyari sa kanilang buhay.

Kaya no'ng nakita niya ang dalaga noon sa parke. Hindi niya napigilan na ito'y lapitan. Ang bawat kilos. Buka ng bibig. Ang boses.

Para silang pinagbiyak na bunga.

"Tania?" samo ni Crestisia.

Tuon lamang ang mga mata sa dalagang nasa kanilang harapan. Tumibok ang kaniyang puso sa nasasabik na paraan. Nakuha niya rin ang atensyon ni Miguel. Hayag ang lungkot sa kaniyang mga mata. Of course, they were so close back then. Ang pagkawala ng kanilang kaibigan ang nagdala ng sobrang dalamhati at kalungkutan sa kanilang lahat.

"Hon." Bahagyang pinisil ni Miguel ang braso ng asawa niya.
Napakurap ito. Nabalik sa reyalidad. Tumingin siya sa nag-aalalang si Miguel. Agad na nawala ang lungkot sa mga mata. Ngumiti siya.

"I know. I'm sorry. Its just that, she looks like her." Bumalik ang pansin nila kay Zoien.

"You want to talk to her?"

Nanlaki ang mata ni Cresty sa sinabi ni Migs. "H-Ha? Why would I...?" Her words trailed off.

Nahihiya man, pero iyon ang nais niya. Marahan siyang tumango.

Ngumiti si Miguel. "Come on. Let's approach her." Aya niya na ikinagulat ni Crestisia.

"W-Wait. Are you sure it's okay for us to talk to her?" Kinakabahan niyang pahayag.

"Yup! Hindi man halata pero nagkausap na kami sa park noon. She's a nice kid. I gave her my fave cornetto. So I guess, ayos lang na kamustahin ko siya, diba?"

Nag-aalangan man ay walang nagawa si Crestisia nang hilahin siya ni Miguel palapit sa dalaga.

Hindi na nagawa pang makaalis si Zoien sa kinatatayuan. Hinintay niyang lumapit sa kaniya ang mga ito. Malawak ang ngiti sa mukha ni Miguel habang may mababasang pag-aalinlangan naman sa mukha ng higit nitong si Crestisia.

"Hi! We meet again." Unang bungad ni Miguel. Nakangiti halatang masaya na nakita si Zoien.

"Yeah. We meet again, Sir." Monotone na pahayag niya.

'Though Its not nice to see you again,' dagdag niya sa isipan.

Ngumiwi si Miguel. Ramdam niya ang pagkadisgusto sa kaniya ng dalaga. Nagtataka kung ano ang nagawa niya upang mainis ito sa kaniya. Kung dalawang beses pa lamang silang nagkita.

"Just call me, Uncle. Masyadong formal kapag Sir ang tawag mo sa akin.."

"I prefer, Sir."

Sweat dropped. "K-kung iyon ang gusto mo. Ayos lang din naman," sukong pahayag ng lalake bago iginiya paunahan ang asawa niya. "By the way Iha. Ipapakilala ko sa'yo iyong Misis ko."

Tinitigan ni Zoien si Crestisia. Lumambot ang kaniyang mga mata. She's tottaly gorgeous. Kahit lumipas ang panahon, napanatili nito ang taglay na kagandahan. Kamukha nito ang anak na si Courtney.

"She's so pretty para maging asawa mo." Tiningnan ni Zoien si Crestisia. "Ma'am Sigurado po kayong asawa mo ang lalaking ito?" Tinuro niya si Miguel. Napaawang ang bibig ng lalake sa mga naririnig. "Hindi po kaya ginayuma niya kayo?" dagdag pa niya.

Seryoso ang mukha ni Zoien habang sinasabi iyon. Tila natatawa naman si Crestisia. Hindi niya lubos maisip na may taong magkakadisgusto kay Miguel ng ganito. Katulad ni Tania noon. Ganitong-ganito rin ang trato niya kay Miguel.

"Sandali! Sandali!" Pumagitna si Miguel.

Tinuro niya ang sariling mukha. "Gwapo ako. 'Di ko na kailangan pang gayumahin ang misis ko. Baka naman may deperensya ang salamin mo bata. Palitan mo na iyan kung gano'n. Masama iyan sa mata. Lalong nakakasira!"

Pasimpleng inalis ni Zoien ang salamin kumuha ng panyo. Pinunasan ang bawat lenses bago isinuot iyong muli. Tinunghayan ang mukha ni Migs.

"Asan po ang gwapong sinasabi ninyo?" seryoso niyang tanong na ikinanguso ni Miguel. "Alam n'yo po bang masamang magsinungaling. Liars go to hell."

Napatakip ng bibig si Crestisia. Nagpipigil na huwag matawa. Natutuwa siya sa makinig sa pag-uusap ng dalawa.

"Gwapo naman talaga ako. Ikaw lang ang ikalawang taong nakilala ko na hindi nag-gwapuhan sa akin. May deperensya talaga ang mga mata mo." Ayaw patalo ni Miguel.

Napahawak sa baba si Zoien. Pinakatitigan ang mukha ni Miguel. "Pero hindi talaga po, eh. Hindi po kayo gwapo sa paningin ko."

"Heh?" Napahilamos ng mukha si Miguel. Nakakatiyak siyang gino-good time siya ng dalaga at heto siya. Nagpapadala.

"Okay. I think that's enough." Singit ni Crestisia sabay na napatingin sa kaniya ang dalawa.

Ngumiti siya. "Let's eat Ice cream. My treat."

...

-Ice Cream Parlor-

Maya't maya ang tingin ni Crestisia kina Zoien at Miguel nagtatalo na naman kasi ang dalawa.

"Mas masarap ang Vanilla! Kahit tikman mo pa!" Pamimilit ni Miguel kay Zoien.

"Walang tatalo sa lasa ng strawberry. I hate vanilla. You can eat it. I won't-hmn!" Hindi niya natapos ang sasabihin nang isinubo ni Miguel ang kutsara sa kaniyang bibig na may laman na vanilla ice cream.

Sumimangot ang dalaga.

"Pfft! Taste it! Hmn!." Halos mabilaukan naman si Miguel nang isinubo ni Zoien ang isang kutsarang may lamang strawberry sa bibig nito. Pati ata tonsil naabot ng dulo ng kutsara. Napaubo pa ito pagkatapos malumod ang strawberry Ice cream. Halos lumuha na ikinangisi ng dalaga.

"Masakit 'yon!"

"You started it!"

"Gusto ko lang ipatikim sayo ang vanilla! Masarap naman talaga!"

"I hate it! Huwag mo pong ipagtulakan!"

"Hindi porket hindi mo gusto imposible ng magustuhan mo! Unfair naman kung pagbibigyan mo lang ang palaging nakasanayan!"

"Hindi magbabago ang desisyon ko! I stick to what I want!"

"Unreasonable naman iyon!"

"Unreasonable man o hindi! Wala na akong problema kung iyon ang nakikita mo."

"Ang daya pa din!"

Nagpakawala ng buntong hininga si Crestisia kumuha ng dalawang kutsara. Sumandok sa mango ice cream niya at walang sabi-sabing isinubo niya iyon sa bibig ng dalawa na naging ikinatahimik ng mga ito.

"You'll both shut up or I will do something about your loud mouths. Choose." Nakangiti man nang matamis subalit ramdam ng dalawa ang kamandag na hatid ng ngiti ni Crestisia.

Parang maamong tuta na yumuko ang dalawa at kinain na ang sarili nilang Ice cream subalit sa ilalim ng lamesa nagsisipaan sila.

"Kasalanan mo, nagalit tuloy si Hon."

"It's not my fault you act childish."

"I am not childish."

"Yes you are."

"I'm not!"

"Are too!"

"Hindi ba talaga kayo titigil na dalawa."

Namutla sila.. Tila nababalutan nang masamang awra ang kabuuan ni Crestisia. Lihim silang napalunok.

"Titigil na," Sukong samo nila.

Napapailing na lamang sa pwesto si Crestisia. Ngayon niya lang nakitang umaktong parang bata si Miguel. They look close to each other. Kumportable sila sa isa't isa na para bang matagal na silang magkakilala.

Pagkatapos ng kanilang pagkain ay inihatid ng mag-asawa si Zoien sa kotse nito. They already stole her one hour. Saka may dapat pa silang puntahan lugar. Aasikasuhin nila ang darating na kaarawan ng kanilang anak na si Courtney.

"Next time umiwas ka sa gulo, okay?" panenermon ni Migs. "Hindi ka dapat gumagawa ng mga bagay na ikakapahamak mo," dagdag pa niya.

Daig pa nito ang isang ama sa mga paalala.

"Fine. I'll try."

"No. No." Winagayway pa ni Migs ang hintuturo. "Don't just try. Gawin mo. Sa panahon ngayon mas dumarami ang mga masasamang loob. Kailangan mag-ingat."

Napabuga na lang ng hangin si Zoien. 'He acts as if he is my fatherl,' ika niya sa sarili.

"He is right Zoien. You must take care of yourself para 'di mag-alala sa 'yo ang parent mo," segunda ni Crestisia na ikinagiti nito.

"Sige po. Mag-iingat po, ako."

Napanguso sa isang tabi si Miguel. Nagtatampo dahil nang ang asawa niya ang nagsabi kaagad nakinig ang dalaga kumapara sa kaniya.

'Ang daya talaga. Bias!'

Ngumiti si Crestisia. Hinaplos niya ang pisngi ni Zoien.

'You remind me of her.'

She masked away the loneliness.

"Good bye, then. Get home, safely."

Tumango si Zoien. Still in daze of the touch it's been a while since she felt a mother's touch. Nangungulila siya.

Pinagmasdan nina Migs ang pagpasok ng dalaga sa kotse nito hanggang sa nakaalis na.

"Are you okay, Hon?" Nag aalalang tanong ni Migs.

"I'm fine. Let's go."

"Yup! Tara na!" Naglakad na sila patungo sa pakay na lugar subalit ang isip ni Crestisia ay nagliliwaliw.

Naalala niya ang huling pag-uusap nila ni Tania noon bago ito mawala ng halos isang taon.

Tania told her na buntis ito. That's the last thing they talked about hanggang sa nagulantang na lamang silang lahat dahil isang araw namatay si Tania.

No... pinatay siya.

'Why do they look exactly the same?'

-Itutuloy-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top