[19] RENDEZVOUS
"Fate brought them together."
CHAPTER 19
Mataman na pinagmamasdan ni Zoien ang kaniyang Phone. Naghihintay ng tawag or text mula kay X. Ilang linggo na ang nakakalipas subalit wala pa rin siyang natatanggap na bagong misyon mula sa konseho. Naisumite na niya ang report tungkol sa nakaraan niyang misyon kay Agent X. Ito na raw ang bahalang magbigay sa konseho.
Sa mga nagdaang linggo. Wala siyang ginawa kundi ang pagtuunan ng atensyon ang pagpasok at syempre ang masusing pagbabantay kay Courtney.
'Speaking of Courtney malapit na ang 18 birthday nito. Ang legal Age kung saan ide-deklara ng Don na ito ang Heiress ng pamilyang Mondragon.'
Masaya si Zoien para dito. Hindi rin nawala ang kaunting lungkot sa tuwing naaalala niya si Homer.
'That cold blooded old man. At least he should visit Courtney!' angil niya sa sarili.
She already texted Homer thousands of messages about Courtney's birthday. Na kailangan ay dumalo siya or else she'll bomb his office. Hindi mahilig magbanta ang dalaga ng walang katotohanan dahil kaya niya iyon gawin lalo pa't nasa HQ pa si Helios. Ang loyal robotics eagle niya. He can plan bomb on any places.
Hinintay ng dalaga na magreply si Homer but she is just waiting in vain. Zoien let out a deep sighed of disappointment. Isang buwan na siyang natitiis ng kaniyang ama. Namimiss na niya ang boses nito.
'How much longer is he planning to make her wait?'
'Unfair.' Napanguso na lamang ang dalaga. 'Ano na naman kaya ang pinagkakaabalahan ni Homer?'
Nagpapamiss masyado ang kaniyang Ama. Isa na namang buntong hininga ang kaniyang pinakawalan.
"Geez! Would you stop doing that!" Inis na puna ni Felt sa katabi.
Pareho silang nakaupo sa mahabang sofa habang nanonood ng K-drama at kumakain ng Velvet cake. Kanina pa niya pansin na sa iba ang atensyon ng pinsan. Panay ang tingin nito sa hawak na phone sabay magpapakawala ng buntong hininga na akala mo pasan ang mundo. Hindi tuloy siya makapag-pokus sa pinapanood dahil kay Zoien.
"Sorry. 'Di na mauulit." Nakangiwing pahayag ni Zoien.
Wala siyang nagawa kundi ang mag-behave sa isang tabi. Masama na naman kasi ang tingin ni Feltesia. Kulang na lamang ay lapain siya nito.
"You better be. Naiistorbo mo ako sa panonood." Inirapan siya ni Felt bago itinuon muli ang atensyon sa pinapanood.
Naiiling si Zoien. 'Parehas na parehas sila ni Flare. Adik sa Korean Drama.'
Katulad ng sinabi niya, hindi na niya muling inistorbo si Felt sa pinapanood nito. Ngayon na lang kasi muling nagkaroon ito ng rest day, na maaring ma-enjoy dahil wala itong schedule na photoshoot. Being a model is really bothersome lalo na't sabay-sabay ang sched ng endorsement.
Tahimik na nagtungo sa kusina si Zoien. Tiningnan niya ang Ref. Malapit na maubos ang kanilang stock ng pagkain. Kailangan na niyang mamili.
Felt is busy right now so, naisip niya na siya na lamang ang bibili.
Nagpalit siya ng maayos na damit. Kinuha ang wallet maging ang key ng kotse. Nagsuot din siya ng Cap sa ulo bago bumaba.
Maingat na naglakad si Zoien malapit na siya sa pintuan ng magsalita si Felt.
"Aalis ka ng 'di nagpapaalam."
Natigilan si Zoien bago hinarap ang kaniyang pinsan na nakapahalukipkip. Deretcho ang tingin nito sa kaniya.
"Hindi naman sa gano'n. Ayaw lang kitang maistorbo."
"So asan ka nga pupunta?"
"Sa grocery store. Paubos na 'yong stock ng foods sa ref."
Sandaling nag-isip si Felt. May kinuha sa bulsa. Yung credit card. Inihagis niya iyon na nasambot ni Zoein.
"I want two stock of yogurt. Grapes flavor. D'yan mo na rin ibawas ang pambayad sa grocery," kako nito bago bumalik sa pagkakaupo sa sofa para ipagpatuloy ang naudlot na panonood.
Napangiti nang lihim si Zoien. 'She's really unpredictable.'
Tuluyan na siyang lumabas ng bahay. Nagtungo sa garahe. sinakyan ang itim na kotse niya bago nagpasibad patungo sa bayan.
Hindi nagtagal narating na niya ang pakay na lugar. Iniwan niya ang sasakyan sa parking area bago nagtungo sa grocery para mamili.
Two weeks stock of foods. Hindi rin nakalimutan ang paboritong yogurt ng pinsan, bago siya nagtungo sa counter upang magbayad using Feltesia's black unlimited credit card.
*'Iba talaga kapag mayaman. Pa-black card na lamang ang peg.'*
Pagkatapos bayaran lahat ng pinamili. Nagtungo si Zoien sa kotse. Maayos na inilagay sa loob ang mga iyon.
"Tabi! Sabi na't tabi!" Naagaw ng paparating na tinig ang atensyon ni Zoien.
Nagsipag-iwasan ang mga taong nagdaraan sa side walk upang bigyan ng daan ang may ari ng boses.
"Taena! Tumabi kayo kung ayaw ninyong pasabugin ko mga ulo n'yo!" May diin iyon at halatang nagmamadali.
Isang magnanakaw. May hawak itong mamahalin bag at sa kanan nitong kamay ay isang revolver.
Nagulantang ang mga tao nang nagpakawala ito ng isang putok ng baril sa ere. Nagsipagyukuan ang lahat natatakot na matamaan.
Sinamantala ng lalake ang pagkakataon na makatakas dahil wala ng nakaharang sa kaniyang daan.
"Tigil! Sandali!!!" May mga security guard ang naglakas-loob na habulin ang nasabing magnanakaw.
Napaismid si Zoien sa nasaksihan. Sumandal sa kaniyang kotse. Hinintay na makalapit sa dereksyon niya ang magnanakaw.
Nagpakawala muli ng putok ng baril ang manong sa dereksyon ng mga security guard. Mabilis na umiwas ang mga ito habang panay ang sigawan ng mga tao dahil sa takot.
"Hindi n'yo ako maabutan! Nek nek niyo!" ungos ng magnanakaw.
Mabilis siyang tumatakbo, tiwala na walang kahit na sino ang haharang sa kaniya. Subalit iyon na ata ang pinakamalaking katangahang kaniyang ginawa.
Pagkaharap niya sa unahan, sumalubong sa kaniya ang malakas na pagbukas ng pinto ng kotse. Sumambulat iyon sa kaniyang katawan. Tumalsik siya sa maduming semento. Groaning in Pain.
"Ack! Walanghiya! Ang ilong ko!" reklamo nito hawak ang duguang ilong.
Napailing na lamang si Zoien. Napansin siya ng magnanakaw. Mabilis na inabot ang tumalsik na baril. Subalit agad iyong inapakan ng dalaga.
Napaangat ng tingin ang lalake sa may ari ng sneaker na itim.
"Ah! Ah! It's game over, Mr. Snatcher." Ngumisi nang pagkatamis-tamis ang dalaga.
Napapalatak ang lalaking magnanakaw. Tumayo siya. Inilabas ang balisong. Iho-hostage na lamang niya ang babae. Muli, nabigo siya sa balak dahil hindi pa niya nalalapitan ito, nang may kung anong tumama sa kayamanan niya.
Napamaang siya habang tuluyang tinakasan ng dugo ang mukha. "Aah! Ang kayaman ko! Hoo! Hoo!" Namilipit siya sa sakit hawak ang pagitan ng hita na sinipa ng misteryosang babae.
Man most fragile part. Their jewels.
Nagkibit balikat si Zoien. Hinayaan na mamilipit sa semento ang magnanakaw. Pinulot niya ang baril. Inalis ang mga bala sa loob nito kasunod naman niyang kinuha ang bag.
Nakangangang nakatingin sa kaniya ang mga nakasaksi. She dismissed it.
"Mga manong. Hulihin niyo na siya."
Sa tinuran niya nabalik sa huwesyo ang tatlong security guard. Agad na hinawakan ang magnanakaw.
"Ito nga po pala 'yong baril niya at bag." Inabot niya iyon sa isa sa mga sekyu.
"Salamat iha sa ginawa mo."
"Wala pong anuman." Nginitian niya ang mga ito na binitbit na palayo ang magnanakaw.
Napabuga ng hangin si Zoien. Walang pinipiling oras ang krimen.
Humarap siya sa unahan, handa na sanang umalis subalit agad din tumigil. Tila naestatwa sa kinatatayuan ang dalaga. Tuon ang atensyon sa dalawang pamilyar na pigura.
Ang babae ay nakapulupot ang kamay sa braso ng isang lalake. Parehas na hindi naalis ang tingin ng mga ito kay Zoien.
'Miguel Eastwood ang bestfriend ni Homer at ang babae naman ay si Crestisia Eastwood; ang ex-wife ni Homer. Ang mother ni Courtney.'
'Fate is playing tricks on her, again.'
-Itutuloy-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top