[18] GLIMPSE OF THE PAST
"The past you tried to hid."
CHAPTER 18:
(Florence, Italy)
Walang mababakas na emosyon sa mukha ni Homer habang siya'y nakaupo sa sariling puwesto. Mataman siyang nakikinig sa mga sinasabi ng buong council.
As the Head of the LIA, one of his duty is to attend the meeting under the Council's order. Kahit pa ngalay na ang kaniyang p'wetan dahil sa mahabang oras na pagkakaupo. Mas nakakangalay pala ang maupo kaysa ang tumayo. Nagpakawala siya ng buntong hininga.
Inisa-isang tingnan ang mga kasama sa maliit na silid. Nagpatawag ng urgent meeting ang head council dahil na rin sa sunod-sunod na pag-angat ng crime rate sa bawat bansa. Ultimo terorismo hindi nagpatalo. Tulad na lamang nang nangyari noon sa New York, City kung saan napakaraming namatay.
Sept. 11, 2001. Apat na eroplano ang na-hijack. Ang dalawa sa kanila ay sinadyang ibunggo sa WTC (World Trade Center.) Ang isa ay ibinagsak sa pentagon at ang huling eroplano ay bumagsak sa kagubatan.
Thousands of lives were killed that day. Isang araw lamang iyon. Ilang sandali subalit marami ang nasawi. Hanggang ngayon, para iyong peklat na hindi mawala sa alaala ng lahat. And in order to avoid that from happening again, nagtulong-tulong ang lahat ng agency upang masolusyunan at mas maagapan ang gano'n pag-atake ng kaaway.
Kaya naman sisiw lamang ang pag-upo ng apat na oras para lamang makinig sa lecture.
"That's for today. Dismissed."
Tila nabuhayan siya ng dugo dahil sa narinig.
"But, Homer. You stay."
Na mabilis din naglaho.
Isa-isang nawala ang holographic feature ng bawat dumalo. Ang natira na lamang ay si Homer at ang Head ng Council.
"How long, do you plan to be stubborn?"
Una pa lamang na salitang lumabas sa bibig nito ay alam na niya kung saan patungo ang usapan. It was as if her daughter Zoien is in front of him. Nagging him non-stop.
"I have so many stuck up job to finish. If this talk is personal. You should have visit me here and talk to me personally. Not in holographic form."
Mas lalong dumilim ang ekspresyon ng mukha ng kausap ni Homer. Hindi nagustuhan ang narinig.
"Ama mo pa rin ako Homer. Matuto kang gumalang," diin ng Don.
"Tama ka, ama kita. Dapat alam mo kung ano ang sagot ko sa katanungan mo," tugon ni Homer.
Everything that had happened to him, is because of his father. Kung hindi lamang ito ang Head ng council o mas maganda kung hindi niya ito Ama. Maaring normal pa ang kaniyang buhay. Hindi kumplikado. Walang inaalala. Normal tulad ng karamihan.
Subalit, isa lang iyong pangarap na hindi niya kailanman maaring makamit. Dahil ngayon, ang katotohanan. Nasa posisyon siya kung saan maraming responsibilidad sa kaniyang balikat. Maraming buhay ang nasa kaniyang mga kamay ang dapat niyang panatilihing ligtas.
'Suck to be me,' daing niya sa sarili.
Ang tanging hangad niya ay makasama ang kaniyang pamilya. Na mahirap gawin sa ngayon. He abandoned them because of this job and heavy resposibilities. Na kahit na kailan ay hindi niya maaring takbuhan.
"Don't blame me for your outcomes Homer. Hindi ko sinabing lubayan mo ang pamilya mo. Hindi ko sinabi na magpakalayo ka. Hindi ko sinabi na gawin mong miserable ang buhay mo." Sunod-sunod na lintanya ng Don na siyang ikinatikom ng bagang ni Homer.
"And what? Sacrifice them! No! I will do anything in this world to make them safe! Away from me! Away from this world we live in. Mas gugustuhin ko pa na ako ang maghirap kaysa sila. Mas gugustihin ko pa na malayo sila sa akin basta alam ko na ligtas sila. Iyon lang ang gusto ko. Iyon lang."
"Then why are you punishing yourself like this? Kita naman na nagsisisi ka sa ginawa mo? Hindi mo maitatago ang nararamdaman mo mula sa akin. Dahil anak kita. Ako ang nagpalaki sayo. Kilalang-kilala kita Homer. Alam kong may kaugnayan dito ang nakaraang iyon na hindi mo malimutan."
Kumuyom ang mga kamao ni Homer. Halos mamuti na ang mga iyon sa pagkakadiin. Marahang siyang napangiti nang mapait bago tiningnan sa mata ang Don Sevastian.
"Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat o dapat ko kayong kasuklaman dahil ama kita. Tama kayo. Hanggang ngayon, hinding-hindi ko makakalimutan ang nagawa ko noon. Pinagsisihan ko na tinanggap ko ang misyong iyon. Sana pala, kung alam ko lang. Hinding-hindi ako sasang ayon sa desisyon ng konseho. Subalit, nangyari na. Kasama ako sa mga may sala. Kasalanan ko kung bakit may inosenteng tao ang naghihirap ngayon. Dahil sa kagagawan ko, namatay sila at naiwan nag-iisa ang kanilang anak. Dahil sa akin, lumaki siya sa isang malaking kasinungalingan. Dahil lahat sa akin. Sa tingin mo, madaling kalimutan ang lahat ng iyon? Wala akong karapatang maging masaya. Ito lang ang tanging paraan upang mapagbayaran ko ang malaking kasalanan nagawa ko noon."
Tila lumambot ang mga mata ng Don dahil sa mga narinig. Ang kaniyang anak, may mabigat itong dinadala. Kasalanan niya.
"Homer, that happened 17 years ago. Masaya na siya ngayon hindi ba? Lumaki siya nang maayos. Hindi pa ba sapat iyon?"
Umiling si Homer. "Sa dami ng kaniyang pinagdaanan. Sa tingin n'yo sapat na ang lahat ng iyon? Dahil maayos na ang kalagayan niya dahil nakikita ninyong masaya siya? No! Hindi pa sapat. Sa tuwing naaalala ko, kung ang anak ko ang nasa kalagayan niya. Matutuwa ba ako? No. Hinding-hindi! Hindi pa sapat. Walang sasapat."
"Kung sisihin mo nang ganito ang sarili mo may mangyayari ba?"
"Yes. If I found Xorak and kill him. Matatapos na ang lahat ng ito."
"..." Natahimik ang Don sa narinig.
"Kung wala na kayong sasabihin tungkol sa misyon. Aalis na ako." Tumayo na si Homer. Akmang bubuksan na niya ang pinto ng nagsalita ang Don.
"Malapit na ang kaarawan ni Courtney. Ipapakilala ko na rin sa buong mundo na siya ang heiress ko. At least come home and greet her personally. That's the best gift you can give to her and don't neglect Zoien as much as what you've done. She's now your legal daughter. Fulfill your responsibility as a father. Huwag ka lang puro takbo. Walang duwag sa pamilyang Mondragon." Pagkatapos ay nawala na ang holographic form ng Don.
"Curse this!" Iniuntog ni Homer ang sariling ulo sa pinto.
Ano bang pinaggagawa niya?
He let out a deep sighed bago lumabas sa conference room patungo sa kaniyang opisina. Naupo siya kaagad sa kaniyang swivel chair. Inikot iyon hanggang sa nakaharap na siya sa madilim na kalangitan.
Nagniningning ang mga bituin. This reminds him of someone. Marahan niyang ipinikit ang mga mata. Isang pigura ng isang babae ang nabuo sa kaniyang isipan. Ang mahaba nitong itim na buhok. Ang kulay abong mga mata na punong-puno ng buhay. Ang mga ngiti nitong walang kapantay ang sayang hatid.
'Do you know how many light years they are away from Earth?'
'Homer that's not the proper way to mix it!'
'You love her don't you?' Then fight for her dumbass! Don't be a coward! At least grow some backbone!'
'If ever I will have children. do you think I'm gonna be a good mother to them?'
'Sabi na nga ba. You won't befriended me without a reason. So, are you also here to kill me?'
'P-Please! I'm begging you. Kill me if that what it takes to save my child then do it. Just please let her live. Wala siyang kasalanan.'
Mabilis na nagbukas ng mga mata si Homer. He clenched his jaw. Muli na namang kaniyang nakita ang duguan nitong katawan. Ang nagmamakaawa nitong mukha. Hindi para sa sarili kundi para sa anak.
Homer won't ever forget that day. Ano nga bang kasalanan nito para mamatay? She only wanted to live normal. To have family of her own. But no, hindi iyon nangyari. Because, her life vanished and he is the one who killed her.
Ang unang matalik niyang kaibigan na babae. Titania Drios. Ang anak ng matagal nang kaaway ng Konseho — Xorak Drios na siyang tumatayong pinuno ng WEB organization. Sila ang mga taong sangkot sa nakaraang nais niyang kalimutan. Napahilamos siya ng kaniyang mukha. At napadako ang tingin sa isang litrato.
Agad niya iyong kinuha. Sinalat ang mukha ng katabi niyang dalaga sa litrato. Ngumiti siya nang mapait.
"Patawarin mo sana ako sa lahat ng kasalanan nagawa ko. Dahil sa 'kin, hanggang ngayon ay nabubuhay ka sa isang malaking kasinungalingan. Patawad, Zoien."
-Itutuloy-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top