[17] INSTANT FRIEND
"Your smile is brighter than a thousand Stars."
CHAPTER 17
Nagtitipa sa sariling laptop si Zoien. Mag-isa lamang siya sa paborito niyang tambayan. Nasisiyahan siya sa malawak na hardin. Humahalimuyak ang mabangong amoy ng iba't ibang bulaklak, sumasabay ang mga iyon sa sariwang samyo ng hangin. Isabay pa ang tahimik na kapaligiran. Nakapa-kumportable ng katahimikan.
She's currently doing her report. Not about school but about her recent mission. Tungkol sa Midnight and Rapist case.
Mahigpit na utos ng konseho na dapat palaging may report ang bawat mission. Lahat ng nangyari nakasulat. Lahat ng mga analysis. Lalo na kung ano ang mga natuklasan.
Dalawang araw na rin ang nakakalipas buhat nang nangyari ng gabing iyon. Balitang-balita sa buong bansa ang pagkamatay ng dalawang tinutugis na Criminal. Marami ang natuwa sapagkat sa wakas nabigyan ng hustisya ang mga namatay na biktima ng mga ito.
About naman kay Stella, napakiusapan ito na walang sasabihin sa mga naganap. Kinausap na rin ang pamilya ng dalaga. Tutol man sila sa una subalit nang marinig na utos mula sa konseho ay wala silang nagawa kundi ang sumundo.
Council's orders are absolute. Walang sinuman ang maaring lumabag.
Mabuti na lamang dahil walang permanent damage ang nangyari kay Stella. She go to school as if nothing happened. But what caught Zoien's attention ang bagong release na news paper ng 'journalism' club ukol iyon sa Midnight Rapist Case.
Tungkol iyon sa isang unknown person who allegedly killed the two criminal and saved the last victim. Meron pang drawing na kasama. Kuhang-kuha ang itsura ni Phoenix.
Napapailing na lamang si Zoien dahil do'n. May hinala siya na hindi naitago ni Stella ang mga nangyari sa mga kaibigan. Sina Huston at Christ ang siguradong may gawa niyon dahil collaboration ng mystery at journalism club.
Not that she will do something. 'Sino ba ang maniniwala sa gano'n? Right?'
Pinagpatuloy ni Zoien ang ginagawa habang kumakain ng cookies na bigay sa kaniya ni Margarrette kaninang umaga. Napakasarap nito at malinamnam. Hindi nakakaumay. Tama lamang ang lasa. Hahanap-hanapin. Kaya pala, sabik na sabik ang buong Royalties sa dessert na palaging dala ni Margarette. Tunay ngang walang papantay.
Kumuha siya muli ng cookies at balak na sanang isubo nang may tumalon na pusa sa kaniyang kandungan.
"Meow!" Tila kumikislap ang kulay green nitong mga mata. Nangungusap ang mga iyon.
"Meow." Natigilan sandali si Zoien sa ginagawa bago inilibot ang tingin sa paligid at muling ibinalik ang atensyon sa kyut na pusa.
"Hello, Mr. Cat?" She's actually talking to the unknown cat. Maganda ang balahibo nito. Kulay abo na malago. Mahaba rin ang buntot. Wiggling from side to side.
"Saan ka nanggaling? I never seen you before. Naligaw ka ba?" sunod-sunod na tanong ng dalaga.
"Meow! Meow!" Lumakad palapit sa kaniya ang cute na pusa. He purred in her chest while reaching for the cookies in her hand.
Agad na nakuha ni Zoien ang nais ng pusa. Napatawa pa siya. Nagugutom na ito at nais maki-share sa kaniya. Binigay niya ang cookie. Kaagad na kinagat iyon ng pusa. Nagawa pa nitong humiga sa kaniyang kandungan habang kinakain ang libreng pagkain.
"I'm not a cat person but why do I want to pet you?" Hinaplos ni Zoien ang malago nitong balahibo.
He purred again. Mas lalong inilapit ang katawan sa mainit na palad ni Zoien.
"How cute! Mayroon ka na bang amo? gusto kitang iuwi!" Subalit agad siyang natigilan. Inalala sina Aegus at Arctus. Tiyak magtatampo ang dalawang iyon kapag nag-alaga siya ng real pet.
Napangiwi si Zoien. Madami na nga pala siyang alagain. Hindi na puwedeng magdagdag pa. Isa pa, hindi animal lover si Felt.
Kaya, pinagsawa na lamang niya na haplusin ang malagong balahibo ng kyut na pusa. Once in her life, nagkaroon siya ng alaga. A gold retriever. Subalit noon iyon. Nang buo pa ang kaniyang pamilya. He was also, killed the night their family was assasinated.
Shon is his name. He tried to help out only to be shot to death.
Simula no'n hindi na muling nag alaga ng real pet si Zoien. Only her robotics companion made her life uncomplete.
Patuloy lamang ang paghaplos niya sa balahibo ng di kilalang pusa. Tinabi na rin niya ang laptop sa bag. Tatapusin na lamang niya ang paggawa ng report mamaya pag-uwi.
"Dmitri! Where are you?" Nakuha ng pamilyar na boses ang atensyon ni Zoien. Maging ang pusa. Tumaas ang tenga dahil narinig din ang tinig.
"Kasalanan mo kung bakit nakawala si Dmitri! Bakit kasi iniwan mo mag-isa? Nakakainis ka naman eh!"
Isa na namang pamilyar na boses.
The cat stood properly in Zoien's lap.
"Meow." Nagpapacute na naman ito sa dalaga.
"What? I'm sorry I don't know cat language."
Sa pagkakataong ito kinagat ng pusa ang manggas ng kaniyang uniform na tila sinasabi nitong tumayo siya.
''Di kaya siya ang hinahanap ng dalawang iyon?' Takang tanong sa isipan ni Zoien.
Tumayo siya kinarga ang pusa.
Lumabas siya mula sa mga bushes. Only to be face to face with Sean.
The cat hissed. Mabilis itong tumalon sa mukha ng binata at kinalmot iyon.
"Aish! Dmitri!" Tumalon paalis ang pusa at mabilis na tumakbo palayo.
Napapikit si Sean and accidentally stumble on a rock. He lost his balance and immediately fell forward. Bumagsak ang katawan ng binata kay Zoein. Napaikot ng mata ang dalaga.
'Not again,' kako niya sa sarili. Pinakatitigan ang lalaking nasa ibabaw na naman niya.
Nahulog sila sa ibabaw ng bushes. Hindi naman masakit. nakakatusok lamang ang mga sanga at dahon nito sa kanilang katawan.
Mayamaya nagmulat ng mata si Sean. Nakakunot ang noo. Muli, pinagmasdan niya ang mukha ni Zoien na akala mo menimemorya niya ang bawat sulok nito.
"How long do you plan to lay on top of me?" biglang tanong ni Zoien.
Sean never budge. "Why do I always fall on top of you? Do you know why?" Nando'n ang kuryusidad sa boses ni Sean.
"I don't know. I always been in this situation whenever you show up. Do you really like our position?" Pinilig pakanan ni Zoien ang mukha. Staring at his hazel eyes. Napakaganda ng mga mata ni Sean.
Tila nag-isip muna si Sean bago sumagot. Tumango ng dalawang beses. "I like our position. You smell good. I like your warmth. It's very comfortable."
"Really? You sound like a pervert."
"I'm just being honest. Anong saysay ng 'di pagsasabi ng totoo? You also smell sweet. Kumain ka ng cookie?" Inilapit ni Sean ang mukha kay Zoien. Gahibla na lamang ang kanilang pagitan.
He sniffed her. "You smell sweet," pagkukumpirma ng binata.
Napabuga ng hangin si Zoien. Tumama ang mainit niyang hininga sa mukha ni Sean.
"Someone might see us. Kung ano pa ang sabihin. Umalis ka na sa ibabaw ko. You're too heavy."
"I don't want to."
"What?"
"Gaya nang sinabi ko kanina. Gusto ko ang posisyon na ito. Hindi kaba nag-eenjoy na nasisilayan mo sa malapitan ang gwapong nilalang na katulad ko." Ngumisi si Sean.
Sinuklian nang matamis na ngiti ni Zoien ang binata. Mas inilapit niya mukha kay Sean. Tumaas baba ang adam's apple nito. Habang ang mga mata'y tuon sa abong mata ni Zoien. Mayamaya bumaba ang tingin ng binata. Mula sa matangos na ilong, pababa sa mapupula nitong labi. Muli napalunok si Sean.
"W-What are you doing?" Kinakabahang pahayag ni Sean nang mas lalong lumalapit sa kaniya ang mukha ni Zoien. Dahil sa sobrang kaba agad siyang umalis at napaupo sa damuhan. Sobrang bilis ng tibok ng kaniyang puso.
"Iyon lang pala ang makapag-papalayas sa iyo. Akala mo siguro hahalikan kita no?" Tudyo ng dalaga na ikinapula ni Sean.
"Mas bastos ka pa ata sa ating dalawa! Kababae mong tao!" Inis na tumayo si Sean.
Natatawang tumayo rin si Zoien. Pinagpagan ang sarili. "As if I will kiss you. You're not worth it." Sa sinabi nito napasimangot si Sean.
"What? Don't tell me natamaan ko ang ego mo? Gosh. Men with their ego." Natawang turan ni Zoien.
Seryoso lamang ang tingin ni Sean sa kaniya. "Sino bang may sabi na gusto kitang halikan! Sa dami ng babae sa mundo! Hinding-hindi ikaw ang makakakuha sa matamis kong halik!"
He snapped. Dahil lang sa sinabi ni Zoien. Parang sasabog na siya sa galit.
Nagkibit balikat ang dalaga. "If you say so."
"Tch! I really hate you." Turan ni Sean.
"You didn't said that a while ago. Ang sabi mo you like me. Sinungaling ka pala Mr. Heisnford."
"Shut up nerd."
"Sungit."
Nagsimula na silang mag asaran only to be interrupted by a caugh.
"Tapos na kayo?" agaw atensyon ni Gillian.
Matamis ang pagkakangiti. She witnessed what happened. Simula sa una. Kulang na lang maghugis puso ang kaniyang mga mata. At tumili siya dahil sa sobrang kilig. It's a good thing, napigilan niya ang sarili.
'This two look good together.' Aniya sa isipan ni Gillian. 'Magkaka-love life na ang bestfriend ko! 'Di puwedeng pakawalan si Girl!'
"Kanina ka pa diyan Gilley? 'Di mo man lamang ako nagawang tulungan. Kinalmot ni Dmitri ang mukha ko." Sumbong ng binata.
Inirapan niya si Sean. Nilampasan niya ito. Tuloy-tuloy ang lakad palapit kay Zoien.
"Hi girl! We meet again!" Hyper niyang pahayag.
Ngumiti si Zoien. "Yeah, we meet again."
Nagliwanag ang mukha ni Gillian. Nagulat si Zoien nang dambahan siya nito ng yakap. She almost stumble mabuti nabalanse niya ang sarili bago pa magkaround two ang pagkabagsak niya. She doesn't want that. Masakit sa likod. She's not human bed para bagsakan nila.
"I want to be friends with you. What's your name?" Lumayo na si Gillian.
Mas lalong bumusangot ang mukha ni Sean sa narinig.
"Is that so? I'm Zoienelle Madrigal. First year from the Law department," pagpapakilala niya.
"I'm Gillian Thompson at siya naman ang bestfriend ko na si Sean Heinsford. We are both 2nd Year from the Engineering Department!" Pagpapakilala nito na ikinatango ni Zoien subalit mas lalong sumama ang itsura ng mukha ni Sean.
Alam na niya ang gagawin ng matalik niyang kaibigan.
"Zoien, please be my friend!" Aniya sabay hawak sa kamay ni Zoien. "I never had a girl bestie before! Lahat kasi sila tinatakot ni Sean. Kaya walang gustong makipagkaibigan sa akin. So, can you be my first girl bestie?" Ginamit ni Gillian ang puppy eye dog niya. She always got anything using it.
Napangiwi si Zoien. Sino ba ang makakatanggi sa offer niya with that face? If ever she rejected her baka umiyak ito. She look harmless naman ang kaso...?
Lumipat ang tingin ni Zoien sa mukha ni Sean.
He hissed. "Don't you dare agreed with her."
"Don't mind him! He is just jealous! What can you say? Payag ka na ba? Please pumayag ka ng maging kaibigan ko."
Nagpakawala ng buntong hininga si Zoien. Hindi niya inaasahan na darating ang panahon na may mga taong nais siyang maging kaibigan.
Masayang kasama ang mga royalties subalit may limitasyon. She doesn't want them to get so close to her. May mga bagay siyang nais protektahan.
Natatakot din si Zoien, na baka may mapahamak dahil sa kaniya. Having friends also means that she got to protect them at all cost at the same time. Pushing them aside from her real world.
'This is troublesome.' She sighed.
Pero sa huli pumayag siya. Ngumiti at tumango siya kay Gillian.
"Really! Oh my gosh! Thank you so much!" Niyakap niya si Zoien. At last may girl bestie na siya.
"Tch! Tama na nga 'yan! Let's go Gilley! Hahanapin pa natin si Dmitri!" Hinila ni Sean si Gillian.
"Gosh! Ang rude mo talaga! Kita mong nag-uusap pa kami!"
"Shut up! Hindi ako payag na maging magkaibigan kayo!"
"Sus! Selos ka lang kasi! Aminin!"
"Tahimik!"
"Selos! Selos!
"Shut it!"
Natatawang pinagmasdan ni Zoien ang dalawang magkaibigan. Nakakainggit ang dalawa.
'H'wag sana niyang pagsisihan ang kaniyang ginawa. Lalong-lalo wala sanang mapahamak ng dahil sa kaniya — tulad noon.'
-Itutuloy-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top