[16] DEATHLY BATTLE
"I can hear your scream but you will never hear mine."
CHAPTER 16
"Go to a safe place. Mas malaki ang tsansang mabuhay ka dito kaysa sa taas," bulong ni Phoenix sa katabing si Stella.
As if on cue. Umalingawngaw ang maraming putok ng baril at lahat ng iyon ay nanggaling sa itaas.
Napangisi si Diego. "You made Midnight busy aye. Where did you dump all our men?" Usisa ng binata habang pinaglalaruan ang bago na naman kutsilyo sa bawat daliri. Ang mga mata'y tuon kay Phoenix.
"As long as he is busy. He can't help you out from me. At tungkol sa mga tauhan ninyo. Don't worry pinatulog lamang namin sila. We will take them to the LIA for interrogation." Dahan-dahan na umatras si Stella.
Tension is on the air. Kung hindi pa siya lalayo. Posibleng madamay siya sa magaganap na paglalaban ng dalawa. Nagtago ang dalaga sa tabi ng kumpulan ng metal cases. Walang balak na panoorin kung anuman ang magaganap. All she wanted is to go home safe and sound.
Napatango si Diego. "I see, so natatakot ka ba kay Midnight? Wala akong pakialam sa mga tauhan namin. Do whatever you want with them. I don't care."
"Nope. I am not afraid of him or to you. It just that, mas maganda kung isa-isa ko kayong papatayin. Pero wala din akong reklamo kung manghingi ka ng tulong kay Midnight. I can kill the both of you kahit magtulong pa kayo."
"Ang yabang mo naman kung gano'n."
"I'm just being honest but if you surrender I gave you a quarter."
"Quarter?"
"It's mercy," tugon ni Phoenix.
Muling nagpakawala nang malakas na tawa si Diego.
"Mercy? Hindi ko kailangan ng awa mo. Sayong-sayo na."
"Is that your final answer?"
"How about this for my answer!"
Pinakawalan niya ang limang patalim patungo sa puwesto ni Phoenix.
Sabay-sabay iyon patungo sa dereksyon ng dalaga. She dodged the deathly weapons, subalit sinamantala lamang ni Diego iyon upang makalapit sa dalaga. He kicked her stomach na siyang naging dahilan ng pagtalsik niya sa mga mesa. Tumaob ang mga iyon sa katawan ni Phoenix.
Kinuha naman ni Diego ang nakatagong baril sa drawer na malapit sa kaniyang kinatatayuan at sunod-sunod na pinaputukan ang kinalalagyan ni Phoenix.
Napatakip sa tainga si Stella. Mas dumagdag ang kaba at takot sa kaniyang kalooban. She wished, whoever that girl is, sana hindi siya mamatay. Dahil posibleng wala nang magligtas sa kaniya kung sakali mang mapatay ito ni Diego.
Klak!
Klak!
Nagtagis ang bagang ng binata. Naubusan na siya ng bala. Inihagis niya sa tabi ang walang silbing baril bago naglabas ng mga patalim mula sa lagayan. Three more left. Dahan-dahan niyang nilapitan ang mga nakatumbang lamesa. Laking gulat niya ng may malamig na bagay ang lumapat sa likuran ng kaniyang ulo.
Napalunok siya.
"You should not have wasted your ammo for nothing."
"How did you...?" His words trailed off.
"Uso ang bullet proof suit you know?" sarkasmo nitong pahayag.
Humigpit ang kapit ng binata sa mga patalim. Nais niyang gilitan ang leeg nito.
"Ang daya! Hindi ka ba patas lumaban?" tudyo ni Diego.
Phoenix almost rolled her eyes hearing his comment. "At ano tingin mo sa sarili mo? Patas kung lumaban. Inatake mo ako na walang pag-aalinlangan. Tapos ikaw pa ang may lakas na makapagdemand? Kapal ng mukha mo."
Ngumisi si Diego. He swiftly turned around. Caught her hand. Put the gun aside saka sinaksak ang leeg ni Pheonix only to be stopped by her other hand. Nakahawak sa mismong talim ang kamay nito. Bloods freely flow from her palms coating the blade.
Ngumisi si Diego. "Ang dali mo palang makuha ang atensyon. Sayang hindi ko makita ang iyong mukha. Nakakatiyak akong maganda ang iyong itsura. Why don't you get that mask out of your face. Hmn?" He seductively licked his own lips.
Naasiwa si Phoenix sa nasaksihan. Hawak nito ang kanan niyang kamay habang ang kaliwa naman niya ay nakahawak sa talim ng kutsilyo nito. She sighed. Then kicked his tummy. Diego stumble down on the ground but immediately stood up. Ready to counter attack.
Itinutok ng dalaga ang baril sa ulunan ng lalaki. Natigilan si Diego. Isang maling galaw. May babaon na bala sa kaniyang katawan. Subalit nagulat siya ng itapon ng babae ang baril. Malayo sa kanilang dalawa.
"You want some fair fight. I'll give it to you. Just don't blame me afterwards."
Laking akala ni Diego. He can beat her using fist fight but he is wrong.
Mabilis ang pagkilos ni Phoenix. Hindi niya masundan. Kung ikukumpara ito kay Midnight, mas masasabi niyang walang kapantay ang agility and speed ni Phoenix. Hindi niya masundan kung saan ito aatake. Huli na para makaiwas pa.
"ACK!" Nanlaki ang mata ng binata. Bumaon ang kamao ni Phoenix sa kaniyang tyan. Halos maisuka niya lahat ng kinain niya kanina.
Diniinan ng babaeng agent ang kamao bago nagpakawala ng isang heel kick sa ulo nito na ikinadapa ni Diego.
Pinagpagan ni Phoenix ang mga kamay.
"That's what you got for underestimating your opponent."
Ngumisi si binata. Pinahid ang dugong lumabas mula sa kaniyang bibig.
"That hurt you b-tch. Ano ka nawawalang kapatid ni Manny Pacquiao? Sakit ng suntok mo, ah."
Nagkibit balikat si Phoenix. "Suko ka na?"
Umayos ng tayo si Diego. "Suko? Wala sa bukabularyo ang salitang iyan. Mananalo ka lang kung mapagtagumpayan mo akong patayin." May dinukot mula sa bulsa si Diego. Isang injection na naglalaman ng pulang likido.
Pinagmasdan siya ni Phoenix.
He injected it to his neck. He smirked. "Warm-up is over. Prepare to die Agent."
Matapos maubos ang laman agad niya iyong itinapon sa sahig. Ang dating kulay itim na mga mata nito ay napaltan ng kulau asul katulad ng mga mata ni Midnight. Dark-blue.
"You're not the only one who got something under their sleeves." Naglaho sa harapan ni Phoenix si Diego.
She looked around. But she didn't see him hanggang sa may malakas na kung anong tumama sa kaniyang tagiliran. Sa sobrang lakas nito. Tumalsik ang dalaga sa pader. Nagkaroon pa ng crack iyon.
She vomitted some blood inside the mask.
"Well. Well. Well. How are you doing?" Hinawakan ni Diego ang leeg ni Phoenix at itinaas ito.
He slammed her onto the concrete wall. earning a groaned.
"Isang pisil ko lang tiyak bali na ang buto mo. Ganito ka lang pala kabilis na mamamatay mula sa kamay ko. Pasensya na lang kay Midnight. I won't hold back. I'll kill you."
Napatawa nang mahina si Phoenix. "Just because you feel stronger before, lumaki na ang ulo mo. Power like what you have can easily be taken away!" Mula sa likuran bahagi kinuha ni Phoenix ang medicine niya. She injected it to his heart.
Diego immediately let go of her. Napahawak siya sa puso. Dahan-dahan napaluhod.
"W-What did you done to me?" Hinang-hina si Diego. Ano ang kulay asul na likidong iyon?
"That's retainers liquid. Inaalis niya ang substance ng X-syrup mula sa katawan mo."
Nanlaki ang mata ng binata dahil sa sinabi ni Phoenix. "Paano mo nalaman ang tungkol sa X-syrup?" Naghahabol na siya ng sariling hininga. His body isn't compatible with the retainers liquid.
"Marami akong alam tungkol sa organisasyon ninyo. Hindi lamang tungkol sa X-syrup. Marami pang iba."
Pumantay si Phoenix sa harapan ni diego.
His face contorted into different pain reaction.
"Your body can't survive without the X-syrup. This is your weakness. Maaring malakas kayo subalit palagi ninyong isipin na isang araw mawawala ang lakas na pinapahalagahan ninyo." Itinutok ni Phoenix ang bagong baril sa noo ni Diego.
He smiled. "What a shame. I don't imagine a girl will kill me."
"Maybe the world sent me as your karma for all those girls you killed. I shall take your life as compensation."
Napahalakhak si Rapist. He can't move his body. Damn that liquid!
"Well go on. Take my life. I was waiting for someone like you to kill me anyway." He faintly smile. "There's no salvation for someone like me. The world you tried to protect will also be the one who will betray you. Even if you struggle for justice. Hindi lahat magagawa mong mailigtas."
Phoenix put her fingers on the trigger.
"How come, you can save them but not us? They are not the only one who's in need of help. Kami rin."
Pinikit ni Diego ang kaniyang mga mata.
Nakaramdam ng kaunting awa si Pheonix."Killing you is the only salvation I can offer." Then she pulled the trigger.
The impact of the bullet sent his body backward. Lampasan ang bala sa ulo nito. Bloods flowed from his head. Painting the white floor — bloody mess.
Nakabukas ang mga mata ni Diego. Staring at her. It's lifeless. Inalis niya ang sariling jacket na itim at ipinangtakblob sa ulunan ng binata.
She sighed. Even if the world betray her, she won't stop.
Nilapitan niya ang kinatataguan ni Stella. Nanginginig ang katawan ng dalaga sa takot. Ang parehas na mga kamay ay nakatakip sa dalawang tenga.
Phoenix kneeled beside her and softly touches her shoulder.
Napaigtad si Stella. Dahan-dahan na tumingin sa kanan. It was the mask girl.
"Let's get out of here." Sa sinabi nito, tuluyan ng nagsipagbaksakan ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.
"A-Akala ko... katapusan ko na." Nagsimula na itong ngumawa.
Napangiwi si Phoenix. Ganito pala ito umiyak. Nakakarindi.
"Tara na." Tumayo na si Phoenix.
Humihikbi na tumayo si stella. Sumunod siya sa babae. Napansin niya ang magulong paligid. Hindi rin nalingid sa kaniyang paningin ang walang buhay na katawan ni Diego. Mabilis niyang iniwas ang tingin. Kahit papano, nakaramdam siya ng awa sa lalake. Victim can also became criminals.
Pagkabukas ng pintuan sa first floor. Bumungad sa kanila ang magulong itsura ng candy shop. Parang dinaanan ng bagyo.
"Yow! Took you long enough." Tawag pansin ni Andrei.
He's a messed. Punit-punit ang damit. Puro may malalim na hiwa ang katawan.
Inilibot ni Phoenix ang tingin sa paligid hanggang sa tumigil iyon sa bulto ng isang binata. Nakagapos ang dalawang kamay sa pader. May dalawang sugat sa tigkabilang hita. Bullet wounds.
"I didn't killed him. He is all yours. Salamat din sa retainers liquid. Nakatulong nang malaki. I almost die. Mabuti na lang naiturok ko sa kaniya iyon kundi baka nagkaroon na naman ng bagong paglalamayan ang agency."
Phoenix let out a sighed. "I'll take over. How about the other men?"
"Dead." She halted sa narinig.
Pinagpatuloy ni Andrei ang paliwanag. "May built it chip sa mga utak nila. Once trigger it. Boom! Sabog ang mga utak. Wala na silang saysay. I already called for back up. Parating na sila, mayamaya."
Tumango na lamang si Phoenix sa narinig. The WEB made sure no one will extract information about them. That's a wise decision.
"Get her out of here." Tukoy niya kay Stella na nakikinig sa kanila.
Tila ngayon lamang napansin ni Andrei ang presensya ng dalaga. "Oh. Hello?"
Alanganin na tumugon si Stella. "Hi po."
"Don't worry iha. Hindi kami masamang tao. We are here to help. Halika sa labas. May pag-uusapan tayo sandali."
Iginiya palabas ni Andrei si Stella. She turned her eyes towards Phoenix na umupo sa tapat ng binatang walang malay. Hanggang sa nakaalis na sila sa loob ng candy Shop.
Nang sa wakas ay tuluyan na silang nakaalis saka lamang nagsalita si Phoenix.
"I know you're awake. Stop pretending your asleep 'cause that won't work on me."
Agad na nagmulat ng mga mata si Midnight. Brown eyes gretted her.
"Ikaw ba ang tinutukoy ng lalaking iyon na Grim Reaper?"
Nanatiling walang tugon si Phoenix.
Natawa si Midnight. He grinned. "Did you collect Rapist soul? So am I next to your black list?"
"Kung hindi ka susuko. Wala akong magagawa kundi ang patayin ka."
"Woah! That's spooky. Nakakapanindig balahibo. Neh? Tell me Phoenix, hindi ba't masaya ang pumatay? Diba?" tudyo niya. "How many lives did you killed already?"
No answer.
"I bet you can't count anymore! That's awesome! Super! Actually I'm your number one fan! It's good to see you before I die. It's a great privilege na ikaw pa ang papatay sa akin. Neh? Kill me. Kill me now. If ever pinakawalan mo ako." Ngumisi si Mdnight. "Uunahin ko ang pamilya ng lalaking iyon. I almost got him kung hindi lamang dahil sa asul na likidong itinurok niya 'di sana nadagdagan na ang listahan ko."
Kinuha ni Phoenix ang baril at itinutok iyon sa noo ni Midnight. Mas lalong lumawak ang ngisi sa labi ng binata. Nagustuhan niya ang apoy sa mga mata ng dalaga.
"Sayang, hindi kita nakalaban. Pero nakakatiyak akong hindi lang kami ang makakalaban mo. Mas marami kami higit pa sa inaasahan mo Phoenix. The WEB will continue creating more human weapon. Hindi madaling daan ang tatahakin ninyo para pabagsakin ang aming organisasyon. Hindi kayo magtatagumpay. Hinding-hindi." Inilapat niya ang sariling ulo sa dulo ng baril ni Phoenix.
"Even if you kill us all. Marami pang katulad namin ang lilitaw sa mundong ito. You can't stop us from existing."
"You sure talk a lot," puna ni Phoenix.
"I do. If you don't want to hear my voice. Kill me."
"Hindi ka talaga susuko?"
"I'm ready to die not to surrender."
"Alright." She was about to pull the trigger when he talked again.
"Tama nga si Dice. He know lots of thing about you but he never let anyone discover your true identity. That scar old man. Tch!"
"Dice?"
"I bet you know him as well."
"Nakakarindi ka na."
"Then pull the trigger. End me."
"As you wish." Kinalabit ni Phoenix ang gatilyo ng baril.
Umalingawngaw ang tunog nito sa tahimik na paligid. Tumalsik ang dugo ni Midnight. His body move backward. Kitang-kita ang sariwang butas sa likuran ng ulo nito. Laylay ang katawan. Lumantad ang tatto na sapot sa pulsuhan ng binata. Napakuyom si Phoenix ng kamao. Tumayo na siya. Sa huling pagkakataon pinagmasdan niya ang pigura ni Midnight bago tuluyang umalis.
'Her second mission is finally over.'
Nakasagupa niyang muli ang myembro ng WEB. Hindi siya titigil, hanggang sa maubos niya silang lahat at matukoy ang kanilang pinuno. Whatever it takes.
-Itutuloy-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top