[14] A MEMORY AND STELLA'S ABDUCTION
"The dark past you tried to forget won't leave you behind. It's itches inside your mind and heart. Hunting you for eternity."
CHAPTER 14
Kasalukuyang binabagtas ni Zoien ang daan patungo sa office ng mga teacher, dahil pinakisuyuan siya ni Mr. Hansen na ilagay sa table niya ang mga long quizes ng buong klase.
As scholar, it is one of her duty. Wala naman siyang reklamo hangga't nakakatulong siya sa kapwa.
A yawned escape from her lips. Tumatalab na ang mga gabing wala siyang tulog. Kailangan niyang gawin iyon dahil nais na niyang tapusin ang ikalawang misyon. Dalawang linggo mahigit na ang nakalipas simula nang mapasakamay niya ang ikalawang kaso.
Habang tumatagal ang panahon. May posibilidad na may bago na namang mabiktima at hindi niya iyon hahayaang mangyari. Tama na ang pagkamatay ng tatlumpu inosenteng kabataan.
She won't let those criminals get away easily. She'll make them pay.
'Even if they are victims themselves. Hindi maaalis na heinious criminal pa rin sila. Killing is easy for them like breathing. May mga buhay pa rin silang kinuha. Kailangan nilang pagbayarin ang lahat ng iyon.'
Muling nabalik sa huwesyo si Zoien. Nasa harapan na siya ng faculty room.
She brushed the thought away at akmang bubuksan na sana ang pintuan. Hindi pa lumalapat ang kamay ng dalaga sa sliding door nang marahas iyong bumukas. Reavealing a handsome man. Mukhang nagmamadali ito sa paglabas at hindi siya napansin. Mabilis na bumunggo sa kaniya ang di kilalang lalaki. Parehas silang nabuwal.
Parang fireworks na sumabog sa ere ang mga papel na hawak ni Zoien. Napapikit pa siya dahil tumama ang buo niyang katawan sa malamig na marmol. Nasaktan siya dahil sa impact. Idagdag pa ang malaking bulto ng katawan sa ibabaw niya na wala atang balak na umalis.
Pinagmasdan ni Zoien ang lalaking nasa ibabaw niya. He wore blue uniform. His hazel eyes are staring down at her. Hindi iyon kumikisap na akala mo maging ang kaluluwa niya pinagmamasdan nito. His info appeared on her glasses.
Sean Heinsford. Second Year from upper class.
"Heinsford! Mag-ingat ka naman! And what are you still doing! Get up! You're squeezing her!" Boses iyon ng isang babae.
Napahinga nang maluwag si Zoien dahil sa wakas naalis na ang lalaki sa kaniyang ibabaw. Parang gumaan ang kaniyang pakiramdam. Nagkaroon na rin ng sapat na espasyo si Mr. oxygen na nahiyang umepal kanina sa lapit ng kanilang mga mukha. Huminga siya nang malalim para makapasok sa sistema ang oxygen. Ilang minuto ba naman siyang gawin nitong human bed. Mabigat din ang lalaki.
"Ugh! Gilley! Stop pulling my collar! Masasaktan ka sa aking babae ka!"
"Shut the hell up, Sean! Mahiya ka sa balat mo! 'Di mo man lang nagawang tulungan ang nakabungguan mo! Kahit sorry man lang! Wala!"
"Kasalanan ko ba kung pahara-hara siya! Saka anong magagawa ng sorry ko! She's not child anymore para tulungan ko pa siyang makatayo! And please stop pulling me backward!"
"Goodness! Wala ka talagang ka-gentleman sa katawan! Balasubas ka talaga kahit na kelan!"
Napailing si Zoien sa pagtatalo ng dalawa. Pinulot niya ang mga papel na nagkalat. Habang ang mga ito ay patuloy pa rin sa pagbabangayan sa halip na siya'y tulungan. Nakagawa na sila kaagad ng sarili nilang mundo at nai-chapwera na si Zoien. As if she doesn't exist in the first place.
Tagumpay niyang nakuha ang lahat na nahulog na mga papel bago nilampasan ang dalawang couple whose Having their nonsense arguments. Sa wakas ay nakapasok sa faculty ang dalaga. Nandun ang isa sa mga professor ng second year. Napapailing ang ulo habang ang tingin ay nandun sa dalawang emperian na patuloy pa rin sa pagbabangayan.
"They are hopeless." Ang mga katagang iyon ang narinig ni Zoien na bulong nito.
She dismissed it. Ginawa niya ang pakay. Pinatong niya sa ibabaw ng lamesa ang mga papeles. Pagkatapos maiayos ang lahat ay napagpasiyahan na niyang umalis.
Nasa bungad pa rin ng pinto ang dalawa. Balak na sana niyang hayaan sa sariling mundo ang ang mga ito, ngunit may humawak sa kaniyang pala-pulsuhan. She was face to face with a blondie girl.
'Pretty one.'
Lumitaw sa lense ng suot na salamin ni Zoien ang info tungkol sa babae.
Gillian Thompson. Second year, also from upper class.
"Pasensya na sa nangyari kanina, girl. Ito kasing si Sean walang magawa sa buhay. So, ako na lang ang humihingi ng despensa sa ginawa niya."
Pasimpleng binalingan ni Zoien si Sean. Seryoso ang tingin nito sa kaniya subalit kapag nagagawi ang tingin sa kamay ni Gillian na nakahawak sa pulsuhan niya ay mas lalong tumatalim ang tingin nito.
As if he's saying 'Back-off from my girl.'
"Ah? Ayos lang. No harm done," simpleng tugon niya.
"Na-uh! Hindi ako tumatanggap ng ganyan! Wait lang girl."
Sa wakas ay binitiwan na siya nito at may kung anong kinuha sa bulsa ng skirt. Ngumiti si Gillian.
"Here! Take this instead! Masarap 'yan!"
Ngumiti na naman ang babae. She got energetic vibes sorrounding her. Nakakahawa ang energy niya. Nag-enervon kaya siya?
"Let's go." Hinila palayo ni Sean si Gillian.
"Sandali naman! 'Di pa ako nagpapakilala!"
"Huwag kang feeling close sa kung kani-kanino Gilley! Hala, alis na tayo! Stop struggling or else bubuhatin kitang parang sako ng bigas!"
"Rape! Rape!Help-hmn!" Tinakpan ni Sean ang maingay na bibig ni Gillian at tulad ng banta binuhat niya ito na parang sako ng bigas.
Pinagmasdan ni Zoien ang pag-alis ng dalawa hanggang sa nawala na ito sa kaniyang paningin. May mga werdo rin pala sa Empire. Binalik niya ang pansin sa pagkaing nasa kamay.
'Chatlet?' Iyon ang pangalan nito.
She unfolded the wrapper. Tumambad ang parihabang tsokolate.
'Is it edible?' Nagkibit balikat na lamang si Zoien. It looks delicious naman. Saka libre. Masamang magsayang ng grasya lalo na pagkain.
Kinain niya iyon. Ninamnam ang bawat piraso. "Hmn. Not bad. It taste sweet," kako niya bago nagpatuloy na sa paglalakad pabalik sa room.
P.E nila ang kasunod. Tiyak na nakapagbihis na ang mga kaklase niya. Kaya nagtungo na si Zoien sa locker room ng mga girls. Nagpalit ng P.E. uniform. Depende pa rin ang kulay sa rank ng school. Kaya black ang sa kaniya. Simpleng T-shirt na black at short.
Sa Quadrangle ang gaganapin ang klase. Doon siya nagpunta. Tulad ng inaasahan naroon na ang karamihan sa kaniyang mga kamag-aral.
Tulad pa rin ng dati. They will give her weird stare as if she's an alien. Well for them, she is an alien.
Ipinagsawalang bahala na lamang iyon ni Zoien. Sanay na siya sa mga tingin. Magsawa sila. Naupo siya sa malayong part ng benches.
She maybe look like a loner ngunit hindi lahat ng nag-iisa ay malungkot. Mas mabuti nga iyon dahil magagawa niya ang nais niya na dahil wala siyang inaalalang kahit na sino.
The bully still continue pero nabawasan mukhang hindi kinaya ng kanilang powers ang pagiging 'always ready' ni Zoien. Palagi niyang naiiwasan lahat ng prank nila. Seeing their frustrates faces made her day.
Habang naghihintay sa P.E. instructor na si Sir. Archie napagpasyahan niyang umidlip sandali. Niyakap niya ang mga tuhod. Ipinatong ang baba sa kaniyang mga bisig bago pumikit.
Mayamaya nakatulog ang dalaga. Isang ala-ala ang pumasok sa kaniyang subconcious mind turning it to a nightmare.
...
Nanginginig ang kamay ng batang si Zoien habang hawak ang isang patalim. Napalunok siya. Maraming tambol sa loob ng kaniyang dibdib. Napakabilis ng tibok ng kaniyang puso.
"Kill him."
Hindi makapaniwalang binalingan niya ang lalaking nasa may gilid. Nakasandal ito sa may pader. Labas ang peklat sa mukha nito. Mula iyon sa noo pababa sa kanang pisngi. Walang buhay ang mga mata.
Umiling ang batang babae. Muling tiningnan ang katunggaling batang lalaki na nakalumpasay sa buhanginan. Naghihingalo ito. Hindi makatayo. Puro dugo ang mukha. Hindi makapaniwala si Zoien na siya ang may gawa niyon sa bata. She almost kill him.
"Kill him Zee," muling diin nito.
"N...N-o! Hindi ko kaya!" tanggi niya.
Bata lang ito katulad niya. Puwersahan silang pinaglaban. Hindi niya kayang patayin ito. Hinding-hindi!
"This is why I hate children!" Naiinis na lumapit sa kaniya ang lalaki. Hinablot ang hawak na patalim. Inihagis sa lupa. Bago kinuha ang sariling baril at iyon ang inilagay sa kaniyang kamay.
"Shoot him," muling utos nito sa kaniya.
Ipinuwesto nito ang mga daliri ni Zoien sa tamang lugar sa katawan ng baril.
"Come on now. Don't be a coward. Shoot!"
Muling umiling si Zoien. Tears streaming down her cheeks.
Tiim bagang siyang tiningnan ng lalaki. Napabuga ng hangin bago yumukod. Pumantay sa batang babae. Hinawakan nito ang maliit niyang kamay. Itinutok sa katawan ng batang lalaki ang baril.
"Tandaan mo. Wala karapatang mabuhay ang mahihina sa lugar na ito. Matira matibay. The only way you can eacape from here. Is that you win this battle. Kung hindi mo siya papatayin ako mismo ang papatay sa inyong dalawa. But no, I can see potential inside you. Sayang naman kung mamamatay ka lang. Marami kaming makukuhang benepisyo mula sayo. Now." Iginiya nito ang baril. Itinutok ang dulo nito patungo sa mismong noo ng walang kalaban-laban na batang lalaki.
"Don't close your eyes. Look at him in the eye, Zee. If you are a killer make sure to see his eyes," pagdidiin nito.
Labag sa kaloobang kaniyang ginawa ang sinabi nito.
"Good. Mahirap ang pumatay sa una subalit kapag nasimulan muna parang wala na lang iyon." Kinalabit nito ang baril.
Bang!
Nanghinkatatakutan si Zoien sa nasaksihan. Tuon ang tingin sa katunggali. Butas ang gitna ng noo nito. Lumabas mula roon ang masaganang dugo pababa sa mukha nito. Bukas ang mga mata. Nakatitig sa kaniya.
Nanginginig na napaluhod si Zoien. Hindi makapaniwala sa nangyari. Hawak pa rin niya ang baril sa kamay.
She killed him. She killed someone.
Hinding-hindi niya makakalimutan ang mukha ng kauna-unahang napatay niya. Isang inosenteng bata iyon at madaragdagan pa.
"Zoein, always keep in your mind. Emotions are weakness. You need to get rid of them or else ikaw mismo ang magiging biktima nito."
"Zoein...!"
"Zoien wake up stupid!"
...
Mabilis nagbukas ng mga mga mata si Zoien. Naghahabol ng hininga.
"At last, your awake! Kanina pa kita ginigising! My gosh! Bakit kasi, ikaw pa ang nakasama sa grupo namin? Pasalamat ka ayaw kong bumaba ang grado ko sa P.E. so kahit na ayaw ko sa'yo wala akong choice kundi tanggapin ka."
Mahabang salita ni Stella subalit tumigil siya nang mapansin na hindi nakikinig sa kaniya ang kausap. She groaned internally.
Hinawakan niya ang balikat nito. "Hey I'm talking to you at least face me-" Natigilan si Stella.
A pair of dark grey eyes stares directly at her. Kakaiba iyon sa pangkaraniwan niyang nakikita sa mata ni Zoien. Her eyes looks lifeless.
"I can hear you perfectly." Tumayo na si Zoien. Dismissing stella's strange gaze.
Kunot noo pa rin nakatingin si Stella kay Zoien. 'What was that?' ika niya.
"Team E! Come here! Sisimulan na natin ang laro!" Naagaw ni Sir. Archie ang atensyon ni Stella.
"We better go. Our Team is waiting for us." Sa pagkakataong ito. Nakangiti na si Zoien as if, namalikmata lamang si Stella kanina.
'Maybe she did. Tama! Namamalikmata lang siya kanina.' Tumayo na si Stella.
Through out the afternoon hanggang sa matapos ang klase their class played dodge ball.
...
"Grabe si Sir Archie! Binilad tayo sa initan!" Reklamo ni Mellow. "But I had so much fun!"
Panay ang kuwento ni Mellow subalit ang isipan ni Stella ay naglalayag. Those lifeless eyes hunts her. Nakikita niya iyon sa mga mata ng taong nawalan ng pag asa. Or they lost someone.
She wonders why she saw that from Zoien. Sa lahat ng ginawa sa kaniyang pambubully, hindi iyon ang mga mata niyang nakita. There was glint of amusement not hopelessness or grieve. None. So, ano iyon?
"Bess? Hey? Are you still there? Hello? Saan mo dinala ang bestfriend ko! Sumagot ka! Aray naman!" Binatukan ni Stella ang makulit na si Mellow.
"Ang ingay mo. Kita mong nag-iisip 'yong tao."
Napanguso si Mellow. "So, kailangan mambatok? Gano'n? Kamusta brain cells ko? Kapag naapektuhan sila. Kakasuhan kita!"
Napaikot ng mga mata si Stella sa kabaliwan ng matalik na kaibigan. Nakainom na naman ito ng energy drink. 'Sinabi na't huwag papainumin eh!' Lagot si Chris sa kaniya bukas.
"Whatever. Andyan na sundo ko!" Huminto ang isang itim na kotse sa harapan ni Stella. "Bye sis! Bawal ka na talagang uminom ng energy drink! Bukas na lang."
"No way! Tatakasan mo ako!"
Bago pa makapasok sa loob ng kotse si Mellow agad niyang sinabihan ang driver na magdrive na. Natatawa na lamang si Stella sa naging reaksyon ni Mellow. She looked like a child who lost her favorite toys.
Sumandal si Stella sa malambot na upuan. Marahang ipinikit ang mga mata.
"You look exhausted."
Mabilis na nagbukas ng mga mata ang dalaga dahil sa di pamilyar na boses ng driver niya.
Kailan pa naging bata si Manong Jude?
Bumungad sa kaniya ang isang 'di kilalang binata.
"Who the heck are you! Asan si Manong Jude!" Nataranta na ang dalaga. Pilit binubuksan ang mga pinto subalit lahat ng iyon ay nakakandado.
"Stop that. You can't escape. Ako ang driver mo. May pupuntahan tayong magandang lugar. I'll make you entertain."
"Entertain mo mukha mo! Itigil mo ang kotse! Bababa ako!"
"Woah! For a pretty girl. Ang daldal mo." Inilabas niya ang baril at itinutok iyon sa gulat na mukha ni Stella.
"Now." Ngumisi si Diego. "You shall listen to me, pretty girl or else dito pa lamang sa kotse mo paglalamayan ka na."
Labag sa kalooban na tumahimik si Stella.
"Good. I am your kidnapper, Rapist at your service and the guy over there is Midnight." Tukoy nito sa isang lalaking nakamotor na nakasunod sa kanila. "We are the known Midnight Rapist at ikaw ang rabbit namin ngayong gabi."
-Itutuloy-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top