[10] CLICHÉ


“In a gentle way, you can shake the world.” —Mahatma Gandhi

CHAPTER 10

Lihim na napangiti si Zoien matapos maramdaman ang isang presensya sa kaniyang likuran. Pasimple siyang humakbang patalikod.

Napasigaw ang isang babaeng may dalang tray na naglalaman ng spaghetti na maraming sauce. Balak niyang tapunan si Zoien subalit hindi inaasahan na iiwas ang target. Dahil sa gulat ay napatid niya ang sariling paa. Babagsak sana siya sa marble tiles kung hindi lamang hinawakan ni Zoien ang kaniyang braso at hinila para itayo nang maayos. Tumilapon sa ere ang tray at ang spaghetti.

Nilahad ni Zoien ang kamay at sinambot ang tray, pagkatapos ay ang pinggan na may laman spaghetti na ikinanganga ng karamihan. Walang natapon maski ang sauce.

'How did she do that?'

Pasimpleng ngumiti si Zoien. Binalingan ang nasa tabing babae na tulad ng karamihan. Gulat ang makikita sa mukha nito.

"Here." Inabot ni Zoien ang tray sa wala sa huwesyo na babae. Ngumiti bago muling nagsalita. "Be careful. If you want to bully me make sure na hindi ka masasaktan. Is that okay, Ms. Stella?" Pahayag ni Zoien na ikinabalik sa huwesyo ni Stella.

'What the hell just happened? T...T-his freaking girl! Nakakainis!' maktol sa isipan ni Stella. She's scowling at Zoien.

'It's time to flee,' aniya sa isipan ni Zoien. Reflexes sure came handy. Ang kaso mas marami ang nakuha niyang atensyon dahil sa kaniyang little stunt. 'Looks like its impossible to make myself invisible.' She took a deep sighed.

Sabagay, simula nang tumuntong siya sa Academy, imposible talagang walang makapansin sa kaniya. Siya lang naman ang nag-iisang student-scholar. Idagdag pa ang agaw pansin na itim na uniporme. Siya lamang ang nag-iisang nagsusuot nito. 'I gave up. Imposible nga ang nais ko.'

"I have to go." Nagawa pang kumaway ni Zoien bago umalis sa cafeteria na ikinamaang ng lahat lalo na ang grupo ni Stella.

"I didn't see that coming," bulalas ni Hawthorne matapos masaksihan ang kaganapan iyon. 'Wow. How did she do that? Is she even human? I can't do that kind of exhibition! Cool!' aniya ng binata habang ang tingin ay nasa exit na nilabasan ni Zoien.

Hawthorne Dominguez. Upper class. A total computer addict. International gamer. Classmate ni Zoien sa LAW department.

Nanghihinang napaupo si Stella sa bakanteng upuan sa tabi ni Mellow.

"Good thing she caught you or else you'll be the next topic in our site." Bungad ni Mellow bago pinagtuunan ng atensyon ang pagkain na pasta.

Mellow Irish Vlanc. Upper class. She's from the family of gymnast but she prefer taking up LAW just like her Grandparent.

Tila mas nairita si Stella sa narinig. "I don't owe that commoner anything! In the first place kung hindi siya umiwas hindi ako mapapahiya!"

Stella Mae Zambroza, upper class student. She's from politician family. Prideful. Rank 1 sa klase.

Nagkibit balikat si Huston. "Maaring tama ka pero siya din naman ang nagligtas sa'yo sa kahihiyan. Nakakatuwa na kaya niyang gawin ang mga bagay na hindi pangkaraniwan."

Huston Gomez, Upper Class. Typical nerdy handsome boy. He loves writing. Part of the Journalism Club.

Tunay na kakaiba ang transferee, na ultimo lahat ng emperian student ay against dito. Of course, who wouldn't? She's different.

"Don't tell me kinakampihan mo ang babaeng iyon?" Taas kilay na puna ni Stella kay Huston na nagkibit balikat.

"Hindi naman sa gano'n. Bakit ka nga ba nakikisali sa mga nambubully sa newbie? I really don't understand. Diba't commoner siya kaya, bakit? We should just ignore her existence." Paliwanag ni Huston saka siya uminom sa inorder na melon juice.

Napatawa si Christ."Paanong hindi siya mapapansin ni Stella. That newbie is amazing! Isang linggo pa lamang siya rito pero nakakahakot na siya ng atensyon. Nangunguna sa bawat test, quiz, recitation. Wala pang ni isang mali. Not only that but idagdag pa na she's very athletic."

Christian Lewis, upper class. Adventurous. President of his own club. The mystery club. Lawn Tennis Player.

Napasimangot si Stella sa tuwing naaala ang magandang performance sa klase ni Zoien. 'If I know nagpapapansin lang ang babaeng iyon!' aniya sa sariling isipan bago itinusok ang tinidor sa chicken na nasa plato ni Christ.

"Oops! Did I hit a nerve?" tuwang puna ni Christ sa inakto ni Stella.

Knowing Stella, ayaw nitong nasasapawan lalo na ang natatapakan ang pride nito dahil isang commoner ang nagpapakitang gilas sa klase. Mukhang nakahanap ng katapat ang kanilang super grade concious na kaibigan.

Tiningnan nang masama ni Stella si Christ. "Tigil-tigilan mo ako Christ hindi nakakatuwa. Don't praise her. Nagpapansin siya! Ano bang pumasok sa kukute ng babaeng iyon para pumasok sa Empire! This place is not suited for pupper like her."

"Kalma best. Tataas ang highblood pressure natin." Ngumiti si Mellow subalit isang irap ang natanggap niya mula kay Stella. "Well, she's exemplary. Iyon na din siguro ang isa sa mga rason kung bakit siya tinanggap ng Empire. Saka Kapansin-pansin naman talaga siya. And don't even deny it." Pagpapatuloy ng dalaga na ikinasang-ayon ng iba pa maliban sa isa. Mellow smirked. "Balita ko kaya dumagdag ang haters niya dahil namataan siya na nakikipag-usap sa mga royalties."

Mas lalong umasim ang mukha ni Stella sa narinig. "See! She's an attention seeker! Ang isang mahirap na tulad niya ay walang karapatang manatili sa haven ng mga elites! Dapat siyang patalsikin! Ang kapal talaga ng mukha ng sipsip na babaeng iyon!"

Napabuntong hininga si Hawthorne. "Kung ako ang tatanungin." Seryosong tiningnan ng binata ang kaniyang mga kaibigan. "Malaki siyang assset para sa eskwelahan. Batay sa performance na pinapakita niya mahihirapan ang kahit na sinong may balak na patalsikin siya dahil she's performing excellent na hinahanap ng eskwelahan natin. So, just stay put, Stella. Mahihirapan ka sa plano mo."

Aapila pa sana si Stella pero she chose not to dahil may point ito. Si Zoien ang kauna-unahang scholar na tinanggap ng Empire. Hindi man niya aminin pero kahanga-hanga ang performance nito sa klase man maging sa extracurricular. Iyon na rin siguro ang dahilan kung bakit pinili ng head na papasukin ito sa E.U.

"Idagdag pa na walang kahit na sino mula sa haters ng newbie ang makakapagpaalis sa kaniya. Hindi n'yo ba napapansin kung paano niya ihandle ang mga bullies niya?" singit ni Huston.

Agad na sumang-ayon si Christ. "Of course, kapansin-pansin na kahit anong gawin pambubully sa kaniya ay wala siyang reaksyon kundi ang ngumiti at mabilis na patawarin ang mga bullies niya. Ni hindi nga nakakapunta sa taas ang masamang gawi ng mga haters. That is weird."

"No, she is weird. No, unique is the perfect word to describe her." Mellow said with matching hand gesture. "You know what I mean?"

Stella sighed. "Whatever, Mellow. I still hate her. Period! And please change topic tayo. Ayaw kong marinig ang tungkol sa kaniya."

Nagkibit balikat ang iba sa narinig. "How about the most interesting news in the capital?" Taas baba ng kilay na pahayag ni Christ.

"About what?" kuryus na tanong ni Mellow

"Ow I know that." Ngising pahayag ni Hawthorne.

"About the Midnight Rapist." Pagtatapos ni Huston.

Being one of the journalist club he is very eager to find very interesting news in the Capital. Lalo na kung may koneksyon sa kanilang mga kabataan.

"Exciting diba?" He beamed na ikinailing ng mga kaibigan.

'Ito ang mahirap kay Christ. Nasobrahan sa panonood ng thriller, suspense, horror and mystery.'

"Anong exciting do'n? Nakapangilabot kaya." Nagsimula nang kumain si Stella.

"Of course, that's part of it! Ayon sa nahagip kong balita wala pang salarin nahahanap ang pulisya."

"Come on Christ. This is not exciting at all. Isang kriminal ang malayang pagala-gala sa capital. You're scaring me," kinakabahan na pahayag ni Mellow.

Napahawak sa baba si Huston. "Maybe the journalism club should highlight this story for awareness of everyone lalo na para sa mga babaeng layas. Magaling Christ you gave me an idea sa susunod na Newspaper ng club namin." Tinapik-tapik pa ng binata ang balikat ni Christ.

"Oh really? Kung may tanong kayo. Available ako anytime. I can answer any question." Halata ang tuwa sa mukha ni Christ.

"Ayan na nga nagsimula na naman sila," naiiling na pahayag ni Hawthorne habang ang pansin ay na kina Huston at Christ na may sarili ng mundo. Kaya masamang pagsamahin ang dalawang iyan. Pinagmasdan ni Thorne sina Mellow at Stella. Worried can be seen on their faces.

"Hey, as long as mag-iingat kayo at palaging may kasama nothing bad gonna happen so relax," pagpapakalma niya na ikinabuntong hininga ng dalawang dalaga.

'Sana nga, gano'n lang kadali ang lahat.'

...

Seryosong nakatitig sa holographic monitor si Zoien. Inaalisa ang mapa ng buong capital. Nilagyan niya ng red dots ang bawat lugar kung saan natagpuan ang bangkay ng mga biktima. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya mahanap ang pinangyarihan ng krimen.

"They don't have any connection at all. This case will be difficult but I won't lose hope."

Napahikab si Zoien. Aside from reviewing her lesson ay nagpapakapuyat siya para lutasin ang kaso. She's exhausted but she can still move energetically basta kahit idlip lang ay okay na. She even tried every CCTV camera pero lahat ng kaniyang attempt ay walang napuntahan. Aside from sa liblib na lugar itinanapon ang mga katawan ay wala iyon sa range ng surveillance camera. The repair of the spy cam is their only salvations. I really need to finish the maintenance later.

"He is too careful. How can I find him?"

Aside from knowing na mga students ang biktima at mga babae pa, what else did she miss?

Ang sabi ng mga witness, bigla na lamang daw nawala ang mga biktima nang walang paalam. Then they went missing hanggang sa natagpuan na patay na pala.

Tuon ang kaniyang atensyon sa pag-iisip hindi niya napansin na may ilang estudyante ang tahimik na palapit sa kaniyang pinagtatambayan. Mababakas ang ngisi sa kanilang mukha. Nagkatinginan bago itinuro ang walang kamalay-malay na babae. Nakaupo sa lilim ng isang puno habang may aklat sa kandungan.

"So this is where she's hiding." Malaki ang ngisi ng isa sa kanila at sinenyasan ang mga kasamahan. Masayang tinugon nila ang nais nito.

Mula sa gilid, ay may napansin silang timba. Kinuha iyon at nilagyan ng tubig mula sa malapit na gripo. Pagkatapos ay tulong-tulong na binuhat. Maingat na lumapit sa likuran ng walang kamalay-malay na biktima. Lihim naman na natatawa ang mga kababaihan. Hindi na makapaghintay sa magiging reaksyon ng taong bubuhusan nila nang malamig na tubig.

Sinenyasan muli ng isa na ituloy na ang plano. Walang pakundangan na binuhos nila ang laman ng timba sa ulo ni Zoien. Umalingaw-ngaw sa tahimik na paligid ang malakas na tawanan.

Samantalang, napakisap mata si Zoien. Nabalik sa huwesyo matapos maramdaman ang malamig na likidong dumaloy sa kaniyang buong katawan. Maging ang aklat ay hindi nakaligtas. Napabuga siya ng hangin.

'Patience. Patience is a virtue.' Paulit-ulit na pahayag ng dalaga sa sarili.

"Serve you right. Maybe this time natauhan ka na sa dapat mong kalagyan. You are not welcome here. It's better if you just drop out and off you go. Wherever you came from, commoner."

Another silly comments. Typical scenario. Bullying isn't new topic for her.

Pinagsawalang bahala ni Zoien ang narinig na para bang lumampas ito sa tigkabilang tainga. She stood up. Kahit basang-basa ang kaniyang buong katawan ay wala siyang pakialam. Kahit ilang beses siyang pagtulungan ng buong emperian ay kaya niya iyong indahin lahat. She experienced worst than this. At least she can tolerate, spoiled brats.

Ngumiti si Zoien na ikinagulat ng mga kababaihan. Paanong hanggang ngayon ay matatag pa rin ang babaeng nasa kanilang harapan. Eversince, tumuntong ito sa E.U. ay walang tigil ang kanilang pambubully sa babae. They hated her. Despite the showcase of her excellence performance, everyone can't see it. No! They won't admit it. Dahil mababa ang rank nito sa hierarchy. Hampas lupang scholar.

All her well bearing is nothing to them. Ika nga nila, status is still important kahit pa magaling ka at matalino ay wala iyong halaga sa ranking system. That's how the elites world works. They will do everything to work it out at walang kahit na sino ang makakawasak niyon. It's a culture to them at ang biglang paglitaw ni Zoien sa kanilang mundo ay hindi maganda ang resulta lalo pa't natatalbugan nito ang lahat. Ultimo ang pinakamatalino sa lahat ay natalo nito. How much more does this scholar wants?

"Again, just like what I always said every single time they ordered me to drop out. I'm sorry but I won't. You can bully me all you want hanggang sa magsawa kayo pero hinding-hindi n'yo ako mapapaalis sa eskwelahan na ito." Malumanay na pahayag ni Zoien na ikinaangil ng kaniyang mga bullies.

Naglakas loob na lumapit ang isa sa kanila na siyang pinakamataas ang ranggo. Blue uniform. The girl is gritting her teeth because of anger. She hates her guts, they all were! Matapang pa rin ito kahit pagkaisahan nilang lahat. Lahat ng kanilang ginagawa ay tinuturing nitong wala lang.

"You got guts, huh? Are you that desperate to mingles with 'us'. This is the elite's world. You don't belong here. Whether you like it or not, you're not suppose to be here!" Singhal nito kay Zoein.

Nagpakawala ng buntong hininga si Zoien. Lumitaw sa lense ng kaniyang hi-tech glasses lahat ng personal data ng bawat nasa harapan especially the person with the blue uniform.  She removed her glasses na basa na bago hinarap ang nagpupuyos na dalaga.

"Well, if that's what you want Ms. Friore then do it but I want to make something clear. I don't care about your status. The Elites world, I don't even want to enter that world. I'm content to be normal. As you all call me a commoner." Pasimple pinunasan ni Zoien ang kaniyang salamin. "I like the way I am. I don't need to climb up into your social ranking system. Are you satisfied? Or maybe mayroon pa kayong ikinagagalit? Just tell me now, hangga't willing pa akong sagutin ang mga katanungan ninyo?"

Isa-isang nagkatinginan ang pitong estudyante. Habang napakuyom naman ng mga kamao si Friore. She hates her. Pakiramdam niya ay isa lamang silang langgam sa mga paanan nito. Wala itong interes sa mga tulad nila when in fact isa lang itong commoner and a mery fact, a scholar and yet ang taas ng tingin nito sa kaniyang sarili. Mas lalong nadagdagan ang inis ni Friore.

"Ang kapal talaga ng pagmumukha mo, ano?"

Binalingan ni Zoien si Friore na nanggigigil ngunit hindi siya nagsalita. Tulad pa rin ng dati. She needs to be calm.

A fire answer with fire will only cause explosion so why not be as gentle as a water.

"You're just a scholar! From a commoner family and yet akala mo mas mataas ka pa sa amin! Ano bang pinagmamalaki mo! Compare to us you are just nothing! Mas mataas pa kami sa'yo pero kung ituring mo kami parang wala lang! What's wrong with you! I hate you! Dahil lang nakakasalamuha mo ang mga Royalties ay ang yabang-yabang mo na! You're just a gold digger! A pretender! A social climber!" Halos mawalan ito ng hininga dahil sa sunod-sunod nitong salita.

Napahawak sa baba si Zoien. Isang konklusyon ang nabuo sa kaniyang isipan. "So, you bully me because I'm talking with the Royalties. Okay, I see it now."

"W-What? Sa dami ng sinabi ko 'yan lang ang napansin mo!" Nanggigigil na pahayag ni Friore.

Bahagyang ngumiti si Zoien. "Pero, tama ako diba? You are all targetting me because kinausap lamang ako ng Royalties. I'll bet iyon ang dahilan ng karamihan kaya nila ako pinagkakaisahan."

Ipinilig ni Zoien ang ulo pakanan at binigyan ng tingin ang bawat isa subalit nag-iwas lamang ang mga ito ng tingin. 'Affirmative.' Ika niya sa sarili.

"Oh well, sasabihin ko lang ito ng isang beses kaya makinig sana kayo. I'm Ms. Feltesia Haine Torres, maid. Personal Servant? Whatever you call that. I'm the one who are assigned sa foods nila kaya kalimitan nakakausap ko sila. If you are eager to be notice by the Royalties. I don't mind na makipagpalit sa inyo."

Napamaang sila sa narinig. "Seriously?"

Tumango si Zoein. "100% sure. Sa tingin n'yo makikipagkaibigan sa isang tulad ko ang mga Royalties?"

Nag-isip sila sa narinig. "T-That's right! Who will befriend someone like you!"

"So puwede na ba akong umalis?"

"F-Fine! Umalis ka na sa harapan namin! Nakakasuya ka!"

Muli ay ngumiti si Zoien na ikinalabas ng parehas nitong dimples. They mouth hang open sa nasaksihan.

"See you again next time. I will make sure I won't be caught off guard like today," paalam ng dalaga bago umalis.

They we're all dumbfounded. Hindi inalis ang tingin sa likuran ni Zoien.

'What was that?' Tila nagliwanag ang mukha nito kanina. Inaamin nilang hindi mukhang commoner ang dalaga. Actually, mukha itong foreigner dahil sa itsura. One of the reason kung bakit marami ang inggit sa hamak na scholar ay dahil hindi lamang ito maabilidad ay may tinatago pa itong taglay na kagandahan. They are all jealous of her. Lalo pa dahil nakakausap ito ng Royalties na kahit na kailan hindi nila nagawa.

...

Napapailing na nagtungo sa Comfort Room si Zoien dala ang kaniyang gamit. Simula noong unang beses na siyang nabully ay naisip niya na maghanda nang mabuti. Kaya naman palagi siyang may baon na extra uniform or any shirts. Madalas pag-interesan ng mga student ang dumihan ang kaniyang kasuotan. Maybe they are too envious with her dark uniform. Siya lang kasi ang gano'n ang kasuotan sa buong empire. Why not? She's the only known scholar.

Pumasok siya sa isang cubicle at nagpalit ng lahat ng kasuotan. Ultimo undies ay pinaltan rin niya. Isinuot ang kaniyang uniform subalit naisipan na mamaya na lang isuot ang black blazer dahil basa pa ang kaniyang buhok. She took out a white towel at pinunasan ang kaniyang buhok. Balak na sana niyang lumabas sa cubicle nang may pumasok sa loob ng Comfort Room. Zoien halted. Ang kamay ay nakahawak sa seradura ng pinto.

"Nakakainis talaga si Christ, he ruined my peaceful lunch! Ugh!" Stella's voice filled the whole comfort room. Naghugas siya ng kamay. Lumagaslas ang tubig mula sa gripo.

"We feel the same. Mas kinabahan ako. My Mom always told me to be careful whenever I'm outside. Hatid sundo na rin ako." Mellow is worried and also afraid. "I wish mahuli na ang kriminal na 'yon."

"Me too. My Dad is overprotective. Sana nga mahuli na ang walang awang kriminal na iyon." Pinihit pasara ni Stella ang gripo. Itinapat ang kamay sa hand-dryer. "My dad is a politician. A government official who's always busy. Marami siyang laan na oras pagdating sa ibang tao kaysa sa sarili niyang pamilya. Minsan nakakapagtampo na rin." May halong lungkot na saad niya.

Pinagmasdan ni Mellow ang kaibigan she was about to speak when suddenly one of the close cubicle opened. Lumabas mula roon ang isang babaeng walang suot na blazer at may tuwalya sa ulunan. Parehas silang napatingin sa kaniya. Nilapag ng babae ang dalang gamit sa may lababo at pinunasan ang buhok.

Nalantad tuloy ang mukha nito. Nagulat ang magkaibigan pero agad rin nakabawi.

Bumaling sa kanila si Zoien at marahang ngumiti pero walang sinabi. Pinagtuunan lamang nito ang pagpupunas sa basang buhok.

"Did you just took a shower or something?" saad ni Stella na nagpamey-awang na.

Natigilan si Zoien. "Oo, kailangan. Some group of Second year poured water all over me. Ayaw ko namang pumasok sa klase na parang basang sisiw."

"Look, what happened to you?" Napailing si Stella. "No one's want you here. So it's better for you to drop out now or else mas malala pa diyan ang sasapitin mo. Not that I care anyway. Let's go Mellow. We still have our class." Naunang lumabas si Stella.

Binalingan ni Mellow si Zoien. Ngumiti siya. "Pagpasensyahan mo na ang kaibigan ko. She might act bitchy but she's a good friend."

Zoien smile understandingly. "Alam ko. You don't have to explain. After all, mas magandang pakisamahan ang mga totoong tao kaysa sa mga hindi, but tell her I won't ever drop out. I have strong will. This is nothing to me."

"Yes. You have. See you sa room. Be quick, Sir Terror is our next class," paalala ni Mellow bago lumabas ng comfort room leaving Zoien.

Napabuga ng hangin ang dalaga. Tiningnan ang sariling repleksyon sa salamin. Three times a day siyang naliligo sa isang araw. 'Why? Of course, her haters is the reason for it.'

She was placed in the Department of first year. Mas pinili niya na course ay LAW which suited her more than any courses.

Sa kasamaang palad, tulad ng typical na school reining with Elites. Hindi maiiwasan ang panghahamak ng mga nakakataas ang ranggo. Kung dito pa lamang ay ganito na sila paano pa kaya kung lumabas na sila at magsimulang mamuhay sa socitey. Sa halip na mabawasan ang mga taong nanghahamak sa mga mahihirap mukhang madadagdagan pa ang mga iyon.

Another deep sighed escaped from her lips. Inayos na niya ang kaniyang sarili bago nagtungo sa klase. While keeping an eye on Courtney kailangan niya rin na ayusin ang pagiging estudyante niya at the same time mas kailangan niyang pagtuunan ng pansin ang mga misyon ibinibigay ng 'Konseho'.

'No beggie. She's good at multi-tasking anyway.'

Binagtas ng dalaga ang daan patungo sa klase niya. Malapit na ang oras bago ang next class kaya halos maunti na lamang ang mga Emperian na nakakasabay niya sa paglalakad.

She was about to turned to the left alley when she halted dahil muntikan nang may bumunggo sa kaniya. It was a guy with dark spiky hair. May black piercing sa kanan tenga. Naniningkit ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya. Kapansin-pansin ang isa pang lalake sa hulihan nito. Brown ang buhok. Neat cut. Siya ang kabaligtaran ng lalaking nasa mismong harapan ni Zoien. He looks more gentle.

"Sorry." Agad na saad ni Zoien at binigyan ng daan ang dalawang lalaki.

Binigyan siya ng huling tingin ng mga ito bago nagpatuloy sa paglalakad.

Sinundan lamang sila ng tingin ni Zoien. 'Those two. There is something off about them.'

Pinindot ni Zoien ang hidden button sa tabi ng salaming suot. Lumabas ang 'hidden info' na naka-holographic form sa mismong harapan niya.

Agad napangisi ang dalaga sa nakita. "I see. Kaya naman pala." She turned it off bago nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa nakarating na siya sa kaniyang room.

...

Saint Claren Private Cemetery

Marahang pinagmasdan ni Diego ang mga puntod sa kaniyang harapan. May bitbit siyang mga bulaklak na rosas, isa-isa niya itong ipinatong sa ibabaw ng pitong puntod.

Nasa mata niya ang galit at pangungulila.

Walong taon na rin ang nakakalipas simula nang mamatay ang buo niyang pamilya. He was just 12 years old back then. Nakakatuwang isipin na kahit normal ang kanilang buhay ay may mga tao paring walang magawa sa buhay kundi ang manira.

Ang kaniyang Ama ay isang tapat na opisyal ng batas. Mabuti ito. Sa sobrang kabutihan ay may mga taong mas mataas itong nakabangga. Mga taong gumagawa ng ilegal sa lihim na paraan at natuklasan iyon ng kaniyang Ama. Ang malala lahat sila ay mga kilalang politiko.

Hindi ba dapat kung sino pa ang naglilingkod sa bayan sila dapat ang mga mabubuting kalooban? Subalit tila iilan lamang ang puro at tunay sa katungkulan kanilang sinumpaan.

Mga ganid sa yaman at ang nais lamang ang palawakin ang nasasakupan. Wala silang pinagkaiba sa mga kriminal.

'They are hiding their true nature. They are vicious wolves under the sheep's clothing.'

Hindi lamang nila ipinapatay ang kaniyang ama dinamay pa ang kaniyang Ina at mga kapatid na babae.

What worst.

Walang awang pinatay pagkatapos gahasahin ang mga ito. He witnessed everything with his naked eyes.

The Muffled screams. Asking for those men to stopped. His sisters cries begging for help but no one could heard them. No one is there to help and save them. No one.

That night change him.

Napuno ng galit at paghihiganti ang kaniyang buong pagkatao. Isinumpa niya na pagbabayarin niya ang Politiko. Ipaparanas niya sa kanila ang sakit na kaniyang dinanas. Ang mawalan ng pamilya. Hinding-hindi siya titigil. Paglalaruan niya silang lahat. Iisa-isahin. Papanoorin niya kung paano sila magluksa.

Natigil sa pag-iisip si Diego matapos maramdaman ang isang presensya sa kaniyang likuran.

"Anong ginagawa mo rito, Midnight?" Nakatuon pa rin ang atensyon ni Diego sa kaniyang harapan.

"Sinusundo ka pauwi, Rapist."

-Itutuloy-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top