[1] WISH

Labimpitong taon na ang nakalipas magmula nang huling umaksyon at naghasik ng kaguluhan ang isa sa pinakakilalang crime syndicate sa mundo.

Upang ibalanse ang walang katapusang pagtaas ng bilang ng krimen—bilang tugon sa suliraning ito, lumitaw ang maraming private agency para tapusin ang mga banta sa lipunan.

Katulad na lamang ng kasalukuyang nagaganap sa bansang Italya, syudad ng Florence. Isang lihim na operasyon. Malaki ang maitutulong nito upang protektahan ang buhay ng karamihan, sa pangunguna ng top agent ng L.I.A.

...

"I'm in position, sir. Waiting for further instruction," aniya pagkatapos pindutin ang earpiece sa kanang tenga.

Walang mababakas na anumang emosyon sa maamong mukha ni Phoenix habang malaya niyang sinusubaybayan ang bawat kilos ng kaniyang target. Nakatayo siya sa rooftop ng isa sa pinakamataas na gusali sa lungsod. Pinagmasdan niya ang kabuuan ng syudad. Kamangha-mangha itong panoorin sa lilim ng bilog na buwan. Makulay, nagliliwanag, kumikislap. Sayang, dahil hindi ang magandang tanawin ang pakay niya ngayong gabi.

Sinipat ni Phoenix ang target niya mula sa ilalim ng scope ng kaniyang baril. Pababa na ito mula sa glass elevator. Nakapalibot sa kaniya ang ilang armadong kalalakihan. Sila ang kaniyang mga hired bodyguards. Tuon ang buong atensyon ng lalaki sa kausap nito sa phone. Pagkatapos lumapag ng glass elevator sa ground floor ay mabilis silang lumabas bago naglakad patungo sa entrance ng Star Hotel. Lumabas na ito ng building. Kasunod ang limang bodyguard. Tumigil sila sa tapat ng hotel, may hinihintay.

"Target affirmative. He's already outside the building. Ready your aim."

Narinig niyang utos mula sa suot niyang earpiece. Ang hudyat na kanina pa niya hinihintay. Puwesto ang dalaga, dumapa siya sa semento habang hawak ang isang mataas na kalidad na sniper gun. Muli niyang tiningnan mula sa ilalim ng scope ang target. Ilang sandali, isang magarang sasakyan ang tumigil sa harapan nito. Ang kotseng maghahatid dito pauwi. Lumabas mula roon ang apat pang men in black. Kung isasama ang driver. Aabot sa sampo ang mga tauhan nito. Tumaas ang isang gilid ng mapulang labi ni Phoenix.

'They are well prepare. Though, it's already expected from a drug lord to maximize his security,' aniya sa isipan habang tuon ang atensyon sa grupo ng mga kalalakihan.

Itinutok ni Zoien ang baril sa noo ng kaniyang subject. The old man wearing white suite. Namely, Vicente Ismael. Kilala bilang isang notorious drug lord at pinuno ng human trafficking sa bansa.

"Locked on target," samo niya at inilagay ang hintuturo sa gatilyo ng baril.

"Bring him down," utos ng kaniyang Team Leader.

Isang utos na kanina pa niya hinihintay upang patumbahin ang kaniyang target. Phoenix smirked victoriously.

"Copy that, Sir," tugon niya bago kalabitin ang gatilyo ng kaniyang sniper gun.

Walang tunog ang pagkawala ng bala patungo sa noo ng target. Hindi inaasahan. Walang nakakaalam. Muli, isa na naman kilalang personalidad mula sa crime society ang nasawi. Bumagsak ang katawan ni Ismael. Bumulwak ang maraming dugo mula sa pinasukan ng bala. Butas ang noo habang mulat ang mga mata. Wala na itong buhay. Nagkagulo ang mga tauhan ng target. Nangilabot sa nasaksihan. Patay na ang taong dapat nilang protektahan.

Tumayo si Zoein saka inayos ang kaniyang kagamitan. Wala siyang balak na panoorin ang kaganapan sa ibaba. She needs to escape. Maayos niyang inilagay sa storage ang kaniyang sniper gun. Pagkatapos, bumaba na siya patungong ground floor kung saan naghihintay sa kaniya ang isang kotseng kulay itim. Pagkapasok sa sasakyan, maingat niyang inilapag sa back seat ang kaniyang paboritong baril saka lamang siya nagmaneho pabalik sa head quarters.

"This is Agent Phoenix. Mission completed," turan niya upang ipaalam sa kanilang team leader na nagawa na niyang tapusin ang kaniyang misyon.

"Job well done, Agent. Return to HQ. Leave the cleaning to the Team Beta."

"Yes, Sir. I'm on my way."

Mabilis siyang nagpasibad ng sasakyan pabalik sa kanilang headquarters para gawin ang kaniyang report. She's a merciless agent but she wasn't trained to kill innocent. Her targets are all filthy criminal. They can escape the law but they can't escape from them, especially from her.

'After all the world is not always painted with white. Not all good. Darkness will always exist in all part of the canvass. Darkness will always linger.'

...

Kasalukuyang nasa loob ng opisina ng Director ng Lotus Intelligence Agency si Zoien. Seventeen years old girl, has raven hair, tall and lean. Most of all, she own two magnificent grey eyes. At si Izekeal Homer Mondragon ang ama ng nag-iisang si Zoienelle Ashwell Mondragon. Si Homer ang kinikilalang pinuno ng Top Secret Agency sa buong mundo.

Pinatawag ni Homer ang kaniyang anak na si Zoien upang batiin ang dalaga sa katatapos pa lamang na misyon ukol sa isang Class S terrorist at drug lord, subalit tulad noon sa iba napunta ang kanilang pag-uusap.

"As what I am concern, we already confiscated all the illegal drugs and of course protected thousands of lives." Patuloy ang pagsasalita ni Homer tungkol sa nangyaring S-class mission. "The government already paid us. Like usual. Ismael's group are already in prisons. I will make sure they will rot in that cage and put them to right justice."

Inilibot ng dalaga ang tingin sa buong silid ng kaniyang ama. Punong-puno ng iba't ibang uri ng papeles ang lamesa nito. Maging sa lapag ay mayroon din makikitang mga folder. Seeing those documents made her tummy churned in disapproval. Nagpakalugmok na naman sa trabaho ang kaniyang ama at napapabayaan ang sarili. Napailing siya hanggang sa tumigil ang tingin sa may side table kung saan makikita ang isang family picture. Lihim siyang napangiti bago ibinalik sa harapan ang tingin.

"That's all." Napakamot sa noo si Homer. "You can leave." Napahikab ito bago inikot ang upuan.

Nanatili sa puwesto si Zoien habang tuon ang tingin sa nakatalikod na pigura ng kaniyang kinikilalang ama.

Napansin ni Homer na walang kibo ang dalaga. Tiyak may kailangan ito sa kaniya.

"Anong kailangan mo?"

Sumeryoso ang mukha ni Zoien.

"Kailangan natin mag-usap, Dad. I need to clarify somethings from you." She took a deep breath before speaking. "Why are you like this? Wala na pong patutunguhan ang lahat nang ginagawa n'yong ito. You are just punishing yourself."

Nanatiling nakatalikod si Homer tila ayaw marinig ang sasabihin ng kaniyang anak.

"Hanggang kailan kayo dapat maghintay?" samong muli ng dalaga upang kunin ang atensyon ng kanyang ama.

"Hindi ito ang tamang oras para pag-usapan ang mga personal na bagay. Alam ko ang ginagawa ko. Makakaalis ka na."

Monotone ang bawat salita ni Homer, walang mababakas na anumang emosyon.

"Hindi ako aalis," pagmamatigas ng dalaga.

He always drive her away. He is running away from his personal responsibility. Zoien, hated this part of him.

Humarap si Homer. Nais niyang ipakita sa kaniyang anak kung gaano kalaki ang kaniyang pagkadisgustong pag-usapan ang tungkol dito. Pero, nakita nya kung gaano kadesidido si Zoien na tapusin ang issue na ito. He sighed in his heart. They are both obstinate.

"Ano bang nais mong malaman?" Walang emosyon pahayag ni Homer.

"Gusto kong malaman, kung ano ba ang tunay mong nararamdaman. I want to know the reasons why you are hiding all this time? Hindi ka ba nagsisisi sa ginawa mo? Ikaw dapat ang nasa tabi nila ngayon--" Natigilan si Zoien sa kasunod na nangyari. She almost jump out of fright.

"Enough, Zoein!"

Hinampas ni Homer ang ibabaw ng kaniyang lamesa dahil sa nag-uumapaw na galit na kaniyang nararamdaman matapos marinig ang masasakit na salitang binitiwan ng kaniyang anak. Nagulo ang kaniyang mga gamit. He didn't pay much attention to it. Totoong nasasaktan siya dahil hindi siya ang nasa tabi ng kaniyang mag-ina. Ngunit, may rason si Homer kung bakit kailangan niyang iwan ang kaniyang sariling pamilya. Isang mahalagang rason na kailangan niyang panindigan.

Nanatiling nakatayo si Zoein. Hindi siya kumibo sa kaniyang pwesto. Kahit ramdam ang nag-uumapaw na galit mula sa mga mata ng kaniyang ama. She stay still. She's been waiting for this to happen. Gusto niyang malaman ang tunay na nararamdaman ng kaniyang ama.

At last, she finally saw that he still cares. Those sadness and longing hiding underneath his blazing eyes. She can see it. Ito ang pinanghahawakan niyang patunay na may natitirang pang pag-asa. Pag-asa, upang ibalik sa dati ang kaniyang Ama.

Ipakita man ni Homer na wala itong taglay na kahit anumang kahinaan. Sa matagal nilang pagsasama. Lubusang kilala ni Zoein ang kaniyang ama, malihim ito at magaling magpanggap. Subalit, hindi maipagkakaila na tao pa rin ito. Even, ice could melt.

"Hanggang kailan ka iiwas? Hanggang kailan mo makakayang solohin ang lahat ng ito, Dad?"

Sandaling tumigil si Zoien upang pagmasdan ang reaksyon ng kaniyang ama. Mabilis naapula ang apoy sa mga mata nito. He's doing it again. Hiding. Napangiti nang mapait ang dalaga. 'Such a pretender old man,' aniya sa sarili. 'Gosh, what an obstinate fool.'

"Ipakita mo man na wala kang pakialam. Alam ko na sila pa rin ang laman ng puso at isipan mo. Hindi naman sila nawala dahil mahalaga sila sa 'yo. Kaya, bakit? Bakit hanggang ngayon, nagpapakamartyr ka pa rin? You can take them back. I know you can, father. So, what's holding you back?"

Naroon ang hinanakit sa puso ni Zoien. Ang emosyong matagal niyang pilit itinatago subalit ngayon ay tila bomba itong hindi niya napigilan na kumawala. She always been the calm one but she also has limits. Malaki ang utang na loob niya kay Homer.

Homer was the one who saved her away from those impending darkness. Ang dating madilim at walang patutunguhan niyang buhay ay nagbago nang dahil kay Homer. Nabigyan sya ng pangalawang buhay nang sagipin sya nito. He adopted her. Kahit pa may kapalit ang lahat ay hindi siya nagsisisi.

Husgahan man siya ng lahat dahil sa pag-aakalang anak siya ni Homer sa ibang babae. She doesn't care. Kahit pa siya ang naging panakip butas upang hiwalayan ni Homer ang tunay nitong pamilya. Si Zoien man ang sisihin sa pagkawasak ng isang perpektong pamilya ay handa siyang tanggapin ang lahat ng iyon. After all, Homer was the one who gave her a new life. A new identity. He helped her, redeem herself.

Wala syang masasabi, dahil inalagaan sya ni Homer nang mabuti at ngayon maayos na ang kaniyang buhay. She need to pay her debt to this man. She want to make her father happy. At, ang nakikita niyang tanging paraan upang maging masaya ito ay ang makasama ang iniwang pamilya sa Pilipinas

Nagpakawala ng buntong hininga si Homer. Nakikita niya kung gaano kapursigido si Zoein. Sa tuwing nagkikita sila ay parating dito natatapos ang kanilang usapan. He understand the reason why his daughter is doing this. She's trying to peel off his facade. She's trying to melt his cold heart. Subalit, hindi pa ngayon ang tamang panahon. He needs to finish what he started.

"This is none of your concern. I already abandoned them. There's no way in hell I would butt in with their lives. They are happy. So, we should stay away from them." Nanghihinang napaupo si Homer sa kaniyang silya.

Napamaang si Zoien sa narinig. What's holding him back? Why can't he just listen to her, for once! Bakit ang tigas ng bungo nito! Hindi ba niya alam na para sa kaniya ang lahat ng ito.

Nagsinungaling si Homer na ayaw niyang balikan ang kaniyang pamilya. Ang totoo ay sabik na sabik syang mayakap ang kaniyang minamahal at ang kaniyang anak subalit kailangan niyang tiinisin ang lahat ng ito. He have his reason.

Isa pa, dahil sa ginawa niyang pag-iwan sa kaniyang mag-ina lalo na ang pagpapaniwala na may mahal na siyang ibang babae ay hindi imposibleng kinamumuhian siya ng mga ito. Nagpakawala ng buntong hininga si Homer bago inangat ang tingin patungo sa dalagang nasa kaniyang harapan. Lihim siyang napangiti.

Sa ngayon, si Zoien ang nag-iisang taong nagbibigay lakas at dahilan para sya ay magpatuloy sa araw-araw niyang pamumuhay. Ito ang pinanghuhugutan niya ng lakas. Ang batang babaeng minsan nyang iniligtas sa tiyak na kamatayan noon. Totoo ngang malaki na ang pinagbago nito.

'She's all grown up,' he muttered to himself. Lalo nang kaniyang makita ang matapang ngunit naroon ang lambot nitong kulay abong mga mata. May pag-aalala sa kanyang nakatingin. He is so proud of Zoien.

"But, are you happy, Dad? I'm sure you're just pretending you don't care at all. I know you miss them." Malumanay na samo ni Zoien sa kanyang amang matamang nakatitig sa kaniya.

"Stop this already. Huli na ang lahat. Wala na akong halaga sa kanila."

Zoien immediately refuted. "Hindi 'yan totoo. Mahal ka nila at alam ko na mapapatawad ka ng iyong mag-ina once malaman nila ang katotohanan."

Mablis na nag-iwas ng tingin si Homer. He can't let her saw his true feelings. He just can't. 'This isn't the right time for personal matter,' he pursed his lips.

"Stop it, Zoien. This is my concern. Not yours. I'm warning you. Don't even try to do anything. Stay away from them. Now, you can leave and also I want to congratulate you with your last mission. It is a huge success to our agency. That's all. Makakaalis ka na."

Kinuha ni Homer ang isang folder kung saan nakapaloob ang ilang mga papeles tungkol sa bagong kasong kailangan lutasin na mula pa sa konseho.

Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Zoein. Seryoso ang kanyang ama sa sinabi nito. Hindi na makikinig si Homer sa kaniya. She bowed her head and bid her farewell to her father before she walked out of his office.

Laglag balikat syang lumabas. Sumagi sa isipan ng dalaga kung gaano kasuwerte ang minamahal ng kaniyang ama. Dahil, sila pa rin ang rason kung bakit nagpapaka-busy ito. Homer wants to hide his own emotion. But, Zoein can see right through him. He truly loves his family. Napangiti s'ya nang maalala ang kaninang mukha nito. Kahit ang taong matigas pa sa bato, may kahinaan pa rin at iyon ay ang pagmamahal.

Sa labas ng opisina ng head ay may mataman na naghihintay sa paglabas ni Zoien. Agad itong napaayos ng tayo matapos makita ang naglalakad na pigura ni Zoien patungo sa kaniyang dereksyon. Bakas ang lungkot at pagkabigo sa maamo nitong mukha.

"So, how did it go?" Nakangiting bungad ni Flare sa nakatulalang si Zoien.

Flare Haines Torres anak siya ni Troy Devian Torres na isa sa mga mentor ni Zoien at agent na humahawak sa drug crimes at ang ina naman nito ay si Isabela Mondragon-Torres, kilala bilang nakakabatang kapatid naman ni Homer. Sa madaling salita, magpinsan sila ni Zoien. Ito ang palaging kasama niya rito sa Italy. They are like sisters.

Bahagyang ngumiti si Zoien bago marahang umiling. Flare already understood. Sabay silang naglakad paalis ng LIA Head Quarter. Flare already know this would happen. She just sighed. Siya ang nahihirapan para sa kaniyang pinsan. Sabay silang pumasok sa sasakyan ni Zoien na nakaparada sa tapat ng HQ.

"Told you. Uncle won't ever listen. Ayaw mo kasing makinig."

Nagpahalukipkip ang dalaga bago sumandal sa kaniyang kinauupuan at sandaling binalingan ang pinsan na nasa driver seat.

"For now," daglian tugon ni Zoien.

Sumandal siya sa driver seat samantalang nasa shotgun seat si Flare. Pagkatapos ma-i-secure ang kanilang seatbelt ay nagmaneho na pauwi si Zoien.

"Anong balak mo ngayon?" usisa ni Flare habang nakamasid sa tinatahak nilang daan.

Kilala nya Zoien. Ito ang klase ng taong hindi marunong sumuko. Palaging may naiisip na paraan makuha lamang ang gusto. She always do reckless things when she's desperate but way different when she's persistent. Her cousin might be stubborn like a bull but Flare doesn't hate this side of her.

'Stubbornness, namana ng kaniyang pinsan ang katigasan ng ulo ng kinikilalang ama nitong si Homer,' turan sa isipan ni Flare. Hindi mapigilang mapailing.

"Wala pa akong naiisip," tugon ni Zoien. Napairap na lamang si Flare. Liar!

"Sinong niloko mo? I know, you. You already have a plan ayaw mo lang i-share. Hmp! Kahit na kailan ay napakadamot mo talagang babae ka." Tila nagtatampong akusa ni Flare na ginantihan ng simpleng ngiti ni Zoien.

Sandali nitong binalingan ang nagtatampong si Flare bago ibinalik ang tingin sa highway.

"Alright, I know. So, stop sulking. But seriously, Flare. Nakilala mo na ba ang pamilya ni Dad?"

Hindi niya napigilan ang sarili na magtanong ng tungkol sa pamilya ng kaniyang Ama. She's curious about them. Tutal, bago pa lumipat sa Italy si Flare ay nanatili ito nang mas matagal sa Pilipinas at tiyak na nakasalamuha nito ang pamilya ni Homer. Siguradong may alam ito tungkol sa kanila.

She want to know. She has to. Ni minsan hindi nakita ni Zoien sa personal ang pamilya ng kinikilalang Ama dahil nang pagkakataong mapunta siya sa puder ni Homer ay iniwan na nito ang mag-ina sa Pilipinas. Tanging sa larawan lamang niya nakita ang mga ito ngunit hindi pa iyon sapat. Nais niya silang makilala sa personal. Iyon ay, kung pagbibigyan siya ng pagkakataon.

'Ang pinakamamahal na pamilya ni Homer. I really want to meet them,' aniya sa sarili.

Sandaling nag-isip si Flare bago nagsalita. "Well, I met them in our family reunion. They are nice but we're not that close. My Mom is Auntie Cresty's best friend at iyong kapatid kong si Feltesia naman ay mas close sa anak ni Uncle Homer na si Courtney. Why did you suddenly ask about them?"

Binalingan ni Flare ang katabi na pilit lamang ngumiti na ikinataas ng kaniyang kilay.

"Spill it."

"Fine! My father." Panimula ni Zoien.

Nakamasid lamang sa kaniya si Flare.

"Gusto niyang makapiling ang kaniyang mag-ina. Ramdam ko 'yon. I've known him for seven years. I could easily decipher the real from his facade. Even if he tried to hides it. He misses them both. Pero, dahil sa takot na mapahamak ang mga ito dahil sa responsibilidad n'ya mas pinili niyang iwan sila sa pamamagitan ng isang malaking kasinungalingan. Mas pinili niyang kasuklaman siya para masiguradong ligtas silang dalawa. Though, in the end. He lost them. That's why, I want to make him happy."

Seryosong nakatingin si Flare sa bawat ekspresyon ni Zoien. Pagdating kay Homer, nagiging malambot ang puso nito. She's a brave girl but melts down when it comes to the person she loves the most. Lalo na pagdating sa minamahal na Ama nitong si Homer. Flare sighed and averted her eyes from Zoein.

'And you're an idiot for hurting yourself just to make him happy. Geez,' she uttered.

"You're wasting your effort and time. Why are you forcing yourself to meet them? Uncle already cut ties with his family and yet here you are stitching it again as if you're making it easier for the both parties. Itigil mo na 'to, Zoien. Ikaw lang ang may gustong ibalik sa dati ang nasira na. Uncle, abandoned them for a reason. They already have their own lives. They moved on. You just need to accept that."

Napangiwi na lamang si Zoien sa narinig. The red haired girl has a point but she wants to make her father happy and this is the only way to make her wish come true. No one can stop her.

"I am not forcing myself, Flare. And, probably you have a point." A smile crepted onto her face. "But, I already made up my mind. Hindi ako titigil. I want to make my father happy." Her face became serious. "This is the only way I could make it come true. Let me be selfish for now, alright?"

She rolled her eyes. "Fine. I'll support your decision even if I'm against it."

"Thanks, cous! You are the best! By the way, I have a favor to ask. Please ready my passport card and all the things I needed for travel. Like the usual documents you always prepare for me. I'm going there."

Nanlaki ang mata ni Flare sa tinuran nito. Napabalikwas siya ng upo at hinarap ang kaniyang pinsan.

"W-What? Ang bilis mo namang kumilos! And, are you nuts! Uncle Homer, will kill me if he find out about this! Literally!"

Zoien stopped the car in front of a luxurious condominium where Flare currently lives.

"He won't."

Flare rolled her eyes. Nagpahalukipkip pa ang dalaga bago masamang tiningnan si Zoien.

"How sure are you, dork? I'm the one who's going to suffer his wrath. Not you! Oh, heaven! Marami pa akong pangarap! Gusto ko pang mabuhay," pagda-drama nito.

This time, Zoein just chuckled. "You're exaggerating, Flare. Grandpa needs me over there. He asked for my presence in the Philippines as soon as possible raw. Dahil may ipagagawa sya sa akin. Don't worry about Dad's wrath. He won't do such a thing. After all, he can't do anything if Grandpa is involved. O, ayos na?" Hindi mapigilang mapanguso ni Flare. Halatang tinutukso siya ni Zoien.

Ang tinutukoy nitong Grandpa ay ang Ama ni Homer. Si Don Sevastian Mondragon. Nabisita ito sa Florence, kasama ang asawa nitong si Almirah Diana Vega-Mondragon at talagang kahit hindi magkadugo ay kung ituring si Zoien ng mga ito ay parang isang tunay na anak.

She gave up. She can't win against this girl's stubbornness.

"Fine! Paanong naging mas close kayo ni Grandpapi. Siguro ginayuma mo, noh!"

Napapailing na lamang si Zoien sa akusa nito. Marahang itinulak niya palabas ng sasakyan si Flare.

"Nope! Hindi ko 'yon gawain. Sadyang mahal lang talaga ako ng mga tao! Bye, cous!"

Kinindatan niya ang nakasimangot na si Flare. Nagpatuloy siya sa pagmamaneho pauwi sa kaniyang bahay. Ilang minuto ang nakalipas, nakarating na s'ya sa kaniyang sariling bahay.

Sa isang liblib na lugar na napapalibutan ng mga puno at malapit sa isang magandang lawa. Pinasok nya ang kotse sa garahe saka pumasok sa loob ng kaniyang bahay. Agad siyang naglakad patungo sa kaniyang kwarto para ihanda ang lahat ng kaniyang bagahe. Bukas na bukas din ay aalis na siya.

Wala siyang ideya kung ano ang dahilan kung bakit siya nais makita ng kaniyang Lolo. Minsan lamang ito maging seryoso. Kaya naman, kailangan niyang kumilos nang mas maaga.

Inayos niya ang lahat ng kaniyang gamit pati na rin ang kaniyang mga weapon na malaki ang maitutulong sa kaniya. Wala siyang alalahanin na may makatuklas tungkol sa mga gamit niya lalo na ang mga deadly weapons. Dahil, hindi ito madaling matuklasan. Hi-tech ang mga ito kahit nga ang nasa kaniyang katawan ay hindi kapansin-pansin.

Matapos ang ilang oras na pag-aayos ng kaniyang mga gamit. She's exhausted. Humiga siya sa ibabaw ng malambot niyang kama at tumitig sa kesame.

"At last, blessing in disguise had arrive." Simple siyang ngumiti bago kinuha ang larawang nakapatong sa bedside table. Kasama niya sa larawan si Homer. It was taken way back, when she graduated from the Lotus Academy o mas kilala bilang paaralan ng mga agent.

"I'll make everything right, Dad. I'll make you happy. I promise."

She placed the picture frame above her chest and closed her eyes. Napuno ng nakakabinging katahimikan ang kaniyang paligid. Hinatak siya para makatulog nang mahimbing.

...

"You won't gonna stop her from leaving?" Sumandal si Troy sa cabinet files sa office ni Homer.

Pinagmasdan niya kung gaano katahimik ang opisina ng kaibigan. It's been a while since the last time he visited Homer.

Tiningnan ni Homer nang masama ang kaibigan. "Wala akong karapatan para pigilan si Zoien. After all, the Sanctum was the one who asked for her," aniya bago tumayo mula sa kaniyang kinauupuan.

Naglakad siya palapit sa binta. Sumilip siya sa malawak na window glass kung saan makikita ang buong Florence. Madilim na ang buong paligid. Nakikita rin niya ang mga mumunting kislap na nanggaling sa kalangitan.

"Anak mo siya Homer. Kahit sa kontrata lang. May karapatan ka sa kaniya dahil ikaw ang kaniyang ama. You already care for her. Kapag bumalik siya do'n. Hindi mo maaaring pigilan kung anuman ang maaaring mangyari. Lalo na't naroon ang puder ng ating mga kalaban."

Napakuyom ng kamao si Homer bago binalingan ang seryosong mukha ni Troy. Totoo ang lahat ng sinabi nito. Napangiti nang mapait si Homer. Naroon nga, ang puder ng kanilang mga kalaban. Mapanganib kung magtutungo sa Pilipinas si Zoien.

Ano nga bang pakay ng kaniyang Ama? Anong nais nito mula kay Zoien? Bakit sa Pilipinas pa? Bakit siya pa?

Ang daming katanungan sa kaniyang isipan subalit walang kahit na anumang sinabi ang kaniyang ama kundi hihiramin lamang ang kaniyang pinakamagaling na agent. At iyon, ay si Zoien na kilalang bilang pinakabatang S-class agent.

Tingnan mo nga naman ang tadhana. Ayaw niyang magbalik sa bansang kaniyang iniwan noon at pilit iniiwasan. Subalit, aapak naman doon ang kaniyang anak na si Zoien. He can't do anything to stop her from entering that place. He can't let any personal feelings interfere with their works.

Nag-aalala siya. Oo, pero mas nangingibabaw ang tiwala niya sa kaniyang anak. He trained her well and he's proud of her. Napalaki niya nang maayos si Zoein.

Nagpakawala ng buntong-hininga si Troy. Matigas nga talaga ang ulo ng kaniyang kaibigan. Nag-aalala lang naman siya dahil alam niya na kapag tumuntong muli sa lugar na iyon ang kaniyang pamangkin. The past that they all tried to hide will eventually appear in no time. Ang masamang nakaraan ng lahat but he know that girl will be fine.

'Oh well, tama si Homer. Zoien is their best agent after all. She's brave and resilient. She can handle anything.' Troy smirked.

"Fine! Pasalamat ka dahil naroon sina Ivan at Andrei. Kung hindi, ako mismo ang kakaladkad sa 'yo pabalik do'n kahit talian pa kita."

Pinagmasdan ni Homer ang papalayong pigura ni Troy ngunit sandali lamang iyon bago itinuon ang atensyon sa labas ng bintana. Binuksan ni Troy ang pinto subalit agad din siyang huminto sa paglabas nang magsalita si Homer.

"You care too much for that child, Troy." Tumigil si Troy sa kaniyang paglalakad bago lihim na ngumiti habang nakakapit sa seradura ng pinto.

"All of us care about her. We love that kid. Kahit hindi ko siya kadugo napamahal na sa akin si Zoein para ko na rin siyang tunay na anak at alam kong gano'n din ang iyong nararamdaman. So, stop pretending as if you don't care at all. 'Di bagay sa 'yo. Alis na ako"

Umalis na si Troy. Napuno ng mas nakakabinging katahimikan ang opisina ni Homer. Pinagmasdan niya ang kalangitan. Narinig niya ang mahinang pagsarado ng pinto ng kaniyang opisina.

"I won't intervene. But, if he tried to hurt what's mine. I'll make sure to build his own dead end."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top