PROJECT 5: Practice
DUMAAN si Eris sa harap nina Kaden at nag-doorbell. Pagka-doorbell nito ay siyang paglabas ni Kaden, dala-dala ang bike.
"Sakay na," sabi ni Kaden kaya naman umangkas si Eris. Pagkatapos niyon ay pinaandar na ni Kaden ito. Humawak naman si Eris sa damit ni Kaden para hindi siya mahulog.
"I feel the fresh morning vibes, hindi katulad noong nasa Manila ako, hindi na ako makahinga dahil sa mga sasakyan at ma-traffic pa. Sobrang natural ang pamumuhay rito sa probinsya at maari pang mag-bike dahil mas maganda raw na naka-bike para hindi nagpoproduce ng usok ayon sa LGU," sabi ni Eris sa kanyang isipan.
Napatingin si Eris sa nagba-bike na si Kaden. Ngumiti bigla ang dalaga. "Bakit mag-isa ka lang sa inyo?" tanong ni Eris kay Kaden.
"None of your business," sagot ni Kaden dahilan para makurot ito ni Eris. "Nasa Nagcarlan ang parents ko at ayaw kong sumama sa kanila dahil mas malapit ang bahay namin sa Raizen. Okay na?"
Ngumiti si Eris sabay sinabing, "So puwedeng pumunta sa inyo?"
"Huwag na, baka kagatin mo ako," sabi ni Kaden as if he is trying to tease Eris.
"Ayaw mo niyon, bibisitahin na kita, kakagatin pa kita!" Eris chuckled. "Just kidding!"
"Salita mo, panindigan mo," sabi ni Kaden at tumingin kay Eris nang saglit. "Kaya panindigan mo ako."
Hindi maiwasan ni Eris na mapakagat ng ibabang labi and couldn't help but her heart . . . sobra ang kumalabog ang kanyang dibdib. The more na nakakasama niya si Kaden, the more na nadaragdagan ang pagka-crush ni Eris sa kanya. No Eris, it is just bait. Ako dapat ang magpapa-fall at hindi ako 'yung mapo-fall.
"Of course, I will baby, paninindigan kita," sabi na lang ni Eris para naman makaganti ito sa mga salitaan ni Kaden. Akala mo lang, kailangan kong magpa-fall sa 'yo.
Hanggang sa makarating na sila sa university. Dumiretso muna silang dalawa sa court, si Kaden naman ay nagtungo sa kaniyang mga ka-teammates at si Eris naman ay sa ka-teammates niya.
Mayamaya'y biglang may tumawag sa phone ni Eris at kaagad niya itong sinagot, "Hello."
"Eris, pupunta ako riyan after class n'yo. Magpa-practice tayo ng laro, sa October 8 na ang District Sports Tournament"
"Agad-agad Kuya?" tanong ni Eris. "Okay okay, sasabihan ko si Gelay. Thank you, Kuya."
Napagtanto naman ni Eris na kaya pala kaagad na nagpunta si Kaden sa kanyang mga ka-teammates dahil next month na ang laro.
Lumapit si Eris kay Gelay at sinabing, "Gelay, mamaya raw may practice tayo," sabi nito dahilan para mapalaki ang mata niya. "Huwag ka munang maingay kung sino 'yung coach natin."
"Okay okay!" sabi ni Gelay at buong galak na humarap sa aming mga ka-teammates. "Guys may practice tayo mamaya and alam kong matutuwa kayo sa magiging coach natin!"
"O siya, aalis na ako ah. Malapit na kasi ang time namin," sabi ni Eris habang tinitingnan ang oras sa relos.
"By the way, stay strong sa inyo ni Kaden!" sabi ni Gelay sabay kumindat pa.
"Eh? Jowa mo na si Kaden, Eris?" tanong ni Des kay Eris. "Iba talaga ang charm mo madam!"
Ngumiti si Eris nang malawak kay Des, "Sa ganda kong 'to mare, hindi ba naman mafa-fall sa akin ang isang Kaden Ryves Sivan!" pabiro ni Eris. "Uuna na ako ah. Kitakits na lang!"
Naglakad naman si Eris papunta kay Kaden na hanggang ngayon ay nakikipag-usap pa rin sa kanyang ka-teammates. Seryoso ang mga ito kaya imbes na istorbohin ni Eris ay napagdesisyunan nito na dumiretso sa classroom nila.
Mayamaya pa ay dumating na si Kaden na nakasalubong ang kilay sabay tumabi ito kay Eris. "Bakit hindi mo ako hinintay?"
"Seryoso kasi 'yung usapan n'yo kanina, kaya sa tingin ko, it's better not to interfere with you," sagot ni Eris.
"Why you didn't message me? Hinanap pa kita," sabi ni Kaden na tila ay naiinis sa ginawa ni Eris.
Kaya naman napakunot na ang noo ni Eris. "Hindi mo pa nga ako in-accept eh!" kontra ni Eris. "Ano bang problema mo roon? Ayaw ko lang kayo istorbohin dahil nga baka importante iyon."
"You violated the third rule Eris, parehas na third rule natin," sabi ni Kaden saka ipinakita ang kopya niya sa cellphone. "Ibig sabihin niyon, mababawasan na ng isang month ang deal natin."
Napa-face palm si Eris at sumimangot. "Puwede bang nalimutan ko lang?" Parang gustong maiyak ni Eris dahil nabawasan ng isang month nang dahil sa kapabayaan niya. "Sorry na Kaden," sabi ni Eris at tumingin sa kanyang mga mata na kulay brown. "Alam ko naman na mali-lift mo 'yung punishment dahil sa charm ko. Dali na!"
"Nope, the rule is rule," sabi ni Kaden dahilan para lalong sumimangot si Eris. "Pero dahil nga sa charm mo, okay . . . fine at last na ito."
Eris hugged him tightly and said, "Thank you, baby."
Enid want to enjoy those moments with Kaden in just six months. Sa start pa lang ng deal na ito, nakikitaan na ni Eris ng pagbabago si Kaden. Sana magpatuloy ito.
AFTER class ay nagkaroon sila ng lunch na dalawa sa ilalim ng puno ng mangga sa university. Pinagtitinginan silang dalawa pero hindi na lamang nila pinansin sa halip Eris enjoyed eating with Kaden.
"I want to know more about you," sabi ni Eris. "I already know your favorites, gaya ng kulay red, favorite food na bicol express, and so on, but I want to know more about you like the names of your parents . . . kung may kapatid ka."
"I don't have any siblings, I'm just an only child," sagot ni Kaden "Karen and Richard Sivan are my parents."
"Wait . . ." Biglang napaisip si Eris sa sinabi ni Kaden. "Ikaw 'yung anak ng coach n'yo? So ang mentor na sinasabi ni Kuya ay lolo mo? Si Rico Sivan?"
He nodded and looked at Eris. "Yeah."
Bigla pang napaisip si Eris. Ibig sabihin niyon ay matagal na talagang magkakilala si Kuya at Kaden. Nabanggit ni Mavis kay Eris na noong 12 years old ay natutong mag-volleyball si Mavis dahil nakilala niya ang noo'y national player at MVP na si Rico Sivan na lolo ni Kaden.
"My gosh! Bakit 'di ko kilala si Kaden? Oo nga pala, noong mga bata ako ay pinag-aral ako sa Manila at hindi dito sa probinsya. Kapag nauwi naman ako rito noon ay hindi ako nalabas ng bahay, si Shinji lang palagi ang kalaro ko," sabi ni Eris sa kanyang isipan.
Napatango na lamang si Eris sa kanyang nalaman. "I see," sabi ni Eris na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala. "So . . . ang ibig sabihin niyon ay naluwas pa rito ang father mo para lang mag-coach sa inyo?"
"Right, dahil nga may inaasikaso rin siyang business namin," sagot ni Kaden. "Like architectural firm, do you know, Sivan Designs Company Inc?"
"Oo! 'Di ba famous iyon dito sa Pilipinas? Doon nga nagpa-design ang parents ko ng bahay namin," sabi ni Eris.
"That's ours," sabi ni Kaden. "Kaya madalang lang silang umuwi rito nang dahil doon."
Bigla muling nakaisip ng tanong si Eris kay Kaden. "Bakit nga pala nahiligan mong mag-volleyball? Dahil ba sa grand-lolo mo?"
He shakes his head and answers, "No, because of someone. He is inspiring. The reason why I pursued being a volleyball player is because of that person."
"Then who?" Eris asked. I am curious, seriously.
"None of your business."
Hindi na lang umimik si Eris dahil ayaw naman nitong pilitin pa si Kaden. Bigla rin napatango si Eris dahil ngayon ko lang nalaman ang tungkol sa kanya. Akala ko ay ka-apelyido niya lang 'yung architectural firm pero sa kanila pala talaga iyon. Ang masasabi ko lang ay sobra niyang low-key. No one knows about that except . . . Kuya? Alam ni Eris na alam iyon ng kanyang kuya dahil noon pa man ay kilala na ni Mavis ang mga Sivan.
Nalungkot naman bigla si Enid dahil na-realize nito na mag-isa lang si Kaden. "If you feel alone, then go through your window and we will talk," sabi bigla ni Eris. "Huwag lang sa oras na may aswang. Ikaw ang ipapalapa ko roon eh," sabi ni Eris at bigla nitong naalala na hindi pa ni Kaden ina-accept ang dalaga sa FB. "Accept mo ako sa FB para magkausap tayo if ever na hindi kita mahagilap or sa oras nga na may aswang ay puwede tayong mag-video call."
Kinuha ni Kaden ang phone nito at inabangan ni Eris ang notification. Pagka-accept ni Kaden kay Eris ay pinalitan ng dalaga kaagad ng theme ang chat nila at pinalitan ang nickname na Baby Loves. Sa nickname naman ni Eris ay My Gorgeous Lady.
"Kikiligin ka na ba?" tanong ni Eris sabay humarap kay Kaden. He's currently looking at Eris kaya naman nilapitan ni Eris si Kaden at tinapat ang mukha niya sa mukha ni Kaden. "Why?"
"Let's go," sabi ni Kaden at niligpit na ang kanyang gamit. Kaya naman napaligpit na rin si Eris ng kanyang gamit.
Pagkatapos niyon ay nagtungo na sila sa court. They part ways dahil nga may practice sila pareho. Mayamaya'y biglang dumating ang kuya ni Eris dahilan para magsiiritan ang ka-teammates ng dalaga. Hindi naman kasi talaga mapagkakaila na sobrang gwapo si Eris at dagdag pa niyon na siya ang alumni at naging MVP ng school na ito.
"Hello everyone! I am George Mavis Hera and your team coach, nice to meet you."
Hindi maiwasang magulat ang ka-teammates ni Eris at makaramdam ng saya. "Kahit magdamag po tayong mag-practice, Coach, ayos lang! We're inspired!"
"I care about each of you since I'm your coach starting today, so, of course, you'll rest naman. Kapag sobra kasing na-pressure, baka mawala kayo sa momentum."
"Ah!!! Si Coach, pa-fall," sabi ni Ishi.
"So, bago tayo mag-start ng practice, warm up muna kayo then sabihin n'yo sa akin if you're done."
"Yes, Coach!"
Nag-warm up na muna silang lahat dahil iyon ang bilin ni Mavis. Mahalaga kasi ang warm-ups para hindi mabigla ang kanilang mga muscles at ganoon ang usually na ginagawa ng mga atleta bago magsimula sa anumang physical activities. It may cause injury kapag nagkataong hindi that's why warm-ups are very essential when it comes to doing physical activity.
"We're done, Coach," sabi ni Gelay and they line up.
"Show me your abilities," sabi ni Mavis at kinuha niya ang bola. "Hindi lang kayo dapat mag-rely sa kung ano ang positions n'yo ngayon, bagkus ay magsaliksik pa kung ano pa ang maari n'yong gawin sa loob ng court."
Mavis counted and divided them into two groups na para bang paglalaban-labanin silang lahat.
"Choose whatever your position is, as long as you fulfill your roles," sabi ni Mavis. "I'll give you five minutes to decide."
Nagkaroon ang first group na kabilang si Eris ng pagpupulong sa magiging position nila. Si Gelay ay isa sa mga ka-grupo ni Eris at kaniyang position ay setter. Si Ishi naman ang napiling outside hitter pati si Rosie. Si Shie naman ay sa middle blocker at si Felicity ay opposite hitter.
"Eris, middle blocker ka," sabi ni Gelay kay Eris. "Is it okay with you?"
"Sure sure," sabi ni Eris dahil iyon din naman ang position nito noon. "Let's have a plan."
Nag-usap sila ng strategies for getting the point until their time ends.
Pumito si Mavis kaya naman pumunta na sila sa kanilang positions. The game started and the opponent's side possess a ball. That's why both team ready themselves and made strong their defense and offense.
Nakaramdam si Eris ng matinding kaba hindi dahil narito ang kuya nitong si Mavis kundi dahil nakatingin din ang Men's Volleyball Team sa amin.
The game started and they served a ball into Eris' side. After that, Eris received it and passed it on to Ishi and spike it pero nasalo ng kabilang team ang bola. Eris' side's blockers prepared themselves to block it's still on the air because of Yunis who saved it that's why the ball went into Eris' side again and caught Felicity and passed it onto Gelay who turned her head on Eris.
Eris prepared, ran towards the net, jumped high, and spiked the ball hard.
The first point is for Eris' side.
Napatingin si Eris sa lahat at sila ay na-shocked. "That's ace."
Eris looked at the boys at nakaawang ang kanilang mga bibig siguro ay dahil sa gulat nila sa ginawa ng dalaga.
Nagpatuloy sila at naging patas ang laro dahil tie ang dalawang koponan. Lahat ay nag-enjoy sa naging laro at walang anumang competition ang nangyari sa lahat.
Nagpahinga sila at pinaupo ni Mavis sa lapag. "Everyone did their job to play. Chill lang kayo! Wala pa ang DST," sabi ni Mavis dahilan para ang lahat ay mapatawa. "Seriously speaking, I made you guys do this to see what potential you had and I am certainly glad that you guys show the best roles you guys possessed," sabi ni Mavis. "Everyone will go to play in our official games so don't you guys worry. Hindi ako nambabangko ng players kasi lahat kayo ay may kakayahan, kaya deserve n'yo na makalaro," dagdag ni Mavis sabay tumingin kay Eris. "Ayaw kong mangyari sa inyo ang nangyari sa kakilala ko na hindi nabigyan ng pagkakataon nang dahil sa sikat niyang teammate."
Biglang nakaramdam ng kirot sa dibdib si Eris at tila gustong maiyak dahil naalala nito ang nangyari sa kanya noon. Pero ini-compose ni Eris ang sarili niya lalo na't hindi alam ng koponan na ang tinutukoy ni Mavis ay walang iba kundi si Eris. Except Gelay.
"I'll start with the setter," sabi ni Mavis at tumingin kay Gelay at Lyn. "You both do your roles to perform well, iyon ang reason kung bakit kayong dalawa ay karapat-dapat na maging setter. You know how to set a ball sa tamang timing sa hitters."
"Thank you very much, Coach!" sabi ng dalawa.
He nodded and smiled. "Ara, Shie, Rosie, and Je," Mavis called. "You guys are for middle blocker . . . We need your blocking skills and the advantage of your heights Shie, Ara and Rosie will be effective blockers."
"How about me Coach? My height is not desired with a middle blocker position so why did you put me here po? I am a disadvantage," sabi ni Je.
"Nope, I saw your skills at blocking when the rotation turns to you. Your skill at reading the moves and your high jump will be your advantage. Height doesn't define your skills it is how you perform well."
Mavis is very inspiring to his words that's the reason why they motivated to do well. Iyon ang karapat-dapat sa pagiging coach.
"Mariah, and Des, kayo ay sa opposite hitter or right side hitter," sabi ni Mavis. "And Felicity, you are our libero."
Tumingin si Mavis sa mga natira pa which is Eris, Yunis at Ishi. "You both are the outside hitters," sabi ni Mavis kaya napaawang ang bibig ni Eris. I am one of the hitters. "Yunis, ipinakita mo sa amin na hindi ka lang magaling sa depensa kundi na rin sa opensa at sa paano ka pumalo ng bola gayundin ikaw, Eris . . . pinatunayan mo sa amin na ikaw ang ace and not destined to be a middle blocker."
"A-Ace?"
Napatingin si Eris sa kanyang mga ka-teammates at para bang nakaramdam si Eris ng goosebumps dahil sa mga sinasabi na siya raw ang ace at wala raw silang duda roon.
"Pero I'm just 5'1," sabi ni Eris. Maliit iyon kumpara sa mga outside hitters ng ibang schools.
"Oo Eris, kakayanin mo iyon! Sa lakas mong pumalo ng bola, maging taas ng talon ay tiyak na taob sila."
Hindi makapaniwala si Eris sa sinasabi ng kanyang koponan. Bukod sa tinanggap na nila ang dalaga ay siya pa 'yung tinuturing nilang . . . Ace.
"Kung gayon may Ace Queen na tayo," sabi ni Je. "At ang King of course the King of the Court, Kaden."
"I do not doubt that," sabi ni Mavis. "Both of you are great players." He smiled.
Sa pagkakataong ito naiyak na si Eris nang dahil sa sinasabi ng kanyang ka-teammates. "S-Sorry! Hindi ko kasi ineexpect na sobra-sobrang pagtanggap ang binigay n'yo sa akin. Maraming salamat!"
Ngumiti ang lahat at si Gelay ay niyakap si Eris. "Of course, we are a team and we're all friends!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top