PROJECT 4: Meet
NAG-PRACTICE muna sina Eris ng volleyball dahil hindi naman nila puwedeng pabayaan na lamang ang kanilang mga sarili hangga't wala pa silang coach.
After niyon, Eris fixed her things at habang nag-aayos nakita nito 'yung boys sa labas ng locker room na inaasar si Kaden.
"Napapansin ko Kaden ah, lagi mong kasama si Eris," sabi ni Nate—ang kanilang vice captain. "Hindi ko alam pero type mo ba siya?"
"Eris," Kaden called Eris that's the reason why Eris went out to the locker room.
"What do you need?" Eris asked and furrowed her eyebrows.
"Yeah, Seniors, I would like to introduce her. Eris, and my girlfriend," Kaden said and held her hand. Napalaki naman ang mata ng dalaga at pakiramdam niya'y pulang pula na ang pisngi niya. "Be good to her and don't touch my girl, or else I will kill each of you."
"Fine fine, congratulations!" sabi ni Nate sabay umakbay naman si Ione kay Kaden.
"Stay strong sa inyong dalawa," sabi ni Ione, ang kanilang captain. Parang gusto ko na lang na maging patatas nang dahil sa hiya. "Humayo kayo at magpakadami."
"Grabe naman Kuya Ione, masyado ka namang exaggerated!" kontra ni Eris at umirap pa. "Well, thank you for wishing us well, my baby and I will now leave. My brother, Mavis, told me to go home early. Bye!"
"Bye! Ingat ka kay Kaden, Eris, nangangagat iyan," paalala ni Marc sabay tumawa.
"Baka po ako ang mangagat, Kuya Marc!" sabi ni Eris sabay tumawa. Kinuha muna ni Eris ang gamit niya at bago sila umalis ni Kaden, nagpaalam muna ang dalaga sa mga ka-teammates ko.
"Saan ka nakatira?" tanong ni Eris, out of curiousity. Wala kasi siyang dalang bike at maglalakad lang kaming dalawa. It means malapit lang ang kanila.
"Near your house," walang atubiling sagot ni Kaden.
Kaya napaawang ang bibig ni Eris at lumaki ang mata. Mayamaya'y tumigil si Kaden sa tabi ng bahay nina Eris. "As in katabi lang at kapag nasa kwarto ako't nagkakakanta'y tiyak na makikita niya dahil magkaharapan lang kami ng bintana," sabi niya sa kanyang isipan. "Mayroon man kaming business na malaki, mas pinili namin na maging simple ang bahay dahil mas ramdam namin iyon kaysa maging magarbo. Kaya ang pamilya namin dito sa probinsya'y kilala dahil sa mapagbigay namin sa kapwa. Walang halong pagkukunwari, kundi puso at malasakit sa kapwa ang aming gawi."
"Hindi mo naman sinabi na magkapitbahay tayo!" sabi ni Eris at hinampas si Kaden. "May kasama ka ba?"
"Mag-isa lang ako," sagot ni Kaden kaya naman medyo nalumbay si Eris. Isa rin siguro sa factor ng pagiging ilap niya sa tao ay 'yung pagiging mag-isa niya.
"I see," sabi ni Eris. "Paano ba iyan, uuwi muna ako. Puwede naman kitang bisitahin dahil magkatabi lang naman tayo ng bahay. Or through the window na lang! Bye!"
Nagmadali si Eris na umuwi dahil nga kakausapin niya—kasama ang kuya niya, ang kanilang mga parents. Sakto naman na naroon na ang Mama at Papa nila sa salas kaya makakausap na nila ang mga ito.
"Mama, Papa," sabi ni Mavis habang nasa salas at lumuhod. "Gusto ko lamang po na mag-ask ng permission n'yo na maging coach nina Eris. I promised po, to the bottom of my heart na hindi ko rin pababayaan ang ating business," dagdag pa nito.
"Alam n'yo naman po Mama at Papa na kaya po ako lumipat dito ay dahil po sa nangyari sa akin sa dati kong pinasukan," sabi ni Eris at lumuhod na rin. "At ngayon pong may tumanggap na sa akin, wala pong may gustong mag-coach sa amin. Kaya po si Kuya na lang sana dahil may mga experience po siya dito sa hobby ko."
"Kaya po, sana po ay pumayag kayo," dagdag ni Mavis.
Ngumiti naman ang parents nina Eris at pinatayo sila't pinaupo sa couch. "Alam n'yo naman na suportado kami sa inyong dalawa eh! Basta hindi ito makakasama sa inyo," sabi ng Mama nila.
"Saka alam kong responsableng tao ka Mavis, kaya hahayaan kitang mag-coach sa dati mong school."
Napangiti sina Eris at Mavis sabay niyakap ang kanilang parents. "Thank you po! Mama at Papa," sabi naming dalawa.
"Wait, 'yung kapitbahay pala nating binata, papuntahin mo rito sa atin at maghapunan kasama natin," sabi ni Mrs. Hera at tumingin kay Eris. "Bunso, puwede mo ba siyang tawagin?"
"Mama, si Kaden po ba 'yung tinutukoy n'yo?" tanong naman ni Mavis sabay tumingin kay Eris.
"Oo, Kuya," sabi ni Mrs. Hera. "Nabalitaan ko kasi na matagal na pala siyang walang kasama riyan, kaya napag-isipan ko na dito na lang siya maghapunan. Para naman may kasabay na rin siya."
Tumayo si Eris at ngumiti. "Okay po Mama, tatawagin ko na po si Kaden."
Lumabas si Eris at nag-doorbell sa bahay nina Kaden. Mga one minute ay lumabas na si Kaden and he is now wearing his black shirt and shorts.
"Kaden, sa amin ka raw mag-dinner, sabi ni Mama," sabi ni Eris at kinuha ang kamay niya. "Siguro, ang lagi mong kinakain ay mga instant o kaya fast food, kaya tara na, masarap magluto si Mama."
Para hindi siya magpumiglas ay sinara ni Eris ang gate ni Kaden at hinigit ito papunta sa bahay ng dalaga.
Pagkarating ay dumiretso na sila sa dining table. "Oh, ijo, kain ka na!" pag-aaya ni Mr. Hera.
"Upo ka sa tabi ni Eris," sabi ni Mrs. Hera at tinuro ni Eris 'yung uupuan niya kaya umupo na rin siya sa tabi ng dalaga.
Nagtaka naman si Eris dahil hindi kumokontra si Mavis sa kanilang dalawa ni Kaden. Samantalang sa iba kasi, lalo na kay Shinji ay kontra siya at namamagitan pa nga si Kuya.
"Ang weird," Eris said to her mind.
"Kumusta ka na ba ijo?" tanong ni Mrs. Hera. "Pasensya ka na ah, ngayon lang namin ikaw naimbitahan. Kung 'di sinabi ng iba nating kapitbahay na wala kang kasama'y hindi ko pa malalaman," dagdag pa nito. "Huwag ka rin mahihiya ah, kapag kailangan mo ng tulong. Maari mo lang kaming tawagan."
"Maraming salamat po, Tita Gigi," sabi ni Kaden at ngumiti. This time, hindi siya 'yung ngiti na pilit, kundi warm-hearted smile. I like that smile. Sana ngumiti rin siya sa akin kagaya ng ganito. Teka nga . . . how did Kaden know that my mom's nickname is Gigi?
"Balita ko, varsity ka rin ng volleyball sa Raizen, kumusta naman si Eris kung nakikita mo?" tanong naman ng Papa ni Eris kay Kaden.
"She's doing well po at nakikita ko na rin sa kanya 'yung unti-unting pagbabalik ng kanyang confidence bilang isang player. I'm sure na malayo po ang kanyang mararating."
Hindi man siya 'yung pala-imik pero observant siya. Na-flutter naman si Eris sa sinabi ni Kaden. Sana totoo 'yung sinabi niya about me. Nakaka-motivate na mag-move forward pa at mag-improve pa kung may mga taong naniniwala sa akin.
"Actually po, Mama at Papa, pinababantayan ko kay Kaden si Eris at baka magpasaway siya roon," sabi ni Mavis Mavis kaya napapa-pout si Eris. "At saka po, architecture din ang kanyang kinukuha kaya mas madali pong mababantayan ni Kaden si Eris."
"Well that's good to know," sabi ni Mr. Hera.
"Destiny ang right term diyan," sabi ni Mrs. Hera na animo'y kinikilig pa. She's simping me with Kaden.
Hindi naman nakitaan ni Eris ng anumang inis ang kuya niyang si Mavis. Tuwang tuwa pa sa sinasabi ng mama nito.
Nagtataka na tuloy si Eris sa mga inaasal ni Mavis at pati ni Kaden.
Mayamaya'y natapos na ang dinner at nagpadala pa ang Mama ni Eris ng sinigang, kare-kare at leche flan kay Kaden.
Bago siya umalis, kinausap namin si Kuya sa labas ng bahay para hindi marinig nina Mama at Papa ang usapan namin.
"A-Ah, Kuya," I called. Why I'm stuttering?
"The way you look at each other, I know there's something between both of you," sabi ni Mavis. "Kilala ko na si Kaden noon pa and I know him better. Kaya ayos lang sa akin, as long as you . . . Kaden, don't hurt my sister, or else I'll kill you."
"Yes, Senior," sinserong sabi ni Kaden.
Hindi na makasingit pa si Eris sa kanilang mga usapan. Para kasing matutunaw si Eris sa sobrang pag-uumapaw ng nararamdaman ko.
"Ihatid mo na ang jowa mo," sabi ni Mavis sa akin at kumindat sabay umalis.
"Bakit kaagad siyang pumayag gayong mahigpit siya sa akin?" tanong ni Eris sa kanyang isipan.
Sinamahan naman ni Eris si Kaden palabas at sumunod sa kanya papuntang bahay niya. "Pagpasensyahan mo na si Mama ah, para namang nanggaling ka sa handaan dahil sa mga dala-dala mo eh."
"It's okay," Kaden said.
Papasok na sana ito nang biglang hinigit ni Eris ang damit ni Kaden. "Sabay na tayong pumasok bukas at mag-lunch, ako na ang magdadala ng food natin."
Pagkatapos sabihin ni Eris ang mga iyon ay nagmadali na itong umalis hanggang sa makapunta itong kwarto. Sabay sabi nito sa kanyang isipan na, "Kinikilig pa rin ako."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top