PROJECT 1: Baby
"I'M INDEED serious about that, Kaden," sabi ni Eris kay Kaden pero umalis siya sa pagkakatuon dahilan para mapalapag si Eris sa sahig, "napakasama talaga ng ugali mo!"
Kaden did a death glare to Eris. "Kabago-bago mo pa lang dito and you are already messing up with me, stupid," sabi ni Kaden at nagpatuloy sa pagpa-practice.
"Alam n'yo, bagay kayo!" sabi ni Gelay kina Kaden at Eris dahilan para kiligin si Gelay.
Nagtaas baba ang kilay ni Eris. "Tingnan mo, si Captain na ang nagsabing bagay tayo. Gwapo ka, ako naman gorgeous. Maganda tayong nilalang, kaya bagay tayo," sabi ni Eris sabay nag-blink pa ng ilang beses.
Kaden looked so irritated at umirap na lamang ito. Si Eris naman ay napahagikhik sa reaction ni Kaden.
"Ang cute talaga," sabi ni Eris sa kanyang isipan. "O siya, bye-bye na muna ako," sabi ni Eris kina Gelay at Kaden, sabay tumayo sa kanyang puwesto. "Baka naman may pa-good bye kiss ang baby ko?"
"Baby your face," Kaden mocked and continued to play the ball.
"Fine! Fine! Bahala ka riyan, baka mamaya makahanap ako ng ibang baby at hindi na ikaw," sabi ni Eris na may halong pangongonsensya kaya napatingin si Kaden habang nakataas ang isa niyang kilay. "Aba, nagtataray," sabi ng dalaga sa kanyang isipan kaya naman humagikhik ito at nag-peace sign pa. "Just . . . kidding!"
Hindi na lamang pinansin ni Kaden si Eris at umalis na ang dalaga sa gym. "Baka kasi magbardugalan lang kami," she mumbled.
Sa katotohanan niyan, kinikilig si Eris sa reaction ni Kaden. "At least hindi na 'yung usual expression niya ang nakikita ko, kundi inis na," sabi nito sa kanyang isipan.
"Eris!" Napalingon si Eris kay Gelay na tumawag sa kanya. Si Gelay ang team captain ng women's volleyball ng Raizen. "Alam mo ba, ngayon ko lang nakita si Kaden na ganoon. Keep it up! Baka ikaw na ang makapagpabago roon!"
Eris just smiled at her. "Syempre, kino-consider ko 'yung changes niya," sabi ni Eris sa kanyang isipan.
"Sabay na tayong umuwi ah," sabi ni Gelay.
Napakunot ang noo ni Eris sa sinabi ni Gelay at tumingin dito. "Malapit lang ba ang bahay mo sa amin?"
"Yes!" sagot ni Gelay at ngumiti.
Sumagi bigla sa isipan ni Eris ang isang tanong. Nagkaroon siya ng kaba nang dahil doon. "Kaya mo ba ako in-accept sa team ay dahil kay Kuya?"
Umiling si Gelay at ngumiti muli kay Eris. "Nope! At alam ko ang kakayahan mo Eris!" Gelay assured. "Napanood ko 'yung last game mo sa television at ikaw 'yung huling nakapuntos sa match point. Kaya nga nag-champion ang University of the East sa nationals dahil sa service ace mo. In the history of Philippine Volleyball, ikaw pa lamang ang nakitaan ko nang ganoon ka-powerful na service ace. Sobrang galing mo!"
Bigla muli naalala ni Eris ang nangyari noon. Natuwa siya dahil sa service ace na iyon, pero hindi ang ka-miyembro niya noon. Kaya kahit first time iyon, hindi niya mawari kung magkakaroon siya ng kumpiyansa sa sarili o isuko na lamang ang kaniyang pangarap.
"Chamba lang iyon 'no!" sabi ni Eris sabay nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Kapag naalala niya iyon, bumabalik sa kanyang isipan ang unfair treatment sa kanya noon.
"Alam mo may nasagap akong balita na kaya ka nag-quit sa team ay dahil nagalit sila sa 'yo kasi hindi si Bea ang nakakuha ng match point," sabi ni Gelay at hindi na si Eris umalma roon kasi iyon naman ang totoo. Pero hanggang ngayon, mabigat pa rin sa kanyang dibdib ang mga iyon. "Alam mo, nakakainis iyang si Bea! Hinahangaan pa naman siya ng mga fans niya, hindi naman nila alam na makasarili siya at hindi nagbibigay ng chance sa iba."
Hindi na nakaimik pa si Eris sa sinabi ni Gelay dahil totoo naman ang sinabi nito. "Maraming salamat Gelay sa pagbibigay ng pagkakataon sa akin na maging parte n'yo."
"Sus!" Gelay tapped Eris' shoulders. "Ayos lang iyon! Isa pa, kung hindi ka pinahalagahan ng school na iyon, asahan mo na hindi kami ganiyon. Kailangan din ng women's volleyball ng malalakas na miyembro. It's our aim to go to the nationals! Last year ko na rin ito sa Raizen, kaya . . . " Tumigil siya at inabot ang kamay sa langit. "Maabot natin iyon kapag magtutulungan tayo at may isang coach na magtuturo sa atin."
Napatingin si Eris kay Gelay at ngumiti si Gelay na tila iba ang ipinahihiwatig. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Eris.
"Kakapalan ko na ang mukha ko Eris, pero puwede mo bang kausapin ang kuya mo para maging coach natin?" tanong ni Gelay at sa pagkakataong ito, napalitan ang ekspresyon ni Gelay, puno na ito ng kalungkutan. "Aalis na kasi ang coach natin ngayon kasi umayaw na dahil never pa tayong nagcha-champion. Lilipat na siya sa ibang school, kaya mawawalan tayo ng coach. Walang may gustong pumalit, kaya . . . kung puwede sana 'yung kuya mo na lang."
Huminga si Eris ng malalim at pumikit nang mariin sabay bukas ang mata. "Kakausapin ko si Kuya mamaya," sabi ni Eris.
"Thank you talaga Eris!"
PAGKARATING ni Eris sa bahay, dala-dala pa rin nito sa kanyang isipan ang sinabi ni Gelay. Gelay was indeed serious about that earlier. Kaya malaking problema kapag nawalan sila ng coach, dahil ang coach ang siyang magbibigay ng advice kung ano ang gagawin sa loob ng court.
"Georgina!"
That name gives Eris chills down her spine; she knew who that person called Georgina.
"A'ah Kuya! I told you not to call me Georgina!" iritang sabi ni Eris sabay sinamaan nito si Mavis ng tingin.
"How's your day?" tanong ni Mavis kay Eris sabay inakbayan. "By the way, may bisita ka nga pala."
"Sino?" tanong ni Eris.
Dumako ang magkapatid sa salas at nakita ni Eris si Shinji na nakaupong upo na sa couch. "Hey, Geor—"
Pinaltok ni Eris ng sapatos sa mukha si Shinji at iritang sinabing, "Sabing ayaw kong tawagin ako sa first name ko!"
Naiiyak na humimas sa noo si Shinji sabay sinabing, "Sorry naman Eris! Na-miss lang kita!" Kinuha nito ang sapatos ni Eris at inasar pa. "Ang baho ng paa mo Eris! Pero dahil mahal kita, tanggap kita."
"Kapal mo!" sabi ni Eris at inapakan si Shinji.
"Aray ko naman! Mapanakit ka talaga!"
Eris rolled her eyes and said, "Stupid nilalang!" Dumako ang tingin nito sa Kuya Mavis niya. "Kuya, magpapalit lang muna ako ng damit."
"Sure, sure."
Kaagad na nagtungo si Eris sa kwarto nito at mga ilang minuto lamang ay bumaba na rin para kumain ng dinner. Habang nasa hapag, mistulang nagkukuwento si Shinji ng naganap sa teleserye dahil sa marami nitong kuwento at kung paano niya na-miss si Eris.
Shinji Gomez was Eris childhood friend as well as Mavis. He was still playing under Louwi University in Manila. They were the top two university when it comes to men's volleyball at ang nangunguna ay Raizen pa rin. Also kung top 1 ace si Kaden, si Shinji naman ang pumapangalawa.
Si Eris naman ay nagkuwento sa naging experience nito ngayon even though it was her 3rd day in Raizen at sabi pa nito sa kanila ay ipagpapatuloy niya ang architecture kasabay ang paglalaro ng volleyball.
Suportado naman siya ng kaniyang pamilya kaya naman ipagpapatuloy niya ang kaniyang nasimulan.
After nilang kumain, umalis na ang makulit na si Shinji. Ang Mama at Papa naman nina Eris ay magpapahinga na muna raw dahil galing sila sa biyahe. Kaya naman, si Eris at si Mavis ang maghuhugas ng mga tambak na pinggan.
Sa pagkakataong ito, naalala ni Eris ang request ni Gelay sa kanya. Kaya humanap muna si Eris ng courage para magsalita.
"Kuya," Eris called.
"Yep?" he responded. "Why?"
"Kuya, do you consider being a coach since you have much experience as a volleyball player?" sabi ni Eris while washing the dishes.
"Yeah, I consider that, but it depends, Sis. Maraming nag-offer sa akin niyon but I declined," he said and stopped doing his things.
"Why Kuya?" Eris asked.
"I am meticulous and observant when it comes to those people who I will work with," sabi ni Mavis. "Hindi ko nakitaan ng pagpapakumbaba ang team na nag-ooffer sa akin, so I declined," dagdag pa ng kuya niya. "Some of them have too much pride that's the reason why I don't want to work with them, dagdag ko pa na hindi marunong magbigayan sa isa't isa. Yes, everyone aimed to be a number one and what will happen when they become one? Kung sila ang mananalo pero may kahambugan, anong mangyayari? Lalaki lang ang ulo nila at ayaw ko niyon," dagdag niya pa. "Noong naglalaro kami, Coach Rico Sivan taught us first about teamwork and collaboration. You should be connected when you are playing at magagawa lamang iyon kung kilala ang bawat isa't isa. Kung hindi nagmamalaki ang isa. Kung hindi selfish ang isa. Volleyball is a game of teamwork, not individually."
"Coach Rico Sivan? Familiar 'yung Sivan dahil kay Kaden, magkamag-anak ba sila?" Eris asked in her mind.
"Kaya nagiging successful ang isang team ay dahil sa teamwork. Always keep it in mind Eris," dagdag pa ni Mavis. "By the way, why do you ask about coaching?"
Eris stopped washing dishes and said, "Kuya, can you be our coach?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top