ERIS

The moment I saw Kuya Mavis compete and spike the ball, that was the start of becoming like him. 

Naging "Most Valuable Player" siya noon at nakatanggap ng maraming awards sa paglalaro niya ng volleyball. Tinuruan niya rin akong maglaro, natuto ring lumipad kahit walang pakpak at higit sa lahat . . . ipinangako ko sa sarili kong magiging national player ako, balang araw.

Kahit naman hindi ako sobrang husay katulad ng iba, ngunit kung tiyaga ang puhunan, walang imposible sa taong may pangarap.

Pero tumigil na si Kuya na maglaro dahil ipinagpatuloy niya nang mamahala sa aming family business. Hindi na rin siya nagpatuloy na maging national player after college kahit na maraming nag-aalok sa kanya. Ngayon ay isa na siyang ganap na CEO sa aming kumpanya na Hera Apparels and Group of Company.

Kaya naman, ako na lang 'yung nagpatuloy sa journey ng pagiging volleyball player. Although, I insist not, pero masyado akong bine-baby ng aking kuya at gusto niya raw na malaman nilang kuya ko siya ngunit hindi ko na iyon hinayaan pa, para hindi maging unfair sa iba. Knowing Kuya, he will do anything just to make sure that I am okay.

And I always said, "I'm okay" even though I won't. 

Ang unfair din minsan ng mundo—maging mga tao. Kasi minsan hindi sapat ang tiyaga para maging ituring kang mahusay, kailangan pala may power ka, may pera ka.

Palagi akong nababangko dahil hindi ako ganiyon, hindi ko ipinagmalaki ang tunay na ako. Kahit na ganoon, hindi ko mapagkakaila ang kagalingan ni Bea Michaela Belvez, ang team captain namin sa University of the East and she's a top 1 ace when it comes to women's volleyball.

Dito ko lang din naranasan na ipagkumpara.

Naranasan na ibalewala.

One time noong nabigyan ako ng chance na makapalo ng bola, ginawa ko ang best ko para makita nila ang galing ko kaya nagawa ko 'yung hindi inaasahan.

"Woah! Service Ace!" iyon ang mga namutawi sa bibig ng mga manonood.

Sa unang pagkakataon, napahiyaw ako nang dahil sa ginawa ko. Hindi ko maiwasan na tumingin sa crowd para makita ang kanilang reaksyon. And someone caught my attention. Ito ay naka-maroon na jacket, he's looking at me pero hindi malinaw ang kaniyang mukha. Dahil siguro sa layo namin sa isa't isa. Hinayaan ko na lamang iyon at tumingin sa aking kamay na nanginginig. That was my first time.

Unang pagkakataong nahawakan ko ang bola sa official game dito sa court at ito ang ginawa ko-ang service ace.

Naghiyawan ang crowd nang dahil sa aking ginawa dahil ang service ace na iyon ay match point at kami ang nanalo. Ako ang nakagawa ng huling puntos sa aming koponan.

Pero hindi iyon ikinatuwa ng aking kamiyembro. Pinag-initan nila ako habang nasa bench kami. Sinusumbatan na hindi naman ako magaling, substitute player lang ako at isa sa pinakamasakit, maganda lang ako. Natulala ako at napatingin sa sahig.

Dapat daw ay si Bea ang huling puntos at hindi ako.

Kaya naman nasaktan ako. Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa dahil magmumukha akong mahina sa harap nila.

Kaya ginawa ko ang desisyon na makapagbibigay sa akin ng peace, 'yung kapayapaan na kailanman ay hindi nila mabibigay sa akin. Siguro, ito na 'yung sign ko na mula kay Lord. Ito na 'yung moment na kinakailangan ko naman na palayain ang sarili ko mula sa ganitong sitwasyon. Habang natagal kasi, bumibigat ang pakiramdam ko na nagiging dahilan para gusto ko na lamang maglaho sa mundo.

"Sorry po, but I will leave the team. Thank you for letting me be part of you."

At tuluyan na akong kumalas dahil sa pagiging unfair nila sa akin.

The University of the East, you were once my dream school pero . . . binigo mo ako.

As I reminiscing that moment, bumibigat na naman ang loob ko. "Are you okay Eris?" tanong ni Kuya Mavis sa akin habang hinahatid ako sa school, ang alma mater ng aking kuya. My parents decided that they will transfer me here in Raizen University.

Raizen University, a word of rise is in you na kung saan bangon sa Filipino. Sana makamtan ko sa school na ito ang pangarap kong maging national player ng Pilipinas.

Pagkarating ko sa volleyball court, nadatnan ko na nagmomop 'yung babae na nasa tancha ko ay 6'1 ang height at mahaba ang buhok nito. "Uhm, Miss . . . available pa po ba ang women's volleyball para po sa new players?"

Tumingin ito sa akin at bahagya pang nanlaki ang mata, sabay iniwan ang mop at nagtungo sa akin.

"Oo naman!" sabi nito at kinamayan pa ako nang buong giliw. "Kaunti lang ang players natin mga nasa walo pa lang at ikaw ang pang-siyam!" dagdag pa nito. "By the way, I'm Angelica Cruz, Raizen University Women's Volleyball team captain, you can call me Gelay. Nice meeting you in person, Georgina Eris Hera!"

I was surprised when she recognized me at para hindi maging awkward, ngumiti ako rito. "How did you know?"

"Because I idolize George Mavis Hera, your brother, and look for his family members and I saw you! Finally! Nakita na rin kita in person! Sobrang galing ng service mo! Para kang ace kung mag-serve!"

Na-flutter ang puso ko nang dahil doon kaya naman hindi ko maiwasang mapaiyak.

"Huh? May ginawa ba ako? Sorry!" sabi nito at pinatahan ako. "Basta . . . kahit anong mangyari, tanggap ka namin. Kaya huwag ka nang umiyak!"

Pagkatapos ng araw na pagsali ko sa volleyball club ng Raizen, na-encourage ako at araw-araw akong nag-practice. Hanggang sa makaabot ako ng third day, excited na magtungo sa gym para mag-practice. Naghanap ako ng bola sa stock room pero walang available.

Mayamaya'y bigla akong nakarinig ng pagtalbog ng bola kaya lumabas ako. Damn, my classmate-crush . . . Kaden Ryves Sivan.

Lumapit ako at sinabing, "Puwede ba akong makahiram din ng bola?"

He ignored me and continued to practice. Napakunot ang noo ko. "Ang damot mo naman!"

"What's the matter?" Gelay asked na kapapasok pa lang.

"Ayaw kasing magpahiram ng bola ng volleyball eh!" sabi ko. Kahit pa siya ay crush ko, hindi ko siya sasantuhin.

"Kaden, pahiramin mo na, please!" pakikiusap ni Gelay.

Pero hindi niya binibigay at sinabi pang, "Kumuha ka sa storage room, stupid."

Nag-init ang ulo ko. "Kaya nga nanghihiram kasi wala!" Kaya naman pinuwersa kong kuhanin ang bola dahilan para mapatumba kaming dalawa sa sahig.

Nasa itaas niya ako habang siya naman ay natutuunan ko. We looked at each other. Indeed. Pagkapasok ko pa lamang dito, naging crush ko na siya. He's indeed handsome and talented. Pero may pagka-arogante siya kaya kami humantong sa ganito.

He piqued my interest kaya gusto kong mabago ang ugali niya dahil ayon sa aking mga ka-teammates, sobrang sungit niya't arogante.

"Hmmn, sige, iyo na ang bola but I will make you a deal," sabi ko sa kanya. "I will make you fall in love with me in six months."

He looked at me and for the first time kong nakita, nabasag 'yung cold expression niya't napalitan ng confusion. Grabe na talaga ang charm ko.

And that was the start of my PROJECT . . . Aishiteru with one and only Great Ace, MVP sa overall colleges and top 1 ace na si Kaden Ryves Sivan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top