XI
pristine || anthon (english narrative) || Dillan
•••
"Anthon?"
Isang minuto pa ang lumipas nang wala talagang nagsalita pa. Ibinaba ko na ang telepono sa kadahilanang nagulangang ako sa kakaibang pangyayari at ayokong umasa na siya nga ang nasa kabilang linya. Maaaring nagkamali lamang ng numerong pinindot ang tumawag, maaari ring nantitrip lang.
Pumunta ako sa kusina upang maghanda ng inumin. Tsaa ba o kape? Juice? Hindi ako mapakali. "Tubig na nga lang." Nakakatatlong baso na ko at nabubusog na, hindi naman tama 'to kaso wala pa rin naman akong gana maghanap o magluto ng pagkain. Sino nga ba talaga yung tumawag? Kumusta na kaya si Anthon? Anthon nanaman. Ano ba Pristine!!
"Ugh! Stop this," bulyaw ko na lang sa sarili ko. Gusto ko na lang maglupasay at makita siyang muli hay nako!!!!
Bumalik ako sa kwarto, dinampot ko yung telepono at tinignan ang recent call logs, hindi pamilyar ang numero....tatawagan ko ba?
"Pristine, hey? Are you ok? What's wrong? I knocked but you didn't...." Nagulat ako sa biglang pagdating ni Dillan at nabitawan ko yung telepono. Tinignan ko lamang siya dahil ayokong magmukhang tanga sa masasabi ko, hindi ko rin naman sigurado kung siya nga ba yung tumawag. "Wala naman, sorry. Why are you here? You just brought me here," nag-aalangan pa siya. "Ano nga?"
Lumapit siya sa akin at kinuha ang telepono na hindi ko pa pinupulot mula sa sahig. "Look, if he's ready to talk to you, he will. Trust me. He cares too much to leave you behind and forget about you."
Huminga akong malalim at pabirong sinuntok siya sa kaliwang braso, "sabi mo eh."
Sana nga tama si Dillan.
Hindi ko kayang kalimutan na lang nang ganoon si Anthon lalo na kung iniligtas niya ang buhay ko sa panganib.
Isa pa, napapalapit na ako sa mga kapatid niya. Ayoko namang maging isang alaala lang sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top