VII
pristine || anthon (english narrative) || Reese/Dillan/Don
•••
"You have to--" hindi ko na siya pinakinggan at inapakan ang gasolina sa sasakyan, pabilis nang pabilis ang takbo ng sasakyan niya ngunit kinakabahan ako, hindi naman ako nagpaalam sa kanya at mukhang nabigla ko siya pero pagtingin ko sa kanya, ayos naman siya at preskong-presko ang pagkakaupo sa shotgun seat. "Sabi ko nga eh, sanay ka sa ganito," tumango lang siya at may ngiti sa kanyang mga labi akong napansin.
"Go here." Nagbigay siya ng direksyon, sabi ni Anthon sa lugar na yun walang masyadong ibang sasakyan at siguradong walang makakahuli sa amin, "are you worried we'd get caught?" umiling siya, "eh ano?" mukhang wala siyang balak sumagot kaya nung hahayaan ko na sana nagulat ako sa pagsinghal niya, "just drive." Ang sungit talaga nito.
-
Gusto ko lumayo, makalayo....maalis sa lugar na pamilya na pamilyar na ako't makaranas ng kakaiba sa buhay ko pero hindi ko naman akalain na sa pagkakabunggo ko lang dahil sa pagmamadali ko sa pagpasok ay magiging komplikado ang lahat at mag-iiba mismo ang takbo ng buhay ko. Hindi ko alam paano intindihin ang lahat, hindi ko ma-proseso. Ngunit ano nga bang mas kinakatakot ko; ang mga pagbabago sa buhay ko o ang mapalapit ako sa taong 'to? Nagpapanggap na kaming may relasyon, kilala na ako ng mga kapatid niya, kilala na siya ng best friend ko, ano ba 'to?
Nakailang ikot na rin ako sa lugar na tinuro niya, tama nga siya at walang masyadong sasakyan o tao. Iilan pa lang ang nakasalubong namin sa daan at sa pang-ilang ikot ko na ng sasakyan niya ay wala na akong nakikitang ibang sasakyan ngayon, anong oras na ba? Magda-dalawang oras na pala at ang bilis pa rin ng takbo ko. Unti-unti kong binagalan hanggang sa pwede akong huminto, pinili ko yung isang dulo na may mauupuan sa gilid, mapuno sa kabilang banda, asaan ba kami?
"Hey, thought you wanted to get away from all the chaos? Why does it look like you have a greater chaos in your head?" Tama siya.
-
We stopped....well she stopped driving and I asked her to get out of the car and sit on the bench. I don't know why I get so worried about her, she could be a casualty like many other in the field and course of my life but why do I care so much? Looks like she's not the only one with a great chaos in her head.
"I'll go somewhere and you have to stay here, someone will look after you and be your shadow."
"Where are you going? Will I be safe?"
She'll be safer away from me. I'll be too. "You will be. You've been in this mess because of me, I'm sorry, it's better to part ways now."
-
Bakit parang nasaktan ako nung nagpaalam siya? Bakit biglaan? Bakit kailangang masaktan ako?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top