VI
pristine || anthon (english narrative) || Reese/Dillan/Don
•••
Tumawa ako nang pagkalakas-lakas nung nakita ko na nagulat din siya sa pagkahulog niya, hindi ko aakalain na mahuhulog pala siya, "you have the nerve to laugh at me?" Ang sungit naman, agang-aga. "I didn't mean that."
"Uhm hello? Hello? Hello....! Andito pa po ako? I'm Reese! Kuya Anthon's beautiful sister. I'm guessing you're the other Ris? Kuya's girlfriend? I made breakfast, come on and let's have a chat."
Tinapik na ko ni Anthon dahil mukha akong tanga na nakanganga. Nakakagulat ba naman, ang bilis niya kayang nagsalita at saktong gutom ako at ang tanging naintindihan ko sa sinabi niya ay ang salitang breakfast. "Let's go." Sinundan ko na si Anthon pero napatigil ako kasi...galing din siya sa kwarto ko..ibig sabihin, hinila ko siya sa siko, "wait, you selpt in the same room?! in the bed?!" Halata na irita na talaga siya, "don't shout, I didn't mean to, I fell asleep and obviously I didn't touch you." Hindi ko alam kung dapat ba akong maapektuhan na wala nga naman talagang kakaiba o ipagsawalang bahala ko na lang yung tono ng pananalita niya na parang hindi naman ako kaaya-ayang kasama matulog. Hmp! Kapal.
-
Sa hapagkainan nakalatag ang tatlong ulam at sinangag. "Food smells good," bati ko kay Reese na ngayon ko lang napagtanto na kapatid ni Anthon, so tatlo silang magkakapatid? "Yes po! Tatlo kaming magkakapatid." Aaahhh nasabi ko pala.
Kain lang ako nang kain kasi gutom talaga ako, hindi naman ako nakapaghapunan nang maayos kagabi at tanging chichirya ang kinain. Ang sarap din nitong spam, hotdog, at itlog. Naunang matapos kumain sina Anthon at Reese at bahagyang lumabas papunta sa sala. Ang sarap-sarap naman talaga nito... "Babye ate Pristine!" Ubo-ubo na ako sa gulat grabe naman. "Oops sorry, mataas talaga boses ko. Here, drink some water." Agad kong kinuha ang basong iniabot niya at talagang napalagok ako ng tubig. "Saan ka pupunta?" Ngumiti siya at nagpaalam na, susunduin pala siya ni Dillan kasi hindi rin naman siya pwedeng manatili muna rito upang maging ligtas dahil nga nagiging komplikado ang mga bagay-bagay. Sinabi kaya ni Anthon sa kanya ang lahat? Muntik na akong mainggit dahil siya may mga kuya na nagbabantay sa kanya pero buti na lang naalala ko na hindi naman dapat ako mainggit kasi alam ko na binabantayan din naman ako ng kapatid ko, mula sa langit nga lang.
"After you finish eating, get ready because we nerd to go somewhere." Um-oo na lang ako at tinapos na rin agad ang pagkain.
-
Pinaharurot niya ang sasakyan pero sa hindi malamang dahilan hindi ako natatakot. Dahil ba siya ang nagmamaneho at kasama ko siya? Parang may kung ano sa diwa ko na nabuhayan nung makawala kami sa kalsada. "Are you enjoying this?" Hindi ko alam anong isasagot, may kung anong kislap din sa mga mata niya. "Where are we going?" At bigla na lang siyang naging tensyonado, parang may nagbago rin sa loob ng sasakyan. Hindi ko na pipilitin, basta ang alam ko gusto ko ring magmaneho ng ganito.
Inihinto niya ang sasakyan at bumaba kami sa may isang abandonadong gusali. "I have to talk to Dillan and someone else, I need you to come with me so no one will see you out here just in case but....don't ever talk to the other guy." Hindi ko na alam yung nangyayari kaya tumango na lang ako. Hinawakan niya ang kamay ko at sumunod na lang ako, ngayon kinakaban na ako...nakikita ko sa gilid ng mga mata ko na tensyonado pa rin siya. Pumasok kami sa elevator at pinindot niya ang papunta sa ikalimang lapag ng gusali, pinakatuktok 'to kung hindi isasama yung mala-roofdeck na ibabaw. Pagbukas ng pinto ng elevator, nakita naman si Dillan ngunit parang nagtatago siya, akala ko ba may isa pa? "He's back there. Are you sure you don't want me to come?" Umiling si Anthon. "Stay hidden somewhere near, it's for the best that he doesn't see you," at dumiretso na kami sa may bandang dulo nung lapag at kumatok sa isang pinto.
Bumukas ito at napasinghap ako dahil may nakatutok na agad na baril sa mukha ko. "That's not nice. Drop it or I'd have to break your hand." Kapansin-pansin pag pagkontrol ni Anthon sa pasenysa niya at yung kabog ng puso ko? Todo na. Ito ba yung kakausapin niya? "Relax A." Ibinaba naman nung lalaki yung baril pero alerto pa rin ang stansa niya. "Why did you do it Don?"
Tahimik ang lahat, madumi yung kwarto, naghihintayan silang dalawa at biglang tumawa yung Don. "Sold my skills, I got to practice and paid, it was a bonus that it was something about taking you down." Bigla nanaman niyang iniakma na itutok sa akin ang baril pero hinawakan ni Anthon ang kamay niya at binali ito. "I'm faster than you." Sinabihan niya ako na tumalikod at sinunod ko dahil alam ko na ang mangyayari at pumutok na ang baril, pagtingin ko nakabulagta na lang yung lalaki at agad akong pinalabas ni Anthon. "Sorry you needed to see that." Sumigaw ako ng sobrang lakas. Kailangan ba talaga niyang patayin yung tao? Siya ba yung bumabaril sa amin kahapon? Mukhang sanay siya? Sino ka ba Anthon? Ano ba talagang....at bago pa ako makapag-isip ng isa pang tanong, may limang lalaki ang lumabas sa elevator, pababa na sana kami pero humarang sila. "Fuck." At nagkaroon na nga ng palitan ng mga putok, hindi ko alam ang gagawin ko o saan pupunta kaya habang nagpapalitan sila naglakad lang ako ng onti para umatras, walang haharang sa akin. May isang kalaban na nabaril sa mismong gitna ng ulo, asintadong-asintado. Sino ba sila?
May papalapit na isa sa akin at nakatutok na ang baril niya, kinasa niya ito sabay lapit sa mukha ko, hindi ko naproseso yung ginagawa ko basta nabuhayan ako at sinubukan ko na agawin yung baril, mas malakas siya, sinuntok niya ako sa sikmura. "Ack!" Napahiga ako pero bago pa siya makalapit masyado, tinusid ko siya at napahiga siya. Sinigaw ni Anthon ang pangalan ko, papalapit na siya at nung sigurado niyang asintado na, pinaputok niya na at bago pa ako mabaril nung kalaban ay pumutok na ang ulo nito....yung dugo lumapat sa damit ko...may isang kalaban na papalapit likod ni Anthon, kinuha ko yung baril nung napatay ni Anthon na balak akong barilin kanina at...at.... *BANG*
"I-I..I shot him."
Bumulagta sa likod ni Anthon yung lalaki at bigla ko nabitawan yung baril, para akong nanghihina, inalalayan ako ni Anthon pabalik sa may sasakyan. "Not bad," bati ni Dillan. Hindi pa rin ako makapaniwala na matapos ang labanan kanina, na matapos ang ilang araw na may labang buhay ang kapalit, nakabaril na ko... Ano ba to'ng napasok ko?
Nagpaalam na si Dillan at Anthon sa isa't-isa at pinaalalahan ni Anthon si Dillan na mag-ingat, kumuha si Anthon sa likod ng kotse niya ng isang bag at binuksan ito. "Of course you have spare clothes there." Obvious naman na hindi bago sa kanya ang ganitong pangyayari. "Teach me how to drive..that fast." Hindi ko alam bakit yun ang sinabi ko pagkapasok na pagkapasok namin ng sasakyan. Tiningnan niya ako at nanlalaki ang mata niya, mukhang kalmado na siya at naproseso niya na ang sinabi ko. Ngunit ang tanging sinabi niya lang ay "why?"
Hindi ko alam anong isasagot. Bumuka at tumikom ang bibig ko ng ilang beses. Pristine bakit?
"The speed. I need it. Everything is in chaos."
Tumango siya at hinawakan ang kamay ko. "Sorry."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top